You are on page 1of 1

DEVELOPED BY SCHOOLS DIVISION OF SOUTH COTABATO

Pangalan _________________________________ Baitang at Pangkat: _________________ Iskor: _______


Paaralan: _________________________________ Guro : __________________________Asignatura: ESP 7
Manunulat: Lea P. De Juan___________________ Tagasuri : Lorelie C. Salinas at Romar A. Mending______
Paksa: Ang Pangarap at Mithiin (Quarter 4, Week 1, LAS 3)
Layunin: NaipaliLiwanag ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasiya sa uri ng buhay (EsP7PB-
IVc-14.1)
a. Napapahalagahan ang mga sariling pangarap at mithiin sa buhay.
Sanggunian: Miranda et al.2017. Edukasyon sa Pagpapakatao 7- Mga Modyul para sa Mag-aaral. Makati City,
Philippines: FEP Printing Corporation, pp. 275-276
Nilalaman

Sariling Pangarap at Mithiin papahalagahan…..

Bakit kinakailangan ang makabuluhang pagpapasiya sa landas na dapat tahakin? Paano mo


pahalagahan ang pangarap at mga mithiin sa buhay? Ang pagpapahalaga rito ay kaakibat ang indibidwal na
katangian upang mananatiling buhay at may pukos sa pagtupad nito sa itinatakdang panahon.

Ang pagtatakda ng mithiin ay dapat isaalang-alang din ito na may hangganan: pangmadalian at
pangmatagalan. Ang pangmadaliang mithiin (short-term goal) ay maaaring makuha o mangyari agad (isang
araw, linggo, buwan o ilang taon) at ang pangmatagalang mithiin (long-term goal)ay makuha o mangyari sa
matagal na panahon(isang semester, isang taon, 4 na taon o higit pa). Ito ay makabuluhan at makahulugang
mithiin. Ang pagkamit nito ay para sa may matayog na pangarap at matagal pa bago makamtan. Ngunit, sa
katagalan ng panahon na ginugol mo sa pag-abot nito ay maaaring panghinaan ka ng loob at mawawala ang
pag-asang makakamit ito.Makakatulong ang pagkakaroon ng kakailanganing mithiin (enabling goal) isang uri
ng pangmadaliang mithiin upang magagamit panukat sa paggalaw tungo sa pag-abot ng pangmatagalang
mithiin.

Halimbawa:

Si Kathlene ay nasa ikapitong baitang ngayon at balak niyang maging isang magaling na abogado
upang makapagtrabaho sa Korte Suprema. Alam niyang matatagalan pa bago mangyari ang kaniyang nais.
Upang hindi siya mawala sa pukos kinakailangang taglayin niya ang mga katangiang makakatulong sa pag-
abot nito, kagaya nang; maging magaling sa lahat na asignatura, may positibong pananaw, determinasyon,
tibay at lakas ng loob at marami pang iba. Bilang gabay, gumawa rin siya ng kakailanganing mithiin o (enabling
goals), ang bawat hagdan ay tinatawag niyang tagumpay na mithiin kung ito ay maisasakatuparan na. Ito ang
maging inspirasyon niya para makausad sa susunod pang mga hakbang.

Magtatrabaho sa
Korte Suprema
Ganap na
Abogado
Ipapasa ang
BAR Exam
Magtatapos ng
Kursong Abogasya
Magtatapos ng
kursong
Political Science
Magtatapos ng
Senior High School
Magtatapos ng
Junior High School

Gawain: Pangarap ko buhay ko…..

Gumawa ng sariling kakailanganing mithiin upang maisakatuparan ang iyong pangarap gamit ang
Ladder Web. 10 puntos.

You might also like