You are on page 1of 24

8

PANDAN BAY INSITUTE, INC.


Pandan, 5712, Antique
HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2021-2022

ARALING PANLIPUNAN

KASAYSAYAN NG DAIGDIG
UNANG MARKAHAN
MODYUL SA PAGKATUTO

LEARY JOHN H. TAMBAGAHAN, LPT


Guro
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1

This learning module (LM) is developed for the purpose of Alternative Learning Modality of Pandan
Bay Institute, Inc. intended for blended or distance learning modalities. The parts of this module are patterned
from the Learning Module Exemplar of the Private Education Assistance Committee (PEAC). Other stages
and contents are adopted from the module of the Department of Education (DepEd), the Teaching Guide for
Senior High School of the Commission on Higher Education (CHED), and several textbooks, websites and
other references listed in the bibliography.
Teachers are trained to unpack the standards and competencies from the K to 12 Curriculum Guide
to determine and verify the most essential learning competencies (MELCs) provided by the DepEd. Hence,
teachers are encouraged to produce their own learning module in consideration of the attainment of the
school’s vision, mission, goal and objectives.

Technical Working Committee

Writer/Compiler: Alexander Paul M. Antoy, LPT


Reviewers: Ma. Roda A. Madarico, LPT Josephine T. Pelayo, LPT
Joselle C. Sardina, LPT Alexander Paul M. Antoy, LPT
Rebecca C. Yturzaita, LPT Remie Joy A. Jontilano, LPT
Johndai-Ann L. Adrimesin, LPT
Layout: Mark Anthony T. Riomalos, LPT Alexander Paul M. Antoy, LPT
Printing Staff: Flowen Niña M. Anecito Jennifer A. Biadora, LPT

Chairperson: Edgar C. Mationg, FIC, MAT

“I urge you to continue your studies that


have so steadfastly begun, and to work
primarily to become men and women of
virtue and prayer, men and women of
God. What used would all the
knowledge in the world be to you? It
would be useless for you, useless for
others too, because it is the spirit of
zeal and piety that blesses our
undertakings and any knowledge that
does not animate it, is forever sterile”
(1851)

- Venerable Jean Marie de la Mennais

iii
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1

ARALING PANLIPUNAN 8
Kwarter 1 Modyul sa Pagkatuto: Heograpiya at Sinaunang
Kasaysayan ng Daigdig

PROGRAM STANDARD
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa sama-samang
pagkilos at pagtugon sa mga pandaigdigang hamon sa sangkatauhan sa kabila ng
malawak na pagkakaiba-iba ng heograpiya, kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan at
ekonomiya tungo sa pagkakaroon ng mapayapa, maunlad at matatag na kinabukasan.

GRADE LEVEL STANDARD

Naipamamalas ang mga kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang


sanggunian, pagsasaliksik, mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon, at pag-unawa
sa kasaysayan, politika, ekonomiya, kultura, at lipunan ng Daigdig mula sa sinaunang
panahon hanggang sa kasalukuyan.

CONTENT STANDARD
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pagunawa sa interaksiyon ng tao sa
kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag- usbong ng mga sinaunang kabihasnan na
nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

PERFORMANCE STANDARD
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa
pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig
para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

LESSON COVERAGE
Aralin 1: Heograpiya ng Daigdig
Aralin 2: Mga Unang Tao sa Daigdig
Aralin 3: Mga Sinaunang Kabihasnan at Imperyo sa Asya, Africa at America

iv
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1

Matapos talakayin ang nilalaman ng modyul, inaasahang maisakatuparan mo ang sumusunod na


layunin:
1. Natutukoy ang mahahalagang impormasyon tungkol sa limang tema ng heograpiya;
2. Naipaliliwanag ang heograpiya bilang isang pag-aaral ng mundo;
3. Nailalarawan ang estruktura ng daigdig;
4. Naisa-isa ang mga salik sa pagkakaiba-iba ng klima;
5. Nauunawaan ang mga teorya at katangiang pisikal ng bawat kontinente sa daigdig;
6. Nailalarawan ang iba’t-ibang uri ng anyong lupa at anyong tubig; at
7. Napahahalagahan ang heograpiya bilang isang instrument sa pangangalaga ng mundo.

INTRODUKSYON:
Minsan ba ay naiisip mo na may iba pang planeta bukod sa daigdig na maaaring
mabuhay ang tao at iba pang nilalang? Kung mayroon, ano-ano kaya ang mga pisikal na
katangian nito? May pagkakatulad ba ito sa ating kasalukuyang daigdig? Bagamat may mga
pagsisikap na makatuklas ng bagong tirahan ng tao, higit na mahalaga sa kasalukuyan ang
mapangalagaan ng tao ang kaniyang nag-iisang daigdig.
Sa modyul na ito, pagtuunan ng pansin ang katangiang pisikal ng daigdig at ang
interaksyon ng tao sa kaniyang kapaligiran. Mahalagang maunawaan mo ang mga nabanggit
na konsepto upang maipakita ang pangangalaga at pagpapahalaga sa ating daigdig.

v
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1

Aralin
KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG
1
Karunungan Matatamo:

1. Natutukoy ang mahahalagang impormasyon tungkol sa limang tema ng heograpiya;


2. Naipaliliwanag ang heograpiya bilang isang pag-aaral ng mundo;
3. Nailalarawan ang estruktura ng daigdig;
4. Naisa-isa ang mga salik sa pagkakaiba-iba ng klima;
5. Nauunawaan ang mga teorya at katangiang pisikal ng bawat kontinente sa daigdig;
6. Nailalarawan ang iba’t-ibang uri ng anyong lupa at anyong tubig; at
7. Napahahalagahan ang heograpiya bilang isang instrumento sa pangangalaga ng mundo.

Malawak ang saklaw ng pag-aaral ng ating daigdig. Ang lahat ng ating


pagkilos ay nakabatay dito. Kaya’t mainam na palawakin ang pag-unawa sa mga ito,
sapagkat dito natin makukuha ang ating mga pangangailangan na siyang tutustos sa
atin upang manatili sa mundong ito. Pag – aralan ito ng lubos kung paano natin
mapapanatili sa pangmatagalang panahon.

GAWAIN 1 PAUNANG PAGTATAYA


Panuto: Balikan natin ang iyong mga natutunang aralin sa nakalipas na panuruang taon ukol sa
kontinente ng Asya. Sagutan nang may katapatan ang mga sumusunod na tanong. Piliin lamang ang
titik ng pinakawastong sagot. Isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong sangkapat na bahagi na papel
(1/4).

1. Ito ang bansang may pinakamalaking bahagdan ng tao sa Asya.


A. China B. India C. Indonesia D. Russia
2. Ito ang tinaguriang pinaka malaki at pinakamalamig na disyerto sa Asya.
A. Arabian Desert B. Gobi Desert C. Kara Kum Desert D. Takla Makan Desert
3. Ito ang pinakamataas na bundok sa buong mundo.
A. Everest B. Fuji C. Himalayas D. K2
4. Ito ang pinakamalaking arkipelago sa buong daigdig.
A. Indonesia B. Japan C. Pilipinas D. Taiwan

5. Ito ang pinakamalaking lawa sa Asya at ang pinakamalalim sa buong mundo na umaabot sa humigit
kumulang isang libong metro.
A. Aral Sea B. Dead Sea C. Caspian Sea D. Lake Baikal

1
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1

6. Ang Asya ang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo. Ito ay nagresulta sa maraming
lenggwahe na ginagamit. Anong uri ng wika ang may pinaka-maraming gumagamit sa Asya?

A. Hindi B. Korean C. Malay D. Mandarin

7. Ang mga sumusunod ay mga pilosopiyang nagmula sa Tsina MALIBAN sa isa.

A. Buddhismo B. Confucianismo C. Legalismo D. Taosimo

8. Ito ang pinakapopular na musoleo sa buong mundo. Matatagpuan ito sa India.

A. Great Wall B. Hagia Sophia C. Mohenjo Daro D. Taj Mahal

9. Ito ang pinakamalaking lungsod sa Asya sa larangan ng lawak ng lupa.

A. Beijing B. New Delhi C. Shanghai D. Tokyo

10. Ito ang pangatlong pinakamalaking isla sa buong mundo na matatagpuan sa kontinente ng Asya.
A. Bali B. Borneo C. Sri Lanka D. Taiwan

Katapusang Bahagi ng Pagtuklas

Sa mga susunod na bahagi ng modyul ay susuriin natin kung alin sa mga naibahagi mong
panimulang ideya tungkol sa kaugnayan ng heograpiya sa pamumuhay at sa ating pokus na tanong
ang tama o hindi. Matutuhan mo rin ang mga konsepto at kasanayan na makatutulong sa iyo upang
maisagawa mo ang proyekto para sa yunit na ito. Ang proyekto ay tungkol sa paggawa ng brochure na
nagpapakita ng impormasyon kung paano nakaapekto ang heograpiya sa paghubog ng isang
pamayanan. Sisimulan mo ito sa pamamagitan ng paggawa sa susunod na gawain.

Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya


Ang mundo ang siyang ating panahanan. Nag-iisa lamang ito at dapat nating pangalagaan. Ang
pagpapanatili nito tungo sa kaayusan ay makakamit sa pamamagitan ng pag-aaral sa heograpiya nito.
Halaw ito sa salitang Griyego na ‘geo’ o daigdig at ‘graphia’ o paglalarawan, o ang siyentipikong pag-
aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
Nagdidikta rin ito ng kaparaanan sa pamumuhay ng mga sinaunang tao at kabihasnan.

2
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1

Diyagram 1. Dalawang Uri ng Heograpiya

HEOGRAPIYA
Heograpiyang Pisikal Heograpiyang Pantao

-Mga natural na -Saan at Paano


katangian at namumuhay ang tao?
pangyayari sa mundo
-Pag-aaral tungkol sa
-pag-aaral sa klima, distribusyon sa
atmospera, anyong koneksyon ng tao at ng
lupa at tubig kultura sa mundo.

Makikita sa diyagram 1 ang saklaw ng dalawang uri ng heograpiya.


Ang mga taong dalubhasa tungkol sa heograpiya ay tinatawag na heograpo.
Si Eratosthenes ang tinaguriang “Ama ng Heograpiya” dahil sa kanyang kahusayan na
siyang sumukat ng sirkumperensiya ng mundo gamit ang matematika.

Ano ang masasabi mo sa heograpiya ng inyong lugar?

Masasabi na ang heograpiya ay ginawang mas simple dahil sa mga heograpo na


naglayong mapadali ang pag-unawa sa mga ito, kaya’t nabuo ang limang magkakaugnay
na temang heograpikal sa pangunguna ng mga eksperto. Makikita ito sa susunod na
diyagram maging ang paliwanag ukol dito.

3
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1

Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa heograpiya?

Para sa karagdagang kaalaman ukol dito maari mong puntahan at buksan ang link na ito
sa youtube. (https://www.youtube.com/watch?v=IZ6TetMSrAs) o isearch ang 5 Themes of
Geography-Flocabulary.

4
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1

GAWAIN 2 1 PIC, 5 THEMES


Panuto: Suriin ang lugar sa larawan batay sa limang tema ng heograpiya. Kopyahin ang talahanayan
sa isang pahalang na bahagi ng papel at doon ilagay ang iyong sagot.

Larawan mula sa: https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/8/82/Manila_city_hall_-_front.jpg

Limang Tema ng Heograpiya Pagsusuri

1. Lokasyon 1.

2. Lugar 2.

3. Rehiyon 3.

4. Interaksyon ng tao at kapaligiran 4.

5. Paggalaw 5.

Estruktura ng Daigdig

Ang Daigdig ay ikatlo sa walong planeta mula sa araw sa kalawakan at ang tanging may buhay. Dito
tayo naninirahan at isa sa mga nilalang na nangangalaga. Ang eksaktong distansiya ng daigdig mula
sa araw ang siyang nagbibigay buhay sa lahat ng nilalang tulad ng tao.

5
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1

Ang mga sumusunod ay estruktura ng ating mundo.

Crust- Solidong bahagi ng mundo na nagsisilbing


balat at panahanan ng tao. Umaabot mula 3
hanggang 30 milya ang kapal nito papaloob sa
mantle.
Mantle- binubuo ng mga lusaw na bato na napakainit
o magma.
Outer Core - likidong bahagi ng mundo na may
kahalintulad sa Inner Core.
Inner Core - solido at kaloob-looban ng daigdig na
binubuo ng iron at nickel na kung saan ang temperatura ay umaabot ng 5,500 degrees Celsius.
Makikita sa talahanayan ang ilan sa
mahahalagang impormasyon tungkol sa ating
mundo.

Pinagkuhanan: Datos mula sa Grade 8 Learners Module (Blando, R C., et.al. Modyul ng Mag-aaral. Araling Panlipunan:
Kasaysayan ng Daigdig. Vibal Group Inc. Deped-IMCS. Pasig City Philippines.)

Samantala ang daigdig ay may apat na


hating globo o hemisphere: ang northern at
southern hemispheres na ang humahati ay
ang equator at western at eastern
hemispheres naman na kung saan ang
humahati ay ang prime meridian. Makikita ito
sa larawan.

Ang Globo
Sa pag-aaral ng heograpiya, ginagamit na modelo ng mundo ang globo. Isa sa dapat malaman ay ang
mga terminong gagabay sa atin sa paggamit ng mga imahinaryong linya upang mas madaling matukoy
ang lokasyon na nais hanapin.

6
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1

Ang mga sumusunod ay mga gamit ng bawat imahinaryong linya na nakikita sa globo at mapa:
Longitude – distansyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian.
Prime Meridian – nasa zero-degree longitude sa may Greenwich, England.
International Date Line – nasa 180 degrees longitude sa may Pacific Ocean.
Latitude – distansyang angular sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga
o timog ng ekwador.
Equator – humahati sa globo sa hilaga at timog hemisphere.
Tropic of Cancer – dulong bahagi ng Northern Hemisphere na direktang sinisikitan ng
araw ito ay may 23.5 degrees hilagang ekwador.
Tropic of Capricorn – dulong bahagi ng Southern Hemisphere na direktang sinisikatan ng araw
ito ay may 23.5 degrees timog ekwador.
North at South Poles – 90 degrees North or South.
Arctic Circle – nasa 66.5 degrees hilaga mula sa ekwador nakararanas ang nasa lugar
ng yelo.
Antarctic Circle – nasa 66.5 degrees timog mula sa ekwador nakararanas din ito ng yelo.

Nakatutulong ba ang mga imahinaryong linya sa paghahanap ng isang lugar?


Paano? Ipaliwanag.

Para sa karagdagang paglilinaw ukol sa longitude at latitude maaari magtungo at buksan ang link na ito
(https://www.youtube.com/watch?v=N0IiV-T8IXU).

Ang Topograpiya
Ang topograpiya ay halaw sa salitang Griyego na “topo”- lugar at “graphia”- paglalarawan.
Tinatawag ang topograpiya bilang pag-aaral sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon.
Napakalawak ng saklaw nito, ilan sa mga nakapaloob dito ay ang pagbabago sa ibabaw ng daigdig
tulad ng mga bundok, ilog, kapatagan at iba pa. Dahil dito ay maraming klase ng anyong lupa at tubig
ang makikita sa daigdig. Sa kasaysayan, ang mga sinaunang tao ay umangkop sa kanilang topograpiya
tulad ng mga sumusunod na lambak-ilog:

1. Tigris-Euphrates (Mesopotamia)
2. Indus (India)
3. Huang Ho (China)
4. Nile (Egypt)

Samantala, karamihan naman sa mga matataas na bundok sa daigdig ay makikita sa Asya tulad sa
Himalayas na tinaguriang “Roof of the World” dahil binubuo ito ng pinakamatataas na bundok sa
mundo. Samantalang sa Africa ay ang Mt. Kilimanjaro (5,895m) at ang Europe ay may Mt. Elbrus
(5,642m). Ang mga bulubunduking lugar tulad ng nabanggit ay nagtataglay lamang ng maliliit na
populasyon.

7
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1

Makikita sa ibabang talahanayan ang mga pinakamatataas na bundok sa mundo.

Samantalang 71% ng ating daigdig ay binubuo ng


anyong tubig, 2.5% lamang dito ay tubig tabang.
Karamihan sa mga ito ay tumigas sa malamig na klima sa
mga nagyeyelong bahagi ng mundo. Ang pinakamalaking
dagat sa daigdig ay ang South China Sea, Caribbean Sea
at Mediterranean Sea.

Pinagkunan: Datos mula sa Grade 8 Learners Module (Blando, R C., et.al. Modyul ng Mag-aaral. Araling Panlipunan:
Kasaysayan ng Daigdig. Vibal Group Inc. Deped-IMCS. Pasig City Philippines.)

Sa ibabang bahagi naman makikita ang mga datos tungkol sa karagatan


ngdaigdig.

Pinagkunan: Datos mula sa Grade 8 Learners Module (Blando, R C., et.al. Modyul ng Mag-aaral. Araling Panlipunan:
Kasaysayan ng Daigdig. Vibal Group Inc. Deped-IMCS. Pasig City Philippines.)

Ano ang iyong masasabi tungkol sa topograpiya ng mundo?

Salik at Pag-uuri ng Klima


Tanging ang daigdig lamang sa solar system ang may mainam na distansiya mula sa araw, kaya
naman ito ay nakapagbibigay buhay sa ating lahat.
Ito ang nagbibigay ng temperatura sa kinalulugaran natin at depende sa lokasyon ng bansa sa mundo
ang pagtama ng sinag ng araw. Ang ugnayan ng heograpiya sa klima ay napakalaki.

8
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1

Ang Klima ay ang pangmatagalang lagay ng panahon sa isang lugar. Bakit nga ba nagkakaiba ang
mga klima sa bawat rehiyon? Narito ang mga salik na siyang nagpapabago sa klima sa iba’t-ibang
rehiyon at bansa sa mundo.

Ang mas mataas na latitude ay mas nakararanas ng malamig na klima tulad sa mga bansang
kanluranin, sa US at mga bansa sa Europa. Samantalang mas malapit sa 0 degree latitude o ekwador
mas direktang nakatatanggap ng init mula sa araw tulad ng Pilipinas at iba pang mga bansa sa Timog
Silangang Asya.

Batay sa pag-aaral ng mga eksperto, nauuri ang klima sa pamamagitan ng karaniwang resulta ng
temperatura at presipitasyon ng isang rehiyon o bansa sa loob ng isang taon at isang buwan. Makikita
ito sa mga sumusunod:

A - Tropical Moist Climates: Nakararanas ng temperatura mula 18 degrees Celsius pataas sa buong
buwan. Nasa bahagi ito ng itaas at ibaba ng ekwador hanggang 15-25 degrees latitud.

B - Dry Climates: Nakararanas ng tuyong klima sa halos buong taon. Ang atmospera ay may
kakayahan na magpaulan dahil sa ebaporasyon. Nasa 20-35 degrees hilaga at timog latitude mula sa
ekwador.

C - Moist Mid-latitude Climates with Mild Winters: nakararanas ng mainit at may halumigmig na
tag-araw na paminsan-minsan ay may banayad na taglamig. Nasa 30-50 degrees hilaga at timog
latitude mula sa ekwardor.

D - Moist Mid-Latitude Climates with Cold Winters: Nakararanas naman ito ng mainit hanggang sa
malamig na tag-init at napakalamig na tagyelo. Nasa bahagi na ito halos ng rehiyong polo. Ang
pinakamainit na temperatura ay umaabot sa 10 degrees Celsius at ang pinakamalamig naman ay -3
degrees Celsius.

E - Polar Climates: Nakararanas ito ng matinding taglamig sa buong taon. Ang pinakamainit na
temperatura ay hindi tataas sa 10 degress Celsius. Nasa dulong bahagi na ito ng polo sa timog at
hilaga ng mundo. Nababalutan ang lugar na ito ng yelo na umaabot sa daang metro ang kapal.

9
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1

Teorya at Katangiang Pisikal ng Bawat Kontinente

Ang Kontinente ay isang malawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. Ito rin ang pinakamalaking
anyong lupa.

Ayon sa isang Alemang heograpo na si Alfred Wegener na nagsulong ng Teoryang Continental Drift
kung saan pinaniniwalaang magkakaugnay ang mga kontinente sa isang superkontinenteng tinawag
na ‘Pangaea’, dahil sa paggalaw ng mga plates ay nagkahiwalay ang mga kontinente.

Ang daigdig ay binubuo ng mga ‘plates’ na hindi nananatili sa posisyon at lumulutang sa mantle. Ang
paggalaw ng mga ‘plates’ ang dahilan ng mga paglindol at pagbuo ng mga bagong bundok sa daigdig.
Isa ang Pilipinas na nakapaloob sa Pacific Ring of Fire, ito ay hilera ng mga aktibong bulkan sa Asya
Pasipiko at kadalasang aktibo ang paggalaw ng lupa.

Ang mga kontinente ng mundo ay nahahati sa pito. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang mga datos
kung saan ang Asya ang may pinakamalaking masa ng lupa, sinundan ito ng Aftica, Europe, North
America, South America, Antarctica at ang Australia and Oceania.

Pinagkunan: Datos mula sa Grade 8 Learners Module (Blando, R C., et.al. Modyul ng Mag-aaral. Araling Panlipunan:
Kasaysayan ng Daigdig. Vibal Group Inc. Deped-IMCS. Pasig City Philippines.)

10
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1

Narito ang ilan pang impormasyon sa mga kontinente ng daigdig:

Africa – taglay nito ang malaking suplay ng ginto at diyamante. Nandito ang Nile
River at Sahara Desert.
Antarctica – natatakpan ng yelo na may kapal na halos 2 km. Sagana sa isda at
mammal ang lugar na ito.
Asia – pinakamalaking kontinente, 1/3 ng lupa ng daigdig.
Europe – ang laki nito ay 1/4 na bahagi lang ng Asia. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit
na kontinente.
Australia o Oceania – pinakamaliit na kontinente. Makikita dito ang kangaroo, tasmanian devil,
at platypus.
North America - may hugis tatsulok ito at may dalawang mahabang kabundukan-
Appalachian Mountains sa silangan at Rocky Mountains sa kanluran.
South America - may hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa equator
hanggang Cape Horn sa timog.
Para sa karagdagang impormasyon maaaring magtungo sa youtube link na ito.:
(https://www.youtube.com/watch?v=wYYakyS_HOg)

Saang aspeto nagkakaiba at nagkakatulad ang mga kontinente?

Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig

Ang anyong lupa ay isang pisikal na katangian na bahagi ng lupa. Ito ay nagkakaroon ng
kahulugan batay sa anyo nito sa ibabaw ng mundo.
Ilan sa mga anyong lupa ang mga sumusunod:

1. Kapatagan — isang lugar kung saan patag ang lupa rito.


2. Bundok — isang pataas na lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi
3. Bulkan — isang bundok kung saan ito ay nagbubuga ng mainit na bato mula sa ilalim ng mundo.
4. Burol — higit na mas mababang lupa ito kaysa sa bundok.
5. Lambak — isang patag na lupa ngunit napaliligiran ng mga bundok.
6. Talampas — patag na anyong lupa sa mataas na bagahing lugar
7. Baybayin — bahagi ng lupa na malapit at kumokonekta sa dagat.
8. Bulubundukin — hilera ng mga bundok
9. Pulo —lupa na napalilibutan ng tubig.
10. Yungib — mga likas na butas sa malalim na bahagi ng lupa na may sapat na laki at lawak na
maaaring pasukin ng tao at hayop.
11. Tangway — pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.
12. Disyerto — ito ay may mainit na anyong lupa, wala gaanong nabubuhay na nilalang.
13. Kapuluan — ito ay mga grupo ng malalaki at maliliit na pulo na napalilibutan ng katubigan.
Samantalang ang tubig ay bumubuo sa halos 71% ng ating mundo. Kahit napalilibutan ang mundo ng
katubigan ay nakapatong pa din ito sa balat ng daigdig- ang crust.
11
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1

Narito naman ang ilan sa mga anyong tubig:

1. Karagatan- tubig alat at pinakamalaking uri ng anyong tubig sa mundo.


2. Dagat- malawak na anyong tubig at mas maliit sa karagatan.
3. Ilog- isang makipot at mahabang anyong tubig na umaagos patungo sa dagat.
4. Delta- lugar kung saan nagtatagpo ang tubig sa ilog at dagat.
5. Look- dagat na kumokonekta sa dagat.
6. Golpo- mas malaking look.
7. Lawa- anyong tubig na napalilibutan ng lupa.
8. Bukal- tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa.
9. Kipot- masikip na daanan ng anyong tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig.
10. Talon-matarik na pababa na tubig patungo sa isang sapa.
11. Kanal- agusan ng tubig na tumutungo sa ilog o dagat, karaniwang artipisyal ang paglikha dito.

Sa pamamagitan ng mga anyong lupa at anyong tubig ay nagbibigay ito ng mga biyaya para
sa tao upang mabuhay dito sa daigdig. Ang lahat ng mga pangangailangan natin ay nagmumula dito.
Ito ay tinatawag na mga yamang likas.

12
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1

Ang likas na yaman naman ay mga bagay o biyaya na nakukuha natin mula sa kalikasan.
Nauuri ang mga likas na yaman sa apat:

1. Yamang Lupa - mga bagay na


nakukuha mula sa lupa tulad ng mga
tanim na pagkain.
2. Yamang Tubig - nakukuha natin mula
sa anyong tubig tulad ng isda.
3. Yamang Mineral - nakukuha naman ito
sa pamamagitan ng pagmimina sa ilalim
ng lupa. Hal. Ginto, langis.
4. Yamang Gubat - mga hayop o bagay
na nakukuha mula sa kagubatan.

Batay sa iyong obserbasyon sa paligid, paano mo mailalarawan ang iyong


kapaligirang ginagalawan?

GAWAIN 3 GEOGRAPHY A to Z
Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod na letra ng mga salita na may kinalaman sa heograpiya ng
daigdig na iyong natutunan. Susundan mo ito ng isang maikling impormasyon. Makikita ang mga
halimbawa sa ibaba. Gawin ito sa isang buong pirasong papel.

-karagatan sa pagitan ng kontinente ng Amerika at


A Atlantic
Ocean Africa
B Bundok -mataas na uri ng anyong lupa
C Crust -pinakabalat ng mundo
D
E
F
G
H
I
J
K
L
M

13
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1

N
O
P
Q
R
S
T
U
V
W
X
Y
Z

GAWAIN 4 PAGSULAT NG SANAYSAY


Panuto: Mula sa mga paksang iyong napag-aralan, maaari mo nang ilahad ang kabuluhan nito sa
iyong buhay. Isulat ang iyong kasagutan sa pamamagitan nang pagbuo ng sanaysay sa loob ng
kahon.Kopyahin ito sa isang buong pirasong papel.

14
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1

Rubrik sa Pagmamarka ng Sanaysay:

Napakahusay Mahusay Nalilinang


Kraytirya
5 4 3
Kumpleto at
Maayos ang May ilang kakulangan sa
komprehensibo ang
nilalaman ng nilalaman ng sanaysay. May
nilalaman ng
Nilalaman sanaysay. Wasto ilang maling impormasyon
sanaysay. Wasto ang
ang lahat ng na nabanggit.
lahat ng
impormasyon.
impormasyon.
Malikhaing nailahad Maayos na Hindi gaanong maayos
ang nilalaman ng nailahad ang na nailahad ang
sanaysay. Maayos sanaysay. sanaysay. Hindi
Presentasyon
ang daloy at Nauunawaan gaanong nauunawaan
nauunawaan ang ang nilalaman ang nilalaman ng
nilalaman nito. ng sanaysay. sanaysay.
Malinaw ang ilang Hindi gaanong malinaw
Malinaw ang mga ideya
Kalinawan ng mga ideya na ang mga ideya na
na nakapaloob sa
ideya nakapaloob nakapaloob
sanaysay.
sa sanaysay. sa sanaysay

GAWAIN 5 PANGHULING PAGTATAYA


Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Ang mga sumusunod ay uri ng yamang likas maliban sa _ .
A. Yamang Lupa B. Yamang Mineral C. Yamang Tao D. Yamang Tubig
2. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig.
A. Heograpiya B. Heologo C. Kasaysayan D. Topograpiya
3. Ito ang pinakadulong bahagi ng Northern Hemisphere na direktang sinisikitan ng araw
at matatagpuan ito sa 23.5 degrees hilagang ekwador.
A. Prime Meridian B. Tropic of Cancer C. Tropic of Capricorn D. Tropical Region
4. Sa tema ng heograpiya, ito ay tumutukoy sa kinaroroonan ng isang lugar.
A. Interaksyon B. Lokasyon C. Lugar D. Rehiyon
5. Siya ang tinaguriang Ama ng Heograpiya.
A. Alfred Wegener B. Eratosthenes C. Herodotus D. Wala sa nabanggit
6. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa crust MALIBAN sa isa.
A. Ito ang pinakabalat ng daigdig C. Binubuo ito ng mga tunaw na batong mainit
B. Ito ang panahanan ng lahat ng nabubuhay D. Ito ay may habang 3 hanggang 30 milya pailailim
7. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya?
A. Upang masamantala natin ang paggamit sa mga likas na yaman

15
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1
B. Upang mapangalagaan natin ang ating daigdig mula sa mga penomena
C. Dahil ito ay nakatutulong upang alamin ang katangian ng ating daidgig
D. B at C ay wasto
8. Ito ang bulubundukin na tinaguriang “Roof of the Word”.
A. Andes Mountains B. Himalayas Mountains C. Rocky Mountains D. Ural Mountain
9. Ito ay tumutukoy sa pangmatagalang kondisyong atmospera sa isang rehiyon.
A. Klima B. Lokasyon C. Paggalaw D. Panahon
10. Ito ay tumutukoy sa pinakamaliit na kontinente sa buong mundo.
A. Antarctica B. Asya C. Australia and Oceania D. Europe

16
“Make Jesus Christ Known and Loved”
PBI Alternative Learning Modality Araling Panlipunan 8 Kwarter 1

REFERENCES

BOOKS:
Blando, R C., et.al. Modyul ng Mag-aaral. Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig. Vibal Group
Inc. Deped-IMCS. Pasig City Philippines.
Mateo, G E C. et.al. Kasaysayan ng Daigdig. Batayang Aklat sa Araling Panlipunan.

WEBSITES:
5 Themes of Geography-Flocabulary (https://www.youtube.com/watch?v=IZ6TetMSrAs)
5 Themes of Geography-Flocabulary (https://www.youtube.com/watch?v=IZ6TetMSrAs)
Anyong lupa https://tl.wikipedia.org/wiki/Anyong_lupa
Anyong tubig https://tl.wikipedia.org/wiki/Anyong_tubig
Balikan Source Questionnaires.https://www.kids-world-travel-guide.com/asia-
facts.html?fbclid=IwAR1CgVWbAw_NI2EHEx- vRqdAdqYskrI8Xj3CfKm3M2eODPGUI7l4EOTM_b4
Klima-http://www.physicalgeography.net/fundamentals/7v.html
Likas na Yaman https://www.worldatlas.com/articles/what-are-natural- resources.html//
https://www.slideshare.net/elerageonzon/mga-likas-na-yaman- 67240648
Types of Geography https://www.nationalgeographic.org/education/what-is- geography

17
“Make Jesus Christ Known and Loved”

You might also like