You are on page 1of 22

Government Property

NOT FOR SALE

NOT

9
Araling Panlipunan
Quarter 2, Module 9
Interaksyon ng Demand at Supply

Department of Education ● Republic of the Philippines


Araling Panlipunan- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 2, Module 9: Interaksyon ng Demand at Supply
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials
from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor
claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Cagayan de Oro Schools


Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD.,CESO V

Development Team of the Module


Writers: Lenore L. Boa, Amalia H. Temblor
Content and Language Evaluators: Mary Ann S. Engrecial
Leonora M. Agustin
Design and Lay-out Evaluator: Ananias T. Clarido, Jr, PhD
Mary Jane O. Simeon
Illustrator and Layout Artist: Dennis Baynas, Lenore L. Boa

Management Team

Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V


Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, MSPh, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Henry B. Abueva, EPS, CID Chief


Virginia N. Nadayag, EPS- Araling Panlipun
Rustico Y. Jerusalem,PhD., LRMS Manager
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

i
9
Araling Panlipunan
Quarter 2, Module 9
Interaksyon ng Demand at Supply

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by select teachers, school heads, and Education Program Supervisor in
Araling Panlipunan of the Department of Education - Division of Iligan
City. We encourage teachers and other education stakeholders to email
their feedback, comments, and recommendations to the Department of
Education-Iligan City Division at iligan.city@deped.gov.ph or Telefax:
(063)221-6069.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines

ii
TALAAN NG NILALAMAN

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3
Aralin 1 ……………………………… 5
Balikan ……………………………… 5
Tuklasin ……………………………… 6
Suriin ……………………………… 6
Pagyamanin ……………………………… 9
Isaisip ……………………………… 11
Isagawa . ……………………………. 12
Buod ……………………………… 12
Tayahin ……………………………… 13
Karagdagang Gawain ……………………………… 15
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 16
Sanggunian ……………………………… 17

iii
Modyul 9
Interaksyon ng Demand at Supply
Pangkalahatang Ideya
Tatalakayin sa modyul na ito ang interaksiyon ng supply at demand.
Inaasahang sa pagtatapos ng aralin na mauunawaan mo bilang mag-aaral ang
kahalagahan ng relasyon ng mga prodyusers at konsyumers sa pamamagitan
ng pagpapaliwanag kung paano ang demand at supply ay nakakaapekto sa
presyo.

Ang matiyagang pagbabasa sa mga teksto at pagganap sa mga gawain


ay makakapukaw ng interes at magdudulot sa iyo ng kaalaman. Ang mga
gawain ay nakadisenyo ayon sa iyong pangangailangan at kakayahan upang
higit na maunawaan ang tema at mensaheng ipinaabot ng aralin. Maliban sa
pamagat, ang mga gawain ay may mga panuto bilang gabay sa pagganap at
may mga pamprosesong tanong na kalakip kung saan hinihingi na ito ay iyong
sagutin.

Alamin

Pamantayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang interaksyon ng demand at


supply sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan. (AP9MYK-Iie-9)

Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. nakapagtitiyak kung kalian nagkakaroon ng surplus, shortage o


ekwilibriyo sa pamilihan;
2. nakapagkokompyut gamit ang mathematical equations upang
mailarawan ang interaksyon ng demand at supply;
3. nakagagawa ng graph upang mailarawan ang interaksyon ng demand at
supply; at
4. napahahalagahan ang epekto ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa
pamilihan.

1
Pangkalahatang Panuto

Paano mo Matututunan?

Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:


 Basahin at unawaing mabuti ang mga konseptong pangwika.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at
pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na
ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri
Subukin kung ano na ang iyong natutunan kaugnay sa bagong
tatalakaying aralin.
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng
pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying
bagong aralin.
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng
Tuklasin iba’t ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


Suriin nararapat mong matutunan upang malinang ang pokus
na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa ang
Pagyamanin kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat


ang iyong mahahalagang natutunan sa mga
Isagawa pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

2
Subukin

PANIMULANG PAGTATAYA

Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel o
notebook.
1. Ang ekwilibriyo sa pamilihan o market equilibrium ay tumutukoy sa
sitwasyon kung saan ang presyo ay __________________.
A. tataas sanhi ng kompetisyon ng mga sellers.
B. nasa antas kung saan walang surplus o shortage.
C. mataas, sapat para sa mga kompanya na magkaroon ng sapat na tubo
D. mababa, sapat upang mabili ng mga konsyumers ang kanilang gusto.
2. Ito ay nararanasan kung ang quantity supplied ay mas marami kaysa sa
quantity demanded.
A. Ekwilibriyo B. Disekwilibriyo C. Shortage D. Surplus
3. Ang kalagayan ng pamilihan na hindi pareho ang quantity demanded at
quantity supplied.
A. Ekwilibriyo B. Disekwilibriyo C. Shortage D. Surplus
4. Ito ay nararanasan kung ang quantity supplied ay mas kaunti kaysa sa
quantity demanded.
A. Shortage B. Surplus C. Ekwilibriyo D. Disekwilibriyo
5. Kung may surplus sa pamilihan, ano ang mangyayari sa presyo ng produkto
o serbisyo?
A. Mananatili B. Bababa ang presyo
C. Mawawala ang halaga D. Tataas ang presyo
6. Ito ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser.
A. Ekwilibriyong presyo B. Diskwentong presyo
C. Disekwilibriyong presyo D. Surplus na presyo
7. Ang puntong ekwilibriyo ay bahagi ng graph ______________________
A. kung saan nagsisimula ang demand curve.
B. kung saan nagkakaroon ng shift ng supply curve.
C. kung saan ang demand curve at supply curve ay nag- iintersect.
D. kung saan ang demand curve at supply curve ay magkahilera.
8. Ano ang P sa supply function na Qs = 400P, kung ang nakompyut na
Qs ay 1,200?
A. 3 B. 4 C. 5 D. 10
9. Kung ang P ay Php2 sa demand function na Qd =1000 - 200P, ano ang
Qd?
A. 400 B. 500 C. 600 D. 800
10. Ano ang sitwasyon ng pamilihan na itinatakda ng mga function na
Qd = 3000 - 500P at Qs = 500P, kung saan ang P ay Php3?
A. May shortage ng supply B. May ekwilibriyo
C. May surplus ng supply D. May disekwilibriyo

3
11. May mga pagkakataon na nagiging mahal ang presyo ng mga bilihin. Alin
sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak na
rosas sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso?
A. Tumataas ang demand ng mga konsyumer sa rosas dahil sa okasyon
kaya lumilipat ang kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa
pagtaas ng presyo nito.
B. Nagkakasundo ang mga konsyumer at prodyuser na itaas ang presyo
sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito.
C. Mandato ng pamahalaan na itaas ang presyo dahil sa kasiyahang
natatamo ng mga konsyumer.
D. Itinatago ng mga prodyuser ang kanilang panindang bulaklak upang
lalong tumaas ang presyo nito.
12. May mga bansa tulad ng Amerika na mataas ang kanilang demand sa ilang
manggagawa tulad ng mga guro. Ano ang inaasahan sa kanilang inaalok
na pasweldo?
A. Mataas B. Mababa C. Katamtaman D. Di malaman
13. Ang panahon ng El Nino o tagtuyot ay nagdudulot ng pagbaba sa dami ng
bigas na mabibili ng mga konsyumers. Ano ang inaasahan mong
mangyayari?
A. Ang suplay ng bigas ay tataas B. Ang demand ng bigas ay bababa
C. Ang presyo ng bigas ay tataas D. Ang presyo ng bigas ay bababa
14. Nagkaroon ng Bird Flu outbreak sa Region 10. Nagbabala ang lokal na
pamahalaan ng Lungsod ng Iligan sa panganib na maaring idulot mula sa
pagkain ng karneng manok na kontaminado ng Bird Flu virus. Ano ang
inaasahang mangyayari sa presyo ng mga itinitindang karneng manok sa
nasabing lungsod?
A. Di magbabago ang presyo dahil may ekwilbriyo sa pamilihan.
B. Tataas ang presyo dahil bababa ang demand.
C. Bababa ang presyo dahil tataas ang demand.
D. Bababa ang presyo dahil bababa ang demand
15. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kung pantay ang dami ng quantity
demanded at quantity supplied sa iisang presyo. Ano ang implikasyon ng
kalagayang ito sa pamilihan?
A. Parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng
nais bilhin ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga
prodyuser.
B. May labis na quantity supplied sapagkat magtataas ng presyo ang mga
prodyuser na magbibigay ng malaking kita.
C. Parehong nasiyahan ang mga konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas
man ang presyo, kaunti lamang ang bibilhin ng mga konsyumer.
D. Hindi masaya ang konsyumer dahil ang quantity demanded ay hindi
napupunan ng labis na quantity supplied.

4
.
Aralin Interaksyon ng
1 Demand at Supply

Balikan

Ikumpleto Mo!

Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Tukuyin ang mga


konseptong natalakay sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng paglapat ng
wastong titk sa loob ng mga kahon. Gawin ito sa activity notebbok,

1. Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng


mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
D M

2. Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng


mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
S P Y

3. Ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at dami ng


produkto o kalakal.
.C R E

4. Talahanayan na naglalaman ng presyo at dami na gustong itinda ng mga


prodyusers o gustong bilhin ng mga konsyumers.
S H D E

5. Ang galaw ng presyo kung saan ito ay nagiging mahal.


P T A S

5
Tuklasin

Comic-Suri

Suriin ang comic strip at sagutin ang mga tanong na nasa kahon. Isulat
ang mga sagot sa iyong activity notebook.

Photo credits: Lenore. Boa

1. Ano ang ipinagtataka ng bata na tinanong niya sa kanyang ina?


_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Ano ang ipinapahiwatig ng sagot ng ina sa kanyang anak?


_________________________________________________________
_________________________________________________________

Suriin

?Bakit nga ba nagbabago ang presyo ng mga produtkto sa


pamilihan? Mapapansin na may panahon na mura ang mga
produktong tulad ng mangga, bulakalak at iba pa at may mga
Photo credits: Lenore. Boa

panahon din na ang mga produktong ito ay mahal.

Ang mga pwersa ng demand ang supply ang dahilan kung bakit may
pagbabago sa mga presyo ng pamilihan. Magkasabay na kumikilos
ang mga pwersang ito upang matiyak ang presyo. Naipaliliwanag ng
interkasyon ng demand at supply ang pamilihan. Isang magandang
Photo credits: Lenore. Boa

paraan para maipakita ang relasyon ng demand at supply ay sa pamamagitan


ng pag-plot ng demand at supply schedule sa graph.

6
.
Pansinin ang schedule at graph sa ibaba
Photo credits: Lenore. Boa

Market Schedule ng Demand at Supply


SC
Presyo Quantity Quantity
sa Php Demanded Supplied Eq point
10 10 50
8 20 40 DC
6 30 30
4 40 20
2 50 10
Kung pagsasamahin ang demand at supply curve, may punto kung
saan ang mga ito ay nagko-krus o may interseksyon. Ang pangyayaring ito ay
nagpapakita ng ekwilibriyo o equilibrium. Ang ekwilibriyo sa pamilihan o
market equilibrium ay ang punto kung saan ang quantity demanded at quantity
supplied ay pantay o balanse. Ang presyo kung saan naging pantay ang
demand at supply ay tinatawag na presyong ekwilibriyo o equilibrium price.
Ito ang pinagkasunduang presyo ng prodyusers at konsyumers. Ang dami o
quantity kung saan naging pantay ang demand at supply ay tinatawag namang
ekwilibriyong dami o equilibrium quantity. Sa ibinigay na schedule sa itaas,
ang equilibrium price ay Php 6 at ang equilibrium quantity ay 30.

? Paano magkompyut ng equilibrium price at equilibrium


quantity gamit ang mathematical equations?
Photo credits: Lenore. Boa

Ang kompyutasyon na nasa sa ibaba ay nagpapakita kung papaano


makukuha ang ekwilibriyong presyo at quantity o dami. Ipagpalagay
natin ang mga function na Qd= 60 - 5P at Qs= 5P para sa naibigay
na schedule sa itaas. Una munang alamin ang halaga o presyo (P)
Photo credits: Lenore. Boa

gamit ang demand at supply function. Pagkatapos ay ihalili ang value ng P sa


demand at supply function. Ang mga makukuhang sagot ang siyang
tumutugon sa ekwilibriyong dami nito.

Qs = Qd
5P = 60 - 5P Qd = 60 - 5P Qs = 5P
5P + 5P = 60 = 60 - 5 (6) = 5 (6)
10P = 60 = 60 - 30 = 30
10 𝑃 60 = 30
=
10 10
P = 6

7
?Anong mangyayari kapag hindi pantay ang demand at supply?
Photo credits: Lenore. Boa

May disekwilibriyo o disequilibrium. May dalawang kondisyon


bilang direktang resulta ng disekwilibriyo: ang shortage at ang
surplus. Maaaring makaranas ng surplus kung mas marami ang
quantity supplied kaysa sa quantity demanded. Ang shortage ay
Photo credits: Lenore. Boa

nararanasan naman kung ang dami ng quantity supplied ay mas mababa kaysa
sa quantity demanded.
Ano ang epekto ng surplus at shortage sa presyo?

?
Photo credits: Lenore. Boa
Ang pagkakaroon ng shortage o surplus ay magreresulta sa pagbabago ng
presyo. Maari itong tumaas o bumaba depende sa sitwasyon ng
demand at supply. Ang patuloy na pagbabago ng presyo ay
magreresulta sa pagkakaroon ng ekwilibriyo.
Photo credits: Lenore.
Boa

Pansinin ang mga sumusunod na batas ng demand at


supply na magpapaliwanag ng presyo sa pamilihan.
Photo credits: Lenore. Boa

1. Kung mas mataas ang demand kaysa sa supply o mababa ang supply
kaysa sa demand, tataas ang presyo ng mga kalakal o produkto.
(D>S) = ↑P) o (S<D) = ↑P)

2. Kung mas mababa ang demand kaysa sa supply o mas mataas ang
supply kaysa sa demand, bababa ang presyo ng mga kalakal o
produkto. (D<S = ↓P) o (S>D = ↓P)

3. Kung ang demand at supply ay pantay o may ekwilibriyo, walang


pagbabago o mananatili ang presyo ng mga kalakal.
(D = S = →P)

Makikita sa talahanayan ang nakompyut na Qd at Qs


gamit ang functions, ang sitwasyon ng supply, dami at
Photo credits: Lenore. Boa ang naging epekto ng sitwasyon sa presyo.

Presyo sa Quantity Quantity Dami o Epekto sa


Sitwasyon Quantity Presyo
Php Demanded Supplied
10 10 50 Surplus 40 Bababa
8 20 40 Surplus 20 Bababa
6 30 30 Ekwilibriyo 0 Mananatili
4 40 20 Shortage 20 Tataas
2 50 10 Shortage 40 Tataas

8
Pagyamanin

Alamin Ang Sitwasyon Sa Pamilihan

Suriin ang market schedule ng isda sa ibaba. Tukuyin sa ikaapat na


kolum kung ang sitwasyon ay may shortage, surplus o ekwilibriyo. Tukuyin
naman ang dami o quantity ng shortage at surplus sa ikalimang kolum at sa
huling kolum kung tataas, bababa o mananatili ang presyo batay sa sitwasyon.
Sagutin din ang mga tanong na nasa ibaba ng schedule. Gawin ito sa activity
notebook at ipakita ang kompyutasyon.

Quantity Quantity Sitwasyon Epekto sa


Presyo sa (shortage, Dami o presyo
demanded supplied sa
Php surplus, o quantity (tataas, bababa o
sa kilos kilos ekwilibriyo) mananatili)
140 200 700
120 400 600
100 500 500
80 600 300
60 800 100

1. Ano ang sitwasyon ng pamilihan kung ang presyo ay Php120? _________


Ano ang epekto nito sa presyo? ______________

2. Ano ang sitwasyon ng pamilihan kung ang presyo ay Php60? _________


Ano ang epekto nito sa presyo? ______________

3. May pagbabago ba sa presyong Php100 batay sa sitwasyon ng supply at


demand nito? _____________
Ipaliwanag ang sagot? ____________________________

9
Batas Ko, Tandaan Mo!

Punan ng nararapat na simbolo ang mga blankong kolum sa


talahanayan upang mailahad ang batas ng demand at supply tungkol sa
pagbabago ng presyo. Gamitin ang mga simbolong (>) mas higit, (<) mas
mababa at (=) kasindami na isasagot sa ikalawang kolum. Gamitin naman ang
simbolo na (↑) bilang pagtaas, (↓) bilang pagbaba at (→) bilang mananatili o
walang pagbabago sa presyo sa huling kolum. Pagkatapos mapunan ang
talahanayan, sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa activity
notebook.

ang
Kung ang demand ay kaysa sa supply ↑
presyo ay
ang
Kung ang demand ay ng supply →
presyo ay
ang
Kung ang supply < kaysa sa demand
presyo ay
ang
Kung ang demand ay kaysa sa supply ↓
presyo ay
ang
Kung ang supply > kaysa sa demand
presyo ay

1. Anong mangyayari sa presyo kung mas mababa ang supply kaysa sa


demand? ________________________

2. Anong mangyayari sa presyo kung mas mataas ang supply kaysa sa


demand? ________________________

3. Ano ang epekto sa presyo kung pantay ang demand at supply?


____________________________

10
Isaisip

Talahanayan Punan Mo, Ang Curve I-Plot Mo

I. A. Batay sa demand function na Qd = 5000 – 500P at supply function na


Qs = 500P, kung saan ang Qd ay Quantity demanded, Qs ay Quantity
supplied at P ay Price/Presyo sa magkakaibang halaga, kumpletuhin ang
schedule ng produktong kendi. Tukuyin din kung may surplus, shortage o
may ekwilibriyo sa nasabing produkto sa ika-apat na kolum, gaano karami
ang surplus o shortage sa ikalimang kolum at ang epekto nito sa presyo
kung ito ay tataas, bababa o mananatili sa ika-anim na kolum. Gawin ito sa
activity notebook at ipakita ang solusyon ng kompyutasyon.

Sitwasyon Epekto sa
Presyo Quantity Quantity (shortage, Dami o presyo
sa Php demanded supplied surplus, o quantity (tataas, bababa o
ekwilibriyo) mananatili)
6
5
4
3
2

B. Batay sa schedule, sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Ano ang equilibrium price? Php_______________.


2. Ano ang equilibrium quantity? ______________kilos.
3. Gaano karami ang surplus ng supply sa presyong Php6? ______kilos
4. Gaano karami ang shortage ng supply sa presyong Php2? _____kilos.
5. Ano ang sitwasyon ng supply sa presyong Php3? _____________

II. Matapos makumpleto ang schedule, i-plot ito sa iisang graph upang
maipakita ang interaksyon ng demand at supply. Maaring gumamit ng
graphing paper o gawin ito sa iyong activity notebook.

11
Isagawa

Patawad po!

Maglahad ng karanasan o kwento ukol sa kung paano kayo


nakikipagtawaran ng presyo ng binibili ninyong produkto sa mga tindera sa
palengke o tindahan. Pagkatapos mailahad ay sagutin ang mga tanong na
nasa ibaba. Gawin ito sa iyong activity notebook.

 Mahalaga ba na kayo ay nakikipagsundo sa presyo ng mga nagtitinda?


Ano ang ibinubunga kapag nagkasundo kayo sa presyo?
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Buod
Binigyang diin sa modyul na ito ang interaksyon ng demand at supply.
Nakatulong sa mga mag-aaral ang mga inihandang gawain upang maunawaan
ang kabuuan ng paksa at matamo ang mga layon ng modyul na ito. Sa
pagganap ng mga gawain, nakamit ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:

 Nahasa ang kakayahan sa pagkompyut gamit ang mathematical


equations at paggawa ng graph upang maintindihan at maipaliwanag
ang interaksyon ng demand at supply.
 Nagkaroon ng kakayahan sa pagsusuri ng sitwasyon ng pamilihan at
pagtitiyak ng epekto ng sitwasyon sa presyo.
 Nagkaroon ng pag-unawa na ang mga pwersa ng demand at supply ang
dahilan kung bakit may pagbabago sa mga presyo ng pamilihan. Ang
pagtaas, pagbaba o pananatili ng presyo ay resulta ng interaksyon ng
dalawang pwersa.
 Napahalagahan ang pagkakaroon ng presyong ekwilibriyo sa pamilihan.

12
Pagtatasa: (Post-Test)

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel o
notebook.
1. Ang ekwilibriyo sa pamilihan o market equilibrium ay tumutukoy sa
sitwasyon kung saan ang presyo ay __________________.
A. tataas sanhi ng kompetisyon ng mga sellers.
B. nasa antas kung saan walang surplus o shortage.
C. mataas, sapat para sa mga kompanya na magkaroon ng sapat na tubo
D. mababa, sapat upang mabili ng mga konsyumers ang kanilang gusto.
2. Ito ay nararanasan kung ang quantity supplied ay mas marami kaysa sa
quantity demanded.
A. Ekwilibriyo B. Disekwilibriyo C. Shortage D. Surplus
3. Ang kalagayan ng pamilihan na hindi pareho ang quantity demanded at
quantity supplied.
A. Ekwilibriyo B. Disekwilibriyo C. Shortage D. Surplus
4. Ito ay nararanasan kung ang quantity supplied ay mas kaunti kaysa sa
quantity demanded.
A. Shortage B. Surplus C. Ekwilibriyo D. Disekwilibriyo
5. Kung may surplus sa pamilihan, ano ang mangyayari sa presyo ng produkto
o serbisyo?
A. Mananatili B. Bababa ang presyo
C. Mawawala ang halaga D. Tataas ang presyo
6. Ito ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser.
A. Ekwilibriyong presyo B. Diskwentong presyo
C. Disekwilibriyong presyo D. Surplus na presyo
7. Ang puntong ekwilibriyo ay bahagi ng graph ______________________
A. kung saan nagsisimula ang demand curve.
B. kung saan nagkakaroon ng shift ng supply curve.
C. kung saan ang demand curve at supply curve ay nag- iintersect.
D. kung saan ang demand curve at supply curve ay magkahilera.
8. Ano ang P sa supply function na Qs = 400P, kung ang nakompyut na
Qs ay 1,200?
A. 3 B. 4 C. 5 D. 10
9. Kung ang P ay Php2 sa demand function na Qd =1000 - 200P, ano ang
Qd?
A. 400 B. 500 C. 600 D. 800
10. Ano ang sitwasyon ng pamilihan na itinatakda ng mga function na
Qd = 3000 - 500P at Qs = 500P, kung saan ang P ay Php3?
A. May shortage ng supply B. May ekwilibriyo
C. May surplus ng supply D. May disekwilibriyo

13
11. May mga pagkakataon na nagiging mahal ang presyo ng mga bilihin. Alin
sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak na
rosas sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso?
A. Tumataas ang demand ng mga konsyumer sa rosas dahil sa okasyon
kaya lumilipat ang kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa
pagtaas ng presyo nito.
B. Nagkakasundo ang mga konsyumer at prodyuser na itaas ang presyo
sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito.
C. Mandato ng pamahalaan na itaas ang presyo dahil sa kasiyahang
natatamo ng mga konsyumer.
D. Itinatago ng mga prodyuser ang kanilang panindang bulaklak upang
lalong tumaas ang presyo nito.
12. May mga bansa tulad ng Amerika na mataas ang kanilang demand sa ilang
manggagawa tulad ng mga guro. Ano ang inaasahan sa kanilang inaalok
na pasweldo?
A. Mataas B. Mababa C. Katamtaman D. Di malaman
13. Ang panahon ng El Nino o tagtuyot ay nagdudulot ng pagbaba sa dami ng
bigas na mabibili ng mga konsyumers. Ano ang inaasahan mong
mangyayari?
A. Ang suplay ng bigas ay tataas B. Ang demand ng bigas ay bababa
C. Ang presyo ng bigas ay tataas D. Ang presyo ng bigas ay bababa
14. Nagkaroon ng Bird Flu outbreak sa Region 10. Nagbabala ang lokal na
pamahalaan ng Lungsod ng Iligan sa panganib na maaring idulot mula sa
pagkain ng karneng manok na kontaminado ng Bird Flu virus. Ano ang
inaasahang mangyayari sa presyo ng mga itinitindang karneng manok sa
nasabing lungsod?
A. Di magbabago ang presyo dahil may ekwilbriyo sa pamilihan.
B. Tataas ang presyo dahil bababa ang demand.
C. Bababa ang presyo dahil tataas ang demand.
D. Bababa ang presyo dahil bababa ang demand
15. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kung pantay ang dami ng quantity
demanded at quantity supplied sa iisang presyo. Ano ang implikasyon ng
kalagayang ito sa pamilihan?
A. Parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng
nais bilhin ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga
prodyuser.
B. May labis na quantity supplied sapagkat magtataas ng presyo ang mga
prodyuser na magbibigay ng malaking kita.
C. Parehong nasiyahan ang mga konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas
man ang presyo, kaunti lamang ang bibilhin ng mga konsyumer.
D. Hindi masaya ang konsyumer dahil ang quantity demanded ay hindi
napupunan ng labis na quantity supplied.

14
Karagdagang Gawain

Alcohol SD Function

Nasa ilalim na ng GCQ ang Iligan City. Nais ni Janzy na malaman ang
sitwasyon ng bentahan ng alcohol (500 mL) sa pamilihan sa loob ng dalawang
buwan. Gamit ang mga function ng supply at demand sa ibaba, sagutin o
ibigay ang mga hinihingi sa mga tanong. Isulat ang mga sagot sa iyong activity
notebook pati na ang solusyon ng kompyutasyon.

Qd = 16,000 – 100P
Qs = 100P

1. Ano ang ekwilibriyong presyo o pinagkasunduang presyo? ___________


2. Ano ang ekwilibriyong dami? ______________
3. a. Kung ang presyo ng alcohol ay Php60, gaano karami ang supply? ____
b. Sa presyong Php60, may shortage o surplus ng supply? ___________
c. Anong mangyayari kalaunan sa presyong Php60 ng alcohol batay sa
sitwasyon ng supply? ___________________
4. a Kung ang presyo ng alcohol ay Php120, gaano karami ang supply?____
b. Sa presyong Php120, may shortage o surplus ng supply? __________
c. Anong mangyayari kalaunan sa presyong Php120 ng alcohol batay sa
sitwasyon ng supply? ___________________

15
Susi sa Pagwawasto

PANIMULA AT PANGWAKAS NA PAGTATAYA

1. B 6. A 11. A
2. D 7. C 12. A
3. B 8. A 13. C
4. A 9. C 14. D
5. B 10. B 15. A

16
Sanggunian

Aklat

Department of Education Instructional Materials Council Secretariat


(2015). EKONOMIKS: Modyul para sa Mag-aaral. 7th Edition.
Quezon City Philippines: Vibal Publishing Group Inc., 2017.

Website

Chan, Franny., “Market Equilibrium.” Fundamentals of Economics.


https://staffwww.fullcoll.edu/fchan/Micro/1MKTEQUIL.htm
(accessed May 20, 2020)
Federal Reserve Bank of St. Louis, https://www.econlowdown.org/
supply-and-demand?module_uid=120&section_uid=292&page_
num=2595&p=yes. (accessed May 21, 2020)
Lumen Learning, “Outcome: Equilibrium.” Microeconomics.
https://courses.lumenlearning.com/alamo-microeconomics/ cha
pter/outcome-equilibrium/. (accessed May 21, 2020)
Lynham, John. “Demand, Supply, and Equilibrium in Markets for Goods
and Services.” Principles of Microeconomics - Hawaii Edition.
http://pressbooks.oer.hawaii.edu/principlesofmicroeconomics/chap
ter/3-1-demand-supply-and-equilibrium-in-markets-for-goods-and-
services/. (accessed May 20, 2020)
Nipun S.,”How the Price of a Commodity is Determined? | Economics.”
Economics Discussion. https://www.economicsdiscussion.net/
market/how-the-price-of-a-commodity-is-determined-economics/
25610. (accessed May 21, 2020)

http://www2.harpercollege.edu/mhealy/eco212i/lectures/s%26d/s%
26d.htm. (accessed May 20, 2020)

17
For inquiries and feedback, please write or call:

DepEd Division of Iligan City


Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

You might also like