You are on page 1of 20

8

AralingPanlipunan 8
Quarter 1 – Module 8:
A
Mga Kontribusyon ng mga
Sinaunang Kabihasnan sa
Daigdig
Araling Panlipunan — Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 — Module 8: Mga Kontribusyon ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig
Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every
effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective
copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City


Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI

Development Team of the Module

Writer: Anilyn A. Panoril

Reviewers: Corazon A. Lituañas, PhD

Illustrator & Layout Jay Michael A. Calipusan


Artist:

Evaluator: Lila C. Quijada

Management Team

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Conniebel C. Nistal, PhD


Assistant Schools Division Superintendent
Pablito B. Altubar
CID Chief

Members: Norebel A. Balagulan, PhD, EPS – AralingPanlipunan


Himaya B. Sinatao, LRMS Manager Jay
Michael A. Calipusan, PDO II Mercy M.
Caharian, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Gingoog City

Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog City


Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Araling
Panlipunan
Quarter 1 – Module 8:
Mga Kontribusyon ng mga
Sinaunang Kabihasnan sa
Daigdig
Araling Panlipunan – Grade 8
Most Essential Learning Competency (MELC) – Based Exemplar
Unang Kwarter – Pangwalong Linggo: Napahahalagahan ang mga
kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa exemplar na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa exemplar na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development and Quality Assurance Teams

Writer: Jehan M. Janoya


Illustrator: Richelyn L. Dagoc
Layout Artist: Anthon John C. Maceda
Language Editor: Analou C. Ronquillo
Content Evaluator: Ressil L. Tersona
Layout Evaluator: Julito T. Mangadlao
Management Team: PSDS/DIC
Uldarico B. Luarez

1
4
Alamin

Sa exemplar na ito, matutunghayan mo kung paano


napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig. Ang mga gawain ay inayos upang iyong masundan ang wastong
pagkakasunod-sunod ng kursong ito.

Most Essential Learning Competency:


Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig (AP8HSK-lj-10)

Layunin
Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa exemplar
na ito, ikaw ay inaasahang:

A. Kaalaman: nakapagtutukoy ng mga kontribusyon ng mga


sinaunang kabihasnan sa daigdig

B. Kasanayan: nakapagtatala ng mga pamana o kontribusyon ng


mga sinaunang kabihasnan at ang impluwensiya ng mga
pamanang ito; at

C. Pandamdamin: nakapagbabahagi ng kahalagahan ng mga


kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig

Tagal: Tatlong (3) araw

Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio

Gamit ang Portfolio Assessment Template na ibinigay sa iyo ng iyong


guro kasama ng exemplar na ito, tatapusin mo ang lingguhang pagtatakda
ng mithiin. Gawing patnubay ang mga layunin sa itaas. Mag-isip ng mga
positibo at makatotohanang mithiin na maari mong makamit sa exemplar na
ito. Itala ang mga ito bilang iyong mga plano. Tandaan: Huwag ipagpatuloy
ang pagsagot sa exemplar na ito kung hindi mo pa naisagawa ang
pagtatakda ng mga mithiin.

5
Nalalaman

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang unang sistema ng pagsulat ng mga Sumerian.


a. Heiroglyphics c. Cuneiform
b. Alpabeto d. Calligraphy

2. Ano ang nagsisilbing sulatan ng mga Sumerian.


a. Parchment Scroll c. Oracle Bone
b. Clay Tablet d. Papyrus Reed

3. Alin sa sumusunod na larangan ng literatura ang itinuturing bilang


kauna-unahang akdang pampanitikan sa buong daigdig?
a. Epic of Gilgamesh
b. The Great Flood
c. Mahabharata
d. Ramayana

4. Ano ang mahihinuha sa pagkakaroon ng sistema ng pagsulat ng mga


Sumerian?
a. May mataas na antas ng pakikipagtalastasan at pakikipag-
ugnayan ang mga Sumerian
b. May epekto ito sa maunlad na patakarang pang-ekonomiya
ng mga Sumerian
c. May mahalagang papel itong ginagampanan sa
pamamahala ng estado
d. May kaugnayan ito sa mabuting pagkakalap at pagtatala
ng kasaysayan ng Sumer

5. Ang mga sumunod ay palatandaan ng maunlad na pamumuhay sa


Sumer, maliban sa
a. Paggawa ng dam at dike para maiwasan ang malubhang
epekto ng pagbaha
b. Paggawa ng mga tapayan bilang imbakan ng tubig at
pagkain
c. Paggawa ng kanal pang-irigasyon para sa mga malalayong
sakahan
d. Paggawa ng mga piramide para sa mga yumaong mahal sa
buhay

6
6. Paanong naging mahalagang ambag ang katipunan ng mga batas ni
Hammurabi na mas kilala bilang Code of Hammurabi sa Mesopotamia?
a. Ito ay naglalaman ng mga batas ng Mesopotamia
b. Maraming naituturong aral sa pang-araw-araw na buhay
c. Naglalaman ng 282 batas na pumapaksa sa halos lahat ng
aspekto ng araw-araw na buhay sa Mesopotamia
d. naglalaman ng 282 batas na pumapaksa sa halos lahat ng
mga pangyayari sa Mesopotamia

7. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit tinawag na ―agham ng


buhay‖ ang Ayurveda o mahalagang kaisipang pang-medisina ng
sinaunang India?
a. Dahil napapanatili nito ang mabuting kalusugan
b. Sapagkat binigyang-tuon nito ang pagpapanatili ng
kalusugan at kaligtasan mula sa mga karamdaman.
c. Itinuturing itong mahalagang kaisipang pangmedisina ng
sinaunang India
d. Tumutuklas ito ng mga gamut na nagpapagaling ng
malubhang karamdaman

8. Anong pamayanan ang kinikilala bilang mga kauna-unahang


paninirahang sumailalim sa tinatawag na urban o city planning o
pagpaplanong panlungsod?
a. Pamayanang Indus
b. Pamayanang Tsino
c. Pamayanang Mesopotamia
d. Pamayanang Egypt

9. Ang dalawang epikong pamana ng India sa larangan ng panitikan ay


a. Epic of Gilgamesh at The Great Flood
b. Mahabharata at Ramayana
c. Kautilya at Ramayana
d. Arthasastra at Mahabharata

10. Bakit itinuturing na mahalagang paniniwala ang feng shui o


geomancy ng kabihasnang Tsino?
a. Dahil ang kaisipang ito ay ukol sa tamang pagbalanse ng yin
at yang upang makapagdulot ng magandang hinaharap sa
sinuman
b. Ito ay nagbibigay ng perspektiba at pamamaraan ng
prediksyon ukol sa iba’t ibang bagay at sitwasyon sa buhay
ng tao.
c. Ito ay itinuturing na isa sa mga kauna-unahan at
pinakatanyag na paniniwala ng mga Tsino

7
d. Paniniwalang sumisimbolo sa mga kababaihan at
kalalakihang Tsino

11. Ang sumusunod ay ang iba pang mga kontribusyon ng kabihasnang


Tsino maliban sa
a. kalendaryo
b. star map
c. magnetic compass
d. astronomiya

12. Ang katawan ng isang yumao sa kabihasnang Egypt ay sumasailalim


sa isang preserbasyon bago ito tuluyang ilibing. Sa isang prosesong
tinatawag na
a. Preserbasyon
b. Mummification
c. Mummy
d. Embalsamasyon

13. Ang sumusunod ay hitik sa mga simbolismong relihiyoso ng mga


piramideng Egyptian, maliban sa?
a. Libingan ito ng pharaoh kung kaya sinisimbolo nito ang
kapangyarihan ng mamuno
b. pinatunayan nito ang paniniwala sa buhay matapos ang
kamatayan
c. Lahat ng kayamanan at karangyaan ng pharaoh ay makikita
sa piramide bilang paghahanda sa kabilang buhay
d. Libingan at pagmamay-ari ito ng pharaoh kung kaya
sinisimbolo nito ang kapangyarihan ng mamuno

14. Ang hieroglyphics ay nakasulat hindi lamang sa mga papel kundi


nakaukit din sa mga pampublikong gusali o kaya naman ay nakapinta
sa luwad o kahoy. Ang panulat na ito ay naging mahalaga sa
a. pagtatala at kalakalan
b. pagbibilang at paglalarawan
c. pag-uukit at pagpipinta
d. pagsusulat at pagbabasa

15. Ang sumusunod ay ang iba pang mga kontribusyon ng kabihasnang


Egypt maliban sa
a. Geometry
b. Medisina tulad ng pagsasaayos ng nabaling buto
c. Water Clock
d. Sagradong pagdiriwang

8
Suriin

Sa pagkakataong ito, iisa-isahin ang mahahalagang datos tungkol sa


mga pamana o kontribusyong naiambag ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig.

Gawain 1. Picture Picture!!!


Panuto: Tingnan ng mabuti ang bawat larawan sa loob ng kahon. Ilarawan
ang bawat isa at ibigay ang kahalagahan o kagamitan ng mga ito.

(Larawan ng (Larawan ng
(Larawan ng (Larawan ng
mga mga
lapis) kalendaryo)
tableta) alpabeto)

Pamprosesong Tanong
Batay sa mga larawang ipinakita, anong kontribusyon ang ibinigay ng
mga ito sa pang-araw-araw mo na buhay?

Gawain 2. Gauge Me
Panuto: Basahin ang bawat aytem sa ibaba. Lagyan ng tsek (/) ang bawat
kolum na siyang magsisilbing sagot mo.

Paksa Kaunting Maraming Pagnanais na


natutunan natutunan may marami
pang
matutunan
1.Mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig

2.Kontribusyon/Pamana
ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig

3.Kagamitan

4. Kahalagahan

9
Sa bahaging ito, tatalakayin ang mga kontribusyon ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.

Paksa: Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig ay nag-iwan ng


kani-kanilang mga pamana sa sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita
ng kadakilaan, husay, at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang
larangan at aspekto. Hindi natin napapansin subalit ang ilang mga bagay
na ating ginagamit araw-araw ay maaaring mag-ugat sa malayong
nakaraan. Gayundin, ang kasaysayan ng iba’t ibang kaisipan, pilosopiya, at
relihiyon sa kasalukuyan ay maaaring tuntunin sa mga sinaunang
kabihasnang ito. Bilang mag-aaral ng kasaysayan, ikaw ba ay may
nalalamang ambag o kontribusyong nagmula sa mga sinaunang
kabihasnan na kanilang ipinamana sa kasalukuyang panahon?

Mesopotamia

Ang ziggurat ay estruktura kung saan pinaparangalan at sinasamba ang


diyos o patron ng isang lungsod. Sentro rin ng pamayanan ang ziggurat.

Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang Code of


Hammurabi, ay isang napakahalagang ambag. Ito ay naglalaman ng 282
batas na pumapaksa sa halos lahat ng aspekto ng araw-araw na buhay sa
Mesopotamia.

Sa larangan ng literatura, itinuturing ang Epic of Gilgamesh bilang kauna-


unahang akdang pampanitikan sa buong daigdig. Ito ay kuwento ni Haring
Galgamesh ng lungsod-estado ng Uruk sa Sumeria noong ikatlong siglo
B.C.E. Ang isa sa mga kabanata ng epikong ito ay kahalintulad sa The Great
Flood ng Bibliya.

Ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong daigdig


ay nalinang sa Sumer. Ito ay tinatawag na cuneiform.

Iba pang kontribusyon

Indus

10
May sewerage system ang Mohenjo-Daro. Bukod dito, ang mga pamayanan sa
Indus ay kinikilala bilang mga kauna-unahang paninirahang sumailalim sa
tinatawag na urban o city planning o pagpaplanong panlungsod. Ang mga
kalsada sa matatandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa ay nakaayos
na parang mga nagsasalubong na guhit o grid pattern.

Ang dalawang epikong pamana ng India sa larangan ng panitikan. Ang


Mahabharata ay isang salaysay hinggil sa matinding tunggalian ng
dalawang pamilya na magkakamag-anak – ang mga Pandava na
kumakatawan sa kaguluhan at kasamaan. Ang Ramayana naman ay
isang salaysay tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama at ang pagsagip niya kay
Prinsesa Sita, ang kaniyang asawa, na sapilitang kinuha ni Ravana, isang
demonyong hari.

Isinulat ni Kautilya ang Arthasastra noong ikatlong siglo B.C.E. Ito ang kauna-
unahang akda o treatise hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. Si Kautilya
ay tagapayo ni Chandragupta Maurya, ang tagapagtatag ng Imperyong
Maurya.

Ang Ayurveda o ―agham ng buhay’’ ay isang mahalagang kaisipang


pangmedisina ng sinaunang India. Tinawag itong ―agham ng buhay’’
sapagkat binigyang-tuon nito ang pagpapanatili ng kalusugan at
kaligtasan mula sa mga karamdaman.

Iba pang kontribusyon:

Tsino

Sa panahon ng Qin, tinatayang isang milyong katao ang sapilitang


pinagtrabaho upang itayo ang Great Wall ng China. Ito ay nagsilbing
simbolo ng kabihasnang Tsino sa loob ng mahabang panahon.

Ang I Ching (Classic of Change) ay nagbibigay ng perspektiba at


pamamaraan ng prediksyon ukol sa iba’t ibang bagay at sitwasyon sa
buhay ng tao. Samantala, ang Bing Fa (Art of War) ay itinuturing na isa sa
mga kauna-unahan at pinakatanyag na aklat ukol sa estratehiyang
militar na isinulat ni Sun Zi o Sun Tzu noong 510 B.C.E.

11
Ang paniniwala sa feng shui o geomancy ay nagmula rin sa China. Ang
kaisipang ito ay ukol sa tamang pagbalanse ng yin at yang upang
makapagdulot ng magandang hinaharap sa sinuman. Ang yin ay
sumisimbolo sa kababaihan—malambot at kalmado. Samantala ang
yang ay tumutukoy sa kalalakihan—matigas at masigla.

Iba pang kontribusyon:

seda

Egypt

May sistema ng pagsusulat din ang mga Egyptian na tinatawag na


hieroglyphics. Sa simula, ang isang larawan ay sumasagisag sa isang
kaisipan. Ang hieroglyphics ay nakasulat hindi lamang sa mga papel kundi
nakaukit din sa mga pampublikong gusali o kaya naman ay nakapinta sa
luwad o kahoy. Ang panulat na ito ay naging mahalaga sa pagtatala at
kalakalan. Ang mga rolyo ng pergamino o paper scroll ay mula sa
malatambong halaman na tinatawag na papyrus.

Ang mga piramide ay hitik sa mga simbolismong relihiyoso. Libingan ito ng


pharaoh kung kaya sinisimbolo nito ang kapangyarihan ng mamuno.
Gayundin, pinatunayan nito ang paniniwala sa buhay matapos ang
kamatayan. Lahat ng kayamanan at karangyaan ng pharaoh ay makikita
sa piramide bilang paghahanda sa kabilang buhay.

Ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa isang preserbasyon


bago ito tuluyang ilibing. Sa isang prosesong tinatawag na mummification.
Ang mga Egyptian ay gumagamit ng kemikal upang patuyuin ang
bangkay. Matapos nito, ang isang mummy o embalsamadong bangkay
ay pinipintahan, binabalutan ng linen, at pinapalamutian ng alahas.

12
Iba pang kontribusyon:

Isagawa 1: K-A-K Organizer

Panuto: Unawain ang panuto sa pagbuo ng organizer.


a. Pumili ng tatlong sinaunang kabihasnan na gagawan ng
KabihasnanAmbag-Kabuluhan (K-A-K) Organizer.
b. Isulat sa unang hugis ang piniling kabihasnan, sa pangalawang
hugis ang ambag, at pangatlong hugis ang kabuluhan ng
ambagsa mga sinaunang tao.

Kabihasnan Ambag Kabuluhan

Pamprosesong Tanong

1. Ano-ano ang mga pamana/ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa


diagdig?
2. Ano ang kahulugan ng mga nabanggit na ambag sa pamumuhay ng
mga sinaunang taong naninirahan sa kani-kanilang kabihasnan?
3. Bakit maituturing na dakilang pamana ang mga ambag nito?

13
Isagawa 2: Maimpluwensiyang Kabihasnan

Panuto: Kumpletuhin ang kasunod na dayagram. Itala ang pamana ng mga


sinaunang kabihasnan at ang impluwensiya ng pamanang ito sa daigdig at
sa ating bansa sa kasalukuyang panahon.

Impluwensya sa Daigdig

Impluwensya sa Pilipinas

Pamana ng Sinaunang
kabihasnan

Isagawa 3: Talahanayan Mo, Ibahagi Mo.

Panuto: Mula sa binasang teksto tungkol sa mga kontribusyon ng mga


sinaunang kabihasnan sa daigdig, ibahagi mo sa bawat hanay ang
mga kahalagahan ng mga pamanang naimbag ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.

Kabihasnan Kontribusyon/Pamana Kahalagahan

14
Isaisip

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling letra sa sagutang
papel.

1. Unang sistema ng pagsulat ng mga Sumerian.


c. Hieroglyphics c. Cuneiform
d. Alpabeto d. Calligraphy

2. Ang kambal na ilog na pinagsibulan ng unang kabihasnan sa


kasaysayan.
a. Tigris at Niel c. Huang Ho at Nile
b. Euphrates at Indus d. Tigris at Euphrates

3. Uri ng pamumuhay kung saan ang isang pangkat ng tao ay


nagpapalipat-lipat ng pananahanan kung kinakailangan.
a. Barbaro c. Semetiko
b. Nomadiko d. Sibilisado

4. Ang bilang ng mga unang lungsod-estado na bumubuo sa kalupaan


ng Mesopotamia.
a. 12 c. 13
b. 14 d. 15
5. Ang nagsisilbing sulatan ng mga Sumerian.
a. Parchment Scroll c. Oracle Bone
b. Caly Tablet d. Papyrus Reed

6. Ang mga sumunod ay palatandaan ng maunlad na pamumuhay


sa Sumer, maliban sa
e. Paggawa ng dam at dike para maiwasan ang malubhang
epekto ng pagbaha
f. Paggawa ng mga tapayan bilang imbakan ng tubig at
pagkain
g. Paggawa ng kanal pang-irigasyon para sa mga malalayong
sakahan
h. Paggawa ng mga piramide para sa mga yumaong mahal sa
buhay

7. Ang ginamit na panulat ng mga Sumerian


a. Titus c. Reynolds b. Stylus d. Staedler

15
8. Maunlad na pamayanan kung saan matatagpuan ang kabisera o
lungsod na pinaliligiran ng mga lupang sakahan.
a. Pueblo c. Quinquereme
b. Lungsod-estado d. Ayuntamiento

9. Pangunahing hayop na ginamit ng mga Sumerian sa pagsasaka.


a. Bison c. Mammoth
b. Oxen d. Donkey

10. Ano ang mahihinuha sa pagkakaroon ng sistema ng pagsulat ng


mga Sumerian?
a. May mataas na antas ng pakikipagtalastasan at pakikipag-
ugnayan ang mga Sumerian
b. May epekto ito sa maunlad na patakarang pang-ekonomiya
ng mga Sumerian
c. May mahalagang papel itong ginagampanan sa
pamamahala ng estado
d. May kaugnayan ito sa mabuting pagkakalap at pagtatala
ng kasaysayan ng Sumer

11. Kinikilala bilang mga kauna-unahang paninirahang sumailalim sa


tinatawag na urban o city planning o pagpaplanong panlungsod.

a. Pamayanang Sumer c. Pamayanang Indus b.


Pamayanang Aryan d. Pamayanang Tsino

12. Tinawag itong ―agham ng buhay’’ sapagkat binigyang-tuon nito


ang pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan mula sa mga
karamdaman.
a. Ayurveda c. Arthasastra
b. Ramayana d. Mahabharata

13. Ang kaisipang ito ay ukol sa tamang pagbalanse ng yin at yang


upang makapagdulot ng magandang hinaharap sa sinuman.
a. Feng Shui c. Feng Yang b. Feng Ying d. Feng
Shin

14. Ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa isang preserbasyon


bago ito tuluyang ilibing. Sa isang prosesong tinatawag na
a. Mummification c. Crucifixion b. Possession
d. Preservation

15. Ito ay nakasulat hindi lamang sa mga papel kundi nakaukit din sa
mga pampublikong gusali o kaya naman ay nakapinta sa luwad o
kahoy. Ang panulat na ito ay naging mahalaga sa pagtatala at
kalakalan ng mga Egyptian.
a. Hieroglyphics c. Cuneiform
b. Alpabeto d. Calligraphy

16
c .15
a .14
d .13
b .12
d .11
a .10
.9 b
.8 a ibinigay.
.7 b bilang tugon sa katanungan o gawaing
.6 c puntos base sa ideya ng mga mag-aaral
.5 d Ang guru ang inaasahang magbibigay ng 
.4 b
.3 a
.2 b Isagawa 1 - 3
.1 c

Nalalaman

.15 a
.14 a
.13 a
.12 a
.11 c
.10 b
b .9
b .8
b .7
d .6
b .5
a .4
b .3
d .2
c .1

Isaisip

17
Pagsagawa ng Portfolio – Pahiwatig ng Pag-unlad!

Balikan mo ang iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na


sumusunod sa iyong itinakdang mithiin. Tandaan na ang iyong portfolio ay
koleksiyon ng iyong gawa sa tulong ng exemplar. Binibigyang diin nito ang
iyong kakayahang makita at mapagnilayan ang iyong pag-unlad, saka sa
natamo mong kakayahang maisagawa ang mga mithiin. Bilang pagtatapos
nitong portfolio, gawing patnubay ang rubric sa ibaba.

Rubric para sa Pagtatasa ng Portfolio

ANTAS
Krayterya Baguhan Nagsasanay Mahusay Napakahusay Iskor
(1-3) (4-6) (7-8) (9-10)
1. Pagtatakda ng Di maka- Positibo at Ang Maliwanag ang
Hangarin totohanan ang makatotohana pangkalahatang paglalarawan ng
(Lingguhang mga hangarin n ang mga proseso at mga itinakdang
Talaan ng para sa pag- hangaring hangaing hangarin na
____ sa 10
Hangarin) unlad ng itinakda. itinakda ay kayang abutin at
kakayahan. positibo at angkop sa pag-
makatotohanan. unlad ng
kakayahan
2. Ang Aking Nagpapakita Nagpapakita Nagpapakita ng Nagpapakita ng
Sariling Pagsusuri ng munting ng sapat na mainam na napakainam na
sa Pagsusulit ebidensya ng ebidensya ng ebidensya ng ebidensya ng
repleksiyon at repleksiyon at repleksiyon at repleksiyon at ____ sa 10
sariling sariling sariling sariling pagtatasa
pagtatasa pagtatasa pagtatasa at mayroong
dokumentasyon
3. Ang Maliit lamang Sapat ang Mainam ang Napakainam at
Mapanuring Ako ang ebidensya ebidensya ng pagsagawa at napakalinaw ang
ng pag-unlad pag-unlad at kakikitaan ng pagsagawa at ____ sa 10
at pagkatuto pagkatuto pangkalahatang pangkalahatang
pag-unlad pag-unlad
4. Ang Aking
Pinakamahusay
na Sinagutang
Pagsusulit
5. Ang Aking Maliit lamang Sapat lamang Malinaw ang Napakalinaw at
Malikhaing ang ebidensya ang ebidensya ebidensya ng natatangi ang
Koneksiyon ng malikhain at ng malikhain at malikhain at ebidensya ng
____ sa 10
mapanuring mapanuring mapanuring malikhain at
gawa gawa gawa mapanuring
gawa
[1-2] [3] [4] [5]
Pangkabuuang Di maayos na Naipakita ang Nailahad ang Nailahad nang
Presentasyon nailahad ang halos lahat ng lahat ng aytem malinaw, maayos
mga aytem; at aytem; at ang na may at kumpleto ang
tila magulo ang portfolio ay pagkasunod- mga ayte; at ang
____ sa 5
kinalabasan ng maayos na sunod; at ang portfolio ay malinis
portfolio. nailahad. portfolio ay at elegante.
maayos na
naisagawa.

18
Bilis ng Pagpasa Naipasa nang Naipasa nang Naipasa nang Naipasa sa
huli sa oras (5-6 huli sa oras (3-4 huli sa oras (1-2 tamang oras ____ sa 5
araw). araw). araw).

_______
Kabuuan (Pinakamataa
s na puntos:
50)

19
Sanggunian
Rosemarie C. Blando, et.al. Unang Edisyon 2014. Kasaysayan ng
Daigdig: Araling Panlipunan 8. Aralin 3: Ang mga Kontribusyon
ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daidig. ISBN: 978-971-9601-
67-8 Modyul ng Mag-aaral, pp. 112-117

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd Surigao del Sur Division – Schools District of Lianga I

Address: Poblacion, Lianga, Surigao del Sur


Contact Number: 09383760691
Email Address:

20

You might also like