You are on page 1of 11

Ang Mahiwagang Paa ni Jenny

Isinulat ni: Renelyn R. Lopez


Tik, tak! Tik, tak!
Malakas ang tunog ng alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng
lamesita sa kwarto ni Jenny. Pilit niyang idinilat ang mga mata sabay ng
pag-unat ng mga braso. Marahan niyang nilinga ang alarm clock.
Nakarehistro ang 2:30 sa mukha ng orasan, hudyat na kailangan na niyang
bumangon at maghanda para sa dadaluhang malaking aktibidad.
Maliksi ang mga naging pagkilos ni Jenny. Matapos kumain ng agahan
at makaligo, sabik na isinuot niya ang t-shirt na pinagawa pa nilang mga
magkakaklase para sa espesyal na araw na iyon.

Sino ang tauhan na nabanggit?


Anong katangian ang ipinapakita niya?
Matapos ang paghahanda, may ngiti sa labi na lumabas ng bahay si Jenny at
nagtungo sa Kadiwa Park na lugar tagpuan ng mga kalahok para sa Alay Lakad.
Nangiti pa siya nang makita ang mga estatwa ng hayop na naroon at ang
maliliwanag na ilaw na animo mga kutitap sa liwanag at ganda. Naalala niya
ang huling punta niya rito kasama ang kapatid. Namasyal sila at talagang
natuwa sa mga bagay na nakita roon.
“Jenny!” malakas na tawag ni Pidi sa kanyang kamag-aral mula sa ikaanim
na baitang.
Naudlot ang pagbabalik tanaw niya sa paboritong pasyalan nilang
magkapatid.
“O, Pidi nandito ka na rin pala. Ang dami na agad tao dito.” Masiglang bati ni
Jenny.
“Halika, magparehistro muna tayo bago pumunta sa pila natin.” Anyaya ni
Pidi.
Isinama ang dalawa ng kanilang guro sa Alay Lakad kasama ang iba pa nilang
kamag-aral.
“Halika, doon tayo sa ating mga kasama. Naroon na rin sina Alex, Ana at
Isay,” saad ni Pidi.
Nakita ng magkaibigan na kumakaway na ang kanilang mga kasama sa kanila
habang nakapila.
“Hi! Handa na ba kayo?” Pagbati ni Jenny sa mga kamag-aral.
“Syempre naman. Masaya ‘to!” sabay-sabay na masiglang tugon ng tatlo.
Saan nagtungo si Jenny? SA KADIWA PARK

Bakit siya doon nagpunta?PARA SA ALAY LAKAD

Ilarawan ang lugar tagpuan ng mga kalahok sa


pagdiriwang.MAIILAW AT MARAMING TAO

Anong ugali ang ipinamamalas ng mga mag-aaral? PAGIGING


PAGSUNOD SA TRADISYON
“Magsisimula na ang parada, pumila na kayong lahat,” paalala ni Gng.
Tolentino sa mga mag-aaral.
“Nakapagparehistro ba kayo ng inyong mga pangalan?’ tanong ng guro.
“Opo!” sabay-sabay na tugon ng lahat.
Eksaktong 4:00 ng umaga, nagsimula ang parada. Kanya-kanyang bitbit ng
tarpaulin ang bawat paaralan, barangay at iba pang grupo.
Hindi alintana ng lahat ang pagod at layo ng nilalakad dahil sa saya na hatid
ng pakikiisa nila sa aktibidad.
“Pagod ka na ba Jenny? Kaya mo pa ba?” usisa ni Pidi.
“Ay naku hindi. Ang saya nga eh! Tingnan mo sina lolo’t lola, hindi nga sila
napapagod kahit may edad na, ako pa kaya. Eh ikaw ba?” tanong niya kay Pidi.
“Gusto ko ang ginagawa natin, magandang ehersisyo ang paglalakad,” sagot
nito.
“Tama ka Pidi,” saad ng kanilang guro. “Hindi lamang ehersisyo ang hatid sa
atin ng Alay Lakad, malaking tulong din ito para sa mga kabataan sa lungsod ng
Dasmariñas.”
“Paano po tayo nakatutulong sa kanila?” usisa naman ni Jenny.
“Ang pondo kasi na nalilikom dito ay pinakikinabangan ng mga kabataang
nasa pangangalaga ng pamahalaan dahil sa pagkawalay sa pamilya o yaong
mga nangangailangan ng pangangalaga at malasakit. Malaking tulong para sa
kanila ang pondo na sama-sama nating nilikom,” saad ng guro.
“Aba! Ganoon pala! Malaking tulong pala para sa ibang tao ang ginawa
natin sa kanila,” saad ni Jenny.
Ano ang hatid ng Alay-Lakad sa mga kalahok nito?EHERSISYO

Paano nakatutulong ito sa mga kabataan?KASIYAHAN


Nagkaroon ng maiksing palatuntunan matapos marating ng mga kalahok ang
lugar na pagdarausan nito.
Tuwang-tuwa si Jenny na makita ang mga bata na benepisyaryo ng pondo mula
sa Alay Lakad. Lahat sila ay malalaki ang mga ngiti sa mukha dahil sa dami ng mga
taong may malasakit at handang tumulong sa kanila. Nakipagkamay pa ang isa sa
mga ito kay Jenny na malugod naman niyang tinanggap sabay ng pasasalamat nito
sa kanya.
Napagtanto ni Jenny na sa simpleng paraan ay makatutulong siya sa mga batang
kapus-palad sa pamamagitan ng pakikiisa sa Alay Lakad.
“Mahiwaga pala ang nagagawa ng mga paa ko,” masayang saad ni Jenny sa sarili
habang kumakaway ng pagbati sa iba pang mga kabataan.
Ano ang napagtanto ni Jenny?SA SIMPLENG PARAAN AY MAKAKATULONG
SIYA SA MGA BATANG KAPUSPALAD SA PAMAMAGITAN NG PAKIKIISA SA ALAY
LAKAD

Bakit niya nasabing mahiwaga ang kanyang mga paa?KASI MARAMI


KANG MATUTULUNGAN

Sa paanong paraan mo magagawang mahiwaga ang iyong mga paa?SA


PAGTULONG SA NANGANGAILANGAN

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na dumalo sa ganitong programa,


sasama ka ba? Bakit?OPO KASI MASAYA AT MAY ARAL NA MAPUPULOT

You might also like