You are on page 1of 3

TINDAHANG PANTAWID NG SOLO SLPA

BARANGAY SOLO, MABINI, BATANGAS

MINUTO NG PAGPUPULONG

ANO: MGA USAPING KINAHAHARAP NG TINDAHAN SLPA


SAAN: SA HARAPAN NG TINDAHANG PANTAWID NG SOLO SLPA
ORAS: 10:00 NG UMAGA HANGGANG 1:00 NG HAPON
KAILAN: PEBRERO 4, 2022, BIYERNES

Araw ng Biyernes, buwan ng Pebrero, Nagkaroon ng pag pupulong hinggil sa mga usaping kinahaharap
ng TINDAHANG PANTAWID NG SOLO SLPA. Ang nasabing pagpupulong ay sa pagitang ng REGIONAL
SLPA representative na si Ms. Sheryl S. Romias at mga miyembro ng TINDAHANG PANTAWID NG SOLO
SLPA. Sa pag pupulong na ito ay nagkaroon ng linaw at pagkakaunawan sa mga problemang kinahaharap ng
TINDAHANG PANTAWID NG SOLO SLPA sa mga nagdaang mga buwan.

Noong ika- apat ng Pebrero taong pangkasalukuyan ,(PEBRERO 4, 2022) sa ganap na ika-sampu ng
umaga (10:0 am) nagsimula ang pag pupulong sa maikling panalangin na pinangunahan ni Maria Lourdes O. Atienza at
sinundan ng pang bungad na pananalita ng Regional SLPA representative na si Ms. Sheryl S. Romias. Sa pagpupulong
na ito ay kinamusta ang takbo ng TINDAHANG PANTAWID NG SOLO SLPA sa mga nakalipas na buwan. At
tinalakay din ang mga sumusunod:

 PAGKAKAROON NG UTANG NG TINDAHAN PANTAWID NG SOLO SLPA NA


NAGKAKAHALAGA NG FORTY-EIGHT THOUSAND TWO HUNDRED SEVENTEEN
PESOS (PHP 48,217.00) SA TINDAHAN NI OPELIA BUENO.

 Ayon sa mga nag-audit ng kaperahan ng TINDAHAN PANTAWID NG SOLO


SLPA na si Violeta L. Gonzales at Mary Ann M. Matibag ay nagkaroon ng
utang sa nasabing tindahan ang TINDAHAN PANTAWID NG SOLO SLPA.
Na ikinagulat at pinagtaka ng mga miyembro ng SLPA, Nagtaka kung bakit
ganun kalaking halaga ang perang nautang ay mayroon pera naman ang tindahan.
Base sa mga nakatalang impormasyon sa logbook ay nakapagpa-unang bayad na
si Gemma Marbella ng PHP 9,445.00 noong Enero 26,2022 at sinundan ng
pangalawang bayad na nagkakahalaga ng PHP 9,627.00 noong Enero 29,2022.
Kaya ang nadatnan balanseng utang ng mga bagong opiyales ay PHP 29,145.00.
Ngunit napag alaman na may karagdagan na utang na sigarilyo na nagkakahalaga
ng PHP 3,267.00 Si Gemma Marbella sa tindahan ni Opelia Bueno. Kaya ang
buong utang na nadatnan ng mga bagong opisyales ay nagkakahalaga ng PHP
32,412.00.

 PAGLALAHAD NG MALING IMPORMASYON TUNGKOL SA PAG DE DEPOSITO NG


KAPERAHAN SA BANGKO.

 Ayon sa pahayag ng dating presidente na si Gemma Marbella, si Maribel Andal


ang nag deposito ng fourteen thousand pesos (PHP 14,00.00) ngunit sa nakitang
deposited receipt ay thirteen thousand pesos (PHP 13,00.00) lang ang nai
deposito sa bangko. Tinanong ng mga miyembro ang dalawang taong (Gemma
Marbella at Maribel Andal) nabanggit kung nasaan ang ang isang libong peso
PHP 1,000.00 ngunit bigo at hindi masabi kung nasaan.
 PAGKAWALA O HINDI MAIPAKITANG PERANG NAGKAKAHALAGA NA TEN
THOUSAND NINE HUNDRED FIFTEEN PESOS (PHP 10,915.00).

 Ayon sa mga nag-audit ng kaperahan ng TINDAHAN PANTAWID NG SOLO


SLPA na si Violeta L. Gonzales at Mary Ann M. Matibag. Base sa mga
nakatalang impormasyon sa logbook ang CASH ON HAND dapat ay
nagkakahalagang ng twenty-one thousand four hundred ninety-one pesos
(PHP 21,491.00) ngunit ang naipakita o naibigay lang na halaga ay ten
thousand five hundred seventy-six pesos (PHP 10, 576.00)

 PAGHIRAM O PAG UTANG NG PERANG GALING SA TINDAHAN NA HINDI


NALALAMAN NG MIYEMBRO.

 Napag-alaman din na may pagkakautang ng pera ang dating treasurer na si


Maribel Andal na nagkakahalagang ng one thousand three hundred fifty pesos
(PHP 1,350.00).

 PAGKAKAROON NG MGA BAGONG HALAL NA OPISYALES NG TINDAHAN


PANTAWID NG SOLO SLPA

 PRESIDENT - JENIFER N. MAGMANLAC


TREASURER - VIOLETA L. GONZALES
SECRETARY - MARIA THERESA M. DE VILLA
CANVASSER - MARIA LOURDES O. ATIENZA
EVELYN A. GADORES
PURCHASER - ALMA B. MARASIGAN
FELISA D. COMIA
AUDITOR - MARY ANN M. MATIBAG

 PAGSASAGAWA NG INVENTORY SA TINDAHAN PANTAWID NG SOLO SLPA


 Nagsagawa ng inventory upang malaman kung magkano ang laman ng
TINDAHAN PANTAWID NG SOLO SLPA sa buwan ng Pebrero.

Base sa mga problemang kinahaharap ng TINDAHAN PANTAWID NG SOLO SLPA ay tinanong at


hinintay makapagbigay ng kanyang panig ang noong presidenteng si Gemma Marbella kung bakit nagkaroon
nang mga ganitong pangyayari na lingid sa kaalaman ng lahat ng kasapi o miyembro ng TINDAHAN
PANTAWID NG SOLO SLPA. Sa kasamaang palad ay KULANG at WALANG MALINAW na pahayag kung
bakit at saan napunta ang mga perang nawawala ng nasabing dating president. Kulang ang mga resibo at
magulo ang pagkakatala ng mga impormasyon sa daily sales logbook ng tindahan. Binigyan din ng pagkakataon
makapagbigay ng kanyang panig ang dating treasurer na si Maribel Andal. At ina-min niya na umutang sya ng
pera na hindi alam ng mga kasapi o miyembro.

Kaya napagkasunduan ng buong Samahan ng TINDAHAN PANTAWID NG SOLO SLPA at upang


maging maayos na ang mga nasabing problema ay nangako ang dalawang nasabing tao na BABAYADAN ang
mga nasabing nawawalang halaga/pera. At sila ay pumirma sa kasulatan na nag sasaad na magbabad sila. Kaya
napag desisyunan din na kusang aalis sa pagiging Presidente at kasapi ng TINDAHANG PANTAWID NG
SOLO SLPA si Gemma Marbella na sinang-ayunan ng lahat. Samantalang si Maribel Andal ay
napagdesisyunan na kusang aalis sa pagiging treasurer ngunit PATULOY pa ding kasapi ng TINDAHANG
PANTAWID NG SOLO SLPA na hindi naman sinang-ayunan ng lahat.
Nagtapos ang pagpupulong sa ganap ng ika- isa ng hapon.

JENIFER N. MAGMANLAC
NEW-APPOINTED SLPA-PRESIDENT 2022

You might also like