You are on page 1of 3

MATAAS NA PAARALAN NG DAO-AN

San Miguel, Zamboanga del Sur

FILIPINO 12
Summative Test

Pangalan: ________________________________ Baitang at Seksyon:_________________Score:________

I.Pagpipili-pilian
Panuto:Basahin at unawain nang mabuti ang sumusunod na mga pahayag. Sagutin ang
bawat tanong sa pamamagitan ng pagpili ng tamang letra. Isulat ang iyong sagot sa
patlang bago ang bilang.
____________1. Alin sa mga makrong kasanayang ang hindi kapangkat;/kasama na madalas ang
isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang
isipan.
A.Pakikinig B.Pagbabasa, C.Panonood D.Pagsulat
____________2. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ginagawa
ang mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang layuning
makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Alin sa mga halimbawa ang hindi kapangkat/kasama ng
transakyonal?
A.kwento B.pananaliksik C.sulating panteknikal D.balita
____________3. .Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o
paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa guro , pagsulat
ng lesson plan , paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor o nars – paggawa ng medical report ,
narrative report tungkol sa physical examination sa pasyente at iba pa.
A.Malikhain B. Propesyonal C.Dyornalistik D. Teknikal
____________4. Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang
simula dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat na kaalaman
sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa
akda o komposisyong susulatin.
A.Paksa B Wika C.Layunin D.Pamamaraan ng Pagsulat
____________5. .Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa
mga mambabasa.
A.Naratibo B.Ekspresibo C.Impormatibo D.Argumentatibo
____________6. .Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng
mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at
nasaksihan.Ito’y maaaring obhitibo at subhetibo.
A.Argumentatibo B.Naratibo C.Ekspresibo D.Deskriptibo
_____________7. Nililinang dito ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang kaugnay ng
larangang pinagkakadulubhasaan . Kasanayan sa pagbasa ,pakikinig,
pagsasalita,panonood ,at pagsulat ang napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa
larangan. Analisis ,panunuring kritikal , pananaliksik , at eksperimentasyon ang mga
isinasagawa rito.
A.opisina B.akademiya C.librari D.entablado
_____________8. Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon. Iwasan ang mga
pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon.
A.Obhetibo B.Pormal C.Maliwanag at Organisado D.May Paninindigan
_____________9. Ito ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao
gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe ,ang wika.
A.Pakikinig B.Pagbabasa C.Pagsasalita D.Pagsusulat
_____________10. .Ayon sa kanya sa kanyang aklat na “Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino ”(2012) ,Ang Pagsusulat ay isang pambihirang gawaing pisikal
at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa
pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.
A.Cecilia Austera et.al. B.Royo C.Dr.Eriberto Astorga Jr. D.Edwin Mabilin et al.
____________11. Sa Ingles ay tinatawag na term paper na karaniwang ginagawa sa kolehiyo.
May ilang nasa sekondaryang antas ang maaaring nakaranas na ring makagawa ng
ganitong sulatin. Ginagawa ito para sa pangangailangang pang-akademiko.
A.Pamanahong papel B.Tesis C.Konseptong papel D. Artikulo
____________12. .Ito ay sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isang manunulat.
Ginagawa ito ng isang indibidwal bilang pangangailangan sa kursong pinag-aaralan o
propesiyonal na kwalipikasyon. Ito ay ginagamit na bahagi ng kursong Batsilyer at
Masterado.
A.Posisyong Papel B.Tesis C.Konseptong papel D. Artikulo
____________13.Ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at halos
madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang
mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay.
A.Obhetibo B.Estruktura C.Subhetibo D.Anyo
___________14. Ito ay ang pinasimple o pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
___________15. Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong
naratibo tulad ng kwento,salaysay ,nobela,dula,parabula at iba pa.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
___________16. Uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
___________17. .Uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad
ng tesis, disertasyon, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
___________18. Ito ay bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit
kadalasang unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
___________19. .Isang tala sa buhay ng tao na naglalaman ng kanyang academic career na madalas ay
makikita o mababasa sa mga dyurnal , aklat , abstrak ng mga sulating papel websites at
iba pa .
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
__________20.Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang
sariling salita.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
__________21. Elemento ito ng Abstrak na naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o
ulat.
A.Metodolohiya B.Delimitasyon C. Panimula D. kongklusyon
_________22. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga
mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang
Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. (bahagi ito ng hal. ng
Abstrak)
A.Saklaw at Delimitasyon B.Metodolohiya C.Introduksyon D.Resulta
_________23. Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A. gamit B. layunin C. kahulugan D. Kalikasan
__________24. Ang salitang ito ay gamitin upang madaling maunawaan at makamit ang totoong
layunin nito na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma
___________25. Gumagamit ito ng hugis tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin,
talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado
___________26. .Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala at
unang nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan
____________27. Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
____________28. Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming naghahari sa
akda ay malungkot dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita
____________29. Ito ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang
pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa __________.
a. sanaysay b. talumpati c. debate d. pagpapahayag
_____________30 . Isang uri ng talumpati na kung saan ang layunin ay ipabatid sa mga nakikinig ang
tungkol sa isang paksa, isyu o pangyayari.
a. pagbibigay-galang b. panlibang c. panghikayat d. kabatiran
_____________31. Ito ay isang uri ng talumpati na ang pangunahing layunin ay hikayatin ang mga
tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pammaagitan ng pagbibigay-katwiran at
mga patunay.
a. panghikayat b. pampasigla c. papuri d. pagbibigay-galang.
____________32. Ang layunin ng talumpating ito ay na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang
tao o samahan___________. a. pampasigla b. papuri c. panghikayat d. panlibang
____________33. Ito ang uri ng talumpati na magbibigay ng kasiyahan sa mga nakikinig.
a. pagbibigay-galang b. kabatiran c. pampasigla d. papuri
____________34. Ang layunin ng talumpating ito ay tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o
organisasyon.
a. pampasigla b. panghikayat c. kabatiran d. pagbibigay-galang
____________35.Isang uri ng talumpati na kung saan ay isinasagawa nang biglaan o walang
paghahanda nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan __________.
a. maluwag na talumpati c. biglaang talumpati
b. manuskrito na talumpati d. isinaulong talumpati
____________36. Ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng
mga tagapakinig.
a. biglaang talumpati c. manuskrito na talumpati b. isinaulong talumpati d. maluwag na
talumpati
____________37. Ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar o programa sa pagsasaliksik kaya
pinag- aralan itong mabuti at dapat na nakasulat___.
a. maluwag na talumpati c. biglaang talumpati b. manuskrito na talumpati d. isinaulong talumpati
____________38. Isang uri ng talumpati na kung saan ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda na
kaagad ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita__________.
a. biglaang talumpati c. manuskrito na talumpati b. isinaulong talumpati d. maluwag na talumpati
____________39. Ito ang uri ng talumpati na magbibigay ng kasiyahan sa mga nakikinig.
a. pagbibigay-galang b. kabatiran c. pampasigla d. papuri
___________40. Ang layunin ng talumpating ito ay tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o
organisasyon.
a. pampasigla b. panghikayat c. kabatiran d. pagbibigay-galang

You might also like