You are on page 1of 3

MATAAS NA PAARALAN NG DAO-AN

San Miguel, Zamboanga del Sur

FILIPINO 8
Summative Test

Pangalan: ________________________________ Baitang at Seksyon:_________________Score:________

I.Pagpipili-pilian
Panuto:Alamin ang sagot ng mga bugtong sa ibaba. Isulat lamang ang titik ng tamang
sagot bago ang bilang.
____________1.Heto na si kaka, bubuka-bukaka
a. aso c.kambing
b.paruparo d.palaka
____________2.Baboy ko sap ulo, ang balahibo’y pako.
a.durian c.langka
b.talangka d.pinya
____________3.Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.
a.sitrus c.makupa
b.balimbing d.kasoy
____________4.Maliit pa si kumpare, marunong ng humuni.
a.ibon c.kuliglig
b.kampana d.sipol
____________5.Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
a.paa
b.anino
c.yapak
d.sarili

Salawikain (Tukuyin ang kahulugan ng salawikain)

____________6. Kung hindi ukol, hindi bubukol.


a.Kung swerte mo ay swerte mo talaga
b.Ang kapalaran ay sadyang mailap para sa walang pangarap.
c.Ang swerte ay hindi para sayo kung hindi nakalaan para sayo.
d.Kung ang kapalaran ay para sayo antayin mo ito at darating ito sa iyo.

_____________7.May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.


a.maraming tsismosa sa buhay na nagkalat kahit saan
b.kapag tsismosa ang kausap laging tandan huwag ng magkwento pa.
c. ang tsismosa ay laging nakakasagap ng tsismis kahit saan at kahit kalian.
d.mag-ingat sa mga sinasabi dahil may mga taong gumagawa ng kwento sa
ibang tao.
_____________8.Pagmaliit ang kumot,magtiis kang mamaluktot.
a.Pagtiyagaan na lamang ang kakulangan sa buhay.
b.Maging panatag sa buhay kahit nakakaranas ng kakulangan
c.Kung maliit ang kumot ay huwag ng paghatian pa ibigay na lamang sa iba.
d.Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay matuto kang magtiis at
magtipid.
_____________9.Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa.
a.Magdasal lang lagi upang mabiyayaan.
b.Gumawa ng mabuti upang mabigyan ng biyaya.
c.Antayin mo ang Panginoon na basbasan ka ng mabuting kapalaran upang
buhay mo ay bumuti
d.Hindi sapat na umasa ng awa sa Diyos kailangan natin magsikap upang
makaahon sa kahirapan.
Salawikain:Alamin ang kahulugan ng salitang may salungguhit na nasa salawikain.

_____________10.Lantang gulay si Inay nang umuwi galling sa paglalabada.


a.sobrang kisig
b.sobrang liksi
c.sobrang pagod
d.sobrang ganda
____________11.Nasaktan ng lubusan ang aking kaibigan sa pag-iisang dibdib ng kanyang
dating mahal.
a.pagmamahalan
b.pagpapakasal
c.pagtataksil
d.pakikipaghiwalay
____________12.Nakakainis talaga ang internet connection sa Pilipinas, parang usad-pagong.
a.mabilis
b.mabagal
c.gumagapang
d.malakas na malakas
____________13.Gusto kong maging asawa ay makapal ang palad.
a. masipag
b. mayaman
c. makisig
d. matulungin
___________14.Palaging amoy pinipig ang guro nila sa Filipino.
a.mabango c.matamis
b.mabaho d.masangsang
___________15.Ang tao kapag mayaman, marami ang kaibigan.
a.makikita ang tunay na kaibigan sa panahon ng kagapitan.
b.ang taong maraming pera ay habulin ng mga kaibigan
c.magsumikap na mag-aral ng mabuti upang magkaroon ng maraming kaibigan
d.ang taong mayaman ay maraming gumagalang.
II.Panuto:Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1.Agaw-buhay a.walang pera


2.anak-dalita b.magkatotoosana
3.balitang kutsero c.madaldal
4.buto’t balat d.kasal
5.dalawa ang bibig e.mandurokot
6.mabilis ang kamay f.mabunganga
7.pag-iisang dibdib g.payat na payat
8.makati ang dila h.hindi totoong balita
9.magdilang anghel i.mahirap
10.butas ang bulsa j.naghihingalo
k.nahimasmasan
III.Tukuyin ang mga kahulugan sa mga salitang halaw mula sa Kung bakit nasa ilalim ng
lupa ang ginto. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

1.Caήao a.takpan
2.sinagilahan b.pagdiriwang
3.pantas c.pagkainggit
4.sukluban d.kinabahan
5.pag-imbunan e.matanda
IV.Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot isulat ito bago
ang patlang.

________31.Ito ay kuwentong bayan na nagsaad kung paano nabuo at ang pinagmulan


Ng mga bagay-bagay sa mundo.
a.alamat b.maikling kwento c.dula d.epiko
_________32.Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay buhay sa kuwento?
a.Tagpuan b.Tauhan c.Suliranin d.Tunggalian
_________33.Elemento ng maikling kwento na nagpapakita ng problemang kinakaharap
Ng pangunahing tauhan.
a.katapusan b.kakalasan c.kasukdulan d.wagas
__________34.Ito ay nagpapakita ng pinakamagandang parte o bahagi ng istorya.
a.saglit na kasiglahan
b.tunggalian
c.kakalasan
d.kasukdulan
__________35.Elemento ng maikling kwento na nagpapakita ng pag-aaway ng mga
Karakter.
a.saglit na kasiglahan
b.tunggalian
c.kasukdulan
d.kakalasan

V. Para sa 10 puntos gumawa ng isang talata kung paano ka binibigyang halaga ang
iyong pag-aaral lalo na ngayong New Normal na pamamaraan. Ano ang mga pagsubok na iyong
kinakaharap sap ag-aaral lalo na ngayon sa ating panahon.
(maaring gumamit ng ibang papel kung hindi kasya ang iyong sagot sa espasyong nakalaan)

You might also like