You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of South Cotabato
Polomolok East District
DOLE CANNERY CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
School ID: 130721
Octavio Village, Cannery Site, Polomolok, South Cotabato
FIRST SUMMATIVE TEST
MATHEMATICS 2

Pangalan: __________________________________________________         Marka: _______________


Baitang at Pangkat: _________________________________________   
Panuto: Isulat ang kabuuang bilang sa patlang.

500 100 100


50 10 1

_______________1.            

500 200 100


100 50
5
_______________ 2.
     

100 100 100 20 20 20 1 1

    ________________3.    

500 100 1 1 1
1

   ________________4.   

200 200 100

  ________________5.            
   

Panuto: Tukuyin ang place value ng nakasalungguhit na bilang. (hundreds, tens, ones)

6. 130 - ________________________

7. 908 - ________________________

8. 214 - ________________________

9. 763 - ________________________

10. 543 - ________________________


Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
Division of South Cotabato
Polomolok East District
DOLE CANNERY CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
School ID: 130721
Octavio Village, Cannery Site, Polomolok, South Cotabato
FIRST SUMMATIVE TEST
ESP 2

Pangalan: __________________________________________________         Marka: _____________________


Baitang at Pangkat: _________________________________________   
Panuto: Isulat ang T kung tama ang pahayag sa bawat bilang at M kung mali.

1. Ang mga kakayanan ay dapat paunlarin.


2. Ang pagtitiwala sa sarili ay nakakatulong upang higit na maibahagi ang kakayahan sa bawat tao.
3. Iisa ang kakayahan ng bawat bata.
4. Dapat tumigil na kapag hindi nagtagumpay sa napiling kakayahan.
5. Ang pagsali sa mga paligsahan ay isang paraan upang mahasa ang kakayahan.
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

6. Naipahayag ko ang aking damdamin sa pamamagitan ng paggawa ng aking sariling dibuho gamit ang angking abilidad.
Ano ang kakayahan ko?

a. kagalingan sa pagguhit
b. paglikha ng konsepto
c. pagpalawak ng imahinasyon

7. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin sa pagguhit?

a. Pagbabalangkas ng bahay sa gitna ng hardin.


b. Paglalapat ng tono sa isang awitin.
c. Pagsusulat ng kwento.

8. Anong kakayahan sa pagguhit ang pagpaplano para sa paggawa ng mga bagay?

a. kagalingan
b. pagdisenyo
c. pagkonsepto

9. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na ibahagi ang iyong galing sa pagbigkas ng tula, paano mo bibitawan ang bawat
salita?

a. dapat mabilis ang pagsasalita


b. dapat malakas palagi ang boses
c. dapat nagbibigay ng damdamin

10. Paano ang wastong pagbigkas o pagbitaw ng mga salita kung ikaw ay tumutula?

a. Dapat malinaw ang pagbigkas ayon sa wastong diin at pagkakapantig ng tula.


b. Mahina lamang mula simula hanggang matapos ang tula.
c. Pasigaw dapat ang pagbigkas upang maintindihan ng mga nakikinig.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region XII
Division of South Cotabato
Polomolok East District
DOLE CANNERY CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
School ID: 130721
Octavio Village, Cannery Site, Polomolok, South Cotabato
FIRST SUMMATIVE TEST
FILIPINO 2
I. Panuto: Basahin ang kuwento at bilugan ang letra ng tamang sagot.
Si Putot at Bibot
Si Putot ay asong masayahin, mapaglaro at magiliw sa kaniyang among si Bibot. Pag-uwi
galing sa paaralan ay sinasalubong ni Putot si Bibot. Palaging pinapakain ni Bibot si Putot.
Madalas ay may pasalubong na tinapay ang amo na galing sa baon nito. Tuwing Sabado ay sabay
na naliligo si Putot at si Bibot. Namamasyal sila at naghahabulan. Mahal na mahal ni Bibot ang
kanyang asong si Putot.
1. Sino ang may alagang aso? A. Putot B. Bibot
2. Ano ang madalas na pasalubong ni Bibot sa alaga? A. kanin B. tinapay
3. Kailan pinapaliguan ni Bibot si Putot? A. tuwing Linggo B. tuwing Sabado
4. Anong pagkain ang ibibigay mo sa iyong alaga? A. kanin na may ulam B. tsokolate
5. Ano kaya ang mararamdaman ni Bibot kapag nawala si Putot? A. malulungkot B. matutuwa

II. Panuto: Basahin ang maikling kuwento at ibigay ang mensaheng nais ipabatid. Bilugan
ang letra ng tamang sagot.

1. Isang hapon, nagsabi ang nanay na aalis siya sandali para bumili ng ulam sa palengke kaya
inutusan niya si Ben na bantayan ang kanyang sinaing. Maya maya tinawag ng kalaro si Ben at
nakalimutan niya ang bilin ng kanyang ina, dahil dito nasunog ang sinaing.Galit na galit ang
nanay ni Ben sa nangyari.
a. Nagalit ang nanay ni Ben dahil naglalaro si Ben nang umuwi ang nanay.
b. Nagalit ang nanay ni Ben dahil maaaring masunog ang kanilang bahay.
c. Nagalit ang nanay dahil may nakaaway siya sa palengke.
2. Masayang naglilinis ang magkakapitbahay sa kanilang paligid nang dumating si Kapitana Paola.
May nagwawalis, naghahakot ng basura at nagtatabas ng damo. Mabilis nilang natapos ang
gawain kaya natuwa si Kapitana Paola at binigyan sila ng meryenda.
a. Nagiging madali at magaan ang gawain kung nagtutulungan.
b. May libreng meryenda kapag nagtrabaho.
c. Magagawa ang gawain kung may nakabantay
3. Nagkukuwentuhan habang bumibili ng meryenda sa kantina ang magkaklaseng sina Ana at
Kass. Naalala ni Kass ang sabi ng nanay niya na kumain ng masustansiyang pagkain kaya bumili
siya ng nilagang saging at nilagang itlog.
a. Kumain ng junk foods. b. Kumain ng mga kendi.
c. Kumain ng masustansiyang pagkain.
4. Ikapito ng gabi, tapos nang kumain ng hapunan ang Pamilya Gomes. Inaantok na si Nikki
ngunit nais pa ng kapatid niya na manood ng telebisyon. Naalala ni Nikki ang paalala ng guro na
mag-aral ng leksiyon dahil mayroon silang pagsusulit.
a. Makipaglaro sa kapatid. b. Basahin at pag-aralan ang mga aralin.
c. Manood ng telebisyon hanggang hatinggabi.
5. Pagkatapos kumain, si Roda ang naatasan na magligpit ng pinagkainan dahil maglalaba pa ang
nanay niya ng mga damit. Nais niya sanang lumabas para mamasyal sa parke kasama ang
kanyang mga kaibigan.
a. Itapon sa basurahan ang pinagkainan. b. Sumama sa mga kaibigan.
c. Linisin ang lamesa at hugasan ang mga plato.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
Division of South Cotabato
Polomolok East District
DOLE CANNERY CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
School ID: 130721
Octavio Village, Cannery Site, Polomolok, South Cotabato
FIRST SUMMATIVE TEST
ARALING PANLIPUNAN 2

I. Panuto: Isulat ang tama kung wasto ang ipinahahayag ng bawat pangungusap at mali naman kung
hindi.

____________ 1. Ang komunidad ay ang lugar na tinitirhan ng mga tao.


____________ 2. Magkakatulad o magkakapareho ang lahat ng komunidad.
____________ 3. Maaaring sa kapatagan lamang magkaroon ng komunidad.
____________ 4. Maraming mga gusali ang makikita sa lungsod.
____________ 5. Ang iyong komunidad na kinabibilangan ay nasa lungsod.

II. Panuto: Isulat ang letra ng impormasyon tinutukoy ng may salungguhit na salita sa bawat bilang. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon.

A. Pinuno B. Dami ng tao C. Pamilihan

D. Pangalan ng lugar E. Simbahan F. Wikang sinasalita

________ 6. Ito ay lugar kung saan nabibili ang mga pangunahing pangangailangan.
________ 7. Si Marian ay nakatira sa Barangay Cannery. Dito rin siya ipinanganak at lumaki.
________ 8. Sina Luna at Harry ay parehong ipinanganak sa Maynila, ngunit dito sila sa Cannery lumaki.
Bisaya ang nakasanayan nilang wika.

________ 9. Ito ang lugar kung saan sama-samang nananalangin ang mga tao.

________ 10. Si Antonio “Nono” B. Octavio ang kapitan ng Cannery at si Honey Lumayag-Mati naman
ang mayor ng Polomolok.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region XII
Division of South Cotabato
Polomolok East District
DOLE CANNERY CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
School ID: 130721
Octavio Village, Cannery Site, Polomolok, South Cotabato
FIRST SUMMATIVE TEST
ENGLISH 2
Name: __________________________________________________         Score: _____________________
Grade and Section: _________________________________________   
I. Identify the kind of sounds given below. Encircle your answer.
1. Tweet-tweet loud soft
2. mooo-mooo loud soft
3. meee-meee loud soft
4. bzzz-bzzz loud soft
5. tic-tac, tic-tac loud soft

II. Write the missing letters for the pictures.

6. C ___ ___ 7. P ___ ___

8. m ___ ___ 9. ___ em

10. _ ___ an

Republic of the Philippines


Department of Education
Region XII
Division of South Cotabato
Polomolok East District
DOLE CANNERY CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
School ID: 130721
Octavio Village, Cannery Site, Polomolok, South Cotabato
FIRST SUMMATIVE TEST
MTB-MLE 2

I. Panuto: Basahin ang mga pangungusap.Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Gusto mong bumili sa tindahan. Wala kang pera. Pumunta ka sa kuwarto ngunit natutulog ang nanay
mo. Ano ang iyong gagawin?
a. Kukuha ako ng pera sa pitaka ng nanay ko.
b. Hihintayin kong magising ang nanay ko.
c. Hihiram ako ng pera sa tita ko.
2. Isang gabi, umuwi ang tatay mo na may dalang pasalubong. Hinati niya iyon sa inyong
magkakapatid pero ikaw na lamang ang gising.
a. Uubusin ko ang lahat ng pagkain. Hindi naman nila alam.
b. Ibibigay ko sa kanila ang pagkain kinabukasan.
c. Sasabihin ko na walang pasalubong si tatay.
3. Tapos na ang reses. Niyaya ka ng kamag-aral mo na maglaro at huwag munang bumalik sa silid-
aralan. Ano ang sasabihin mo?
a. “Ayoko, may klase pa tayo.”
b. “Sige, tara maglaro tayo.”
c. “Sige, maghabulan muna tayo.”
4. Bagong dating ka galling sa eskwela, nasa sala ang iyong mga magulang. Alin ang gagawin mo?
a. Tatakbo papunta sa kwarto. b. Sisipain ang pinto.
c. Babatiin ko sila at magmamano.
5. Inihanda din niya ang _________ isusuot ng kanyang anak sa pagpasok sa paaralan.
a. uniporme b. kuwintas b. relo
6. Bago lumabas ng bahay ang kanyang anak ay nagpaalam muna siya kay Mimi, ang kanyang alagang
_________, na lumilipad.
a. pusa b. aso c. ibon
7. Nabasag mo ang plorera ng iyong nanay. Ano ang sasabihin mo?
a. Salamat po nay. b. Sorry po nay. c. Wala po akong ginagawa nay.
8. Ang pagtulong sa kapwa ay tanda na ikaw ay may busilak na kalooban.
a. mabuti b. masama c. matigas
9. Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe.
a. mababa b. mabilis c. mataas
10. Isang umaga ay nakasalubong mo sa may daan ang iyong guro. Ano ang sasabihin mo?
a. Magandang hapon po ma’am. b. Magandang gabi po ma’am.
c. Magandang umaga po ma’am.

You might also like