You are on page 1of 7

N Pinoy egosyanteng

Isang paglilingkod-bayan ng Center for Business and Economics Research


and Development (CBERD) ng De La Salle University-Manila
Isyu Numero 6
Hulyo 2002

Unawain natin ang mga bilang


(Gabay sa paghahanda ng iba’t ibang ulat pang-pinansyal)

Ni Marivic V. Manalo

M
ahilig sa paghahalaman si
Aling Maria Benito.
Nakatutuwang
pagmasdan ang kanilang bakuran,
gawa ng mga sari-saring gulay na Aling
nakatanim doon. Maraming Maria
pagkakataon na ipinamimigay niya
sa mga kaibigan at kapitbahay ang
mga aning gulay na labis na sa
pangangailangan ng kanyang
pamilya.
Isang araw habang nagdidilig siya
ng kanyang mga halaman ay nakaisip
siya ng pagkakakitaan. Nimpha
“Nagkakagastos din naman ako sa
mga gulay na ito. Bakit hindi ko kaya
ibenta ang labis sa aming
pangangailangan upang mabawi ko
naman ang ipinambili ko ng pataba
at iba pang ginugol dito?”
Gayon nga ang kanyang ginawa.
Nagpatayo siya ng isang maliit na
tindahan sa tapat ng kanyang bahay.
Nakagawian ni Aling Maria na itago
ang lahat ng mga resibo sa kanyang pintura, mga kagamitan sa kalakal sa maliit na tindahan ni Aling
mga gugulin, tulad ng resibo ng kahoy paghahalaman o tools at marami Maria. Dahil sa hindi siya sigurado
na ginamit sa pagpapatayo ng pang iba. kung magkano pepresyuhan ang
munting tindahan, alambre, pako, Naging maganda ang takbo ng mga gulay, ginawa ni Aling Maria na
N egosyanteng Pinoy

ang presyo ng kanyang mga gulay


ay kalahati ng presyo kung bibilhin
sa karatig na pamilihan. Naisip niya
na kung lubhang mababa ang presyo Eksibit 1
ng kanyang paninda ay maaakit niya Gulayan ni Aling Maria
ang mga mamimili na dumayo sa Kilos Pananalapi (Cash Flow)
kanyang tindahan. Unang Panahon ng Paghahalaman
Nagtagumpay naman si Aling
Maria sa ganitong pamamaraan. Labas ng salapi (Outflows)
Dumagsa nga ang maraming Binhi P 4,000
mamimili at dahil dito nangailangan Pataba 5,000
pa siyang umupa ng dalawang taong Pasahod 50,000
tutulong sa kanya sa kanyang Tindahan 60,000
halamanan at tindahan. Kagamitan sa paghahalaman (Tools) 15,000
Matapos ang unang panahon ng Istak (supplies) (e.g. plastik bag) 2,000
anihan, inakala ni Aling Maria na Kuryente at tubig 12,000
marami siyang tinubo sa kanyang Bayad sa utang sa bangko 100,000
pangangalakal ng gulay. Tubo sa perang inutang 6,000
Bagaman hindi naman dahil sa Iba pang gastusin (Miscellaneous) 3,500
tubo ang unang dahilan kung bakit Kabuuang labas ng pera (Total outflows) P 257,500
niya ikinalakal ang kanyang pananim,
nagtrabaho naman siya ng husto Pasok ng salapi (Inflows)
kaya umasa siyang may labis na pera Sariling ipon (savings) P 75,000
na maaari niyang gamitin sa pag-upa Inutang na pera sa bangko 100,000
ng lupang pwedeng tamnan ng gulay Salapi mula sa pagtitinda 100,000
sa susunod na panahon ng Kabuuang pasok ng pera (Total inflows) 275,000
pagtatanim at makabili rin ng maliit
na sasakyan na gagamitin sa Netong pasok ng salapi (Net cash inflow) P 17,500
pagdadala ng mga aning gulay sa
palengke. Sa pamamagitan nito ay
maaabot ng kanyang paninda ang
mas maraming mamimili at higit pa
niyang mapapunlad ang kanyang
negosyo. Ulat ng paggamit ng pinaggamitan niya ng salapi. Naroon
Subalit nang bilangin niya ang salapi (Statement of Cash sa kahon ang mga resibo sa
kanyang pera, nabatid niyang hindi Flows) pagpapatayo ng tindahan, pasahod
ganoon karami ang salaping kinita Humingi ng tulong si Aling Maria sa dalawang katulong, bayad sa
niya sa pagtitinda. Ano kaya ang sa kaibigan niyang si Nimpha, na tubig at kuryente, at lahat ng resibo
nangyari? Nasaan ang inaasahan isang akawntant. Pinayuhan siya sa araw-araw niyang koleksyon sa
niyang pera? Ano ang dapat niyang nito na balikan ang kanyang mga pangangalakal ng gulay. Sa tulong
baguhin upang matugunan niya ang talaan o rekord. Kinuha ni Aling ng mga datos na ito, susubukan
layunin sa susunod na panahon ng Maria ang kahon kung saan niya niyang taluntunin ang pagamit ng
pagtatanim? itinatatago ang mga rekord ng pera sa kanyang kalakal na gulay.

2 Hulyo 2002
N egosyanteng Pinoy

ang libro ng tseke (checkbook) at


ang naitugmang mga ulat ng bangko
(reconciled bank statements).
Eksibit 2
Napag-alaman nila na ang perang
Gulayan ni Aling Maria
ginugol sa pangangalakal ay hindi
Ulat ng Paggamit ng Salapi (Statement of Cash Flows)
lamang galing sa pagtitinda. May
ayon sa Gawain (Activity)
mga salapi ring nanggaling sa pag-
Unang Panahon ng Paghahalaman
utang sa bangko at sariling ipon o
savings ni Aling Maria. Ang
Aktibidad pananalapi (Cash activities):Pamamahala (Operations)
nasabing pagkakautang sa bangko
Salapi mula sa pagtitinda P 100,000
kasama ang tubo nito ay nabayaran
Labas ng salapi (outflows)
na. Ipinakikita sa Eksibit 1 ang mga
Binhi P 4,000
nakalap na kaalamang ito.
Pataba 5,000
Matapos maipon ni Aling Maria
Pasahod 50,000
ang mga impormasyon, inayos ni
Istak (supplies) (e.g., plastik bag) 2,000
Nimpha ang kilos pananlapi (cash
Kuryente at tubig 12,000
flow) ayon sa tamang kategorya.
Tubo sa perang inutang 6,000
Ipinakikita sa Eksibit 2 ang pormat
Iba pang gastusin (Miscellaneous) 3,500 82,500
na ginawa ni Nimpha.
Netong pasok ng salapi mula sa operasyon P 17,500
Natuwa si Aling Maria dahil
Aktibidad pananalapi(Cash activities):Pamumuhunan (Investment)
madali nyang naunawaan ang ulat ng
Labas ng salapi (Outflows)
paggamit ng salapi. Akala niya ay
Tindahan P 60,000
mahirap unawain ang akawnting
Kagamitan sa paghahalaman (Tools) 15,000 (75,000)
ngunit hindi naman pala. Nakita niya
na maipapangkat-pangkat niya ang
Aktibidad pananalapi(Cash activities):Pagpopondo (Financing)
iba’t-ibang aktibidad ng pananalapi
Pasok ng salapi (Inflows)
na kung saan ay makikita niya na
Sariling ipon (savings) P 75,000
ang salaping nagamit ay hindi pawang
Inutang na pera sa bangko 100,000
gastusin (expenses). Sa halip, ang
Labas ng salapi (Outflows)
ibang salapi ay nagamit sa
Bayad sa utang sa bangko (100,000) 75,000
pamumuhunan tulad ng pagpapatayo
ng tindahan at pagbili ng mga gamit
Netong pasok ng salapi (Net cash inflow) P 17,500
sa paghahalaman (tools) na
mapapakinabangan niya ng mahaba-
habang panahon.

Tinulungan siya ni Nimpha na uriin pa. Di nagtagal at napagpangkat- Ulat ng Kinita (Income
(classify) ang mga gastusin: kasama pangkat na nila ang mga Statement)
rito ang maliit na tindahang ipinatayo, pinaggamitan at pinanggalingan ng Mula sa Eksibit 2, naunawaan ni
mga punla o binhi, pataba, pasahod, pera na iginugol sa pangangalakal ng Aling Maria na kahit na may netong
istak (supplies), kuryente, tubig, mga gulay. Sinuri rin nila ang mga datos pasok ng pera (net cash inflow),
kagamitan sa paghahalaman at iba na galing sa bangko, kabilang na rito

3 Hulyo 2002
N egosyanteng Pinoy

labis na bumaba ang kanyang netong


posisyong pananalapi (net cash po-
sition) dahil sa pamumuhunang (in-
vestment) gawain. Nag-isip siya ng
Eksibit 3
maaaring epekto nito sa mga
Gulayan ni Aling Maria
susunod na panahon ng pagtatanim.
Ulat ng Kinita (Income Statement)
Muli niyang tinanong si Nimpha.
Unang Panahon ng Paghahalaman
Iminungkahi nito na gumawa siya ng
Income Statement at Balance
Benta (Sales) P 100,000
Sheet. Ipinaliwanag ni Nimpha na
Gastusin (Expenses)
ang Ulat ng Kinita (Income State-
Pasahod P 50,000
ment) ay kaiba sa Ulat ng Paggamit
Kuryente at tubig 12,000
ng Salapi (Cash Flow Statement).
Tubo sa perang inutang 6,000
Ipinaliwanag niya na ipinapareha
Pataba* 6,000
(match) ang kinita (revenues) sa
Binhi* 5,500
mga gastusin (expenses) sa isang
Pagbaba sa halaga (Depreciation)**
akawnting piriyod (accounting pe-
Tindahan 3,000
riod) sa ulat ng kinita (income state-
Kagamitan sa paghahalaman (Tools) 2,500
ment). Ang akawnting piriyod para
Istak (supplies) (e.g., plastik bag) 2,000
sa negosyo ni Aling Maria ay ang
Iba pang gastusin 3,500 90,500
bawat panahon ng paghahalaman
(growing season). Sa kabilang
Netong Kita (Net Income) P 9,500
dako, ang ulat pananalapi naman ay
pinagpapareha ang pagpasok at *Dapat pansinin na higit na malaki ang halagang nagugol sa ginamit na
paglabas ng pera sa negosyo. binhi at pataba kaysa sa halagang binayaran. Nangangahulugan lamang
Ipinakikita sa Eksibit 3 ang ulat ito na may utang pa si Aling Maria sa mga tindahan kung saan niya binili
ng kinita ni Aling Maria sa isang ang mga ginamit na punla at abono sa kanyang pagtatanim.
panahon ng kanyang paghahalaman. **Itinuturing na pirmihang ari-arian o fixed assets ang tindahan at mga
tools kung kaya dapat kalkulahin ang gastos o expense katumbas sa
pagbaba sa halaga o depreciation ng mga ito sa bawat panahon ng
Balance Sheet pagtatanim o growing season. Sa kaso ni Aling Maria, tinataya na ang
Ngayon para naman sa Balance tindahan ay tatagal ng sampung taon at may dalawang panahon ng
Sheet. Sinabi ni Nimpha kay Aling pagtatanim sa bawat taon (P60,000 /10 / 2 = P3,000). Nakalkula naman na
ang mga tools ay tatagal lamang ng tatlong taon (P15,000 / 3 / 2 = P2,500).
Maria na ang balance sheet ay ulat
ng mga ari-arian (assets),
pagkakautang (liabilities) at kapital
(owner’s equity) ng negosyo sa
isang tiyak na petsa (specific date). (liabilities) ay yaong mga bayarin ng Maria sa kanyang kalakal tulad ng
Ang ari-arian (assets) ay yaong mga negosyo. Maaring bayaran ang mga pera. May dalawang uri ng kapital:
yaman (resources) ng tindahan ni ito sa pamamagitan ng salapi o (1) tuwirang puhunan (direct invest-
Aling Maria tulad ng salapi, tindahan, serbisyo kaya. Ang huling kategorya ment) ng may-ari at (2) tubo o kita
at iba pa. Ang mga yamang ito ay sa balance sheet ay ang kapital mula sa pangangalakal (net income).
magagamit upang kumita at lumago (owner’s equity). Kumakatawan ito Naunawaan ni Aling Maria ang ibig
ang kalakal. Ang mga pagkakautang sa mga ari-ariang ibinigay ni Aling sabihin ng tuwirang puhunan. Ito ang

4 Hulyo 2002
N egosyanteng Pinoy

(assets). Ang pagtaas ng ari-arian


(assets) ay nangangahulugan din ng
kaukulang pagtaas ng kapital
Eksibit 4 (owner’s equity). Sa kabilang
dako, kung ang mga gastusin (ex-
Gulayan ni Aling Maria
penses) naman ay mas higit kaysa
Balance Sheet
kita (revenues), ang kapital ay
Huling Araw sa Unang Panahon ng Paghahalaman
bababa.
Lubos na natuwa si Aling Maria
Ari-arian (Assets)
sa pagkakaunawa niya ng mga
Kasalukuyang ari-arian (Current Assets)
elemento ng balance sheet at
Pera (Cash) P 17,500
sinimulan na niya ang paggawa ng
Pirmihang ari-arian (Long-term or Fixed Assets)
ulat na ito.
Tindahan P60,000
Una, inilista niy ang lahat niyang
May-bawas/less: Naipong pagbaba
ari-arian (assets). Pera, tindahan at
sa halaga (Accum. depreciation)* 3,000 P57,000
mga kagamitan sa paghahalaman
Kagamitan sa paghahalaman (Tools) P15,000
(tools) ay ang mga tanging ari-arian
May-bawas/less: Naipong pagbaba
(assets) ng gulayan. Naisip niyang
sa halaga (Accum.depreciation)* 2,500 12,500 69,500
isama ang lupa at traktora, subalit
Kabuuang ari-arian (Total Assets) P 87,000
pag-aari ito ng kanyang pamilya at
hindi sa negosyo kung kaya hindi
niya maaaring ibilang ang mga ito.
Pagkakautang (Liabilities)
Mayroon din siyang mga naipong
Bayarin sa binhi P 1,000
kuwenta (bills) mula sa mga
Bayarin sa pataba 1,500
tindahang pinagbilhan niya ng mga
Kabuuang pagkakautang (Total liabilities) P 2,500
binhi at pataba at sa huling araw sa
panahon ng pagatatanim (growing
Kapital (Owner’s Equity)
season) napagtanto niya na may
Orihinal na puhunan (Original investment) P 75,000
utang pa siyang P1,500 sa tindahan
Netong Kita (Net income) 9,500 84,500
ng mga binhi at P1,000 naman sa
tindahan ng pataba.
Kabuuang pagkakautang at kapital/
Inilista ni Aling Maria ang lahat
(Total liabilities and Owner’s Equity) P 87,000
niyang mga ari-arian (assets) at
pagkakautang (liabilities).
Bagaman hindi pa siya sigurado kung
paano ipakikita ang kapital (owner’s
P75,000 salaping kanyang ibinigay gastusin (expenses) naman ay equity), batid niya na dapat
sa negosyong gulay. Subalit hindi nagpapababa ng ari-arian sa magkapareho ang halaga ng
maliwanag sa kanya ang tungkol sa kadahilanang tumutulong ito sa kabuuang ari-arian (total assets) at
kita o tubo mula sa kalakal. paglikom ng kita (revenues). Kung ang pinagsamang pagkakautang (li-
Ipinaliwanag ni Nimpha na ang kita ang kabuuang kita ay mas malaki abilities) at kapital (owner’s eq-
(revenues) ay nagdadala ng ari-arian kaysa gastusin, mangangahulugan ito uity). Narating niya ang ganitong
(assets) sa negosyo at ang mga ng pagtaas ng kabuuang ari-arian konklusyon sa pamamagita ng

5 Hulyo 2002
N egosyanteng Pinoy

salitang “balance” sheet. Paano ay magiging P6,000. Gayon din ang kung paano ito nangyari.
nga kayang matatawag na balance mangyayari sa tools kung saan ang Muling ipinaliwanag ni Nimpha
sheet ang ulat na ito kung hindi halagang P2,500 ay magiging kay Aling Maria na ang kapital
balanse! P5,000. Ipinaliwanag ni Nimpha na (owner’s equity) ay binubuo ng
Ipinakikita sa Eksibit 4 ang sa bawat panahon ng pagtatanim, dalawang aytem: ang (1) tuwirang
ginawang balance sheet ni Aling nararapat kalkulahin ang gastos para puhunan (direct investment) at (2)
Maria sa tulong ni Nimpha. sa depreciation na iuulat sa income tubo o kita mula sa pangangalakal
Ipinaliwanag ni Nimpha kay statement . Sa kabilang dako (net income). Ang unang puhunan
Aling Maria na ang pirmihang ari- naman, ang gastos na ito sa bawat (original investment) ni Aling Maria
arian o fixed assets ay nararapat panahon ng paghahalaman ay ay nagkakahalaga ng P75,000 at
ipakita sa balance sheet sa halagang idadagdag sa mga naunang mga de- ang kalakal ng gulay ay tumubo ng
kung magkano ang mga ito binili (ac- preciation na naitala. Kung kay ngat P9,500. Ito’y nangangahulagan ng
quisition cost ). Ngunit sa “naipong pagbaba sa halaga o ac- kabuuang P84,500 (Eksibit 4).
kadahilangang bumababa ang halaga cumulated depreciation ” ang Ganon na lamang ang
ng mga ito sa paglipas ng panahon, tawag rito sa balance sheet. pagpapasalamat ni Aling Maria sa
nararapat na ipakita rin ang Madali ring naunawaan ni Aling kaibigang si Nimpha sa lahat ng
kaukulang pagbaba ng halaga (de- Maria ang mga ideya ukol sa ari- natutunan nito sa paghahanda ng
preciation) ng bawat isa. Kung arian (assets) at pagkakautang (li- iba’t-ibang ulat pangpinansiyal (fi-
kaya sa balance sheet makikita na abilities). Subalit labis siyang nancial reports). Ngayon ay
binawasan ang tindahan ng P3,000 namangha na ang kapital (owner’s masaya na siyang naghahanda para
at P2,500 naman para sa tools equity) ay may halagang sapat sa susunod na panahon ng
(Eksibit 4). At sa susunod na lamang upang bumalanse ang bal- pagtatanim.
panahon ng pagtatanim ang P3,000 ance sheet. Tinanong niya si Nimpha

Subscription form
Kung interesado kang makatanggap ng regular na subskripsyon,
sagutan ang sumusunod at ipadala sa:
De La Salle University College of Business and Economics
N egosyanteng
Pinoy
Center for Business and Economics ay publikasyon ng Center for Business
and Economics Research and Develop-
Research and Development (CBERD) ment (CBERD) ng De La Salle University-
2401 Taft Avenue, 1004 Manila, Philippines; Fax No.:3030869 College of Business and Economics

Isyu Numero 6 Hulyo 2002


Pangalan: ______________________________________________ Lupon ng patnugot
Dr. Michael Alba
Posisyon: ____________________________________________ e-mail: cbemma@dlsu.edu.ph
Institutsyon: __________________________________________ Dr. Winfred M. Villamil
e-mail: cbewmv@dlsu.edu.ph
Address sa opisina:_______________________________________ Raymund B. Habaradas
e-mail: cberbh@dlsu.edu.ph
Telepono.: ____________________________________________ Kontribyutor
Marivic Manalo
Fax No.: ____________________________________________
Sekretarya
E-mail address: _______________________________________ Liza Pajo

6 Hulyo 2002
N
egosyanteng Pinoy

7 Hulyo 2002

You might also like