You are on page 1of 5

I.

PAMAGAT

Pagpapatayo ng mga Solar Powered Street Lights sa


mga pangunahing lansangan ng Brgy. Timpas, Panit-an
Capiz

II. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Kaakibat ng kaligtasan ang pagkakaroon ng mga


pailaw sa daan. Kung walang mga ilaw sa daan o kaya
ito ay pundido, hindi maiiwasang mangamba sa
kanilang seguridad ang mga residente ng isang
barangay tuwing sasapit ang gabi dahil sa madilim na
kalye. Maraming aksidente ang maaring mangyari kung
ang mga kalye sa isang barangay ay hindi magkakaroon
ng ilaw.
Nararapat lamang na ito ay solusyunan, dahil
sa kamahalan ng de-kuryenteng pailaw ngayon ay
magiging mainam kung ang gagamiting pailaw ay mga
solar powered streetlights. Malaki ang kahalagahan
ng pagpapatayo ng mga street lights sa ating mga
barangay upang hindi magkaroon ng lakas ng loob ang
mga kriminal na gawin ang kanilang masamang balak at
hindi na rin matatakot ang ating mga kababayan na
maglakad sa gabi dahil maliwanag na ang mga lugar na
kanilang dadaanan.
Makakatipid ang bawat barangay kung ito ang
gagamiting pailaw dahil ito ay kumukuha ng enerhiya
mula sa sinag ng araw. Hindi lamang magiging ligtas
ang kalye ngunit makakatipid pa sa kuryente.

Ang proyekto na ito ay may pamagat na


“Pagpapatayo ng mga Solar Powered Street Lights sa
mga pangunahing lansangan ng Brgy. Timpas, Panit-an
Capiz” ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na
suliranin:

1. Ano ang kalamangan ng solar powered street


lights sa regular na pailaw?
2. Bakit mahalagang magkaroon ng mga pailaw ang
mga lansangan ng bawat barangay?
3. Paano nakaaapekto ang pagkakaroon ng pailaw at
hindi pagkakaroon ng pailaw sa mga mamamayan ng
bawat barangay?
III. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pangunahing layunin ng proyektong ito ay


magpatayo ng Solar Powered Streetlights sa mga daan
sa Brgy. Timpas Panit-an Capiz upang maiwasan ang
mga krimen at aksidente sa lugar.

Ang ispesipikong pinagbabatayan upang maisagawa


ang proyektong ito ay ang mga sumusunod:

1. Maitala ang kalamangan ng solar powered street


lights sa regular na pailaw.
2. Matalakay ang kahalagahan ng mga pailaw sa mga
lansangan ng bawat barangay.
3. Maitala ang mga epekto sa mga residente ng
bawat baranggay sa pagkakaroon at hindi
pagkakaroon ng pailaw sa daan.

IV. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang mga mag-aaral ay naniniwala na ang proyektong


ito ay may pakinabang upang maisulong ang siguridad
sa Brgy. Timpas, Panit-an Capiz.

MAMAMAYAN NG BARANGAY- Ang proyektong ito ay


maktutulong sa mga mamamayan ng nasabing lugar dahil
masusulusyunan na ang problema sa seguridad tuwing
gabi. Pinapabuti rin ng ilaw sa kalye ang kaligtasan
ng mga motorista at naglalakad na mga residente,
dahil sa proyektong ito maiiwasan ang mga aksidente
sa lugar.

OPISYAL NG BARANGAY- Dahil sa proyektong ito,


matutulungan ang mga opisyal ng barangay na
maisakatuparan ang kanilang mga tungkulin sa
pamayanan.

MANANALIKSIK SA HINAHARAP- Magiging sanggunian


ng mga sususnod na mananaliksik ang proyektong ito
sa pagtuklas ng panibago o mga kaugnay na karunungan
sa proyekto na ito.
V. SAKLAW NG DELIMITASYON

Ang proyektong ito ay nakatuon lamang sa


pagpapatayo ng 60 solar powered street lights sa
Brgy. Timpas, Panit-an Capiz. Ang sakop na lugar sa
barangay na lalagyan ng ilaw ay may 10 kilomentrong
haba lamang. Hindi na saklaw sa proyektong ito ang
pagpapatayo ng solar powered streetlights sa iba
pang mga lugar, o ibang klase ng pailaw.

VI. KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

VII. REBYU NG MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ang Mga Bentahe ng mga Solar Street Light

Ang mga ilaw sa kalye ng solar ay


independiyenteng ng grid ng utility na nagreresulta
sa nabawasan ang mga gastos sa operasyon.
Nangangahulugan ito na ang mga ito ay mga wireless
na ilaw at hindi nakakonekta sa iyong tagapagkaloob
ng kuryente. Ang mga ilaw ay nakasalalay sa lakas ng
init na ibinigay ng araw, na nag-iimbak ng halos
lahat ng ito sa buong araw. Ang mga ilaw sa kalye ng
solar ay nangangailangan ng mas kaunting
pagpapanatili kaysa sa maginoo na mga ilaw sa kalye.
Ang mga ito ay may mas mababang pagkakataon ng
sobrang pag-init. Dahil ang mga solar wires ay
walang mga panlabas na wire, ang panganib ng mga
aksidente ay nabawasan. Maraming beses, aksidente
ang nangyari sa mga tauhan na nag-aayos ng ilaw sa
kalye.
Maaaring kabilang dito ang pagkagulat o
electrocution. Ang mga ilaw sa kalye ng solar ay
mapagkaibigan sa kapaligiran dahil ang mga panel
nito ay nakasalalay lamang sa araw kaya inaalis ang
iyong kontribusyon sa carbon footprints. Ang ilang
mga bahagi ng solar system sa pag-iilaw sa kalye ay
madaling madala sa mga liblib na lugar na gumagawa
ng mas mahusay at madaling gamiting solusyon sa mga
problema sa pag-iilaw. Sa kabilang banda, kung may
mga pakinabang, ang mga ilaw sa solar kalye ay
mayroon ding bilang ng mga kawalan. Nagbabayad din
ito upang malaman mo ang ilang mga bentahe lamang
upang maaari mong ihambing ito sa maginoo na mga
sistema ng pag-iilaw. Sa huli, kailangan mo lamang
magpasya kung ang mga kalamangan ay nangunguna sa
mga kawalan o hindi. (solarlightsmanufacturer, 2019)

VIII. METODO NG PAG-AARAL

Gastusin ng Proyekto:

Sa proyektong ito tinatayang nasa PHP 2 000 000 ang


kabuuang halaga na inilalaan sa sumusunod na
pagkakagastusan.

Bilang ng Pagsasalarawan Presyo ng Bawat Presyong


Aytem ng Aytem Aytem(Php) pangkahalatan
(Php)

25 metro bato PHP 950 PHP 23 750


25 metro buhangin PHP 650 PHP 16 250
30 sako semento PHP 250 PHP 7 500
100 piraso 18 feet na tubo PHP 1500 PHP 150 000
100 piraso solar panel lights PHP 2500 PHP 250 000

Sahod sa 10 manggagawa PHP 350 PHP 52 500


Labing limang araw

Kabuuang gastusin: PHP 447 500

Kinakailangan ng sampung trabahante upang maging


madali ang proseso ng paggawa. Ang kabuuang sukat na sakop
ay umaabot ng sampung kilometro at sa bawat isang kilometro
ay lalagyan ng sampung solar panel streetlights, ang bawat
street light ay may distansya na pitong dipa. Ang bawat
poste ay may taas na pitong metro.

IX. TALAAN NG MGA AKTIBIDADES


Upang maisakatuparan ang proyektong ito itinatakda ang
mga sumusunod na mga gawain o hakbangin:

Manggagawa sa Lugar/
Petsa Mga Gawain Proyekto Lokasyon

Setyembre Susukatin ang Kontraktwal Brgy. Timpas


lugar Panit-an
Capiz

Pagbili ng mga
Setyembre materyales na Kontraktwal City
kakailanganin Hardware at
sa proyekto Williams

Setyembre Uumpisahan Kontraktwal Brgy. Timpas


na ang paggawa Panit-an
Capiz

X. MGA SANGGUNIAN
https://www.solarlightsmanufacturer.com/the-
advantages-and-disadvantages-of-solar-street-lights/

You might also like