You are on page 1of 2

PANUKALA SA PAGKONTROL SA MGA LIGAW NA ASO SA LANSANGAN

Mula kay M.JC.P


13-432 Tayud, Liloan, Cebu
Barangay Tayud
Ika-3 ng Oktubre, 2020
Haba ng Panahong Gugulin: Isang buwan at kalahati
I. Pagpapahayag ng Suliranin
Hindi nawawala sa Pilipinas ang mga ligaw na aso sa bawat sulok ng eskinita, bagkus ito na
ay naging karaniwan sa isang pamayanan ng bansa. Lingid sa ating kaalaman ito ay nagdudulot
ng malaking problema kapag hindi natin ito aaksyonan. Kung kaya upang maiwasan ito,
kinakailangan ito gawin ng Barangay Tayud at maging huwaran sa ibang barangay kapag ito ay
isasagawa upang makatulong sa tamang pagdedesisiyon ng tao bago mag-alaga ng aso dahil sa
kaakibat na responsibilidad nito.
Isa sa suliranin ng mga ligaw na aso ay pinapabayaan sila bagkus naghahanap sila ng
pagkain sa basurahan na gumagawa ng kalat at dumudumi din sila kahit saan. Sa madaling salita,
sila ay suliranin sa kalinisan sa isang lugar. Gumagawa sila ng ingay sa pamamagitan ng pagtahol
na nagdudulot ng noise pollution pati na rin ang paggala nila sa kalsada na maaari maging dahilan
ng aksidente. Sa kadahilanang walang nag-aaruga sa mga ligaw na aso, sila ay minsan nagiging
agresibo sa mga tao kung kaya marami ng kaso ang nakagat ng aso lalo na sa mga bata at
nakagat sa walang kadahilanan dahil na rin sa takot at gutom ng aso.

II. Layunin
Kailangan makontrol ang pagdami ng mga ligaw na aso sa kalsada upang matiyak ang
kalinisan at mapayang komunidad, at para maging responsable din ang tao sa pag-alaga ng
hayop. Sa pamamagitan ng pagdakip ng pagala-galang aso at pag-euthanasia nila. Pagpapatibay
ng R.A 9482 o Anti-Rabies Act ng 2007 kung saan bawat may-ari ng aso ay kinailangang
mapabakunahan ang kanilang alaga isang beses sa isang taon at kinailangang itali ito upang
hindi ito pagala-gala. Mapapatibay ito sa pamamagitan ng mahigpit na pag-monitor ng opisyal ng
barangay sa bawat taong nag-aalaga ng aso na kinailangang na-neuter ito, pagbakuna ng anti-
rabies at pagsiguradong nasa sakop lamang ng bahay ang aso na nabibigyan ng kinakailangan
nito at pagbibigay ng multa sa taong lalabag.

III. Plano ng Dapat Gawin


1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (7 araw)
2. Pag-papahayag sa tao ng komunidad ang proyektong isasagawa (2 araw)
➢ magsisilbing rin babala sa mga taong nag-mamayari ng aso upang hindi
madakip ang kanilang alaga sa araw na isasagawa ang proyekto.
3. Pag-kontak ng Department of Veterinary Services City Pound at pag-pulong sa
pagdakip at pag-euthanasia sa asong walang nag-mamayari (3 ling)
4. Pag-neuter sa mga aso at pusa ng libre. (2 araw)
5. Pag-bisita at pag-monitor ng bawat tahanan (7 araw)
➢ Ang opisyal ng barangay ang susuri sa bawat tahanan kung sinunod ba
ang patnubay ng proyekto at pagtala ng bilang ng alaga sa isang tahanan.
6. Pagtalaga ng taong magsagawa ng taunang monitor sa barangay.(1 araw)

IV. Badyet
Mga Gastusin Halaga
1. Pagpa-euthanasia sa mga aso. Php 300,000.00
2. Pag-neuter sa mga aso at pusa. Php 1,275,000.00
Kabuoang Halaga Php 1,575,000.00

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito


Malaking tulong ito sa pamayanan na makontrol ang bilang ng aso na nasa kalye at
nagbibigay pagkakataon sa mga tao na ma-neuter ang kanilang mga alaga ng libre upang
malimitahan ang pagdami nila. Ang aksiyong ito ay magsisilbing unang hakbang sa pagpuksa ng
di matigilang pagdami ng aso sa kalye at upang maging responsable ang bawat tao dahil sa
istriktong pamamalakad ng barangay. Ang makikinabang sa proyektong ito ay ang mga bata,
komunidad na maging malinis at matiwasay, ang tahanan at ang aso mismo na ma-aruga siya.
Magkaroon din ng kita ang mga beterinaryo at ang mga tao na nasa city pound. Natitiyak ng
proyektong ito na bababa ang porsyento ng palaboy na aso sa kalye at maiwasan ang rabies
dala nila.

You might also like