You are on page 1of 3

UNIVERSITY OF BOHOL

Maria Clara Street, Tagbilaran City, Bohol

Graduate School and Professional Studies


Summer Classes
School Year 2018-2019

PhD Filipino Student: STANLEY O. RASONABE


Professor: DR. ISABELITA C. BULALA
Subject: PHD FIL 303- WIKA AT KULTURA

Ang Multiculturalism- ayon kay Harrison(1984), ito ay isang teorya tungkol


sa pundasyon ng isang kultura kaysa sa paniniwalang ideyang kultural lang. Sa
pangkalahatan, ang termino ay kadalasang ginagamit sa paglalarawan ng isang
lipunan na mayroong natatanging grupong kultural resulta sa imigrasyon.

Ang multiculturalism ay isa ring sistematiko at komprehensibong tugon sa


kultural at etnikong dibersidad mula sa edukasyon, lengguwahe, ekonomik, at sosyal na
salik.

Ang Edukasyong Multicultural

Ayon kay Banks at Banks (1995), binigyang kahulugan nila na ang multicultural
na edukasyon ay isang sangay ng pag-aaral at nagiging isang bagong disiplina kung
saan ang pangunahing layunin ay lumikha nang pantay na oportunidad sa edukasyon
mula sa magkakaibang lahi, pangkat-etniko, sosyal na pangkat, at ibang grupong
kultural.

Ayon kay James banks (2001), ang primaryang layunin ng edukasyong


multicultural ay baguhin ang paaralan upang ang mga lalaki at babaeng estudyante,
naiibang estudyante mula sa magkakaibang kultura, sosyal na pangkat, lipi, at pangkat
etniko.

Isa sa mga pinakamahalagang layunin nito ay tumulong sa mga mag-aaral na


magkaroon ng karunungan, tamang pag-uugali, at kasanayan na kailangan upang
makapagsagawa nang mahusay sa isang malayang pamayanan at makipagsalamuha
at makipagkomunikasyon sa mga magkakaibang pangkat upang makabuo ng sibiko at
moral na komunidad para sa panlahat na kapakinabangan.

Isa pang mahalagang layunin ng edukasyon ay tulungan ang mga estudyante


makakuha ng kaalaman at katapatan na kailangan upang makabuo ng replektibong
desisyon at gagawa ng sosyal at sibikong aksiyon upang palaganapin ang demokrasya
at demokratikong pamumuhay.

1|Page
Isang kaugnay na layunin ng multicultural na edukasyon ay tulungan ang lahat
ng mga estudyante na makabuo ng isang positibong pag-uugali tungo sa
magkakaibang lahi, etniko, kultural at relihiyong grupo. Isang pamamaraan upang
makamit ito ay baguhin ang kurikulum sa pamamagitan ng pagsasali ng mga grupong
ito. Si James banks ay nagsasabing may apat na pagdulog upang makamit ito.

1. Contributions na Pagdulog- Ang mga bayaning etniko at holidays ay isinama


sa kurikulum.

2. Additive na Pagdulog- Isang yunit o kurso sa isinanib. Halimbawa: isang


yunit ng mga kababaihan sa kasaysayan pero hindi malaki ang binago sa kurikulum.

3. Transformation na Pagdulog-ang buong kalikasan ng kurikulum ay binago.


Ang mga estudyante at tinuruan na tingnan ang mga pangyayari at mga isyu mula sa
mga magkakaibang etniko at kultural na pananaw.

4. Social Action na Pagdulog- Ito ay lampas pa sa transformation na pagdulog.


Ang mga estudyante ay hindi lamang natuto na tingnan ang mga isyu sa ibat-ibang
perspektiba kundi ay direktang kasali sa paglutas ng mga suliranin.

Lebel 4: Social
Action

Lebel 3:
Transformation

Lebel 2: Additive

Lebel 1:
Contributions

2|Page
Mga Dimensiyon ng Edukasyong Multicultural

Ayon kay Banks (1997) may limang dimensiyon ang edukasyong multicultural:

1. Content Integration. Ito ay sumasaklaw sa ginamit ng guro tulad ng mga


halimbawa at nilalaman mula sa magkakaibang kultura at pangkat upang maipakita ang
mga pangunahing konsepto, kabuuan, at mga isyu na kinapapalooban ng disiplina o
larangan.

2. Knowledge Construction Process. Ito ay naglalarawan kung paano tumulong ang


guro sa mga estudyante upang maintindihan, magsaliksik, at matukoy kung paano ang
kinikilingan, reperensiya, at mga pananaw sa loob ng disiplina nakakaimpluwensiya sa
pamamaraan sa pagbuo ng karunungan. Ang mga estudyante ay nakakabuo rin ng
kaalaman sa kanilang sarili sa dimensiyong ito.

3. Prejudice Reduction. Ito ay naglalarawan ng mga leksiyon at Gawain na ginamit ng


guro upang tulungan ang mga estudyante na mahulma ang positibong pag-uugali tungo
sa mga magkakaibang lahi, etniko, at grupong kultural.

4. Equity Pedagogy. It ay nabuo kung ang guro ay bumago sa kanilang paraan ng


pagtuturo na siyang makatutulong sa akademikong pag-unlad ng mga estudyante mula
sa magkakaibang lahi, kultural, at sosyal na pangkat.

5. Empowering School Culture and Social Structure. Ang dimensiyong ito ay nabuo
nan gang kultura at organisasyon ng paaralan ay nagbabago sa pamamaraan na
siyang makatulong sa mga estudyante upang makaranas ng pagkapantay-pantay ng
magkakaibang lahi, etniko, at kasarian.

3|Page

You might also like