You are on page 1of 15

PAGE 1

GRADE LEVEL: Grade 6


SUBJECT: Araling Panlipunan 6
NARRATIVE SCRIPT DRAFT #1

TITLE: Ang Mga Ginawang Pagsusumikap ng mga Pilipino


Tungo sa Patatatag ng Nagsasariling Pamahalaan
TOPIC: Ang Asamblea ng Pilipinas at Mga Misyong at Batas
Pangkalayaan (Batas Hare-Hawes Cutting at Batas
Tydings-Mcduffie)
TREATMENT: Narrative lecture
RUN TIME: 20 minutes
SCRIPT-WRITER: Irish Jhoy N. Autor
Emily Boco
INSTRUCTIONAL OBJECTIVES:
Kapag natapos panoorin ang video na ito, ang mag-aaral sa ika-anim na
baitang ay inaasahang:
 naipaliliwanag ang mga pagsusumikap ng mga Pilipino tungo sa
pagtatatag ng nagsasariling pamahalaan;
 naibibigay ang mahahalagang batas na naisagawa ng
Asamblea ng Pilipinas at ang naging pagsalungat ng mga
Amerikano sa pagsisikap ng mga Pilipino na makapagsarili;
 matutukoy ang itinadhana ng Batas Jones 1916 tungo sa
pagsasarili ng Pilipinas;
 naiisa-isa ang mga misyong pangkalayaan na pinadala ng
Pilipinas sa Estados Unidos;
 natutukoy ang mahahalagang probisyon ng Batas Hare-Hawes-
Cutting at Batas Tydings-McDuffie tungo sa pagsasarili; at
 nasusuri ang tunggaliang namagitan sa mga lider na Pilipino
tulad nina Osmeña at Quezon.

1. OBB FOR 15 SECS

2. MEDUIM SHOT, NORMAL ANGLE OF TEACHER WITH A

BACKGROUND TEXT ARALING PANLIPUNAN 6

3. MANILYN OC (SMILE) Magandang araw Silangang Samar!

4. Lalong lalo na sa ating mga magigiliw na mag-aaral sa ikaanim na baitang.

5. Ako po ay si Teacher Manilyn C. Servano,maaari niyo akong tawaging

6. Teacher Manie. Ang inyong guro sa Araling Panlipunan

MORE
PAGE 2

7. TEACHER MANILYN (OC):

8. Sa araw na ito, ang pag-uusapan natin ay ang tungkol sa:

9. Mga Ginawang Pagsusumikap ng mga Pilipino Tungo sa

10. Pagtatatag ng Nagsasariling Pamahalaan

11. Pagkatapos niyong manuod ng video na ito, kayo ay inaasahang

12. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

13. Una,naipaliliwanag ang mga pagsusumikap ng mga Pilipino tungo sa

14. pagtatatag ng nagsasariling pamahalaan; Pangalawa. naibibigay ang

15. mahahalagang batas na naisagawa ng Asamblea ng Pilipinas at

16. ang naging pagsalungat ng mga Amerikano

17. sa pagsisikap ng mga Pilipino na makapagsarili; Pangatlo. matutukoy ang

18. itinadhana ng Batas Jones ng 1916 tungo sa pagsasarili ng Pilipinas;

19. Pang-apat, naiisa-isa ang mga misyong pangkalayaan

20. na pinadala ng Pilipinas sa Estados Unidos;

21. Pang-lima,natutukoy ang mahahalagang probisyon ng Batas Hare-Hawes

22. Cutting at Batas Tydings-McDuffie tungo sa pagsasarili; at

23. Panghuli,nasusuri ang tunggaliang namagitan sa

24. mga lider na Pilipino tulad nina Osmeña at Quezon.

25. MEDIUM SHOT OF TEACHER MANILYN

26. MANILYN OC (MOTIVATING SMILE) Handa na ba kayong manuod at

27. matuto sa ating bagong aralin mga bata?

28. Magaling mga bata! Ihanda ang inyong

29. CUT TO INSERT PICTURE OF MODYUL 2

30. SA ARALING PANLIPUNAN 6, KWARDERNO AT BALLPEN

31. Manuod at makinig ng mabuti mga bata.

MORE
PAGE 3

32. TEACHER MANILYN OC: Bago tayo magsimula sa ating bagong aralin,

33. subukan niyong sagutan ang mga sumusunod na tanong.

34. FLASH THE QUESTION ON SCREEN AND PAUSE 3SEC.

35. TEACHER MANILYN OC (ASKING VOICE):

36. Anong komisyon ang may layunin na mapaunlad ang kabuhayan

37. ng mga Pilipino at maituro ang wikang Ingles sa mga paaralan?

38. TEACHER MANILYN (PAUSE 3SEC)

39. TEACHER MANILYN (OC): Ang tamang sagot ay Komisyong Schurman

40. SOUND EFFECTS

41. TEACHER MANIE OC (ASKING VOICE) :

42. Sino ang namuno ng sa unang komisyon?

43. TEACHER MANILYN (PAUSE 3SEC)

44. Ang tamang sagot ay Dr. Jacob G. Schurman

45. SOUND EFFECTS

46. TEACHER MANILYN OC: Magaling mga bata,

47. handa na talaga kayo sa ating bagong aralin

48. TEXT OVERLAY WITH PICTURE OF ANG ASAMBLEA NG PILIPINAS

49. TEACHER MANILYN OC: Ang ating unang tatalakayin ay

50. ang tungkol sa Asamblea ng Pilipinas, Alam niyo ba

51. kung ano ang Asamblea ng Pilipinas?

52. TEACHER MANILYN VOICE OVER:Ang Asemblea ng Pilipinas ay

53. nabuo o naitatag sa pamamagitan ng Batas Pilipinas ng 1902

54. o Batas Cooper na itinaguyod ni Kongresista Henry Allen Cooper.

55. Ito ay pinagtibay noong ika-isa ng Hulyo 1,902,

56. na nagtatadhana ng pagpapadala sa Estados Unidos ng

MORE
PAGE 4

57. dalawang residenteng komisyonado na sina Pablo Ocampo at

58. Benito Legarda, bilang kinatawan ng Pilipinas.

59. CUT TO INSERT THE PICURE OF HENRY ALLEN COOPER,

60. PABLO OCAMPO, BENITO LEGARDA

61. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

62. Ang Batas Pilipinas ng 1902 o Batas Cooper ay

63. nagtakda ng probisyong pagtatatag ng Asamblea ng

64. Pilipinas. Kaya noong Hulyo 30, 1907 ay naganap ang isang halalan

65. ng mga kagawad ng Asamblea ng Pilipinas.Ito ay pinasinayaan

66. noong Oktubre 16, 1907 sa Manila Grand Opera House.

67. CUT TO INSERT THE PICURE OF JOSE BARLIN;

68. SERGIO OSMEÑA, SR. AND MANUEL L. QUEZON

69. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

70. Nahalal si Sergio Osmeña, Sr.bilang ispiker at

71. si Manuel L. Quezon bilang Lider ng Mayorya.

72. Kaya bilang paghahanda sa pagsasarili, itinatag ng pamahalaan

73. Ang Asamblea ng Pilipinas na binuo ng mga Pilipinong nakiisa sa

74. Pamahalaang Sibil na itinatag ng mga Amerikano.

75. Pag sinabing Pamahalaang Sibil ang namumuno rito ay mga Pilipino pero

76. ang nagtatag nito ay mga Amerikano. Naging malaking hamon sa mga

77. Pilipino ang pagkatatag ng Asemblea ng Pilipinas bilang paghahanda sa

78. kanilang pagsasarili at pagiging malaya. Sa ilalim ng Asamblea ng

79. Pilipinas maraming batas ang nagawa tulad ng Batas Gabaldon ng 1907

80. at ang Batas bilang 1870.

81. CUT TO INSERT THE PICURE OF UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

MORE
PAGE 5

82. Napagtibay din ang mga batas tungkol sa pagpapaunlad ng sistema ng

83. CUT TO INSERT THE PICURE TRANSPORTASYON AT

84. KOMUNIKASYON

85. transportasyon at komunikasyon. Kasama din ang batas tungkol sa

86. sakahan, tulad ng patubig at bangkong pansakahan. Marami pang

87. napatunayan ang mga Pilipino sa kanilang kahusayan sa pamamahala.

88. CUT TO INSERT THE PICURE GREGORIO ARANETA

89. Ilan dito ay ang pagkahirang kay Gregorio Araneta bilang

90. Kalihim ng Pananalapi at Katarungan,

91. CUT TO INSERT THE PICURE CAYETANO ARELLANO

92. TEACHER MANILYN VOICE OVER: kay Cayetano Arellano bilang

93. Punong Mahistrado ng Korte Suprema. Sa kabila ng pagsisikap ng

94. mga Pilipino sa Mababang Kapulungan

95. napatunayang may kakayahan sila sa pamamahala,

96. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

PAGPAPAWALANG-BISA SA BATAS SEDISYON

97. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

98. sinasalungat pa rin sila ng mga mambabatas na Amerikano.

99. Ilan dito ay ang pagpapawalang-bisa sa mga batas tulad ng

100. Batas Sedisyon, Batas Panunulisan (Brigandage Act),

101. at Batas Bandila.

102. OVERLAY TEXT: BATAS PANUNULISAN (BRIGANDAGE ACT)

103. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

104. Ang mga pagsasalungat na ito ng mga Amerikano ay natapos din

105. noong taong 1916, nang pagtibayin ang Batas Jones,

MORE
PAGE 6

106. na nagtadhana sa pagkakaroon ng senado

107. bilang Mataas na Kapulungan na siyang papalit sa

108. Komisyon ng Pilipinas

109. OVERLAY TEXT: BATAS SA BANDILA

110. TEXT OVERLAY: ANG BATAS JONES

111. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

112. Noong taong 1916, pinagtibay ang batas na nagbigay ng

113. pag-asa sa mga Pilipino na makamit ang kalayaan kung

114. mapapatunayan nilang may kakayahan na sila sa pagsasarili.

115. Ang batas na ito ay tinawag na Batas Jones ng 1916 o

116. Philippine Autonomy Act 1916.

117. CUT INSERT PICTURE OF WILLIAM ATKINSON JONES

118. TEACHER MANILYN NARRATING:

119. CUT INSERT PICTURE OF PRESIDENT WOODROW WILSON

120. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

121. Ayon sa Batas Jones o Philippine Autonomy Act, dapat kilalanin ng

122. Estados Unidos ang kalayaan ng Pilipinas kapag mayroon na itong

123. matatag na pamahalaan. Itinatadhana ng batas na ito ang pagkakaloob

124. ng kapangyarihang pambatasan sa dalawang kapulungan: ang

125. Senado at ang Mababang Kapulungan. Ang bagong lehislatura o

126. batasan sa ilalim ng Batas Jones ay pinasinayaan noong

127. Oktubre 16, 1916.

128. CUT INSERT PICTURE OF MANUEL L. QUEZON AND

129. SERGIO OSMEÑA, SR.

130. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

MORE
PAGE 7

131. Si Manuel L. Quezon ang Pangulo ng Senado at

132. si Sergio Osmeña Sr. naman ang Ispiker ng Mababang Kapulungan.

133. TEXT OVERPLAY: PALIGSAHAN NG PAMUNUAN

134. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

135. Sa pagsisikap ng mga Pilipino na makamit ang lubos na kalayaan ay

136. umigting din ang labanang pulitikal sa pagitan ng mga Pilipino.

137. Noong taong 1916, kinilalang lider ng Partido Nacionalista

138. si Sergio Osmeña, Sr. Nagtatag naman si Teodoro Sandico ng

139. hiwalay na Partido Democratica Nacional, na ikinatuwa naman ng mga

140. Progresista, kaya nagsanib ang dalawang Partido sa ilalim ng

141. Partido Democratica na pinamunuan nina Claro M. Recto,

142. Pio Valenzuela at Jose Alejandrino.

143. CUT INSERT PICTURE OF CLARO M. RECTO,

144. PIO VALENZUELA AT JOSE ALEJANDRINO,

145. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

146. Claro M. Recto at Pio Valenzuela. Sila ang naging oposisyon

147. ng Partido Nacionalista. Layunin ng Partidong ito na magkaroon ng

148. agarang kalayaan at makapagsarili ang bansa.

149. TEACHER MANILYN (OC)

150. Naunawaan niyo ba mga bata ang ating paksang tinalakay?

151. Ngayon, dumako naman tayo sa ating pangalawang paksang

152. tatalakayin na tungkol sa mga Misyon at Batas Pangkalayaan.

153. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

154. Upang maibigay ang ganap na kalayaan sa mga Pilipino,

155. nagtatag sila ng mga batas at

MORE
PAGE 8

156. misyong pangkalayaan at ipinadala nila ito sa Estados Unidos.

157. Unang misyong pangkalayaan ay ang Misyong Manuel L. Quezon

158. noong taong 1919 na pinamunuan ni Manuel L. Quezon,

159. na may layunin na magbigay ng rekomendasyon sa Kongreso ng

160. Estados Unidos upang itakda ang kalayaan ng Pilipinas

161. pero ito ay tinanggihan ng mga Amerikano.

162. OVERLAY AND BLACKBOARD TEXT: MGA MISYON AT

163. BATAS PANGKALAYAAN

164. CUT INSERT PICTURE MANUEL L. QUEZON

165. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

166. Noong taong 1921 naging pinuno muli si Manuel L. Quezon

167. sa isa pa niyang misyon na ang layunin ay ipahayag ang

168. pagsalungat sa ulat nina William Cameron Forbes at

169. Leonard Wood na ipagpaliban ang pagbibigay ng Kalayaan

170. sa Pilipinas.Nabigo pa rin siya sa kanyang ninanais

171. CUT INSERT PICTURE MANUEL L. QUEZON at

172. SERGIO OSMEÑA, SR

173. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

174. Noong 1922 nagkaroon muli ng misyon na pinamunuan nina

175. Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña, Sr .Ang kanilang layunin ay

176. ipagpatuloy ang paghingi ng kalayaan.Pero sa bandang huli,

177. sila ay nabigo dahil ayon kayPangulong Warren G. Harding ay

178. hindi pa napapanahon.

179. CUT INSERT PICTURE MANUEL ROXAS

180. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

MORE
PAGE 9

181. Si Manuel Roxas ay nagkaroon ng misyon noong 1923 na

182. ang layunin ay magbigay ng pahayag tungkol sa tunay na kalayaan at

183. kalutasan ng alitan ng mga mambabatas na Pilipino at Leonard Wood.

184. Ang naging bunga sa kanyang misyon ay tumanggi

185. si Pangulong Calvin Coolidge at sinabing hindi makabubuti sa

186. Pilipinas ang humiwalay sa Estados Unidos.

187. CUT INSERT PICTURE SERGIO OSMEÑA, SR., MANUEL L.

188. QUEZON, CLARO M. RECTO, AT MANUEL ROXAS

189. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

190. Muling nagtatag ng misyong pangkalayaan ang mga Pilipino na

191. pinamunuan nina Sergio Osmena Sr, Manuel L. Quezon,

192. Claro M. Recto at Manuel A. Roxas, na naglalayong

193. itaguyod ang panukalang Batas ni Fairfield tungo sa kalayaan ng

194. Pilipinas sa paniniwalang ito ay maibibigay ng Estados Unidos

195. ngunit nabigo ang misyon.

196. CUT INSERT PICTURE SERGIO OSMEÑA, SR

197. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

198. Pinamunuan ni Sergio Osmena ang misyong itinatag noong taong

199. 1926,na may layuning humingi ng kalayaan. Pero sila ay nabigo dahil

200. sa kawalan ng interes ng Pamahalaang Amerikano.

201. CUT INSERT PICTURE OF MANUEL L. QUEZON

202. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

203. Noong taong 1927 muling nagtatag si Manuel L. Quezon ng

204. misyong pangkalayaan na may layunign pabulaanan

MORE
PAGE 10

205. ang ulat ni Koronel Carmi Thompson tungkol sa Pilipinas ngunit nabigo

ang misyong ito.

206. Noong taong 1930, si Manuel L. Quezon ay muling humiling ng

207. kalayaan. sa mga Amerikano sa pamamagitan ng pagbuo na naman

208. ng isang misyon ngunit ito ay nabigo pa rin.

209. Nagkaroon na naman ng isang misyon noong taong 1931 sina Sergio

210. Osmeña, Sr. at

211. Manuel Roxas (OSROX) na ang layunin ay maghanap ng batas

212. na titiyak sa pagbibigay ng kalayaan ng Pilipinas.

213. Ang naging bunga ay dinala sa Pilipinas

214. ang Batas Hare Hawes Hawes-Cutting (Kinatawan Butler Hare,

215. Senador Harry B. Hawes at Senador Bronson Cutting).

216. At ang pinakahuling misyon na ipinadala ng Pilipinas ay ginawa ni

217. Manuel L. Quezon noong taong 1933 at ang layunin ay muling

maghanap ng mas mainam na batas

218. tungo sa kalayaan kaysa sa Hare Hawe sCutting (Batas HHC) .

219. Ang naging bunga ay napagtibay ang Batas Tydings-McDuffie

220. bilang pagbibigay ng batayan sa kalayaan ng bansa.

221. OVERPLAY TEXT: ANG BATAS HARE-HAWES-CUTTING AT

222. BATAS TYDINGS-MCDUFFIE

223. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

224. Ang Batas Tydings-McDuffie ay

225. halos kopya lamang ng Batas Hare-Hawes-Cutting.

226. Ang parehong batas ay nagsasaad ng sumusunod:

227. Una, Ang Kumbensyong Konstitusyonal na bubuo ang Saligang Batas

MORE
PAGE 11

228. para sa Pilipinas; Pangalawa, Ang nabuong Saligang Batas ng

229. Pilipinas ay lalagdaan ng Pangulo ng Estados Unidos; Pangatlo,

230. Pagdaraos ng isang plebisito upang maiharap at mapagtibay ng

231. sambayanan ang Saligang Batas; at Pagpapahayag ng Kalayaan ng

232. Pilipinas matapos ang 10 taong transisyon sa pamamahala.

233. Ayon Kay Quezon hindi mainam ang ilang probisyon ng

234. Batas HareHawes-Cutting tulad ng: una,

235. Pananatili ng mga base-militar sa Pilipinas;

236. pangalawa,Hindi patas na kalakaran sa pagitan ng Pilipinas at

237. Estados Unidos; pangatlo,Ang mga limitasyong nakapaloob sa

238. pagpasok ng mga Pilipino sa Estados Unidos ay luluwagan; at

239. Panghuli ay Pagkakaroon ng makapangyarihang

240. komisyonado mula sa Estados Unidos.

241. Naging magkaiba ang pagtanggap nina Quezon at OSROX

242. tungkol sa Batas Hare-Hawes-Cutting kaya nahati ang Partido

243. Nacionalista. Pagdating ni Quezon sa Estados Unidos ay lubha siyang

244. nahirapan sa kanyang misyong pangkalayaan dahil may

245. mabigat na isyung pangkabuhayan sa Estados Unidos.

246. Ngunit sa kabila noon ay nagsikap si Quezon na makakuha ng suporta

247. mula kina Sen.Millard Tydings at Kinatawan John Mc Duffie.

248. CUT TO INSERT PICTURE NINA SENADOR MILLARD TYDINGS AT

249. KINATAWAN JOHN MCDUFFIE

250. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY:

251. Bilang tugon sa misyon ni Quezon, nilikha ni Tydings at McDuffie

252. ang isang batas na halintulad sa Batas Hare-Hawes Cutting maliban

MORE
PAGE 12

253. sa idinagdag na salitang complete (ganap) sa unahan ng salitang

254. Independence (kasarinlan).Noong Marso 24, 1934, pinagtibay at

255. nilagdaan ni Pangulong Franklin Delano Roosevelt

256. ang Batas TydingsMcDuffie.

257. TEACHER MANILYN (OC):

258. Mga bata naunawaan ba ninyo ang ating tinalakay ngayon?

259. Magaling. Tingnan nga natin.May mga tanong ako dito na dapat niyong

260. sagutan. Unang tanong ,

261. TEACHER MANILYN OC: Ito ay binubuo ng mga Pilipinong

262. nakiisa sa Pamahalaang Sibil habang inihahanda ang mga Pilipino

263. sa pagsasarili at pagiging malaya. Ano ito?

264. TEACHER MANILYN ( PAUSE 3 SEC. PARA

265. MAGHINTAY SA SAGOT NG MGA BATA)

266. TEACHER MANILYN OC:

267. Magaling mga bata,ang tamang sagot , “Ang Asamblea ng Pilipinas”.

268. QUESTION FLASH ON THE SCREEN:

269. Pangalawang tanong: Ano-ano ang mga misyong pangkalayaan at

270. batas ang ipinadala ng mga Pilipino sa Estados Unidos para sa

271. pagkamit ng kanilang minimithing kalayaan?

272. TEACHER MANILYN OC:

273. Magaling mga bata.Ang tamang sagot ay misyong Quezon ng

274. taong 1919 at 1921, misyong Osmena at Quezon ng taong 1922,

275. misyong Roxas ng taong 1923, misyong ng Osmena,Quezon,

276. Recto at Roxas ng taong 1924, misyong Osmena ng taong 1926,

277. misyong Quezon ng taong 1927 at 1930, misyong OSROX ng

MORE
PAGE 13

278. taong 1931 at ang pinakahuling misyon ay misyong Quezon ng

279. taong 1933.Ang mga batas naman ay Hare-Hawes-Cutting at

280. Batas Tydings-Mc Duffie.

281. TEACHER MANILYN ( PAUSE 3 SEC. PARA MAGHINTAY

282. SA SAGOT NG MGA BATA)

283. TEACHER MANILYN OC: Magaling mga bata

284. Talagang natutunan ninyo ang ating talakayan tungkol sa

285. mga ginawang pagsusumikap ng mga Pilipino tungo sa

286. pagtatag ng nagsasariling pamahalaan. Mga bata handa na ba ang

287. inyong mga modyul sa Araling Panlipunan 6.

288. Sagutan ang mga sumusunod na tanong

289. TEACHER MANILYN VIOCE OVER AND TEXT OVERLAY

290. Panuto: Basahin at suriing

291. mabuti ang mga pangungusap.Piliin ang tamang sagot na

292. tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel.

293. TEACHER MANILYN VOICE OVER AND TEXT OVERLAY:

294. 1. Ang Asamblea na nagbigay ng pagkakataon sa mga Pilipinong

295. makasali sa pamamalakad sa pamahalaan.

296. (Asamblea ng Pilipinas, Asamblea ng Estados Unidos)

297. 2. Sa ilalim ng batas na ito naitatag ang Unibersidad ng Pilipinas.

298. (Batas Jones, Batas bilang 1870)

299. 3. Nahalal bilang Ispiker ng Mababang Kapulungan.

300. (Manuel L. Quezon, Sergio Osmeña, Sr.)

301. 4. Ang batas na nagbigay ng pag-asa sa mga Pilipino na matamo ang

302. kalayaan sa oras na sila ay may kasanayan at kakayahan na sa

MORE
PAGE 14

303. pamamahala at pagsasarili.

304. (Batas Jones, Batas Pilipinas 1902)

305. 5. Ang Batas ng Pilipinas ng 1902 ay kilala rin sa tawag _________.

306. (Philippine Autonomy Act, Batas Cooper)

307. TEACHER MANILYN OC:Panuto: Sikapin mong ayusin ang mga titik

308. upang mabuo ang wastong salita. Mayroon kang mababasang mga

309. pangungusap bilang gabay upang madali mo itong masagutan.

310. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

311. TEACHER MANILYN VOICE OVER AND TEXT OVERLAY:

312. 6. M N A U E L Q E Z U O N - Ang nanguna sa paghahanap ng batas

313. pangkalayaan.

314. 7. M S Y O N G I S O O R X - Kilala sa tawag na Misyong

315. Pangkalayaan

316. 8. S M E A Ň O T A S A X O R - Namuno sa Misyong Pangkalayaan

317. 9. F K L I N R A O S O E R V L E T - Ang nagpatibay at naglagda ng

318. Batas Tydings-McDuffie

319. 10. A S T A B O N E S J - Ang batas na nagtadhana ng kalayaan para

320. sa Pilipinas, subalit hindi nito tiniyak ang takdang taon

321. ng pagbibigay kalayaan.

322. PAUSE 5 MINUTES

323. TEACHER MANILYN OC WITH BACKGROUND SOUND

324. TEACHER MANILYN OC

325. Para sa susunod na talakayan,pag aralan na ang Saligang Batas

326. ng 1935 at Ang Pamahalaang Komonwelt

327. SOUND EFFECT

MORE
PAGE 15

328. Sa ngayon,dito muna magtatapos ang ating talakayan sa

329. Araling Panlipunan 6,muli ako si Teacher Manilyn C. Servano,

330. na nagsasabing anumang hadlang sa pag aral,gawin itong motibasyon

331. at determinasyon para sa buhay. Maraming salamat mga bata.

332. ROLL CBB FOR 5 SECS

333. ROLL AKNOWLEDGEMENT AND ALL RIGHTS RESERVED 2021

FOR 2 SECS

334. MUSIC FADE UP THEN OUT FOR 3 SECS.

-END-

MORE

You might also like