You are on page 1of 19

10

Araling Panlipunan
:

Kaligiran at Katangian ng mga Isyu at


Hamong Panlipunan

Self-Learning Module

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”

DIVISION OF BACOLOD CITY


Copyright Page
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 1: Kaligiran at Katangian ng mga Isyu at Hamong
Panlipunan
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not
represent nor claim ownership over them.

Developed by the Department of Education – SDO Bacolod City


SDS Gladys Amylaine D. Sales, CESO VI
ASDS Michell L. Acoyong, CESO VI

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Nerelia L. Alpon
Mga Editor: Renmin Etabag, Joy A. Rullan
Tagasuri: Pinky Pamela S. Guanzon
Tagaguhit: Mary Grace N. Prologo
Tagalapat: Luna Lou D. Beatingo
Tagapamahala:
Janalyn B. Navarro
Pinky Pamela S. Guanzon
Ellen G. De La Cruz
Ari Joefed Solemne L. Iso

Printed in the Philippines by

Department of Education – Region VI – Division of Bacolod City

Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100


Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

ii
10
Araling Panlipunan
Kaligiran at Katangian ng mga
Isyu at Hamong Panlipunan

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from the Public Schools in the Division of Bacolod City.

iii
Paunang Mensahe

Para sa Tagapagdaloy
Ang materyal na ito ay masusing inihanda upang magabayan ang mga
mag-aaral na matuto gamit ang mga proseso at gawaing kapakipakinabang na
maaring gabayan ng mga magulang at nakatatandang mga indibidwal.
Pinaalalahanan ang mga mag-aaral na gumamit ng hiwalay na sagutang papel sa
pagsagot sa pauna, pansarili at panapos na pagtataya.
Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay magiging gabay mo upang matamo ang kasanayan sa


iyong pagkatuto. Babasahin mo ang bawat aralin at sasagutin ang mga katanungang
inihanda. Susubukin mo rin na gawin ang bawat gawaing inihanda mula sa modyul
na ito. Ang gawain ay mula sa topikong tungkol sa kaligiran at katangian ng mga
isyu at hamong panlipunan kung saan nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral nito.

Makikita rin dito ang iba’t ibang lebel ng modyul tulad ng Aalamin Ko, Susuriin Ko,
Pag-aaralan Ko, Gagawin Ko, Tatandaan Ko, Isasabuhay Ko at Susubukin Ko.
Sa bahaging:

Bahagi ng modyul kung saan


Aalamin Ko
ipinapakilala ang learning competency
na dapat matutuhan sa araling ito.
Napapaloob dito ang ibat-ibang
Susuriin Ko pagsasanay na nagsisilbing pre-test at
balik-aral sa nakaraang leksiyon.
Napapaloob dito ang mga araling dapat
Pag-aaralan Ko mong matutunan.

Napapaloob dito ang ibat iba at


Gagawin Ko karagdagang gawain tungkol sa aralin.

Napapaloob dito ang mga aralin na


Tatandaan Ko maging gabay para magawa at
masagutan ang mga pagsasanay.
Nasusuri ang iyong kakayahan sa mga
Isasabuhay Ko natutunang aralin upang matamo ang
pamantayan sa pagganap.
Napapaloob dito ang iba’t ibang uri ng
Susubukin Ko pagsusulit na angkop sa aralin.

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.

iv
Unang Araling Panlipunan 10
Linggo Unang Markahan-Modyul 1

Pamantayan sa Pagkatuto:
• Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

Aalamin Ko

Ang lipunan kung saan ikaw ay kabahagi ay kasalukuyang nasa harap ng isang
pandemya. Ang COVID-19 ay isa lamang sa mga suliraning kinakaharap ng ating
lipunan. Sa iyong pagmamasid sa mga pangyayari sa kasalukuyan, ano-anong mga
problema ang iyong nakita? Apektado ka ba ng mga isyu at suliraning ito?
Sa panimulang aralin na ito ay mauunawaan mo ang mga sanhi at bunga ng
mga isyu at hamong nararanasan sa lipunan. Mahalagang maunawaan mo ito upang
ikaw ay maging bahagi ng mga pagkilos at pagtugon sa mga isyu at hamong ito. Hindi
lamang mga namumuno sa pamahalaan at ng mga pangkat na nagsusulong ng
kanilang adhikain ang may tungkulin. Bilang isang mag-aaral at kabahagi ng lipunang
iyong ginagalawan inaasahang masasagot mo ang tanong na: Paano ka makatutulong
sa pagtugon sa iba’t ibang isyu at hamong panlipunan?
Upang maging lubos ang iyong pagkaalam sa mga isyu at hamong panlipunang
nararanasan sa kasalukuyan, mahalaga na maunawaan mo muna ang lipunan na iyong
ginagalawan. Makakatulong ito sa pagtingin mo ng obhektibo sa mga isyu at hamong
panlipunan.

1
Susuriin Ko

Panuto: Suriin mo at sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng
iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin.

1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang


organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
A. Bansa
B. Komunidad
C. Lipunan
D. Organisasyon

2. Ang social distancing ay isa sa mga hakbang upang naiwasan ang paglaganap
ng COVID-19. Sa kabila nito, isang prosesyong upang ipagdiwang ang isang
kapistahan ang naganap sa ilang barangay sa Cebu kung saan dinumog ng mga
tao. Mahigit sampung organizers kabilang ang Barangay Chairman sa maaaring
mahaharap sa kaso. Ano ang ipinapahiwatig ng pangyayaring tungkol sa mga
isyung panlipunan?
A. Nagpapakita ito ng pananampalataya ng Pilipino sa kabila ng pandemya
B. Karaniwang kaugnay ng krisis ng nga institusyon ng lipunan ang isyung
panlipunan
C. Ang Barangay Chairman ay kumikilala sa paghihiwalay ng simbahan at
estado
D. Ang kultura at tradisyon ay magpapatuloy sa kabila ng mga pagbabago sa
lipunan

3. Malaking badyet ang inilaan ng pamahalaan para sa mga nawalan ng trabaho sa


panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ). Naging talamak ang
pang-aabuso sa programang ito na kung tawagin ay Social Amelioration
Program (SAP). Alin sa mga sumusunod ang isyung personal may kaugnayan sa
SAP?
A. May mga hindi karapat-dapat na nakatanggap ng benepisyong nito.
B. Hindi nasunod ang social distancing sa ilang lugar sa panahon ng
pamamahagi nito
C. Ginamit ng iilan sa luho o kagustuhan lamang ang benepisyong
natanggap
D. May mga umiiral na palakasan system sa pagpili ng mga makakatanggap
ng SAP

2
4. Sa anong institusyon ng lipunan pangunahing nakasalalay ang pagsunod sa
curfew at pananatili sa loob ng bahay ng mga kabataang gumagala sa
komunidad?
A. Ekonomiya, dahil ang mga pisonet ay bahagi ng kabuhayan sa lipunan
B. Pamilya, dahil dito unang hinuhubog ang disiplina at pagsunod sa batas
C. Pamahalaan, dahil ang mga pulis at tanod ang nararapat magpatupad ng
curfew
D. Paaralan, dahil tungkulin nito na ituro sa mga mamamayan ang pagsunod
sa batas

5. Naaapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante dulot ng COVID-19. Alin sa


mga sumusunod ang nagpapakita ng aktibong pagharap sa krisis?
A. Ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan iba’t ibang learning
modalities
B. Hihinto at tutulungan na lamang ang mga magulang sa
paghahanapbuhay
C. Paghingi ng makabagong gadgets sa mga magulang upang magamit sa
pag-aaral
D. Hintayin ang panahon na bumalik sa dating normal na pamumuhay.

Pag-aaralan Ko
Ang Lipunan

Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan, mahalaga ang pag-unawa


sa mga istrukturang bumubuo rito maging ang kulturang naglalarawan sa isang
lipunan. Mahalaga ring makita ng bawat isa ang kaugnayan ng istrukturang
panlipunan at kultura sa pagkakaroon ng mga suliranin at isyung panlipunan. Ang mga
Kontemporaryong Isyu ay mga napapanahong isyu at hamong panlipunang. Ang ilan
sa mga napapanahong isyung nakapaloob sa asignaturang ito ay ang isyu sa ating
kapaligiran, ekonomiya at kabuhayan, kasarian at lipunan.
Batayan sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan ang pag-unawa sa
bumubuo ng isang lipunan, ugnayan, at kanyang kultura. Ang lipunan ay tumutukoy
sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may
iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
Ang mga elemento ng istrukturang panlipunan ay ang institusyon, social
groups, status (social status), at gampanin (roles). Ang institusyon ay organisadong
sistema ng ugnayan sa isang lipunan. (Mooney, 2011). Ang pamilya, relihiyon,
edukasyon, ekonomiya, at pamahalaan ang itinuturing na mga institusyong
panlipunan.

3
Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Ang institusyon ay
organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. (Mooney, 2011).

Ang pamilya ay isa sa mga


institusyong panlipunan, dito unang
nahuhubog ang pagkatao ng isang
nilalang.

Larawang kuha ni Nerelia L. Alpon

Ang paaralan ay nagdudulot


ng karunungan, nagpapaunlad ng
kakayahan at patuloy na naghuhubog
sa isang tao upang maging
kapakipakinabang na mamamayan.

Larawang kuha ni Renmin A. Etabag

Mga larawang kuha mula sa BANAS Bacolod Compendium, 2019

Sa pagtupad ng pang-araw-araw na tungkulin, naghahangad ang tao ng


kaligtasan, nagdarasal na maging tagumpay sa mga gawain at maging ligtas ang
mga mahal sa buhay. Lahat ng ito ay ginagawa dahil sa pananampalataya. Ang
usapin ng pananampalataya ay bahagi ng relihiyon.

4
Mahalaga ang ekonomiya sa
lipunan dahil pinag-aaralan dito
kung paano matutugunan ang mga
pangangailangan ng mga
mamamayan.

Larawang kuha mula sa BANAS Bacolod Compendium, 2019

Mula sa tahanan hanggang sa mga


lugar na patutunguhan maaaring may
makasalubong kang traffic aide, may
madaanang mga tulay o kaya ay mainip dahil
sa abala na dulot ng ginagawang kalsada.
Maaaring may makita ka ring mga anunsyo
ng mga programang pangkalusugan at
pangkalinisan. Ang mga nabanggit ay ilan
lamang sa mga tungkulin ng pamahalaan na
isa ring institusyong panlipunan.
Larawang kuha mula sa BANAS Bacolod Compendium, 2019

Sociological Imagination

Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan, mahalaga ang pag-unawa


sa mga istrukturang bumubuo rito maging ang kulturang naglalarawan sa isang
lipunan. Mahalaga ring makita ng bawat isa ang kaugnayan ng istrukturang
panlipunan at kultura sa pagkakaroon ng mga suliranin at isyung panlipunan.
Ayon kay C. Wright Mills (1959), mahalagang malinang ang isang kakayahang
makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang
kanyang ginagalawan. Tinawag niya itong Sociological Imagination. Kapag
nalinang sa atin ang abilidad na ito, masusuri natin ang koneksiyon at interseksiyon
ng mga isyung personal at isyung panlipunan. Mahalaga rin ito sa pagbibigay ng
koneksyon sa mga pangyayari sa ating buhay bilang isang indibiduwal at sa
pangkalahatang kaganapan sa lipunang ating ginagalawan.
Isang halimbawa nito ang problemang kinakaharap ng mga Pilipino sa usaping
pantrapiko lalo na sa Bacolod at mga karatig-barangay nito. Sa simula, maaaring isisi
sa tao ang pagiging huli niya sa pagpasok sa trabaho, subalit kung susuriin ang
isyung ito, masasabing ang palagiang pagpasok nang huli ay bunga ng malawakang
suliraning pantrapiko. Kung gagamitin ang Sociological Imagination, maiuugnay na
hindi lamang isang Isyung Panlipunan kundi dapat harapin isang isyung personal na
nakaaapekto sa isang indibiduwal.

5
Isyung Personal at Isyung Panlipunan

Ano nga ba ang kaibahan ng Isyung Personal at Isyung Panlipunan? Ang mga
Isyung Personal ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit
sa kanya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng indibiduwal.
Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong
paraan. Samantala ang isyung panlipunan ay isang pampublikong bagay. Karaniwang
kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Ang mga suliraning
ito ay nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan.
Mahalagang malaman mo na sa kabila ng pagkakaiba ng isyung personal at
isyung panlipunan, ang dalawang ito ay magkaugnay. Isang halimbawa nito ay ang
mga hamon at isyung pangkapaligiran. Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa
ng isyung personal subalit kung ang isang barangay o bayan ay magiging makalat
dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay maituturing
na isyung panlipunan. Idagdag pa rito ang masamang epekto sa kalusugan at
ekonomiya ng isang lugar kung ito ay mabaho, makalat at walang maayos na sistema
ng pagtatapon ng basura.
Mayroon ding mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang magandang
halimbawang ibinigay ni Charles Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng isyung
personal at isyung panlipunan ay tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung sa isang
komunidad na may 100,000 mamamayang maaaring maghanapbuhay ay may isang
walang trabaho, maaring ituring ito bilang isang isyung personal. Subalit kung sa
isang lipunang mayroong 50 milyong tao at 15 milyon sa mga ito ay walang trabaho,
maaari itong ituring na “Isyung Panlipunan.” Sa malalim na pagtingin, maaaring
maging konklusyon na may kakulangan sa lipunan o istruktura nito na nagdudulot ng
kawalan ng trabaho ng maraming mamamayan dito.

6
GagawinKo - A
Pangalan___________________________________ Baitang _____________
Paaralan ___________________________________ Iskor _______________

Panuto: Gamit ang Sociological Imagination, suriin ang iyong Komunidad. Anu-
ano ang makikita mong mahalagang Istrukturang Panlipunan na may
malaking papel sa katahimikan at kaayusan ng lipunan? Isulat ang mga
nakitang mahalagang insitusyon at papel na ginagampanan nito lalo na sa
panahon ng COVID-19.

Mga NAGAMPANAN BA NITO ANG


PAPEL NA KANILAN PAPEL?
Institusyong
GINAGAMPANAN
Panlipunan Oo, Paano Hindi, Bakit?

7
Gagawin Ko - B

Pangalan___________________________________ Baitang _____________


Paaralan ___________________________________ Iskor _______________

Isyung Personal at Panlipunan sa Panahon ng COVID-19


Bigyan pansin at suriin ang mga isyung may kaugnayan sa COVID-19 sa
unang kolum. Ilahad sa ikalawang kulom kung ano-ano ang mga Isyung Personal na
maiuugnay dito. Isusulat mo naman sa ikatatlong kulom ang mga katangian na
nagsabina ito ay maituturing isang Isyung Panlipunan. Sagutan din ang mga
pamprosesong tanong. Isulat sa papel ang inyong mga kasagutan.
Isyu Isyung Personal Isyung Panlipunan

Liquor Ban

Curfew

Social
Amelioration
Program (SAP)

Enhanced
Community
Quarantine
(ECQ)

Proteksiyon
laban sa sakit
na COVID-19

8
Gagawin Ko - C

Pangalan___________________________________ Baitang _____________


Paaralan ___________________________________ Iskor _______________

REPLEKSIYON:

Panuto: Isulat sa papel ang inyong mga kasagutan.

1. Kailan naging Isyung Personal o Isyung Panlipunan ang isang hamon?

2. Bilang isang indibidwal na bahagi ng lipunan, paano ka makakatulong upang


maging solusyon sa mga isyung panlipunang may kaugnayan sa COVID-19?

9
Tatandaan Ko

Sa pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu, mahalagang tandaan ang mga


sumusunod:
• Ang mga Kontemporaryong Isyu ay mga napapanahong isyu at hamong
panlipunang.
• Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
• Ang pamilya, relihiyon, edukasyon, ekonomiya at pamahalaan ang
itinuturing na mga institusyong panlipunan.
• Ang Social Imagination ay isang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga
personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan.
• Ang mga Isyung Personal ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao
at ilang malalapit sa kanya.
• Ang Isyung Panlipunan ay isang pampublikong bagay na nakakaapekto hindi
lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan

Isasabuhay Ko

Isang malaking isyung panlipunan na kinakaharap natin ay ang COVID-19


Pandemic. Binago nito ang iba’t ibang aspekto ng pamumuhay natin sa lipunan.
Isa sa mga institusyon lubos na apektado ay ang ekonomiya. Malaki ang
magagawa mo upang makatulong sa pagtiyak ng pagkain sa inyong hapag
kainan. Maisasagawa mo ito sa pamamagitan ng Backyard Urban Gardening
(BUG).

Ang BUG ay ang iyong gawaing pagganap ngayong unang markahan.


Sisimulan mo ito sa pamamagitan ng isang plano na iyong gagawin sa pagtatapos
ng modyul na ito. Ang hardin sa iyong tahanan ay susuriin sa pagtatapos ng
Unang Markahan. Kumuha ng mga larawan/video mula sa preparasyon ng iyong
hardin hanggang anihan.

10
Panuto: Gumawa ng Backyard Urban Gardening Plan ayon hakbang at mga
kailanganing kagamitanupang maisagawa ito sa inyong bakuran o
lokasyon. Maaaring gamitin ang template sa ibaba o bumuo ng sariling
ninyong BUG Plan Template.

Backyard Urban Gardening (BUG) Plan

Mga Hakbang / Takdang Oras Mga Kasangkapan at Resulta


Gawain Materyales

Sa urban gardening, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang.


Makakatulong ito upang makapagsimula ng sariling garden sa inyong
sariling bakuran.
• Ang mga pananim ay karaniwang nasa paso o di kaya ay nasa niresiklong
container.
• Maaari ring paglagyan ang mga lumang gamit tulad ng planggana, drum at
balde.
• Kung magsisimula ng sariling urban garden, nararapat munang alamin ang
kondisyon ng pipiling halaman at mas mainam ang pagtatanim ng mga gulay.
• Mahalagang isaalang-alang rin ang iba’t ibang elemento na maaaring
makaapekto tulad ng sikat ng araw at patubig sa paglalagyan ng mga
halaman.
• Marami pang benepisyo ang pagkakaroon ng urban garden. Isa na rito ang
pagkakaroon ng mga organikong pagkain mula sa bunga ng mga itinanim.
• Malaki ang nagiging kontribusyon nito sa seguridad ng pagkain ng bawat
komunidad na kaakibat ang pagbibigay ng mainam na kalusugan lalo sa
panahon ng pandemic.
• Maaari nitong masagot ang kakulangan ng suplay ng pagkain na
pinapasikatan pa ng kawalan ng kakayahan na makabili nito.
• Kung ating iisipin, marapat lamang na araw-araw pagtuunan ng pansin ang
pangangalaga ng kapaligiran.
• Sa pamamagitan ng urban garden, magiging posible ang mithiing ito.
• Bawat isa sa atin ay magagawa ito kung taos-pusong isasabuhay ang mga
adhikaing pangkalikasan.

111
Susubukin Ko

Pangalan___________________________________ Baitang _____________


Paaralan ___________________________________ Iskor _______________

Panuto: Suriin mo at isulat ang titik ng tamang sagot. Isulat ang tamang sagot.

1. Tawag sa institusyong panlipunan kung saan unang nahuhubog ang pagkatao ng


isang nilalang.
A. Pamilya B. Paaralan C. Simbahan D. Lipunan

2. Sa pagtupad ng pang-araw-araw na tungkulin, naghahangad ang tao ng


kaligtasan, nagdarasal na maging tagumpay sa mga gawain at maging ligtas ang
mga mahal sa buhay. Ang mga gawaing ito ay bahagi ng anong institusyon?
A. Pamahalaan B. Edukasyon C. Relihiyon D. Ekonomiya

3. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong


komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
A. Bansa
B. Komunidad
C. Lipunan
D. Organisasyon

4. Sa panahon ng pandemya, ang mga sumusunod ang inaasahan ng mga


mamamayan na gagawin ng pamahalaan MALIBAN sa?
A. Mamigay ng tulong pinansyal/relief goods sa mga apektadong
mamamayan.
B. Magbigay ng tamang impormasyon upang hindi magdulot ng kalituhan sa
taong bayan.
C. Tiyaking naipapatupad ang mga batas at mga alituntunin upang
masigurado ang kaligtasan ng mga mamamayan.
D. Bigyan ng kalayaan ang mga tao na gumala saanmang lugar na gusto
nilang puntahan.

5. Alin sa sumusunod na gawain ang maituturing na pinakamakabuluhan sa


panahon ng quarantine?
A. Maglaro kasama ang kapitbahay
B. Manood ng K-drama buong araw
C. Lumabas ng bahay na walang face mask
D. Magtanim ng mga gulay sa plastic containers

6. Ano ang kahalagahan ng edukasyon sa panahon ng pandemya?


A. Nagagamit ang kanilang oras sa pag-aaral at pagsagot ng mga aralin.
B. Nagkakaroon ng maraming panahon sa paglalaro at paglilibang.
C. Nakatutulong sa iba’t-ibang gawaing bahay.
D. Nakapagtitinda ng mga produkto sa social media.

12
7. Ang social distancing ay isa sa mga hakbang upang naiwasan ang paglaganap
ng COVID-19. Sa kabila nito, isang prosesyong upang ipagdiwang ang isang
kapistahan ang naganap sa ilang barangay sa Cebu kung saan dinumog ng mga
tao. Mahigit sampung organizers kabilang ang Barangay Chairman sa maaaring
mahaharap sa kaso. Ano ang ipinapahiwatig ng pangyayaring tungkol sa mga
isyung panlipunan?
A. Nagpapakita ito ng pananampalata ng Pilipino sa kabila ng
pandemya
B. Karaniwang kaugnay ng krisis ng nga institusyon ng lipunan ang
isyung panlipunan
C. Ang chairman ng barangay ay kumikilala sa paghihiwalay ng
simbahan at estado
D. Ang kultura at tradisyon ay magpapatuloy sa kabila ng mga
pagbabago sa lipunan

8. Malaking badyet ang inilaan ng pamahalaan para sa mga nawalan ng trabaho sa


panahon ng ECQ. Naging talamak ang pang-aabuso sa programang ito na kung
tawagin ay SAP. Alin sa mga sumusunod ang isyung personal may kaugnayan
sa SAP?
A. May mga hindi karapat-dapat na nakatanggap ng benepisyong nito.
B. Hindi nasunod ang social distancing sa ilang lugar sa panahon ng
pamamahagi nito
C. Ginamit ng iilan sa luho o kagustuhan lamang ang benepisyong
natanggap
D. May mga umiiral na palakasan system sa pagpili ng mga
makakatanggap ng SAP

9. Sa anong institusyon ng lipunan pangunahing nakasalalay ang pagsunod sa


curfew at pananatili sa loob ng bahay ng mga kabataang gumugala sa
komunidad?
A. Ekonomiya, dahil ang mga12 pisonet ay bahagi ng kabuhayan sa lipunan.
B. Pamilya, dahil dito unang hinuhubog ang disiplina at pagsunod sa
batas.
C. Pamahalaan, dahil ang mga pulis at tanod ang nararapat magpatupad
ng curfew.
D. Paaralan, dahil tungkulin nito na ituro sa mga mamamayan ang
pagsunod sa batas.

10. Ano ang kahalagahan ng social imagination sa pag-aaral ng mga isyung


panlipunan?
A. Nakikita nito kung anong institusyon ang may pananagutan sa isyu
B. Naiiugnay natin ang mga kaganapan sa ating buhay sa lipunang
ginagalawan
C. Nauuri-uri ang mga isyu at nabibigyan ng nararapat na solusyong
pangkalahatan
D. Napapakita ang ugnayan at pagtutulungan ng mga institusyon sa
lipunan

13
Sanggunian

Patnubay ng Guro sa Araling Panlipunan 10.


Kontemporaryong Isyu
pahina 11-23

Kagamitan ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 10.


Kontemporaryong Isyu
pahina 13-28

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SDO Bacolod City
Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100
Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

You might also like