You are on page 1of 186

1

to K. J. N. M.
dinnie, and nyx

Because some shit are still worth it

2
Recommended Pre-reading Listen: Hattie, Mychael Danna; Nothing’s Gonna Stop Us Now,
Starship; To Be With You, Mr. Big; More, Mychael Danna; Deep, Binocular; Kiss Me,
Sixpencenonethericher; Crazy For you, Madonna; When She Cries, Restless Heart; Don’t Stop
Believin’, Journey; I Could Not Ask For More, Edwin McCain

3
Parang Lumang Kanta
ni redvelde

4
Magaling tumakbo si Seulgi.

Kung hindi pa patunay ang sigawan ng audience sa stands sa palibot ng track oval, o 'di
naman kaya ang suportang dinadala ng highschool administration sa tuwing may
competition si Seulgi, ang mga medalya na't mga trophy na pumuno sa bawat shelf at pader
ng salas ng mga Kang ang magsisilbing undeniable proof.

Sa mga uri ng takbo, sa 100 meter hurdling isinasalta si Seulgi—400 meters din 'pag kailangan.
Sa highschool record sa bansa, sa sprint alone—wala pang hurdling—hawak niya ang average
na 39 seconds. Less than a minute—approximately 10-11 seconds for every 100 meter. Kung
sa hurdling, na dapat ay napapabagal siya ng bawat sampung talon sa hurdles, pinaka-
mabilis niya ang 10.5 seconds for a hundred meters.

Kang Seulgi is the Eastern Wind—Amihan. Mabilis, mabagsik, at gaya nga ng bansag ng mga
college scout at sports reports, "undeniably magestic".

Oo, magaling tumakbo si Kang Seulgi.

Amihan man sa mata ng kamadlaan, panimula ng habagat naman ang dala sa dibdib. May
diin at bigat na tanging boses lang ng Mama niyang OFW ang nakakapagpagaan.

Sa puso't isip ni Seulgi, mula sa murang edad na 6 years old, hanggang paglayag ng tagumpay
niya patungong highschool, Mama niya ang nagbubuhat ng mga paa niya pasulong.

Naaalala niya pa ang pasok ng boses ng Mama niya sa maliit niyang tenga noong unang beses
siyang tumakbo. Hanggang tuhod lang siya noon ng nanay niya:

"Anak, you are good at this. Do it. Shoot forward. Walang lingunan."

"Will it make you happy, Mama?"

5
"Ang alin?"

"Running."

At nang maisulong niya ang tagumpay niya hanggang highschool, sa maliit na speaker na
lang ng telepono ang pasok ng boses ng Mama niya dahil kinailangan na nito mang-ibang
bansa. Sa bawat compet ni Seulgi, hindi nawawala sa ritwal at orasyon ng mag-ama ang
pagtawag sa ulirang ina.

Mapa: mahinahong 'good job, anak', malambing na 'ang galing naman ng baby ko', o excited
na 'mag-send ka ng picture kay Mama mamaya, ha? Kasama trophy, Seulgi!', tumitingkad
agad ng samu't saring kulay ang lupang tinatakbuhan niya, langit sa ibabaw ng ulo niya, at
mga ilaw at tao sa palibot ng oval.

Picture.

Hindi nakakalimutan ni Seulgi mag-send. Hindi rin niya nakakalimutang kulitin ang tatay
niya na kuhanan siya. 49 na picture ang na-send niya na sa Mama niya. Binibilang niya. Dahil
sa bawat send niya, mas mabilis ang reply ng kanyang ina.

Sa araw na 'to, 5oth picture ang ipapadala niya. At sa isip ng isang 17-year old na Seulgi: mas
maraming trophy, mas maraming medal, at ginto dapat para mas malaki ngiti ni Mama.

Pero sa araw ng panlimampung takbo ni Seulgi, hindi na niya nakulit ang tatay niya.

Sa araw ng panlimampung takbo ni Seulgi, pilit niyang iniangat ang mga sakong niya mula
sa track para masilaya't mahanap ang tatay niyang dapat ay nag-ngangarag nang
siguraduhing tama lang ang pagkakatali ng sintas niya.

Kasabay ng strain sa mas malapad na bahagi ng mga paa niya, nasilayan niya ang tatay niya
at ganoon lang, nawala ang focus niya sa laro:

6
Walang itong imik na nakaupo sa may dulo ng bleachers sa unang palapag. Hawak nito ang
phone niya at malayo ang tingin—isang malaking kontradiksyon sa mga taong nagtatalunan
at naghihiyawan sa palibot niya.

Sa panlimampung takbo ni Seulgi, ang focus niya ay napunta sa imahe ng tatay niya. Kahit
pa noong nakausap niya ito't tinanong, umiling lang ito at binigyan siya ng thumbs up. Pero
naramdaman ni Seulgi ang balitang pinili nitong ipagpaliban.

"Seulgi," pagtawag ng highschool coach niya.

Itinaas niya ang tingin niya mula sa pulang sahig.

"Tatakbo ka na."

Sa panlimampung takbo ni Seulgi, dalawang bagay ang napurol sa pagbaba niya mula sa
unang talon, sa unang hurdle: kaliwang tuhod niya, at puso niya.

"Anak, makinig ka sa akin ha?"

Naaalala pa ni Seulgi, sariwa sa isip niya, ang ingay sa paligid niya nang hindi niya
magawang hilain ang sarili niya mula sa pagkakabagsak.

"Know that Dad is here for you, always. Always, Anak."

Naaalala pa ni Seulgi, kung paano niya hindi natapos ang panlimampung takbo niya.
Naaalala niya pa ang kirot sa tuhod niya.

"Just say it, Dad."

"Mom's gone, baby."

7
At sa panlimampung takbo ni Seulgi—sa araw na napurol ang tuhod niya, sa araw na binalian
siya ng karapatang tumayo—

—humusay pa siyang tumakbo;

Kumaripas papalayo;

At manatiling malayo.

//

Present Day.

"So, let me get this straight—" panimula ng official ng University na may halong kutya.
Kumikinang naman ang gold ng tag niyang Prof. Shin sa dibdib niya. Pinaikot pa nito ang
ballpen niyang mamahalin sa mga daliri niya habang hinahanap ang tamang mga salita: "This
is a project."

"Project?" pa-ismid namang sagot ni Coach Lee na sa tapat ni Prof. Shin nakaupo.

Itinaas ni Bae Joohyun ang paningin niya mula sa binder ng papel na bitbit niya at napatingin
ito sa Coach ng Women's Track Team na kahapon lang ay masaya namang pumirma sa
approval sheet ng research na gagawin nila. Inayos nito ang salamin niya nang obserbahan
niya pa pag-uusap na nagaganap sa may desk ng opisina.

8
"Baks, 'di ba mukhang pissed of si Coach Araw?" bulong naman ni Wendy sa tabi ni Joohyun.
"Dapat pa ba nating ituloy 'to?"

"Of course, we do. Research natin 'to," pabulong man, pero mariin na sagot ni Joohyun sa
katabi. Kibit-balikat niyang dinagdagan ng, "I mean? Pampa-graduate? Besides, isang pirma
lang naman natitira para matuloy natin 'yong data gathering. Nag-approve na si Coach Lee,
Prof. Shin na lang."

"Well, I hate to break it to you, pero mukhang alanganin tayo kay Prof. Shin. I mean—" sinilip
sandali ni Wendy ang dalawang propesor na mukhang kaunti na lang mag-susuntukan na,
"—mukhang may tension eh. Not the sexy kind."

"We'll make it work," positibong sagot ni Joohyun. "I'm sure Prof. Shin is a considerate man.
We'll breeze this through with our—uh, ano, charms."

Napasinghot si Wendy nang pigilan niya ang tawa niya. Napatingin naman ang dalawang
professor. Binigyan naman sila ng dalawang studyante ng malaking ngiti, kumpleto ngipin
with matching eye-smile—certified P.E.T. bottle.

Nang ituloy ng Coach ng Women's Track Team at Student Affairs Head ang pag-uusap nila,
pasimple namang siniko ni Joohyun ang kasama.

"Listen," simula pang muli ni Prof. Shin na may kasamang sambit, "I am sure your intentions
are great Coach Lee, I mean—sino bang ayaw na tumakbo ulit si Kang Seulgi? But you didn't
need to involve these kids in your little project para malagyan naman ng laban ang Women's
Team—"

"Sir," itinaas ni Coach Lee ang kamay niya at tinuwid ang pagkakaupo mula sa de-kwatro
niya kanina, "I came here to attest to my approval of these kids' research dahil alam ko na
pagdating kay Kang Seulgi, lumuluwag ng mga six inches yang belt ng pantalon mo sa
sobrang tensyonado mo, hindi para insultuhin mo ang team ko."

Itinaas ni Prof. Shin ang parehong kamay niya ng kaswal at may bahid ng pang-aasar. "You
didn't even let me finish, and you are aware of our arrangment with this particular athlete—

9
"

Itinaas ni Coach Lee ang kilay niya na tila ni-challenge si Prof. Shin na ituloy at sabihin ng
malinaw ang pareho naman nilang alam na.

"—Kang Seulgi will not run."

"Then empty her spot!" sagot ni Coach Sunny na itinaas naman ng kilay ni Joohyun.

"Ay girl," pasok na naman ng bulong ni Wendy kay Joohyun. "Kaya naman pala agad agad
tayong inaprubahan at sinamahan ni Coach, may agenda si Ate."

"Give my team a chance to have another player who actually runs! Kami ang nagsa-suffer sa
pandisplay niyo! Paano sila lalaban ng walang maayos na rilyebo? One player is everything
to a team," tuloy pa rin ang impromptu rant ni Coach. Humigpit naman ang hawak ni Joohyun
sa binder niya.

"—o 'di ba? Shooter si Coach. May shot, shoot," mungkahi pang muli ni Wendy.

"You mean opportunist?" mariing sabi ni Joohyun.

"'Yong hurdler namin, sprinter rin namin sa 400 meters—" at hindi pa nga tapos si Coach,
napa-masahe na si Joohyun sa ulo niya.

"—Coach Lee," may otoridad namang pasok ng boses ni Prof. Shin, "Kang Seulgi stays in the
team, and Kang Seulgi will not run. Walang magbabago sa arrangement. So, you can forget
about your little project. 'Di ba pasok ng new sem? Then magpa-try outs kayo."

"—excuse me."

10
Napatingin ang dalawang professor kay Joohyun na nakatayo na't nakataas ang hintuturo.
Hindi na nila napansin si Wendy na nagsimula nang mag-rap ng dasal sa tabi sa kaba.

"Mawalang galang lang po," simula ni Joohyun, at nang hindi sumagot ang dalawang kausap
niya, kinuha niya pa rin ang pagkakataon para lumapit sa kanila, "bakit po hindi pinapatakbo
si Kang Seulgi kung nasa team naman siya? Hindi po ba unfair 'yon?"

"And who are you? Friend of Miss Kang?" sarkastikong sagot ni Prof. Shin, mahina niya nang
sinundan ng, "retarded fans think she can still run."

Umiling si Joohyun. "Not really, I don't even know her personally. This is really just for
research, but I can't help but share a piece of my mind—"

"—who are you?" ulit pa ni Prof. Shin—mas mariin.

Itinuwid ni Joohyun ang likuran niya, at lubusan nang lumapit. "Bae Joohyun po, undergrad
po ako ng Human Kinetics. My group's research entails detailed information of athlete
rehabilitation post anterior cruciate ligament repair."

"Pardon, Miss Bae, none of the things you just said makes the matter at hand your business.
Drop Kang Seulgi, young lady. Leave my office," mabilis na sagot ni Prof. Shin. Ibinaling na
nito ang attention niya kay Coach Sunny na nakasandal nang muli sa upuan niya habang ang
buong bigat ng ulo niya ay salo na ng kamao niyang kaswal na nakapatong sa table.

Hindi umalis si Joohyun sa kinatatayuan niya. (Si Wendy naman nadaanan na ang buong
bibliya sa may sulok.)

"No," taas noong isinagot ni Joohyun. (Napa-review na rin ng mga na-attendan niyang homily
si Wendy.)

"Miss Bae, I will have you filed for a disciplinary offense. Drop Kang Seulgi."

11
Pinag-krus ni Joohyun ang mga braso niya; pumalag, "it is every bit my business, Sir, because
I just heard a high-ranking official of this supposed reputable institution talk shit about my
fellow student—Head of Student Affairs pa nga."

Isang mabagal na pikit mula kay Prof. Shin.

"So, if I have your attention now, correct me if I got this arrangement wrong: you do not, by
all means, allow Kang Seulgi to run, but she is in the team. Why?"

"Iha," napahinga na ng malalim si Prof. Shin. "She is—" panandalian itong napatingin sa taas
habang iniisip niya ang pinaka-maayos na pagpapaliwanag na pwede niyang gawin para sa
isang studyanteng gaya ni Joohyun, "she is a washed up athlete. We tried letting her run on
her first year, on the second, and we learned our lesson ngayon—on her third year here. She
can't even set foot in the track oval, much less look at the same shade of red the track is, which
by the way is the school color."

Kumunot ang noo ni Joohyun.

"A washed up athlete is like an old song—an idea that sounds good, people love to go back to
it, look up to it. Aspire to be it. Pero hanggang doon lang. Wala na siyang ambag bukod sa
nabigay niya na."

"So, that's it? Pandisplay lang si Seulgi?"

Napilitan nang tumango si Prof. Shin sa terminong piniling gamitin ni Joohyun. "If we let her
run, the world will see that there is nothing left there, but her presence serves its purpose.
Dumami ang enrollees noong finund ng University ang medication and surgery niya."

"But that's vile, Sir—I mean, money-making? All that publicity about her still being in
rehabilitation—"

"—are all a fluke. Fake. Peke," mariing linaw ni Coach Sunny na naubusan na ng pasensya.
"Gusto mo pa ng synonyms? Hindi ako mauubusan, iha."

12
Hindi na naitago ni Joohyun ang galit na mabigat na umupo sa dibdib niya. "I am sorry,
wait—and you are the adults?"

Habang natahimik ang dalawang professor, si Wendy naman napalakas na ang pagdadasal.
(Kulang na lang pati kay Satanas.)

"It seems to me like walang sumeryoso ng rehabilitation niya. Yes, you gave her knee back to
her, but you could care less if she still had the heart to even run again," nilapag ni Joohyun
ang binder niya sa mesa ni Prof. Shin, "the details say she should have run perfectly well on
the first year. Yes, she is the perfect candidate for our research, pero sa puntong 'to okay na
lang siguro kung hindi niyo po i-grant ang approval. Yes, even old songs can be rewritten, re-
expressed, Sir, pero ganito pala kayo dito."

Saka na lang ibinaba ni Joohyun ang ulo niya at umatras. "Sorry po. I apologize for
overstepping. We have to go."

Tumayo si Wendy na may buong pagtataka sa mukha, "ha? Saan tayo pupunta?"

Hinila ni Joohyun si Wendy para maibulong niya ng maigi ang susunod na mga salita,
"sumunod ka lang sa akin at bagalan mo paglalakad."

At bago pa mahawakan ni Joohyun ang door knob ng opisina ni Prof. Shin, tinawag siya nito:

"—wait, Miss Bae," buong bigat na sambit ng propesor.

One point for Bae Joohyun. Itinodo na muna ni Joohyun ang ngiti niya bago siya humarap ulit
ng tila may galit pa sa Head of Student Affairs.

13
//

Hindi ugali ni Seulgi na tangglin ang phone niya sa vibrate mode.

Kaya naman nang halos magtatatalon ang phone sa tono ng chorus ng Mamacita ng Black
Eyed Peas at sa lakas ng vibrate, nabulabog ang umaga niyang wala na sana siyang balak
kagisnan pa.

Iisang mata pa lang nabubuka niya nang sagutin niya ang agresibong tawag. "Hello?"

"Oy, bobo."

"Ligaya?"

"May iba bang boses na sing-ganda ng akin, insan? Yes! It is I! Ligaya ng Bayan in the flesh—pero
wait, hindi mo ako nakikita. Counted pa ba 'yong 'in the flesh'?"

"It's—" bahagyang umikot si Seulgi sa kama niya para masilip ang wall clock niya, "—seven
in the morning."

"Anuna? First day of the sem, you know the drill."

Napaikot na lang ng mata si Seulgi, "okay."

"Daming freshie kaya bilisan mo na't umupo dito. Para ma-horde natin sila. Katabi natin 'yong Poging
Chuwariwaps Club, medyo challenge at natatabunan tayo ng ingay nila. Alam mo ba na kinanta nila
ang Driver's License in full acapella, 1950s style. I can't say I hate it. Those boys can sure belt."

14
"Insan, ang aga."

"I know, right? Screw early Mondays. And I didn't even have breakfast yet!"

Napahinga na lang ng malalim si Seulgi.

"O, bilisan mo na. Sige na, chop-chop. Bilhan mo ako ng pancake sa McDo. Busy naman si Coach Araw
kaya 'di siya makakadaan dito, 'di niya ako masisita sa pagkain ko."

Pinutol na ni Seulgi ang tawag at napatitig ito sandali sa kisame nang subukan niyang
alalahanin kung anong ginawa niya kagabi. As usual, wala siyang maalala, at iisa lang ibig
sabihin niyan: lasing na naman siya kagabi. At tulad ng bawat kahapon, ganoon lang din,
bakante at puti ang kisame.

Nang mag-ring ulit ang phone niya at makita niya ang picture ni Ligaya, dalawang bagay at
least ang nag-occur sa kanya: una, si Ligaya malamang ang nagpalit ng ring tone niya, at
pangalawa, at least Ligaya (bukod sa daddy niya) sticks around.

//

Maingay, maliwanag, maraming tao. Overall: masakit sa kaluluwa ang dinatnan ni Seulgi na
eksena sa may entrance ng GenEd building kung saan naka-set up ang booths ng University
clubs and organizations.

Hindi niya na inalis ang shades niya at dinaanan na lang ang mga tatlo pang club na naka-
pwesto sa may entrance bago niya marating ang booth ng Women's Track. Iilang hakbang
lang dapat, pero milya-milya ang pakiramdam. Naririnig niya ang bulungan, ang kaswal na

15
banggit ng pangalan niya. Nakikita niya ang pasimpleng turo sa kanya. Ang pinaghalo nang
tawanan o paghangang walang laman.

Sa isip niya, naglalaro ang mga imahe at ala-alang walang mga linya—mga bagay na dati
niyang kinakapitan para dakutin ang bawat butil ng kahinahunan niya.

Pinili niyang dumiretso na lang sa booth, ilapag ang bag niya sa bench ng Track Team at
maupo. Saka na lang siya napansin ni Ligaya at nina Chewy, Saeron at Byulyi nang maitaas
na niya ang paa niya't maisampa sa bakanteng upuan sa harap niya.

Binati naman siya ng kaswal ni Chewy at Saeron na parehong mukhang bored na, si Byulyi
naman hinampas ang paa ni Seulgi para alisin sa bakanteng upuan. Pero si Ligaya na agenda
ang pancakes na pasalubong sa kanya, buong ngiti niyang ni-welcome ang pinsan niya.

"Gumaganda ang araw ko 'pag dumadating ka, Kang Seulgi," pabiro nitong bungad na may
kasama pang pagbukas ng mga braso na tila inaantay na yakapin siya ni Seulgi. Panandalian,
nalunod ang ingay, nawala ang nakahihilong dami ng kulay sa paligid.

Pinigilan ni Seulgi na iiling ang natitirang bahid ng pagkalunod, para na rin hindi kailangan
pang mag-alala ni Ligaya.

"Pfft. Pagkain lang habol mo," sagot naman ni Seulgi nang agawin sa kanya ni Ligaya ang
paper bag ng McDo mula sa pinsan. "Sumasaya rin wallet ko 'pag naaalala kong buhay ka."

Nag-kunwari na lang na nasaktan si Ligaya, pero agad naman nitong binuksan at ni-lafang
ang dala ni Seulgi na pagkain. "Ubusin ko na 'to at mahirap na. 'Pag dumating si Coach Araw
baka patakbuhin ako no'n ng sampu pang milya. Alam mo naman 'yon, walang araw na hindi
highblood sa 'yo. Baka mamaya kahit 'di niya ako feel parusahan, gawin niya 'pag napadaan
dito."

"Pero kailangan ka dito—" agad namang sabi ni Byulyi—ang designated responsible ate at
captain ng Track Team. Tinapik niya sa balikat si Seulgi. "Kaya maupo ka lang diyan."

16
Sanay na dapat si Seulgi sa pakiramdam, kahit naman mismong kundisyon kung bakit andito
siya sa unibersidad na 'to ay alaala ng maraming bagay na dapat tinatanggal niya na sa
sistema niya.

"Here comes the horde na nga eh," dagdag ng conyong si Chewy na finally mukhang
nabuhayan na. Agad siyang nagplaster ng pekeng ngiti para i-welcome ang mga freshie na
biglang pumila sa booth nila. Kumuha muna ito ng approval thumbs up kay Byul na nag-
approve na lang dahil 'di niya matagalang titigan ng higit sa tatlong segundo ang
praktisadong ngiti ng resident conyo ng grupo. "Hello, pangalan on the left column, please.
Don't forget to make sulat your numbers on the column sa right."

Sumunod naman ang mga freshman, na nagkumpulan para mag-sign up, at siempre, ang
main objective talaga nila ay ang makuha autograph ng record-holder na kaswal lang na
nakaupo sa booth, sa mata ng lahat: tila walang pakialam. Solb naman ang sophomore
babaerong si Saeron, dahil sa dami ng nasa pila, landi naman agad si bakla.

Halos dumugin ang booth, at si Seulgi naman, nagbibilang sa ulo niya at sinasabayan ng
maayos ng ritmo ng paghinga ang mga numero. Steady, Seulgi. Breathe.

Gaya rin ng bawat simula ng semester, hindi maiiwasan na may mang-ilang ilang
mangungulit talaga, at nang pagbigyan nga ni Seulgi ang isa, sunod-sunod na sila. Humigpit
ang hawak ni Seulgi sa ballpen sa kamay niya para malabanan ang nagbabadyang
panginginig ng mga daliri niya.

"Pwedeng makuha na rin number mo?" biro naman ng isa, na hindi naman napigilan ni
Ligaya na barahin.

"Hoy, 'di ba freshman ka?" tumango naman ang 'freshman', at nagkunwari na rin si Ligaya na
hindi naririnig si Saeron na mariin ang insistence na sophomore siya kaya pwede siya.

"Bago ka lumandi mag-aral ka muna. 'Pag puro uno grade mo sa loob ng 3 years saka ka
bumalik dito," sermon ni Ligaya. Kinuha niya ang ballpen sa kamay ni Seulgi at ginamit ito
para burahin ang pangalan nito sa listahan. "Uno ah? Flat dapat. 'Wag kang magpapakita sa
akin 'pag 'di mo 'yan na-achieve! Hanep na mga batang 'to. Layas!"

17
"You make kalma na, Ate Ligaya," sabi ni Chewy na nakaplaster pa rin ang smile sa mga
pumipirma pa. "It will not be good sa business natin when you bakod the display."

"Ay, Hesus, Panginoon, pagpahingahin nila ang display, dahil ang display hindi binibenta!"
mungkahi ni Ligaya tumayo at ginamit ang sign-up sheet na pambugaw ng langaw—este
mga uhaw na bakla.

"Pero ako, at ang pag-ibig ko sa 'yo, Ligaya, hindi magpapahinga," pasok ng isang boses sa
kabilang booth, na siya namang sinundan ng well-harmonized na acapella version ng I Want
It That Way ng Backstreet Boys.

Napatingin na lang ang Track Team at ang mga nakapila sa booth nila sa impromptu show
ng Poging Chuwariwaps Club, kung saan isang unanong gwapo ang pumusisyon sa gitna.
Umikot ng mala-Michael Jackson at nag-deklara pang muli lang ng walang kamatayan niyang
pagmamahal kay Ligaya sa pamamaraan ng mga rose petals na pinagsasaboy niya sa Track
Team booth. May matching choreography pa ang mga ka-Chuwariwap nito.

"Hindi ka pa ba tapos, Minseok?" agad na pagputol ni Ligaya sa acapella boys bago pa sila
makarating sa chorus. "Utang na loob, nadaanan niyo na buong discography ng Backstreet
Boys at wala pang tanghali. At baguhin niyo choreography niyo! Puro kayo sway to the left,
sway to the right!"

"Pero, Ligaya, mahal kita. Kakayanin ng puso ko ang mga salitang binabato mo sa akin, mahal
ko! Matatag puso ko! Tatatagan ko pa!" sagot ni Minseok na sinundan na naman agad ulit ng
Chuwariwaps ng Quit Playing Games with My Heart. Pero bago pa sila makakanta ng higit
sa apat na linya, tumayo na si Ligaya at tinakot sila ng monobloc chair kaya agad naman
kumaripas papalayo at bumalik sa booth nila ang mga ito.

Tahimik man si Seulgi sa sulok, nagpapasalamat naman siya sa ingay ng pinsan niya at ingay
na pumapalibot dito. Panandalian, nalimutan niya ang panginginig ng mga kamay niya. Sa
maliit na intermission ng kaguluhang Chuwariwaps at ni Ligaya, marahan ang pagpatak ng
paligid sa bote ng pagkatao niya.

18
Pero mabilis na bumaliktad ang panandaliang kapayapaan na pinilit buuin ni Seulgi nang
maya-maya lang, dumating ang Student Council President na si Kim Yerim na mukhang
pikon na pikon sa dahilan kung bakit siya napadpad sa booth ng Track Team.

"Bago ko sabihin ang kailangan ko sabihin—" umpisa ng disclaimer ni Yerim na may


matching kamay na nakataas habang nakatingin kay Saeron, "—hindi ikaw ang ipinunta ko
rito."

"Walang nagtanong," pabulong na sabi ni Saeron, na sinundan naman ng ubo ni Byulyi na


walang dahilan.

Masama ang tingin na ibinigay ni Yerim kay Byul. "Do-donate-an kayo ng Student Council
ng isang karton ng tubig para sa ubo mo. At ikaw, Kang Seulgi—" humarap si Yerim kay
Seulgi, "—pinapapunta ka sa office ni Sir Shin."

Napapikit si Seulgi. Huling beses na dumalaw siya sa opisinang iyon, sinabihan siyang 'mag-
keep in shape' para mukhang convincing ang rehabilitation niya. "Ngayon na?"

"Kulang ka na rin ba sa comprehension? Kailangan ko ulitin?" isang solid na ikot ng mata at


isang matalas na "stupid jocks" ang isinunod in Yerim.

Umiling na lang si Seulgi, habang ang apat na tanga sa tabi niya nagpipigil ng tawa.

Nang makalayo si Yerim, tawanan naman ang Track pwera kay Seulgi na nararamdaman na
ang bigat sa mga balikat niya.

"Next time kasi, Sae, lilinawin mo muna na casual lang. Wala nang lalala sa ginawa mo sa
tao," sabi ni Byul na halos hindi matapos ang sasabihin niya katatawa.

"Binigyan ko naman ng signs eh."

19
"Signs mo nguso mo, ulol," siya namang pagbatok ni Byul kay Saeron na mukhang wala
namang sineryoso sa mga salitang binitawan niya.

Kung sa usapin lang din ng signs, hindi inasahan ni Seulgi ang mga susunod na ganap sa
pahinang 'to ng buhay niyang monotonous. Sabi nga ni Ligaya 'pag may nagtatanong sa
kanila bakit madalas tahimik at suplada lang siya, "she gets by with grayscale."

At sa isip ni Seulgi, nasilayan niya ang langit sa bawat araw-araw. Napagnilayan niya sa loob
ng isang mabilis na minuto na matagal-tagal nang walang kulay ang kalangitan. Kaya siguro
hindi na dapat siya nagulat, na ang sign na matatanggap niya sa susunod na mga sandali ay
maliwanag at nakasisindak sa malamig na pananaw niya—tila araw.

//

"Charm our way pala ha? Charmed na charmed sila sa 'yo, baks," kabadong bulong ni Wendy
kay Joohyun habang inuudyok nito ang kaibigan na tignan ang nanlilisik na tingin sa kanila
ng dalawang propesor.

Halos mamilipit ang dalawa sa hindi maputol na titig ng dalawang nakatatandang nilalang
sa kabilang banda ng opisina. Buti na lang, sa pagpasok ng susunod na minuto, tatlong katok
ang bumasag sa namumuong tension na sa kanilang dalawa na nabaling (at ayon nga kay
Wendy, 'not the sexy kind').

Tempted naman si Wendy (na ang repertoire sa utak ay puro Disney movie songs) na
sumigaw ng 'go away' bilang coping mechanism at escape sa nakauubos-hanging sitwasyon
nila ni Joohyun.

"Come in," seryosong sagot ni Prof. Shin.

20
"You wanted to see me, Sir?"

Mabilis na naibaling ng dalawa ang paningin sa enigmatikong nilalang na, kung tutuusin,
unang beses lang nila talagang nasilayan ng higit sa tatlong segundo ng malapitan, at unang
beses lang din nilang narinig magsalita.

Madalas, ang isang Kang Seulgi ay walang pinapansin sa campus bukod sa Track Team.
Madalas, ang isang Kang Seulgi ay nababalot lang ng misteryo at 'di mapagkakailang pagka-
muhi sa maraming tao. Kaya naman, kung natahimik ang magkaibigang Joohyun at Wendy,
si Kang Seulgi lang din ang pwedeng sisihin. Metaphorically.

Sa utak ni Joohyun, pilit niyang ipinapasok ang image ng batang tumakbo sa edad ng 6 at
humawak ng Track Record sa murang edad ng 13 sa Seulgi na pumasok sa opisina—Seulgi
na tila bakante, blangko, Amihan... hangin lang. Hindi maiwasan ni Joohyun na tumitig.

Kita ang saglit na gulat sa mukha ni Seulgi ng masilayan niya ang Coach niya. Itinango niya
ang ulo niya panandalian, "good morning po, Coach."

Tumango naman si Coach Sunny, at isang 'di mawaring lalim ang puminta sa mukha nito
nang titigan ang atleta. Alam ni Joohyun, sign 'to. Sign ng pagbabagong pahina para sa Coach,
at kung sana, kay Seulgi na hindi rin naman binigyang pansin ang existence niya. Hindi rin
naman napansin ni Joohyun ang paghigpit ng kapit niya sa strap ng bag niya sa pagsubaybay
niya ng tingin kay Seulgi.

"Sit down, Kang," mahinahong request ni Coach Sunny na agad namang sinunod ni Seulgi.
Umupo ito sa tapat ng Coach.

"Miss Kang, we—" sumenyas naman sa lahat ng tao sa opisina bukod kay Seulgi si Prof. Shin
nang marinig nito ang ubo ni Joohyun na pangkuha lang ng attention niya nang marinig nito
ang salitang we, "as in Coach Lee, myself, and those two lovely ladies over there have an
arrangement for you."

21
"—not a proposal," paglinaw ni Coach Lee.

Hindi mapakali si Joohyun sa kawalan ni Seulgi ng reaksyon at sa kawalan rin naman ng


kulay ng mga salita ng 'responsible adults' sa sitwasyong 'to.

"Yes, not a proposal," confirmation naman mula kay Prof. Shin. "As you know, the university
games are quickly approaching and you know what that means, right?"

Sa pananahimik ni Seulgi, obvious na hindi niya naman nasusundan kung bakit siya
ipinatawag tungkol sa games. Habang nagtatagal ang obserbasyon ni Joohyun sa atleta,
lalong lumilinaw ang paghulma sa kanya ng sistema na idinikta ang role niya: no running;
stay put.

Walang imik na tinignan ng atleta ang Coach niya at si Prof. Shin. At nang walang nagsalita
para sundan ng paliwanag ang nabitiwang tanong ng propesor, naramdaman ni Joohyun ang
inip ni Seulgi. Malamang ito ang nag-udyok sa kanya na magsalita kahit ayaw niya, "I don't
know what that means."

Si Wendy na hindi sanay sa tensyon, napatawa na lang ng buong nerbyos, at saka lang
napatingin si Seulgi sa direksyon nila. Napalunok na lang si Joohyun na mas idealistic sana
ang nakitang direksyon ng usapang ito.

"These are students from Human Kinetics. Gusto ka nila tulungan para makatakbo ulit,"
paliwanag ni Prof. Shin, mabilis na bumaling ang tingin ni Seulgi sa kanya.

Mapanuya ang ngiting ibinigay ni Seulgi. Isang minuto pa halos ang dumaan, pero walang
nagsasalita. (Si Wendy na hindi mapalagay, nagbilang ng tupang tumatalon sa bakod sa ulo
niya. Naisipan na lang niyang hindi maging physically participative sa conversation na 'to.)

Habang si Joohyun, na unti-unting papalapit sa tuluyang pagka-dismaya sa kung paano


mismanaged ang sitwasyon hanggang sa huling sandali, walang tigil ang pag-tapik ng paa.

"That's cute, but I can't run," sa wakas ay sagot ni Seulgi. "I thought you said I am done

22
running."

Biglang tigil sa pagtapik ang paa ni Joohyun.

(At si Wendy, na apat na taong kilala ang kaibigan, iisa lang ang ibig sabihin no'n: hindi ito
magpapatalo, hindi mawawalan ng pag-asa.)

"It's not a proposal, Kang," pag-ulit ni Coach Sunny na tipid ang partisipasyon sa usapan.

"And I can't run," ulit lang din ni Seulgi ng mas mariin.

Nagpakawala na lang ng malalim na hinga si Coach at napatingin kay Wendy at Joohyun.


Isang pagod na 'I told you so' ang masasalamin sa mga mata niya. Si Prof. Shin naman,
mukhang may victory dance na sa utak niya na nag-transform na siguro sa isang full-blown
na alay dance nang biglang tumayo si Seulgi, akmang paalis na.

At hindi makuha ni Joohyun na tanggapin na lang 'yon.

"Thank you for the offer."

Sinundan ng tingin ni Joohyun si Seulgi na tahimik na sinampa ang bag niya sa balikat niya
at hindi na sila tinignan pa habang papunta ito sa pinto.

(Kung sa ibang araw at ibang tao ang nakasama ni Wendy sa sitwasyon na 'to, nakalabas na
si Kang Seulgi at mapipilitan ang research team nila na maghanap ng ibang prospect, worse
ay sa ibang school pa siguro nila dadayuhin. Pero Si Joohyun ang kasama niya.)

"I think you can run."

Sa sandaling 'yon, tahimik na pinagdadasal ni Joohyun na hindi naririnig ang puso niyang

23
nag-uumpisa na ng sariling ritwal sa dibdib niya.

Napatingin ang lahat sa kanya. Dahan dahan siyang tumayo, determinado ang mga mata. Sa
isip niya, hindi milagro na napatigil si Seulgi bago pa nito lubusang malapitan ang pinto, at
marahang lumingon sa kanya. Para sa kanya, sign ito ng pag-asa.

"Ayaw mo lang," dagdag ni Joohyun.

"Talaga?" natatawang sagot ni Seulgi. "At ano namang alam mo sa kaya ko o sa mga bagay na
ayaw ko lang gawin?"

Isa. Dalawa. Tatlo.

Tatlong saglit na pagninilay ang pinadaan ni Joohyun sa tanong ni Seulgi, at nang hindi siya
makasagot, Seulgi turns back around.

"I don't know," buong pagmamadali nasabi ni Joohyun.

Hindi na sila nilingon pang muli ni Seulgi, pero tumigil ulit ito. Iniisip ni Joohyun kung
nakikinig siya o gusto niya lang matapos lahat 'to.

"Siguro hindi ko alam kung anong hindi mo gustong gawin, o kung bakit ayaw mo gawin.
Pero alam ko kung anong kaya mo gawin."

Hindi gumagalaw ang atleta, kaya naman inudyok pa ni Joohyun ang sarili niyang habaan pa
ang monologue niya:

"Maybe other people look at you and they see your shell. Pero ibahin mo ako. I think you can
still be the runner you were before. You just need to let yourself be that person again."

24
Hindi naman kaila sa apat pang nasa opisina bukod kay Kang Seulgi ang pagtaas ng mga
balikat nito sa malalim niyang paghinga. At maya-maya lang, pinakawalan niya ito—mabagal
at puno ng bigat ng ilang kahapong hindi man alam ni Joohyun, alam naman niyang
naramdaman niya ng walang malinaw na paliwanag.

Umalis pa rin naman si Seulgi. Sinundan ito ni Prof. Shin ng isang mapangutyang, "I told you
she was a lost case."

Umiling si Joohyun, "I think pumayag siya," at humarap itong may mapanglaw na ngiti kay
Coach Sunny at Prof. Shin. "Kailan po first training ng Track Team?"

"Saturday."

Sa palagay ni Joohyun, magkukrus ulit ang landas nila ni Kang Seulgi; hindi, sigurado siyang
nag-krus na ang landas nilang dalawa, and being the way she is, it will perhaps stay that way.

//

"Tangina, Hyun," halos pahiyaw nang iyak ni Wendy.

"Umusad na ang Track Team sa panlimang drill nila, mga isang dosenang kindat na nakuha
ko kay Kim Saeron—utang na loob ayaw kong mapatay ni Yerim—tirik na rin ang araw,
please," reklamo ni Wendy nang sumilong na ito sa grand stand at iniwan nang tuluyan si
Joohyun sa may arawan. "Hindi magpapakita 'yon."

Napatanggal na rin ng salamin at punas ng pawis si Joohyun. Ayaw niyang umatras.


Pakiramdam niya, 'pag ginalaw niya ang paa niya ng kahit isang pulgada paatras, sinusukuan

25
niya kung anong nasimulan niyang ipaglaban sa opisinang puno ng pagka-makasarili.

"Isang oras na lang," isang ultimatum. Sa tagal ng pag-aantay nilang magkaibigan sa arawan
mula 7 ng umaga, hindi na rin siya sigurado kung para sa kanya o para kay Wendy ang mga
salitang binitiwan niya.

"Isang oras pero tatawagan ko na si Kuya Jack para masundo tayo."

Nilingon sandali ni Joohyun si Wendy para tumango. Mukhang nakahinga na rin ang
kaibigan sa pagpayag niya.

//

"Bilib rin ako sa fighting spirit ni Pretty Manang," ika ni Saeron na hinihingal pang tumabi
kay Ligaya na lumalaklak ng isang jug ng tubig.

"Pretty Manang?"

Sumenyas naman si Saeron sa direksyon ni Wendy at Joohyun sa may grandstand. Habang


nakasilong na si Wendy, sa arawan pa rin kung saan kitang-kita siya nakatayo si Joohyun.

"'Yong nakasalamin?" tanong ni Ligaya, pinigilan niya na ring sundan ng verbal description
ng matching manang skirt at blouse ni Pretty Manang.

Tumango si Saeron.

26
"Akala ko ba 'yong nakasilong type mo?" tawa ni Ligaya.

"Please, ano bang 'di ko type? Maganda siya kahit... nag-short 'yong fashion stage ng mga 80
percent," tawa na rin ni Saeron na nag-unat para bumalik pa ulit sa sampu pang round ng jog.

"Fair enough," sagot ni Ligaya. "I feel sorry for her though."

"'Di ba pumayag si Ate Seul?"

Umiling na lang si Ligaya. "Sampung taon itinakbo ng pinsan ko para sa Mommy niya. I doubt
one person she met for a day can change the fact that she's been grieving for what has only
been three years."

Nawalan ng kahit anong bahid ng pagka-kulit ang mukha ni Saeron nang tumango ito—
sumilip ang lubos niyang pag-intindi. "Minsan—minsan lang naman—I wish to see her run,
too. O kung imposible 'yon. Kahit makita na lang siya dito sa oval."

Kibit balikat na lang si Ligaya nang pumantay siya sa usad ni Saeron pabalik ng oval.

Ngunit bago pa sila lubos na makalayo sa water station at makapag-ipon pa ng pwersa


pasulong, napatigil rin sila agad.

"Sae?" hindi na nakasagot si Saeron sa pagtawag ni Ligaya, pareho na silang nakatitig sa


imaheng lumitaw sa may entrance ng oval.

Lumitaw na rin sa tabi nila si Coach Araw (at ng dalawa pang natitirang miyembro ng Track).
Nabitawan nito ang pito niya sa pagkagulat.

"At nagpakita din ang putangina."

27
//

"Ano? Lika na?" kung tutuusin, may fifteen minutes pa sila bago mag-isang oras. Sadyang
nainip na lang talaga siguro si Wendy.

Napasambit na lang si Joohyun. Gustuhin niya mang manatili sa oval at mag-antay, wala rin
namang maghahatid sa kanya pauwi dahil nagsabi na siya sa magulang niya na kila Wendy
na siya sasabay.

Akmang sisilong na si Joohyun para kuhanin gamit niya sa grandstand nang makarinig siya
ng hiyawan mula sa direksyon ng Track Team. Libo-libong onse ng bigat ang nawala sa puso
niya nang makita niya ang dumagdag pang panauhin sa bilang ng Track Team, at para
maudyok pa siyang ngumiti ng lubos—

"Wends! She's here!"

Napatakbo si Wendy sa tabi niya. "What the hell!"

Bakas ang excitement sa mukha ni Joohyun nang magmadali na itong kuhanin ang gamit niya
para makapunta sa lupon ng mga manlalaro. "Wends, tignan mo kasing mabuti! She is not
just here. Naka-training gear siya!"

//

28
"Ano? Tatakbo ka?" tanong ni Coach Sunny na useless rin naman ang effort na pigilan ang
nagbabadya niyang ngiti.

Nagkibit-balikat lang si Seulgi. Gusto niya sagutin Coach niya ng pabalang. Naka-jersey na
siya't lahat, tatanungin pa rin kung tatakbo ba siya.

"What changed your mind?"

Ang daming tanong.

Sasagot na sana si Seulgi, pero ang imahe ni Joohyun na papalapit sa kinatatayuan nila ang
napagtuunan niya ng pansin.

//

Pero hindi marami ang sagot.

"Shoot forward. Walang lingunan."

"Will it make you happy, Mama?"

29
"Ang alin?"

"Seulgi? Tatakbo ka na."

"Mom's gone, baby."

"At least 6-8 weeks post-surgery, but she can only start fully running in 8 months."

"We want you to run for us."

"She can't run."

"She's done running."

//

Napailing at napapikit ng sandali si Seulgi sa dami ng bagay na mabilis na umikot sa isip


niya. Napansin naman agad ito ni Joohyun, sunod na lang ang pagsikip ng hawak nito sa
strap ng gym bag niya.

"Um, hi," mahinahong pagtawag ni Joohyun.

Nilingon naman siya nito, at dala man ni Seulgi ang parehong blangkong tingin na meron
siya kahapon, ramdam naman ni Joohyun ang mas magaan na pakikitungo nito.

30
"I believe we weren't introduced well yesterday," simula ni Joohyun, sabay abot ng kamay
niya. "Bae Joohyun, 4th year, Human Kinetics."

Tumango si Seulgi, kinamayan si Joohyun, at nailang naman sa pag-ulit niya sa pangalan


niya, "Kang Seulgi."

"Joohyun na lang," nakangiting sagot ni Joohyun.

"Seulgi."

Napatingin na lang si Seulgi sa magkabilang banda ng oval. Hindi rin niya alam kung paano
ipagpatuloy ang usapan. Kahit kay Ligaya tipid rin naman ang salita niya, at default niya na
ang magsuplada. Dagdag pa diyan, hindi pa bumibitaw si Joohyun.

Kadalasan rin naman, ang mga ganitong interaction niya sa ibang tao, hindi nagtatagal ng
higit sa limang segundo, pero—

(Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.)

Mukhang mahina sa social cues ang maliit na taong 'to. "So? Anong gagawin natin?"

31
"Ah, oo nga pala!" napatawa naman si Joohyun at agad itong bumitaw, sakto namang
dumating ang hinihingal pang nilalang na nakilala ni Seulgi mula sa 'meeting' kahapon sa
opisina ni Prof. Shin. "Um—ano kasi, si Wendy pala."

Tumango si Seulgi sa kanya.

"Son Wendy," inabot ni Wendy ang kamay niya at ang kabila naman ay hindi-masyado-
pasimpleng nag-ayos ng bangs niya, "pero pwede na ring Kang kung gusto mo."

Siniko naman agad ni Joohyun ang kasama. "Um, weigh-in muna tayo? Kukuhanin muna
namin basics since I think matagal-tagal na mula nung last mo na takbo?"

Napapikit si Seulgi bago nakasagot. "Three years."

"H-ha? Three years?" kita at rinig ang gulat kay Joohyun, "kahit jog? Brisk walking?"

Umiling si Seulgi, "three years."

"Wow," mahinang-mahinang sagot ni Joohyun na napaayos ng salamin sa information na


dinisclose ni Seulgi.

Hindi naman maiwasan ng atletang pigilan ang ngisi niya sa reaksyon ni Joohyun.

//

32
Nagsusulat ng notes si Joohyun, mga limang metro ang layo kay Wendy na mukhang enjoy
na enjoy sa pagsusukat ng basic measurements ni Seulgi.

Naramdaman niya ang presensya ni Coach Sunny na lumapit man sa kanya, nakatingin
naman sa may gawing direksyon ni Seulgi at Wendy na mukhang nagsisimula na ng pag-test
ng reflexes ng atleta.

"'Di ko alam kung may magic ka o ano, pero kahit yang pag-apak niya dito sa oval, binuhay
niya dugo ng team. Hindi mo mapapaapak 'yan dito, much less look at the oval."

Napatingin si Joohyun kay Coach Sunny.

"I owe you an apology and a thank you, Miss Bae," napakunot ng noo si Joohyun, "napag-isip
isip ko lang kagabi, na sa loob ng tatlong taon na nasa team ko siya, hindi ko siya binigyan ng
kahit katiting na tiwala—"

Sinundan ni Joohyun ang tingin ni Coach. Nagsimula na ng minor stretching ang kaibigan
niya at ang atleta. Kulang na lang mag-zumba ang Wendy sa ipanamalas niyang level of
perkiness.

"I imagine the last time anyone showed her an ounce of faith was three years ago," humarap
na rin si Coach kay Joohyun at tinitigan niya ito diretso sa mata nang may ngiti, "until you
came along."

Hindi rin naman alam ni Joohyun kung anong isasagot niya. To her, it was a matter of heeding
a sense of justice. Pero noong umpisa 'yon, at ngayon...

//

33
"Ano sa tingin mo?" bulong ni Wendy kay Joohyun.

Pareho silang nakatingin kay Seulgi na halos 20 minutes nang palakad-lakad sa harap ng
water station. 20 minutes na rin ang nakalipas nang sabihin ni Wendy sa kanya na kailangan
niya mag-jog ng kahit isang lap sa oval.

"Hindi ba malinaw instruction ko?" pahabol ni Wendy, "baka pagkakaintindi niya sa akin
'yong laps eh—" itinuro ni Wendy ang konkretong espasyo sa harap nila "—dito lang?"

Napamasahe ng noo si Joohyun. "Tingin ko naman nagets ka niya, pero—"

Malalim ang kunot ng noo ni Seulgi, at sa tagal na tinititigan siya ni Joohyun ang atleta,
nakakabisa niya na ang buhat ng paa nito, ang galaw ng tuhod niya, ang bahagyang pag-iling
niya at pagtigil sa tuwing mukhang tapos na siya bumwelo.

Pati na rin siguro ang anggulo ng mga braso ng atleta na nakapamaywang, at ang—

"—wait, Wends, tignan mo siya."

"Girl, 20 minutes na natin siya tinititigan. Akala ko nga ritwal na 'to. Lipat-energy ritual,
ganyan."

"Shh! Tignan mo kasi. I just noticed it, pero look."

"Anong titignan ko? Solo ko na 'yan sa titig mula kanina. May konting tsansing pa."

"Wends, kasi!"

34
"Katawan?"

"Jesus, Wendy!"

"Ano kasi!"

"Kilos niya kasi. Tignan mo," at hinila na nga ni Joohyun si Wendy, hinawakan ito sa may
magkabilang banda ng ulo, "tignan mo body language niya."

Sandaling natahimik si Wendy, at sa pag-relax ng balikat niya, alam ni Joohyun na nagets na


rin siya ng kaibigan. "Siempre, sorry, akala ko body lang, pero, oo. I get it. Nakatungo siya."

"Exactly, nakatungo siya. She has yet to look at the oval."

"Ilang buwan nga meron tayo bago ang compet?"

"Four months."

Napapito na lang si Wendy sa implication ng 'body language' ni Seulgi. "This is going to be a


lot of work. So, anong plano?"

//

35
Simpleng-simple lang naman ang conversation noong hiningi ni Joohyun na unti-untiin si
Seulgi. Specifically: hiningi niya kay Coach Sunny na huwag muna paapakin ang atleta sa
oval—at least sa pulang materyal ng oval; hanggang konkreto lang muna siya o 'di naman
kaya ay sa water station.

At ang conversation naman in question dumaloy lang sa ganitong paraan:

"Eh, Coach Lee—"

"—Araw."

"Ha?"

"Coach Araw na lang, Miss Bae."

"Ah okay—eh, may hihingin po sana ako tungkol kay Seulgi."

"Okay, approved."

"Ha?"

Nilatag na rin ni Joohyun kay Coach Araw ang itatakbo ng rehabilitation plan ni Seulgi.

Mayroong silang four months bago ang first competition ng isang Kang Seulgi; sa mas
detalyadong terms: sixteen weeks; sa female terms naman for a very much female team
working on an undeniably female athlete: apat na regla.

"Tangina, apat na regla lang 'to, bakla," pag-ulit pa ni Wendy na siya naman halos ikalugmok
ni Joohyun.

36
Sa medyo tarantang utak ng isang Bae Joohyun: kung ang sangkatauhang non-female ay
merong 365 days sa isang taon, sa kababaihan, isang maikling 'isang dosenang regla' lang ang
isang taon, so what is four months but just four menstrual cycles?

But stop—si Joohyun ang usapan dito, kaya naman ang word of focus ay: halos.

Napahinga lang ng malalim ang babaeng laking-Bonakid, at kasabay ng pag-exhale, nilabas


na rin niya lahat ng probable seed of negativity sa pagkatao niya at tinignang muli ang ginawa
nilang plan.

Phase 1: operation pabalikin ang bagsik ng katawan ni Kang Seulgi. Sa presentation nila nito kay
Coach Araw, nanlaki ang mata ni Joohyun ng bahagya sa title dahil hindi siya na-orient ni
Wendy sa kung anumang titles ang napag-isipan niyang isulat. Mabilis ang pagturo ni
Joohyun kay Wendy na shameless ang tugon na hair-flip. Proud si bakla.

Phase 2: and now we are actually moving her god-given legs. Napa-facepalm na lang si Joohyun.
Bakit nga ba si Wendy ang pinag-isip at pinagsulat niya ng titles? Jogging. Pwede namang
jogging lang ang title.

Phase 3: faster, baby. Sa puntong 'to, kung pwede lang hukayin ni Joohyun ang polyurethane
na materyal ng track oval at ibaon ang sarili niya sa ilalim, ginawa niya na. Buti na lang sport
si Coach Araw at humalakhak na lang siya. Kung normal na lang sana ang partner niya sa
data gathering, pwede naman isang normal na running ang title ng last leg ng rehabilitation
ni Seulgi.

//

37
Phase 1: operation pabalikin ang bagsik ng katawan ni Kang Seulgi

Also known as: the cardiorespiratory excercises montage

In normal terms, weight training at overall muscular condition ni Seulgi ang focus. Simple
enough: cardiorespiratory exercises (not involving running for now) at muscle workouts.
Hindi naman overhaul ang part na ito dahil according to Wendy (with matching kilig-tawa),
in excellent condition naman si Seulgi. Kailangan lang ng konting refinement, and with visual
confirmation (at kasama na ring lunok), agree naman ang baklang Joohyun.

Relatibo namang smooth sailing ang workouts, or rather—nagiging smooth lang 'pag nasa
mood si Seulgi. Kapag wala, samu't saring tactic ang ginagamit ng dalawang student ng
Human Kinetics para lang masustain o makuha ang tamang mood ni Seulgi. Pati pa pagkanta
ng nursery rhymes habang nag-eehersisyo ito.

Excercise 1: jump ropes. Basic naman kaya hindi na nila binigyan pa ng sample si Seulgi. Agad
naman itong nag-jump ropes at nakatapos naman ng healthy number for 8 repetitions. The
conclusion so far: nasa sistema niya pa ang atletismo.

Apir naman ang dalawang bakla. So far, so good.

Excercise 2: jumping jacks. Medyo kinabahan naman ang dalawa nang hindi agaran ang
response ni Seulgi.

"Jumping jacks na, Seulgi."

Hindi man ito nagbigay ng kahit anong uri ng confirmation, pumunta naman ito sa may
benches at nag-extend at flex ng kaliwang hita. Akmang pupuntahan siya ni Joohyun para i-
check ang tuhod nito, saka lang ito nagsalita.

"I was just checking," simpleng sabi nito, sabay taas ng isang kamay—senyas na ayaw niyang
magpalapit. Bumalik rin ito agad at sinimulan na ang jumping jacks.

38
Habang abala si Seulgi at Wendy sa tamang form na dapat nitong consistently gawin sa
ehersisyo, naglabas ng maliit na notebook si Joohyun at nagsulat ng isang maliit na paalala:
she doesn't like being pitied.

Exercise 3: burpees. Todo bigay naman ang Wendita sa pagsasample ng burpees. Tinitigan lang
siya ni Seulgi sa unang sample. Kaya naman nag-ulit pa ng mga tatlong beses si Wendy, to
which pareho lang din na naman ang response ni Seulgi—nothing, nada, blangko.

Makakasampu na sana si Wendy nang biglang may lumipad na headband sa direksyon ni


Seulgi. Sinundan ng tingin ni Wendy at Joohyun ang pinanggalingan ng slingshot a la headband
at isang umiiling na Ligaya ang sumalubong sa paningin nila. At nang ibalik nila ang atensyon
nila sa atleta, nakita nila itong nagpipigil ng tawa bago simulan ang burpees flawlessly.

Shookt naman ang peg ni Wendy na naglagay pa ng kamay sa dibdib at napasimangot, "I feel
played," pero siempre agad naman itong napalitan ng ngiti at kaunting tawa na akala mo
pang-panahon ng Kastila't with matching pamaypay. "I like it."

Tinignan lang ng masama ni Joohyun si Seulgi na lubos nang nakangisi. Gigil man at lahat,
nilabas ulit ni Joohyun ang notebook niya at nagsulat: playful.

Exercise 4: ...

"Exercise 4?" napatanong na rin si Joohyun, bakas ang pagtataka habang nakatingin kay
Wendy. "May exercise 4 ba tayo sa cardio?"

"Zumba," mabilis na sagot ni Wendy with matching pamaywang pose. "Mang Roger! Music!"

Napatingin naman lahat sa may PA system sa North Upper Box kung saan ang matandang
custodian ng track oval na si Mang Roger ay nagplay ng zumba remix ng Nothing's Gonna
Stop Us Now.

Tinitigan lang sila ni Seulgi, walang bahid ng kahit anong uri ng tuwa. Habang nagwawarm-
up na ang self-proclaimed na 'Unstoppable Wendy', tuluyan nang nag-walk out si Seulgi.

39
Ibinaling na rin ni Joohyn ang inis niya sa kasama't tinignan ito ng masama.

"What?" tanong ni Wendy. "Just trying to be creative."

At sa katapusan ng dapat ay zumba day, natutunan nila kay Ligaya na hindi sumasayaw si
Seulgi. Isang malaking robot daw ang pinsan niya at 'pag pinasayaw siya wala raw
pinagkaiba sa mga kawayan 'pag may bagyo.

Nilabas ni Joohyun ang notebook niya: budol. Hindi ako naniniwala.

//

Phase 1 pa rin.

The pagkain/cafeteria montage.

Pinagtiyagaan ng dalawa na pahabain na lang ang workout hours ni Seulgi. Bukod pa riyan,
naghanda sila ng diet plan niya na sabi ni Ligaya kailangan tutukan dahil malakas raw
kumain si Seulgi. Kaya naman paminsan, minabuti na ng dalawa na dalawin ang cafeteria
base sa bakanteng oras ni Seulgi.

Atleta man, isa pa ring Arts Major si Seulgi, kaya sa third year niya, kakaunti na lang ang
bakante niya. Tatlo sa isang linggo. Ang bakante niya sa unang araw, kinuha na ni Wendy, sa
pangalawa, napakiusapan nila ang pinsan nitong si Ligaya, at sa pangatlo si Joohyun na ang
umako.

40
Approach a la 'Unstoppable' Wendy:

"Ah eh, Seulgi," napakibit ng balikat si Wendy sa effort nitong pag-mukhaing hindi big deal
ang pakikiusap niya when in truth big deal talaga dahil puro carbs ang nilagay ni Seulgi sa
tray niya. "Ano kasi, 'di ba 'yong carbs mo, dapat on training days lang marami?"

Hawak na ni Seulgi ang pang-apat na muffin. Tinitigan niya si Wendy. Tapos ang muffin.
Tapos si Wendy. Nagkibit-balikat ito at nilagay ang muffin na hawak sa tray ni Wendy at
naglagay pa ng isa pa.

"Hati tayo?" buong ngiting alok ni Seulgi.

Hagikhik naman ang Wendy. "Ay, ikaw talaga, thank you."

Siempre, nang ibalita ito ni Wendy kay Joohyun kinagabihan, isang makabasag-eardrum na
sermon ang nakuha ni 'Unstoppable' Wendy na nagsisimula pa nga sa isang solid na solid na,
"AT NAGPALANDI KA NAMAN!"

Na siya namang sinagot ni Wendy ng, "I'm sorry, Ma, marupok ako! I am not perfect!"

At sa notebook ni Joohyun: malandi ang hayop.

Approach a la Ligaya (a.k.a. the walang-pakialam-na-pinsan approach):

"Oy bobo! Bakit ang dami mong keso sa pasta? Bawasan mo, depungal!" aagawin na ni Ligaya
ang pinggan pero mabilis na tumalikod si Seulgi, at hindi na nito inantay na makaupo siya sa

41
table niya. Halos higupin niya ang spaghetti para wala nang maagaw si Ligaya.

Report naman agad ang Ligaya sa nag-ngangalit nang Joohyun. Nanggigigil nitong sinulat sa
notebook niya ang mga katagang: matigas ang ulo!!!

"Malas mo lang dahil mas matigas ulo ko," halos ipanata ni Joohyun sa salamin with matching
fist pump.

Approach a la Joohyun (a.k.a. It's Joohyun, bitch)

Ulo ni Seulgi ang unang sumulpot nang sumilip ito mula sa may likod ng column sa cafeteria.
Isang security measure; sinisigurong walang gwardya sibil ang kanyang dapat ay matiwasay
na lunch.

At nang wala siyang mapansin na kahit sino mula sa Women's Track o kaya sa dalawang
researcher, nakatawa pa ito at excited na umupo sa usual table niya. Pero nang mailapat niya
na ang tray niya sa ibabaw ng lamesa, isang Wild Joohyun ang biglang sumulpot mula sa
ilalim ng table niya, bahagyang napatalon si Seulgi mula sa kinauupuan niya.

Dinukot ni Joohyun ang slice ng chocolate cake ng buo mula sa platito niya sa tray—

—at kinain ito ng isang subuan. Hygiene be damned.

"Boom! Ano ha!" paghamon kay Seulgi ni Joohyun na puno pa ng chocolate ang pisngi't bibig.
"Akala mo ah! Salad ka ngayon at chicken—"

Hindi na nakapagsalita't nakagalaw si Seulgi. Napatitig na lang ito kay Joohyun at sa nilalapat
na nitong baunan na may salad at grilled chicken sa harap niya. Dumukot na lang ito ng
puting tissue at inabot kay Joohyun, kinaway pa niya ito ng konti, tila tanda ng kanyang

42
surrender.

Kaswal lang na tinanggap ni Joohyun ang tissue at determinado nitong binantayan si Seulgi
kainin ang ginawa niyang baon habang pinupunasan ang sarili niyang bibig.

Nang sigurado na si Joohyun na paubos na ang handa niya para kay Seulgi, kinuha nito ang
notebook niya mula sa bulsa ng sweater niya at nagsulat: she smiled today. It was a pretty smile.

//

Phase 1 pa rin.

The workout montage.

Nag-sstretch si Seulgi, naghahanda para sa hinandang muscle workout routine ni Wendy at


Joohyun para sa kanya ngayon, nang lumapit ang malanding Saeron at inabutan ng fresh na
bimpo si Joohyun.

"Hi, Miss Joohyun, ito o—" pag-alok ni Saeron, "mainit ngayon eh."

Natatawa namang tinitignan ni Chewy at Byulyi ang interaction ng dalawa. 'Di na rin nila
napigilang magbiro ng tanggapin ni Joohyun ang bimpo.

"Pagpasensyahan niyo na 'yan, Miss Joohyun," simula ni Byulyi, "lahat lalandiin niyang isang
'yan."

43
"Yeah, even manangs," dagdag ni Chewy na dahilan naman para mabilaukan si Wendy sa
iniinom niyang tubig. "I mean, no offense ha, because you're like a pretty manang naman eh—
a very pretty manang."

Hindi nakapagsalita si Joohyun sa description. Pilit nitong itinago ang naramdamang halo ng
pagka-ilang at inis.

"Hindi naman ako mukhang manang ah," sabi ni Joohyun.

Sinagot naman ito ni Chewy ng, "oh, sure. If you think so, Miss Joohyun."

"What? Hindi naman ah!" pag-ulit pa ni Joohyun, na tinawanan na ng grupo. "May


nagkakagusto rin kaya sa akin!"

"Oo, meron," simula ni Wendy, "type na type ka 'ka mo ni Mang Roger. Naaalala niya siguro
sa 'yo nobya niya no'ng highschool siya."

Napatingin naman ang grupo kay Mang Roger na sumisimple nga ng tingin kay Joohyun, at
nang mahuli nito ang tingin ni Joohyun, kumaway pa ito ng marahan na may pa-wave pa ng
mga daliri habang malaki ang ngiti.

Tawanan ulit ang grupo, habang si Joohyun nanlisik ang mga mata. As usual, hindi
nagpatinag. Todo pa rin ang depensa sa agenda niyang hindi raw siya manang.

At habang abala sila sa kaguluhang Joohyun x Roger Forever, wala nang nakapansin kay Seulgi
na siya namang sumimpleng titig sa manang in question. At nang hindi niya mapigilan ang
namumuong ngiti, tumalikod na ito at sa direction ng oval nag-stretching.

Oo, taas-noo niyang hinarap ang oval.

Maya-maya nama'y mamatay na ang ingay ng tawanan sa pagdating ni Coach Araw,

44
sinimulan na ni Joohyun at Wendy ang muscle workouts ni Seulgi na inorient naman nila sa
kanya sa pamamagitan ng isang chart kung saan minamarkahan nila ang progress niya:
dumbell lunges, regular situps, at bar pull ups.

Muscle workout 1: Dumbell lunges.

Simple lang. Pahahawakin si Seulgi ng 2 kilo dumbells si Seulgi sa magkabilang kamay


habang nagla-lunges. At pag successful siya sa repetitions niya ngayong araw, dadagdagan
ito ng 2 kilos each every time.

Ang resulta: isang uhaw na Wendy ang binuhusan ni Joohyun ng isang jug ng malamig na
tubig.

Muscle workout 2: regular sit-ups.

Inangkin na ni Joohyun ang bantay nito. Ang katwiran ni bakla, diskumpyado siya sa level of
strictness ni Wendy. Baka raw hindi masunod ang tamang form and as a result, ang targeted
muscles.

Pero ang baklang Wendy, motto ng Lola niyang nagkataong close siya ay: lintik lang ang
walang ganti. Kaya naman, itinuro ni Wendy ang tamang paraan ng pag-assist ng sit-ups kay
Joohyun. "Harap ka sa kanya tapos hawakan mo mga paa niya."

Si Joohyun naman na persistent, enthusiastic and idealistic, kibit-balikat, luhod naman sa may
harap ng mga tuhod ni Seulgi at hinawakan ang mga paa ni Seulgi para hindi ito umangat.
At sa unang situp pa lang, muntik mapaatras si Joohyun sa lapit ng mukha ni Seulgi nang
mabuo nito ang upo.

Ganito ang position ng dalawa hanggang makabuo ng 8 reps si Seulgi na may 10 sit-ups each.
Hindi naman lingid sa panginin ni Wendy na nakaupo sa may benches, tanaw ang likod ni
Joohyun, na namumula na ang mga tenga ng kasama niya.

45
Pagkatapos ng sit-ups, inalok niya ng malamig na tubig si Joohyun, "tubig? Parang naiinitan
ka eh."

Muscle workout 3: bar pull ups.

Instructions: isasabit ang legs ni Seulgi sa nakaangat na bakal na bar, tapos kailangan niyang
hilain ang upper body niya paakyat. 10 pull ups, 8 reps.

10 pull ups.

8 repetitions.

Pagkatapos ng 2nd round of repetitions, dinukot ni Joohyun ang notebook niya mula sa bulsa
niya at nagsimula ulit magsulat: note to self: kumalma ka.

And for the rest of what remained, minabuti na ni Joohyun na ipaubaya na ito kay Coach
Araw na mala-agila ang mga mata sa likod ng sunglasses niyang korteng puso. Mga sampung
pekeng ubo na rin ang natanggap ni Joohyun mula sa Coach sa 1st at 2nd reps.

//

Lumipas ang ilang araw ng phase 1 ng matiwasay. Habang tahimik ang track oval, si Joohyun
naman parang may ipo-ipo sa utak sa pag-aalala sa schedule. Ayaw niyang madaliin si Seulgi,
pero mula sa perspective niya, hindi pa nakakaapak pang muli ang atleta sa track at papalapit

46
na ang phase 2 schedule nila.

Binatak ng kaunti ni Joohyun ang leeg niya para masilip mula sa likod ng printout ng schedule
si Seulgi na kasalukuyang stretching at warm-up ang inaatupag kasama si Wendy.

Pagkatapos ng mang-ilan-ilang burpee mula sa usual routine, mukhang nag-alok na naman


ng zumba ang Wendy dahil hindi na naman maipinta ang mukha ni Seulgi, habang tawanan
naman sila Byulyi. At 'di na rin niya napansin, napangiti na siya sa eksena.

Dapat peaceful naman ang buong oras ng Women's Track sa araw na 'to, lalo na't papalapit
na ang compet. Pero dahil nga papalapit na ang games, hindi na rin kataka-takang nagkaroon
ng aberya.

"What! What do you mean mababawasan oras namin!" pasok ng boses ni Coach Araw na
halatang napalakas.

Naalarma naman si Joohyun at agad itong napalingon sa may benches sa likuran kung saan
nagpakita na rin ang Prof. Shin, at mukhang nagpakita lang din para painitin ang ulo ni
Coach.

Hindi naman sinasadyang makinig ni Joohyun dahil sadyang siya ang pinakamalapit ang
kinatatayuan sa dalawang propesor na obvious na malapit nang magbawasan ng ngipin, pero
ang bottomline: babawasan ang oras ng Women's Track sa oval dahil nagrequest ang Men's
Track na bigyan sila ng mas maraming oras. Why? Mas may pag-asa naman daw sila manalo.

Sa tabi niya, unti-unti nang nagkukumpulang ang ibang miyembro ng Women's Track.

Uminit agad ang tenga ni Joohyun sa inis. Umpisa pa lang, hindi niya na gusto si Prof. Shin,
at ngayon na idadagdag mo ang 'sexist' sa listahan ng napakagandang characteristics niya,
tila cartoon thermometer nang nag-overheat ang Bae Joohyun. Bukod pa diyan, hindi pa
naiwasang ilagay ng hayop ang pangalan ni Seulgi sa bibig niya:

"Balita ko naman malapit nang tumakbo si Kang Seulgi. So, may star athlete ka nang back in

47
the works. See? Nothing to be afraid of."

Kung akala niya ba, hindi pa nakakalimutan ni Joohyun ang paghalintulad ng propesor kay
Seulgi sa isang lumang kanta, na hanggang hangad na lang ng publiko ang atleta. No, hindi pa
siya nakakapagpatawad.

Kaya naman, sa milya-milyang itinakbo ng mga ideya sa utak ni Joohyun, iisa ang nanaig.

Napalingon siya't napahanap ng isang matandang malanding custodian na sa mga oras na 'to
ay sigurado siyang naglilinis pa.

//

"Are you a moron? O sadyang gago ka lang?" nakatayo na sa tip-toes niya si Coach Araw.
Malaki man ang laki ni Prof. Shin sa kanya, mas mayaman naman siya sa fighting spirit.

At kung may isa pang nag-uumapaw sa fighting spirit sa current circle of people sa loob ng
oval, si Joohyun 'yon.

Kaya dapat siguro hindi na gaano nagulat ang bawat nilalang sa track oval nang biglang
sumabog ang isang lumang kanta sa speakers ng oval.

(At dahil Don't Stop Believing ng Journey ang tumutugtog, mungkahi naman ni Wendy na
akala niya umabot sa oval 'yong kapitbahay nilang tambay na gabi-gabi nagko-concert.)

Napatakip sila ng tenga, napatingin sa may PA booth sa North Upper Box, at doon nga nila

48
natagpuan ang imahe ng isang Bae Joohyun na nakataas ang kilay. Isang kamay niya nasa
bewang niya, habang ang isa ay mukhang nakalapat pa sa panel ng PA booth.

"Are you crazy, Miss Bae!" sigaw ni Prof. Shin. "Iha, hinaan mo 'yan!"

At lalo lang tumaas ang isang kilay ni Joohyun. Ibinaba nito ng kaunti ang katawan niya at
nagsalita sa microphone sa PA booth. Pumasok ang boses niya sa megaphones ng PA system
pagkatapos ng nakabibinging feedback, "ha? Hindi ko marinig!"

"I said: hinaan mo 'yan! Masyadong malakas!"

Itinaas ni Joohyun ang isang kamay niya at inilapat sa isang tenga niya—sumesenyas at
nagkukunwaring hindi maintindihan si Prof. Shin. "Laksan? Yes, Sir! Lalaksan ko pa—" at
pinatay niya ng panandalian ang PA "—para mabingi kang hayop ka."

At nilaksan pa lalo ni Joohyun, dahilan naman para magtawanan nang lubusan ang Women's
Track, mapikon si Prof. Shin, at palakpakan ni Coach Araw si Joohyun.

Nang matagumpay na mapalayas si Prof. Shin ng wala sa oras, nagpanggap naman si Joohyun
na tumanggap ng award sa palakpakang binigay sa kanya ng Women's Track Team.

Habang tuloy ang tawanan nila nang makababa si Joohyun para sumama sa mini celebration
nila sa baba ng track, bagong mga mata naman ang isinulyap kay Joohyun ni Seulgi na sa mga
oras na 'yon ay hindi pa makaapak sa pulang sahig ng oval.

Sa isip ni Seulgi, iba si Joohyun. Ibang-iba.

//

49
Approximately a day past phase 1.

Suspicious.

Kaduda-duda.

Hindi kapani-paniwala.

Tinitigan na lang ni Seulgi ang cheesecake na dapat nadukot na ni Joohyun. Sa bilang na


linggo at mga araw na nananakawan siya ng biglaan, isang malaking surprise ang fact na buo
pa ang dessert niya at nakapatong ng matiwasay sa platitong nasa harapan niya.

Napalingon na siya sa magkabilaang banda ng main cafeteria pero walang kahit anong sign
ng dakilang bantay ng diet niya. Napasambit ito.

Pinabalot niya na lang ang cheesecake, umorder ng kape at tinext si Wendy.

//

"Tangina," napabuntong hininga si Joohyun.

Tuluyan na rin nitong ibinagsak ang ulo sa usual table niya sa cafeteria. Wala na rin siyang
pakialam kung magmarka ang ink ng nakalatag na schedule sa noo niya. Dalawang schedule

50
to be specific. Wala pang 5 minutes niyang tinitignan ang parehong timetable, gusto niya nang
umiyak.

Key word: gusto.

Siya man si Joohyun, ang tunay na unkabogable, her body was starting to say otherwise.
Kakatanggap niya lang din ng message mula sa transcriber at encoders nila sa grupo na kung
ayaw nila mag-gahol, kailangan na nila magbigay ng data from interviews. After all,
madugong proseso ang pag-organize ng interview data.

Isa pang catch? Iisa lang naman interviewee at si Seulgi 'yon. Hindi pa siya lubusang sigurado
sa kahandaan ni Seulgi magbigay ng detailed information bukod sa routine surveys na
binibigay na nila sa kanya over the weeks.

Tapos na ang phase 1 at ideally, dapat nakapagbigay na ng detailed log si Seulgi—mostly the
psychological aspect. Mostly, 'yon lang din ang kinakatakutan ni Joohyun. Paano kung hindi
pa handa mag-0pen up si Seulgi ng ganoon ka-detalyado? She can always go for the largely
scientific part, mungkahi ni Wendy kahapon na pinag-iisapan pa ni Joohyun kung paano i-
aapproach.

Nagsusulat na siya ng listahan ng mga tanong na pwedeng gawing guide ni Seulgi. Nailapat
na ang mga salitang 'readiness to engage in activities that are similar to running' nang maalala
niyang sing bigat siguro ng 'opening-up' ang dapat na magawa ng atleta ngayong linggo:

Phase 2: and now we are actually moving her god-given legs Jogging.

Isang mas malalim pa na buntong-hininga.

//

51
Wendy: kung hindi sa cafeteria ng college namin, check mo sa may baba ng building namin, baka
nagpakamatay na <3

Dumungaw ang ulo ni Seulgi sa may pinto ng mas malaking cafeteria ng college nila Wendy
at Joohyun. Nakahinga na lang siya ng maluwag ng makita niya si Joohyun na halos plakda
na sa lamesa at may katabing isang pirasong orange.

Napailing na lang si Seulgi. Lumapit ito at nilapag ang cheesecake na dapat ay kanya at ang
paper cup ng mainit na kape. Agad namang tumaas ang ulo ni Joohyun.

"S-Seulgi?"

"In the flesh," biro naman ni Seulgi habang kumportableng ipinusisyon ang sarili sa upuan sa
tapat ni Joohyun (na hindi alam kung paano mag-rereact sa biro ng isa).

"Anong ginagawa mo dito?"

Itinulak naman ni Seulgi ang paper bag ng cheesecake papalapit pa kay Joohyun. "Making
sure you eat."

"Kumain na ako—"

"—I don't buy it. Sige na, kainin mo na 'yan."

"P-pero—"

"—o gusto mo ako na lang kumain niyan? It's cheesecake. Matamis. Daming calories.
Umaapaw sa asukal."

52
Katahimikan.

"Sige, ako na lang kakain—"

"—hindi. Okay na. I'll eat it, um," napapikit na lang ng maraming beses si Joohyun habang
pinoproseso ang ganap. "Thank you, Seulgi."

At pinanood lang ni Seulgi si Joohyun habang kumakain ito, na siya namang lalong kinailang
ng isa. "What?"

"Wala, para alam mo pakiramdam ng tinititigan habang kumakain," natatawang sagot ni


Seulgi, at napatawa pa ito lalo nang hampasin siya ni Joohyun.

Nang simpleng katahimikan naman ang bumalot sa dalawa, hindi maiwasang mapansin ni
Seulgi na mag-isa si Joohyun sa table niya, habang masayang nakikipagdaldalan ang iba
niyang mga ka-kolehiyo sa mga kanila-kanilang grupo. "Do you like sitting alone? Am I
bothering you?"

Umiling naman si Joohyun at nilunok ang piraso ng cake nilagay sa kutsara. "Wendy is out
with friends."

"Asan 'yong iba?"

Natahimik si Joohyun at napatingin sa baba, kibit-balikat. "Not many people like me."

Napataas ng kilay si Seulgi at naalala niya ulit kung bakit ayaw niya sa maraming tao.

At mula sa araw na 'yon, unti-unti nang nasanay si Joohyun sa presensya ni Seulgi na isang
araw ay biglang napagdesisyunang samahan siya tuwing lunch time. Nang tanungin niya ito
bakit, simple lang sagot ng atleta: "kailangan mo bantayan pagkain ko 'di ba?"

53
All the while, keeping to herself her little pledge: na minsan, kailangan may mangamusta rin at
mag-alaga kay Joohyun.

Si Joohyun naman, muntik makalimutan na isulat ang development na ito sa notebook niya,
pero nang maalala niya, ito naman ang isinulat niya: she smiles more now. Laughs, too. She jokes.
Actually, napapadalas na siya mang-asar, medyo nakakainis na.

//

"Seulgi?" simula ni Joohyun isang araw, habang dahan-dahan binuksan ang tupperware ng
'healthy' food ni Seulgi na hinanda niya kaninang umaga. Pero hindi niya pa ito binibigay,
hinimay niya pa ang steamed fish para walang tinik.

Sa pagbukas ni Seulgi ng mang-ilang ilang bintana ng pagkatao niya, daan sa mga pang-
aalaska nitong konti na lang normal na, naisipan na ni Joohyun na i-open ang phase 1
interview/log.

"Hm?"

"I need to tell you something—" nakatingin lang si Seulgi. "—about the research? Kailangan
ka kasi naming ma-interview. I mean, kung 'di mo pa kaya I guess we can find another way."

Tumango si Seulgi pero 'di naman tago ang pagkawala nito sa mood. "Recorded ba? Can't be
written?"

"Yeah. Pero kung 'di kaya, we don't mind written—I mean, we could always mention sa paper

54
na 'di mo pa kaya."

Tahimik si Seulgi na kumain nang ibigay sa kanya ni Joohyun ang pagkain niya. Hindi na
lang kinulit ni Joohyun nang hindi na ito magsalita pa. Mag-iisip na lang siguro siya ng ibang
paraan.

"There's this recorder thing?" napatingin agad si Joohyun, puno ng pag-asa, nang marinig
muli ang boses ni Seulgi, "na ginagamit ng professor namin. Could I record my answers
instead? May bearing ba 'pag binigay mo sa akin 'yong tanong tapos sasagutin ko alone
through a recording in the next hour?"

Isang matingkad na matingkad na ngiti ang naibigay ni Joohyun kay Seulgi. Halos hindi pa
tapos magsalita ang atleta nang tumayo na ito at niyakap siya ng mahigpit.

Nagtaas na lang ng awkward na kamay si Seulgi at tinapik ang likod ni Joohyun.

//

Bago officially magsimula ang training day, ibinigay ni Joohyun ang mga tanong kay Seulgi,
nagkulong ito sa isa sa mga PE classrooms at nag-record ng sagot. At pasado isang oras,
lumabas ito at inabot ang recorder kay Joohyun.

Kaya naman ito ngayon si Joohyun, imbes na tumatawa habang pinapanood ang wrap-up
and review ni Wendy at Seulgi ng phase 1 sa isang sapilitang zumba session, na nakailan nang
lunok—baka sakaling mawala ang paninikip ng dibdib niya, baka mawala ang hapdi sa
lalamunan niya habang pinapakinggan si Seulgi.

55
Pinindot ni Joohyun ang pause, huminga ng malalim, nag-quick rewind at play ulit mula
umpisa. Mga dalawang beses niya nang ginawa 'to, baka—baka lang—'pag inulit-ulit niya
ang recording, mas mapunta sa utak niya ang sinasabi ni Seulgi at hindi sa puso niya.

"Okay, Seulgi, makinig kang mabuti ha? Or wait—gusto mo ba isulat ko na lang?"

"No, okay lang. Recorded, written, whichever."

Panandaliang bumalik sa alaala ni Joohyun ang dahilan kung bakit mahalaga ang interiew in
the first place: isang maliit na discussion sa kanilang magkakasama sa research project. Kang
Seulgi was carrying more than a broken knee.

"So, we actually only have two questions. Sabihin mo lang 'pag ready ka na."

"Anytime you are, Miss Bae."

"Okay. First, what is your self-assessment of your knee's physical performance? Is it better than before
or no?"

Nanikip ang hawak ni Joohyun sa munting recorder. Objective ng grupo nila, through the
interview, na malaman kung ano ang perspective ni Seulgi. Alam naman nila na at full
potential naman ang tuhod nito.

"And the second, do you see yourself running again after phase 1? Ayan, pasok ka lang diyan sa room
na 'yan. Walang iistorbo sa amin sa 'yo. Ilalayo ko si Wendy sa 'yo, promise."

Tumawa si Seulgi bago narinig ang tunog ng pintuang sinara, kakaunting hakbang, at galaw ng isang
silya sa sahig.

"Um. So, 'yong una. Self-assessment of my knee's physical performance. It's been good. 'Di ko pa
naman nasusubukan itakbo ulit. I have only ever been jumping around with Wendy," tumawa ulit ito,
"but there's always been this sound, before you guys came along—"

56
Napalunok na naman si Joohyun. Ulit pa, ulit pa.

"It's like a creak. O baka guni-guni ko lang. But after my physiotherapy session years ago, after the
surgery, I can hear...or maybe feel it. 'Pag naglalakad ako, tumutunog. I was," tumigil ito
panandalian, na para bang iniisip kung anong mas maayos na salitang dapat gamitin, at sa
isip ni Joohyun, alam niyang pinipili ni Seulgi ang tamang salita para hindi siya kaawaan, na
ayaw niyang aminin na natatakot siya, "...worried. Na baka lumala 'yong tunog during or after
phase 1. Pero masaya ako. I am happy with the results. The sound is gone and hasn't been back so far."

Very quickly, ni-review ni Joohyun ang assessments at conclusions sa utak niya. The ACL,
what Seulgi has torn after that fateful landing, is one among four ligaments in that part of the
knee. Tama, nasa tuhod. There was no way for the human ear to have heard any sort of sound
coming from a synthetic or harvested graft used to reconstruct that part.

At dito na pumapasok ang sentro ng dahilan kung bakit may second question, kung bakit
may rehabilitation project, kung bakit kumpara sa tuhod, may mas malalang mga sugat na dala-
dala si Seulgi.

"And, um, do I see myself running after phase 1?"

Matagal ang itinigil ni Seulgi, kinailangan i-forward ni Joohyun ng paunti-unti, hanggang


marinig niyang muli si Seulgi na nagsasalita.

"I do."

Sa sandaling iyon, parang may karayom na bumutas sa mabigat na maga ng awa na


namumuo sa dibdib ni Joohyun—

"I do see myself running again. I... want to run. I want to know just how much I have broken. Gusto
ko malaman 'yong extent ng damage, and if it's repairable. And if maybe I can run again, maybe... I
am not broken."

57
Pause.

Rewind.

"Gusto ko malaman 'yong extent ng damage, and if it's repairable. And if maybe I can run again,
maybe... I am not broken."

Pause.

Rewind.

"Maybe if I can run again, maybe... I am not broken."

Rewind.

"Maybe... I am not broken."

Hinayaan ni Joohyun na magplay ang recording kahit wala nang sumunod pa sa sagot ni
Seulgi. Hinayaan ni Joohyun hanggang pumasok ulit ang sariling boses niya sa recording,
nagtatanong kung tapos na si Seulgi.

Hinayaan ni Joohyun na tumulo ang mga luha niya.

//

58
Phase 2: and now we are actually moving her god-given legs Jogging.

"Seulgi," mahinahon na pagtawag ni Joohyun kay Seulgi na nakatayo sa concrete platform ng


isa sa mga entrance sa track oval. "Pwede namang sa ibang araw na kung 'di mo pa kaya."

Umiling si Seulgi. "It's okay. You guys can go home. Gusto ko lang subukan ngayon."

Umuwi na ang ibang miyembro ng Women's Track. Kahit ang araw, malapit na rin
magpaalam para magbigay daan sa gabi. Katunayan, si Joohyun na lang ang natira sa oval
kasama si Seulgi dahil pati si Wendy nagpaalam na kanina na uuwi na rin.

Lalapit na sana si Joohyun, hindi rin naman niya alam kung bakit at kung anong gagawin
niya kung makakalapit nga siya, pero si Seulgi na ang pumigil sa kanya.

"Go home, Joohyun. Kaya ko na 'to."

Tumango si Joohyun, hindi para kay Seulgi, kung hindi para sa sarili niya—para maalala niya
na ayaw ni Seulgi na kinakaawaan siya. "Okay. Let me know how far you've gone though."

How far you've gone o kung finally nakaapak na sa pulang sahig ng oval si Seulgi, dahil kahit
hinlalaki man lang ng paa niya, hindi niya pa nailalapat.

"Para alam ko kung saan tayo magsisimula next training day," agad na dinagdag ni Joohyun—
isang tanda na naiintindihan niya ang hangganan niya sa pintuang unti-unting binuksan ni
Seulgi nitong mga nagdaang araw.

"Salamat," mahinang sagot ni Seulgi.

59
//

Joohyun: did you do well last night?

Delete.

Joohyun: nakaapak ka na?

Delete.

Joohyun: kamusta Seulgi?

Send.

Wala namang training ngayong araw na 'to. Nag-alala lang talaga si Joohyun dahil wala
siyang kahit anong balitang nakuha kay Seulgi. Tinawagan na rin naman niya kanina sila
Ligaya, pero ang tanging isinagot nito sa kanya ay "bigyan mo lang ng oras".

Siguro wala lang din talaga sa vocabulary ni Joohyun ang sumuko, kaya nang hindi ito
makatiis, sinilip niya ang mga klase ni Seulgi at nalamang hindi ito pumasok.

Binulsa niya ang kopya niya ng schedule ng atleta nang walang pagdadalawang-isip na
magugusot ito. Hindi niya na ibinalik sa folder. Sa isip niya, pwede naman siya magprint ulit.

Sa unang beses na nakaramdam si Joohyun ng kagustuhang baliktarin ang lupa at maghukay


para sa kasagutang wala sa ibabaw ng mundo, nasa loob siya ng opisina ni Prof. Shin.
Pangalawa, noong Sabadong akala niya hindi darating si Seulgi. Pangatlo na ngayon.

60
Bibihira lang talaga maubusan ng paraan at kasagutang pwede mahanap si Joohyun. Madalas
kung wala sa tuktok ng ulo niya, nasa kung saang sulok ng utak niya ang 'kasagutan'. Kaya
'di na nito naiwasang mapabuntong-hininga nang sagutin rin ang 'professional' text niya kila
Coach Araw at Cap Byulyi ng, "hindi namin alam, try her dad."

And she did try. Try—hanggang doon lang.

But it would be too much, and Seulgi would hate too much if she found out.

//

Sa pang-apat na beses na nakaramdam si Joohyun ng kagustuhang baliktarin ang lupa at


maghukay para sa kasagutang wala sa ibabaw ng mundo, nahanap niya si Seulgi.

Doon lang din—kung saan niya iniwan.

Nakaupo sa kongkreto, tatatlong pulgada lang ang layo sa oval, nakatungo ang ulo, at uko
ang likod.

Napalunok si Joohyun at buong pagkatao niya ang kinapitan niya para hindi lapitan si Seulgi,
kahit na buong pagkatao lang din niya ang gustong magtulak sa kanya na humakbang.

Walang training ngayon. Papasok na rin siguro ang ibang teams ng ibang sport pagsapit ng
hapon, kaya't inevitable na gagalaw at aalis si Seulgi sa kinauupuan niya, makaapak man o
hindi sa oval.

61
Gumalaw si Joohyun, hindi niya maalala kung pasulong o paatras ang iginalaw ng paa niya,
pero nang kumiskis ang ilalim ng sapatos niya sa parehong kongkretong kinauupuan ni
Seulgi, umulyaw ito sa bakanteng oval.

Gumalaw si Seulgi, at sigurado si Joohyun.

Sigurado si Joohyun sa bahagyang lingon nito na alam niyang siya ang nakatayo sa may
likuran niya.

"You're here."

Tinantiya ni Joohyun ng panandalian ang tono ng atleta, at nang maramdaman niyang


walang bahid ng galit ang boses nito, lumapit na siyang lubusan at naupo sa tabi nito.

"Naistorbo kita," sagot ni Joohyun, mapangutya naman ang bahagyang tawa na pinakawalan
ni Seulgi.

"Walang nasimulan, kaya wala kang naistorbo."

Tumango si Joohyun, "do you want me to go?"

Hindi sumagot si Seulgi.

At nang mapatagal pa ang pananahimik nito, umakma na si Joohyun na tumayo't umalis.

"No."

Dahan-dahan, itinaas ni Seulgi ang isang kamay niya mula sa pagkakahawak sa tuhod niya.

62
Dahan-dahan, marahan, hinawakan niya ang mas malapit na kamay ni Joohyun.

Kung gagalaw ng bahagyang-bahagya si Joohyun, mabilis na maaalis ang kamay ni Seulgi sa


mas maliit niyang mga daliri. Kaya kahit na ang paghinga niya, iningatan ni Joohyun.

"Don't go."

At saka lang nakahinga ng malalim si Joohyun.

//

"When Mom left for the States, si Dad—"

Halos namanhid na ang mga binti ni Joohyun sa pag-iingat nitong hindi gumalaw at baka
biglang maisipan ni Seulgi na bawiin ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa kanya 'pag
nakaramdam ito ng kahit na katiting na kilos. Kaya marahan rin nitong ibinaling ang tingin
kay Seulgi.

Malayo ang tingin ng atleta. Bumitaw ito at itinaas ang kamay para ituro ang ilang bahagi ng
oval, habang si Joohyun naman, nakaramdam ng pagkakulong sa kawalan ng gapos ng
kamay ng atleta.

"—naglalagay siya ng puting flag every after a hundred meters."

"Why?"

63
"He says he'd help me not give up."

Pinigilan ni Joohyun ang sarili na hindi itanong kung bakit puti ang flag—the very symbol of
surrender.

"I know what you're thinking," at unang beses nang lingunin ni Seulgi si Joohyun at titigan
ito sa mata. Ngumiti—almost playful—na parang mas maraming bintana ang bukas sa
kulungan niya, "bakit puti?"

Napatawa ng bahagya si Joohyun, "you caught me."

"Because my Mom believes that running doesn't stop after the finish line."

At kinapitan ni Joohyun ang banayad ng tingin ni Seulgi.

"That if we run a little more past the finish line, we go beyond the idea of when a fight is
done."

Marahan din ang tango ni Joohyun habang isinasaalang-alang ang mga salitang binitiwan ni
Seulgi. "Your Mom is wise, then."

Ganoon lang, nawala ang ngiti ni Seulgi; ganoon lang, nag-alala na agad ulit si Joohyun na
baka may mali siyang nagawa—ni hindi pa tumatama ang mga kilos niya ng lubos.

"She was," ang simpleng correction na ibinigay ni Seulgi sa kanya.

Kung pwede lang suntukin ni Joohyun ang sarili niya, ginawa niya na. Napapikit ito't
napahinga ng malalim—sinarili ang inis sa kakulangan niya ng pag-iingat. "I'm sorry. It
slipped my mind."

64
"It's okay," sagot ni Seulgi. Inangat niya ang mga tuhod niya at isinampa ang mga braso sa
mga ito. Hindi naman naiwasan ni Joohyun na mapatingin sa bakas ng dating hiwa ng opera
sa tuhod nito. "I don't walk around reminding people. 'Di ko pinagsasabi."

Napabuntong-hininga lang si Joohyun, "no, sorry. Pakiramdam ko kasi I ruined the moment."

At hinabol naman siya ng pasensya ni Seulgi. Umiling ito. "So the flags," agad nitong simula
ulit na may tonong patanong at ngiting paunti-unting pumipinta sa labi, dahilan naman para
mabawasan ang pag-aalala ni Joohyun na tumango at pinaresan ang ngiti ni Seulgi, "he'd time
every 100 meter run tapos hindi niya sasabihin sa akin kung anong record ko hangga't hindi
ko natatalo 'yong pinakamaikli kong oras."

"Isn't that a little too harsh?" pasukot na tanong ni Joohyun.

Mabilis ang pag-iling ni Seulgi, "no, it's my choice."

"Still harsh. Even harsher kung ginagawa mo sa sarili mo," reklamo ni Joohyun na nalimutan
na ng unti-unti ang pag-aalala niya kanina.

"It's really not. It's sports," casual na sagot ng atleta. "If it's not improvement, I'd rather not
know how bad I did."

"Grabe ka sa sarili mo, Kang Seulgi. If you do worse than your best, hindi 'yon automatically
failure," katwiran ni Joohyun. "What if you were just slower by 1 second, or maybe 2? Grabe
ha."

Gumalaw si Seulgi. Umikot ng bahagya para lubos na itong nakaharap kay Joohyun. "Can I
ask you something, Miss Bae?"

Tinitigan ni Joohyun si Seulgi na may halong duda. "Why are you calling me Miss Bae?"

65
"I have to, especially with what I am about to ask you."

Sinubukan naman ni Joohyun na hindi ipahalata ang lunok na hindi niya mapigilan. "O-
okay."

"I was just thinking, you know, with the research and all. That you have to keep it professional
when you want to approach questions that have to do with me."

Bumaba ang mga balikat ni Joohyun—relief or disappointment, 'di niya pa gustong


malamang at the moment.

"So, ayaw ko isipin mo na conceited ako for asking this—well, Miss Bae," natatawa nang
pagtuloy ni Seulgi.

Hinampas ito ni Joohyun. "Pinakaba mo ako. Grabe ka. Sinadya mong pag-isipin ako ng kung
ano-ano."

Tumawa na ng tuluyan si Seulgi. "Pero may itatanong nga ako, at oo, ayaw kong isipin mong
mayabang ako o ano kaya Miss Bae ang ginamit ko, Miss Bae."

"Don't push it, Kang Seulgi," balik naman ni Joohyun, tila batang pumatol sa pang-aasar ng
kalaro.

Panandalian nilang idinaan sa tawa ang pang-aasar ni Seulgi, at nang lumipas ang gaan,
nagsalitang muli ang atleta. "But like I said, gusto sana kitang tanungin. You know how much
I've won, right?"

Nag-isip ng sandali si Joohyun. "Of course. 49 out of 49. Out of 50 kung isasama natin 'yong
huling takbo mo. Pero 'di mo natapos 'yon."

66
Tumango si Seulgi at nahulog ang tingin nito sa bakas ng pinaghiwaan sa tuhod niya noong
araw na inayos ito. "In my mind, that isn't my 50th run, because I never got to finish it—"
itinaas ng atleta ang isang kamay niya at inilapit sa naghilom nang hiwa ang mga daliri niya,
at sa sandaling iyon, saka lang naintindihan ni Joohyun, "—in my mind, that wasn't my 50th
run, because if it were—"

//

Umuwi si Joohyun na may panibagong dahilan.

Umuwi si Joohyun na may kulay na nailapat sa outline na pinlano na ng research team nila
months ago, noong second semester pa ng third year nila. Kaya naman hindi niya
maintindihan kung bakit kailangan biglang humirap ang lahat kung kailan naman
bumubuhos na ang libo-libong sagot sa mga kamay niya.

"In my mind, that isn't my 50th run, because I never got to finish it."

Mabilis ang pag-akyat ng pait sa lalamunan niya. Ang parehong pait na iningatan niyang
hindi maramdaman ni Seulgi kanina.

Sariwa pa sa isip ni Joohyun ang hirap ng paglapat ng mga daliri ni Seulgi sa sarili niyang
tuhod—kung paano nanginig ang mga kamay niya bago pa niya lubos na nahawakan ang
hiwa na dapat naghilom na.

"In my mind, that wasn't my 50th run, because if it were, I would've lost everything."

"Everything?"

67
Sariwa pa sa isip ni Joohyun ang pag-iwas ni Seulgi ng tingin niya at ang tango nito despite
it all.

"My mother was a runner, too. I ran for her. She taught me what I know, and I had to be better for her
to feel her pride for me. When she was away, there was no way for me to feel what she'd say, so I had to
be perfect—not two seconds late, not even a second."

"Tangina," mabilis ang pagtulo ng luha ni Joohyun sa alaala ng mga salita ni Seulgi.

"You see, she was great back in her day. Hindi ko namana. I had to work hard to be anything close. I
watched old tapes of her from my grandparents' house. Sinundan ko lahat: how her feet would glide,
the angle of her legs. Every second's movement of her knees."

"Every second?"

"Every second, Miss Bae. Because every second I missed would be lesser reasons for the child I was back
then to make her mother proud. Because I couldn't see her, the happier her voice sounded over the phone,
the more she sounded surprised, that was everything to the child I was back then."

"Napaka-iyakin mo, Joohyun, tumigil ka na," mariing bulong ni Joohyun sa sarili.

"The day I fell was the day I lost her. So, if that day had been my 50th, then I would not have just lost
1 match; I would have lost everything."

At nang tuloy pa rin ang pagpunas niya sa mga luha niya, napatawa na ito ng buong uyam
at hinayaan na ang sariling maiyak, "stupid, Kang Seulgi."

//

68
"Bakit mukha kang tae?" tanong ni Wendy kay Joohyun na maga ang mata at mas mapula pa
sa kamatis ang ilong.

"Allergies. At itong taeng 'to may additional data, pero—" umiling na lang si Joohyun,
"unofficial. Forget it. 'Wag na natin isama."

Tinignan ni Wendy si Joohyun na may buong pagdududa. "Ikaw ha, ano 'yan? No'ng sinabi
mong nahanap mo si Seulgi hindi ka na nagreply. Akala mo ba hindi ko napapansin na panay
tingin no'n sa 'yo?"

"Pinagsasabi mo, Wends?"

"I can't believe matatalo pa ako ng manang."

"Seriously?"

"Hindi ako magpapatalo, Manang," pag-ulit ni Wendy na may kasama pang diin sa huling
salita, "ang motto ng kaptibahay namin sa probinsya: retreat 'pag loser, sa kama lang may
surrender."

Napailing na lang si Joohyun na inuunti-unting ilapat ang mga organizer, schedules at charts
sa shared table nila ni Wendy. Lalo lang siyang nastress nang makita niya ang namumula
nilang schedule. Dahil sa hindi pa pag-apak ni Seulgi sa oval, delayed na sila sa targets nila
at nginangarag na siya ng transcribers at coders, at higit sa lahat, papalapit ang araw ng
compet.

Pero sa susunod na sandali, kung kailan lang nag-occur kay Joohyun ang hinanakit ni Wendy,
napatigil ito. "Wends, anong sabi mo?"

69
"Sabi ko, hindi ako magpapatalo sa manang."

"Not that—the other one."

"Retreat 'pag loser, sa kama lang may surrender?"

"Surrender," napatawa naman si Joohyun. "You're a genius, Wends."

"Ha?"

//

"Oh, shit. Wends?"

"Oh?"

"Nalimutan ko lang magdala. May pampiring ka diyan?"

"BAKIT MO PIPIRINGAN SI SEULGI?"

70
//

"I still don't get bakit hindi tayo sumabay ng training kila Coach. I mean I think I can better
pressure myself into the oval if I see them doing drills and I'm not."

Umiling lang si Joohyun sa suggestion ni Seulgi. Natawa na lang din siya ng kaunti sa sa pag-
iling niya dahil kasalukuyan namang nakapiring si Seulgi at hindi niya nakikita si Joohyun.

"Not with blindfolds," biro naman ni Joohyun sa kanya.

"'Yon din," pag-agree naman ni Seulgi na buong ingat na sinusundan ang marahang pag-
gabay ni Joohyun sa bawat hakbang niya.

"Oo nga pala," biglang palit ng tono ni Joohyun na hindi napansin ni Seulgi dahil
nahihiwagaan siya sa pasikretong nalalaman nito. "Kwentuhan mo nga ako habang 'di pa tayo
nakakarating doon."

Napatawa si Seulgi. "Nasasanay ka nang madaldal ako."

"It's a privilege I like."

"Yabang mo na ah. Ano bang gusto mong sabihin ko?"

"Um, sabi ni Ligaya 'di ka raw marunong sumayaw?"

"Well, not entirely true."

71
"I knew it," napatigil namang panandalian si Joohyun at nabitawan mga kamay ni Seulgi sa
new-found information. "Kasi naisip ko lang. May flow naman at rhythm katawan mo so why
wouldn't you know how to dance?"

At nang kumatok sa isip ni Joohyun ang dating ng mga salitang binitiwan niya, nagmadali
itong sundan ang sinabi niya, "I mean—I have seen you doing the exercises and the workouts
tapos, ano, 'yon bang—"

Pinagtawanan siya ni Seulgi sa pag-gugumahol niyang magpalusot, kaya naman agad


napalitan ang hiya niya ng inis, "tawang-tawa ka, Kang Seulgi?"

"Sorry, sorry," mabilis na paghingi ni Seulgi ng pasensya habang itinaas ulit nito ang mga
kamay niya sa harap niya, tila hinahanap si Joohyun. "'Yong mga sayaw kasi na alam ko 'yong
mga trip ni Dad at Mom. Like partnered dances. When Mom left, isinasayaw ko si Dad 'pag
malungkot siya."

Si Joohyun naman ang natawa. "Dance sport? Cha-cha, waltz, etcetera?"

"Laugh all you want, but yes, sumasayaw ng Cha-cha and the like si Kang Seulgi," at ang mga
kamay na pinanghahanap niya lang kay Joohyun kanina, tinignan ng kasama niya.

Bae Joohyun always has answers, always has ways. Sa puntong 'to ng surpresa niya kay
Seulgi, nakahanap siya ng perfect distraction. Kaya naman sa pagkuha niya sa kamay ni
Seulgi, inalok niya ito, "sige nga. Tingen."

"What the," natatawang simula ni Seulgi, "now? Habang wala akong nakikita?"

"Yeah, I mean, bakit hindi? Wala pa naman tayo doon."

"You're weird, Miss Bae."

72
"I know," proud naman na sagot ni Joohyun. "Everybody thinks I am."

'Di na napansin ni Joohyun ang bahagyang pananahimik ni Seulgi sa huling statement niya.

"I am not everybody," sagot ni Seulgi, firmer, at kinuha niya na nga ang mga kamay ni
Joohyun—determinado. "So, I'd ask you to dance with me, with or without the blindfolds. I
don't think of you the way they do."

Natawa na lang si Joohyun sa pagkaseryoso ng atleta, "I know you don't, Seulgi, niloloko lang
kita. And besides, no need to prove anything. Tinatabihan mo nga ako 'pag lunch periods."

"Still," napasambit na lang si Seulgi habang nilapat ang kamay sa beywang ni Joohyun na
agad na kumibit sa hawak ng atleta.

"Wait—" biglang sabi ni Joohyun, at dahan-dahan, dinala niya si Seulgi pababa sa isang
platform. "May pababa 'yan ah. Ingat ka. Mas malaki espasyo dito kaya dito tayo."

May saglit—sing saglit ng isa hanggang dalawang pintig ng puso ni Seulgi—na naramdaman
ni Joohyun bago niya nagawang huminga ng maayos. At nang lubusang lapat ang mga paa
nila sa lupa, saka na lang siya nakapagsalita, "show me? 'Yong ano, um, sayaw."

Tumango si Seulgi. "Kailangan talaga nakapiring?"

"Sorry, Kang. Maya na."

"So nakapiring na ako, wala pang kanta. Baka mapahiya ko lang sarili ko."

"Sandali," siya namang tawa ni Joohyun habang kinukuha ang phone niya. "Anong trip mong
tugtog?"

73
"Bahala ka na. Basta 'wag mga zumba songs ni Wendy, please."

Lakas pa nga ng tawa ni Joohyun. Pumili na lang siya ng random recommended playlist sa
Spotify, at nang pumasok ang pamilyar na tunog ng gitara at kanta, nagawa pa ni Seulgi
mang-asar, "kaya ka natatawag na manang nila Chewy. Kahit mga kanta mo mga jams ni
Mang Roger—aray!"

"Sasayaw o kukurutin pa ulit kita? Binocular kumanta niyan, 2001. Humihinga na tayo pare-
pareho."

Pinigilan na ni Seulgi tumawa, at kinuha ang mga kamay ng mas maliit na kasama at sinampa
sa may balikat niya. Marahan niyang binitbit ang kilos ni Joohyun—kasama ng tugtog,
kasama siya.

"Hmm," kiming simula ni Joohyun, "marunong ka nga."

Kibit-balikat si Seulgi, "you should see my Dad dance."

"Is he any good?" tanong ni Joohyun, at kung hindi sila magkalapit, baka hindi narinig ni
Seulgi.

Huminga ng malalim si Seulgi—sa uri ng sayaw na pinagdalhan niya kay Joohyun, hindi
naman kailangan, pero 'di niya pa din napigilan gawin. Napahinga na siya ng malalim,
natigilan pa siyang panandalian.

"Perfect," simple niyang sagot, bahagya pa sa banayad ng boses ni Joohyun.

"Seulgi?"

"Hm?"

74
"Do you trust me?"

"Bakit mo natanong? Murder scene talaga 'to no?" biro ni Seulgi pero walang halong tawa, at
sa beywang ni Joohyun, naramdaman niya ang pinong mga kilos ng daliri ng atleta.

Umiling si Joohyun, at unti-unti—dala na rin ng kaba niya sa magiging reaksyon ni Seulgi—


dinala niya ang mga kamay niya sa likod ng ulo ni Seul at mas mahinay pa ang kilos niya
nang kalasin niya mula sa pagkakatali ang piring nito.

//

Nakailang pikit rin si Seulgi bago lubusang luminaw ang paningin niya mula sa matagal na
pagkakapiring.

Nang bumungad sa kanya si Joohyun at ang kaba sa mga mata nito, walang humpay na
inantay ang puso niyang biglang kumabog ng malakas sa dibdib niya—hindi siya sigurado
kung bakit.

"Joohyun?"

"I'm sorry," sagot ni Joohyun nang umatras ito at tumabi mula sa paningin ni Seulgi. Sa likuran
niya, nagpakita ang puti ng isang malaking flag. "It's just—we were talking about walking
past surrender points, and—"

At nang inikot ng paningin ni Seulgi ang madilim na nilang paligid, litaw ang kulay puting
mga flag na mukhang metikolosong nailapat sa distansyang hindi siya magkakamaling
isiping nasa isang daang metro.

75
Sa mga sandaling iyon, mabilis ang pag-akyat ng sagot sa utak niya—alam niya kung bakit
may tila kabang namahay sa dibdib niya sa pagkatanggal ng piring niya.

"Why would you think I would say no to this?" tanong niya nang lingunin niyang muli ang
kasama.

"It's not the flags, Seulgi," mas mahinahon pang sagot ni Joohyun, napatungo na ito.

Kumunot ang noo ni Seulgi. Gusto niya hingan ng paliwanag si Joohyun, o kung hindi kaya,
kahit hanapin na lang sa mga mata niya pero nasa baba ang paningin nito.

"'Di ko maintindihan—" at nang buhatin ni Seulgi ang paa niya para ihakbang, lalong hindi
siya pwedeng magkamali:

Kahit ano pang suot niyang sapatos, alam niya ang pakiramdam ng angat at tapak sa lupa sa
talampakan niya. Mabilis ang pag-akyat ng taranta sa kanya nang sundan niya ang paningin
ni Joohyun at makita ang pula ng track oval sa ilalim ng mga paa niya.

Halos mapatalon itong napayakap kay Joohyun—tila batang hindi sinasadyang madala ng
magulang sa lalim ng dagat at si Joohyun ang tanging pwede niyang pagkapitan para
manatiling nakaahon.

Mas masikip man at puno ng takot, agad na binalik ni Joohyun ang yakap ni Seulgi. "I'm here.
I'm sorry. Andito ako—"

"J-Joohyun," pagtawag pang muli ni Seulgi sa kasama niya nang tila hinahatak na siya
papalayo ng mga alon sa utak niya. Sumikip pa ang yakap nito't kapit dahil naramdaman
niya ang paghaltak ng isang tuhod niya.

"I'm so sorry, Seulgi. It's okay—I'm here. See? You're okay."

76
//

11:45 PM

Joohyun: Seulgi? Ligaya said gising ka pa :(

Send.

Joohyun: Seulgi, please don't hate me :(

Send.

Joohyun: I feel so, so bad. I thought I could make things okay, and I was wrong. Really wrong.

Send.

Joohyun: I shouldn't have done that. I am so sorry :(

Send.

77
//

3:29 AM

Seulgi: Hindi ako galit.

Seulgi: I'll see you next week?

Seulgi: On training day :)

"Pakshet! Lord!"

Swerte na lang din ni Joohyun na sa box ng tissue na 100 ply, natira pa ang pang-99 at pang-
100 para mapunasan ang huling round ng iniyak niya pa ng gabing 'yon.

"Lord hindi kita minumura! Patapusin mo muna ako. Pakshet talaga! Lord, thank you!
Gigising na ako ng maaga bawat Sunday!"

//

"Pakshet, Hyun," magaspang pa sa antok ang boses ni Wendy. Napatingin ito mula sa
kaibigan na nasa harap niya, tapos sa orasan sa itaas ng pinto ng bahay nila. "Sunday na
Sunday, ang aga-aga."

78
"Magsisimba tayo."

At sa susunod na mga oras, sinasampal ni Wendy ang sarili niya, sinisigurong hindi siya
nananaginip lang.

//

Phase 2: and now we are actually moving her god-given legs Jogging.

a.k.a. ito na talaga, jogging na nga

Nang datnan ni Chewy ang Women's Track Team, lahat sila nakaupo—pati si Coach Araw.
Kaya naman, imbes na simulan niya ang warm-ups niya at stretches, umupo na rin siya sa
pinakadulo ng kahoy na bench kung saan lahat sila nakaupo.

Ang research duo naman, nasa kabilang kanto ng bangko: si Wendy ay patuloy ang pagkuha
sa tissue box na hawak ni Joohyun sa effort nitong punasan ang luha niyang mukhang hindi
titigil any time soon.

"What's meron?"

Ni hindi pinatapos ni Ligaya si Chewy na nagtaas ng daliri para patahimikin siya.

Nagkibit-balikat na lang ang pinaka-matangkad ng Women's Track. Nilapat niya ang bag niya
sa kahoy ng bangko at mapaglarong ginaya ang posturang lutang ng mga kasama. Natatawa
pa ito habang tinitignan ang nganga ng pinakamalapit sa kanya na si Ligaya, pero nang

79
sundan niya ang tingin ng mga ito, effortless naman ang imitation scheme sa nganga part—

Dahil sa oval, sa mismong pulang polyurethane ng track oval, nag-jojogging ang isang Kang
Seulgi. Feet landing on heels, feet taking off on the tips of your soles, breathing evened on purpose—
kabisado nilang lahat ang laging sinasabi ni Coach Araw nung first few weeks of training.

At kung anuman ang nasa manual, kung ano ang dinidikdik sa kanila ni Coach Araw, 'yon at
'yon ang postura ng jogging stance ni Seulgi.

"I can't believe this! She's actually on the track?"

At si Saeron ang unang lumingon sa kanya, "yes, at naiiyak ako. First time ko siya makita sa
track. I'm so happy."

Si Ligaya ang sunod na natauhan, "masaya na kayo sa jog, just wait until you finally see her
run. There's nothing like it."

Mabilis ang transition ni Ligaya mula gulat hanggang mabilisang warm-up. Bakas ang
malaking ngiti sa mukha niya nang habulin niya ang pinsan at sabayan nang maabutan niya
ito.

"Bahala kayo diyan, basta ako sasabay na rin ako," masaya ring hagikhik ni Cap Byul na hindi
na nag-warm up, dumiretso na sa track para makasabay. Sumunod agad si Saeron at Chewy.

Sa mapayapang umagang 'yon, si Coach Araw ang unang bumasag sa katahimikan sa may
water station. "I don't know what you did, but if my team wins its first this year, I will give
you my first born and I don't even care what you do with it."

Nag-loading naman ang parehong Joohyun at Wendy. Si Wendy na lang din ang unang
natauhan para makasagot, "but you're not married, Coach."

80
Binalik lang ni Coach Araw ang shades niya mula sa pagkakatuntong nito sa tuktok ng ulo
niya hanggang matakpan muli ng buo ang mga mata niya. "Exactly."

Napaisip ang research duo, pero minabuti na nilang hindi alamin ang paliwanag.

//

Sa loob ng 4-hour booking ng Women's Track sa oval ng Monday morning, tatlong beses lang
tumigil si Seulgi, at para uminom ng tubig, mag-stretch ng kaunti, at bumalik lang din ulit sa
oval.

Hindi na nakuhang mag-alala ng members ng team, masaya silang paisa-isang nagsipaalam


kay Coach Araw. Si Coach Araw naman na mukhang magpapainom sa barangay nila sa saya,
nagpaalam na rin.

"So, ano? Gano'n na lang 'yon? Ito't ito na lang role ko sa kwentong 'to?" umpisa ni Wendy,
"aantayin mo lang din akong mauwi para magka-moment ulit kayo?"

Umismid naman ang Joohyun, "don't be stupid, Wends."

"Sus, nahiya pa ang may landi," kinuha nito ang gamit niya at kinawayan ang kasama bago
lubusang makapasok sa corridor. "Galingan mo, Manang of the Century!"

Halos isang oras pa ang itinagal bago tuluyang maubos ang lakas ni Seulgi. Nag-aalala man,
hindi na lang ito pinahalata ni Joohyun nang lapitan niya ito sa pinagbagsakan niya sa sahig—
hingal at muhang lantang gulay.

81
"You know it's not advisable to sit or lie down after cardio?" pabirong sita ni Joohyun.

Tumawa lang si Seulgi. Hinigit nito ang isang braso niya at tinapik ang sahig sa tabi niya.

Napailing si Joohyun sa alok nito. "Hindi rin sanitary mahiga diyan. Tapos patatabihin mo
ako sa 'yo?"

"But the sky is nice," hingal pang sagot ni Seulgi.

"Always so dramatic," at unti-unti, nahiga na rin si Joohyun sa tabi ni Seulgi.

Nadarang na lang ang dalawa sa katahimikan ng lahat. Hinayaan na dumaan ang lahat—mga
ibon, mga ulap, paminsang silay at sinag ng araw. Hindi na rin napansin ni Joohyun ang
pagbalik sa normal ng paghinga ni Seulgi.

"Naalala mo no'ng nagpatugtog ka para bingihin si Sir Shin?" tanong ni Seulgi nang hindi
hinaharap ang kasama, pinanatili ang paningin sa malumanay na asul ng langit.

"Don't Stop Believin'?" natatawang sagot ni Joohyun. "Yeah, why?"

"Wala naman. I loved that."

"Bukod sa bingihin ang patriarchy, ano namang kagusto-gusto doon?"

"It was a mighty classy way to raise a middle finger, like—" at itinaas nga ni Seulgi ang middle
finger niya sa langit, "—pakyu, kayo! Tangina niyong lahat!"

"Huy!" buo naman ang tawa ni Joohyun nang hampasin niya si Seulgi na di na rin matigil
kakatawa. "'Di ba may code kayo sa team na bawal magmura sa oval o kahit kailan hangga't
kaya?"

82
"Yeah—but, alam mo 'yong ang tagal kong gusto murahin lahat?" sagot ni Seulgi nang
makabawi na ito mula sa buong pusong pagkakatawa. "Na hindi porke't nanahimik ako hindi
ako galit... sa lahat?"

Hindi naman lingid sa pansin ni Joohyun ang biglang lumanay ng boses ng kasama, at nang
lingunin niya ito, saka niya na lang nakita kung paano tinakpan ni Seulgi ang parehong mga
mata niya ng mga kamao niyang nanginginig.

"Tangina," ang mga salitang nailabas ni Seulgi sa sistema niya—sa pagitan ng pagpipigil ng
malakas na agos na nagpupumilit kumawala mula sa pagkatao niya. "Tangina niyong lahat."

//

Sinara agad ni Joohyun ang notebook niya, at sa isang mabilis na lunok, ubos ang bote ng
malamig na tubig. Kailangan.

"Tangina niyong lahat."

Kailangan para maibsan ang nagbabadyang maga sa may puso niya. Napapadalas na rin
naman ang pag-iyak niya para sa ibang tao. Kailangan.

"Tangina niyo—tatakbo ulit ako."

Kailangan mabawasan ang pag-iyak niya para kay Kang Seulgi.

83
Sa isip ni Joohyun, hindi niya bubuklatin ang pahinang 'yon hangga't hindi natatapos ang
compet ni Seulgi, para hindi niya muna mabasa ang isinulat niya doon: she cried so much today.
The cracks were bigger.

//

"Ako ang pinili—" pagmamalaki ni Wendy with matching turo sa mukha niyang may
nakaplaster na ngisi, "hindi ikaw, Bae Joohyun."

Napasambit si Joohyun, sabay ikot ng mata. "Bilisan niyo na lang kasi. Just go through the
questions tapos 'wag niyo kalimutan 'yong recorder."

"At bakit kailangan ng recorder? Sa amin lang dapat 'yong moment. 'Wag kang epal."

"Tanga, para sa transcriber. Shunga, ito—" inabot ni Joohyuna ng recorder na dinukot niya ng
padabog mula sa bag niya. "Bilisan niyo. May training ka pa, Seulgi."

"Selos ka lang," huling bulong ni Wendy at nang makalayo ito bago maabot ng hampas ng
folder na hawak ni Joohyun, naglabas pa ito ng dila.

Nang maglaho na nga ang dalawa sa usual na room kung saan inilulunsad ang interview at
routine checkups ni Seulgi, saka na lang nagmukmok ang baklang Joohyun.

Hindi kasi niya maintindihan, at 'yan ang paulit-ulit na sinasabi niya sa sarili niya nang
sabihin ni Seulgi na okay na sa kanya magpa-interview na may kasama. To her surprise, si
Wendy ang inalok ng atleta.

84
Si Wendy.

Hindi siya.

Hindi si Bae Joohyun.

Si Bae Joohyun na may notebook ng observations of Kang Seulgi since Day 1. Si Bae Joohyun
na 'di matahimik ang araw kakaisip sa kung anong nangyayari kay Kang Seulgi. Si Bae
Joohyun na nagtitiyagang magluto ng baon ni Kang Seulgi araw-araw. Si Bae Joohyun na
umiiyak para kay Kang Seulgi 'pag ayaw nitong umiyak para sa sarili niya. Si Bae Joohyun na
ginawang bangka ang sarili dahil ayaw niyang malunod si Kang Seulgi. Si Bae Joohyun—

"Tangina," na lang ang nasabi ni Joohyun sa sarili niya nang bumagsak ng buong tanto at bigat
sa pagkatao niya ang bago niyang katotohanan:

Si Bae Joohyun na nakikita si Kang Seulgi—damages and all.

Si Bae Joohyun na mahal si Kang Seulgi—damages and all.

//

"So, Seulgi," simula ni Wendy na nagseryoso naman pagkapasok ng PE classroom, walang


bahid ng kulit na ipinakita niya kay Joohyun sa labas. "Alam mo naman na 'yong proseso, 'di
ba?"

Tumango si Seulgi na pumili ng upuan sa tapat ni Wendy.

85
"Just answer the questions after I give them to you. Ready?"

Tango pa ulit ang atleta.

"First question: kamusta pakiramdam mo? Tapos na ang Phase 2, and we will be initiating
Phase 3 soon. You're closer to running every day now, so has the knee been okay?"

//

"Remember the creak? 'Yong sinabi kong naririnig ko minsan? It hasn't been back. I'm hoping it never
will, but sometimes—"

Tatlong katok ang nagbalik kay Seulgi sa kasalukuyan. Sinundan naman ito ng mahinahong
pagtawag sa kanya ni Joohyun. "Seulgi?"

"Andiyan na ako," sagot ni Seulgi.

Nagmadali itong maghilamos pa, at bago niya mapunasan ang mukha niya gamit ang dalang
twalya, naaninag nito ang sarili sa salamin.

"—minsan lang, 'di ko maiwasang mag-alala. Do you think it's possible? Na kung pati guni-guni
nagkakaroon ka rin ng guni-guni?"

Umiling si Seulgi at huminga ng malalim.

86
"Like I don't hear it as loud as it used to be. Mahina lang, like a warning, parang pinapaalalahanan ako
to be careful—I don't know, maybe even stopping me from trying to run."

Inayos niya ang pulang shorts niya at saka lang napansin ang inikli nito mula noong una niya
itong nasoot. Tatlong taon na rin ang dumaan.

"Pero naisip ko, if it's not even loud enough to count as imagination, maybe—"

At saka na rin niya nasilayan ang kinatatakutang galos sa tuhod niya. Hindi naman niya
mapigilan ang ngiti sa pagtatanto nitong una niya pang pinansin ang shorts niyang maikli na,
kesa markang matagal-tagal na rin niyang hindi gustong nakikita.

"Maybe I'm getting stronger than old ghosts now."

//

"I want to work harder. I know my knee hasn't been showing signs of slowing me down, but then again
hindi ko pa siya nasasagad eh. I haven't pushed it enough."

"Wends!" sinenyasan ni Joohyun si Wendy na inaalalayan si Seulgi sa leg workouts.

Agad namang lumapit si Wendy pagkatapos nito magpaalam kay Seulgi. "O, baks?"

"Pagpahingahin mo naman, kanina pa kayo," sita ni Joohyun.

87
"Naku 'te, kanina ko pa pinagpapahinga. Siya 'tong umaayaw."

Napasambit si Joohyun. "Nag-aalala lang ako. Baka mamaya imbes na umokay 'yan lalong
hindi makatakbo. Mukha nang tocino sa pula o."

Umalik-ik naman si Wendy, "hindi fragile 'yan, baks. Ilang linggo na natin siyang kasama at
alam natin ang hangganan ng physique niya—" nanliit sa duda ang mga mata nito "—unless,
may ibang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan."

"Nothing!" mabilis na pag-deny ni Joohyun. "I'm just really worried. Alarming ang pag-push
niya sa sarili niya. For all we know, may psychological circumstances na kaya siya ganyan,
tapos 'yong brain niya nag-sesend ng—"

Biglang tinakpan ni Wendy ang ilong niya, akmang pinipigilan ang pagtulo ng imaginary
dugo, "nakakatakot ka mag-bakla. Kaya ka siguro single hanggang ngayon. Nagiging
scientific ka 'pag nagkakagusto ka."

"Excuse me?"

"Baks, sasabihin ko lang sana na baka meron ka kaya ka cranky. Napaka-defensive mo."

Napalunok na lang si Joohyun.

"Hyun," sinampa ni Wendy ang kamay nito sa balikat ng kaklase, nakaakbay at kumikinang
ang ngiting-aso, "share ko lang quotable-quote ng kapitbahay namin sa subdivision."

Nakahawak na sa ulo niya si Joohyun habang inaantay ang isa na namang quotable-quote ni
Wendy.

"Jowa ang karaniwang hanap ng social instincts ng hayop na homo sapiens," hinila ni Wendy
si Joohyun at inilapit ang bibig sa tenga nito, "hindi naglalakad na Google."

88
//

"Minsan iniisip ko lang din kung hanggang saan ko pwede i-push 'yong tuhod ko."

First training day ng Phase 3, at unang araw dapat ng unang beses ulit tumakbo ni Seulgi after
3 long years.

Dapat.

Nakasampung ikot si Seulgi sa oval ng usual at steady na jog, pero hindi siya nakatakbo.
Hindi man pinaramdam ng Team ang pressure at disappointment sa kasama, hindi rin naman
nila napigilan matahimik at maging maingat sa dapat nilang ikilos sa presensya nito—

Mga bagay na hindi lingid sa pansin ni Seulgi.

Kaya naman nang makaalis ang lahat, at as usual, hinintay ni Joohyun si Seul ng buong
pasensya at pagtitiyaga, isang bote ng hindi pa nababawasang tubig ang lumipad sa player
benches na siya namang sinundan ng mabibigat na hingal ni Seulgi.

"I know that at some point maiinip ako, that maybe it won't show the same promise I worked hard to
build it with before—"

Napatalon man at namutla sa eksena si Joohyun, binigyan niya lang ng ilang sandali para
bumalik sa normal ang paghinga niya dahil sa gulat, at ni Seulgi naman dahil sa bigat ng
pagkabigo niya sa sarili.

89
"And may mga oras siguro na hindi ko mapupunan 'yon no matter what I do."

"Hey," mahinahong bungad ng boses ni Joohyun nang malapitan niya ng buong ingat si
Seulgi. "It's okay."

"And it will be okay."

"Andito ako."

Nilapat ni Joohyun ang kamay niya sa likuran ni Seulgi.

"Because I have all I need to get back up."

"I'm here," ulit pa ni Joohyun nang marahan nitong udyukin si Seulgi na harapin siya. At nang
lubusan itong makaharap, hinayaan na niyang yumakap ito sa kanya. "We can keep trying.
We can stay and keep trying. Gusto mo ba?"

Tumango si Seulgi na nagpadarang ng buong-buo sa kapayapaan ng yakap ni Joohyun.

"I will manage."

//

90
"As for the second question. Do I see myself running after phase 2?"

"Ano kamusta?" tanong ni Coach Araw. Casual itong dumukot sa hawak ni Wendy na bukas
na bag ng banana chips at sumama na rin na obserbahan ang pagkilatis ng captain ng team sa
jersey ni Seulgi.

Napatingin naman si Cap Byul at Seulgi sa direksyon nito.

"Coach, ang ikli na eh," sagot ni Byul habang sinusubukang iunat ang shorts ni Seulgi.
"Medyo—" iniangat rin nito ang tingin ng panandalian sa bleachers na paunti-unting
nalalagyan ng mga audience na dati namang wala roon "—nakakaakit na rin ng unwanted
attention."

Umismid si Wendy at walang sinayang na sandali sa pagtayo't pagbugaw sa mga nakatambay


sa audience seats gamit ang extra cooler ng tubig ng Women's Track. “Malalandi! Magsipag-
aral muna kayo!”

“At bakit ka nambabakod? Girlfriend ka?” sigaw naman ng isa bago kumaripas papalayo.

“Putanginang walang galang!” at pinulot pa ni Wendy ang mga tumalsik na ice at


pinagbabato ang unwanted audience.

Habang inaawat ni Ligaya, Chewy at Saeron ang nabateryahang si Wendy, pinulot ni Coach
Araw ang abandonadong banana chips at sinimulang kainin. Binalikan nito ang usapang
shrinking jersey ni Seulgi. “Oorder ako ng bagong set ng jersey para sa 'yo.”

Agad nabaling ang paningin ni Seulgi mula sa pula ng uniform niya patungo kay Coach
Araw. “Bakit?”

“Wala naman, Coach,” simula ni Seulgi, may bahid ng pag-aalangan, “sigurado ka? Sarado
na po ata 'yong budget.”

91
“Tatakbo ka 'di ba?” kinumpas ni Coach Araw ang kamay niya't casual na itinuro ang numero
sa dibdib ni Seulgi. “Kailangan mo ng bago. Ako bibili, isang set lang naman. Bigay ko sa 'yo
next week.”

“Every day I am given new motivation to run.”

Tinapik ni Cap si Seulgi sa balikat at nginitian ito. Ibinalik naman ni Seulgi ang ngiti ng
kapitan at itinungo nito ang ulo niya. “Salamat, Coach.”

Nagkibit-balikat lang si Coach Araw at ibinaling na lang ang usapan sa ibang bagay. “Asan
pala girlfriend mong electron?”

Napakunot noo si Seulgi, “electron?”

(Si Wendy naman na katatapos lang makipag-basag ulo sa ikalawang labanan sa Pasong
Tirad, pabulong na nagreklamo, “siempre sa electron ka pa nag-react.”)

“Sa 'yo na lang naikot eh. Imagine my surprise na wala siya ngayon.”

“Nasa PE classroom, Coach. Pinatulog ko na po muna.”

Ilang gabi na ring sinasamahan ni Joohyun si Seulgi sa oval. Ultimo acads niya sa oval niya
na ginagawa. Kahit pa pauwiin ito ni Seulgi, kinakatwiran naman nitong mas productive siya
sa labas ng comfort ng bahay niya.

“Hm, 'kala ko 'di na 'yon mauubusan ng energy eh,” mungkahi ni Coach na siya namang
dahilan para makaramdam ng pagkabagabag si Seulgi. Dahil sa sandaling nakilala niya si
Joohyun, hindi nga ito nagpakita ng kahit anong sign na napapagod siya. Ngayon lang.

“Every day I am given... a push of all kinds. Sacrifices, efforts—”

92
Kaya naman pagkatapos ng lilimang lap ng jog, minabuti ni Seulgi na silipin si Joohyun dahil
tatlong oras na rin ang nakalipas mula noong iniwan niya ito sa classroom.

“—and people.”

Dahan-dahan binuksan ni Seulgi ang pintuan ng classroom, at natagpuan naman niya agad
si Joohyun na himbing na himbing pa sa ibabaw ng mga table na pinagdikit niya kanina—
mapayapang lumalayag sa mundo ng panaginip, at sa isip ni Seulgi, kapayapaan si Joohyun,
kapayapaan niya si Joohyun.

Itinaas nito ang kamay niya at buong pag-iingat at banayad—gaya ng uri ng pakikitungo ng
nahihimbing na dalaga sa kanya—na itinabi ang buhok ni Joohyun para masilayan ang
mukha ng taong 'di pa rin niya malaman kung bakit nagpupumilit na intindihin ang mga
bagay natutunan niya nang itago.

Bahagyang gumalaw si Joohyun at agad namang binawi ni Seulgi ang kamay niya.
Panandalian, nakaramdam ng panic si Seulgi nang magsalita si Joohyun, “Wendy, 'yong
pancakes. Itabi mo,” pero agad itong napangiti ng mapagtanto niyang nag-sleeptalk lang ito.

“So, how can I not run? How can I not want to run if I have better reasons to?”

//

Phase 3: faster baby run

Halos halfway na sila sa intended schedule ng Phase 3, at gaya nga ng isa na namang
makapag-bagbag damdaming speech ni Prof. Shin sa isa sa mga impromptu visits niya, “Kang

93
Seulgi is still not running?”

Pagsamahin man ang makatunaw-pagkataong tingin ni Coach Araw at Joohyun, minsan may
mga demonyong kulang sa saboy ng Holy Water, at kahit ilang beses mong ilabas-masok sa
simbahan, bumabalik pa rin sa mundong ibabaw kahit na mas crispy pa sa crispy pata ang
balat sa pagkaka-sunog.

Nakakaumay. Nakakapag-inspire mag-commit ng murder.

Isang malalim na hinga ang pinakawalan ni Joohyun nang maalala niyang isang paa na
naman ang iniatras ni Seulgi dahil sa hinayupak na Prof. Shin. In fact, lunch time na at hindi
ito nagpakita, at ito si Joohyun, naiwang tinititigan ang baon na hinanda niya para sa atleta.

Binuksan niya ang baunan at sinimulang himayin ang isdang niluto nito, dahil ganito na ang
nakasanayan ng sistema niya tuwing alas-dose. Nilagyan niya ng gravy ngayon dahil gusto
niya kahit paano bigyan ng reward si Seulgi sa hardwork niya. Kalagitnaan ng paghihimay,
naalala niyang salmon ang niluto niya—deboned pa nga.

Padabog nitong sinara ang baunan at sinampa ang gilid ng ulo sa kamao na parang batang
hindi gusto ang ulam na hinanda.

"Ew, look at you," pasok ng boses ni Yerim na agarang inilapag ang gamit at pagkain sa table.
Si Wendy na kasama pala ni Yerim, naglapag na rin ng tray niya. "Very rare do you see Bae
Joohyun na nagmumukmok."

Inikot na lang ni Joohyun ang mga mata niya. "Ano ginagawa niyo dito?"

"Awao," sagot ni Wendy na may halong simangot. "Kami na nga nag-effort na tabihan ka sa
table mong mas malungkot pa sa Undas."

Si Yerim naman, mukhang hindi apektado, dumukot pa sa ulam na dapat kay Seulgi.
Hinayaan na ni Joohyun. "Besides, Hyunnie, first time ka ulit namin makasama in a while.
Asan jowa mo? LQ?"

94
"Hindi ko siya jowa."

"Oh, akala ko kayo na. I mean ngayon ka lang namin nakitang walang kasama and I’m the
Student Council President. Imagine being busier than me. Iisa lang ibig sabihin niyan: may
jowa ka na, and a jock, too—" kukuha pa sana si Yerim sa ulam ni Seulgi pero tuluyan na itong
itinulak ni Joohyun mas malapit sa pinggan ng kaibigan, "—I didn't think you'd be the type
na papatol."

'She's not just a jock,' gusto sanang sabihin ni Joohyun. Pinigilan na lang niya. Mahirap nang
masimulan ang History Lessons in Jock Dating ni Yerim.

Pero si Yerim nga naman 'yan at hindi rin naman siya mapipigilan sa pag-emphasize ng point
niya about 'jocks'. A generalization, but she cannot be blamed.

Nang mapansin ni Yerim ang pananahimik ni Joohyun, umalma naman ito sa pag-push ng
point niya about athletes. Ibinaba niya ang kutsara niya at inabot ang kamay ni Joohyun, "oh,
sweetie. Is it that bad?"

Tumango naman si Wendy. "Naku 'te, malala. Buti nga hindi na gaano nagdedeny eh. Parang
tanga. Umabot kaming simba-level, bakla."

"What's the score ba?" paghingi ni Yerim ng paliwanag.

"There is no score," walang ganang sagot ni Joohyun.

"To be fair,” simula ni Wendy na may kutsara pa sa bibig, “wala naman talagang score? I
mean—Seulgi’s plate is full at the moment, emotionally speaking.”

“Yikes,” sukot naman ang mukha ni Yerim sa information, “baka naman awa lang ‘yan, baks.”

95
“Akala ko rin,” pag-amin ni Joohyun sa sarili.

“Alam mo, ‘te, I get you,” ibinalik ni Yerim ang baunan kay Joohyun—bakante na, “galing na
ako diyan, and I understand how attractive the brooding type is—”

“—hindi naman brooding si Sae—” hindi natapos ni Wendy ang sasabihin dahil agad itong
pinainom ng tubig ni Yerim.

“—naiintindihan ko ‘yong akala mo ganoon lang siya sa exterior,” pagtuloy ni Yerim na


panandaliang pinandidilatan si Wendy sa pagbanggit ng pangalang ayaw niyang marinig,
“and then suddenly they transform into this creature na gusto mo alagaan. These jocks, I tell
you, they have ways. Italicized ‘yang ‘ways’. Ibibigay mo ‘yong buong pag-intindi mo because
you think that’s your purpose sa buhay nila, and then suddenly, when things get way too
emotionally invested, poof. Wala na. Iniwanan ka lang ng service survey pero wala naman
silang pakialam sa return.”

Halos ibaon na ni Joohyun ang mukha sa mga papeles sa harap nito, si Wendy naman
napabuntong hininga na rin, “kinabahan bigla ako kay Seulgi. I mean—hello, have you guys
seen the exes?”

Tila nagpanting naman ang tenga ni Joohyun at bigla itong napaupo ng tuwid. “Exes?”

Tumango ang dalawang kaibigan.

“As in plural?”

Tango ulit ang dalawa.

“H—how? I thought—”

Bakas naman ang disappointment ng dalawa sa talino ni Joohyun na tila nag-deteriorate sa

96
sandaling iyon.

“Baks, nakita mo naman itsura ni Seulgi ‘di ba? Si Kang Seulgi? You know, long brown hair,
tall and magandang hot?” nanunuyang tanong ni Wendy. “Itsurang ganoon? Hindi magkaka-
exes with and -es? Exes as in plural?”

“Girl,” tinapik ni Yerim ang kamay ni Joohyun—tila saway, “hindi porke’t hindi emotionally
available ibig sabihin hindi pwede lumandi.”

Bumaling ng pabalik-balik ang paningin ni Joohyun sa dalawang kaibigan habang


pinoproseso ang pinuntahan ng usapan.

“’Yan ang sinasabi ko sa ‘yo,” kibit-balikat ang Student Council President, “jocks aren’t boring
at all kaya maaakit ka talaga. Lalo ka siguro magugulat sa listahan ng exes niyan.”

“Ako lang ba hindi nakakaalam?” buong pagtatakang tanong ni Joohyun. “Gugustuhin ko ba


malaman?”

“Sasabihin ko na sa ‘yo dahil chismosa ako,” pag-una ni Wendy. “Ex number 1, naging
girlfriend niya ‘to noong freshman year. Kim Chungha, dancer type. Instant sparks daw ‘yan.
Mga 3 months din.”

“3 months?”

“Yes, 3 months, higit pa sa number of weeks so far na magkakilala kayo—aray!” siniko agad
ni Yerim si Wendy. “Anyway, ex number 2. The hot boyfriend. Sabi nila landi lang daw talaga
‘to. Kim Jongin.”

“What! Confirmed ba ‘yan?” gulat naman ang nanaig kay Joohyun.

Tumango si Yerim. “Saw them on a date maybe thrice. Kaso mga 1 month lang. Ika nga ng

97
Baranggay Chismis: physics lang—no chemistry.”

“Do I even want to know more?” napamasahe na ng ulo ang problemadong si Joohyun.

“Sige, tama na. Move on na sa next—” excited na sabi ni Wendy na agad namang binara ni
Joohyun ng:

“Meron pa? Ilan ba ‘to?”

“Apat lang girl kalma—”

“—lang?”

“Manang ka kasi kaya shocked ka pa sa apat—aray! Yerim, ano ba? Nakakailan ka na!”

“Ako naman!” bungad ni Yerim na may kasamang pagsulat ng pangalan ni ex number 3 sa


papel. Hindi na nagawang magtanong ni Joohyun kung kailan siya nakahanap ng sandali
para makapagsulat. At nang itaas nito ang papel, mas nagulat pa si Joohyun sa pangalan na
nakita niya:

Kim Jisoo.

“Jesus Christ—”

“Yes, malapit-lapit na—Kim Jisoo,” proud na pag-announce ni Yerim, “si Kim Jisoo na kilala
ng buong baranggay; si Kim Jisoo na habulin ng sangkabaklaan, kababaihan at kalalakihan
and, mind you, ayon sa Baranggay Chika, messy daw ang breakup dahil apparently lumayag
talaga sila—like TOTGA level. Kaso noong naghanap na ng deeper emotional connection ang
Jisoo: ‘Seulgi, let me inside your beautifully broken heart’—boom, retreat ang Seulgi.”

98
Sa puntong ‘to, kita na ang panlulumo ni Joohyun.

“Ano, kaya mo pa? Ex number 4 na?” tanong ni Wendy na inaabutan na si Joohyun ng tubig.
“Gusto mo water?”

Tinanggap naman ni Joohyun ang tubig at nilaklak ng isang inuman. “Sasabihin niyo rin
naman anyway kahit tumanggi ako.”

Nagkunwari ang dalawa na nasaktan with matching kamay-sa-dibdib. Unang nagsalita ang
Yerim, “we feel judged—but yes, sasabihin namin—”

“Oh Sehun,” agad na pagsingit ni Wendy.

“Ayaw ko na,” latang sabad ni Joohyun.

“Tapos na rin naman ‘yong listahan anyway, gaga—” natatawang dagdag ni Yerim, at sa utak
ni Joohyun, iniisip niya bakit kaibigan niya ang dalawang ‘to. “If it’s any consolation, rebound
lang daw ang pogi-bangong si Sehun from the whole Jisoo debacle.”

“Ay wow, napaka-comforting,” sarkastikong sagot ni Joohyun.

“’Wag ka masyadong sad, baks,” malambing na pag-comfort ni Wendy. “isipin mo na lang,


naiiba ka sa kanila. Malay mo, ikaw na ang the one.”

“The one na hindi tatakbuhan?” mapanuyang dagdag ni Yerim.

“Paano mo naman nasabi?” tanong ni Joohyun na may katiting na liwanag sa mga mata.

“Lahat sila may common denominator—” napapikit lang si Joohyun ng mang-ilang ilang
beses, inaabangan ang pag-tapos ni Wendy sa pag-asang binuksan niya, “—lahat sila hot.”

99
“Punyeta,” bulong ni Joohyun sa sarili.

“Alam mo, baks—” inabot muli ni Yerim ang kamay ni Joohyun at pinisil ito, “—this is me
speaking to you as a friend, and as someone who’s been through this very, very uncanny
similar scenario—”

//

“—some things? Are really just meant to pass you by because may matututunan ka sa kanila. In my
case, I learned that I deserved more than Kim Saeron. I deserve more.”

Sabi nila, ‘curiosity killed the cat’. Pero ang tanong: sinong cat?

Si Tom ba na ubod ng walang umay sa kakahabol sa bagay na ilang beses na siyang


ipinahamak? Si Garfield na walang pakialam sa pagdaan ng lahat sa paligid niya?

O si Pusheen na palitaw-litaw lang sa Facebook Messenger mo?

Pking!

Kang Seulgi: Joohyun? Hi!

‘Leche,’ at naalala pa nga bigla ni Joohyun na kaka-add niya lang kay Seulgi last week sa
Facebook.

100
Pagkatapos ng makapag-bagbag damdaming usap niya kasama ang dalawang kaibigan at sa
pagbigay niya sa undying curiosity niya sa past ni Kang Seulgi, hindi niya pa rin maalis sa
isipan niya ang posibilidad na baka hindi siya ang unang pinakitaan ng atleta ng mga sugat
niya—na hindi siya ang unang nag-attempt na gumamot. Pakiramdam niya lahat ng hirap
niya, walang nagpa-bukod tangi.

Napag-desisyunan niyang hindi buksan at iwan sa notifications ang pm ni Seulgi.

Kang Seulgi: galit ka ba?

“Hulaan mo, Kang Seulgi,” sarkastikong bulong ni Joohyun sa phone niya with matching
make-face.

Kang Seulgi: so, galit ka nga?

“Smart naman.”

Kang Seulgi: you’re making faces at your phone.

‘PUNYETA.’

Umigting ang mga balikat ni Joohyun at sinubukan nitong casual na daanan ang mga tao sa
paligid niya, at wala pang isang sandali, nasa harap niya na ang natatawang mukha ni Seulgi.

“Galit ka?”

“No,” ubod nang plain na sagot ni Joohyun.

101
“I thought—ano kasi—‘di mo binubuksan messages ko? Eh nakita ko nakikita mo naman.”

“Um—si Dad kasi, kinukulit ako,” no-effort na palusot ni Joohyun—kulang na lang magbasa
ito mula sa script.

“Oh, phew,” napabuntong hininga naman at tawa si Seulgi. “Akala ko galit ka eh. Iimbitahin
kasi sana kita? May thing ako sa Sunday.”

(‘Oh, really? Pang-ilan naman kaya akong inimbitahan mo sa thing na ‘yan?’)

“Busy ako sa Sunday. Magsisimba ako,” taas-noong sagot ni Joohyun.

“Oh, that’s okay, sa gabi naman,” buong ngiting sabi ni Seulgi, at halos suntukin na ni
Joohyun ang sarili niya para hindi bumigay.

“May prayer vigil akong pupuntahan—hapon ‘yon hanggang keri namin.”

“Ah, gaano ba katagal?” ‘di pa rin nawawala ang positivity sa aura ni Seulgi habang
sinusundan ang babaeng tuloy-tuloy lang ang lakad kahit kausap niya, katunayan kinuha na
nga nito ang bag ni Joohyun, akmang ihahatid ang kasama kung saan man pupunta.

“Mabigat ‘yong cause ng vigil, baka magtagal,” malamig pa ring sagot ni Joohyun.

“Ah, will it take that long?”

“Oo, matagal.”

“Um—kaya ko maghintay?” sa puntong ‘to, bakas na ang pagka-dismaya sa boses ni Seulgi.

102
“’Wag mo hintayin. Gubyerno ipagdadasal namin,” paliwanag ni Joohyun na finally tumigil
na sa harap ng isang classroom at inaabot ulit ang bag mula kay Seulgi.

“Kasi—Joohyun—”

“—relihiyosa ako. Baka magalit sa akin si Lord.”

Napakunot naman ng noo at atleta, “oh, sige. I was just hoping. This Sunday is a special day,
and I just felt like having someone there.”

‘Huwag kang bibigay, bakla,’ sita ni Joohyun sa sarili. ‘Hindi niya birthday. Kabisado mo
birthday niya.’

“Next time na lang,” maigting na sagot ni Joohyun, at sa sandaling ‘yon, proud siya sa sarili
niya. “Wendy, maybe, is available.”

Panandaliang napatungo si Seulgi, pero inabot pa rin naman niya ang bag at ni Joohyun at
isang pilit na ngiti sa kanya. “Okay, I’ll ask Wendy.”

At nang tumalikod si Seulgi, just like that, hindi na proud si Joohyun.

//

2:45 PM

103
Son Wendy: baks, bakit ako mini-message ni Seulgi?

Bae Joohyun: (typing)

Son Wendy: I mean, outside training matters yung message niya?

Bae Joohyun: (typing)

Son Wendy: wag mo ako sermonan putangina, ang haba naman niyan

Bae Joohyun: (typing)

Son Wendy: hoy! tagal pota

Bae Joohyun: (typing)

Son Wendy: bahala ka, o-oo ako. inimbitahan niya ako sa sunday

Bae Joohyun: (typ—)

Bae Joohyun: WAG

Bae Joohyun: ano sabi?

Bae Joohyun: anong imbita?

Bae Joohyun: (typ—)

Bae Joohyun: bakit daw?

Son Wendy: punyeta

Son Wendy: para kang tanga

Son Wendy: tinatanong niya kung gaano ka ka-relihiyosa at bakit di ka um-oo ng Sunday

104
Son Wendy: joke lang sa imbita sa akin

Son Wendy: edi huli ka?

Bae Joohyun: punyeta

Son Wendy: sabi ko sa kanya na-cancel yung vigil

Son Wendy: vigil? gubyerno? WTF pasalamat ka sinalo ko yang palusot mo

Son Wendy: girl, bothered siya kung galit ka sa kanya

Son Wendy: hoy hindi niya utang sayo yung paliwanag kung bakit marami siyang landi sa past

Son Wendy: sabi ko na lang sa kanya bothered ka kasi kinukulit ka ulit ng tatay mo magmadre

Bae Joohyun: WTH

Son Wendy: sino ba pasimuno ng ganyang excuse? sinakyan ko lang ulul

Son Wendy: pag tinanong ka ulit WAG na WAG kang mag-inarte

Son Wendy: at least find out kung ano yung ganap eme niya

Son Wendy: di ka naman tanga para hindi alam kung kailan umatras di ba?

Angry Reax to [Son Wendy: pag tinanong ka ulit WAG na WAG kang mag-inarte]

Bae Joohyun: (typing)

Son Wendy: ay bahala ka

(You can no longer send messages to Son Wendy)

105
//

6:55 PM

Bae Joohyun: (typing)

Bae Joohyun: (typing)

Bae Joohyun: (typing)

Bae Joohyun: Seulgi, anjan ka?

Bae Joohyun: [this message was deleted]

Bae Joohyun: (typing)

Kang Seulgi: Hi!

Kang Seulgi: (typing)

Bae Joohyun: (typing)

Kang Seulgi: (typing)

Bae Joohyun: (typing)

106
Bae Joohyun: seulgi, si wendy ‘to. oo daw sasama siya sayo sa Sunday

Kang Seulgi: Great! Um, I’ll pick you up Sunday? 6:00 PM :D

Bae Joohyun: oo daw

Kang Seulgi: okay :D

Bae Joohyun: ano kailangan niyang suotin? anong klaseng date ba ‘to? with landi? o kunwari walang
landi pero meron talaga

Bae Joohyun: [this message was deleted]

Kang Seulgi: ha?

Bae Joohyun: Hi, Seulgi. Joohyun ‘to. may dresscode ba?

Kang Seulgi: oh, just dress well. I’m introducing you to someone.

Bae Joohyun: Oh, okay.

Bae Joohyun: (typing)

Kang Seulgi: (typing)

Bae Joohyun: (typing)

107
Kang Seulgi: (typing)

Bae Joohyun: putangina basta magkita kayo sa sunday. tapos. kingina.

//

‘Ano nga ba ang meron sa Sunday’ ang tanong na bumagabag sa utak ni Joohyun kapalit ng
pag-iinarte niyang bahagya siyang naka-get-over thanks to Wendy.

Ayon nga sa kaklase, “share ko lang ang quotable quote ng barangay captain namin: ‘pag
inuna mo ang pag-iinarte, ‘wag ka nang magtaka ‘pag naubusan ka ng pamasahe.’”

Hindi rin naman naintindihan ni Joohyun kung anong ibig sabihin ni Wendy, pero dahil
nagulumihanan siya sa effort ng kaibigan na magbigay liwanag, nawalan ng bakanteng space
ang pag-iinarte sa utak niya.

Pero nang magsimula si Wendy na magbigay ng sari-saring symbolisms sa explanation niya,


gaya ng existence ng ibang pasahero, nagkaroon din naman ng idea kahit papaano si Joohyun
ukol sa predicament niya.

Other pasaheros equals other members ng Women’s Track.

Baka sila ang makasagot.

Kaya naman minabuti na ni Joohyun na tanungin ang pinaka-matinong kausap sa lahat: si


Cap Byul. Pero nang tanungin niya ito, ito naman ang naging daloy ng usapan nila:

108
“Hmm,” naglagay ito ng kamay sa may baba niya, “ano nga bang petsa ‘yong Sunday?”

At nang matignan niya ang calendar sa phone niya, lalo lang kumunot ang noo nito. “Doesn’t
ring a bell, pero meron akong hula: it has something to do with her mother.”

Instantly, na-guilty naman si Joohyun dahil nakuha niya pang mag-inarte. Paano nga kung
may kinalaman nga sa Mama niya? Tapos ginanoon niya pa si Seulgi.

“Bakit mo pala natanong?” paghingi ni Cap ng paliwanag.

“Inimbitahan niya kasi ako. Wala rin namang sinabi kung tungkol saan.”

Biglang napatayo si Cap na casual lang na naka-dekwatro pa kanina. “As in siya nagtanong?”

Tumango si Joohyun ng marahan, bahagyang inisip kung ano sinabi niya at hindi malinaw sa
kausap.

“Unang beses ‘yan,” kunot-noong isinagot ni Cap. “Wala pa ‘yang iniimbitahan na kahit sino.
Not even the exes.”

Tumaas ang parehong kilay ni Joohyun, pero deep inside, kung may munting nilalang na
nagdidikta ng kaligayahan niya, nagsasasayaw na ito.

//

109
Sa parehong araw ng training na ‘yon, aksidente rin namang na-bring up ni Joohyun ang
kanilang nalalapit na undefined date ni Seulgi kay Saeron na sa mga sandaling iyon ay iinom
dapat ng tubig ng matiwasay.

“Hi, Miss Joohyun!” bati ng nakababatang atleta na tumakbo papunta sa cooler na nasa tabi
ni Joohyun.

“Hello, Sae,” masayahing bati naman ni Joohyun.

“Pwede ka sa Sunday night, Miss Joohyun? Nagkaayaan kasi kami nila Chewy at Ligaya
manood ng movies!”

Umiling naman si Joohyun. “This Sunday ba? Lalabas kami ni Seulgi eh—”

Agad namang marahas na lumabas ang tubig na di man lang nakakababa sa lalamunan ni
Saeron nang bahagya itong mabilaukan. “A—ano?”

Napaisip na naman si Joohyun kung may nasabi siyang kakaiba.

“Ano sabi mo, Miss Joohyun?” ulit ni Saeron nang umayos-ayos na ulit ang lagay niya.

“Ah, sabi ko lalabas kami ni Seulgi sa Sunday.”

“Kasi—‘pag Sunday lagi umaayaw sa amin si Lodi, pero sa ‘yo apparently pwede,” sagot ni
Saeron nang may ngisi.

“Ah, sorry.”

110
Umiling naman ng mariin si Saeron, “naku, okay lang. Wala kasing nakakapagpalabas diyan
ng Sunday. Kahit pinsan niya. ‘Pag Sunday kasi ang alam ko inuman day nila ng tatay niya.”

Sumukot naman ang mukha ni Joohyun. “Hindi naman siya nag-iinom pa ‘di ba? Hindi kasi
maganda sa diet niya.”

Nagkibit-balikat si Saeron, “’di ko rin sigurado eh. Pero kung lalabas kayo ng Sunday, hindi
ba answer enough na ‘yon?”

Isang tao, isa na namang dahilan para mag-isip.

//

Tahimik namang lumipas ang training day, at as usual, balak na namang antayin ni Joohyun
si Seulgi dahil mukhang balak na naman nitong mag-stay sa oval. Pero nagulat na lang ang
resident manang ng Team Patakbuhin si Kang Seulgi nang hilain ito ni Chewy para kausapin.

“So, sabi ni Saeron lalabas kayo ni Ate Seulgi sa Sunday.”

“Sinabi niya sa ‘yo?”

“Tinweet niya.”

Kumibit ng kusa ang isang mata ni Joohyun, “why?”

111
Pinigilan na lang niya ang sarili niyang itanong kung bakit lahat na lang ng bagay kailangan
i-tweet these days.

“It doesn’t matter na. Alam na ng mundo, and we don’t like the mundo but we like you,”
sagot ni Chewy na casual na dinukot ang phone sa bag niya. “I’m gonna tawag my driver.
You, Sae and I are going to the mall. Magtatagal tayo. We’re going to make sigurado that no
one says whatever sa ‘yo”

“Ha? Pero si Seulgi maiiwan dito mag-isa,” deep down, alam ni Joohyun na palusot ‘yon.
Hindi rin naman kasi siya socially adept.

“Nope, Ate Ligaya will make sama na kay Ate Seulgi.”

Bahagyang ikiniling ni Joohyun ang ulo niya, natanaw niya naman agad si Ligaya na
kumakaway, maya lang, sinundan niya pa ito ng ululing ngiti, kindat at ‘ok’ sign.

At nang mapagtanto ni Joohyun na wala na siyang kawala, napatanong na lang ito, “I’m sorry,
pero bakit tayo pupunta ng mall?”

Katakot-takot lang na ngiti ang nagsilbing sagot ni Chewy.

//

“Ah, Chewy, don’t take this the wrong way ha?” simula ni Joohyun na kinikilatis ang sarili sa
malaking salamin sa harap niya—suot ang damit na ‘di siya sanay suotin. “This is a lot of
clothes.”

112
Nang hindi man lang sumagot si Chewy, patuloy pa rin ang pag-kalikot sa phone, nagsalita
pa ulit si Joohyun, “italicized ‘yong lot.”

Kinaway lang ni Chewy kamay niya na parang wala lang sa kanya ang halos tatlong bag ng
mga damit na pinamili niya. “Ate Joohyun, it’s fine really. This is like my month’s savings.
And I still have savings pa naman from all the other months since I was eighteen. Oh, and I’m
on athletic scholarship nga, ‘di ba?”

Napalunok na lang si Joohyun nang ma-imagine niya ang exact amount ng perang hindi na
sinabi pa ni Chewy.

“Do you like it?” tanong ni Chewy na may bahid ng excitement.

“Oo, kaso, ‘di ba parang ‘di naman bagay sa akin? ‘Di ako sanay sa ganito.”

“Hay, naku, Ate. At least live naman like you’re age. Para kang nabubuhay noong 50s eh,”
tumayo na si Chewy at tinangay si Joohyun papunta sa may cashier. “Besides, you look really
pretty na ganyan.”

“I just like being comfortable. Wala rin kasing alam sa arte Mommy ko.”

“Relax, I shopped naman for a lot of stuff. Magkakaiba. I made sure na you won’t feel un-
you,” agad na katwiran ni Chewy nang iabot ang card sa cashier. “Let’s just say na I updated
your iOS.”

Napangiti na lang si Joohyun. “Thank you.”

“Omg, no. Thank you. The team has been better since you came, you know? We really think
we can win something this time, so this is nothing.”

‘Di naman maiwasan ni Joohyun na mapunta ang isip niya kay Seulgi na kasama pa siguro ni

113
Ligaya sa oval.

“Let’s go na, Ate?”

“Uwi na?” excited na tanong ni Joohyun.

Tumawa naman si Chewy, at si Joohyun na wala nang ibang nakuha kay Chewy kundi cryptic
na sagot na puro tawa at ngiti sa tuwing crucial ang tanong niya, nakaramdam na ng kakaiba.

“Silly, what uwi? We have one last stop.”

//

“Um, guys?”

Sabay na ibinaling ni Chewy at Saeron ang tingin nila sa babaeng kalalabas lang sa pinag-
iwanan nila sa kanya about an hour ago. Habang proud na proud si Chewy sa kanyang self-
proclaimed creation, si Saeron naman hindi na nagawa pang magsalita.

At ‘yon lang ang kinailangang confirmation ni Chewy para mag-send ng pm kay Ligaya:

C. Tzuyu: Ate, Ligaya. Heads up

[1 picture sent]

114
//

[1 picture received]

“What the f—”

“Uy, ayos ka lang diyan?” pagkuha ni Seulgi sa attention ng pinsan niya nang makita itong
halos malaglag ang phone mula sa pagkakahawak. “Sino ‘yon?”

Agad namang itinago ni Ligaya ang phone niya. “Ah, wala. Si ano—ah, ‘yong ano, order ko
sa Lazada.”

“Umorder ka ng picture ng babae? Nakita ko picture eh,” hinihingal pang tanong ni Seulgi,
bakas ang pagtataka sa mukha.

“Ah, oo. Ano, ah—portrait… ni Mama Mary.”

Katahimikan.

“—para kay Mommy,” dagdag ni Ligaya.

Napakunot ng noo si Seulgi, “na-deliver na sa bahay niyo? Tara uwi na tayo?”

115
“Ah, hindi! Sige lang—ah—try mo lang tumakbo diyan. Ano—ipakiusap ko na lang sa
kapitbahay. Oo, ‘yon.”

Nagduda man ng panandalian, tumango naman si Seulgi at nag-resume ng workout.

//

Group Chat: Mga Nali-LIGAYA-han sa BJH x KSG

Promotor Pretty: Chewy, may bonus ka sa aking bakla ka

Tangkad Ganda Lang: (typing)

Kap10zo: Wow, ikaw kapitan, Ligaya?

Promotor Pretty: Hehe, kaw naman kap, di ka na mabiro, masaya lang ako para sa pinsan ko

Eye of Saeron: di pa rin ako makaget-over putangina talaga

Tangkad Ganda Lang: what happens when Only Tzuyu Touches Your Skin

Eye of Saeron: HAHAHA depungal

Tangkad Ganda Lang: Boss J is very pretty naman na, didn’t take much

116
Kap10zo: tatandaan niyo, guys, “everything it takes”

Eye of Saeron: yes kap! Women’s Track for the win! thank you, st. Bae Joohyun

Tangkad Ganda Lang: amen

Promotor Pretty: amenism

Kap10zo: huling takbo ko na ‘to guys, pero nararamdaman ko ito na maipapanalo natin, blessing talaga
sila Boss J at Wanda

Promotor Pretty: oo, kap! worth it ‘to bago ka man lang gumraduate. ramdam ko sa ribs ko

Eye of Saeron: HAHAHAHAHA tingin nga nung ramdam sa ribs

Promotor Pretty: halika ngudngod kita sa tagiliran ko HAHAHA

Tangkad Ganda Lang: HAHAHAHA

Kap10zo: hay naku kayo, basta ang mahalaga masaya si Seul, I am sure, ramdam ko rin sa ribs ko,
maipapanalo niya designation niya

Promotor Pretty: sure na talaga tayo na sa hurdling siya kap? di pa nga siya nakakatakbo at full speed,
slight run pa lang nga

Kap10zo: guys ganto yan, it’s faith—wala nang ibang pwedeng dahilan. nag uumapaw sa faith si Boss
J at binigay niya lahat yun kay Seul. ako bilang kap, gusto ko rin iparamdam kay Seulgi yun. she is the
best hurdler at 16 sa bansa

117
Tangkad Ganda Lang: no matter how tagal it takes, feeling ko I will super iyak when she runs na

Eye of Saeron: jog pa lang nga gusto ko na sambahin yung lupa, ang neat eh. my hero back on the
polyutherane floor again

Promotor Pretty: basta guys pag nakita niyo. uulit ulitin ko lang, nothing like it

Kap10zo: ano nga pinakamabilis niyang record sa isang 100 meter run?

Promotor Pretty: 10.53 seconds

Eye of Saeron: [whistling sticker] can’t wait!

Kap10zo: basta after Sunday night pew pew sure akong sparks na. anong oras ba daw sila alis?

Promotor Pretty: 6 pm kap, ako service. pickup ko si insan tapos sunduin namin ng sabay si Boss J

Tangkad Ganda Lang: feeling ko naman there is sparks na

Eye of Saeron: jan ka nagkakamali, mainit lang sila Chewbacca, pero wala pang bzzt spark

Kap10zo: maitawid lang ‘yang Sunday then saka natin iisipin next plan natin

Eye of Saeron: aye aye kapn

Tangkad Ganda Lang: yes kap!

Promotor Pretty: yes kapitan!

118
Promotor Pretty: oo nga pala hehe

Promotor Pretty: guys baka may picture kay jan ni Mama Mary, yung malaki laki

Promotor Pretty: para di na ako mapagastos hehe

Promotor Pretty: whole body sana tapos black hair

Promotor Pretty: guys?

//

“So,” simula ni Ligaya habang maingat na ipinaparada ang sasakyan niya sa may kalye sa
labas ng bahay nila Joohyun, “sinabi mo na ba sa kanya saan ang punta niyo at kung sino
ipapakilala mo sa kanya?”

Umiling si Seulgi na inayos ang botones at pagkaka-tuck in ng puting shirt. “Slight, pero
feeling ko may idea na siya. Sabi niya magsusuot daw siya ng black and white. Andoon raw
si Wendy, tinulungan siya pumili.”

“Couple yern?” pang-asar ni Ligaya na tinawanan lang ni Seulgi na naka-puting top nga
naman, itim na denim shorts at puting shoes.

“Tanga, the situation and venue just calls for it.”

“Nga pala,” pigil ngisi si Ligaya nang lubusan na niyang pahintuhin ang sasakyan at hilain
ang handbreak, “nagkita na ba kayo since the Friday training?”

“Nope, ‘di ko naman siya ginugulo ‘pag Sabado. Bakit?”

119
“Wala naman,” mabilis na pagdeny ni Ligaya. “Ano antayin na kita dito?”

“’Di ka bababa?” tanong ni Seulgi habang inaalis ang seatbelt at binubuksan ang pintuan sa
may bandang upuan niya.

Itinaas lang ni Ligaya ang parehong kamay niya mula sa manibela. “’Kaw na lang, insan. Dito
lang ako—ah, ano—mag-jamming with my new tunes—”

Nang paandarin naman nito ang radyo ng sasakyan niya, nagkataon na Weekend 90s Hits
Radio ang nakaambang at bumungad ang gitara ng pamilyar na kanta ng Sixpence None the
Richer na Kiss Me.

Lalo lang nahirapan si Ligaya magpigil ng tawa. “Sige na kasi! Dito lang ako!”

“New tunes, retro naman,” reklamo ni Seulgi nang makababa na itong sasakyan at akmang
naglakad na para kumatok sa gate.

“It’s 90s. There’s a difference!” habol ng sigaw ni Ligaya sa pinsan. “This song right here
makes the fireflies dance and the silver moon sparkle!”

//

Sa pangatlong katok ni Seulgi, isang batang lalaki na ‘di mapagkakailang kapatid ni Joohyun
ang nagbukas ng pintuan. Malaki ang ngiti nito at binati naman siya agad ng very unexpected
na yakap.

120
“Um, hello?” awkward na bati ni Seulgi. Itinaas niya ang isang kamay niya at tinapik ang ulo
ng batang kapit na kapit pa sa kanya.

“Hello! Ikaw si Ate Seulgi, ‘di ba?” masiglang tanong ng bata. “You make Ate happy, so I like
you.”

Napatawa naman ng bahagya si Seulgi. Gusto niya sabihing ‘she makes me happy, too’ pero
pinangunahan ito ng pag-aalangan dahil lumaki rin naman siyang walang kapatid. Si Ligaya
na ang pinaka-malapit na pwede niyang tawaging kapatid at wala namang ibang inatupag
‘yon kung hindi makipag-asaran sa kanya.

“Kangmin! Ay ang batang ito. Nakakahiya sa bisita—ah, hello, Anak!” bati ng isang babaeng
halata rin namang nanay ni ‘Kangmin’ at ni Joohyun. Iniabot nito ang kamay niya pagkatapos
niyang mapagtagumpayang mabaklas si Kangmin sa pagkaka-dikit kay Seulgi.
“Pagpasensyahan mo na ‘yan. Ikaw si Seulgi, Anak?”

“Opo, good evening po—”

“—Tita na lang, Anak. Sabi ng Mister ko dito ka na raw kumain, eh ‘ka ko mukhang
mapapatagal kayo ni Nene sa labas.”

Tumango si Seulgi, “okay lang po, Tita. Si Joohyun po pala?”

“Ah, eh kanina pa nagbibihis si Nene. Hindi ko maintindihan bakit nakailang palit na sila ni
Wendy. Akala ko nga high school prom ang punta niyo sa dami ng costume change nila.”

Hindi maiwasan ni Seulgi mapangiti gawa ng aura ng Mama ni Joohyun, dahil idolo man ni
Seulgi ang Mama niya, hindi naman sila naging ganito kalapit gawa ng milya-milyang
distansya nilang mag-ina bago pa ito pumanaw.

“Sa sementeryo po actually ang punta namin,” nag-aalangang nilinaw ni Seulgi. Napakamot

121
ito sa batok niya.

“Ay, Hesus. Sementeryo, akala ko simbahan—Nene! Bumaba ka na dito! Panginoon ko, sa


sementeryo lang pala, ‘yang bihis mo ayusin mo baka mag-mukha kang ililibing sa ganda ng
damit mo!”

Sa iilang sandaling inilagi ni Seulgi sa salas ng mga Bae, napansin niya ang masayang mga
ngiti ng mga ito sa nakahilerang mga picture frame, at ang hilig ng pamilya sa musika.
Nakalinya ang magagandang design ng mga tape sa isang shelf na naiikot. Halos puro
lumang titulo ang nakalagay.

Walang maalala si Seulgi na ganitong uri ng sigla na bumalot sa bahay na kinalakhan niya.

“Nene! Ano ba! Bumaba ka na dito; ako na lilibing sa ‘yo ‘pag ‘di ka pa bumaba!”

“Andiyan na!” ungol naman ng boses ni Joohyun mula sa nadudungaw ni Seulgi na hallway
sa second floor ng munting bahay ng mga Bae. “Simpleng dress lang naman, Ma! Kontrabida
ka, girl?”

“Oo, malapit na ako tubuan ng ahas sa ulo sa pagka-yamot ko sa inyo diyan!”

Tatawa na sana si Seulgi sa palitan ng mag-ina, pero minsan, may mga oras lang talaga sa
buhay natin na ‘yong akala mong gagawin mo, biglang lumiliko. Very diverse din naman ang
probable reactions ng taong involved.

Sa kaso ni Seulgi, ‘yong hanging dapat na itatawa niya, naipon at nanikip sa dibdib niya.
Naubos na lang ito sa isang mahabang bagsak palabas ng kaluluwa niya nang lumabas na rin
si Joohyun mula kwarto niya’t bumaba ng hagdan nang—sa paningin ni Seulgi na nag-
malfunction ang neural system—marahan, na marahan, na marahan, na marahan.

Sa utak ng isang Kang Seulgi, sigurado naman siyang ihinanda niya ang sarili niya sa usual
na simple at conservative na bihis ng isang Bae Joohyun na madalas naka-ipit ang buhok sa
isang pony tail o ‘di naman kaya naka-pusod.

122
Pero maraming bagay pa nga siguro ang hindi niya napag-hahandaan pagdating kay Bae
Joohyun. Si Bae Joohyun na naka-simpleng dress nga na itim, at litaw ang kutis sa kakulangan
ng usual na sweater sa mga braso niya. Si Bae Joohyun na nakalugay ang buhok na banayad
ang bagsak sa mga balikat niya. Si Bae Joohyun na hindi nakasalamin.

Si Bae Joohyun na sigurado si Kang Seulgi—sigurado, walang bahid ng kahit butil ng duda—
na pinaka-magandang bagay na ipininta ang sarili sa buhay niya, at pinakamalakas na
tumambol sa puso niyang matagal-tagal na ring tulog.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.

“Tara na?” pasok ng marahang boses ni Joohyun na ikinapukaw naman ng natustang utak ni
Seulgi.

“Ha?” kailan pa humina sa social cues si Seulgi? Napaisip na nga ang atleta.

Itataas na sana ni Joohyun ang kamay niya para hawakan ang tumikod nang mga daliri ni
Seulgi nang biglang pumasok ang boses ni Wendy:

“SANDALE!”

123
Kumibit ng kusa ang isang mata ni Joohyun sa inis, si Seulgi naman nasa proseso pa ng
pagbaba sa mundong ibabaw nang sundan pang muli ni Wendy ang linya niyang pang-grand
entrance:

“Bababa rin ako ng hagdan. Gusto ko may audience rin ako.”

//

Insan Hen Lin: you knew

Insan Hen Lin: alam mong nag-ayos siya from Friday kaya mo ako tinanong

Insan Hen Lin: traydor ka, Park Sooyoung

Insan Hen Lin: hoy

Natatawa na lang si Ligaya nang masilip niya ang sunod-sunod na messages ni Seulgi na
lumalabas sa notification ng phone niya. Hindi niya binuksan; katwiran niya, drive safely.

Patuloy na lang ang tugtog ng Oldies Radio sa loob ng sasakyan ni Ligaya na tinubuan na ng
tension na pwede mo nang tusukin ng barbecue stick at ihawin.

Si Kang Seulgi naman na hindi mapakali at pinatabi pa nga ni Ligaya kay Joohyun sa likuran,
patuloy ang tapik ng paa sa flooring ng sasakyan at patuloy rin ang paghahanap ng pwedeng
gawin o sabihin.

At nang dumating na sa may chorus ang lumang kantang To Be With You ng Mr. Big (ayon
sa DJ kanina), hindi lingid sa pandinig ng atleta ang mahinang pagsabay ni Joohyun sa
kanta—si Joohyun na piniling panoorin ang mga sasakyan at ilaw sa labas. Sa alalaala ni
Seulgi, bumalik ang imahe ng salas ng mga Bae—kung saan may mga espasyong napunan ng

124
ilang kasagutan.

Pinili na lang din ni Seulgi na pakinggan si Joohyun, at ‘di nagtagal, tumigil ang pagtapik ng
paa niya. At ang mga daliri niyang mas malapit sa kamay ni Joohyun, ikinulong na lang niya
sa sariling niyang kamao.

//

“Ma, kamusta?”

Pag-aalangan ang unang naramdaman ni Joohyun. Nag-aalangan siya kung dapat niya ba
tabihan si Seulgi na mas malapit sa puntod ng Mama niya, o manatali sa likuran kung saan
pwede niyang panoorin si Seulgi na malumanay ang pagkukwento sa nanay habang
naglalapag ng isang mat.

“Ah,” napakamot ang atleta sandali sa batok. “Sorry, ngayon lang.”

Pagkatapos nitong mag-iwan ng dalawang puting bulaklak sa puntod ng ina, inalok nito si
Joohyun na lumapit. “Joohyun, kumportable ka ba sa ganito?” senyas nito sa mat, tumungo
naman si Joohyun at marahang umupo sa tabi niya.

“Good evening po,” bati ni Joohyun.

“Ma, si Joohyun,” simula ni Seulgi.

Sa mga mata ni Joohyun, isa na namang pahina ni Seulgi ang nabuklat niya, at gustuhin niya

125
mang magsalita at samahan ang atleta sa namumuong katahimikan, nauna ang mga tanong
sa ulo niya.

Mga tanong na isa-isang ring sinagot ni Seulgi sa bawat kilos niya. Yukod ang likod nito at
walang imik. Hindi lang din maiwasan ni Joohyun na mapatingin at makita ang simpleng
mga galaw ng kasama—ang unti-unting pagtaas ng mga kamay nitong nanginginig at inilapat
sa sariling tuhod.

Saka lang luminaw sa kanya ang kawalan ng lahat para kay Seulgi.

“Seulgi? You never visited, have you?”

“She’s not under there. She never got buried here. I told myself there was no point in going
here, then again saan ako ngayon pupunta kung hindi dito?”

Iniling ng atleta ang nakatungong ulo nito. Isang kilos ni Seulgi, isa na namang tanong para
kay Joohyun pero pinili nitong kilatisin ito mag-isa—ang uri ng relationship na meron si
Seulgi sa Mama niya. Mukhang kahit sa kamatayan, magkalayo ang mag-ina.

Huminga ng malalim si Joohyun, at kasabay nito ay isang desisyon. Lumapit ito ng upo, mas
sigurado ang kilos. Napatingin si Seulgi sa kanya nang magtama ang mga balikat nila.

“Alam niyo po ba—” simula ni Joohyun na siya naman ikinagulat ni Seulgi, “—natakbo na
ulit ang anak niyo. May compet na rin ulit siya. Babalik kami dito ‘pag kasama na namin ‘yong
trophy niya.”

Nang mapansin ni Joohyun na nakatingin lang si Seulgi sa kanya na puno ng tahimik na aliw
sa mga mata, nagkibit-balikat siya. “What?”

Unti-unting napangiti si Seulgi, bakas ang pigil ng nagbabadyang tawa, “wala naman.
Sumbungera ka. ‘Di niya alam na tumigil ako tumakbo.”

126
At nang hindi makasagot si Joohyun, nagtawanan na lang ang dalawa.

“I-text mo si Ligaya,” sabad ni Joohyun nang makabawi na ito, “sabihin mo magtatagal tayo.
I-oorient natin Mama mo.”

//

Halos 10 PM na ng lubusan nang mabalot ng katahimikan ang dalawa. Hindi rin alam ni
Joohyun kung kailan, pero sa paglalim at lamig ng gabi, napasandal na siya sa kasama, at si
Seulgi naman, bahagyang nakayakap sa kanya. Hindi na niya tinanong kung bakit, dahil sa
isip niya, mutual naman ang pag-intindi nilang mas vulnerable sa lamig ang getup ni
Joohyun.

(At kung nandito si Wendy, ang sasabihin lang no’n ay, ‘sure, blame the cold.’)

“Andiyan na si insan,” mahinahong pagkuha ni Seulgi sa atensyon ni Joohyun. “Tara? Let’s


get something to eat?”

Tumango si Joohyun at tumayo na siya nang magkalakas-loob na siyang tanungin si Seulgi


kung ano nga ba ang araw na ‘to at naisipan nitong bisitahin ang nanay niya. Dahil ayon nga
sa atleta, ‘this Sunday is special’.

“Seulgi?” simula nito sa daan nila papunta sa sasakyan ni Ligaya.

“Hm?”

127
“What’s the occasion?” napansin niya agad ang pag-igting ng kilos ng kasama kaya agad
niyang sinundan ng paliwanag, “sorry nagtatanong pa ako. I’m just curious. It’s okay if you
don’t tell me though.”

Nang matanaw nila ang sasakyan ni Ligaya, una niyang narinig ang malalim na paghinga ni
Seulgi bago ito nagsalita, “Mom’s death anniversary.”

At sa bakanteng patlang na iniwan ng huling pantig ng sagot ni Seulgi, naramdaman ni


Joohyun ang mga salitang iniwan nito sa dibdib niya. Tumigil maglakad si Joohyun, kasabay
ng pag-pasok ng huling sagot ngayong gabi sa isip niya.

‘And your supposed 50th run,’ pinili na rin ni Joohyun na hindi sabihin.

“Seul? Can we go somewhere else?”

//

Bakas man ang tanong sa mukha ni Ligaya ng sabihin ni Joohyun na sa oval sila dalhin,
ginawa rin naman niya.

Training ng Men’s Track kanina at konting pag-papacute lang ni Joohyun sa phone kay Mang
Roger, bukas ang gate nang datnan nila ito.

“I still don’t get why you’d rather be here than eat,” natatawang sabad ni Seulgi.

“Seulgi, last Friday, were you fast enough?”

128
“Ha?” bakas pa rin naman ang ngiti sa mukha ni Seulgi.

“Fast enough for a run?”

At unti-unti, nawalan ito ng kahit anong bahid ng sigla, “no, hindi pa.”

Kinilatis ni Joohyun ang sapatos ni Seulgi, at obviously hindi ito pantakbo. “Don’t be
disappointed,” simula ulit nito, “because I think you’d rather run today.”

“Now?” napatingin na rin si Seulgi sa damit niya, at may pagtukoy sa suot niyang damit,
nagsalita ulit ito, “um—I don’t think I’m ready.”

“Seulgi—” lumapit si Joohyun sa kasama at kinuha ang parehong kamay nito, “you did
something really good today. You haven’t been to your Mom for three years. It’s a Sunday,
and rather than drinking, pinuntahan mo siya.”

Naramdaman ni Joohyun ang kawalan ng balik ng kasiguraduhan sa mga kamay ni Seulgi sa


mga daliri niya, kaya nagsalita pang muli siya.

“You told her everything today. Told her things you’d rather not kasi natatakot ka na baka
hindi siya maging proud enough—” napalalim ng hinga si Seulgi at lalong nawalan ng kapit
sa mga kamay nila kaya buong higpit itong kinapitan ni Joohyun “—but I am. I am proud of
you.”

Umiling ang atleta, bakas nang lubos ang bigong tinatago. “I can’t even make it past the first
flag faster than a jog.”

“Seulgi, you coming to her today isn’t a pledge to her, that much I understand,” mas
mahinahong pakiusap ni Joohyun, at nang katahimikan lang ang ibinalik ni Seulgi sa kanya,
binitiwan niya na ito—

129
—binitiwan sa mga kamay at mas marahan—buong banayad—na hinawakan sa mga pisngi
at inudyok na ibaling ang paningin sa mga mata niya at sa paniniwalang buong-buo niyang
ibinigay.

“You can run. You owe it to yourself. Nobody else. Three years ago, you could have run
around this better than you did four years ago, kahit araw pa ang pagitan Seulgi. You push
yourself every day and I have seen you become better than you were every yesterday—”

Umiling si Seulgi at sa maliit na kilos na ‘yon ng ulo niya, tumulo ang mga luha niyang
madalas ay tago sa mundo, “Joohyun—I haven’t run yet. I haven’t improved for almost two
weeks.”

Si Joohyun naman ang umiling, “yes, you have. You have improved so much.”

At buong pag-iingat, inilapat ni Joohyun ang palad niya sa puso ni Seulgi, “right here. You’re
so much stronger now. Seulgi, listen—”

//

“Seulgi, listen—”

Hindi na umupo si Joohyun. Ngayong gabing ‘to, napagdesisyunan niyang tumayo. Gusto
niya maramdaman ‘yong diin sa mga tuhod niya na dala ng pangangatog na nilalabanan niya.
Dahil sa isip niya, mas mahirap ang pinagdadaanan ni Seulgi.

‘11:59:40 PM,’ ang pulang mga numero sa malaking orasan sa oval.

130
“You can run on the field today like you could have when your knee got better—"

11:59:41 PM naman ng tanggalin ni Kang Seulgi ang mga sapatos niya, 11:59:44 nang
pumusisyon ito sa starting point—nakahandang sukot ang katawan, at lapat ang mga daliri
sa pulang sahig.

“You can run around it barefoot. It doesn’t matter. I just know deep down in my heart, that more than
your knee—”

11:59:48 PM. Set. Itinaas ni Seulgi ang likuran niya.

“You, Kang Seulgi—you are ready.”

//

“Will it make you happy, Mama?”

//

131
11:59:50 PM.

Tumakbo si Kang Seulgi.

At bago pa lubusang tumama sa 12:00:000 ang mga numerong mas mataas ang pinaglalagyan
sa lahat ng bagay at sa namumukod na dalawang tao sa oval, nalagpasan ni Kang Seulgi ang
unang puting bandera.

//

Mas tahimik pa ang daan pauwi. Hindi na nagtanong pa si Ligaya—

Pero lingid sa kaalaman niya, nakapulupot na ang mga daliri ng pinsan niya sa mas malapit
na kamay ni Joohyun.

//

1:34 AM

Boss J: hey! thanks sa paghatid Ligaya ha?

132
Park Sooyoung: no problem, Boss J! basta ikaw, kahit anong oras pa, kahit pa pamamalengke yan
sasamahan kita hehe

Boss J: hahaha, thank you

Park Sooyoung: nga pala, if you don’t mind me asking

Boss J: I don’t. ano yun?

Park Sooyoung: si insan, what happened? may iba sa kanya kanina sa sasakyan

Park Sooyoung: pasensya na, ayaw ko siya tanungin, baka kasi ayaw niya.

Park Sooyoung: lam mo naman si Kang Seulgi

Boss J: hahaha ‘Kang Seulgi’

Boss J: ayun

Boss J: Kang Seulgi ran today

Park Sooyoung: ???

Boss J: approximately 9.8 seconds past 100 meters

Park Sooyoung: HAFHAFFDFLSKSKSSJS!!!?????!

Boss J: and Ligaya? you’re right

Boss J: there was nothing like it

133
//

2:35 AM

Insan Hen Lin: Ligaya

Insan Hen Lin: depungal

Insan Hen Lin: hoy

Park Sooyoung: TANGINA MO

Insan Hen Lin: ay wow

Park Sooyoung: TANGINA

Park Sooyoung: TANGINA

Park Sooyoung: TANGINA MO TALAGA

Insan Hen Lin: anong ginawa ko sa ‘yo?

Park Sooyoung: putangina mo wala pa akong tulog, may pasok mamaya, pero iyak ako ng iyak

Insan Hen Lin: hahaha nag-usap kayo ni Joohyun?

Park Sooyoung: tangina mo lang talaga pag di mo pa to naging jowa

134
Insan Hen Lin: about that

Insan Hen Lin: I need your help

Park Sooyoung: putangina kahit ano

Insan Hen Lin: pwede ko bang ibigay kay Minseok number mo?

Park Sooyoung: ay pota hindi pala kahit ano

Insan Hen Lin: insan please! gwapo kaya ni Minseok

Park Sooyoung: unano lang

Insan Hen Lin: mas matangkad pa rin naman sa ‘yo ah

Park Sooyoung: ayaw, bakit ba napasok si Minseok dito? umurong luha ko

Insan Hen Lin: PLEAAASE

Park Sooyoung: para san ba ‘to

Insan Hen Lin: sa ngalan ng pag-ibig

Park Sooyoung: yak…

Park Sooyoung: pero dahil cheesy at desperado ka, Twitter account ko na lang

Insan Hen Lin: tatanggapin mo request niya?

135
Park Sooyoung: deh, stan account

Insan Hen Lin: hmmm. deal.

//

Natapos ang huling klase ni Joohyun at Wendy na humuhuni-huni pa ang Joohyun habang
nililigpit ang gamit.

Umismid si Wendy. “Bakit ang Disney mo ngayon?”

“Hindi ba pwedeng masaya lang ako?” sagot ni Joohyun nang tumayo na ito’t kasabay si
Wendy lumabas ng pintuan ng classroom.

“Wala nang i-uunfair ang mundo,” sabad ni Wendy na may pag-ikot ng mata, “hot specimen
ka na ngayon tapos masaya ka pa? ‘Pag ‘yan ikinasaya mong ‘yan lovelife if-friendship over
kita.”

Tumawa lang si Joohyun.

Pero bago pa sila lubusang makalabas, limang katok sa kahoy ng gitara at hilera ng mga
lalaking namukhaan niyang ang Poging Chuwariwaps Club ang humarang sa daanan nila.

Nasa may kanan si Chanyeol na may gitara at Baekhyun, si Suho, Chen at Kyungsoo naman
sa gawing kaliwa ni Minseok na sinimulan ang pagkanta with 150% feelings at 20% height.

136
Nagduda ng kaunti si Joohyun kung para sa kanya nga ba ang ensemble, dahil sa
pagkakaalam ng buong university, si Ligaya ang muse ni Minseok. Pero nang tumigil siyang
lubos at pinakinggan ang kanta, naalala niya ang lyrics na kagabi lang sinasabayan niya sa
sasakyan.

Napahanap agad si Joohyun sa paligid niya para sa kahit anong sign ng taong sigurado siyang
nasa likuran ng medyo nakakahiyang spectacle na ‘to—that one person full of surprises.

Panandaliang napaisip si Joohyun kung may hangganan ba ang mga bagong bagay na
pinapakita ni Seulgi at kung ilan rito ang para sa kanya lang gaya ng pinaparamdam sa kanya
nito.

Bago niya lubusang mapagtanto ang munting palaisipan na si Seulgi, may inabot na isang
pulang varsity jacket si Minseok sa kanya. Hindi namumukhaan ni Joohyun ang jacket.
Mukhang bago pati. Binuklat niya ito at nakita ang malaki at puting ‘KANG’ sa likuran.

“May gusto iparating ang may ari ng jacket,” sabad naman ni Minseok.

Nakataas ang parehong kilay ni Joohyun habang inaabangan ang misteryosong message.
Halos mapatalon naman ito sa gulat nang biglang sumigaw si Baekhyun ng, “a-1-2-3!”, sa
may likuran, tapos biglang tumugtog ng background guitars si Chanyeol habang sinimulan
naman ni Minseok ang speech niya:

“Sorry, Joohyun,” sinusundan agad ito ng ibang miyembro ng Chuwariwaps ng isang well-
harmonized na pag-ulit ng kada last 2 syllables ng speech ni Minseok.

Scratch that. Nakakahiya siyang spectacle.

Napahawak naman si Joohyun may noo niya sa hiya. Hindi na mawawala kay Seulgi ang
touch niya ng pang-aasar. ‘Sinadya niya ‘to. Sure na.’

137
“Pero, kasi,” consistent naman ang agenda ng Chuwariwaps na i-blend si Minseok kada tigil
nito, lalo lang naghalo ang pakiramdam na stress at tawa kay Joohyun. “Kagabi mo kailangan
‘yan. Kung hahayaan mo ako bumawi. Magpunta kang oval.”

At nang akala niya tapos na ang torture, umikot pa ulit ang Minseok and the Chuwariwaps
para dagdagan ang mensahe:

“Ay, oo nga pala. May training ngayon. Pupunta ka talaga,” hindi rin nawala ang isang
mahabang segment ng adlibs ng mga nag-haharmonize kay Minseok with matching pakulot
ng boses.

‘Punyetang, Kang Seulgi.’

Itinago na lang ni Joohyun ang pinaghalong kilig-tawa-inis niya sa likod ng isang awkward
na ngiti. Nagpasalamat siya sa Chuwariwaps at nang makaalis naman ang mga ito, nalingon
niya si Wendy na nanlilisik ang mga mata.

May friendship over nga na naganap—

—ng mga 20 minutes.

//

Nang dumating naman si Joohyun at Wendy sa oval, seryoso naman ang training ng Women’s
Track. Walang unusual sa routine: nakakaubos pa rin ng kaluluwa ‘pag pinapanood.

138
Ang pinagkaiba lang ngayon, kasama na si Seulgi sa team at sumasabay sa drills nila. Bukod
pa doon, leche flan na lang sa ibabaw ng halo-halo ang makita ang namumulang KANG sa
likuran ng bagong puting jersey at tila kinang ng maliit na puting numerong 49 sa pulang
shorts nito.

’49?’ panandaliang inisip ni Joohyun ang significance ng numero, pero nang tumigil sa
magkantong takbo si Seulgi dahil sa tawag ng pito ni Coach Araw, saka lang siya napansin
nito.

Seryoso man sa training, agaw-pansin ang ‘di nito pagkakapigil sa ngiti niya kaya batok ang
inabot niya kay Coach Araw.

“Mata sa lupa, Kang!”

Pinagtawanan pa nga ni Joohyun si Seulgi nang parusahan ito ni Coach at binigyan pa ng


marami-raming laps sa oval, at napagtanto na lang ni Joohyun na lutang din siya nang
hampasin na siya ni Wendy na nasa tabi niya lang.

“Huy. Ano ba kinakausap kita!”

“Ha?”

“Sabi ko, binigay ko na ‘yong recorder kay Seulgi para sa last question niya bago ang compet.”

Napakurap lang si Joohyun, hindi lubusang naproseso ang sinabi ni Wendy. “Ano?”

“Girl—may thesis tayo ‘di ba? May questions na kailangang sagutin si Seulgi ‘di ba?
Tanginang landi ‘yan,” sarkastikong ratrat ni Wendy. “Binigay ko na ‘yong recorder sa kanya,
andoon na rin ‘yong tanong. Papakinggan na lang niya para sa sagot—nakikinig ka ba?”

“Hm?”

139
“Punyeta.”

//

Plakda naman sa field sa gitna ng oval si Seulgi nang matanaw ito ni Wendy at Joohyun na
katatapos lang mag-fill up ng daily monitoring nila sa atleta. Sa likuran nila, naririnig ang
masayang usapan ng Women’s Track habang nagliligpit ng gamit nila. Pati sila, kakaiba ang
energy ngayong araw.

Kumuha ng isang boteng tubig si Wendy at tumabi kay Joohyun habang uminom nang
parang wine-in-a-goblet ang hawak na refreshment, “puntahan mo na kasi. Make me proud.
Patunayan mo sa akin na ikaw ay manang no more.”

Binugaw ni Joohyun si Wendy, pero bago pa ito lubusang makaalis, sumigaw pa ito ng,
“remember, sabi ni Mama: in times of severe drought, unleash the inner haliparought!”

Pinagdasal na lang ni Joohyun na hindi ‘yon narinig ni Seulgi.

Nakataas ang isang tuhod ni Seulgi nang malapitan ito ni Joohyun. Napansin agad ni Joohyun
na kinakalikot man ng atleta ang bakas ng hiwa.

“Hi,” bati ni Joohyun.

Hindi na nakabangon si Seulgi sa pagod, pero binalik naman nito ang tingin ni Joohyun na
umupo sa tabi niya. Lumaki ang ngiti nito ng makita ang jacket niyang suot ng kasama. “Hi.”

140
“You did well today.”

Tumawa si Seulgi ng bahagya. “I could do better. I just need to work harder.”

Nagulat naman si Joohyun sa standard ni Seulgi, “hindi ba enough ang 39.8 seconds sa 400
meters, Seul?”

Umiling ang atleta, “39 flat ang dati kong record.”

“’Di na kita susuwayin,” pagsuko ni Joohyun, “but I know you’ll beat it. You beat your old
100 meter record on the first run after a while.”

“I wonder why,” hindi lingid ang mapaglarong tono sa boses ni Seulgi nang sabihin niya ‘to.

“You wonder?” mapanuya namang tanong ni Joohyun.

“I think some girl believed a little too much in me.”

Natigilan si Joohyun at tumikom na ang bibig niya.

“I want to know what more I could do,” dagdag pa ni Seulgi.

Sa gilid ng paningin niya, alam niyang nakitingin pa rin si Seulgi sa kanya. Napalunok ito.
“You could do more for yourself, than for this girl. Gawin mo para sa sarili mo.”

“Sinong nagsabing ginagawa ko ‘to para sa kanya?” pag-asar ni Seulgi na nakangisi na.

141
Hinampas man ni Joohyun si Seulgi, tumawa lang ito at ibinababa na ng tuluyan ang kamay
mula sa tuhod niya. Kaya naman, nasilayan ni Joohyun ulit ang maliit na 49 sa shorts nito.

“Seul?”

“Hm?”

“Bakit 49?”

Panandaliang natigilan si Seulgi, mabilis na nabura ang natitirang bakas ng tawa nito. “Yaw.
Hiya ako.”

Napaismid si Joohyun, “luh, ilalagay sa damit, ididisplay pero mahihiya ipaliwanag? Parang
tanga.”

Ganoon lang, napatawa na ulit si Seulgi, “sige, ganito na lang, Miss Bae. ‘Pag sinabi ko, you’ll
have to say three things back.”

“Bakit may requirements?” reklamo ni Joohyun. “Yung thesis nga namin 20k words hinihingi,
dumadagdag ka pa. Leche.”

“It’s just—ah, ewan. ‘Wag na nga.”

“No, no, wait!” pagpigil ni Joohyun habang lumapit pa ng upo kay Seulgi at umikot para
kaharap niya na ang katabi, “sige na, I accept.”

“Ano kasi—I rarely say a lot of things, pero meron kasi akong gusto sabihin, and it will be
very, very embarrassing if you didn’t say anything back.”

Tumango si Joohyun. “Okay. Ano ‘yon?”

142
Kinalikot ng isang kamay ni Seulgi ang print ng numerong 49 sa shorts niya. “It’s 49 because
I got stuck at 49 runs for a very long time. Hindi na nasundan. So… I would like 49 to remind
me of the reasons I am motivated to get to a 50th run.”

Dapat tumigil na si Seulgi doon, pero katabi niya si Joohyun—nakaharap sa kanya, nakatingin
sa kanya. Bigla siyang nahirapang tumigil sa safe zone.

“So—” lumunok ito sandali, ibinaba ang kabang namumuo sa dibdib “—49 is my surrender
point. I want to run past it. So, baka lang, if you would—Joohyun.”

At alam ni Seulgi, na nasa punto na siyang ultimo pag-pikit ni Joohyun, mahihirapan siyang
hindi ikabisa. Kaya’t gaya ng pagtulak niya sa sariling takbuhin ulit ang isang daang metro
kagabi, inudyok niya ulit ang sarili niya sa presensya ni Joohyun.

“Wait for me past 49?”

Matagal ang itinitig ni Joohyun kay Seulgi—isang matagal na matagal na minuto.

“Hyun? Please say something? Kahit hindi na tatlo.”

Umiling si Joohyun at para kay Seulgi, nakikita niya na ang ihahaba pa ng minutong kinapitan
niya kanina. Gusto niyang tumayo mula sa pinagkakahigaan niya, tumakbo paatras, at ibalik
lahat.

Pero bago pa siya makagalaw ng kahit na isang pulgada, naramdaman niya ang lapat ng
kamay ni Joohyun sa tuhod niyang nakataas. “Wait—Seul.”

“What?” akala ni Seulgi na nasabi niya—nasabi nga ba niya?

“’Di ko kailangan ng tatlong chance,” at hindi guni-guni ni Seulgi ang susunod na mga

143
nangyari—nang ilapit ni Joohyun ang mga labi niya sa galos na tanda ng lahat bigat at takot
na inipon ni Seulgi ng tatlong taon.

Unti pa, marahang inilalapat ni Joohyun ang halik niya sa balat ni Seulgi.

Pero siguro, sadyang may mga bagay na hindi pa nakakasanayan ni Seulgi pagdating kay
Joohyun—na kung nagugulat pa si Joohyun sa maraming bagay sa kanya, mas pa siya kay
Joohyun.

Higit pa.

Dahil hindi pa lubusang nakakalapat ang mga labi ni Joohyun—out of athletic reflex na rin
siguro—umigting ang binti niya at natuhod niya si Joohyun.

“Shet! Hyun!”

//

Alalang-alala pa ni Joohyun ang unang beses na binati ni Wendy ang abilidad niyang labanan
ang katangahan. Sabi nga ng kaklase, verbatim, ‘I think allergic ka sa katangahan’. Kaya
naman hindi maintindihan ni Joohyun kung bakit niya nagawang halikan ang tuhod ni Seulgi.

“Masakit pa ba?”

Lumipat sa benches ang dalawa pagkatapos bigyan ni Seulgi ng much-needed first-aid si


Joohyun na dumugo na nga ang ilong. At ito na nga sila, magkatabing nakaupo at may hawak

144
na pang-compress si Joohyun sa ilong niya.

“Megyo—alay ngo!”

“’Wag ka na masyado magsalita please,” buong pag-aalalang sita ni Seulgi. “Okay na… ‘wag
na ‘yong three things eme. Puro aray lang naman lalabas sa bibig mo—aray!”

Hinampas ni Joohyun si Seulgi gamit ang bakante niyang kamay, at dahil sa bigla at marahas
na kilos niya, napadiing bahagya ang hawak niya sa ilong niya. “Alay!”

“’Yan kasi—” pag-asar ni Seulgi na nagpipigil ng tawa.

“Tawa nga pa ah.”

Maya-maya rin naman, nang hindi mapigilan ni Seulgi matawa, sinabayan rin naman siya ni
Joohyun.

“Nakakatawa kasi eh.”

“Ingaw ngaya tuhurin ngo sa ilong ha?”

Sumabog pa lalo ang tawa ni Seulgi, at nang subukan siya ulit hambalusin ni Joohyun, halos
maiyak naman ito sa sakit dahil napapadiin ang hawak niya sa ilong kada kilos niya. Kaya
naman, napag-desisyunan na lang nilang saksakan ng naka-roll na tissue ang magkabilang
butas ng ilong ni Joohyun—

—dahilan naman para mamatay pa lalo sa katatawa si Seulgi. Malas niya lang dahil bakante
na ang parehong kamay ni Joohyun. Sa isip rin ni Joohyun habang ginugulpi si Seulgi, buong-
buo ang sising gusto niya ihagis kay Wendy na nanggatong ng kunsepto ng inner haliparought
sa utak niya ngayong araw.

145
Pero nang mabalot ng mas kumportableng katahimikan ang dalawa, unang nagsalita si
Seulgi. Isang bagay na nagiging normal na sa dalawa.

“So, ‘yong kanina—yes ba ‘yon?”

“Ha?”

“Well—you tried to kiss me,” at habang sinasabi ito ni Seulgi, kinakalikot nito ang tuhod
niyang nahalikan naman kahit paano ni Joohyun. “Yes ba ‘yon?”

“Nges saan?”

“Yes, you’ll wait for me?” seryoso nang tanong ni Seulgi, “and yes, I can look forward to you
being mine?”

Napakurap na lang ng mabilis si Joohyun sa kawalan ng tama at hustong salita na pwede


isagot sa isang Kang Seulgi na binuksan at iniaalay ang kaluluwa sa kanya. No, hindi niya
alam ang sasabihin—hindi sa ganyang tingin.

“Joohyun? Isang word na lang?” udyok pang muli ni Seulgi ng sagot, at naramdaman ni
Joohyun ang pitik ng pagmamakaawa nito sa mga ugat ng puso niya.

At sa hinaba ng minutong iginugol niya sa pag-iisip ng dapat niya isagot, isang salita na lang
nga ang nasabi ni Joohyun:

“Pangshet.”

Kinagat ni Seulgi ang labi niya sa pagpigil niya sa halakhak na sisibol nang lubusan. Pero
maya lang, nanatili naman ang ngiti sa kanya pagkatapos iiling na lang ang dapat niyang
itinawa, at sa ilang saglit lang ng sumonod na pananahimik, taranta ang bumalot sa bungad
ng damdamin ni Joohyun nang dahan-dahang lumapit si Seulgi.

146
At tila sistema na ni Joohyun ang sinaniban ng aura ng usual cockblocker na si Wendy, dahil
bago pa mailapit ni Seulgi ang sarili sa tanging espasyong inilaan ni Joohyun para sa sarili
niya, na ibibigay na dapat niya kay Seulgi (may tissue man o wala sa ilong)—

—nahatsing si Joohyun.

“Sorry, Seulgi! ‘Yong tissue kasi—”

//

Kang Seulgi: hey

“Hey? Dami kong pinagdaanan ngayong gabi, tapos hey?”

“Hey mo mukha mo, Kang Seulgi.”

Kang Seulgi: still up, I see

Kang Seulgi: :)

“Wait—hol’ up, hol’ up. ‘Wag mo akong ini-ismiley.”

Kang Seulgi: I’ll wait for your ‘yes’

147
Bae Joohyun: (mabagal para kunwari kalmadong typing)

Bae Joohyun: I’ll give you a sign

Kang Seulgi: hm, paano ko malalaman kung yun na yun?

Bae Joohyun: basta, mararamdaman mo naman siguro kung yun na nga

Kang Seulgi: okay :)

Kang Seulgi: but only if I deserve it

Kang Seulgi: good night, hyun :)

Pagkatapos rin ng sampung libong tili sa unan, inuna pa ni Joohyun replyan na lang si Wendy,
gaya ng pag-una niya sa nangibabaw niyang feelings kesa ungol ng mga tanong sa utak niya.

Bae Joohyun: paksheeeeeeeeeeeeeeEEEEEEEEEEEEEEEEEEEET

Son Wendy: ano bang nangyayari sayo?

Bae Joohyun: putanginaaaAAAAAAAAAAA

Son Wendy: [seen]

Bae Joohyun: KINIKILIG AKOOOOOOOOOOOO

[You can no longer send messages to Son Wendy]

148
//

Group Chat: Mga Na-HIHIWAGAAN sa BJH x KSG

Promotor Pretty: HUY! sino nagpalit ng gc name!

Promotor Pretty: ang ganda na nungdati ah!

Eye of Saeron: biased

Promotor Pretty: kaya kita bigwasan sae

Eye of Saeron: I love you na lang Ate Ligaya, pero hindi ako ang nagpalit

Eye of Saeron: bat pala gising ka pa? ano meron?

Promotor Pretty: wala naman, dami lang iniisip

Promotor Pretty: ang chill ng panahon ngayon eh, di maiwasang mapaisip

Eye of Saeron: ay true

Eye of Saeron: teka may gloomy skies pic ako?

[one picture sent]

Promotor Pretty: ganda ng shot ah, kaninang morning yan no?

149
Eye of Saeron: yup!

Tangkad Ganda Lang: seriously, kayong dalawa

Tangkad Ganda Lang: it’s like 3 am ha

Kap10zo: kaya nga, napakaingay

Kap10zo: at ako nagpalit ng gc name, may reklamo Park?

Promotor Pretty: shemps kap kung ikaw magsasabi ng ganyan wala

Promotor Pretty: labyu kap, u da bes

Kap10zo: ulul

Promotor Pretty: bat pala pinalitan mo?

Kap10zo: so sinasabi mo na di kayo nahihiwagaan?

Tangkad Ganda Lang: akshuli…

Eye of Saeron: like trueeeeeee

Eye of Saeron: yan nahawa nako ni Chewy

Eye of Saeron: pahiram muna ng personality Chewy ah pero…

Eye of Saeron: like have you seen them lately? gusto na sila buhusan ni Coach Araw ng ice water with
crushed ice

Kap10zo: @Promotor Pretty sila na ba?

Promotor Pretty: pinsan lang ako, hindi ako concierge

150
Promotor Pretty: pero hindi daw sabi ni insan, di pa raw siya sinasagot ni Boss J

Tangkad Ganda Lang: but whyyyyyyyy

Promotor Pretty: iingat lang siguro si Boss J

Kap10zo: ingat ba yung dikit lagi?

Kap10zo: di na ako magtataka pag nakita ko silang nagkakainan ng mukha

Tangkad Ganda Lang: kap no, that’s so balahura

Kap10zo: para kasing label lang iningatan

Kap10zo: other than that basically sila na

Eye of Saeron: bakit pakiramdam ko nasampal ako ng ten tayms sa convo na to

Eye of Saeron: masak8

Promotor Pretty: naisip ko rin yan kap eh

Promotor Pretty: mas nakakatakot pa man din ganyang setup

Tangkad Ganda Lang: but you know girls

Tangkad Ganda Lang: it’s not us lang naman na nahihiwagaan

Tangkad Ganda Lang: like kanina lang Coach Araw was making tanong if sila na with extra impatience

Kap10zo: boto yern Coach? hahaha

Promotor Pretty: if I know tingin ni Coach kay Boss J isang malaking trophy

151
Eye of Saeron: HAHAHAHA GAGO

Tangkad Ganda Lang: omg mean! Hahaha

Kap10zo: di malayo HAHAHA

Kap10zo: pero pusta niyo tayo lang nahihiwagaan or….

Eye of Saeron: doon ako sa or

Eye of Saeron: pusta ko may iba pang nahihiwagaan na labas sa circle natin

Promotor Pretty: ako hindi, tayo lang ata

Eye of Saeron: sabi mo yan ah. libre mo kami sa maginhawa pag mali ka

Promotor Pretty: col, basta pag ikaw talo gusto ko 1 week na IMAX

//

May nahiwagaan ngang iba, umaaligid at dumarating—like a looming dark cloud.

“You wanted to see me, Sir?” bungad ng tanong ni Kang Seulgi nang makapailalim ito sa
frame ng pintuan ni Prof. Shin.

Unang napansin ni Seulgi ang isa pang babaeng studyante na nakaupo na sa isa sa mga silya

152
sa harap ng table ni Prof. Shin.

“Ah, yes, Miss Kang,” sinenyasan ni Prof. Shin si Seulgi na maupo sa isa pang bakanteng
upuan. “Sit down.”

Hindi pa lubusang nakakaupo si Seulgi, nagsalita nang muli si Prof. Shin habang tila may
hinahanap sa makapal na lupon ng papel sa mesa niya, “this is Miss Lisa Manoban—athletic
import from Thailand. Miss Manoban this is Kang Seulgi.”

Kinamayan naman agad ito ni Seulgi, “hi, nice to meet you.”

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, iha,” pagtuloy ni Prof. Shin, at ni minsan, hindi nito
tinignan si Seulgi mula nang maupo ito sa harap niya, “Miss Manoban is running for the
team.”

Napakunot ng noo si Seulgi.

“I’d like to be blunt with you since hindi nakikinig ang Coach mo sa akin. Coach lang siya,
and I am still head of all student affairs,” at finally, mukhang nahanap na rin niya ang papel
na mas gusto niya makita in the first place. Nilapag niya ito sa harap ni Seulgi. “I want you to
sign this.”

“What is it?”

“An agreement.”

“An agreement? Does Coach know about this?”

Umiling si Prof. Shin. “She doesn’t, and this, Miss Kang, is just like that little contract your
dad signed for you when you first enrolled with us. The difference is you are an adult now,
yes?”

153
Tumango si Seulgi.

“So, alam mo ang pinagkaiba ng kailangan at hindi kailangan, tama?”

Hindi na magawang tumango ni Seulgi, dahil hindi niya pa nababasa ng buo ang nilalaman
ng ‘contract’, naramdaman niya na ang unti-unting pagpuno ng mainit at mabigat na hangin
sa dibdib niya.

This agreement states that Party B (Kang Seulgi) accepts the conditions stated henceforth if his/her
signature is transfixed on this document.

“Alam mo, that at one point, kinailangan ka namin for—well—business arrangements.”

1. The athletic scholarship granted to Party B by Party A shall be revoked if he/she fails to fulfill
exemplary athletic performance this semester.

“—and now, iha, seeing as no one in that little project going on at the Women’s Track are
willing to accept cold hard truths as I do, especially Miss Bae—”

2. Party B shall withdraw from the athletic organization he/she is participating in if he/she fails
to fulfill exemplary athletic performance this semester.

“I will be the one to break it to you: if you lose, you will no longer be classified as an exemplary
athlete.”

At sa gitna ng pananahimik ni Seulgi, inabot ni Prof. Shin ang mamahalin niyang ballpen sa
atletang hinahamok ang paninikip sa dibdib niya.

154
//

Isa pang tao ang lubusang nahiwagaan sa kapangyarihan ng isang Bae Joohyun, at walang
iba kung hindi si Coach Araw.

Napababa ng bahagya ng shades si Coach Araw nang makita niya si Joohyun na—sa isang
tingin lang—napatigil niya ang apat na miyembro ng track team niya sa kaka-alaska sa kanya
at kumaripas papunta sa oval para mag-jog.

Itinuwid niyang muli ang pagkakasuot ng shades iya at uminom ng kaswal sa canister niyang
akala lagi ng lahat ay energy drink ang laman.

Isasampa na sana niya ang mga paa niya sa upuan sa harap at sasandal ng kumportableng
kumportable nang lumapit sa kanya si Kang Seulgi na unusually late.

“O, Kang,” simula nito, “late ka ng 20 minutes. 20 laps sa oval. Ngayon na.”

Hindi gumalaw si Seulgi.

Napatingin na ng lubusan si Coach Araw sa atleta niya—wala ang igting nito sa katawan,
wala ring sign na gagalaw ito para gawin ang 20 laps na kakautos niya lang, at sa kamay nito,
may isang manila folder na tila tonelada ang bigat sa pagkakabitbit niya.

Nakita naman agad ni Coach Araw ang logong naka-stamp sa harapan ng folder, at sa unang
beses sa buhay nilang mag-coach, naramdaman niya ang uka sa kaluluwa ni Seulgi—

And all it took was one word:

155
//

“Coach?”

Mag-mamarka na siguro sa alaala niya ang halos ipagmakaawa ng mga mata ni Kang Seulgi.
Hindi hihigit sa isang salita, hindi hihigit sa isang pantig ang sinabi ng bata, pero milya milya
ang inabot ng apoy sa mga ugat ni Coach Araw, dahil sa isip niya, ni minsan hindi humingi
ng kahit ano si Kang Seulgi.

Tumanggap lang ito ng tumanggap, kahit ano pang basura ang inabot sa kanya ng lintik na
sistemang ‘to.

At kung anumang tinanggap ni Kang Seulgi ng ilang taon, hindi niya kinailangang
ipaliwanag kay Coach Araw, hindi niya kinailangang i-abot—dahil siya na mismo ang
lumikom sa mga nanginginig niya pang mga daliri, at siya din ang babato nito sa
pagmumukha ni Prof. Shin.

Hindi na ito kumatok pa, sinipa niya na lang ang pintuan. Dumiretso siya sa loob at binato
ang lintiang folder sa mesa ng equally lintiang Prof. Shin.

“What the hell!”

“Ikaw ang demonyo sa atin—” walang alinlangang sabad ni Coach Araw, “malaglag ka nga
sana sa impyerno at ‘wag nang makabalik pa.”

“Excuse me, Prof. Lee? I can easily file a complaint against you—”

156
“—gawin mo. Tanggalan niyo na rin ako ng trabaho dahil napakabaho ng sistema niyo.”

“If this is about Kang Seulgi’s contract termination—” sambit ni Prof. Shin na may kasamang
ikot ng mata.

“This is more than just a contract termination, Prof. Shin,” sagot ni Coach Araw, at siniguro
niyang mariin ang mga salitang dapat na pumasok sa utak ng kausap. “This is about what
people of power like us can do.”

‘Di pa natatapos si Coach Araw, umiiling na ang Head of Student Affairs. Kaya hinayaan na
ng coach ng Women’s Track na sumabog ang monologue na matagal-tagal niya nang
napagnilayan at napagtanto sa mga araw na nakasama niya si Bae Joohyun.

“Do you know why this system sucks, Prof. Shin?”

Tila napipilitan pa, umiling naman ang lalaking professor para na lang mapagbigyan ang
coach at baka tumigil din ito.

“Because it has people like us. We contribute greatly to a system that only celebrates prodigies
based on what they can give us. We never truly commend them for their hard work, do we?
We only do ‘pag may balik—‘pag may trophy, ‘pag may medalya, ‘pag may publicity.”

Natahimik si Prof. Shin, kaya naman idiniin pa ni Coach ang punto niya nang walang preno.

“They are good because they worked hard, Prof. Shin. They are good because somebody at
some point saw the potential. They are good because at the acknowledgement of potential
they think they are given purpose,” napalunok ng panandalian si Coach Araw at binigyan ng
bahagyang espasyo ang sarili para umayos ang boses niyang nagbadyang magpakita ng
kahinaan, “they are exemplary because people like us give them reason to, and when they stop
being exemplary anong ginagawa natin? We stop at nothing to go looking for the next best one,
just so we get rid of the disappointment of being failed by those we gave medals to.”

157
Pero kahit na anong pigil ni Coach Araw, tumulo pa rin ang mga luha niya. Ikinurap na lang
niya ng mabilisan ang bahagyang init at labo na namuo sa mga mata niya.

“This is a system of leeches and hypocrites. And I can’t believe I was part of it.”

Napailing na lang si Coach Araw sa sarili niyang mga salita.

“They are still children for F’s sake. We can keep making these children believe that we adults
create opportunities to inspire them. But I hope we never forget that, sometimes, we adults
are bigger children about honor and victories, because we only teach them to love the flow of
the system, but never, never, to love themselves.”

Mabilis na pinunasan ng coach ng Women’s Track ang luha niya.

“If Kang Seulgi loses one match, I leave with her—

At sa pagtungo niya, nag-iwan siya ng huli niyang mga salita:

“—because she turned out to be an exemplary kid. And I will never forgive myself if I can’t
stand with that reason alone.”

//

Hindi na nagtanong pa ang Women’s Track sa biglaang pananahimik ni Seulgi at sa aura ni


Coach Araw na mas malakas pa ang sinag sa kahit anong dwarf star; tumutok na lang ang
team sa training.

158
Pero hindi lingid sa isang Bae Joohyun ang drastic change sa performance ni Seulgi.

“Hyun?” simula ni Wendy na nakapansin rin sa kilos ni Seulgi. “Something’s not right.”

Hurdling day ni Seulgi ngayon at sa sampung hurdle, palaging may isa na tumatama ang trail
leg ng designated hurdler ng team. Kahit ano namang palpak nito, walang pagbabago sa
mukha ni Coach Araw. Firm ito sa decision niya na i-assign si Seulgi sa dati nitong position.

Kada tama ng hita, tuhod o paa ni Seulgi sa isang hurdle, si Joohyun ang nasasaktan. At sa
panlabing anim na semplang ng talon ng atleta, humingi na rin ito ng break na agad namang
binigay ni Coach Araw.

Hindi ito dumiretso sa water station. Katunayan, nilagpasan niya si Joohyun at Wendy na
parehong napatayo; dumiretso ito sa sa mga corridor.

Nang sundan ito ni Joohyun, pakiramdam niya nadurog siya sa nakita niya, at gustuhin niya
mang lapitan, pinaatras siya ng kaalamang ayaw ng atleta na kinaawaan siya—na lalo lang
pinaigting ng pag-iyak ni Seulgi habang nakahawak sa tuhod niya.

At ang mas masakit pa, pinili niyang itago ito sa lahat—

Kahit kay Joohyun.

//

159
Sa parehong gabing iyon, hindi rin pinalagi ni Seulgi si Joohyun sa oval.

Nagsarili ito—or at least, ipinilit nito, dahil pare-parehong nanatili ng patago si Joohyun,
Ligaya at Coach Araw. Bahagyang nagkagulatan ang mga ito nang matagpuan nila ang isa’t
isa sa may corridor sa North Entrance, parehong sinisilip ang progress ni Seulgi sa kani-
kanilang bakal na rehas na naghihiwalay sa kanila sa atleta.

Nakailang tumba na si Seulgi. Wala pa siyang napeperpektong run.

At sa pang halos dalawampung subok nito, pagod na rin ang nanaig, dahil sa unang talon pa
lang, sumabit na ang trail leg niya—alanganin ang talon, at natumbang halos una ang mukha.

Tatakbuhin na sana ni Ligaya at Joohyun, nang pigilan sila ni Coach Araw.

“No, hayaan niyo siyang tumayo.”

Gustong itanong ni Joohyun, ‘paano kung hindi siya makatayo?’ dahil kahit sila ni Ligaya
mukhang napaaray sa bagsak ni Seulgi. Hindi rin nila maiwasang mag-alala sa maaaring
epekto sa tuhod niya, pero bago pa sila makasabad, inunahan na sila ni Coach Araw.

“This is more than just the knee now. If you show worry for an already reconstructed body
part, you are damaging her rebuilding resolve instead.”

Maliit na ginhawa ang naramdaman ni Joohyun nang bahagyang umahon sa panandaliang


pagkakatumba ang atleta. Ginhawang parang karayom, marahang idinuro sa ugat sa pulso—
dahan-dahan ang daloy at katiting. Ginhawang pinalitan naman agad ng pait na unti-unting
namamaga sa may lalamunan niya nang isigaw ni Seulgi ang pagkasiphayo nito.

Sumigaw pang muli ito at nang mapagod, maliit at lata naman nang maupo ito’t isinampa
ang noo sa tuhod—kita ang taas at bagsak ng mga balikat sa paghinga niyang hinahagod niya
ng buong pagkatao.

160
Sa layo nila sa isa’t isa’t dilim na ng oval, nakikita ni Joohyun ang nanunumbalik ng buong
bigat na pagod sa likuran ni Seulgi, kaya hindi na rin niya napigilan na sabayan si Seulgi sa
hiyaw nito sa paraang nakasanayan niya na umpisa pa lang.

Oo, sumigaw rin si Joohyun—gamit ang puso niya, buong-buo.

Kaya nang mauwi siya, hindi niya aakalaing mabubuklat pa pala niya ang munting notebook
at magsusulat pa dito: she has taken several steps back today. I hope it doesn’t last too long.

//

Park Sooyoung: Boss J? gising ka?

Boss J: hi Ligaya

Park Sooyoung: nag-usap na ba kayo?

Boss J: (typing)

Park Sooyoung: she hasn’t spoken to me, o kahit sino sa amin

Boss J: [seen]

Boss J: (typing)

161
Boss J: [seen]

Boss J: kahit ako

//

At ganoon lang, napadpad nang muli si Joohyun sa kung saan siya nagsimula: sa apat na
kanto ng pahina ng isang notebook—ang pinagsimulan ng lahat;

Ang tumanggap ng pagtanto niya sa pang-araw-araw ng damdamin ni Kang Seulgi;

Ang nakinig sa mga reklamo niya kay Kang Seulgi;

Ang sumalo ng mga patak ng luha niya para kay Kang Seulgi.

At ganoon lang, gamit ang kamay niyang hindi ligtas sa epekto ng sakit ng puso niya, isinulat
niya ang tatlong bagay na minsan nang hiningi ni Seulgi sa kanya—na dapat nasabi niya:

1. I know why you are pushing everyone away; you think that by pushing us away we don’t have
to share your pain
2. I can hear you not wanting to fail us, thinking that if you don’t make the jumps, you will fail
us
3. But you’re wrong—

“Ate? Are you crying?” pasok ng boses ni Kangmin na hindi nag-alangang lumapit kay
Joohyun at yakapin ito. Lalo lang nabasag ang puso ni Joohyun sa kaalaman na walang

162
nagbibigay kay Seulgi ng ganitong klaseng sigla.

—dahil kahit noong hindi mo pa hinihingi ang puso ko, umiyak na ako para sa ‘yo.

//

Sa iilang araw na nalalabi bago ang panlimampung takbo ni Seulgi, gabi-gabi na itong
nagpapaiwan, araw-araw hindi makausap sa pagkakatutok niya sa training niya, at lagi’t lagi
tinatanggihan ang kahit anong uri ng salo sa kahit sino—

Kahit na si Joohyun.

Kaya nang bagsak ito’t hinihingal na natagpuan ni Coach Araw sa sahig ng oval, hindi niya
na naiwasang sitahin ng bahagya.

“You are overworking,” simula ni Coach araw nang maupo ito malapit kay Seulgi, “hard
work is different from overworking.”

Umiling si Seulgi, “I can’t fail.”

Tinignan lang ito ni Coach Araw, “okay lang naman pumalpak paminsan—also depends who
you’re failing.”

“I’m failing a lot of people.”

163
Tahimik lang si Coach Araw.

“I’m failing you. I’m failing Cap and this is her last run. I’m failing Sae and Chewy. I’m failing
my cousin who genuinely thinks broken things can be put back together—tangina. I’m failing
Joohyun and Wendy—”

“Says who?” casual lang na tanong ni Coach.

Halos mapanuya naman ang sagot na lumabas sa bibig ni Seulgi, kasabay ng pag-igting pa
ng paghinga niya, “everything. Lahat-lahat—at putangina, pagod na pagod na ako—”

Kasabay ng pagtago niya sa mga mata niya nang takpan niya ito ng braso niya.

“Pagod na pagod na pagod na ako maging kulang—”

Kasabay ng sama ng loob na kumawala sa dibdib niya kahit anong pigil niya.

“Pagod na pagod na pagod na ako sa walang katapusang wala—”

Kasabay ng sawa niyang sinasakal ang bawat ugat ng puso niya.

“Pagod na pagod na pagod na ako mapagod sa sarili ko—”

Kasabay ng kakulangan ng puwang na pwede niyang ilaan sa puso niya, para sa sarili niya.

“Sawang-sawa na ko Coach.”

At hinayaan siya ni Coach Araw ilahad ang pagod, inis, sawa at ang ingay sa tuhod niyang
nanunumbalik at sinlaki ng takot niya.

164
//

Group Chat Created

[Lee Sunny added Moon Byulyi]

[Lee Sunny added Park Sooyoung]

[Lee Sunny added Kim Saeron]

Kim Saeron: ah Coach, pwede namang checkan mo lahat ng names namin bago gawin yung gc para
mas madali

[Lee Sunny removed Kim Saeron from the chat]

[Lee Sunny added Chou Tzuyu]

Moon Byulyi: Ah, coach, sorry daw sabi ni Sae, di na raw mauulit

Lee Sunny: [seen]

Chou Tzuyu: coach she’s making blow up my chats

Park Sooyoung: kahit akin sabog na

[Lee Sunny added Kim Saeron]

165
Kim Saeron: ah hehe sorry Coach

Lee Sunny: [thumbs up]

Chou Tzuyu: what’s meron Coach?

Chou Tzuyu: don’t we have a chat na for the Team?

Lee Sunny: I need to talk to you four, without Seulgi

All: [seen]

Lee Sunny: will you all be ready for her to lose?

Chou Tzuyu: I am, no kaso for me Coach :)

Kim Saeron: ookay rin ako Coach, may mang-ilang ilan pa ako sa univ na stay

Park Sooyoung: Coach :)

Park Sooyoung: alam mo na side ko diyan, handa po ako sa kahit ano, kaya ko rin po saluhin pinsan ko

Lee Sunny: Byulyi?

Moon Byulyi: (typing)

Moon Byulyi: (typing)

Moon Byulyi: coach, I am not captain for nothing po. Seulgi is my teammate no matter the

166
circumstances. talo, sige lang. panalo, sige lang din. I would have spent another year running both the
200 and the hurdles and handa naman po ako doon. but this year was special kasi kumpleto po ang team
ko

Moon Byulyi: not because Seulgi will be the reason for a win. basta tumakbo siya Coach, I can graduate
happy

Moon Byulyi: Coach, we may be runners but we don’t run away from teammates

All: [seen]

Lee Sunny: thank you, Captain.

Lee Sunny: this means a lot to me

//

“Gusto mo ba kainin ‘yan?” simula ni Yerim na bakas ang buong pag-aalala para sa kaibigan
na nakatitig lang sa pang-ilan nang baunang hindi na nakunsumo ni Seulgi. “Mas kailangan
mo ata. Nakailang kuha na rin ako every time she doesn’t come.”

Tinitigan ni Joohyun ang baon na hindi na naman magagalaw ni Seulgi. Huminga ito ng
malalim at itinulak sa direksyon in Yerim ang lalagyan. “Okay lang. Hindi ako gutom.”

Napasambit si Yerim. Ibinaba nito ang kubyertos niya at hinila ang baunan para takpan. Nang
makita nito ang katanungan sa mukha ni Joohyun, inabot niya ang kamay nito at pinisil ang
mga daliri.

167
“Remember when I said some people come in our lives to maybe—sometimes, and I mean that
with emphasis—bring lessons into our lives? That maybe ‘yon lang purpose nila and it was
maybe never about them staying but us becoming better people?”

Tumango si Joohyun na may kasabay na malalim na hinga, hinanda ang sarili sa sermon ni
Yerim.

“Answer this for me then,” simula ni Yerim, “do you feel like a better person right now?”

Sinubukan idaan ni Joohyun ang katanungan ng kaibigan sa matipid na tango. Takot niya
lang kasi na baka ‘pag binuka niya bibig niya at sabihin ang kasalukuyan niyang
katotohanan—aminin ang kasalukuyan niyang katotohanan, mabuksan lang ang trangkahan
ng puso niyang ilang araw na ring lunod.

“Sweetie—you can be honest with me,” pag-udyok ni Yerim. “I won’t judge. Hindi kita
sesermonan, nor will I tell you I told you so.”

Tumango pang muli si Joohyun, at hindi na para sagutin si Yerim, kundi para bigyan ang
katawan ng pagkakaabalahan—na baka pag nilagay niya ang katiting niyang lakas doon,
hindi siya tuluyang maiyak—

Pero nang itaas ni Yerim ang kamay niya at padaanin sa ilalim ng isa sa mga mata niya ang
hinlalaki niya, saka lang napagtanto ni Joohyun na huli na lahat—na kanina pa pala siya
umiiyak—

—gaya lang din ng lahat kay Seulgi—na kahit na ang daming babala, huli na lahat; hindi niya
na nagawang pigilan ang sariling makaramdam para sa kanya.

“Hay, bakla,” umupo na lang si Yerim sa tabi nito at niyakap.

“I don’t feel better; I feel like shit,” halos ibulong na lang ni Joohyun sa kaibigan.

168
“You know, Wendy and I always talk about you and Seulgi.”

Hindi na lang din inasahan ni Joohyun na sa pagbanggit ng pangalan ng taong buong-ingat


niyang binuhat, may ibibigat pa pala ang pilapil ng pait sa dibdib niyang unti-unti nang
kumakawala.

“Na kung may mangyari man—we thought it was inevitable. You kind of just fit right into
each other, at kung sinubukan mang pigilan, wala—useless kasi mangyayari din naman ‘yong
kayo.”

Natawa ng bahagya si Joohyun, dahil wala namang sila. Gusto niyang isipin na tama ang
ginawa niya, na tama ang desisyon niyang hindi pa sagutin si Seulgi.

“But you know what? Kang Seulgi is friggin’ lucky. So, so very lucky because Bae Joohyun
doesn’t give up, right?”

Tumango si Joohyun sa yakap ni Yerim habang inaantay ang kaibigan na matapos ang much-
needed pep talk. At prangka man at walang preno si Yerim, nagpapasalamat si Joohyun sa
mga bagay na hindi ito nagkukulang sa pagbahagi sa kanya.

“Bae Joohyun just needs to learn to wait.”

At alam ni Joohyun, na bahagi na lang din ng bigat na dala niya at nagpapahirap sa espasyong
namamagitan sa kanila ngayon ni Seulgi ay ang pagiging masugid niya sa mga bagay tingin
niya kaya niya ayusin.

Sakto lang din, sa pagdaan ng isip niya sa pag-aayos kay Kang Seulgi, hindi pa pala tapos si
Yerim.

“And Bae Joohyun wasn’t made to fix Kang Seulgi; she simply—very simply—was just made
with the right pieces to be able to love Kang Seulgi.”

169
At ngayon, kailangan lang tanggapin ni Bae Joohyun ang katotohanang inilaan ni Yerim sa
kanyang pagtatanto.

“And that no matter how right we fit into the life of another person, there is always a right
time for everything.”

//

Gabi bago ang panlimampung takbo ni Kang Seulgi, isang bote ng gatas—isang litro to be
specific—ang nilapag sa lamesa sa harap niya, at sa tapat niya, umupo ang pinsan niya at
inalok siya ng baso na tila alak ang nasa pagitan nilang dalawa.

“Really?” sarkastiko nitong tanong kay Ligaya na nagkibit-balikat lang at tuloy lang sa
pagpuno ng mga baso nila.

“Tatakbo ka bukas—kaya ito ang itatagay natin.”

“Low fat ba yan?”

“Anong akala mo sa akin? Malungkot ka na nga paiinumin pa kita ng malungkot na gatas.


Siempre full fat, duh.”

At sa unang pagkakataon, tumawa rin si Seulgi kahit na bahagya.

170
“Ano ‘yan?” senyas ni Ligaya sa maliit na recorder sa kamay ni Seulgi.

“Para sa research nila…” napatigil si Seulgi. Ultimo pagsabi ng pangalan ni Joohyun,


pakiramdam niya wala pa siyang karapatan. “Some questions I need to answer.”

“Napakinggan mo na ‘yong tanong?”

Umiling si Seulgi. “I’m only supposed to listen to them when I’m ready to answer para mas
puro ‘yong sagot.”

Tumango si Ligaya pagkatapos niyang laklakin ang shot niya ng gatas. “So, are you ready to
answer? Kaya mo nilabas ‘yan?”

Umiling na naman si Seulgi. “I’m not sure.”

Napatigil sandali si Ligaya. “Geh, insan. Ako muna tatanong sa ‘yo habang ‘di ka handa
sagutin ‘yan,” tinuwid ni Ligaya ang upo niya at nilagyan pang muli ng laman ang baso niya,
“anong pinakadahilan mo para tumakbo bukas?”

At nang hindi makasagot si Seulgi, alam ni Ligaya kung bakit—gusto niya lang sabihin ng
pinsan niya at aminin sa kahit na isang kaluluwa lang, para mabigyan siya ng pagkakataong
sabihin kay Seulgi ang gusto niya sabihin.

“I never thought I could be in the oval again in the first place—”

“Until?” pagtuloy na ni Ligaya para sa kanya.

“Until Joohyun.”

Tumango si Ligaya. “Ngayon sabihin mo sa akin, Seul. Why the shutting out? Why are you

171
running away again?”

Napahinga na lang ng malalim si Seulgi.

“Insan—” pag-udyok ni Ligaya habang tinutulak ang baso ng gatas na hindi pa nagagalaw ni
Seulgi “—she’s not your mother. Sorry, alam kong mahal mo si Tita and all, but I never did—
to be honest. All she ever was to me was an ideal for my cousin—something to chase,
something to be, but to me? Ultimately, she inspired all this running—taught you how to be
an excellent runner, did she?”

Hindi na kumontra si Seulgi, at sa isip niya, malinaw ang balik ng alaalang nagawa niya nang
burahin sa piling ni Joohyun.

"Anak, you are good at this. Do it. Shoot forward. Walang lingunan."

Ni minsan, hindi rin siya tinanong ng Mama niya kung anong gusto niya gawin. Hindi siya
magaling tumakbo dahil namana niya;

"Will it make you happy, Mama?"

Magaling siya tumakbo dahil gusto ng taong pinahahalagahan niya;

"Ang alin?"

Magaling siya tumakbo dahil ‘yon ang nakita niyang paraan para mabuo ang sarili niya.

"Running."

And Joohyun deserved none of that.

172
//

Insan Hen Lin: san

Park Sooyoung: o? bat di ka pa tulog? gatas naman tinungga natin ah

Insan Hen Lin: on your way to the track bukas, iwan mo naman muna tong recorder kila Joohyun

Park Sooyoung: sinagot mo na?

Insan Hen Lin: yes

Park Sooyoung: good

Park Sooyoung: I’m proud of you

Insan Hen Lin: yak

Insan Hen Lin: but thanks insan

Park Sooyoung: yak right back

Park Sooyoung: good night na siopao

173
//

Sa araw ng panlimampung takbo ni Kang Seulgi, nasa bahay si Bae Joohyun—isang bagay na
hindi na-picture ng babaeng laking Bonakid.

Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Yerim, lumuwag naman sa dibdib niya ang pagtanggap na
kailangan niya maghintay, at kung espasyo ang hinihingi ni Kang Seulgi, espasyo ang
ibibigay niya—kahit pa kapalit ‘yong araw na pinakaasam niyang mapanood.

Okay, wait, isang malaking kasinungalingan ‘yong huling part. Sinabihan niya si Wendy na
magpunta para panoorin at kuhanan si Seulgi tumakbo.

At ito naman siya sa bahay, nagtitiis sa pagdidilig ng mga halaman ng Mama niya habang
sinusubukang yakapin ng buong pag-intindi ang justifications sa utak niya kung bakit
kailangan nasa bahay siya.

Alam niya at ramdam niya sa puso niya ang mga dahilan ni Seulgi, at handa siyang
tanggapin.

Okay, wait, again, isang malaking kasinungalingan ‘yong last part. Hindi siya mapakali. Kaya
naman halos mapatalon siya nang may kumatok sa gate nila.

“Sandali,” sagot nito habang nagmadali itong buksan at nang masilayan nito ang pinsan ni
Seulgi, naramdaman niya agad ang mabilis na pag-akyat ng kaba sa dibdib niya. “Ligaya,
bakit—anong ginagawa mo dito?”

Natawa na lang si Ligaya at inabot ang maliit na recorder kay Joohyun, “pinapabigay ni insan,
at ‘wag kang mag-alala. Tatakbo siya.”

174
At dahil bakas ang bahid ng pagkadismaya sa mukha ni Joohyun, inagapan naman ni Ligaya
ng paliwanag ang sitwasyon, “’di ka talaga manonood? She won’t say it, but I’m sure she’d
love for you to be there.”

Napatungo si Joohyun sa recorder sa kamay niya bago ito umiling. “It’s okay. Baka maistorbo
ko lang siya eh.”

Tumango si Ligaya, “thought you’d say that. Anyway, wish us luck ha?”

“Yeah,” mabilis na sagot ni Joohyun—paraan niya na rin para hindi na matanong pa ni Ligaya
ng mga bagay na kahit anong pulgada ng katwiran niyang gawin, kayang-kayang niya sirain
para kay Seulgi. “Bye.”

Kumaway pang isang beses si Ligaya bago pumasok sa sasakyan. Tuluyan nang nawala ang
pinsan ni Seulgi at nag-iwan ng isang mahabang patlang ng katahimikan—

—isang katahimikan na kinupkop ni Joohyun sa mga kamay niya para iudyok ang sariling
maupo at ibigay ang buong atensyon sa hawak na recorder.

Sa susunod na saglit, pinindot nito ang play, at agad na pumasok ang boses ni Wendy na
ibinigay muna ang tanong na dapat sagutin ni Seulgi:

“Okay, so we have only one question post phase 3. Simple lang din siya like every second question we
have given you sa unang dalawang phase—

—Kang Seulgi, do you think you are finally ready for the track again?”

//

175
“Yes—yes, I think I am ready for the track again. And I remember talking about reasons to run, and I
think I can’t change my answer. Pero siguro ‘yon din ang dahilan kung bakit kailangan niyo itanong
sa akin ng paulit-ulit ‘yan. Because there are bound to be changes in my disposition.”

Nakalapat ang kamao ni Joohyun sa bibig niya gawa na rin ng samu’t saring dahilan. Kung
pagbabago lang din sa disposisyon sa buhay ang pag-uusapan, pwedeng-pwede ideklara ni
Joohyun na siya rin ay sumapi na sa Samahan ng Karupukan.

Nangako siya sa sarili niya, ayon na rin sa bilin at salita nila Coach Araw at Yerim, na
hahayaan niya si Seulgi humakbang papunta sa direksyong dapat.

“I was wrong—wrong about a lot of things, including my reasons to run. Or my reason to run.”

Pero mali siya. Maling-mali din siya.

“Bae Joohyun, I hope you find it in you to forgive me. I realized a little too late that it was wrong for
me to run for you, to run because of you.”

At ayaw niyang maiwan, ayaw niyang mahuli.

“And with what I’m doing—with what I did—I was maybe running away again, running away from
the possibility of hurting others because I disappoint them all the time—that me being broken will
always ever hurt other people.”

Dahil ni minsan hindi naman naging sira si Seulgi—she was damaged, but she was never broken.

“Wends, wala ka na bang ibibilis pa?”

“I want to change that. Alam kong hindi naman posible para sa isang tao na magbago overnight, but I

176
want you to know that, yes, I owe you a fkton of things, and I don’t want you to be the reason for me to
run again.”

Na sa buong duration ng pagsasama nila ni Seulgi, gaya ng mga tao sa paligid niya, iniisip
niya na sira si Seulgi, at dahil nakikita niya ‘yon at siya ang nagpakita ng higit na pag-intindi,
kaya niyang ayusin lahat—kahit pa pira-piraso, kahit pa masugatan siya sa bawat bubog ng
pagkatao ni Seulgi na pinagtiyagaan niyang pulutin—kaya niya.

“I just want you to be you, because—”

Tama si Yerim—

Nagtagpo sila ni Seulgi dahil sila si Bae Joohyun at si Kang Seulgi.

“I am afraid.”

Dalawang magkaibang kamay na mas may sense ‘pag pinaglapat.

“I am afraid that I’d break what I worked hard to put up again, and if I break again—if I have to break
again, I don’t lose everything—”

“Wends!” ngawa ni Joohyun na habang inaalala ang bawat salitang binitiwan ni Seulgi sa
isang recording na ‘yon, nag-uumapaw ang luhang akala niya naubos niya na para kay Kang
Seulgi. “Please pakibilisan mo, baka umabot pa tayo.”

“—because in my mind, you are everything to me, not because you made me run—”

“Gusto mo mabangga tayo?” sabad naman ni Wendy na bigay-todo sa pagmamaneho.


“Tinanong ka na ng maraming beses ng maraming tao, aayaw-ayaw ka tapos ako
ngangaragin mo?”

177
“—but because I love you.”

Pero kung ano man ang i-iiyak ni Joohyun ngayon para kay Seulgi, ‘di na gaya ng dati—wala
nang natitirang awa, wala nang natitirang bahid ng self-righteousness na ipaglaban ang isang
Kang Seulgi sa sistema.

“I love you.”

Ang mabilis na kabog ng dibdib niya, ang babaw ng hinga niya sa pagmamadali niyang i-
ahon ang puso niya sa pagkakalunod sa maling pag-iisip, ang mga luhang hindi sing-init ng
sama ng loob na buhat niya ilang araw na ang lumipas—

“I love you and ironically, I think I am most ready for the track again, because I am done running.”

Lahat ‘yan dahil mahal niya si Kang Seulgi—flaws and all.

“This is a horrible way to answer a question for a thesis. I’ll record you another one if you maybe pen
me a new question? Is that possible?”

“Son Wendy, yellow light lang ‘yan; bakit ka tumigil!”

“PUNYETA! IKAW MAG-DRIVE!”

//

178
Magaling tumakbo si Seulgi.

Kung hindi pa patunay ang sigawan ng audience sa stands sa palibot ng track oval, kahit na
may kakulangan sa suportang dinadala ng university administration, ang teammates niya at
coach niyang buo ang tiwala sa kanya ang magsisilbing undeniable proof.

Sa mga uri ng takbo, sa 100 meter hurdling isinasalta si Seulgi—kung saan ang current record
ay siya lang din ang may hawak—10.5 seconds for a hundred meters with 10 hurdles.

Kang Seulgi was the Eastern Wind—Amihan. Mabilis at mabagsik. Pero ngayon, pumunta
siya sa oval bilang sarili niya lang, si Kang Seulgi na maraming dala-dala, si Kang Seulgi na
malaki ang uka sa pagkatao—mga sugat na inuka ng sirang sistema.

Oo, anu’t ano pa man, magaling pa rin tumakbo si Kang Seulgi.

Alam niya ang direksyon niya, alam niya ang dapat iwan at dapat bitbitin, at alam niya ang
dahilan niya.

Sa puso't isip ni Seulgi, lalayag siya patungong tagumpay. Bubuhatin niya ang mga paa niya
pasulong.

Pero sa ginta ng pakikibaka niya sa sarili, napapikit ito at napailing sa biglang pag-ikot ng
lahat ng kulay at pagkapal ng ingay sa paligid niya. Naramdaman man ang nagbabadyang
paninikip ng dibdib niya, pilit niyang nilabanan ito—hingang malalim, sambit, ulit.

"Anak, you are good at this. Do it. Shoot forward. Walang lingunan."

“No, not now,” bulong niya sa sarili nang pilit na bumabalik ang mga ala-alang dala ay bigat
sa mga talampakan niya.

"Will it make you happy, Mama?"

179
Hingang malalim, sambit, ulit.

"Ang alin?"

Hingang malalim, sambit, ulit.

"Running."

//

“Punyeta, Hyun! Nalagas lahat ng baby fats ko! Ililibre mo ako sa buffet pagkatapos ng track
event—puta talaga!”

Hingal na hingal si Wendy na sumampa sa riles ng North Upper Box sa oval habang si
Joohyun naman, itiniyad ang mga paa para makakita sa dami ng tao.

“O, ano? Nakita mo na?”

Nang masilayan naman ni Joohyun si Seulgi, nakita niya itong umiiling at panandaliang
humawak sa ulo niya na parang wala ito sa balanse.

“May mali Wends. She’s not okay.”

“Eh, anong gagawin natin?” tanong naman ni Wendy na mukhang napalitan na ng pag-aalala
ang gigil sa katawan. “’Di natin siya maaabutan in time sa dami ng tao kung bababa pa tayo.”

180
Inikot ng paningin ni Joohyun ang paligid niya—naghahanap ng paraan, naghahanap ng
daan.

At sa gitna ng pagugumahol nila ni Wendy maghanap ng liwanag sa dagat ng nakalululang


tao, ‘di naman naiwasang marinig ng dalawa ang usapan sa may gawing malapit sa kanila:

“Okay na ba talaga si Kang Seulgi?”

“Tangina, ‘di pa nga raw talaga.”

“Eh, bakit ilalaban pa ‘yan? Baka matalo lang tayo.”

Napuno man ng inis at galit si Joohyun, hindi na niya nagawa pang makipag-away dahil
inunahan na siya ni Wendy na pinaulanan ang mga chismosa ng mura—mga murang ranging
from the usual English profanities na nagsisimula sa F, at mga murang tagalog na variations
ng putangina.

Sa gitna ng pakikibaka ni Wendy in a very creative language, tila nabundol ng truck si Joohyun
sa hawig ng sitwasyon sa alaalang kailan lang, sa gitna mismo ng oval nangyari:

"It was a mighty classy way to raise a middle finger, like—

“Don’t Stop Believin’?”

“—pakyu, kayo! Tangina niyong lahat!"

"Alam mo 'yong ang tagal kong gusto murahin lahat?"

Ganoon lang, si Joohyun na persistent, enthusiastic and idealistic, nagkaroon agad ng idea

181
kung anong pwede nilang magawa ni Wendy para kay Seulgi sa mga oras na ito.

“Wends—” simula ni Joohyun habang hinihila ito palayo sa mga chismosang parang
binawasan ang kaluluwa sa sermon ni Wendy sa kanila. “Wends! I have an idea!”

“Kagigil na mga chismosa! Sige, subukan niyo lang mag-chismisan diyan—” banta ni Wendy
sa kanila habang dinuro ang mga ito at itinuro ang pareho niyang mga mata.

“Wends!”

“O? Ano kasi!”

“Premium ba Spotify mo?”

“Ha? Ano ba pinagsasabi mo?”

“Kailangan natin i-access ang PA system!”

“Bakit? Ano bang pumapasok sa isip mo ha? And besides walang paraan para ma-access natin
ang PA system dahil nag-lock na sa loob ng booth ang—” at bigla-bigla, tumigil si Wendy.

“Baks? Bakit?” kinakabahan namang tanong ni Joohyun sa kasamang parang biglang


sinapian.

“May paraan para mabuksan natin ang pinto ng PA booth—may tao man o wala sa loob.”

“Paano? Bilis kasi, Wends!”

“Joohyun—” inilagay ni Wendy ang parehong kamay sa magkabilang balikat ni Joohyun, na

182
para bang napaka-halaga ng kailangan niyang sabihin, “kailangan handa kang ibigay kay
Mang Roger ang number mo.”

//

Sa araw ng panlimampung takbo ni Seulgi, lumuhod si Seulgi para ayusin ang sarili niyang
sintas. Dito niya ibinaling ang umaakyat na mga multo sa isip niya—mga dudang kumakatok
sa utak niya.

"Will it make you happy, Mama?"

“Tangina, ‘wag kasi ngayon—” halos nagmamakaawa nang bulong ni Seulgi sa sarili niya.

“Anak, makinig ka sa akin ha?

“She’s gone, Seulgi. She’s been gone a while. Kaya mo ‘to,” pagkalma ni Seulgi sa sarili niya.

Sa may likuran niya, hindi niya na napansin ang mensaheng ni-relay kay Coach Araw, na
nagkakaroon daw ng kaunting aberya sa sound system kaya hindi makapag-announce ng
simula ng hurdling round; na napag-desisyunan na lang ng committee na ituloy na lang ang
event dahil may pito naman ang magtatawag at maghuhudyat ng simula.

"Seulgi," pagtawag ni Coach Araw sa kanya.

Itinaas niya ang tingin niya mula sa pulang sahig at sa mga paa niya.

183
"Tatakbo ka na."

Tumango siya, tumalikod at tuluyan nang dinala ang sarili papunta sa puntong walang
balikan, walang atrasan—ito na ‘yon.

Magawa niya man ng perpekto ang sampung talon o hindi kaya namang—

Nabasag ang daloy ng bagong uri ng katwiran ni Seulgi, dahil biglang umugong at umulyaw
ang tunog ng makabutas-tengang mic feedback sa buong oval.

Maraming bagay pa nga siguro ang hindi napag-hahandaan ni Kang Seulgi pagdating kay
Bae Joohyun. Si Bae Joohyun na hindi man itinaas ang middle finger para sa galit ni Seulgi sa
mundo, ipinatunog naman ang pamilyar na entrada ng maliligalig na gitara ng Don’t Stop
Believin’ sa guong track oval.

Si Bae Joohyun na sigurado si Kang Seulgi—sigurado; walang bahid ng kahit butil ng duda—
na nakatayo malapit sa PA booth kung saan kitang-kita siya. At sa wakas, nailabas din ni
Seulgi ang tonelada ng bigat sa dibdib niya. Hindi niya na napigilan ang buhos ng damdamin
niya at bahagyang tagas ng luha mula sa mga mata niya.

Itinaas ni Joohyun ang kamay niya at marahang tinapik ang ibabaw ng puso niya.

“I’ll give you a sign.”

“Paano ko malalaman kung ‘yon na ‘yon?”

“Basta, mararamdaman mo naman siguro kung ‘yon na nga.”

184
At sa isip ni Seulgi, sa loob ng isang maliit na sandali, pumasok ang alaala ng mga salita ni
Joohyun noong gabing una siyang tumakbo ulit—

“You can run on the field today like you could have when your knee got better—"

“I just know deep down in my heart, that more than your knee—”

Dahil siya si Kang Seulgi, at wala nang pupulot nang iba sa kanya bukod sa sarili niya.

“You, Kang Seulgi—you are ready.”

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

At sa panlimampung takbo ni Seulgi—sa araw na pinaka-malinaw ang alaala ng pagka-purol


ang tuhod niya—

—humusay pa siyang tumakbo;

Kumaripas lagpas ng mga kakumpetensya niya;

Tumalon ng walang palya sa sampung lundag sa oval;

At natalo ang sarili sa dalawang magkaibang paraan:

185
Ang sarili nitong record na 10.5, na ngayo’y 10.4.

At ang simulang tigilan ang uri ng pagtakbong nagpalayo sa kanya sa lahat ng tatlong taon.

fin.

186

You might also like