You are on page 1of 16

Central Philippine Adventist College Academy

u Alegria, Murcia, Negros Occidental


Contact nos. 704-1800 (126) /0917-403-06490/0999-990-7647
E-mail Add: academy@cpac.edu.ph
cpac-academy_registrar@outlook.com

“Promoting Excellence in Service, Faith and Learning”

G12/Q1

Sanggunian: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan


Ni: Lolita T. Bandril at Voltaire Villanueva

Inihanda ni:
Diana Ross F. Salsona, LP
1
CENTRAL PHILIPPINE ADVENTIST COLLEGE ACADEMY
Alegria, Murcia, Negros Occidental

Philosophy
To restore the lost image of God in humanity through the harmonious development of the
mental, physical, social and spiritual faculties.

Vision:
To be a center of Christ’s influence in Negros Occidental.

MissionTo provide Bible based education to students through the influence and inspiration of
Christ-like teachers.
Goal
In harmony with its philosophy, vision, and mission, Central Philippine Adventist College
Academy is dedicate to educate learners by promoting excellence in learning, service, and faith
through Adventist education.
Objectives
Central Philippine Adventist College is committed to attaining the following mission statements:
1. To instill Christian love through acts of kindness, helpfulness and compassion.
2. To teach obedience to the laws of one’s country when such laws do not conflict with the laws
of God.
3. To put emphasis on the dignity of labor and its values.
4. Encourage participation in outreach programs intended to meet the physical and spiritual
needs of the communities.
5. Instill the culture of excellence in all academic programs and co-curricular activities.
6. Foster the relevance of the study programs and research for the improvement of the quality of
life, and
7. Produce efficient, effective, qualified and globally competitive but locally responsive
graduates for optimum service to God and humanity.
Core Values
C- Competence
H-Humility
R-Respect
I-Integrity
S-Self-sacrifice
T-Teamwork

Diskripsyon ng Kurso

2
Malugod na pagbati handog ko para sa inyo! Muling buksan ang isipan ng bagong kaalaman
panibagong. Mamulat, Mag-aral at Magsaliksik.
Baitang: 12
Semestre: 1st Semestre
Titulo ng Kurso: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik at Sining)
Bilang ng sesyon /Semestre: 80 na sesyon / semester
Diskripsyon ng Kurso: Pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating lilinang sa mga kakayahang
magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na pagsulat sa piniling larangan
Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng
iba’t ibang anyo
Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ng malikhaing portfolio ng mga orihinal na sulating
akademik
Narito ang mga gabay sa pagtalakay ng ating aralin

Concept Map ng Modyul


ags latsu FiLarn lip
P o
nga saP
il n
g
(A kad
e m ik )
mp
Talu ati kad em
A iko n
g P
agsu lat

kTe ad
A i iko
kn
em lat n
o ati
lEsti
gSu g
n

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng SULAT ang disenyongpagkatuto.


3
Sandigan ng Kaalaman (Devotional)
Iisa-isahin sa bahaging ito ang mga layunin at ang inaasahang pagganap sa bawat
aralin. Mababasa din sa bahaging ito ang debosyonal na gagabay sa mga mag-aaral
patungo sa Panginoon. Inaasahang makakamit ang lahat ng itinakdang layunin sa
pagkatuto.

Unti-unting Tuklasin (Explore)


Susukatin ng mga gawain sa bahaging ito ang inyong mga natutuhan
na at ihahanda kayo sa pagkatuto ng tatalakaying aralin. Sa pamamagitan ng
pagganyak na gawain, mas magiging bukas ang inyong isip at hihikayatin kayong
tumuklas ng mga bago at mas malalim pang kaalaman.

Linangin ang Kaalaman (Firm up)


Babasahin ang iba’t ibang teksto at palalalimin ang pag-unawa sa paksa at
nilalaman ng panitikan.Sususkatin din ang inyong pagsusuri, at pagbibigay ng
angkop na desisyon sa iba’t ibang praktikal na sitwasyon na may kaugnayan sa
paksa. Hahasain din ang iba’t ibang uri ng kasanayan sa aralin.

Agap sa Pag-unawa (Deepen)


Magsisilbing gabay sa repleksiyon ninyo ang mga tanong at gawaing matatagpuan
sa bahaging ito. Layunin nitong palalimin ang inyong pagpapahalaga at pananaw
sa mga isyung pansarili at iba’t ibang usaping panlipunang may kinalaman sa
aralin.

Tinakdang –Pagganap (Transfer)


Lilikha ang mga mag-aaral proyektong may kinalaman sa paksang tinalakay at sa
mga kasanayang nilinang sa kabuoan ng aralin. Tiyak na masusubok dito ang
inyong husay sa kritikal na pag-iisip, komunikasyon at kolaborasyon at pagiging
malikhain.

4
Aralin 1- Akademikong Sulatin

Sandigan sa Pag-aaral
Mga Inaasahang Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong sulatin
2. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong pagsulat
(a) Layunin (b) Gamit (c) Katangin (d) Anyo
3. Nakakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko

Pamantayan sa Pangnilalaman: Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat


ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan.
Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang
anyo ng sulatin

Debosyonal: Debosyonal:
Tore ng Babel (Genesis 11:1-9)
Panalangin: https://www.youtube.com/watch?v=L0OKSKjkQAg
Pag-unawa:

Ang Tore ng Babe l(Hebreo: ‫בבל‬ ‫מגדל‬ Migdal


Bavel Arabe: ‫رج بابل‬P‫ب‬ Burj Babil), ayon sa kabanata 11 ng Aklat ng
Henesis ng Lumang Tipan ng Bibliya, ay isang
malaking toreng itinayo sa lungsod ng Babel, ang pangalang
Hebreo para sa Babilonya (sa Akadyano: Babilu). Batay sa
salaysay ng Bibliya, isang nagkakaisang sangkatauhan, na
nagsasalita ng "iisang wika at salita" lamang at lumipat mula sa
silangan, ang nakilahok sa pagtatayo nito pagkaraan ng Malaking
Baha. Tinatawag din ang pagtatayo ng Tore ng Babel bilang
"simula" ng kaharian ni Nemrod[1] (o Nimrod). Pinagpasyahan ng
mga taong magkaroon ng isang mataas at malaking tore ang
kanilang lungsod na "Magtayo tayo ng isang lunsod at ng isang tore
na ang taluktok ay aabot sa mga langit!" Subalit, itinayo ang tore
hindi para sa pagsamba at pagpupuri sa Diyos, sa halip para sa
kaluwalhatian ng tao, na may hangarin o motibong gumawa ng
"pangalan" para sa mga tagapagtayo:

"Igawa natin ang ating sarili ng isang pangalan, baka tayo


magkahiwa-hiwalay sa balat ng lupa." (Henesis 11:4). Nang makita
ang ginagawa ng tao, ginulo at pinag-iba-iba ng Diyos ang kanilang mga wika at "pinaghiwa-
hiwalay sa balat ng lupa mula sa pook na yaon".[1] Orihinal na layunin ng Diyos na palakihin o
paramihin at punuin ng tao ang mundo. Sa mga kasulatang Hebreo, inilalarawan si Nemrod
bilang isang malaakas o "bantog na mangangaso" sa "harap ng Panginoon"

https://www.youtube.com/watch?v=YeHOFvU6um0
Repleksyon at Konklusyon: Kapag gumawa tayo ng plano sa ating buhay o patungkol sa mga
bagay-bagay, kailangan muna nating hingin ang presensiya ng ating Panginoon kung ito ba ay
kalooban nya na gawin natin

5
Patapos na panalangin:
Ama naming banal sa kataas-taasan ng mga langit. Panginoon, tulungan niyo po kami na
patuloy na magtiwala sa inyo sa lahat ng aming gagawin kung ito po ba ay kalooban niyo
sa aming mga buhay. Sa pangalan ni Hesus. Amen

Unti-unting Tuklasin

Gawain 1: Graphic Organizer


______________________________________________________________________________
Panuto: Humanap at magsaliksik ng anumang uri ng sulatin na nababagay sa iyong interes.
Sumipi ng bahagi ng nakitang sulatin at punan ang gabay na Graphic organizer.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Kaugnay na Paksa

Paksa
___________________
___________________
___________________
Kaugnay na Paksa ___________________ Kaugnay na Paksa
_

Pangkalahatang Nilalaman:

Daloy ng Talakay:

Pangkalahatang Pagsusuri:

6
Ano ang akademikong sulatin? Ano ang kaibahan ng akademikong sulatin sa
iba pang uri ng sulatin? Bakit mahalagang kasanayan ang pagsulat sa
akademikong domeyn at buhay ng isang tao?
Tunghayan ang batayang kaalaman kaugnay ng akademikong sulatin.

Linangin ang Kaalaman


Isa makrong kasanayan sa pakikipagtalastasan ang pagsulat at ang wika ang pangunahing
sangkap sa pagbuo ng isang sulatin na magluluwal ng iba’t ibang ideya na magiging mensahe sa
anumang isusulat.
Sa kasalukuyang antas ng iyong pag-aaral, Malaki ang gampanin ng pagsulat sa
pagpapahayag ng iyong saloobin, pananaw, opinyon, ideya at anumang naiisip. Inilalapat at
isinasakonteksto ng pagsulat ang mga impormasyon na nais mong maipahatid mula sa sariling
kaalaman at karanasan na sinangkapan ng komprehensibong pananaliksik upang maging
akademiko.

Akademikong Pagsulat, Dapat Sapat at Lapat


Hindi maaaring paghiwalayin ang pagsulat at kognisyon. Ang isip ang pinagmumulan ng proseso
ng kognisyon. Samakatuwid, magkatambal ang pagsulat at pag-iisip. Nakapaloob sa pag-iisip
ang kalipunan ng mga kaalaman buhat sa biyolohikal at kaalamang idinulot ng karanasan. Taglay
rin ang lawak ng pag-iisip ang imahinasyon na pangunahing sangkap sa pagpapalawak ng isang
uri ng sulatin. Pinabibisa pa ito ng tamang gamit ng salita, kataga, ekspresyon, at kalipunan ng
mga pangungusap na binuo ng kaisipan ng isang tao.

Akademikong Sulatin Iba Pang Sulatin


PAGSULAT
Kaugnay ng Personal
akademikong disiplina Kasanayang dapat Malikhain
malaman at
mapaunlad propesyonal
Isinulat sa iskolarling eksperimental
pamamaraan

Tulad ng iba pang uri ng pagsulat, ang akademikong sulatin ay nagtataglay ng tiyak na hakbang
o proseso. Sa paraan ng paggawa ng isang akademikong sulatin, makikita ang taglay nitong mga
katangian. Ito ay ang mga sumusunod.
1. KOMPRENSIBONG PAKSA
Batay sa interes ng manunulat. Kung ang pagsulat naman ay itinakdang ipagawa, madalas
nakabatay ang paksa sa isyung napapanahon na may kaugnayan sa mga usaping panlipunan
batay sa aspektong pangkabuhayan, pampolitika, pangkultura, at iba pa.

7
2. ANGKOP NA LAYUNIN
Ito ang magtatakda ng dahilan kung bakit nais makabuo ng akademikong sulatin.
Nakapaloob sa layunin ang mithiin ng manunulat kung nais magpahayag ng impormasyon,
katotohanan o argumentong inilalahad, suportahan o pasubalian.
3. GABAY NA BALANGKAS
Magsisilbing gabay ang balangkas sa akademikong sulatin. Gabay ito upang organisahin ang
ideya ng sulatin. May tatlong uri ng balangkas: balangkas na paksa, balangkas na
pangungusap, at balangkas na talata.
4. HALAGA NG DATOS
Nakasalalay ang tagumpay ng akademikong sulatin sa datos. Maituturing na
pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang datos ng anumang akda.
Kung walang datos walang isusulat, susuriin, o sasaliksikin. Nahahati sa dalawa ang
pinagkkunan ng datos: primary o pangunahing sanggunian at sekondaryang sanggunian.
PRIMARYANG SANGGUNIAN SEKONDARYANG SANGGUNIAN

 Talaarawan  Reaksiyon sa isang:


 Pakikipanayam  Aklat
 Liham  Palabas
 Orihinal na gawang sining  Manuskrito
 Orihinal na larawan  Pahayag ng isang tao
 Orihinal na pananaliksik  Buod ng anumang akda
 Mga isinulat na panitikan

5. EPEKTIBONG PAGSUSURI

Ito ay nakabatay sa ugat o sanhi ng suliranin at nagpapakita ng angkop na bunga kaugnay


sa implikasyon nito sa iniikutang paksa. Marapat lagpasan ng epektibong pagsusuri ang
mga tsismis o sabi-sabi

6. TUGON NG KONKLUSYON

Taglay nito ang pangkalahatang paliwanag sa nais na maipahayag ng akdemikong sulatin.


Makikita sa konklusyon ang kasagutan sa mga itinampok na katanungan sa isinulat na
pag-aaral. Kadalasang nasa anyong pabuod ang konklusyon na binuo batay sa
natuklasang kaalaman. Mula sa konklusyon, huhugot ng payo o rekomendasyon tungo
sab ago o pagpapatuloy ng isinagawang pag-aaral o akademikong sulatin.
Dahil sa pangkalahatang paliwanag na taglay nag konknlusyon, may mga ilang paalala na
dapat tandaan para sa susulat:
1. Huwag magpasok ng bagong material
2. Huwag pahinain ang iyong paninindiigan sa paghingi ng tawad sa isang bagay na
pinaliwanag mon a.
3. Huwag magtapos sa “cliff hanger”, na iniwang bitin ang mambabasa.
Anyo ng Akademikong Sulatin, Halina’t Saliksikin
Ano ang katangian ng akademikong sulatin? Paano maiuugnay ang katangian ng
akademikong sulatin sa anyo nito? Bakit marapat na makilala at mailapat ang
kaalaman at kasanayan sa iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin?
8
Tunghayan ang batayang kaalaman kaugnay ng anyo ng akademikong sulatin. Upang madaling
makilala ang kahulugan, katangian, at kalikasan bilang natatanging anyo ng isang akademikong
sulatin.
Kahulugan, Kalikasan, at Layunin Bilang Anyo ng Akademikong Sulatin
Isa sa pinakamahahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol
sa akademikong pagsulat. Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang
karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa
ikatataguyod ng lipunan.
Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan
kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. 
Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na
manlibang lamang.
Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng
mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong isang paksa na may
magkakaugnay na
mensahe.
Maayos na inihahanay ang mga pangungusap, talata, at seksiyon upang maging malinaw ang
pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang estruktura ng isang
akademikong sulatin ay may simula na karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna na
nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon, at
rekomendasyon. lian sa mga halimbawa ng akademikong teksto ang abstrak, bionote, talumpati,
panukalang proyekto, repiektibong sanaysay, sintesis, lakbay-sanaysay, synopsis, at iba pa.

Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal


(Arrogante et al. 2007). Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil may
kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-
isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad ng gawa, at may inobasyon at
kakayahang gumawa ng sintesis. Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling-
piling salita at isinasaalang-alang ang target na mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng tamang
bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman.

Kalikasan
Likas o taglay ng akademikong sulatin ang maglaman ng samu’t saring kaalaman. Marapat na
ang makilalang kaalaman sa akademikong sulatin ay bago at mahalaga
Batayan o kalikasan ng akademikong sulatin ang paraan upang ito ay maisulat. Ang
paraan ng pagsulat ay umiikot sa batayang diskurso na maaaring magsalaysay, maglarawan,
maglahad, at mangatuwiran. Ang apat na pangunahing akademikong diskursong ito kadalasan ay
may pinagbabagayang disiplina o larangan ng akademikong sulatin. Ngunit, dapat tandaan na
nasa kakayahan pa rin ng manunulat na gamitin ang anumang paraan upang iphayag ang
kaugnay ng kaalaman. Ang paraan ng pagsulat ang magiging matibay na gabay upang ipahayag
ang kaalamang nais iparating ng akademikong sulatin.

Narito ang ilang gabay bilang hulwaran kung paano ang angkop na paraan ng akademikong
sulatin.
 Pagpapaliwanag o Depinisyon
 Pagtatala o Enumerasyon
 Pagsusunod-sunod
 Paghahambing at pagkokontrast
 Sanhi at Bunga
 Suliranin at Konklusyon
 Pag-uuri-uri o kategorisasyon
 Pagpapahayag ng Saloobin, Opinyon, at Suhestiyon
 Paghihinuha
 Pagbuo ng Lagom, Konnklusyon, at Rekomendasyon

9
Kaakibat ng akademikong sulatin ang magpahayag ng iba’t ibang uri ng pag-unawa. Esensiyal
ang gampanin ng pag-unawa na natatamo sa pagbuo ng akademikong sulatin. Salamin ng
kakayahang umunawa ang anumangipinapahayag ng manunulat. Upang masuri at maiwasto ang
pag-unawa mahalagang isalang-alang ang hindi nagmamaliw na pag-unawa o enduring
understanding (Wiggins at McTighe, 1998) na sukatan nang pangmatagalang pagkatuto ng isang
manunulat sa paksa at konseptong pinag-aaralan.
Dapat tandaan ng isang manunulat na ang pag-unawa ay hindi simpleng pagtugon sa mga
katanungang naghahanap ng kasagutan. Marapat na ang kasagutan ay nagmula sa:

Pagpapa-
liwanag
Kaala pa-
man Pagpa an
Sarili sa kahulu
g

ASPETO NG
PAG-UNAWA

t
alapa
Pagdama Pag-l

Pananaw

Kalikasan ng akademikong sulatin na mapahayag ng kaalaman batay sa angkop na paraan na


nakaugat sa kakayahang umunawa ng manunulat upang ipaunawa ang kaniyang naisip at
nararanasan.

Katangian ng Akademikong Pagsulat


1. Pormal
Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal
na pananalita. Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-
aaral.
2. Obhetibo
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral
sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang impormasyong
gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa (Alejo et al 2005).
3. May Paninindigan
Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay
pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan,
ipinalillwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang
kahalagahan ng pag-aaral. Mahalaga rin ang paninindigan dahil ang mismong daloy ng mga
pangungusap, pangangatwiran, at layunin ay depende sa isinasaad ng paninindigan ng
manunulat.

4. May Pananagutan
Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon.

Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang


kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas.
5. May Kalinawan

10
Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat
na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay
direktibo at sistematiko.

Layunin sa Pagsasanay sa Akademikong Pagsulat

1. Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at malikhaing pagsasagawa


ng ulat.
Ang wastong pangangalap ng mga impormasyon at datos ay nangangailangan ng kasanayan sa
pagbabasa at pagsuri ng iba’t ibang sanggunian katulad ng diksiyonaryo, encyclopedia, annual
journals, almanac, atlas, magasin, academic journals, mga libro, pahayagan, at tesis at
disertasyon. Mahalaga ang paggamit ng mga ito sa matagumpay na pangangalap ng
impormasyon. Dapat ding matutuhan ang wastong pagbuo ng bibliyograpiya o listahan ng mga
ginamit na aklat at pagbanggit sa mga paglalahad ng impormasyon mula sa mga taong
kinauukulan upang maiwasan ang direktang pangongopya ng mga impormasyon o plagiarism. Sa
pagkatuto ng wastong pangangalap ng impormasyon at pagbuo ng bibliyograpiya, kinakailangan
din na malikhaing maipakita ang ulat na binuo upang maging nakapanghihikayat ang pagbasa ng
pag-aaral o sulatin.

2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba't ibang uri ng teksto na
magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat. Ang mag-aaral ay nararapat na nagtataglay
ng tatlong antas ng pag-unawa sa pagbasa. Una, ang pagkakaroon ng literal na
pagpapakahulugan kung saan ang mambabasa ay nakauunawa ng mga salita ng wikang
ginamit. Pangalawa, pagbasa nang may pag-unawa. Ang mag-aaral ay nakapagbibigay ng
pagpapakahulugan gamit ang paghihinuha at komprehensiyon sa ipinapahayag na mensahe ng
awtor. Pangatlo, pagbasa nang may aplikasyon. Matapos ang pagbasa, dapat ay naisasagawa sa
isang pagkilos.ang mensahe ng teksto na maaaring pasulat o pag-uulat.

3. Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda kasabay
rin ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.

Ang mag-aaral ay inaasahang marunong magsuri ng ibang akda na makatutulong sa kanyang


pag-aaral—kritikal sa pag-iisip, obhetibo sa pagtalakay sa paksa, organisado ang mga ideya at
kaisipan, nakatutukoy ng sanhi at bunga, nakapaghahambing, nakabubuo ng konsepto, at
nakalulutas ng suliranin para sa ikabubuti ng kanyang sulatin.

4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na paksa ng mga


naisagawang pag-aaral. Ang pamanahong papel ay output ng mga mag-aaral bilang pagtupad sa
pangangailangan ng kanilang kurso. Bilang isang kritikal at mapanuring mag-aaral, kailangang
makapagsagawa ng pagsusuri sa mga naisagawa nang pag-aaral upang maging batayan ang mga
ito sa pagbuo ng sariling konsepto na magiging daan sa pagpapalawak ng pagsasanay at pagbuo
ng sariling papel pananaliksik.

5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba't ibang anyo ng
akademikong sulatin.

Inaasahang mapahuhusay pa ang kasanayan ng mag-aaral upang makasusulat ng iba’t ibang


sulatin sa larangan ng akademikong pagsulat.
6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo ng
mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.
Mahalagang katangian na dapat ding taglayin ng mag-aaral sa pagsulat ang pagkakaroon ng
mataas na pagkilala sa edukasyon bilang isang paraan ng pagpapabuti sa kondisyon ng tao at

11
lipunan. Sa ganito, lalabas at malilinang ang pagiging inobatibo ng mag-aaral sa kanyang
pagsulat tulad ng pagiging malikhain para sa kanyang mambabasa.
7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng
portfolio.
Ang portfolio ay kalipunan ng mga sulating naisulat para sa pangangailangan ng kursong
Akademikong Pagsulat. Ang kalagayan, ayos, at dating nito ay sumasalamin sa pagpapahalaga
ng mag-aaral sa kanyang sarili.
Gawain 2: Pagpapakahulugan
_____________________________________________________________________________
Panuto: Sa pamamagitan ng Web magbigay ng iba’t ibang pagpapa-kahulugan sa akdemikong
pagsulat.

Akademikong
Pagsulat

Gawain 3: Kilalanin Mo!


______________________________________________________________________________
Panuto: Kilalanin ang iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin ayon sa layunin, gamit,
katangian at anyo.

Akademikong Layunin at Gamit Katangian Anyo


Sulatin
Abstrak

Sintesis

Bionote

Memorandum

Agenda

Panukalang Proyekto

Talumpati

Katitikan Ng Pulong

Posisyong Papel

Replektibong
Sanaysay
Pictorial Essay
12
Lakbay Sanaysay

Sintesis

Agap na Pag-unawa
Pagtataya

TEST 1: MULTIPLE CHOICE

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat lamang ang
titik ng tamang sagot sa patlang na nakalaan sa inyong sagutang papel.

_____1. Ito ay isang uri ng pagsulat na makikilala sa layunin, gamit, katangian at anyo nito. Taglay
nito ang mataas na gamit ng isip upang maipahayag ang ideya bilang batayan ng karungungan.
a. Akademikong Literatura c. Balangkas
b. Akademikong Sulatin d. Datos
_____2. Ito ang magtatakda ng dahilan kung bakit nais makabuo ng akademikong sulatin,
nakapaloob dito ang mithiin ng manunulat.
a. Halaga ng datos c. Layunin
b. Epektibong pagsusuri d. Tugon ng konklusyon
_____3. Ito ang nakasalalay ang tagumpay ng akademikong sulatin sa datos. Maituturing na
pinakamahalagang yunit ng pananliksik ang datos ng anumang akda.
a. Akademikong sulatin c. Pagsusuri
b. Halaga ng Datos d. Paksa
_____4. Ito ang bahagi rin ng isang komprehensibong akademikong sulatin ang pasusuri.
Upang maging epektibo, lihokal ang dapat na gawaing pagsusuri.
a. Akademikong sulatin c. Pagsusuri
b. Halaga ng Datos d. Paka
_____5. Ito ang taglay ng konklusyon ang pangkalahatang paliwanag na nais na
maipahayag ng akademikong sulatin. Makikita dito ang kasagutan sa mga itinampok na
katanungan sulatin.
a. Halaga ng datos c. Layunin
b. Epektibong pagsusuri d. Tugon ng konklusyon

TEST 11: TRUE OR FALSE

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik T
kung tama at M naman kung mali.

_____1. Ang abstrak ay hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunod-sunod


_____2. Ang sintesis ay kalimitang ginagamit sa mga tesktong naratibo para mabigyan ng
buod.
_____3. Ang panukalang proyekto ay naglalayong maiparating ang ompormasyon sa
taong-bayan.
_____4. Ginagamit ang bionote para sa personal na profile ng isa tao.

13
_____5. Ang posisyong papel ay tala o record ng mga mahahalagang puntong inilahad sa
pulong.
_____ 6. Ang Replektibong sanaysay ay pagbabalik tanaw sa mga nakalipas na
pangyayari.
_____ 7. Ang agenda ay hindi talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang pormal na
pagpupulong.
_____8. Ang talumpati ay isang sining ng pagsasalitang pagpapahayag.
_____9. Ang lakbay sanaysay ay mas madami ang larawan kaysa teksto.
_____ 10. Pictorial Essay kakikitaan ng maraming teksto kaysa larawan

PAGPAPAHALAGA

Isa sa mga halimbawa ng sulatin ay naglalaman ng salita ng ating Panginoon upang tayo ay
turuan ng magandang asal at paglilingkod sa kaniya at sa ating kapwa. Dahil sa mga sulatin ay
mas lalong lumalawak ang atikng kaalaman patungkol sa kaniya at ang kaligtasan na naghihintay
sa bawat isa sa atin. Kaya’t patuloy nating unawain at saliksikn ang Banal na Kasulatan na
nagtuturo ng buhay na walang hanggan.

Tinakdang Pagganap
Gawain 4: Pananaliksik
______________________________________________________________________________
Panuto: Pumili sa isa sa mga halimbawa ng akademikong pagsulat at magsagawa ng
panimulang pananaliksik kaugnay ng kanilang:
a. Kahulugan
b. Kalikasan
c. Katangian

Narito ang Rubriks para sa pagbibigay ng kaakibat na marka

Pamantayan 4 3 2 1 Puntos

Malinaw na Nakapagbibigay Hindi gaanong Hindi malinaw


nailatag ang ng kabuuang malinaw ang ang ang
Nilalaman kahulugan, paliwanag sa impormasyon sa pagkakalahad
kalikasan, kahulugan, ginawang ng mga
katangian ng kalikasan, pananaliksik impormasyon
napiling katangian ng
akademikong napiling
sulatin akademikong
sulatin
Lohikal na Lohikal na Hindi organisado Hindi
nailatag ang mga nailatag ang ang pagkakasulat; organisado, at
Organisayson ideya , napag- mga ideya, hindi walang
uugnay ang mga bagama’t hindi magkakaugnay- kaakupan ang
impormasyon maayos ang ugnay ng maayos bawat ideya na
pagpapadaloy ang mga ideya. inilahad.
ng mga ito
Gumagamit ng May mga Marami ang Lubhang
iba’t ibang estilo pangungusap na pagkakamali sa maraming
Estruktura ng pangungusap hindi maaayos pagbubuo ng pagkakamali sa
upang maging ang pagkakabuo pangungusap pagbubuo ng
maayos ang ng pangungusap pangungusap;
pagbabasa ng nalilito ang
mga mambabasa gamit ng salita.
14
Gramatika, Walang anumang May ilang Maraming Lubhang
Pagbaybay, pagkakamali pagkakamali sa pagkakamali sa maraming
Pagbabantas gramatika gramatika, pagkakamali sa
pagbabaybay at gramatika,
pagbabantas pagbabaybay at
pagbabantas
Kabuuan 12

Sariling Pagtataya (Self Assessment)

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) kung naisakatuparan at natutunana mula sa aralin ang


sumusunod.

Mga Layunin Oo Hindi


Nabibigyang-kahulugan ang akademikong sulatin

Nakikilala ang iba’t ibang akademikong pagsulat


(a) Layunin (b) Gamit (c) Katangin (d) Anyo

Nakakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at


katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko

15
16

You might also like