You are on page 1of 2

HULYO 28, 2017

MS. JOCELYN R. SUARIN


Purok 5, Brgy. Tacub, Kauswagan
Lanao del Norte

RE: SAGOT NG INYONG SULAT

Ginang:

Magandang Araw Po Sa Inyo! Tungkol ito sa inyong sulat na may petsang


Abril 24, 2017 at naka-address kay Kalihim Rafael Mariano. Ang nasabing
sulat ay natanggap ng tanggapan ng Kalihim at inindorso ng Head
Executive Assistant sa aking tanggapan upang ito ay pag-aralan. Agad-
agad namin itong binigyan nang kaukulang aksyon.

Ayon sa inyong sulat, kayo ay isang tenant sa lupain na matatagpuan sa


lupain ng Industrial Enterprises Incorporated (IEI) sa Tacub, Kauswagan,
Lanao del Norte at kayo ay pinaalis nang may-ari pero di man lang kayo
binigyan ng fair and just compensation. Sa halip ay binayaran lamang kayo
ng Php80,000.00 sa 54 na taon ninyong pagiging tenant mula pa sa inyong
mga magulang at ayon sa inyo, hindi man lang kayo binigyan ng relocation
site. Binigyan kayo ng may-ari ng palugit at ayon sa inyo ay paalisin na
kayo.

Ngayon, kayo ay humihingi ng tulong kay Kalihim Paeng Mariano upang


mabigyan man lang kayo ng sapat na pera at relocation at pabahay.

Ginang, naobserbahan po namin na ang inyong suliranin ay dumaan sa


proseso. Nagkaroon kayo ng kaso na isinampa ng IEI laban sa inyo at may
pamagat ito na: INDUSTRIAL ENTERPRISES, INC. versus JOCELYN R.
SUARIN , for the payment of Disturbance Compensation (DARAB Case
No. X-1741-LN-2016). Ito ay naisampa sa DARAB, Lanao del Norte at
kumuha din po kayo ng pribadong abogado.

Sa ngayon ang kaso ay tapos na. May desisyion na at final and executory
na ito. May Writs of Execution at Demolition na ito at kayo ay paaalisin na
anumang oras.n Ayon sa inyo, ginawa na lahat ng inyong abogado upang
ipagtanggol kayo ngunit ganito pa rin ang nangyari.

Dahil sa tapos na po ang kasong ito at dumaan sa paglilitis ay wala na po


tayong magagawa kundi ipatupad ito. Nakakalungkot man at isang
magsasakang katulad ninyo ang naapektuhan, ang pakikiramay ng
Kalihim Rafael Mariano ay mananatili at harinawang makakatulong siya sa
ibang paraan.

Maraming Salamat.

SUMASAINYO,

Atty. MA. CELESTINA MANLANGIT-TAM


Direktor
BUREAU OF AGRARIAN LEGAL ASSISTANCE(BALA)

Binigyang sipi:

Ms. Luz J. Perez


Head Executive Assistant
Tanggapan ng Kalihim

You might also like