You are on page 1of 2

Cor Jesu College

Basic Education Department


Sacred Heart Avenue, Digos City

Pagsusuring Pagsusulat

“Ako ba ang may Kasalanan?”

Ipinasa ni:
Benz Angelloyd Bajao
Grade 11 – ABM A (St. Stephen)

Ipinasa kay:
G. Sunny Pajo
Guro sa Filipino 2

Nobyembre 22, 2017


Miyerkules
“AKO BA ANG MAY KASALANAN?”
Ang kwentong “Ako ba ang may Kasalanan?” ay tungkol sa isang
babae na si Dan na palaging inaapi ng mga mapang-api kahit wala naman siyang
ginawang masama. Pati sa kanilang bahay, inabuso siya at ang kanyang kapatid ng
kanilang ama, at muntik na silang gahasain. Dahil sa pag-aabuso sa kanila ay
napatay ni Dan ang kanilang ama. Nakita ng kanilang ina ang kanyang patay na
asawa. Ang pagkakaalam ng ina na pinatay ni Dan ang kanyang asawa na walang
dahilan kaya pinalayas niya si Dan. Maraming nagtukso sa kaniya na siya ay isang
mamamatay sa kanyang paglalakbay sa baluktot na landas. Sakit, lungkot, at hirap
na ang kanyang buhay. Hanggang sa hindi na niya kaya at nagpapakamatay siya.
Ang buhay ni Dan ay nagpapakita na matinding hirap at sakit na buhay.
Parang kasalanan niya ang lahat dahil palagi siya ang kawawa sa mga eksena sa
dula. Kahit kaarawan niya, sinadyang hulugin ng mga bastos na mga tao ang
sorpresa ng mga kaibigan ni Dan na keyk. Kahit lumalakad lang siya sa kalye,
kinuha ang kanyang bag na walang pahintulot at binasa siya ng tubig.
Marami ng mga masamang bagay na nangyari sa kaniyang buhay. Mga
bagay na ang sakit tandaan. Ang akala niyang madali lang mabuhay, pero unti-unti
pala siyang nasisira. Ang akala niyang walang hanggang masaya na pamilya, pero
unti-unting paglungkot at pagkasira ng kanilang pamilya.
Emosyonal ang kwentong ito dahil sa kalungkutang naranas ni Dan. Kung
ang buhay ko ay parehas sa naranasan ni Dan, ang pakiramdam ko sa buhay ko
niyan ay walang buhay, hindi ko maramdaman na buhay ako. Pero ako parin ay
susubok ng mabuhay. Maniwalang kaya kong harapin at lagpasan ang lahat ng
kasakit sa buhay. Maniwala ako na ang bawat pagpilit ko sa aking katawan tuwing
umaga ay may saysay, manatiling kalmado dahil may dahilan kung bakit pa ako
nabubuhay.

Nakakapagod talaga ang mapagod, napakasakit ng masaktan, at mahirap


ang maging mahirap, kaya ang dapat ay hindi sukuan ang ating sarili. Oo mahirap
ang mawalan ng pag-asang mangarap, inspirasyon lang ang kulang ni Dan. May
natutunan akong leksyon na pwedeng magamit sa pang araw-araw na pamumuhay.
Iyon ay ang pagsigurado na tikman muna ang mga salita at susuriin ang mga aksyon
mo bago ihatid sa ibang tao, malay mo, napakahirap na ang naranas ng buhay
niyan.

Naaliw, nadala, at nahanga ako sa presentasyon ito kasi napakagaling lahat.


Makikita mo na nagsikap talaga sila para sa kanilang presentasyon gaya sa mga
props nila na mahusay pagkagawa, mga kasuotang handang-handa, likurang
musika, at ang pagkilos nila ay may emosyon talaga. Sila ay nagpapakita na tayong
mga kabataan ay masining na indibidwal.

You might also like