You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Province of Tarlac
Municipality of Gerona
CARDONA, GERONA, TARLAC

SERBISYONG PANGKOMUNIDAD: KAAGAPAY NG BARANGAY


(ACCOMPLISHMENT REPORT)
I. Introduksyon:

Ang pagiging guro ay hindi lamang nangyayari at nagtatapos sa apat na sulok


ng klasrum o di kaya’y sa loob ng paaralan. Sila ay mayroong gampanin ding dapat
tuparin sa labas ng paaralan. Ito ay bahagi ng kanilang tungkuling sinumpaan na
ikonekta ang sarili sa komunidad – ito ay tinatawag na SERBISYONG
PANGKOMUNIDAD.

Kabilang sa Results-Based Performance Management System na nagiging


gabay ng mga guro upang maging maunlad sa kanilang propesyon ay ang Key
Result Area bilang 4 na Community Linkages and Professional Engagement and
Personal Growth and Professional Development na kung saan inilalapit ng guro ang
sarili sa komunidad na kaniyang ginagalawan.

Bilang bahagi sa pagtupad ng KRA na ito, ang mga guro ay nagppapatupad


ng mga programa na maaaring makatulong sa komunidad. Isa na rito ang clean-up
drive na nagtataguyod sa sama-samang paglilinis at mapanatiling maayos at kaaya-
aya ang kapalagiran. Dagdag pa rito, ang pagsasagawa ng makabuluhang talakayan
tungkol sa mga dapat malaman at maisagawa sa panahon ng pandemya na
naglalayong makapagbigay ng kaalaman sa lahat upang maging handa at maiwasan
ang hatid ng virus na kinakaharap natin ngayon. Bukod pa rito, ang mga guro ay
maaaring magsagawa ng community pantry na makatutulong sa kanilang pang-
araw-araw na pagkain kahit sa malilit na pamamaraan lamang.

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay naniniwalang sa pagsasagawa ng


serbisyong pangkomunidad ng mga guro ay maraming mga aral na maaaring
maibahagi sa kaniyang mga mag-aaral at kapwa guro. Kaya naman, suportado ito
ng kagawaran at patuloy na hinihikayat ang bawat guro na magsagawa ng ganitong
kapaki-pakinabang na programa.

II. Layunin:

Mula sa maigting na pangangampanya ng pamahalaan para sa


pagkakawang-gawa at pagkakaroon ng pagkalinga sa komunidad, ang programang
KAAGAPAY NG BARANGAY ay isasagawa na may tatlong layunin:
1. Naisasagawa ang Clean-up Drive
2. Nakapagbabahagi ng Relief-Goods sa pamamagitan ng Community Pantry
3. Nakapagbibigay-kaaalaman sa mga mamamayan patungkol sa Health and
Wellness sa panahon ng pandemya
III. Naratibong Ulat at Galeriya

Noong Januray 9, 2021, nakipagpulong ang mga guro sa Punong Barangay


ng Cardona,Gerona, Tarlac patungkol sa isasagawang proyektong pangkomunidad
na magaganap sa January 16,23,30, 2021 na kaagad namang inaprobahan ng
Kapitan na si Hon. Rey F. Granil.

Sa unang araw (Januray 16, 2021), ng serbisyong pangkomunidad (January


15, 2022), nagsagawa ng clean up drive na nilahukan ng mahigit 20 katao sa Purok
Kappia, Brgy. Cardona, Gerona, Tarlac na pinamunuan ng mga guro mula sa iba’t
ibang paaralan ng Probinsya ng Tarlac. Nilinisan nila ang kalsada ng nasabing
Purok at nagbigay rin ng paalala sa mga taong malapit na naninirahan sa lugar na
iyon na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran.
Sa ikalawang araw (Januray 23, 2021), nagustuhan ng mga mamamayan sa
Purok Kappia ang community pantry kung saan nagbigay ng relief goods ang mga
gurong tagapagpatupad ng serbisyong pangkomunidad. Iba’t ibang mga pagkain
ang ibinigay sa kanila kagaya ng delata, noodles, tinapay, kape at iba pa.

Sa ikatlong araw (January 30, 2021), nakapagbahagi ng kaalaman ang mga


guro patungkol sa temang “Safety Protocols, Health and Wellness” sa pamamagitan
ng isang seminar workshop.
Sa araw ding ito nagtapos sa pamamagitan ng Culminating and Closing
Ceremony at binigyan ang mga lumahok rito ng sertipiko na nilagdaan ng
Coordinator ng proyekto at punong barangay.

IV. Impak ng Programa:

1. Sa pamamagitan ng Clean up Drive, natulungan ang Purok Kappia


Cardona, Gereona, Tarlac na mapanatili ang kalinisan ng kanilang
lugar sapagkat ito ang repleksyon ng kanilang pag-uugali at pagkatao.
Dahil sa pagbibigay rin ng paalala sa mga tao roon mas mapapaigting
na nila ang katagang “tapat ko linis ko”.

2. Sa pamamagitan ng Community Pantry natuto ang mga residente sa


kahalagahan ng pagbibigayan sa panahon ng pandemya higit sa lahat
sa mga taong nangangailangan. Bukod pa rito, nagbigay ng kaalaman
ang mga guro sa kung ano ang mga dapat gawin upang kahit wala ang
community pantry ay mayroon silang mapagkukunan ng makakain.
Dahil dito, mas magiging responsable sila sa pagtatanim ng mga gulay
na siyang magsisilbing solusyon sa suliraning-pagkagutom.

3. Sa pamamagitan ng seminar/workshop patungkol sa “Health and


Wellness sa Panahon ng Pandemya” naging maalam ang mga
residente sa kung paano maging malusog at malayo sa sakit lalong-
lalo na sa mga virus na talamak ngayon. Dahil sa kaalamang nakuha,
magsisilbi rin silang tagapagbalita sa mga makakasalamuha nila
patungkol sa aral na napulot nila sa isinagawang seminar/workshop.
Prepared by:

SHIRLEY E. DELA CRUZ


Coordinator

Members:

Joanalyn L. Flores
Rolan D. Galamay
Elma G. Antonio
Ellen G. Granil

Noted:

HON. REY F. GRANIL


Barangay Captain
Cardona, Gerona, Tarlac

You might also like