You are on page 1of 4

Republic of the Philippines Department Of Education

Region III – Central Luzon


Schools Division Office of Bataan
PALILI INTEGRATED SCHOOL
Palili, Samal, Bataan

Mala-Masusing Banghay Aralin sa


Araling Panlipunan 7

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ng mag-aaral ang pang-unawa sa mga kaisipang Asyano, Pilosopiya at
Relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng Sinaunag Kabihasnan sa Asya at sa
pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.

B. Pamantayang Pagganap
Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano,
Pilosopiya at Relihiyon na nagbibigay daan sa paghubog ng Sinaunang kabihasnan sa
Asya sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.

C. Kasanayan sa Pagkatuto
• Napaghahambing ang mga sinaunag kabihasnan. (Sumer, Indus,Tsina) AP7KSA-
IIc-1.4

II. Nilalaman : Paghubog ng Sinaunag Kabihasnan sa Asya.


Paksa: Mga Sinaunang Kabihasnan ng Asya

III. Kagamitang Panturo

A. Sanggunian
Pahina sa TG: Araling Panlipunan 7 – Modyul sa mag-aaral ph.112-115
Pahina sa LM: Modyul 2: Sinaunang Kabihasnan ng Asya: Sumer, Indus, Shang
Karagdagang Kagamitan sa LR Portal: Google, Scribed, Course Hero (Website)

B. IBA PANG KAGAMITANG PANTURO:


Pictures, Visual Aid (Tarpapel, Manila Paper)

IV. Pamamaraan 1. Pagbati 2. Panalangin 3. Pagtala ng liban

A. Balik-aral Loop a Word


Panuto: Hanapin sa loop a word puzzle ang mga sumusunod na salita.
1. Mesopotamia 6. Tigris
2. Sumer 7. Huang Ho
3. Indus 8. Ganges
4. Shang 9. Euphrates
5. Kabihasnan
B. Paghahabi ng Layunin sa Aralin
Pagpapakita ng iba’t-ibang larawan ng mga diyos ng mga sinaunang tao.

RELIHIYON NG SUMER

RELIHIYONG INDUS

RELIHIYONG SHANG

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin:


1. Ano ang kaugnay ng paraan ng pagsamba ng mga sinaunang tao sa paghubog ng
mga kabihasnan?
2. Sa inyong palagay nakakaapekto ba ang relihiyon, politika at ekonomiya sa
pamumuhay ng mga sinaunag kabihasnan ng Asya?

D. Pagtatalakay ng Bagongv Konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Pagatatalakay ng aralin gamit ang tarpapel Tungkol sa sinaunang kabihasnan.

E. Pagtatalakay ng Bagongv Konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Paggamit ng Rubrics sa pagmamarka

Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatalo. Bawat pangkat ay inaasahang makakagawa at


makapag-uulat sa klase ng katangian ng sistemang political at pang-ekonomiya gamit
ang Semantic Web (Pampolitika, Pang-ekonomiya, Pangrelihiyon)

Unang Pangkat: Sumer

Ikalawang Pangkat: Indus


Ikatlong Pangkat: Shang

F. Paglinang ng Aralin.
Paano nagkakaiba o nagkakatulad ang sistemang political at pang-ekonomiya ng
sinaunag kabihasnan ng Asya?

G. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-araw na buhay


Sa inyong palagay nakaimpluwensya ba sa inyo ang pananaw pampulitika at
pangekonomiya ng mga kabihasnan noon? Pangatwiranan.

H. Paglalahat ng Aralin
Anu-ano ang ambag panrelihiyon, Pampulitikal at pang-ekonomiya ng sinaunang
kabihasnan ng Asya?

I. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
a. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao.
b. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya.
c. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lambak.
d. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran.
2. Ito ang pinakamahalagang lungsod sa Kabihasnang Indus.
a. Tigris at Euprhrates
b. Ur at Uruk
c. Huang Ho at Yang Tze
d. Mohenjo-Daro at Harrapa
3. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Sumerian sa kabihasnang pandaigdig?
a. Sistema ng pagsulat ng tinatawag na cuneiform
b. Ang pagkatuklas ng pottery wheel
c. Mga seda at porcelana
d. Pagkakatuklas ng paggamit ng decimal system
4. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang
dambana ng kanilang diyos o diyosa?
a. Great Wall of China
b. Taj Mahal
c. Ziggurat
d. Hanging Garden
5. Ito ang Sistema ng pagsulat na ginagamit ng kabihasnang Shang.
a. Cuneiform
b. Pictograph
c. Calligraphy
d. Oracle Bones

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation


1. Anu-ano ang mga naging Ambag ng sinaunag kabihasnan?
Asya, PAgkakaisa sa gitna ng Pagkakaiba: Modyul
ng mag-aaral, Pahina: 112-114

V. MGA TALA: ____________________________________________________________


___________________________________________________________________________

VI PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng
remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
magaaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano nakatulong

Prepared by:

MARCELO S. SALIGUMBA
Subject Teacher

Noted by:

JEAÑA L. DE LOS SANTOS


School Principal I

You might also like