You are on page 1of 10

SALINAS ELEMENTARY SCHOOL

DepEd Bacoor

PAGPAPARAMI NG
HALAMAN
PARAANG PAGPUPUTOL

HERMOGENES O. BARILA
TLE 6 Teacher
Teacher 1
Nilalaman
• Sa araling ito, matututunan ng mga mag-aaral
ang ibat ibang paraan ng pagpaparami ng
halamang ornamental. Magkakaroon din ng
kaalaman ang bawat mag-aaral kung paano
magtanim sa pamamagitan ng pagpuputol
(cutting).
Alamin Natin
• Sa paraang pagpuputol maaaring paramihin ang
mga halamanan sa pamamagitan ng ugat at
lamang-ugat, dahon, sanga o tangkay. Sa tatlong
paraan ng pagpuputol, ang sanga o tangkay ang
karaniwang ginagamit.
Linangin Natin
• Narito ang mga hakbang sa pagpaparami ng halaman
na ginagamit ang sanga o tangkay:
1. Pumili ng sanga o tangkay na magulang at may
usbong. Tanggalin ang may sukat na anim na pulgada.
Putulin ito ng palihis. Sa bawat putol kung maaari ay
mayroong dalawa hanggang tatlong usbong.
Linangin Natin
2. Gupitin ang mga dahon at maliliit na sanga.
3. Itanim ang mga putol na tangkay sa tamang
punlaan nang 45° o pahilis, nakahanay at may agwat
na sampung sentimetro bawat isa. Gawing mababaw
lamang ang hukay at ibaon ang putol at dapat
natatabunan ng lupa ang bahaging puno nito.
Gawin Natin
• Maghanap ng halaman tulad ng santan o
gumamela at isagawa mo ang mga hakbang na
nakasaad sa itaas.
Sagutin ang sumusunod sa pamamaraan ng
paglalagay ng T kung tama ang sinasabi at M kapag
mali ito
___1. Kailangan pumili ng sanga o tangkay na may usbong o buko.
___2. Gupitin ang mga sanga o tangkay ng pahilis.
___3. Itanim ito sa kamang punlaan at pabayaan na lamang.
___4. Lahat ng uri ng halaman ay maaaring paramihin sa paraang
pagpuputol.
___5. Ang pagpuputol ay mabilis na paraan sa pagpaparami ng
halaman.
Pangwakas na Pagtatasa

• Bakit kailangan matutunan ang mga hakbang at


paraan ng pagpaparami ng halaman sa
pamamagitan ng pagpuputol?
Pagpapayaman ng Gawain

• Magsulat ng 3 mga palatandaan na maaari ng


anihin ang mga
Pagpapayaman ng Gawain

• Magsulat ng 3 mga palatandaan na maaari ng


anihin ang mga halamang ornamental.

You might also like