You are on page 1of 3

Filipino Assignment: Tales inspired / about Greek Gods and Goddesses

By Mariejade Ponting

"Si Veto at Maragin"

Noong unang panahon, sa dakong silangan ng kagubatan ng Plagea, nakatago ang kakaibang ganda ni
Maragin, ang diyosa ng kagubatan at ng musika. Ang kaniyang simbolo ay dalawang matitinik na puting
rosas.

Si Maragin ang naging bunga ng pagsasama nina Jupiter at Maria, ang isa sa mga naging babae ni Jupiter
na isang mortal. Itinago ni Jupiter si Maragin sa madilim na kuwebang binalutan niya ng sapat na
enerhiya upang hindi ito mahanap ni Juno na siyang nagtangka sa buhay ni Maragin at ng ina nito.

Mag-isa lang si Maragin sa loob ng madilim na kuweba na tinuring na niyang sariling tahanan. Wala
siyang nakakasama hanggang sa kaniyang pagiging ganap na dalaga at nang siya'y tumuntong sa hustong
edad para makapag-asawa na. Ngunit ano ang kaniyang magagawa? Nanaisin man niyang makahanap
ng kapareha na pang-habang buhay ay hindi niya alam kung papano dahil nakakulong siya sa kuwebang
nakasanayan na niya. Isang maliit na butas lang ang mayroon ang kuweba, sapat na upang makasilip
man lang siya sa kagubatang kaniyang labis na hinahangad. Diyosa nga siya ng kagubatan ngunit hindi
man lamang niya ito masilayan ng buo. Pag-aari niya nga ngunit hindi man lamang niya ito mahawakan.

Isang araw, habang ibinubuhos ni Maragin ang kaniyang emosiyon sa pagkanta sa loob ng kuweba ay
nakarinig siya ng ingay. Lingid sa kaniyang kaalaman, palagi siyang binibisita ni Veto, ang diyos ng
hangin , pangangaso at ng sining, upang marinig ang kaniyang matamis at nakahahalinang tinig araw-
araw. At ang narinig niyang ingay ay galing sa bahaging may maliit na butas. Nahinto siya sa pagkanta. At
unti-unting niyang nasilayan ang liwanag dulot ng pagkakalaki ng butas ng kuweba. At kaniyang
nasilayan ang isang matipunong lalaki. Pareho silang natigilan. Hindi inaasahan ni Veto na isang
magandang dilag ang sasalubong sa kanya pagkabitak niya ng isang medyo malaki-laking bato.

Natakot si Maragin sa bagong dating na lalaki. Isa ring dahilan ay hindi siya sanay na makipag-usap sa
iba. Nasanay siyang mag-isa. "Huwag kang matakot binibini, wala akong gagawing masama sa iyo!" ,ang
sabi ni Veto. Medyo nahimasmasan naman ang kabang nararamdaman ni Maragin. Tinulongan ni Veto
na makalabas si Maragin sa kuweba. Labis na natuwa ang dalaga sa kaniyang nakikita sa labas ng
kuweba.
Naging malapit ang loob ng dalawa nang tuluyan na silang nagkakilala. Masaya si Maragin dahil si Veto
ang kaniyang napupusuan, isang mabait at maalagang binata. Hindi naman matatawaran ang ang pag-
ibig ni Veto para kay Maragin. Ang dalawa ay lubos na nagmamahalan.

Lumipas ang ilan pang mga buwan ay nakarating ang isang mensahe kay Zeus. Isinasaad nito na
nakalabas si Maragin sa kuwebang kaniyang pinagtaguan. Sa labis na pagkagalit ni Zeus ay pinuntahan
niya ang lugar nang walang pag-aalinlangan. At doon nga, nakita niya si Maragin kasama si Veto. At
noong mga panahong 'yon ay nag-iisip na si Jupitet kung papaano niya mapapabalik sa kuweba si
Maragin. Hindi na niya alintana kung ano ang maidudulot nito at kahit pa alam niyang masasaktan niya
ang anak sa gagawin niya.

Sa kabilang banda naman, nabalitaan ni Hera na may iba na namang babaeng pinagkakaabalahan ang
kaniyang asawa. Kaya ipinadala niya si Ares upang patayin ang babaeng nagngangalang Maragin, na
anak ni Jupiter sa ibang babae.

Habang masayang naglalakad ang magkasintahang sina Veto at Maragin sa malaking hardin na puno ng
mga mahahalimuyak na puting rosas. Napahinto sina Veto at Maragin upang damhin ang preskong
hangin tinawag ni Veto. Kumuha rin ng isang tangkay ng puting rosas si Veto. Ibinigay niya ito kay
Maragin. Napuno ng matatamis na ngiti at tawanan ang paligid. Ang hindi nila alam, ay palihim silang
pinagmamasdan ni Jupiter mula sa itaas. Napagtanto niyang mahal na mahal ng dalawa ang isat-isa at
hindi niya na makukuha pa si Maragin. Kaya naisipan niyang gumawa ng malakas na kidlat na sisira sa
buong lugar na kinalalagyan ni Veto. Ngunit bago pa man niya mapakawalan ang napakalaking enerhiya
ay nakarinig siya ng malakas na palahaw.

"Veto! Veto! Veto! Aking sinta! ", ang malakas na palahaw ni Maragin nang makitang may nakatarak
nang palaso sa dibdib ng kaniyang sinisinta. Sinalo ni Veto ang palaso na dapat ay sa kaniya tatama!
Malakas na umiyak si Maragin, ang palahaw niya ay mariring sa buong kagubatan, ang lahat ng mga
hayop at halaman at iba pang mga nilalang ay nakikisimpatya sa kaniya.

Magsasaya na sana si Jupiter sa nasaksihang eksena ngunit hindi na niya napigilan pa ang paglabas ng
napakalakas na enerhiyang galing sa kaniyang mga kamay at dumeretso ito sa direksiyon nina Maragin
at ng wala nang buhay na si Veto. Nagkaroon ng napakalaking pagsabog at butas ang direksiyon kung
saan tumama ang malakas na kidlat.

Sa huli, hindi naparusahan si Jupiter sa nagawang kasalanan, dahil siya naman ang hari ng mga diyos at
diyosa, at inamin niyang aksidente lamang ang nangyari. Wala ring naging parusa si Hera dahil hindi
naman nila alam kung sino ay may pakana ng pagkawala ng magkasintahang diyos at diyosa. Walang
nakakaalam sa totoong nangyari kundi ang mga hayop, halaman at ibang nilalang na nakasaksi sa
malungkot na kinahinatnan ng magkasintahang nagmamahalan. Pinangalanang 'Veto' ang lugar , tanda
ng pagmamahalan nina Maragin at Veto. Kahit kailan walang nakaalam sa kung gaano kamahal nina
Maragin at Veto ang isa't-isa at kung gaano kasaklap ang kanilang naging tadhana.

You might also like