You are on page 1of 1

MISSION

VISION MABINI COLLEGES aims to provide quality instruction, research


and extension service programs at all educational levels as its
“MABINI COLLEGES, Inc. shall cultivate a monumental contribution to national and global growth and
development.
CULTURE OF EXCELLENCE in education”
Specifically, it transforms students into: God – fearing, Nation
Loving, Earth-Caring;, Law-Abiding;, Productive; and, Locally and
Globally competitive persons.

DALUBHASAANG MABINI
Daet, Camarines Norte

GEC11- Panitikan ng Pilipinas


Urbana at Felisa (Repleksyong Papel)

Ang pagsusulatan ng dalawang binibini na sina Urbana at Feliza ay kapupulutan ng mga mabubuti’t
magagandang asal na kaipuhan sa pakikipagkapwa tao ng mga matatanda lalo’t na sa mga kabataan, dalaga’t
mga binata. Sa pamamagitan nang pagpapalitan ng mga sulat ay inilalarawan ng dalawang magkapatid ang iba’t
ibang aspeto ng pamumuhay ng may magandang pag-aasal, mabuting pag-uugali na nararapat gawin sa araw-
araw na pamumuhay gaya na lamang ng pagbibigay pugay, pasasalamat at pagdadasal sa Panginoon,
pagbibigay respeto sa nakatatanda, pagiging mapagkumbaba, kalinisan sa katawan lalo’t na ang mga
kadalagahan, mga payo sa pag-aasawa, pakikipagkapwa tao, aral at payo sa kalasingan at marami pang iba. Ang
Urbana at Felisa ay malaki ang ganing impluwensya at papel sa buhay ng mga Pilipino. Nang mabasa ako ang
nobelang ito’y para na lamang din akong namuhay noong mga panahong iyon sa kadahilanang ang lahat ng mga
turo at asal na nilalaman ng aklat na ito’y mababatid at mapapansin hanggang sa panahon ngayon at ito’y isang
malaking patunay din na pinahalagahan at isinapuso ng mga Pilipino ang mga mabubuting asal gaya ng mga ito.
Kung tutuusin, ang mga gintong aral gaya ng mga napapaloob sa nobelang ito ay dapat ugaliin at
pagyamanin upang sa ganoo’y hindi lamang sa mga nakaraang araw at sa iba pang mga babasahin makikita ang
mga magagandang asal gaya na lamang sa aklat na ito. Bagamat ang nobelang Urbana at Felisa ay hango
lamang sa hubad na katotohan, masasalamin at makikita pa rin dito ang mga mabubuting asal na binigyang
halaga ng mga tao noong panahong iyon. Ngunit nakakalungkot isipin na ilan na lamang sa mga aral na ito ang
patuloy na ginagawa ng mga kabataan. Dahil kung ating bibigyang pansin ang kasalukuyan sa panahong ito,
ang mga tao sa ating lipunan kasama na ang mga kabataan ay kinapapalooban na tayo ng mga bagong pag-
uugali, pakikisama at pakikipagkapwa tao sa iba. Maraming nabago at tuluyan nang tinalikuran ang mga
ganitong mabubuting asal at napaltan ng bagong kabihasnan o gawain ng mga kabataan sa kasalukuyan.
Nagsimula nang magbago ang mga dating mbubuting asal ng mga kabataan at mapapansin na sa ating
kasalukuyan henerasyon ang mga kahindik-hindik at hindi kanais-nais na asal na ikinikilos ng mga kabataan.
Dahil na lamang siguro sa globalisasyon, pag-unlad at impluwensya ng ibang mga lahi kung kaya’t tuluyan
nang naglalaho na parang mga bula ang dating mga nakagawiang mabubuting asal.
Ngunit maari pa rin nating maibalik at bigyang halagang muli ang mga aral at wastong pag-uugali na
nakapaloob sa nobelang ito dahil dito nakilala ang ating kultura at bumuo sa ating pagkatao. Ito rin ang
pagkakakilanlan sa bansang Pilipinas. Kaya kahit na sabihin nating hindi na akma sa panahon ngayon ang mga
aral at payo ni Urbana kay Feliza gawa ng modernisasyon, dapat marunong pa rin tayong lumingon sa ating
mga nakagawian at nakabihasnang dahil sabi nga nila “Ang hindi lumingon sa pinagnggalingan ay ‘di
makakarating sa paroroonan”. Ang pagbabasa at pagbabalik-tanaw sa nobelang ito’y maaring makatulong sa iba
pang mga kabataan upang muling maibalik ang dating ating nakasanyan.

You might also like