You are on page 1of 4

Phil-IRI Pangkatang Pagtatasa sa Pagbasa, Baitang 4

Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang mga
tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel .

A.
Ang Aso sa Lungga

May isang asong gutom na gutom na naglalakad sa kalsada. Habang


naglalakad, ibinubulong niya sa sarili na kailangan niyang makakita ng isang
lunggang puno ng pagkain. Nang makakita siya ng lungga sa dulo ng
kalsada, agad siyang pumasok dito. Kumain siya hanggang mabusog. Pero
kahit busog na siya, kumain pa rin at inubos ang lahat ng pagkain sa loob ng
lungga. Sa kanyang kabusugan, halos pumutok ang malaki niyang tiyan.
Nang lalabas na lamang siya, napansin niyang hindi na siya magkasya sa
labasan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong. Dumating ang isa pang
aso at nalaman ang nangyari. Bago ito umalis, nagwika siya sa kasamang
aso, “Hintayin mo na lang umimpis ang tiyan mo.”

Bilang ng mga salita: 116


(Bagong Filipino sa Puso at Diwa 2, Aragon et al, 1989)

1. Saan nangyari ang kuwento? (Literal)


a. sa bukid
b. sa gubat
c. sa kalsada
d. sa lansangan

2. Ano ang hinahanap ng aso? (Literal)


a. makakain
b. makakasama
c. mapapasyalan
d. matutulugan

3. Anong ugali ang ipinakita ng aso? (Paghinuha) a.


madamot
b. matakaw
c. masipag
d. mayabang

4. Bakit hindi makalabas ang aso sa lungga? (Paghinuha) a. may


harang ang labasan
b. may bitbit pa siyang pagkain
c. lubos na marami ang kinain niya
d. mali ang paraan ng paglabas niya
5. Bakit kaya hindi siya natulungan ng isa pang aso? (Inferential) a.
natakot sa kanya ang aso
b. para matuto siya sa pangyayari
c. nainggit sa kanya ang isa pang aso
d. hindi rin ito makakalabas sa lungga
B.
Si Muning!

Muning! Muning!
Hanap nang hanap si Susan kay Muning. Dala ni Susan ang lalagyan
ng pagkain ni Muning. May laman na ang lalagyan, pero wala si Muning.
Wala siya sa kusina. Wala rin siya sa silid. Nasaan kaya si Muning?
Bumaba ng bahay si Susan. Hinanap niya kung naroon si Muning.
Ikot na siya nang ikot, pero hindi pa rin niya nakita. Baka lumabas ito ng
bahay.
Ngiyaw! Ngiyaw!
Hayun si Muning! Ngiyaw siya nang ngiyaw. Nasa loob siya ng kahon.
May mga kasama si Muning sa loob ng kahon.
Nakita ni Susan ang kasama ni Muning. Mga kuting ang kasama ni
Muning sa kahon! May puti, itim at magkahalong puti at itim na kulay ng
kuting. Tuwang-tuwa si Susan!
Bilang ng mga salita: 122
(Yaman ng Panitik 1, Resuma et al, 1987)

6. Sino ang naghahanap ng pusa? (Literal) a. ang


kuting
b. si Muning
c. si Nanay
d. si Susan

7. Bakit niya hinahanap ang pusa? (Paghinuha) a.


ipapasyal niya ito
b. paliliguan niya ito
c. pakakainin niya ito
d. patutulugin niya ito

8. Saan niya nakita ang pusa? (Literal) a. sa


silid
b. sa silong
c. sa kahon
d. sa kusina
9. Sino ang mga kasama ni Muning sa kahon? (Paghinuha) a. mga
anak nito
b. mga kalaro nito
c. mga nahuli nito
d. mga kaibigan nito

10. Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento?? (Pagsusuri) a.


Nasaan si Muning?
b. Nasaan ang Kahon?
c. Ang Kahon ni Susan
d. Ang Pagkain ini Muning

C.
Si Brownie

Si Brownie ay aking alagang aso. Ang aking aso ay masamang


magalit. Minsan ay may pumasok na malaking manok sa aming bakuran.
Kaagad niya itong tinahulan. Kung hindi lamang siya nakatali nang mahigpit,
malamang na habulin niya ito. Nagulat ang manok at tumakbo ito nang
mabilis palabas ng bakuran.
Kagabi ay hindi ko naitali si Brownie. Panay ang ungol niya. Maya
maya ay may tinahulan siya nang malakas. Biglang lumukso si Brownie sa
kanyang tulugan at may hinabol. Dali-dali kong sinilip ang aking alaga. May
napatay siyang daga! Bahagya pa niyang ginalaw ang kanyang buntot nang
makita ako. Kaagad kong binitbit sa buntot ang daga at ipinakita kay Tatay.
Masayang hinimas ni Tatay si Brownie. “Talagang maaasahan ang asong
ito,” sabi niya.

Bilang ng mga salita: 122


(Bagong Filipino Saligang-Aklat II, Ibita et al, 1990)

11. Saan naganap ang kuwento? (Literal)


a. sa bahay
b. sa paaralan
c. sa palengke
d. sa simbahan

12. Ano ang katangiang ipinakita ni Brownie? (Paghinuha) a.


matapang
b. masungit
c. maharot
d. malikot
13. Ano ang napatay ni Brownie? (Literal)
a. pesteng ipis
b. pusang bahay
c. dagang bahay
d. ligaw na manok

14. Bakit kaya bahagyang ginalaw ni Brownie ang buntot nang makita ang amo?
(Paghinuha)
a. gusto niyang gisingin ang daga
b. nagulat siya sa kanyang ginawa
c. natakot siyang mapagalitan ng amo
d. upang ipakita sa amo ang kanyang ginawa

15. Bakit kaya sinulat ang kuwentong “Si Brownie”? (Pagsusuri) a.


Hatid nito ang isang balita.
b. Nais nitong magbigay-aral.
c. Gusto nitong magbigay ng aliw.
d. Nais nitong magbigay ng bagong kaalaman.

D.
Balat ng Saging

“Lito! Lito!” Si Mina ang sumisigaw. Kay lakas ng kanyang sigaw.


“Bakit, Ate? Ano iyon?” Ito naman ang tanong ni Lito. Lumapit siya kay Mina.
Ayaw niyang sumigaw pa ang kanyang ate.
“Balat ng saging ito, hindi ba? Sino ang nagtapon nito?” Galit si Mina.
Galit siya sa nagtapon ng balat ng saging.
“Ako, Ate,” sagot ni Lito. Mahina ang kanyang sagot. Mahina ang
kanyang tinig.
“Sabi ko na nga ba. Huwag ka nang magtatapon dito, ha! Sa
basurahan ka magtatapon. Hayan ang basurahan natin. Hayan, natapakan
ko ang balat ng saging. Nadulas ako.”
“E... hindi ko sinasadya, Ate. Talaga, hindi ko sinasadya. Hindi na ako
magtatapon ng balat ng saging kahit saan. Sa basurahan na ako
magtatapon.”
“Mabuti. Mabuti kung gayon,” sabi ni Mina.

Bilang ng mga salita: 128


(Yaman ng Panitik 1, Resuma et al, 1987)

16. Sino ang nakatatandang kapatid? (Literal) a.


Mina
b. Lito
c. Lita
d. Tina
17. Bakit sumisigaw si Mina? (Paghinuha)
a. galit siya
b. maingay kasi
c. tinatakot niya si Lito
d. hindi marinig ang boses niya

18. Ano ang naramdaman ni Lito nang tinanong siya ni Mina nang pasigaw? (Paghinuha) a.
nagalit siya
b. natuwa siya
c. natakot siya
d. nagtampo siya

19. Bakit nadulas si Mina? (Literal)


a. madulas ang sahig
b. di niya nakita ang nilalakaran
c. natapakan niya ang balat ng saging
d. natapakan niya ang basang bahagi ng sahig

20. Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento? (Pagsusuri) a. Ang
Basurahan
b. Ang Saging ni Lito
c. Pulutin ang Saging
d. Ang Sigaw ni Mina

You might also like