You are on page 1of 1

How to marcot/air layering your plants (TAGALOG Version)

Paano Magmarkot o Marcotting ng iyong Halaman


Ang pagmarkot ng iyong halaman ay pwede ring sa ornamental plants o shrubs at fruit trees. Ang
fruit trees na pwede imarcot ay bayabas, citrus species, duhat, mangga at iba pa upang mabilis na
mamunga ng iyong halaman at hindi tatagal na mahigit 2 taon na mamunga ng iyong fruit trees.
1. Ihanda ang mga kagamitan.

• Matalas na kutsilyo o cutter


• Plastic
• Pruning shears (pwede ring malaking gunting)
• Lupa o lumot
• Straw na Tali
2. Pumili ng magulang na sanga ng ima-marcot.
3. Alisin ang balat ng sanga nang pabilog, 2-4
sentimetro.
4. Kaskasin o tanggalin ang cambium layer gamit ng matalas na kutsilyo o cutter upang hindi na
muling tumubo ang balat. Hugasan ng tubig ang pinagtanggalan na cambium layer.
5. Balutan ang medyo basang lupa o lumot at itapal ito sa pinagtanggalan ng cambium layer.
6. Talian ang dalawang dulo gamit na straw na tali at higpitan ang pagtali upang masigurado na
tutubo ng maayos ang ugat.
7. Diligan ng regular ang sangang pinauugatan. Hintayin ng mahigit isang buwan bago mag-ugat.
8. Makalipas ng mahigit isang buwan, putulin ang sangang pinag-ugatan mula sa inang halaman kung
kakikitaan na ng maraming ugat at itanim kaagad ang pinutol na sanga sa paso o container. Huwag
itanim agad sa lupa upang makasiguro na mabilis na lumaki ng iyong halaman.
Para sa karagdagan ng kaalaman ng pagmarkot ng iyong halaman o fruit trees, panoorin ang
sumusunod na link:
https://www.youtube.com/watch?v=fZ3hXkHCz3U - HOW TO MAKE IT DWARF: Calamansi
https://www.youtube.com/watch?v=j_Hf-KRxScg - Paano ang tamang marcotting| Easy steps|
How to marcot plant
https://www.youtube.com/watch?v=BGGUZHXowoU - Mango Tree: 5 Steps To Air Layering
Mango Tree

You might also like