You are on page 1of 3

Ang pagpunta ni Hesus sa Jerusalem sa araw ng linggo ng Paskuwa, ang linggo

bago ang pagkapako sa Kanya sa krus, ang tinatawag na matagumpay na pagpasok sa


Jerusalem (Juan 12:1, 12). Isa ang matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem sa
mga pangyayari sa buhay ni Hesus na naisulat sa apat na Ebanghelyo (Mateo 21:1-17;
Marcos 11:1-11; Lukas 19:29-40; Juan 12:12-19). Dahil naisulat ito sa apat na
Ebanghelyo, malinaw na ipinapahiwatig sa atin na mahalaga ang pangyayaring ito hindi
lamang para sa mga mananampalataya noong panahon ni Hesus, kundi maging sa lahat
ng Kristiyano sa buong kasaysayan. Nagdiriwang tayo ng Paskuwa upang gunitain ang
makasaysayang pangyayaring ito.

Nang araw na iyon, sumakay si Hesus sa isang hiniram na batang asno na hindi pa
nasasakyan ninuman. Inilatag ng mga disipulo ang kanilang mga balabal sa likod ng
asno kung saan sasakay si Hesus at lumabas ang maraming tao upang salubungin Siya
habang inilatag nila sa Kanyang daraanan ang kanilang mga balabal at mga pinutol na
sanga ng palma. Nagsigawan at nagpuri ang mga tao sa Kanya na nagsasabi ng,
“Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon” habang papunta Siya sa templo,
kung saan Siya nagturo, nagpagaling, at nagpalayas ng mga nagsisipagpalit ng salapi na
ginawang “yungib ng tulisan” ang templo (Marcos 11:17).

Layunin ni Hesus na ipaalam sa publiko na Siya ang Mesiyas at ang Hari ng Israel bilang
katuparan ng propesiya sa Matandang Tipan, ang dahilan ng Kanyang pagpasok sa
Israel sakay ng isang asno. Sinabi ni Mateo na ang Hari na dumarating sakay ng isang
bisiro ng asno, ang katuparan ng Zacarias 9:9, “Magalak kang mainam, Oh anak na
babae ng Sion; humiyaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem: narito, ang iyong hari ay
naparirito sa iyo; siya'y ganap at may pagliligtas; mapagpakumbaba, at nakasakay sa
isang asno, sa isang batang asno na anak ng asnong babae.” Pumasok si Hesus sa bayan
na tulad sa isang matagumpay na Hari at tinatawag ng mga tao na ganoon nga ng araw
na iyon. Bukas ang mga kalsada ng Jerusalem, ang bayan para sa Kanya, at tulad ng
isang hari, pumasok Siya sa Kanyang kaharian, hindi kaharian na panandalian lamang
kundi espiritwal na kaharian. Tinanggap Niya ang pagsamba at papuri sapagkat Siya
lamang ang nararapat para dito. Hindi na Niya sinasabi sa Kanyang mga disipulo na
ilihim ang patungkol sa Kanya (Mateo 12:16, 16:20), kundi sumigaw sila ng mga papuri
at pagsamba ng hayagan. Isang pagpapakita ng paggalang sa Kataas-taasan (makikita
sa 2 Hari 9:13) ang paglalatag ng balabal sa daraanan. Hayagang ipinakita ni Hesus sa
mga tao na Siya ang kanilang Hari at ang Mesiyas na kanilang hinihintay.

Sa kasamaang palad nagpupuri sila, hindi dahil kinikilala nila si Hesus bilang kanilang
Tagapagligtas mula sa kasalanan. Malugod nilang tinanggap si Hesus sa paghahangad
nila ng isang Tagapagligtas na mamumuno sa kanila sa pag-aaklas laban sa bansang
Roma. Kahit na marami pa rin ang hindi naniniwala kay Kristo bilang Tagapagligtas,
marami pa rin ang umasa na maaari Siyang maging isang panlupang Tagapagligtas. Sila
ang mga tumawag sa Kanya ng “Hari” kasabay ng marami nilang “Hosana,” at kumilala
sa Kanya bilang Anak ni David na naparito sa ngalan ng Panginoon. Ngunit ng mabigo
ang kanilang inaasahan, nang tumanggi Siya na pangunahan ang malaking
paghihimagsik laban sa mga Romano, agad nilang tinalikuran si Hesus. Sa loob lamang
ng ilang araw, mapapalitan ang kanilang mga “Hosana” ng mga sigaw na “Ipako Siya!”
(Lukas 23:20-21). Sa maikling panahon, silang mga pumuri sa Kanya na parang isang
bayani ang magtatakwil at mang-iiwan sa Kanya sa huli.

Isang pagkakasalungatan ang pangyayaring ito, at naglalaman ng aral na magagamit ng


mga mananampalataya. Ito ang kuwento ng isang Hari na naparito bilang isang
mapagpakumbabang lingkod na nakasakay sa isang asno, hindi sa isang kabayo, hindi
nakasuot ng mamahaling balabal kundi ng damit ng isang aba at hamak. Dumating si
Hesus hindi upang manakop gamit ang lakas tulad ng mga hari sa lupa, kundi sa
pamamagitan ng pag-ibig, biyaya, habag, at ng Sarili Niyang alay para sa mga tao. Hindi
kaharian ng mga hukbo at karangyaan ang sa Kanya, kundi kababaan at paglilingkod.
Puso at isip ang Kanyang sinasakop, hindi mga bansa. Kapayapaang mula sa Diyos ang
Kanyang mensahe at hindi pansamantalang kapayapaan lamang. Kung si Hesus ay
matagumpay na pumasok sa ating mga puso, naghahari Siya rito sa kapayapaan at pag-
ibig. Bilang Kanyang mga tagasunod, ipinapakita natin ang ganitong mga katangian at
makikilala ng mundo ang tunay na Hari na nananahan at matagumpay na naghahari sa
atin.
Ang Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem

11 Nang papalapit na sila sa Betfage at Betania, sa Jerusalem, sa may malapit sa Bundok


ng mga Olibo, pinauna ni Jesus ang dalawa sa kanyang mga alagad. 2 Sinabi niya sa
kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok doon ay makikita ninyo ang
isang nakataling bisirong asno, hindi pa nasasakyan ninuman. Kalagan ninyo iyon at
dalhin dito. 3 Kapag may nagtanong sa inyo kung bakit ginagawa ninyo iyon sabihin
ninyo, ‘Kailangan ito ng Panginoon at ibabalik din agad.’ ” 4 Lumakad ang dalawang
alagad at may nakita nga silang bisirong asno sa tabi ng daan. Nakatali ito sa may
pintuan. Nang kinakalagan na nila ito, 5 tinanong sila ng ilang nakatayo roon, “Ano ang
ginagawa ninyo at kinakalagan ninyo ang bisiro?” 6 Sumagot sila gaya ng bilin ni Jesus,
at hinayaan na sila ng mga ito. 7 Dinala nila kay Jesus ang bisirong asno. Matapos nilang
isapin sa likod nito ang kanilang mga balabal, sumakay dito si Jesus. 8 Maraming tao ang
naglatag ng kanilang balabal sa daan, samantalang ang iba'y naglatag ng mga
madahong sanga na kanilang pinutol mula sa bukid. 9 Ang mga tao naman sa unahan at
ang mga nasa hulihan ay sumisigaw,

“Hosanna! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! 10 Pinagpala ang


dumarating na kaharian ng ating amang si David! Hosanna sa kataas-taasan!”

11 
Nang makapasok na si Jesus sa Jerusalem, nagtungo siya sa templo at pinagmasdan
ang buong paligid niyon. Dahil gumagabi na, lumabas siya at pumunta sa Betania
kasama ang labindalawa.

You might also like