You are on page 1of 4

RIZAL SA DAPITAN

Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay maituturing na isa sa mga

pinakadakilang tao na isinilang sa mundo. Nabuhay siya sa loob ng talumpu’t limang taon,

ikadalawampu’t pito ay nalibot na ang daigdig at naging isang manggagamot, nobelista, makata,

dalubwika, pintor, iskultor, magbubukid, naturalista, at kagawad sa mga tanyag na mga

institusyon. Ipinanganak sa bayan ng Kalamba, lalawigan ng Laguna noong ika-19 ng Hunyo,

1861. Ang ikapitong anak nina Don Francisco Mercado at ng asawa nitong si Donya Teodora

Alonso.

Ang mga patakaran ay ipinatutupad saanman. Kahit na sa isang desyerto na lugar, ang

ilang mga patakaran ay dapat sundin tulad ng mga batas ng kalikasan. Ang ganitong mga

alituntunin na ipinataw ng tao ay hindi mabuti. Hindi lahat ng naaayon sa batas ay moral. Hindi

lahat ng dinidiktahan ay maganda. Nang magpataw ng mga alituntunin ang Kastila sa Pilipinas,

hinawakan nila ang mamamayan ng bansa sa leeg at maging sa ulo. Mga taong tulad ni Rizal na

tumindig para ituwid ang baluktot.

Si Dr. Jose Rizal ay ipinatapon sa Dapitan mula 1892-1896. Ito ang kanyang huling apat

na taon. Si Dapitan ang nagsilbing selda niya sa bilangguan. Palagi niya itong ikinukumpara sa

"isang magandang hawla" kung saan siya nakakulong. Ito ang pinakamatagal na pagkakakulong

ni Rizal. Masyado siyang naliligaw ng mga oras na iyon, ngunit hindi pa rin siya nawawala sa

kanyang isip. Kahit doon, ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at pagtuklas ng mga bagay-bagay.

Ipinagpatuloy niya ang kanyang pakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan, siyentipiko at doktor
sa labas ng bansa. Ang kanyang buhay doon ay mapayapa gaya ng nais ng isang simpleng tao:

isang bahay na malapit sa baybayin na may lahat ng bagay sa paligid mo ay ibinigay. Iba si

Rizal, hindi niya gugustuhing magkaroon ng lugar na wala siyang magagawa para sa kanyang

bansa. Kahit na sa kanyang estado ng pagkatapon, nagawa niyang magtayo ng isang bahay, isang

klinika - kung saan malugod na tinatanggap ang mga mahihirap at mayayaman, at isang paaralan

kung saan mayroon siyang 16 na estudyante. Sa Dapitan, natagpuan ni Rizal ang huling babae ng

kanyang buhay – si Josephine Bracken. Nais niyang pakasalan siya, ngunit hindi ito pinayagan

ng simbahan dahil ayaw ni Rizal na talikuran ang kanyang paniniwala at lahat ng sinabi niya

laban sa simbahan.

Kahit sa kanyang pagkakatapon, napanatili ni Rizal ang balanseng buhay. Ito ay isang

panawagan para sa bawat Pilipino na maging produktibo sa gitna ng hirap at pagkakulong. Isang

panawagan para sa lahat na ang buhay ay hindi nagtatapos hangga't nabubuhay ka para sa iba at

hindi para sa iyong sarili.

Halos apat na taon na din nabilanggo si Rizal sa loob ng Dapitan pero kahit siya ay isang

bilanggo doon madami siyang mga bagay na nagawang produktibo, siya ay naging magsasaka,

manggagamot, negosyante, guro, zoologist , imbentor at pintor. Nagtrabaho si Rizal bilang isang

mangagamot sa Dapitan at ang kanyang mga naging pasyente ay mahihirap at mayayaman.

Nang tumira sa Dapitan ang kanyang ina ng isa’t kalahating taon siya din ang gumamot dito.

Naging interest ni Rizal ang mga halamang gamit dito sa pilipinas.


Ang perang nakuha niya sa pagkapanalo sa Manila Lottery at sa pagtatrabaho bilang

magsasaka at isang negosyante ay nagamit sa pagbili ng isang lupain sa Talisay, malapit sa

Dapitan. Dito sa lupa ay nagtayo siya ng tatlong bahay na gawa sa kawayan, kahoy at nipa.

Nakatira sa unang bahay si Jose Rizal at ang hugis nito ay parisukat. Nakatira naman sa

pangalawang bahay ang mga mag-aaral ni Jose Rizal. Ito ay hugis oktagon dahil mayroon itong

walong bahagi. At ang panghuli, gumawa si Jose Rizal ng isang tirahan para sa mga alaga niyang

manok. Ito ay hugis heksagona, may anim na bahagi o parte.

Itinayo ni Rizal ang sistema ng patubig sa Dapitan isinagawa nya ito upang magkaroon

ng malinis na tubig ang bawat kabahayan sa Dapitan. Isa pa sa mga proyekto niya sa Dapitan ay

ang paglilinis ng latian upang mawaksi ang malaria sa boung bayam.

Sa tagal nagpamamalagi ni Rizal sa Dapitan siya rin ay naging isang magsasaka. Si Rizal

ay magpagmamayari ng lupa na pitungpot pitong kilometer ang haba. Ito ay may tanim na abaca,

niyog at cocoa. Modernong pagsasaka ang ginawa ni Rizal sa kanyang lupa. Naisip din ni Rizal

na magnegosyo nakipagsosyo siya kay Ramon Carreon na isang mangangalakal din sa Dapitan.

Sila ay may koprahan,pangingisda at abaca.

Marami din na nagawa si Rizal sa larangan ng agham, katulad ng pagpasok ni Rizal sa

mga kagubatan at baybay dagat ng Dapitan para sa paghahanap ng mga specimen upang ipadala

niya sa mga museo ng Europa, pag-iipon niya ng 346 na uri ng mga kabibi, at pagdiskubre niya

sa Draco rizali, Apogonia rizali at Rhacophorus rizali.


Ginamit din ni Rizal ang mga panahon niya sa Dapitan upang makapagturo ng sa mga

kabanatan doon. Marami siyang itinuro sa kanila, katulad na lamang ng Wika, heograpiya,

kasaysayan,  matimatika gawaing industriya at madami pang-iba.

  Ang kanyang pagkakatapos sa Dapitan ay di maituturing na pagkakakulong bagkos ito ay

isang pagkakalaya ng bawat Pilipino na kanyang natulungan gamit ang kanyang karunongan.

You might also like