You are on page 1of 2

Panuto: Isulat sa patlang ang titik S kung ang may salungguhit ay tumutukoy ng sanhi.

Isulat ang titik B kung ito ay tumutukoy ng bunga.

_____1. Hindi naplantsa ni Janet ang kanyang uniporme dahil nawalan sila ng
kuryente.
_____2. Tulog ang sanggol kaya huwag kayong maingay.
_____3. Pagka’t malakas ang sikat ng araw, agad natuyo ang mga damit sa
sampayan.
_____4. Dahil nakalimutan ni Roselle ang kanyang I.D., bumalik siya sa bahay.
_____5. Sapagka’t nagmamadali siyang lumabas ng bahay, hindi nakapagsuklay si
Carla.
_____6. Pumutok ang gulong ng bisikleta ni Justin kaya napatigil siya sa daan.
_____7. Naunawaan ni Gabby ang aralin kung kaya’t tama lahat ang sagot niya sa
pagsasanay.
_____8. Hindi pumasok sa opisina si Manuel pagka’t mataas ang kanyang lagnat.
_____9. Dahil basa ang sahig, nadulas at nasaktan ang isang mag-aaral.
_____10. Nakalabas ang tuta kasi naiwan na nakabukas ang gate.

Panuto: Pagtambalin ang sanhi sa kaliwa sa angkop na bunga sa kanan. Isulat ang
titik ng tamang bunga sa patlang ng sanhi.

____ 1. Napakainit ng panahon. A. Mababa ang nakuha niyang marka sa


pagsusulit.
____ 2. May sirang ngipin si Tomas.

____ 3. Hindi kumain ng tanghalian B. Pinayagan siyang maglaro sa labas ng


bahay.
si Michael.

____ 4. Hindi nag-aral si Danny. C. Pumunta siya sa dentista

____ 5. Tinapos ni Ramon ang


D. Madali naming natapos ang gawain.
kanyang mga takdang aralin.
E. Gutom na gutom siya.
____ 6. Puno ng mga pasahero

ang mga dyip. F. Sumakay na lang kami sa traysikel


Pauwi.
____ 7. Nagtutulungan kami.

G. Binuksan namin ang aircon.


Panuto: Basahin ang mga balita at sagutan ang mga katanungan sa bawat bilang.
Rubrics: 2 puntos - nakuha ang eksaktong sagot
1 puntos - sinubukan ngunit malayo ang sagot

Ang Quiapo ay matatagpuan sa Maynila, ito ay tinatawag nilang downtown


noong mga nakaraang panahon na hindi pa uso ang mga mall. Maraming lugar dito
ang mabibilhan ng iba‟t-ibang paninda tulad ng mga damit, sapatos at kasangkapan.
Dito rin matatagpuan ang simbahan ng Quiapo na lalong nagpatanyag sa pook na
ito.

Masayang ipinagdiriwang ang pista ng Quiapo tuwing ika-9 ng Enero. Sa


nakakarami, ang araw na ito ay araw ng pasasalamat at pagdarasal.

Libu-libong tao ang sumasama sa prusisyon. Karamihan ay mga lalaki na pawang


deboto ng Poong Nazareno na kilala sa tawag na Nazareno.

Dinudumog ng mga deboto ang imahen. Karaniwan nilang ipinapahid ang


kanilang mga panyo sa katawan nito. Upang maiwasang mahulog ang mga nasa
unahan ng karo dalawang mahahabang lubid ang ipinaiikot sa karosa. Walang
sinuman ang pinahihintulutang lumampas sa lubid. Tinatahak ng prusisyon ang mga
lansangan ng Quiapo.

Ngayon sagutin mo ang mga sumusunod na pangungusap.

1. Kailan ang pista ng Quiapo?


__________________________________________________________________________________
2. Ano ang tawag sa Quiapo?
__________________________________________________________________________________
3. Ano ang turing ng karamihan sa pista ng Quiapo?
__________________________________________________________________________________
4. Sino ang patron ng Quiapo?
__________________________________________________________________________________

You might also like