You are on page 1of 3

Pamagat

MAPANLINLANG NA PAGMAMAHAL

Tema

Tauhan
Jupiter- siya ang pinuno ng mga Diyos. Ang pinakamataas at pinakamakapangyarihan sa lahat ng diyos ng mga Romano. Ang kidlat at
kulog ang kanyang sandata at kapangyarihan.

Mars- Anak ni Jupiter at Juno. Siya ang Diyos ng digmaan. Ang kapangyarihan niya ay  makapunta sa lugar ng gdigmaan. Siya din ay
kalaguyo ni Aphrodite.  

Minerva- siya ang Diyosa ng karunungan, katusuhan at sining Siya ang pinakamarunong sa lahat ng mga diyosa.  

Zeus- siya ang pinuno ng mga Diyos. Ang pinakamataas at pinakamakapangyarihan sa lahat ng diyos ng mga Griyego. Ang kidlat at
kulog ang kanyang kapangyarihan.

Ares- Anak ni Zeus at Hera. Siya ang Diyos ng digmaan. Ang kapangyarihan niyang makapunta sa lugar ng digmaaan.  

Mapanlinlang na Pagmamahal

Sa kalangitan kung saan naroroon ang mga Diyos at Diyosa, kilalang kilala ang dalawa sa magagaling na Diyos. Sila ay sina Jupiter na kilalang
pinakamataas at makapangyarihan sa lahat ng diyos. Siya ay may kapangyarihan; kidlat at kulog ang kanyang sandata. Sa kabilang banda naman
ay bantog ang Diyos na si Zeus. Siya ang pinakamataas at makpangyarihang Diyos sa lahat ng Griyego. Kidlat din ang kanyang kapangyarihan. Isa
sa mga panuntunan sa kalangitan, ay ang pag-ibig ay ang diyos at diyosang Griyego ay pang Gtiyego lamang, ang Romano ay pang Romano
lamang.

Isang normal na araw sa kalangitan. Lahat ay abala sa kani kanilang mga kapangyarihan. Si Mineva ang diyosa ng karunungan ay tinuturuan
ang mga anghel sa kalangitan ng sining. Sa daan niya pauwi ay nadaanan naman niya sa isang kaharian ang isang makisig na diyos na nagtuturo
naman sa mga kawal ng patungkol sa pakikidigma. Unang silay pa lamang ay hindi na maipagkakailang may nararamdaman si Minerva para sa
Diyos na iyon. Kinabukasan, sa kaniyang pagdaan muli sa kaharian ng mga ito ay napansin niyang nandun muli ang lalaking iyon, ngunit
nagmamadaling lumipad palayo ang Diyosang si Minerva. Alam niyang mali ito, bagama`t hindi batid ang Diyos na iyon ay nasa kaharian ng mga
Romano. Gabi na at oras na upang magpahinga, hindi mapakali si Minerva. Tahimik ang gabi, malamig ang simoy ng hangin nakahiga si Minerva
at nakatingin sa mga bituin, hindi mawala wala sa kaniyang isip ang lalaking iyon. Isang pagdagabog mula sa bintana ang narinig niya na sadya
naming nakabasag sa katahimikan ng kaniyang bahay. Pagbaba niya ay agad niyang nakita ang isang ibon na may dalang sulat. Agad niyang
kinuha ang papel sa tuka nito nang biglang nagpalit anyo ito bilang tao.

“ Ako si Mercury, ang mensahero ng mga Diyos. Dito akoy pinadala upang ipadala ang mensaheng ito.” Saad ni Mercury
“ Maraming salamat, ngunit maari ko bang malaman kung kanino nanggaling ang sulat na to?” nagtatakang tanong ni Minerva.
Hindi sumagot si Mercury at lumipad paalis ng bintana. Sa kaniyang kasabikan ay binasa nya ang sulat.
II IX MCMXCV

Mahal kong Minerva,

Magandang gabi binibini. Una pa lamang kitang Nakita akoy nabighani na sa iyong gand. Napag alaman kong Diyosa ka pala ng
karunungan, ako naman ay sa digmaan. Hayaan mo munang ilihim ko ang tungkol sa akin.Kamusta ka? Magkaroon ka sana ng maayos na gabi

Nagmamahal,

Iyong Tagahanga

Agad na napaisip si Minerva, sino at ano kaya ang pakay nito sa kanya? Buong gabi niyang tinitigan ang sulat. Bigla niyang Nakita ang petsa nito
sa itaas na nakasulat sa Roman Numerals.

“ AHA! Isa nga siyang Romano. “ pagsaad niya.

Tumugon siya sa sulat, ngunit hindi muna niya sinabi ang tungkol sa kaniyang mga nalalaman. Tumagal nang tumagal ang kanilang
usapan.Nagkakilala na ng lubos si Minerva at Mars. Sila ay nagkakamabutihan na nang bigla namang nabalitaan ang alitan ni Zeus at Jupiter.
Ang kanilang pag aalitan tungkol sa kung sino ang pinakamagaling sa paggamit ng kidlat. Lahat ng mga anghel ay nasa loob lamang. Gayundin ,
abala ang mga Diyos sa kani-kaniyang kapangyarihan. Isang mensahe nanamang muli ang nagmula sa ibon na si Mercury. Inilagay niya ito sa
isang sulok ng bintana .

IV IX MCMXCV

Mahal kong Minerva,

Nabalitaan mo ba ang sumisiklab na balita? May alitang muli si Zeus at Jupiter. Nais ko lamang malaman kung ayos ka lamang?
Mas mainam kung sasama ka sa akin sa aming paglalakbay upang maturuan pa ang ibang kawal na lumaban. Gusto kong makita kang ligtas dito
sa aking tabi, mahalaga ka sa akin. Higit pa sa kaibigan ang pagtingin ko saiyo, ang pagpapasya mo ang hihintayin ko. Kumatok ka ng isa sa iyong
bintana kung handa ka nang umalis at si Mercury na ang maghahatid saiyo rito. Mahal kita, Minerva.

Nagmamahal ,
Mars

Hindi na nag isip si Minerva at hinanda na lamang ang kaniyang gamit at kumatok na agad sa bintana pagkatapos niya. Agad namang dumating
si Mercury at parehas silang lumipad patungo sa lugar kung saan mag eensayo ang mga Romanong Kawal. Hindi napansin ni Minerva na may
nakakita sa kanila na isang Diyos , si Ares. Agad itong sinabi ni Ares sa kaniyang ama na si Zeus. Nagliliyab ito sa galit hindi niya alam kung bakit
siya pinagtaksilan ni Minerva, gayong mas kailangan nila ito sa panahong ito. Pagdating doon ay nag ibang anyo ang ibon bilang isang
salamangkero . Sinalubong sila ng mga kawal, dinala si Minerva sa isang silid at doon na siya ikinadena.

“ Ha? Ano ito? Bakit n-nyo ako kinakadena? “ naiiyak na sambit ni Minerva.

“ Sana ay maintindihan mo, kapakanan mo lamang ang iniisip ko” malakas ang boses na nagmula sa labas ng silid ngunit madilim, hindi
maaninag ni Minerva kung sino ito.

“ Sino ka? Bakit nyo ginagawa ito sa akin?” umiiyak na pagsambit ni Minerva.

Sa dahan dahang paglapit nito, unti unting naliwanagan ang kaniyang mukha kaya naman nakilala niyang ito ay si Ares. “ Mahal kong Minerva,
gusto ko lamang na ligtas ka. “ natatawang sambit ni Ares.

“ Ares, bakit ganito? Akala ko ba`y – “ natigilan si Minerva ng mapagtanto niyang siya ay ginamit lamang ni Ares.

“ Noon pa lamang ay mahigpit na ang batas; Romano sa Romano, Griyego sa Griyego. Dahil likas na magkaiba ang ating mga lahi at may alitang
hindi maayos ayos sa Griyego at Romano. Ang pagdating mo sa aking buhay ang nagging hakbang upang kami`y makapaghiganti. “

“ Kung gayon ay ginamit mo lamang ako. “ natulala niyang sabi

“ Oo , Minerva. Akala ko ba ay Diyosa ka ng karunungan? Bakit ang bilis mong magpalinlang?” tumatawa niyang sabi.

Tumawa ang mga kawal at ang salamangkero.Napagtanto ni Minerva ang kanyang ginawa. Wala na siyang magawa, kundi ang umiyak. Ilang
araw din ang kaniyang tiniis sa loob nang silid na iyon. Madilim, mainit, masikip , sa labas ay may dalawang kawal na nagbabantay sa kaniya.
Sa itaas naman nito ay may isang malaking butas na mistulang lumang kwarto. Naka – isip si Minerva siya ng isang plano. Wala namang tali ang
kaniyang mga pakpak,makakaya niyang lumipad ng hindi nalalaman ng mga ito. Maari din siyang humingi ng mga pang pinta upang makagawa
ng isang sining na makakatakip sa kanya habang tumatakas.

You might also like