You are on page 1of 2

KARAGDAGANG GAWAIN:

Mula sa nakalista sa ibaba pumili ng tatlong pangkat at likumin ang mga rehistro ng wika na
ginagamit sa kanilang pakikipagtalastasan.
TANDAAN : Ito ay kakalapin lamang sa loob ng inyong komunidad.
A. Sabungero
1. Llamado – manok na malaki ang posibilidad ng pagkapanalo
2. Dejado – mnok kung saan kaonti lang ang tumataya
3. Meron – nakalaan na espasyo para sa mga manonood na tumaya
4. Wala – nakalaan na espasyo para sa mga nakikinuod na walang pera
5. Kristo – tagataya
6. Parada – halaga ng perang itinataya sa manok na crowd’s favorite
7. Sentenciaor – naghahatol kung aling manok ang mananalo / referee
8. Soltada – ang laban mismo sa pagitan ng dalawang manok
9. Tinali – manok na pansabong
10. Pusta – perang itinataya
B. Magsasaka
1. Bukid – lupain kung nasaan ang mga pananim
2. Suyod – instrumentong pandurog ng lupa
3. Traktora – panggiik ng lupa
4. Dapurak – malaking traktora
5. Patubig – pagpapalagay ng irigasyon o daluyan ng tubig
6. Kondisyon – maaaring lagay ng panahon
7. Kemikal – pampataba ng pananim o pang-alis ng mga insekto
8.
C. Tindera
1. Tawad – paghihingi ng discount mula sa orihinal na presyo ng paninda
2.Tapat na – wala nang pagbabago sa presyo
3. Bagong puti – kapipitas pa lamang (gulay/prutas)
4. Suki – regular na kustomer
5. Ilado – matigas/kagagaling sa freezer
6. Buena-mano – unang benta
7. Malinaw ang mata – sariwa
8. Walang haw-siyaw – walang daya
9. Pula ang hasang – sariwa
10. Data – natitirang utang

RUBRIKS:
10 puntos - dami ng salitang nakolekta
10 puntos - pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang nakalap

KABUUAN: 20 puntos

You might also like