You are on page 1of 30

Yunit I

Yaman ng Wika Natin, Halina’t Tuklasin


Aralin 4

Ang Komunikasyon
Kahulugan ng Komunikasyon

 Hango ang salitang komunikasyon sa salitang Latin na “


communis” na ang ibig sabihin ay KARANIWAN.Sa
pangkalahatan nitong kaanyuan,ang komunikasyon ay para
lamang sa mga tao. Ayon sa pag-aaral ng grupo nina Josefina
Mangahis tagapangulo ng De La Salle University,ang
komunikasyon ay proseso ng pagpapahiwatig at pagpapahayag
ng mensahe.
 Hindi sa lahat ng panahon ang PINAGNGGALINGAN ay
mananatiling pinaggalingan ng lahat ng mensahe at ang
DESTINASYON ay mananatiling tagatanggap ng mensahe.
 Samakatuwid,Kapag ang DESTINASYON ay sumagot,siya
na ngayon ang PINAGGAGALINGAN ng panibagong
mensahe at ang kaninang PINANGGALINGAN ay magiging
DESTINASYON ng panibagong mensahe.
 Ang PINANGGALINGAN ng mensahe ay yaong
nagsasalita,sumusulat,kumukumpa,gumuguhit o
sumesenyas.
 Ang MENSAHE ay maaaring sinasalita,nakasulat,galaw o
kumpas ng kamay o alinmang bahagi ng katawan o
anumang bagay na ginagamit sa pagsenyas tulad ng tunog
na “morse code” mga bandilang iwinawagayway tulad ng
“wigwag” at mga napagkasunduang senyas ng isang pangkat
ng mga tao.
DESTINASYON

Ang destinasyon ay ang taong nakikinig,bumabasa,nagmamasid ng


drowing at nag-iinterpret ng anumang uri ng senyas.

 TUGON
Ang TUGON ang nagsisilbing ‘U-turn’ upang ang destinasyon ay maging
bagong pinanggalingan ng mensahe at ang dating pinanggalingan ay naging bagong
destinasyon ng mensahe.
Tatlong Paraan ng Komunikasyon

1. Komunikasyon bilang Aksyon.


Sa paraang ito ang pinagmulan ng mensahe (sender) ay
naghahatid ng mensahe na maaaring natanggap ng
tagatanggap (receiver)
Halimbawa: Pagpapadala ng simpleng text ni Shopia
kay Mattheo subalit hindi nabasa ang mensahe.
Mahirap na makita na ito ay komunikasyon dahil
walang nakabasa.
2. Komunikasyon bilang Interaksyon.
Sa paarang ito,nagkaroon ng pagpapalitan ng
impormasyon sa dalawang indibidwal.
Halimbawa: Binasa ni Matheo ang mensahe,subalit
hindi ito nagreply.
3. Komunikasyon bilang Transaksyon.
Dito naisagawa ang paraang pagbabahaginan ng
kahulugan sa pagitan ng isa o maraming indibidwal.
Halimbawa: Nagawa nang replayan o sagutin ni
Matheo ang text ni Sophia na nagpapakita ng
transaskyon sa pagitan ng tagapagpadala(sender) at
tagatanggap o ( receiver)
Uri ng Komunikasyon Ayon sa Konteksto
 Komunikasyong Intrapersonal.
Ito ay proseso ng komunikasyon na ang mensahe at
kahulugan ay nabubuo o nagaganap sa sariling isip o ideya.
Halimbawa: Pagkunot ng noo sa napakinggan o napanood
na balita sa telebisyon at pagtawa mag-isa dahil naalala ang
karanasan.
 Komunikasyong Pampubliko
Ito ay proseso ng paggamit ng mensahe kung paano
nakabubuo ng kahulugan sa isang sitwasyon.Sa
komunikasyon ito,ang pinaggalingan( source) ay
umaangkop ng mensahe sa awdyens.
Halimbawa:
Open forum,talakayan sa klase,misa,at pagtitipon.
 Komunikasyong Pang-masa.( Mass Communication)
Ito ay proseso ng paggamit ng mensahe sa pagbuo ng
kahulugan sa isang namamagitan na sistema sa pagitan ng
tagapagpadala patungo sa malaking bilang ng mga di
nakikitang tagatanggap. Tinatawag itong “masa” dahil
ang mensahe ay naililimbag sa mga pahayagan,napapanood
o napapakinggan.
Halimbawa: palabas sa telebisyon,nagmumula sa signal sa
broadcast studio patungo sa satellite o cable system bilang
paraan ng distribusyon.
 Komunikasyong Computer Mediated.
Nakabilang dito ang komunikasyong pantao at
impormasyon ibinabahagi sa pamamagitan ng
communucation networks. Sa komunikasyong ito
nangangailangan ng digital literasi ang isang tao.
Halimbawa:
Email messages,skype,text massages,facebook at twitter.
May Dalawang Uri ng Komunikasyon
1. Berbal – Komunikasyong gumagamit ng wika na
maaaring nakasulat o sinasalita.
a. Pasulat – Anumang uri ng komunikasyon na nababasa.
b. Pasalita
. – Komunikasyong binibigkas at naririnig.

2. Di-Berbal- Komunikasyong hindi gumagamit ng


wika.Kilos o galaw ng alinmang bahagi ng katawan o kahit
anong bagay na sumisimbolo sa pagkakasunduang kahulugan
nito.
Anim na kasanayan sa Komunikasyon
1. Pakikinig- Kasanayang pangkomunikatibo na kung saan nauunawaan
ang mga makabuluhan na napag-usapang mga tunog na hatid ng
hangarin bilang midyum.
2. Pagsasalita- Pagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng mgaa
makabuluhan o pinag-usapang mga tunog na likha ng espesyal na
bahagi ng katawan.
3. Pagbasa- Interpretasyon ng mga nakalimbag na simbulo ng
lengguwahe.
Pagpapakahulugan sa mga nakatitik na sagisag ng kaisipan.
4. Pagsulat- Nakalimbag na simbulong lenggwahe
5. Pagsenyas – Pagpapaikli ng kahulugan o pagbabagong-anyo o pag-iiba
ng interpretasyon sa mga mensaheng sinasalita o isinusulat.
6. Panonood- Ang panonood ay naging bahagi na ng
pakikipagkomunikasyon ng mga tao.Napaghahalu-halo nito ang limang
kasanayan na ng tao o pakikipagtalastasan.
Apat na Paraan ng Pagpapahayag sa Pakikipagtalastasan.

1. Eksposisyon o Paglalahad
Ito ang pinakagamiting paraan ng pagpapahayag.
2. Deskripsyon o Paglalarawan
Kabuuang anyo ng tao,bagay,hayop,pook o
pangyayari at maging ang damdamin sa pamamagitan ng
mga senyas o mga pananalitang mapaglarawan.
Nareysyon o Pagsasalaysay
Ito ay ang mga pangyayaring nasaksihan o nalalaman sa
pamamaraang pakuwento.

Argumentasyon o Pangangatwiran
Ang kadahilanan o sanhi sa pagkaganap ng isang
pangyayari.
KOMPONENT NG KOMUNIKASYON

 Mga tao – Sila ang tumatayo bilang tagapagpadala ng


mensahe ( sender) at tatanggap (receiver) ng mensahe.
 Mensahe – Ito ay naglalaman ng interaksiyon na kung saan
nakapaloob ang simbolo( salita o parirala) na ginagamit para
ipahayag ang ideya.
 Midyum/Tsanel- Ang mensaheng tagapagpadala ( sender) ay
ibabahagi o ipinadala sa tagatanggap ( receiver) sa
pamamagitan ng instrumento o midyum tulad ng
radyo,telebisyon,cellphone,email,mga larawan,at iba pang
katulad nito.
 Pidbak- Bahagi ito ng sitwasyong komunikasyon kung saan
magsasagawa ng berbal o di-berbal na sagot ang tagatanggap (
receiver) sa pinanggalingan ng mensahe ( sender)
 Ingay- Sagabal sa pagpapadala o enkowd ng mensahe.
PISIKAL- kung ito ay may suliranin sa pandinig,malalakas na
tunog sa kapaligiran.
SIKOLOHIKAL- Personal na problema sa
pamilya,nakakaapekto ang ingay dahil nakahahadlang ito upang
matanggap o makapagbigay ng pidbak hinggil sa mensahe.
KOMUNIKASYON AYON SA INTENSYON
 Tagumpay na Komunikasyon
Maayos na naipada at nabigyang-kahulugan ang mensahe ayon sa
inaasahang kahulugan o layunin nito.
 Miskomunikasyon- Intensyonal na naipadala ang mensahe sa
tagatanggap subalit nagkaroon ng suliranin o problema sa
interpretasyon.
 Aksidental na Komunikasyon- Walang intensiyong ipadala
ang mensahe subalit nabigyang interpretasyon ito ayon sa
nararamdaman
Halimbawa: Ang paghikab ng mga mag-aaral sa loob ng klase
habang nagaganap ang talakayan.
 Tinangkang Komunikasyon- Intensyonal na ipinadala ang
mensahe subalit hindi ito nabigyang kahulugan ng
tagatanggap.
Halimbawa: Nagtxt si gf na makipagkita ng alas-2 ng hapon sa
isang restawran para mapag-usapan ang namumuong hidwaan
dahil sa third party. Kung saan kinondisyon na ng babae na kapag
hindi sumipot ang kanyang bf,hudyat na ito ng hiwalayan.Sa
sitwasyong ito,hindi nga nabasa ng kaniyang bf ang text message.
 Walang Tangkang Komunikasyon
Isa sa pinakadelikadong uri ng komunikasyon ang sitwasyong
hindi intensiyonal na naipadala ang mensahe subalit nabigyang-
kahulugan ito nang di-wasto.
Halimbawa: Pagngiti ng babae habang naglalakad( di intensiyong
sumagi lamang ang magandang nangyayari sa buhay niya) sa
pangkat ng mga lalaking nag-iinuman,ngunit ang pangkat ng mga
lalaki ay napakahulugang ito na may nais o inaakit sila nito.
MGA PRINSIPYO NG KOMUNIKASYON

 Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili.


 Ang komunikasyon ay nangangailangan ng ibang tao.
 Ang komunikasyon ay binubuo ng dimensiyon.
 Ang komunikasyon ay komplikado.
 Ang komunikasyon ay gumagamit ng simbolo.
 Ang komunikasyon ay nangangailanagn ng kahulugan.
 Ang komunikasyon ay isang proseso.
ANG HALINA SA INTERNET

 Ang Internet ay mula sa dalawang pinagsamang salita na inter


at networking na batay sa pakahulugan ng
ThefreeDictionary.com(2015) ay kilala rin bilang malawakang
daluyan ng impormasyon.
 Ang Internet ang pinakamalaking aklatan ngayon at walang
iisang teksbuk ang makatatapat dito.
 Binabago ng Internet ang pamamaraan ng pagtuturo at kung
saan ito maaaring mangyari o magkaroon g pagkatuto.
MGA TALA TUNGKOL SA INTERNET

 Batay sa pananaliksik na ginawa ng Internet Society (2015)


noong 2012 mula sa 10,000 kataong sumagot sa sarbey ng
galing sa 20 bansa sa buong mundo,masasabing:
 98 porsiyento ang nagsasabing napakahalaga ng Internet para
magkaroon sila ng daan sa kaalaman sa edukasyon
 96 porsiyento ang nagsasabing gumagamit sila ng Internet
kahit isang beses sa isang araw
 90 porsiyento ang gumagamit ng social media.
Kinahihiligan namang bisitahin ng mga netizen o mga gumagamit
ng Internet ang sumusunod:

Mga social network at blog – 22.5 porsiyento (%)


Mga larong online – 9.8%
E-mail – 7.6%
Mga video/movie – 4.4%
Search- 4%
Mga kasalukuyang pangyayari at balita- 2.6%
Iba pa – 35.1%
 BLOG

Ang blog ay galing sa dalawang salita,web at log. Ito ay may


dalawang depinisyon. Una, ito ay isang pangngalan na tumutukoy
sa isang website na maituturing naman na isang blog dahil sa
tema at mga nilalaman nito,maaaring mga salita,o
teksto,litrato,video,at link. Pangalawa bilang pandiwa,ang blog ay
tumutukoy sa aksiyon ng paggawa o pagsusulat ng post na siyang
inilalagay at magiging laman ng iyong blog.
 Mga uri ng Blog

 Fashion Blog – Ito ang isa sa pinakasikat na uri ng blog.Ang


mga blog na may ganitong tema ay naglalaman ng mga damit
o kung ano man ang bago sa mundo ng fashion o
pananamit.
 Personal Blog – Marami sa mga blogger ang gusto lamang
magbahagi ng kanilang buhay. Maaaring gusto lamang nilang
matuto ang mga tao sa kanila o magbahagi lang ng mga bagay
na tumatakbo sa kanilang isipan.Halos walang tema ang
mga blog na ito- kahit ano ay puwede.
 News Blog – Ang nais lamang ng mga blog na may ganitong
tema ay maghabagi ng mga bagong balita sa mga
mambabasa.Maaari na ring isama rito ang mga blog na
nagbabahagi ng balita ukol sa kalusugan,isports at teknolohiya.
 Food Blog – Ang pangunahing at maaaring natatanging
layunin ng blog na ito ay magbahagi ng mga resipi at mga
paraan sa pagluluto ng masasarap o kakaibang mga pagkain.
 Vlog - Ito ay kilala din bilang video blog sapagkat naglalaman
ito ng mga video mula sa blogger. Ang mga video ay maaaring
kuha ng mga paglalakbay,eksperimento,o kung anumang
personal na gawain.
 Educational Blog - Nakatutulong ang mga ganitong blog
upang maliwanagan ang mga mag-aaral sa mga aralin na hindi
nila maintindihan sa paaralan.
Humor Blog- Naglalayon ang mga blog na ito na
makapagpatawa o makapagpaaliw ng mga
mambabasa,lumalabas dito ang galing ng blogger na
makuha ang kiliti at emosyon ng mga mambabasa. Ngunit
hindi lamang sila nagpapatawa,gusto rin nilang maimulat
sa katotohanan gamit ang kanilang alam na paraan.
 Photo Blog – Ang blog na ito ay naglalaman ng mga
litrato hanggang sa mga typographies. Halimbawa nito
ay nag Tumblr,maganda pa rin ang Tumblr dahil sa
bukod sa napakarami ng mga gumagamit ay nakikita
ang talento ng mga makabagong kabataan sa paggawa
ng ibat ibang litrato na karaniwan ay naglalaman ng
mga mensahe.
Indibidwal na Gawain:
Iba’t ibang usong salita o termino ang nalilikha o impluwensiya
ng Internet o social media.Isa na rito ang meme. Ano ang
kahulugan ng salitang ito.
Magbigay ng tatlong halimbawa ng meme sa Internet na
nagpatawa sa iyo. Iwasan ang meme na may halong karahasan o
kabastusan.
Magbigay ng tatlong pangunahing isyu o suliranin kaugnay sa
paggamit ng Internet na may kinalaman sa paggamit ng wika.

Halimbawa : maling pagbabaybay ng mga salita,pagkalat ng


malisyosong impormasyon at cyberbullying o paggamit ng
masasakit na ekspresyon o pahayag at iba pa.
Pangkatang Gawain:

Magbigay ng tatlong halimbawa ng meme sa Internet na


nagpatawa sa iyo. Iwasan ang meme na may halong karahasan o
kabastusan.
Magbigay ng tatlong pangunahing isyu o suliranin kaugnay sa
paggamit ng Internet na may kinalaman sa paggamit ng wika.

You might also like