You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

OFFICE OF THE CITY PROSECUTOR


City of Manila

ROWENA LOPEZ OLGADO,


Complainant,
NPS DOCKET No.:
XV-07-INV-22K-04632
- versus –
For: Qualified Theft thru
Falsification defined and
penalized by the
Revised
Penal Code as amended

DIANNE JOYCE ANGELES LASCANO and


NICOLE ANN TORCULAS.
Respondents.
X-- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- x

SINUMPAANG KONTRA-SALAYSAY

Ako si, NICOLE ANN TORCULAS, nasa hustong gulang, Filipino at


kasalukuyang nakatira sa 224 Padre Rada St., Tondo, Manila, matapos
makapanumpa ng naaayon sa batas, ay malaya at kusang-loob na nagsasalaysay ng
mga sumusunod:

1. Na ako po ay isa sa mga respondent na hindi makatarungang kinasuhan


ni ROWENA LOPEZ OLGADO na diumano’y nakipagsabwatan kay
DIANNE JOYCE ANGELES LASCANO sa pagnanakaw sa kanyang
Lending Business ng halagang Php35,400,000.00. Ito po ay isang
malaking kasinungalingan at walang katotohanan dahil wala kaming
ninakaw na anuman mula sa negosyo ni ROWENA LOPEZ OLGADO
na halagang Php35,400,000.00. Ako ay naniniwala na ang pagsampa ng
kasong ito ay bilang paghihiganti lamang sa amin ni ROWENA LOPEZ
OLGADO dahil kami ni DIANNE JOYCE ANGELES LASCANO ay
umalis sa kanyang Lending Business at lumipat kami sa negosyo ng
kanyang pinsan na si MA. JEREMY LOPEZ BALDEMOR at kasama
namin ang aming mga kliyente na Loan Applicants.
2. Ako po ay dating agent ng LENDING BUSINESS ni Madam ROWENA
LOPEZ OLGADO at ang aking mga trabaho at responsibilidad ay ang
maghanap at magrekomenda ng kliyente o Loan Applicant. Wala po
akong tungkulin na magrelease ng utang o mangolekta ng kabayaran
mula sa mga kliyente ni ROWENA LOPEZ OLGADO at hindi po nila
ako pinagkatiwalaan sa bagay na ito.

3. Na aking itinatanggi ang bintang ni ROWENA LOPEZ OLGADO na


diumano ay gumawa ako ng krimen na QUALIFIED THEFT ng
kabuuang halagang Php35,400,000.00. Ito po ay walang katotohanan at
walang sapat na ebidensyang ipinakita si ROWENA LOPEZ OLGADO
para patunayan na ako nga ay nagnakaw mula sa mga Loan Applicants
ng kabuuang halagang Php35,400,000.00.

4. Unang-una, walang ipinakitang ebidensya si ROWENA LOPEZ


OLGADO ng STATEMENT OF ACCOUNT ng mga kliyente na
hinawakan ko sa LENDING BUSINESS niya. Wala rin silang
ipinakitang mga Disbursement Vouchers at Account
Collectibles/Demand for Payments na susuporta sa mga ibinibintang sa
akin ni ROWENA LOPEZ OLGADO.

5. Pangalawa, ang mga ipinakita lamang ni ROWENA LOPEZ OLGADO


ay mga diumano’y APPLICATION FOR LOAN ng mga Clients na
umamin daw na hindi naman sila nag-apply at na wala silang natanggap
na Loan subalit hindi naman nagpapatunay na ako nga ay involve sa
pagnanakaw ng halagang Php35,400,000.00.

6. Pangatlo, walang ebidensyang magpapatunay na ako ay gumawa ng


krimen na QUALIFIED THEFT dahil bagamat ako ay ahente ng Lending
Business ni Madam ROWENA LOPEZ OLGADO, ang tanging
tungkulin ko lamang ay maghanap at magrekomenda ng Loan Applicants
at wala sa akin ang tungkulin na mangolekta ng kabayaran dahil mayroon
pong sariling sistema na ginagamit si ROWENA LOPEZ OLGADO sa
paniningil sa mga transaksyon.
7. Na hindi makatarungan na ako ay sinampahan ng kasong QUALIFIED
THEFT sa napakalaking halaga na Php35,400,000.00 dahil napaka-
imposible po na sa loob lamang ng halos isang buwan ay makapagrelease
ng ganuong napakalaking halaga si ROWENA LOPEZ OLGADO
dahil wala naman po silang pinagkukunan kundi ang sweldo ng kanyang
asawa na pulis.

8. Na ang mga kliyenteng katransaksyon ko sa Lending Business ni Madam


ROWENA LOPEZ OLGADO ay wala namang reklamo laban sa akin
na hindi nila natatanggap ang mga inutang nila na naaprub at ni-release
sa kanila mismo;

9. Sa nasabing pangyayari, napakalinaw po na ang mga ebidensyang


ipinakita ni ROWENA LOPEZ OLGADO ay hindi makakatindig sa
anumang Hukuman ng ating bansa dahil unang-una ay hindi ito
sinuportahan ng mga Sinumpaang Salaysay o Judicial Affidavit na
magpapatunay sa katotohanan ng mga nilalaman ng mga nasabing
pagbibintang sa amin. Nakakapagduda rin at walang sapat na batayan o
computation kung paano nag-arrive si ROWENA LOPEZ OLGADO sa
kabuuang halagang Php35,400,000.00;

10. Na walang katotohanan na ako ay nagnakaw ng umaabot sa


napakalaking halagang Php35,400,000.00 mula sa mga kliyente ng
lending business ni Madam ROWENA LOPEZ OLGADO. Na sa
katunayan ay wala naman pong katibayan na ako ay kumuha ng ganuong
napakalaking halaga Php35,400,000.00;

11.Na ako ay humihiling na madismiss ang kasong QUALIFIED THEFT


laban sa akin dahil hindi naman po ako kumuha ng napakalaking
halagang Php35,400,000.00 mula sa mga kliyente ng Lending Business
ni Madam ROWENA LOPEZ OLGADO.
Na malabong ako ay makakuha ng ganoong kalaking halaga na
Php35,400,000.00 mula sa mga kliyente ng Lending Business dahil sa
hindi ko naman tungkulin ang magrelease ng Loan at mangolekta ng
kabayaran mula sa mga Clients ng Lending Business ni Madam
ROWENA LOPEZ OLGADO dahil may sariling sistema na
ipinapatupad siya sa kanilang clients.

12.Na aking ginawa ang kontra-salaysay na ito upang pabulaanan ang


akusasyon sa akin ni ROWENA LOPEZ OLGADO na diumano’y
krimen na QUALIFIED THEFT sa halagang Php35,400,000.00.

Na bilang patunay sa katotohanan ng aking kontra-salaysay ay akin itong


lalagdaan at susumpaan ngayong ika-___ng December 2022.

NICOLE ANN TORCULAS


Nagsalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this ___ day of December


2022

I HEREBY CERTIFY that I personally examined the affiant and that I am


satisfied that the affiant executed and understood her affidavit.

Assistant City Prosecutor

You might also like