You are on page 1of 3

MATAAS NA PAARALAN NG DAO-AN

San Miguel, Zamboanga del Sur

FILIPINO 11
Summative Test

Pangalan: ________________________________ Baitang at Seksyon:_________________Score:________

I.Pagpipili-pilian
Panuto:Basahin at unawain nang mabuti ang sumusunod na mga pahayag. Sagutin ang
bawat tanong sa pamamagitan ng pagpili ng tamang letra. Isulat ang iyong sagot sa
patlang bago ang bilang.
____________1. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong
may iba’t ibang Unang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay ginagamit bilang______.
a. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal c. Lingua Franca d. Wikang Panturo
____________2. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o
komunikasyon sa gobyerno, pasulat man o pasalita,gamit ito bilang _____.
a. Lingua franca b. Wikang Pambansa c. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo
____________3. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na isinaayos sa
paraang arbitraryo.
a. Paz Hernandez b. Henry Allan Gleason,Jr. c. Charles Darwin d. Lope K. Santos
____________4. .Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo.
a. Filipino b. Ilokano c. Bisaya d.Waray
____________5Ayon kay ________, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit sa
komunikasyon.
a. Sapiro b. Hemphill c. Gleason d. Hutch
____________6. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas ng 1987 na
ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang itinatadhana
ang batas,gagamitin din ang Wikang Ingles.
a. XV b. XII c. XIV d.XVI
_____________7. Ano ang ating wikang Pambansa?
a. Ingles b. Ilocano c. Tagalog d. Filipino
_____________8. Ayon kay _________, ang wika ay isang makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at kaparaanang lumikha ng tunog.
a. Gleason b. Sapiro c. Quezon d. Hemphill
_____________9. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang
Pangsekundarya?
a. Tagalog at Bisaya b. Maranao at Bisaya c. Ingles at Filipino d. Ingles at Kastila
_____________10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
a. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal d.Wikang
Pandaigdig

____________11. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong
may iba’t ibang Unang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay ginagamit bilang______.
a. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal c. Lingua Franca d.Wikang Panturo
____________12. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o
komunikasyon sa gobyerno, pasulat man o pasalita, gamit ito bilang____.
a. Lingua franca b. Wikang Pambansa c. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo

____________13. . Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na isinaayos sa pa
arbitraryo.
a. Paz Hernandez b. Henry Allan Gleason,Jr. c. Charles Darwin d. Lope K. Santos
___________14. Ano ang pagkakaiba ng Monolingguwalismo and Monolingguwal?
a. Pareho lang sila
b. Ang Monolingguwalismo ay para sa bansa at ang Monolingguwal ay para sa
tao
c.Ang Monolingguwal ay para sa bata at ang Monolingguwalismo ay para sa
matanda
d. Wala sa nabanggit
___________15. Kapag Si Joe nagsasalita ng Ingles at Tagalog higit na maiging gamitin ang
Filipino sa usaping ito, siya ba ay isang Monolingguwal?
a. Oo b. Hindi c. Pareho lang d. Tama
___________16. Ano ang Bilingguwalismo?
a. Ito ay ang tawag sa paggamit ng maraming lenggwahe o wika
b. Ito ay ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika
c. Ito ay ang tawag sa paggamit ng wika
d. Ito ay ang tawag sa wika
___________17. Ano ang Bilingguwal?
a. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng dalawang wika o dayalekto
b. Ang tawag sa taong may kakayahang magsalita
c. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng wika o dayalekto
d. Ang tawag sa dalawang wika o dayalekto
___________18. Ang isang tao ay masasabi nating bilingguwal kung may kakayahan itong
gumamit ng dalawang wika o dayalekto nang may _________?
a. Kaalaman b. kahusayan c. Kasipagan d. kababawan
___________19. Ano ang Multilingguwalismo?
a. Kakayahang makapagsalita ng higit sa isang wika
b. Kakayahang makapagsalita ng isang wika
c. Kakayahan ng isang indibidwal na gumamit ng dalawang wika
d. Kakayahang makapagsalita ng higit sa dalawang wika
__________20. Ano ang salin sa wikang Filipino ng "what an extravagant dress you're
wearing!"?
a. "O kay gara ng iyong kasuotan!"
b. "O kay ganda ng iyong kasuotan!"
c. "O kay galing ng iyong kasuotan!"
d. "O kay grande ng iyong kasuotan!
__________21. Ano ang madalas gamitin na lingguwahe nating mga Pilipino sa kasalukuyan?
a. Bisaya at Espanyol b. Tagalog at Bisaya c. Filipino at Espanyol d. Ingles at
Filipino
_________22. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De
Castro lalo na kapag sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang Gabi, Bayan!”
a. Etnolek b. Dayalek c. Sosyolek d. Idyolek
_________23. Nagtatagalog din ang mga taga- Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa
Tagalog ng mga taga- Metro Manila.
a. Dayalek b. Sosyolek c. Idyolek d. Etnolek
__________24. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ng Kris Aquino lalo na ang
malutong niyang “Ah, ha, ha! Okey! Darla! Halika!”
a. Sosyolek b. Idyolek c. Etnolek d. Dayalek
___________25. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo
bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain ng isa’t isa,
bumuo sila ng wikang walang sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa
kanila.
a. Idyolek b. Etnolek c. Pidgin d. Creole
___________26. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay nagpakasal
sa mga dalagang taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na maituturing na hindi pag-aari
ninuman ay siyang naging unang wika ng mga naging anak nila.
a. Creole b. Pidgin c. Dayalek d. Sosyolek
____________27. .“Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez
sa kanyang programang Rated K.
a. Idyolek b. Register c. Pidgin d. Creole
____________28. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay
nagpakasal sa mga dalagang taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na maituturing na hindi
pag-aari ninuman ay siyang naging unang wika ng mga naging anak nila.
a. Creole b. Pidgin c. Dayalek d. Sosyolek
____________29. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo
a.k.a. “Dana” ang mga salitang charot, bigalou at iba pa.
a. Register b. Idyolek c. Etnolek d. Sosyolek
_____________30. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang
dalawang babae sa unahan. Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan, quiz, essay, at
grading sheets. Mula rito’y alam niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap niya.
a. Coño b. Jejemon c. Sosyolek d. Register
_____________31. Habang naghahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay
maharot at nakatatawa ang ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang mga
kagamitan at magsimula silang mag-ulat sa harap ng SUBUKIN PANIMULANG
PAGTATAYA 5 klase at ng guro ay biglang nag-iba at naging pormal angb paraan nila ng
pagsasalita.
a. Sosyolek b. Etnolek c. Register d. Idyolek
____________32. Natutunan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal
siya sa Batanes. Saanman siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang salitang vakkul ay alam
niyang ang salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy sa gamit nilang pananggalang sa init
at ulan.
a. Dayalek b. Etnolek c. Sosyolek d. Idyolek
____________33. Litong-lito si Gabrielle sa dami ng kanyang takdang-gawain kaya naisipan na
lamang niyang pumunta sa Silid-aklatan upang magsaliksik.
a. INSTRUMENTAL b. HEURISTIK c. IMAHINATIBO d. REGULATORI
____________34. Naging maayos ang pag-uusap ng Pilipinas at China na humantong sa
pagkakaroon ng kasunduan upang malutas ang sigalot sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang
bansa sa West Philippine Sea.
a. PERSONAL b. IMAHINATIBO c. REGULATORI d. HEURISTIK
____________35. Simula nang maglagay ng mga babala ang MMDA sa mga kalsada nabawasan
ang mga aksidenteng dulot ng hindi pagtawid sa tamang daanan.
a. INTERAKSYONAL b. INSTRUMENTAL c. PERSONAL d. REGULATORI
____________36. Marami ang dumalo sa panayam ni Pangulong Duterte tungkol sa kaniyang
layuning masugpo ang kriminalidad sa bansa kamakailan lamang.
a. HEURISTIK b. IMPORMATIB c. IMAHINATIBO d. INSTRUMENTAL
____________37. Nahirapan si Caeli sa pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay kaya naman
nagsimula siyang magsulat ng mga saloobin niya sa kanyang talaarawan.
a. INTERAKSYONAL b. HEURISTIK c. PERSONAL d. REGULATOR
____________38. Masayang nagbabatian at nagkukumustahan ang mga tao sa pagdiriwang ng
Dinagsa Festival sa Cadiz.
a. IMPORMATIBO b. INTERAKSYONAL c. INSTRUMENTAL d. IMAHINATIBO
____________39. Bagaman unang subok ni Mika na magluto ng cake naging masarap ang
kinalabasan ng kanyang luto dahil matamang sinunod niya ang pamaraan ngpagluto nito.
a. PERSONAL b. HEURISTIK c. IMAHINATIBO d. REGULATORI
___________40. Marami na sa mga kabataan ngayon ang nanonood at nakikinig ng
Makabagong Tula dahil sa mga matatalinhaga at masining na pagpapahayag.
a. IMAHINATIBO b. INTERAKSYONAL c. REGULATORI d. INSTRUMENTAL

You might also like