You are on page 1of 8

PROM

Mga Tauhan:

Pia Clarisse
Joaquin Jeliane
Elijah Nea
Nathalia Cloud
Glaze

Nagmamadaling lumakad si Pia papalapit sa gymnasium ng kanilang school dahil dito


gaganapin ang pinakahihintay ng lahat, ang Prom.
Pia: Okay, so saan ba ako dadaan? Sa entrance ba o sa likod ng gym para hindi ako mukhang
late? Self mag decide ka na, as in right now! (Pag-uusap niya sa kaniyang sarili)
Dahil attention seeker naman si Pia, sa entrance niya napiling dumaan. Sabagay, masquerade
party ang theme ng kanilang Prom, kaya kung kahit sa entrance siya pumasok, walang
makakakilala sa kaniya dahil sa suot na mask.
Pia: Okay, here goes nothing. (Huminga siya ng malalim para mabawasan ang kaba)
Binuksan niya ang pintuan papasok sa hall kung nasaan ang party at gaya ng kaniyang
inaasahan, napatingin ang lahat sa entrance door kung saan siya pumasok.
Pia: Grabe, ang ganda ko talaga. (Pabulong niyang sambit)
Bumalik agad ang atensyon ng lahat sa kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan. Naglakad nalang
si Pia sa kalapit na table at binalewala ang naging reaksyon ng mga nakakita sa kaniya kanina.

Pia: Nasaan na ba yung mga kaibigan ko. (Palinga-linga siya sa paligid)


May papalapit sa kaniya na isang babae at feeling ni Pia ay alam niya kung sino ito.
Nea: Astig nung ginawa mong entrance ah!
Pia: Nea naman, ako lang toh. Masyado ka namang bilib sakin.
Nea: Parang kang tanga, In your dreams (Pabirong siniko ito sa tagiliran)
Pia: By the way, nasaan iba nating friends?
Nea: 'Di ko pa knows. Ikaw pa lang nahahanap ko dahil sa pangmalupitan mong entrance,
nakilala kita agad.
Pia: Wait, ask natin sa gc (group chat) kung nasaan sila. If hindi nag respond, hanapin natin.

Makalipas ang ilang minuto, walang sumagot sa chat ni Pia, kaya inaya niya na si Nea sa una
nilang pupuntahan, ang food stall. Namataan nila ang dalawang kaibigan na si Elijah at
Nathalia. Nakilala nila ito agad dahil para silang bata na kumakain ng marshmallow at
sinasawsaw ito sa chocolate fountain.

Pia: Baka kayong dalawa ang umubos niyan hah, hinay-hinay lang.
Nea: Remember, hindi pa nagsisimula ang party.
Elijah: Masharap kashi e (Sumagot ng may marshmallow pa ang bibig)
Nathalia: (Tumango-tango nalang dahil hindi makapagsalita sa dami na kinaing marshmallow)
Pia: Okay, tigilan niyo na 'yan at hanapin ang iba pa nating kaibigan. Let's goooo.

Sinimulan na ng apat ang paghahanap ng iba pang kaibigan. Hindi nagtagal, nahanap nila si
Joaquin at Glaze na nagsasayaw sa dancefloor ng isang k-pop song na pinapatugtog ng DJ.

Elijah: Hataw na hataw yung dalawa oh.


Nathalia: Neaaa, bilis i-video mo!
Nea: Wait, paano niyo sila nakilala?
Elijah: Sila lang naman mahilig sumayaw ng k-pop sa'ting magto-tropa.

Pinuntahan ni Pia ang dalawang kaibigan sa dancefloor. Nagulat naman si Glaze at Joaquin ng
biglang may kumalabit sa kanila.
Pia: Hoy, kayong dalawa itigil niyo na yang kakakendeng niyo diyan.
Glaze: Who you?
Pia: Ako 'to, si Natoy na mahal na mahal ka.
Joaquin: Para kang tanga Pia. Hindi bagay sayo mag-joke.
Pia: Kilala niyo naman pala ako e. Tara na't umalis na kayo diyan, baka mawalan kayo nang
energy pag nagsayaw tayo ng cotillion.
Glaze: KJ naman!
Pia: Ako KJ?! Imposibleee.
Joaquin: Sige nga, mag boduts ka diyan (Tinuro ang dancefloor)
Pia: Ayoko nga!
Joaquin: Edi KJ ka.
Pia: Halika na kayong dalawa, nand'un yung mga kaibigan natin.

Sumunod ang dalawa kay Pia papalapit sa tatlo nilang kaibigan. Ngayon, nahanap na niya ang
limang kaibigan, dalawa nalang ang kulang.
Pia: Okay okay. Glaze, nakita mo ba si Jeliane at Clarisse?
Glaze: (Umiling)
Biglang may tumunog sa phone ni Pia. Notification iyon ng gc nila dahil nag chat si Clarisse.

Pia: Nasa music operator daw si Clarisse. Sinamahan niya si Jeliane ibigay yung minus one na
kakantahin mamaya.
Nathalia: Ay wow, may pa-singing number si Jeliane.
Pia: Guys, pupuntahan ko yung dalawa, dito lang kayo.
All: Okaaaay!

Nakarating si Pia kung nasaan sila Clarisse at Jeliane. Agad naman niya itong inaya papunta sa
mga kaibigan dahil malapit ng magsimula ang party. Nagpunta na silang lahat sa bakanteng
table, siyempre with chair, na nakalaan bawat year level. At dahil magkakaklase naman silang
magkakaibigan, sama-sama na sila sa iisang table.
Nagsimula na nga ang program. May opening prayer, nagbigay ng speech ang principal, at
kung ano-ano pang pangyayari na talagang nagpa-bored sa mga estudyante. Hindi nagtagal,
nag simula na ang "totoong" party. May tumugtog na banda sa stage, at mga estudyante din ito
ng school.
Jeliane: Gosh, I'm so kinakabahan, ako na yung susunod na magpe-perform diyan.
Glaze: Kaya mo 'yan Jil.
Clarisse: Galingan mo Jil, para sa mga anak mo.
Jeliane: Gaga, wala pa akong anak!

Nagtawanan ang lahat dahil sa kulitan ng dalawa.

Jeliane: Pupunta na ako sa backstage para makapag-ready na.


Joaqin: Okaay, galingan mo hah!
Elijah: Break a leg Jil!
Jeliane: Thanks guys. Sibat na ako.
All: Byeee!

Saktong kakatapos lang magperform ng banda sa stage nang dumating si Jeliane.

"Now, let's give it up for Jeliane Fajardo!" Sambit ng emcee.

Nagsigawan ng malakas ang magkakaibigan para kay Jeliane. Nagpalakpakan naman ang mga
teachers and students para sa kaniya.
*Jeliane singing Tango by ABIR
Namangha ang lahat matapos ang performance ni Jeliane.
Jeliane: Thank you po! (Magalak niyang sabi at umalis na sa stage)
Bumalik kaagad sa mga kaibigan si Jeliane na ngiting panalo matapos ang kaniyang
performance.

Nea: WOOOO JELIANE ANG GALING MO!!


Jeliane: Ano ba Nea, matagal na akong magaling (Proud niyang sambit)
Clarisse: Ay ang hangin.
Jeliane: (Pinalo sa braso ang kaibigan)

Makalipas ang ilang minuto, oras na para sa dinner. Hinatidan na sila ng waiter ng pagkain.
Napansin ni Elijah na madalas siyang balingan ng tingin ng waiter na para bang may kakaiba
rito.

Elijah: Nat, tignan mo yung waiter, obsessed ata sakin. (Bulong niya sa kaibigan)
Nathalia: Baka na-amaze lang sa itsura mo. Pati nga yung mga ibang babae mababali na ata
ang leeg kakatingin sayo.
Elijah: Grabe ka naman, pero true.
Nathalia: Just don't mind it, ikain mo nalang 'yan.

Masayang kumakain ang lahat ng dinner, nagtatawanan, nagkukwentuhan, nag-aasaran. At


nang matapos, nagpunta ang magkakaibigan sa photobooth para magpa-picture. Pose diyan,
pose dito. Natigilan nalang sila ng may biglang may nagsalita.

"Students, it's time for your cotillion dance." Pag a-anounce ng emcee.
Nagmamadaling pumunta sa dancefloor ang mga estudyante. Hindi nila alam kung sino ang
isa't isa dahil sa suot na mask. Ang rules para sa cotillion nila ay kapag may lumapit sayo at
inaya ka para maging partner, bawal tumanggi dito.
Pia: Guys, maghahanap na ako ng jowa ko. Choz. Goodluck sa inyo!
Joaquin: Ako din, maghahanap na. Bye!

Naghanap na ng sari-sariling partner ang magkakaibigan. Habang naghahanap si Pia ng


kaniyang makaka-partner, may nakita siyang lalaki na papalapit sa kaniya.
"Miss, may I be your partner?"
Dahil bawal tumanggi, tinanggap ni Pia ang alok nito.
"Students, be ready, we'll start in few minutes" Sabi ng emcee.
Pumunta na si Pia at ang kaniyang partner sa linya. Walang umiimik sa kanilang dalawa kaya
naglakas loob magsimula ng usapan si Pia.

Pia: So, bakit ako yung inaya mo?


"I saw you coming in sa entrance kanina and believe me, you look so cooool. By the way, I'm
Cloud."

Pia: As in ulap?
Cloud: Yep.
Pia: I'm Pia, nice to meet you!
Cloud: Nice to meet you too! (Nag-shake hands sila)

Nag dim ang mga ilaw, hudyat na magsisimula na ang sayaw. Naglapit sa isa't isa ang magka-
partner. Sabay tumugtog ang The Blue Danube Waltz by Johann Strauss II. Lakad sa kaliwa,
lakad sa kanan. Ikot doon, ikot dito. Going smooth ang pag sayaw nilang lahat, nang biglang—

*BOOOGSH

Isang pagsabog na malakas ang narinig nila, kasabay n'un ang biglang pag patay ng mga ilaw.
Nagsigawan ang iba sa mga estudyante dahil sa gulat at takot na nadarama. Nagkagulo ang
lahat, may nagpa-panic at umiiyak.

"Everybody calm down" Pagsigaw ng Principal.


Natigilan ang lahat dahil sa sinabi ng Principal.
"Students, please remain calm. We have a backup generator and the staffs are already workin'
on it, hopefully the electri—
Hindi natapos ang sasabahin ng principal, narinig nalamang ng lahat na may isang kalabog na
nangyari.
"Ano 'yon?”
"Ma'am, ayos lang po kayo?"

Walang sumagot sa tanong ng mga estudyante.


Pia: Cloud, do you have your phone with you?
Cloud: Wala, nasa table namin. Why?
Pia: Ang dilim, kahit ikaw hindi ko makita.
Cloud: Wait, I'm wearing a smartwatch and may flashlight 'to.
Pia: Please turn it on.
Cloud: Okay.

Binuksan ni Cloud ang flashlight mula sa smartwatch niya at kaagad na inaya si Pia sa table
nito para hanapin ang kaniyang phone. Papunta na silang dalawa sa table nang may narinig si
Pia na pamilyar na boses.
"LET GO OF ME!"
Naalarma ang lahat dahil pagsigaw na narinig. Hindi nila alam kung saang gawi ito nanggaling.
"SINO KA BA! BAKIT MO AKO SINAMPAL?!"
Pia: Wait, parang boses 'yun ni Elijah. (Pabulong niyang sabi)

Nagkagulo ulit ang mga estudyante at sinubukang lumabas ng gym. Nang bubuksan na nila ang
pintuan, ayaw nito matulak at doon palang napansin na naka kandado ito mula sa labas.

"Oh gosh, we're doomed."


"This is the worst prom ever."
Kung ano-ano pang komento ang narinig ni Pia mula sa mga estudyante.
"SAAN MO BA AKO DADALHIN!?"
Naalarma ang lahat mula sa sigaw na narinig.
"TUMAHIMIK KA NGA" Sigaw ng isang lalaki na parang siga.
Sa wakas, nagbukas na rin ang mga ilaw. Nakita ng mga estudyante na walang malay ang
principal at mga teacher. Nagulat ang lahat, ni-walang makapagsalita. Napabaling ang atensyon
nilang lahat sa may sumigaw.

"SINO KA BA?!"
"ELIJAH!" Sambit ng magkakaibigan.
"TAHIMIK!" Sigaw ng waiter.
Lumapit ang magkakaibigan kay Elijah.
"ISA NIYO PANG HAKBANG, MAPUPURUHAN KAYO!" Pananakot ng waiter.
Napatigil sa pag takbo ang magkakaibigan. Maya-maya, may nakita silang papalapit na guard.
Guard: Boss, eto yung mukha nung hinahanap natin.
Narinig ni Pia na pagkakasabi nang Guard. Tinignan naman nang waiter ang picture na inabot
nito. Agad tinanggal ni Elijah ang mask sa mukha niya.
"ANO KAMUKHA KO BA 'YAN HAH?!" Sigaw niya sa waiter.
"IMPOSTOR!" Sabay bitaw ng waiter kay Elijah.
Biglang nagpaputok ito ng baril sa kisame. Napayuko ang lahat dahil sa ginawa ng waiter.
Sinenyasan naman ni Pia si Cloud na tumawag sa pulis.
Pia: Elijah, punta ka dito bilis! (Pag-aaya niya sa kaibigan)
Pumunta si Elijah kay Pia. Mabilis silang kumaripas ng takbo kung nasaan si Cloud ng hindi
napapansin ng guard at waiter. Sa kabilang banda, may lumabas na tatlong janitor sa staff room
at lumapit sa guard. Halatang kasamahan din ang mga ito.
"KUNIN NIYO ANG MGA CELLPHONE NG MGA BATANG 'YAN!" Pag-uutos ng waiter sa mga
tauhan niya.

Walang magawa ang mga estudyante kundi ibigay ang kanilang mga cellphone. Kinolekta isa-
isa ng tauhan nang waiter ang mga cellphone.
Pia: Cloud nakahingi ka na ng tulong sa mga pulis 'di ba?
Cloud: Yes, but I don't know when they will come.
Elijah: Wait lang, parang pamilyar ka sa'kin.
Cloud: Me?
Elijah: Pwedeng tanggalin mo yung mask mo?
Cloud: (Tinanggal ang kaniyang mask)
Elijah: P-pia, s-siya 'yun (Turo niya kay Cloud)
Pia: Anong siya?
Elijah: S-siya 'yung nasa picture nu'ng waiter.
Pia: ANO?! (Gulat niyang sabi)
Cloud: W-what?
"HOY HOY, ANONG INGAY 'YAN?" Tanong ng isang janitor.
Pia: A-ANO...N-NANDITO SI....
Napatingin si Pia kay Cloud.
"SINO?" Sigaw pabalik ng janitor
Pia: A-ANO...N-NANDITO SI....J-JERRY! (Sigaw niya)
"SINONG JERRY?" Sigaw ulit ng janitor.
Pia: Y-YUNG D-DAGAAA... M-MAY DAGAAAAA!
Napasigaw, nagkakagulo, at nagpanic ang lahat nang dahil sa daga. Kinuha naman itong
pagkakataon ni Pia, Eli at Cloud para makapagtago sa ilalim ng table.
Cloud: Akala ko ituturo mo na ako.
Pia: Buti nalang nakaisip ako ng paraan.
Elijah: Napagkamalan pa ako na ikaw. Pero kilala mo ba kung sino yung mga 'yun?
Cloud: I'm sure that, mga tauhan 'yan ng kalaban namin sa negosyo.
Elijah: Ki-kidnappin ka ganon? Tapos hihingi ng ransom para maligtas ka?
Cloud: Who knows? (Nagkibit-balikat)

"TAHIMIK!" Sigaw ng guard.


Biglang huminto ang kaguluhan sa loob ng gymnasium.
"UMUPO KAYO SA LAPAG!" Sigaw ng janitor.
Sinunod ng mga estudyante ang utos nito. Nilapitan naman ng waiter ang guard para kausapin.
Waiter: Bilisan niyong hanapin ang lalaking nasa picture at baka nakatunog na ang mga pulis.
Guard: Sige boss.

"TANGGALIN NIYO NA ANG MGA MASKARA NIYO!" Sigaw ng guard.


Tinanggal ng mga estudyante ang maskara nila. Isa-isa silang nilapitan ng mga tauhan ng
waiter para tignan kung sino ang magtutugma sa picture na mayroon sila.
Guard: Boss, walang kamukha yung nasa picture.
Waiter: Meron yan, i-double check mo.
Janitor 1: Boss, may nawawalang tatlong estudyante.
Waiter: ANO!?
Janitor 2: Tatlong daan yung estudyante 'di ba boss? Dalawang daan at siyam na pu't pito lang
nabilang ko.
Waiter: Ano pang iniintay niyo? HANAPIN NIY—

Nakarinig ng malakas na pagbasag si Pia, Eli at Cloud mula sa labas ng kanilang


pinagtataguan.
"BILISAN NIYO, TUMAKAS NA KAYO!"
Pia: W-wait, boses 'yun ni Jeliane 'di ba?
Elijah: Oo ata. Teka sisilipin ko....SIYA NGA!

"PIA, ELIJAH NASAAN KAYO!?"


Elijah: Si Joaquin hinahanap tayo!
Pia: Tara, labas na tayo. Cloud, huwag mong aalisin 'yang mask mo.
Cloud: Copy boss.

Lumabas ang tatlo sa pinagtataguan nilang table. Agad namang nakita ni Joaquin ang
dalawang kaibigan.

Joaquin: Sa ilalim lang kayo ng table nagtatago the whole time!?


Pia: Oo, bilis tumakas na tayo!

"AYAW MABUKSAN NANG PINTO!" Sigaw ng isang estudyante.


Pia: Yung baril, gamitin niyo!
Cloud: Ako na ang kukuha.

Pumunta si Cloud kung nasaan ang guard at mga kasamahan nito. Agad niyang kinuha ang
baril sa tabi ng waiter at tumakbo pabalik sa entrance.

Cloud: STAND BACK! (Sabay ikinasa ang baril)


*BANG....BANG....BANG
Nagbukas ang pintuan at parang ibon na nakawala sa hawla ang mga estudyante. Lalabas na
sana si Cloud ng gym ngunit pinigilan siya ni Pia.
Pia: Cloud, itali muna natin yung kamay nung waiter at mga tauhan niya para hindi makawala.
Cloud: Right!

Habang itinatali ng dalawa ang kamay ng mga nanira ng kanilang Prom, may narinig silang mga
yapak papalapit sa kanila. Hindi na nagtaka si Pia kung sino ang mga ito.
Nea: Thank goodness, ligtas ka! (Sabay yakap dito)
Jeliane: Group hug!

Lumapit ang magkakaibigan kay Pia at mahigpit na niyakap ito. Unang kumalas sa yakap si
Elijah at ibinaling ang tingin kay Cloud.
Elijah: Hoy Cloud, dinaig mo pa si Cardo ah.
Cloud: (Mahinang napatawa)
Nathalia: Sino siya? (Turo niya kay Cloud)
Cloud: I'm Cloud, ako yung hinahanap nila. (Pagtukoy niya sa waiter at mga tauhan nito)
"NASAAN ANG MGA SUSPECT?"
Napatingin sila sa nagsalita. Sa wakas ay may dumating na ding mga Pulis. Guminhawa na ang
pakiramdam ng lahat dahil nandiyan na ang tulong.
Pia: Ayun ho sa stage, tinalian na namin para hindi makawala.
"O sige, magsiuwian muna kayo. Pupunta nalang kami sa pamamahay niyo para hingan kayo
ng statement tungkol sa nangyari." Saad ng pulis.
Lumabas na silang lahat sa gym. Habang naglalakad, biglang nagsalita si Pia.
Pia: Paano nawalan ng malay yu’ng mga 'yon?
Joaquin: Pinalo namin ng wine bottle at flower vase.
Glaze: Nung nakatalikod sila, we took that advantage para mag plano.
Jeliane: Then, naisip namin na paluin sila ng wine bottle at flower vase.
Clarisse: Edi ayun, boom bagsak!
Pia: Ayos!

THE END….

By: Sophia Ysabelle M. Uroa Pagtataya Week 7 Q2


G-9 Einstein

You might also like