You are on page 1of 20

2

1
Ikalawang Linggo
PAUNANG SALITA
Para sa Tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang makamit
ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Alamin Natin
Sa Modyul 2 na ito matutunghayan ang mga akdang pampanitikan ng Timog-
Silangan Asya. Ang mga aralin ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-
aaral na maunawaan ang kultura at pamumuhay hindi lang sa Pilipinas kundi pati na
rin sa buong Asya. Iba’t ibang gawain ang inihanda para sa mga mag-aaral tulad ng
pagbabasa at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan at mga gawain sa gramatika
at retorika upang maging interaktibo ang pagtalakay sa mga aralin.

Sa ikalawang modyul ay magsisimula sa:


Modyul 2: Maikling Kuwento ng Singapore
Panitikan…….. Anim na Sabado ng Beyblade
(Bahagi lamang)
ni Ferdinand Pisigan Jarin
Wika…………………….Pang-ugnay at Wastong Gamit nito
sa Pagkakasunod-sunod ng
Mga Pangyayari
Pagkatapos ng mga modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Nabibigyang kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda


batay sa denotatibo o konotatibong kahulugan F9PT-Ia-b-39
 Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na
telenobela sa ilang piling kaganapan sa lipunang Asyano sa
kasalukuyan F9PD-Ia-b-39
 Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop
na mga pag-ugnay F9WG-Ia-b-41

Subukin Natin
Ang bahaging ito ang magbubukas ng paunang kaalaman para sa iyo. Ito ang
magbibigay daan para sa dapat mong matutuhan sa aralin.

Pangkalahatang Panuto
1. Isulat ang titik ng napili mong sagot sa iyong sagutang papel.
2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. Ito ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita, parirala o
sugnay.
A. Pantukoy C. Pandiwa
B. Pang-ugnay D. Pang-abay
2. “Ang sakim na tao ay walang kapayapaang madarama sa buhay”. Ano ang pang-
ugnay na ginamit sa pangungusap?
A. sakim C. na
B. ay D. tao

1
3. Kumakanta sila ng Lupang Hinirang___________ itinataas ang watawat ng Pilipinas.
Ano ang angkop na pangatnig na dapat gamitin sa pangungusap?
A. parang C. habang
B. hanggang D. at
4. Ito ay tumutukoy sa literal na kahulugan ng salita o kahulugang mula sa
diksiyonaryo.
A. konotatibo C. payak
B. denotatibo D. pangngalan
5. Ito ay tumutukoy sa pahiwatig o hindi tuwirang kahulugan na maaaring pansariling
kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang pakahulugan.
A. konotatibo C. payak
B. denotatibo D. pangngalan
6. __________ nasasabi niyang siya’y nakararaos sa buhay, hindi pa rin maipagkakaila
ang lungkot sa kaniyang nararamdaman. Ano ang akmang pangatnig para mabuo
ang pangungusap?
A. subalit C. datapwat
B. ngunit D. kung
7. Ano ano ang tatlong uri ng pang-ugnay?
A. pandiwa, pang-abay, pang-uri C. pangngalan, panghalip, pantukoy
B. pangatnig, pang-angkop, pang-ukol D. pangungusap, panaguri, pandiwa

8. Ano ang tawag sa mga ito - na, -ng, -g?


A. Pang-angkop C. Pandiwa
B. Pang-abay D. Pangngalan
9. Ito ay mga salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
A. Pang-abay C. Pangngalan
B. Pandiwa D. Pang-angkop
10. Ang tawag sa salita o katagang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
sa pangngusap.
A. Pandiwa C. Pang-ukol
B. Pang-abay D. Pangatnig
11. Ito ay iniaangkop sa mga salitang nagtatapos sa katinig tulad ng b, k, p at iba pa.
A. na C. -ng
B. –g D. ng
12. Sa pangungusap na, “Ang bagong bisikleta ay para kay Alex”, ano ang salitang
pang-ukol na ginamit?
A. para kay C. bagong
B. bisikleta D. Alex
13. Ginagamit ito kapag ang kaangkupan ay nagtatapos sa patinig. Ikinakabit ito sa
unang salita.
A. –g C. na
B. –ng D. na at –g
14. “Ang pinag-uusapan sa mga oras na ito ay tungkol sa COVID-19”. Ano sa tatlong
pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pang-angkop C. Pang-ukol
B. Pangatnig D. Wala sa nabanggit
15. Ito ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o
sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
A. Pang-angkop C. Pang-ukol
B. Pangatnig D. Pangngalan

2
Modyul PANG-UGNAY AT WASTONG GAMIT NITO SA
2 PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI

A. Panitikan: Anim na Sabado ng Beyblade


(Bahagi lamang)
ni Ferdinand Pisigan Jarin
B. Gramatika/Retorika: Pang-ugnay at Wastong Gamit Nito
sa Pagkakasunod-sunod ng Mga
Pangyayari

Balikan Natin
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Mula sa mga larawan sa iba, naaalala mo pa ba ang mga ito? Bago ka magpatuloy
sa modyul na ito, tingnan ang mga larawan at sabihin kung saan patungkol ang mga ito.

___________
www.dreamstime.com
___________
http://www.slideshare.net

Tumpak! Ang unang larawan ay ang tinalakay sa unang modyul na maikling


kuwentong ang “Ang Ama”. Isang amang binago ng isang pangyayaring hindi niya
malilimutan. Sa pangalawang larawan naman ay batid kong nakuha mo rin agad, ito ay
tungkol sa mga iba’t ibang uri ng maikling kuwento. Halimbawa nga nito ay, kuwento ng
katutubong kulay, pakikipagsapalarawan, kakabalaghan, makabanghay at marami pang iba.

Tuklasin Natin

Sa gawaing ito ay subukan mong buoin ang buod ng palabas na “Meteor Garden”
(bahagi lamang). Punan ng angkop na salita o kataga ang bawat patlang upang maging buo
ang diwa. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon.

at -ng dahil sa

ni para sa na

3
Itinuturing ang Meteor Garden bilang isang modernong kwento
1. ______ Cinderella. Iyon nga lamang, sa istorya ay wala ang
kontrabidang madrasta at mga anak nito. Sa halip, ang meron
dito ay ang komplikado 2. ______ nakalilitong ugnayan ng
bidang babae at ng mga pangunahing bidang lalaki.

Ang pangunahing karakter 3. ______ si Shan


Cai ay isang matapang at mapagbigay na babae at
malimit na nakikipaglaban 4.______ kanyang mga
kaibigan. Gayunman, nang pumasok siya sa Ying
De University, huminahon siya ng kaunti at
sinubukang kumilos ng payak. Ito ay 5.______ Ying
De, naroon ang apat na kilalang grupong tinatawag na F4. Kasama sa F4 ang pilyo at tila
walang pakialam na si Dao Ming Si, ang tahimik at kakaibang si Hua Ze Lei, ang babaero
6.______.si Xi Men, at ang masayahin at tapat na si Mei Zuo. Nagbababala sila sa mga tao
sa pamamagitan ng pagbibigay ng 'red card' na may nakasulat na, 'You'll Be Dead.' Bukod
dito, sila ay nagmula sa mga pinakamayayaman at mga pinakakinikilalang mga pamilya.
Kaya nilang magpatalsik ng sinuman sa paaralan, maging mga guro man.

Mula sa http://www.geocities.ws/meteor_garden_clan/summary1.htm

Talakayin Natin

Sa pagpapatuloy ng aralin, mas mapapadali ang ating pag-unawa sa maikling


kuwento kung mabibigyang kahulugan natin ang matatalinhagang salita.

Alam mo ba na ang isang salita ay maaaring magkaroon ng dalawang kahulugan?


Ito ay ang denotatibo o konotatibong kahulugan ngunit ano nga ba ang pagkakaiba ng
dalawang ito?

Denotatibo- kung tumutukoy sa literal na kahulugan ng salita o kahulugang mula sa


diksiyonaryo.

Konotatibo- kung tumutukoy sa pahiwatig o hindi tuwirang kahulugan na maaaring


pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang pakahulugan.

4
HALIMBAWA:

DENOTASYON SALITA/PARIRALA KONOTASYON


Isang uri ng mahabang ahas Isang taong traydor o
reptilya, minsa’y tumitira nang patalikod
makamandag, subalit
may uri ring walang
kamandag
Ito ay ang nagpapakita litrato ng puso Simbolo ng
ng larawan ng puso. pagmamahal at pag-ibig

Impormasyon mula sa Dayag, Alma M., et.al. Pinagyamang Pluma 9. 2015. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.

GAWAIN 1: Kahulugan Nito, Bigay Mo


Bigyang kahulugan ang mga salita batay sa denotatibo o konotatibong
kahulugan nito na ginamit sa akdang “Ang Ama”.

DENOTASYON SALITA/PARIRALA KONOTASYON


ama
luha
dugo
bata
maitim na ulap

GAWAIN 2: Ibigay Mo Na
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita ayon sa kahingian nito at
gamitin ito sa isang makabulugang pangungusap.

SALITA KAHULUGAN PANGUNGUSAP


1. Denotasyon – plastik
2. Konotasyon – plastik
3. Denotasyon – pagong
4. Konotasyon - pagong
5. Denotasyon - papel
6. Konotasyon - papel

Bago ka magpatuloy sa susunod na tatalakayin, basahin mo muna ang isa


pang maikling kuwento na tiyak ay maaantig ang iyong damdamin. Bigyang tuon
din ang mga salitang nakasulat ng madiin. Anong bahagi kaya ito ng pananalita?

5
Anim na Sabado ng Beyblade
ni Ferdinand Pisigan Jarin
Ferdinand Pisigan JarinThis essay won Second Prize for Sanaysay in the 2005 Palanca Awards

Unang Sabado ng paglabas niya nang


hilingin na niyang magdiwang ng kaarawan
kahit hindi pa araw. Nangumbida ako ng
maraming tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan
ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday,
Rebo!”. Kailangang di niya malimutan ang araw
na ito. Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito
sa lahat ng Sabado. Maraming-maraming
laruan. Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-
Talkie, Crush Gear, Remote Controlled Cars, at
higit sa lahat, ang Beyblade. Ang paborito
niyang Beyblade. Maraming-maraming
Beyblade. Tinanggap niya ang lahat ng ito at
marami pang iba sa kaniyang kaarawan. Sa
kaniyang pagtuntong sa limang taon. Kahit di
totoo. Kahit hindi pa araw.
https://3.bp.blogspot.com
Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro
ng beyblade kasama ang mga pinsan.
Tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko siyang
dinalaw. Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya
makuhang laruin ang beyblade bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob ng
kaniyang kamay o di kaya’y bulsa. Ang nakapagngangalit, unti-unti na namang
nalalagas ang kaniyang buhok. Subalit pinipilit pa rin niyang maging malakas
bagamat talagang di na kaya ng kaniyang paang tumayo ng kahit ilang sandali
man lang. Nakadudukot na rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo sa loob ng
kaniyang gilagid.
Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat nang
tanungin niya ako ng; “Tay, may peya a?” (Tay, may pera ka?) Dali-dali kong
hinugot at binuksan ang aking pitaka at ipinakitang mayroon itong laman. Agad
akong nagtanong kung ano ang nais niya na sinagot naman niya ng agarang
pagturo sa isang kalapit na tindahan. Kung mabilis man akong nakabili ng mga
kending kaniyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa tindahan at
nakangiting bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nang
kami’y pumasok na sa loob ng bahay, naiwang nilalanggam na ang nakabukas
ngunit di nagalaw na mga kendi sa aming kinaupuan.
Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di na
kusang nalagas ang mga buhok. Sa kaniyang muling pagkairita, sinabunutan niya
ang kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon,
kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang isang mascot upang bigyan ng
pribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad. Matapos ang pagtatanghal,
bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kaniyang mata
ang kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.
Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit
ng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade
upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita.

6
Kaya kahitnang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang
sakyan. Ang mga maliliit na helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos
na galamay nabakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at
malungkot nangingitian. Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang umuwi. At
pagkauwi’y humiga nang humiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan.
Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan.
Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandal
matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng
mata, ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko
sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-
usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-
sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino.
“Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.”
Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado na
masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may-ari nito.
Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa
lugarna walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot.
Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at
pagaaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.

Akda mula sa http://hayzkul.blogspot.com/2016/06/anim-na-sabado-ng-beyblade-buod.html

Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mo mabasa ang kuwento? Naantig


ka ba? Bahagi ng ating pagkasilang sa mundo ay ang paglisan. Walang pinipili ito.
Ginusto mo man o hindi, darating at darating tayo sa punto na iyan, masakit ngunit
kailangang tanggapin. Sa akdang ito, isang mahal sa buhay ang ginawa ang lahat
para sa kanyang anak. Pinasaya ang bawat araw na nalalabi. Isang pagtanggap sa
nakapanlulumo na pangyayari.

Batid kong nakita mo ang mga nakahilig na salita. Iyan ay tinatawag na pang-
ugnay. Mas makikilala mo pa iyan sa iyong pagpapatuloy sa araling ito. Iyo munang
sagutin ang mga tanong tungkol sa akda.

GAWAIN 3: Ibuod Mo
Ibigay ang sarili mong pagbubuod sa akda mula sa unang Sabado hanggang
sa ika-anim. Gamitin ang smartart graphic sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa isang
malinis na puting papel.

7
GAWAIN 4: Ipahayag Mo
PANUTO: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang “Anim na Sabado ng Beyblade” ang
akda?
2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na baguhin ang pamagat, ano ito at
bakit?
3. Ano sa tingin mo ang sakit ni Rebo na nagging sanhi ng kanyang pagpanaw?
4. Paano ipinakita ng tauhan ang pagiging matatag bagkus sa pangyayari?
5. Nagustuhan mo ba ang naging wakas ng kuwento? Ipaliwanag ang iyong sagot
Sa pagkakataong ito ay magpapatuloy ka na sa pang-gramatikang aralin. Mas
makabubuo ka ng pangungusap o isang akda na hindi na nagdadalawang isip sa
kahulugan ng mga salita. Mas linangin mo pa iyong kaalaman sa pamamagitan ng
pagtungo sa susunod na talakayin na ang pang-ugnay.

Pagsasanib ng Panitikan at Gramatika / Retorika

Pang-Ugnay at Wastong Gamit nito sa Pagkakasunod-Sunod ng


mga Pangyayari
Batay sa bahagi ng kuwentong “Ang Ama” na iyong binasa, mahalaga ang
pag-oorganisa ng mga ideya at tamang pagkakasunod-sunod ng pangyayari gamit
ang pang-ugnay sa pagsasalaysay. Mas kilalanin natin ang pang-ugnay at wastong
gamit nito sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.

Ang pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita


ng relasyon ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
Ano nga ba ang
Ito ay may tatlong uri, (1) pangatnig, (2) pang-angkop
Pang-ugnay? at (3) pang-ukol.

Mga Uri ng Pang-ugnay

1. Pangatnig- Ito ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang


salita, parirala, o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.

at ni o kaya maging
man sakâ pati dili kaya gayundin
kung alin sa halip kung sino siya rin kung saan
kung gayon datapwat subalit bagkus samantala
habang maliban bagaman kung sa bagay
kundi kapag sakali sana pagkat
sapagkat kasi kung kayâ palibhasa dahil sa
sanhi ng anupa samakatuwid sa madaling
salita

8
Halimbawa:
 Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata
ang kanilang ama.
 Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang
lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain, sa mga
pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni
katiting ay walang maiiwan sa maliliit
2. Pang-angkop - Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan.
na -ng -g
Tatlong Pang-angkop:
a. na
Ito ay iniaangkop sa mga salitang nagtatapos sa katinig tulad ng b, k,
p, at iba pa.
Halimbawa:
 kapatid na babae
 masarap na pagkain
 matatag na kinabukasan
 marangal na pag-uugali
b. –ng
Ito ang ginagamit kapag ang kaangkupan ay nagtatapos sa patinig.
Ikinakabit ito sa unang salita.
Halimbawa:
 masayang nakiupo
 nakangusong mukha
 babaeng kapatid
 bagong bayani
c. –g
Ito ay ikinakabit sa mga salitang nagtatapos sa titik n sa magkasunod
na salitang naglalarawan at inilalarawan.
Halimbawa:
 butihin manugang= butihing manugang
 bayan magiliw= bayang magiliw
 maalinsangan lugar= maalinsangang lugar
3. Pang-ukol - Ito ang tawag sa salita o katagang nag-uugnay sa isang
pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap. Narito ang mga kataga o
pariralang malimit na gamitin sa pang-ukol.

ng sa ni/nina kay/kina
laban para ayon sa/kay ukol sa/kay
sa/kay sa/kay
tungkol hinggil sa/ kay alinsunod sa/kay
sa/kay
Halimbawa:
 Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama.

9
 Ayokong pag-usapan ang tungkol kahapon.
 Ang bagong damit ay para kay Lita.
 Ang pera ay nasa loob ng kuwarto ni Israel
Impormasyon mula sa Dayag, Alma M., et.al. Pinagyamang Pluma 9. 2015. Quezon City: Phoenix
Publishing House Inc. at www.slideshare.com

GAWAIN 5: Tiyakin Natin


Ngayong, nalaman mo kung ano-ano nga ba ang mga pang-ugnay at
kahalagahan nito sa pag-oorganisa ng mga detalye ay titiyakin natin kung iyo itong
naunawaaan. Sagutan ang mga gawain na iyong makikita at ilagay sa iyong sagutang
papel ang iyong mga sagot. (©2013 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com)

PANUTO: Salungguhitan ang mga pangatnig sa pangungusap.


1. Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw (ngunit, upang, dahil) maiwasan masira
ang mga ngipin
2. (Dahil, Subalit, Kaya) hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para maglaro
ngayong umaga.
3. Inaantok ka pa (habang, bago, kasi) hatinggabi ka na natulog kagabi.
4. Kumakanta sila ng “Lupang Hinirang" (hanggang, habang, parang) itinataas ang
watawat ng Pilipinas.
5. Magdasal muna tayo (bago, kaya, at) tayo kumain ng hapunan.

PANUTO: Buuin ang mga pangungusap gamit ang mga pang-angkop.


6. Ihandog mo kay Nadia ang mga puti___rosas.
7. Aalis _____ si Sansa bukas.
8. Ang maganda____ dilag ay napakasipag.
9. Ang mga bulaklak ____ ito ay tanim ni Lolo.
10. Ang iyakin_____ bata ay sobrang likot.
PANUTO: Ikahon ang mga pang-ukol sa bawat pangungusap.

11. May balita ka ba tungkol sa parating na bagyo?


12. Ayon sa ulat na ito, itinaas ang babalang signal number 3.
13. Kinansela ang mga klase sa elementarya at sekundarya.
14. Ukol sa paglikas nila ang balitang ito.
15. Iaalay ko ang mga bulaklak na ito kay Angel.

GAWAIN 6: Pagyamain Pa Natin


Panuto: Isulat ang PG kung pangatnig, PU kung pang-ukol at PA kung pang-angkop ang
pang-ugnay na nasa panaklong. https://www.scribd.com/documents/Pagsusulit-Sa-Mga-Pang-ugnay

1. Nagkaroon kami ng munting saIo-salo (dahil) nakuha ko ang unang karangalan


sa patimpalak.
2. Kami ang napiling kinatawan ng aming paaralan sa sabayang-pagbigkas (ayon
sa) aming guro.

10
3. Ang pagpupulong ay (tungkol sa) maayos na pagtatapon ng mga basura.
4. Matalino si Ana (ngunit) siya ay sakitin.
5. Nagtulong-tulong ang mga guro (at) mga mag-aaral sa paglilinis ng paaralan.
6. Masipag (na) bata si Mariel lalo na sa mga gawaing bahay.
7. Malaki(ng) mangga ang ibinigay ni Julius sa kanyang ina.
8. Isama mo si Ria sa ating pamamasyal (pati) na ang nakababata niyang kapatid
na si Menchie.
9. Ang mga nalikom na pera ay (para sa) mga nasalanta ng bagyo.
10. Naiwan sila ng huling biyahe patungong bayan (dahil sa) malakas na ulan.

Pagyamanin Natin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pag-unawa at mga kasanayan sa paksa. Para mas yumabong pa ang
iyong kaalaman, gawin mo ang mga gawain na nakaatas sa modyul na ito.
Gawain 7: Nakita Mo, Ipahayag Mo
1. Nang dahil sa ECQ o Enchanced Community Quarantine sigurado akong may
mga napanuod kang palabas o teleserye para maibsan ang pagkabagot na iyong
nadarama. Kung kaya, sa iyong mga napanuod na mga palabas na mula sa Asya
kagaya ng teleserye o kdrama, anong mga kaganapan sa lipunang Asyano sa
kasalukuyan ang makikita rito? Gumamit ng mga pag-ugnay sa pagpapahayag
ng iyong sagot.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
GAWAIN 8: _______________________________________________________________________
Punan Mo
_______________________________________________________________________
Punan ng angkop na pang-ugnay ang mga patlang upang mabuo at maging
_______________________________________________________________________
maayos ang pagkasunod-sunod ng kuwento. Isulat sa papel ang iyong sagot.
_______________________________________________________________________
Si_______________________________________________________________________
Haring Agila, Si Kaibigang Kuwago at Si Amang Maya
_______________________________________________________________________
Ni Pat V. Villafuerte
____________________________________________________
Kilala (1) _______ kinatatakutan ng lahat ng ibon si Haring Agila. Marinig lamang ng
mga ibon ang pagaspas ng mga pakpak ni Haring Agila kapag ito’y naglalakbay sa

11
papawirin ay nanginginig na sa takot ang lahat ng ibon sa kagubatan. Ang mga ibong
nagpapapahinga sa mga sanga ng punongkahoy ang mga ibong namamasyal sa matataas
na gusali, ang mga ibong masasayang umaawit sa palayan at ang mga ibong lumilipad sa
papawirin ay natatakot (2) _______ dumarating si Haring Agila.
“Habang buhay na lang ba tayong matatakot kay Haring Agila? Wala ba tayong
magagamit na lakas para mapaglabanan ang nadarama nating matindi (3) _______ takot?”
ang minsang naitanong ni Bunsong Maya sa kaniyang Amang Maya.
“Malaki at malakas siya, anak,” ang sagot ni Amang Maya. “Paano tayo
makakalaban sa kaniya? Malaki at matigas ang kaniyang tuka. Kaya nitong baliin ang ating
liig. Mahahaba at malalaki ang kaniyang mga kamay. Kayang pitpitin ng mga ito ang ating
katawan. Sa palagay mo mabubuhay pa tayo sa kaniyang gagawin?”
Nalungkot si Bunsong Maya. Hindi siya makapagsalita. Natatakot siya sa maaaring
mangyari sa kaniyang katawan at sa katawan ng kaniyang mga mahal sa buhay.
“Tingnan ninyo Amang Maya ang nangyari sa mga kasama natin sa kagubatan.
Araw-araw, tuwing umaga pagkagising natin, ang nakikita natin ay may mangilan-ngilang
ibon ang nasa lupa at wala nang buhay. Pinatay sila ni Haring Agila,” ang sabi (4) _______
Panganay na Maya. “Baka sa susunod ay tayo naman ang kaniyang silain.”
“Kanino kaya tayo makahihingi ng tulong, Amang Maya?” ang tanong ni Bunsong
Maya.
Tumingala si Amang Maya. Nakita niya si Kaibigang Kuwago.
“Kaibigang Kuwago, matutulungan mo ba kami sa aming problema?” ang tanong ni
Amang Maya. “Natatakot ang mga anak ko sa nagyayari sa paligid. Tuwing umaga,
pagkagising namin ay maraming ibon ang nakikita namin sa lupa (5) _______ wala nang
buhay. Dinadagit sila ni Haring Agila.”
“Hindi ko alam (6) _______ paano ko kayo matutulungan. Alam mo naman na sa
gabi lang ako nagpapakita. Malalaki ang mga mata ko at nakikita ko lahat ang mga
nangyayari sa paligid tuwing gabi. Pero hindi ko nakikita si Haring Agila na naglalakbay sa
papawirin. At wala akong nakikitang pinapatay kahit isang ibon,” ang sagot ni Kaibigang
Kuwago.
“Baka isang gabi ay makita mong lumilipad si Haring Agila. Kausapin mo siya,
Kaibigang Kuwago. Pakiusapan mong itigil na ang pagpatay sa mga katulad namin,” ang
sabi ni Amang Maya.
“Sige, gagawin ko ang kahilingan mo,” ang sagot ni KaibigangKuwago.
Nang gabing iyon, matiyagang nagbantay si Kaibigang Kuwago. Hinintay niya ang
paglipad ni Haring Agila. Kakausapin niya ito at pakikiusapang huwag patayin ang mga ibon.
Sunod-sunod na gabi ang kaniyang hinintay. Ngunit hindi niya naramdaman ang malalaki at
malalapad na bagwis ni Haring Agila.
Mag-uumaga na at papaalis na si Kaibigang Kuwago nang muling lumapit sa kaniya si
Amang Maya.
“Lima sa aming kasamahan ang nakita ko sa lupa at wala nang buhay. Hindi mo ba
nakausap at napakiusapan si Haring Agila, Kaibigang Kuwago?
“Hindi nagpakita si Haring Agila. Ilang gabi na akong nagbantay pero hindi ko
naramdaman na dumating siya. Hindi siya lumilipad sa gabi. Ibig sabihin, hindi siya ang
pumapatay sa mga ibon,” ang sagot ni Kuwago.
“Kung gayo’y sino ang dumadagit sa mga ibon?” ang tanong ni Amang Maya.
Nasa seryosong pag-uusap sina Kaibigang Kuwago at Amang Maya nang biglang
may dumating na dalawang batang lalaki na may hawak na tirador.
‘Dito bumagsak iyong dalawang ibon na tinirador ko, Hanapin natin,” ang sabi ng
isang bata.
“Tatlo iyong tinamaan ko kanina. Dito lang bumagsak iyon,” ang sabi naman ng isa.
Malungkot na napalingon si Amang Maya (7) _______ Kaibigang Kuwago.
Napatunayan niyang hindi si Haring Agila ang pumapatay sa kaniyang mga kasamang ibon.

12
GAWAIN 9: Bumuo Tayo
Bumuo ng mga pangungusap na may pang-ugnay. Salungguhitan mo ang mga
pang-ugnay na iyong ginamit at isulat kung anong uri ito.

Tandaan natin
Pangungusap na may Pang-ugnay Uri ng Pang-ugnay
1.
2.
3.
4.
5.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata


upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Iyong pagnilayan at unawain
ang mga katanungan.

1. Paano naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng maikling


kuwento?______________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Paano nakatutulong ang pang-ugnay sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa


kuwento?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Isabuhay natin
Malapit mo ng matapos ang ikalawang modyul kaya mas paghusayan pa ang
susunod na gawain na iyong isasagawa. Sigurado akong kayang kaya mo ito.

SITWASYON:

Ikaw ay napag-utusan ng iyong magulang na maglinis ng inyong bahay. Maaaring


paglilinis ng inyong kuwarto, sala, kusina at marami pang iba. Ibahagi mo ito sa
pamamagitan ng pagsulat ng talata. Isaalang-alang mo rin ang paggamit ng pang-ugnay sa
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Isulat ang mga ito at tukuyin kung anong uri ng
pang-ugnay ang iyong ginamit. Gamitin ang talahanayan sa ibaba.

13
Pamagat:________________________________
Talata:_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Mga Pang-ugnay Uri ng Pang-ugnay


1._____________ _______________
2._____________ _______________
3._____________ _______________
4._____________ _______________
5._____________ _______________

Ang galing mo kaya binabati kita at nalagpasan mo ang mga pagsubok


sa modyul na ito. Kaunti na lamang at tutungo ka na sa ikatlong modyul kaya
ipagpatuloy ang iyong pagsusumikap.

Tayahin Natin

Ito ay gawain na naglalayong mataas o masukat ang antas ng


pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kumpetensi.

Pangkalahatang Panuto
1. Isulat ang titik ng napili mong sagot sa iyong sagutang papel.
2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. “Pinasasabi niya na magkita kayo__________ harap ng paaralan bukas nang alas-


siyete ng umaga”. Ano ang pang-ukol na dapat gamitin?
A. sa mga C. sa
B. para sa D. wala sa nabanggit
2. Ang mga aklat na ito ay ibibigay natin ______ mag-aaral ni Ginang Alfonso. Anong
angkop na pang-ugnay ang dapat gamitin?
A. sa kanya C. sa mga
B. para sa D. wala sa banggit
3. “Mas mabuti na sundin ko ang payo ______ Tatay at Nanay”. Anong angkop na pang-
ugnay ang dapat gamitin?
A. nina C. ni
B. kina D. wala sa nabanggit
4. Ang mga katagang “labag sa” ay pang-ugnay na ______________.
A. pangatnig C. pang-angkop
B. pang-ukol D. wala sa nabanggit

14
5. Anong uri ng pang-ugnay ang salitang “maging”?
A. pang-ukol C. pangatnig
B. pang-angkop D. wala sa nabanggit
6. Sa pangungusap na, “Si Pat ang titingin sa mapa________ nagmamaneho si Gerry”.
Ang pangatnig ang dapat gamitin ay _____________.
A. habang C. kaya
B. subalit D. upang
7. Sa pangungusap na, “Tangkilikin natin ang produkto_____ Pilipino”, ang dapat na
gamitin na pang-angkop ay _____________.
A. na C. –ng
B. –g D. wala sa nabanggit
8. “Halos naubos ang inipon na pera dahil sa pagsusugal”. Ang mga sinalungguhitan sa
pangungusap ay mga pang-ugnay na ____________.
A. pangatnig at pang-ukol C. pang-ukol at pang-angkop
B. pangatnig-pangatnig D. pang-angkop at pangatnig
9. Sa pangungusap na, “Wala kang ginagawa diyan _____________ kanina pa abalang-
abala sa paglalaba ang nanay mo”. Anong pangatnig ang dapat gamitin?
A. samantalang C. subalit
B. para D. kung
10. Ang konotasyon ng salitang “ina” ay_______________.
A. taga-alaga ng anak C. kapares ng ama
B. ilaw ng tahanan D. wala sa nabanggit
11. Denotasyon ng salitang “bola” ay____________.
A. matamis na dila C. hugis bilog na laruan
B. nagbibiro D. wala sa nabanggit
12. Kapag ang kahulugan ng salita ay makikita sa diksyunaryo.
A. konotasyon C. talinghaga
B. denotasyon D. wala sa nabanggit
13. Ito naman ay malalim ang kahulugan at iba sa pangkaraniwan.
A. denotasyon C. konotasyon
B. diksyonaryo D. wala sa nabanggit
14. Gusto pa rin niya maglaro ng basketbol_______ gumagabi na. Ang pangatnig na
dapat gamitin sa pangungusap ay:
A. kahit C. para
B. kaya D. dahil
15. “Sumali sa paligsahan si Danny kahit sinabi nila na wala siyang pag-asang Manalo”.
Ano ang pangatnig na salita ang ginamit sa pangungusap?
A. sa C. kahit
B. na D. siyang

15
Gawin natin
Para masubok ang iyong natutuhan sa modyul na ito, ikaw ay aatasan ng
karagdagang gawain na magpapakita ng iyong kahusayan at angking talento. Gamit
ang mga pang-ugnay na iyong natutuhan sa modyul na ito, ikaw ay malayang pipili
ng surpresa na maaari mong gawin para sa iyong pamilya – pagluluto o paglikha ng
isang bagay na mapakikinabangan ninyo sa inyong tahanan. Isasagawa ito sa
pamamagitan ng paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng gagawin o hakbang para
mabuo ito. Bilang halimbawa, surpresa na ikaw ay magluluto ng adobo para sa iyong
mga magulang, isusulat ang proseso ng pagluluto ng adobo o di kaya ay surpresa
sa pagtatanim ng halaman sa inyong bakuran. Huwag kalilimutan na gumamit ng
mga pang-ugnay sa paglalahad ng proseso para maisakatuparan ang iyong
surpresa. Isulat ito sa isang malinis na puting papel. Tiyak na masasabik sila sa
ihahanda mo.

Pamantayan sa Pagmamarka:

 Pagkamalikhain – 6 na puntos
 Paggamit ng mga Pang-ugnay – 6 na puntos
 Kalinisan ng Gawa – 3 na puntos
 KABUUAN – 15 na puntos

Repleksiyon ng Natutuhan

PAGHAHANDAAN KO, KINABUKASAN KO!


Panuto: Isulat ang sariling “Pagkatutong Repleksyon” batay sa paksang “Pang-
ugnay at Wastong Gamit nito sa Pagkakasunod-sunod ng Mga Pangyayari”. Gawin
mo ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nasa loob ng kahon. Ang
iyong malalim at malikhaing pamamaraan sa pagpapahayag ay ang magsisilbing
susi mo sa matagumpay na pagkatuto. Magaling Ka, Kaya Mo ‘Yan!

Ang Pang-ugnay at
Wastong Gamit nito sa
Pagkakasunod-Sunod ng Natutuhan kong ... Masasabi kong ...
Mga Pangyayari ay
tumatak sa akin bilang...

Ang mga gawi at Ang mabisang


Maibabahagi ko
pag-uugali na kongklusyon na
sa aking pamilya
nahubog sa akin mananatili sa akin
at kaibigan na...
ay... ay...

16
Sanggunian:
Baisa-Julian, Ailene G., del Rosario, Mary Grace G., Lontoc, Nestor S. & Dayag,
Alma M. 2015. Pinagyamang Pluma 9. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.
Belvez, Paz M. & Catacataca, Pamfilo D. 2010. Kalinangan III. Manila: Rex Book
Store, Inc.
Dayag, Alma M., Baisa-Julian, Ailene G., del Rosario, Mary Grace G., Lontoc &
Nestor S. Pinagyamang Pluma III. 2004. Quezon City: Phoenix Publishing House
Inc.
https://www.coursehero.com.May 27, 2020
https://www.depednegor.net.May 25-26, 2020
http://www.geocities.ws/meteor_garden_clan/summary1.htm.May 27, 2020
http://hayzkul.blogspot.com/2016/06/anim-na-sabado-ng-beyblade-buod.html.July
22, 2020
https://www.scribd.com/documents/Pagsusulit-Sa-Mga-Pang-ugnay.May 27, 2020
https://www.slideshare.net.May 25-26, 2020
www.dreamstime.com.June 4, 2020.
www.samutsamot.wordpress.com.May 30, 2020

17
Development Team of the Module

Writer:
GINEIL O. CORNELIO
Editors:
Content Evaluator:
CLARISSA R. SENOSA
MIRIAM C. MABASA
Language Editor:
ROSYL V. ANOOS
MARITA T. LACANLALE
Reviewer: DR. JENNIFER RAMA
Illustrators:
JHOANA R. OLANA
NATHANIEL C. MACAAMBAC
Layout Artist: CAMILLE JEWEL C. GARCIA
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER RAMA, EPS – FILIPINO
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

18

You might also like