You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 5

1ST SUMMATIVE TEST


2ND QUARTER

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: __________

I. Basahin at unawain ang bawat tanong/pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

____1. Ang mga sinaunang Pilipino ay sagana sa ibat-ibang _____.


A. espirito
B. kaugalian
C. sulat
D. wika

____2. Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng mga sinaunang Pilipino ang _________ na
maipagmamalaki natin ngayon.
A. Awit at sayaw
B. Katapangan
C. Kultura
D. Paraan ng pagsulat

____3. Ilan sa paniniwala ng mga Pilipino ngayon ay ang pag-alala at pagbibigay halaga sa mga yumaong pamilya, ito ay
isa sa mga _______ ng ating mga ninuno o sinaunang kabihasnan
sa ating lipunan.
A. Ala-ala
B. Katuwaan
C. Kontribusyon
D. Simbolo

____4. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamahalagang kontribusyon ng ating mga
ninuno sa ating lipunan ngayon?
A. Uri ng pananamit
B. Sistema ng pagsulat
C. Paraan ng pakikipagdigma
D. Malalim na pagtitiwala sa Manlilikha

____5. Bago pa dumating sa bansa ang mga mananakop, ang mga sinaunang Pilipino ay may sariling kultura, paniniwala,
wika at pagsulat.
A. Tama
B. Mali
C. Hindi ako sigurado
D. Hindi ako naniniwala

____6. Ito ay tawag sa pagkontrol ng isang malakas na bansa sa isang mahinang bansa.
A. kapitalismo
B. kolonyalismo
C. komunismo
D. sosyalismo

____7. Kailan naganap ang kauna-unahang misa sa Pilipinas?


A. Marso 2,1521
B. Marso 6,1521
C. Marso 16,1521
D. Marso 31,1521

____8. Siya ang pinuno ng Cebu na bininyagan bilang tanda ng pagiging Kristiyano.
A. Lapu-Lapu
B. Rajah Humabon
C. Rajah Kolambu
D. Rajah Sulayman

____9. Siya ay ang pinuno ng mga Espanyol na nagwagi sa labanan sa Cebu at Maynila.
A. Juan Garcia
B. Miguel Lopez de Legazpi
C. Ruy Lopez de Villalobos
D. Saavedra Ceron

____10. Ang mga sumusunod ay ang mga lugar na napasailalim sa kapangyarihan ni Legazpi maliban sa isa. Ano ang
lugar na ito?
A. Albay
B. Cavite
C. Masbate
D. Mindoro

II. Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat ang FACT kung may katotohanan at BLUFF kung walang
katotohanan.

______11. Isa sa layunin ng pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay palaganapin ang Kristiyanismo.
______12. Napipilitan ang mga katutubong magtrabaho upang mapaglingkuran ang mga Espanyol.
______13. Nagbabayad ng buwis ang bawat pamilya.
______14. Ang mga tapat na sundalo sa hari ng Espanya ay pinagkakalooban ng ginto.
______15. Ang mga katutubo ay sapilitang pinalipat ng tirahan sa sentro upang madaling mabinyagan.

III. Tukuyin ang konseptong isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

16. Teritoryong ipinagkatiwala sa mga conquistador o mga Espanyol na katulong sa paglaganap ng kolonyalismo.
________________
17. Pagmimisyon ng mga prayle upang mahikayat ang mga katutubo na tanggapin ang relihiyong kristiyanismo.
_________________________
18. Pondong nanggagaling sa Mexico bilang pampuno sa mga gastusin ng Espanya sa Pilipinas.
___________________________
19. Paraan ng pagbabayad ng buwis na ipinalit sa tribute noong 1884. ________
20. Mga sundalong Espanyol na nakatulong sa pagpapalaganap ng kolonyalismo. __________________.

You might also like