You are on page 1of 21

Government Property

9
NOT FOR SALE

NOT

Araling Panlipunan
Quarter 2, Module 11
Ang Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan

Department of Education ● Republic of the Philippines


Araling Panlipunan- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 2, Module 11: Ang Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist
in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of
the government agency or office wherein the work is created shall be
necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may,
among other things, impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek
permission to use these materials from their respective copyright owners. The
publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division ofSchools Iligan


CityDivision Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD.,CESO V

Development Team of the Module

Writer : Leonora M. Agustin, Anabel B. Avilla, Gloria D. Rabuyo,


Ludecisa M. Rojo
Content and Language Evaluators: Mary Ann S. Engrecial, PhD, Roquesa P.
Tejada, Milyn S. Tablon, Lenore L. Boa
Design and Lay-out Evaluator: Ananias T. Clarido, Jr., PhD
Illustrator/Layout Artist: Dennis Baynas

Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, MSPh, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Henry B. Abueva, EPS, OIC-CID Chief


Virginia N. Nadayag, EPS- Araling Panlipunan
Rustico Y. Jerusalem,PhD., LRMS Manager
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

i
9
Araling
Panlipunan
Quarter 2, Module 11
Ang Ugnayan ng Pamilihan at
Pamahalaan

This instructional material was collaboratively developed and


reviewed by select teachers, school heads, and Education Program
Supervisor in Araling Panlipunan of the Department of Education -
Division of Iligan City. We encourage teachers and other education
stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education-Iligan City Division
at iligan.city@deped.gov.ph or Telefax: (063)221-6069.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines

ii
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3
Aralin 1 ……………………………… 5
Balikan ……………………………… 5
Tuklasin ……………………………… 6
Suriin ……………………………… 7
Pagyamanin ……………………………… 9
Isaisip ……………………………… 10
Isagawa ……………………………… 11
Buod ……………………………… 12
Tayahin ……………………………… 13
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 15
Sanggunian ……………………………… 16

iii
Modyul 5
Ang Ugnayan ng Pamilihan at
Pamahalaan
Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay tatalakay sa ugnayan ng pamilihan at


pamahalaan. Malalaman mo dito ang papel na ginagampanan ng
pamahalaan sa pagkontrol ng presyo sa pamilihan. Ang mga gawaing
inihanda sa modyul na ito ay magpapalawak sa iyong kaalaman tungkol sa
ugnayan ng pamilihan at pamahalaan.

Alamin

Pamantayan sa Pagkatuto: Napahahalagahan ang bahaging


ginagampaman ng pamahalaan sa regulasyon ng mga gawaing
pangkabuhayan.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ay inaasahan na:


1. naiisa-isa mo ang mga hakbang na ipinatutupad ng pamahalaan sa
panghihimasok nito sa takbo ng pamilihan;
2. nasusuri mo ang mga pamamaraan ng pamahalaan sa pagtatakda ng
presyo sa pamilihan; at
3. napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa
pamilihan.

Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong
pangwika.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at
pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul


Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga
Alamin layunin o mithiing dapat matamo sa pag-
aaral mo sa modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong


Subukin kaalaman sa tatalakaying aralin. Sa
pamamagitan nito masususuri kung ano
na ang iyong natutunan kaugnay sa
bagong tatalakaying aralin.
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa
Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa
nagdaang aralin na may koneksiyon sa
tatalakaying bagong aralin.
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa
Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga


mahahalaga at nararapat mong
matutunan upang malinang ang pokus na
kompetensi.

Pagyamani Ito ay ang mga gawain na magpapalawak


n sa iyong natutunan at magbibigay
pagkakataong mahasa ang kasanayang
nililinang.
Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa
iyong mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo


upang mailapat ang iyong mahahalagang
natutunan sa mga pangyayari o
sitwasyon sa totoong buhay.

2
Subukin
Basahing mabuti ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa lugar kung saan nagtatagpo ang mga nagbibili at
mamimili at nagkakaroon ng palitan ng produkto sa pamamagitan ng
itinakdang presyo?
A. Granex B. Pilmico C. One Republic D. Pamilihan

2. Aling ahensya ng pamahalaan ang may tungkuling palawigin ang sistema


ng kalakalan at industriya ng bansa?
A. BFAD B. BIR C. DTI D. DOLE

3. Ang aklat na “Principles of Economics” na nagsasaad na bagamat ang


pamilihan ay isang organisadong sistemang pang-ekonomiya mayroong
mga panahon na nahaharap ito sa pagkabigo o market failure. Sino ang
may akda nito?
A. Adam Smith B. Gunnar Myrdal
C. Karl Marx D. Nicholas Gregory Mankiw

4. Ang pamahalaan ay nanghihimasok sa mga mapang-abusong gawain ng


mga negosyante sa pamamagitan ng pagtatakda ng pinakamataas na
presyo ng mga produkto at serbisyo. Ano ang tawag sa patakarang ito?
A. Price Clearing B. Price Ceiling
C. Price Support D. Price Floor

5. Alin sa mga sumusunod na patakaran ng pamahalaan ang nagtatakda ng


mababang presyo ng mga produkto at serbiyo?
A. Equilibrium price B. Price floor
C. Surplus D. Price Ceiling

6. Alin sa sumusunod ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan?


A. Pagtaas sa sahod ng mga manggagawa
B. Paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan
C. Pag-imbita ng mga banyaga ng mangangalakal sa bansa
D. Paggawa ng mga industriya na magbibigay hanapbuhay sa mga tao
3

7. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng


presyo sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag nito?
A. Pagtatakda ng price ceiling at price floor upang magkaroon ng
gabay sa presyo ng bilihin.
B. Paghuli sa mga illegal vendors na nagkalat sa paligid
C. Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga ng karapatan ng mga
konsyumer
D. Paghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang
negosyo

8. Ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang pamahalaan ay may


pangunahing tungkulin na pangalagaan at paglingkuran ang sambayanan.
Ang pagsasaad na ito ay masisilayan at pinapabulaan ng:
A. Artikulo V Seksyon 8 B. RA 3565
C. Artikulo II Seksyon 4 D. PD 1872

9. Paano nanghihimasok ang pamahalaan sa kita ng mga negosyante?


A. Pagkontrol ng presyo B. Pagbibigay ng subsidy
C. Pagtatakda ng buwis D. Pagbibigay ng mataas na sweldo

10. Bakit kailangan ng ating pamahalaan na tulungan ang mga maliliit na


negosyante?
A. Upang magbigay ng subsidy
B. Upang kontrolin ang presyo ng mga produkto at serbisyo
C. Upang magtakda ng buwis
D. Upang magpatupad ng price ceiling at price floor
4

Aralin

1 Ugnayan ng Pamilihan at
Pamahalaan
Nalaman mo sa nakaraang modyul ang iba’t ibang estruktura ng pamilihan.

Balikan

Konseptong Nais Ko

Basahin ang mga clue sa bawat bilang. Tukuyin kung anong estruktura
ng pamilihan ang inilalarawan ng mga pangungusap sa ibaba. Punan ng
wastong titik ang mga kahon upang mabuo ang salita. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

1. Tumutukoy ito sa uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na


gumagawa ng produkto.
O L O
2. Uri ng pamilihan na may iisang mamimili ngunit maraming prodyuser
ng produkto at serbisyo.
M S Y
3. Estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang ng prodyuser ang
nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto at
serbisyo.
O G L
4. Isang samahan ng malalayang bahay-kalakal o prodyuser na
gumagawa ng magkakatulad na produkto.
K T L
5. Ito ay isang karapatan na pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang
mga imbensyon.
A N T
5

Tuklasin

Kalagayan Ko, Hulaan Mo!

Basahing mabuti ang bawat sitwasyon sa ibaba. Suriin kung ang


bawat sitwasyon ay nangangailangan ng price control. Lagyan ng tsek (√ ) ang
kolum ng Oo kung kayo ay sang-ayon na kontrolin ang presyo at lagyan ng
tsek (√ ) ang kolum ng Hindi kung ito ay hindi na dapat kontrolin. Isulat ang
paliwanag ng iyong sagot sa huling kolum. Isulat ito sa activity notebook.

Sitwasyon Oo Hindi Ipaliwanag


1. Sinalanta ng bagyong Ambo
ang mga taniman ng palay sa
buong Luzon dahilan upang
kumonti ang ipinagbibiling bigas
sa mga palengke.
2. Dahil sa COVID-19 dumami
ang mga bumibili ng alcohol sa
mga supermarket at groceries
at mabilis ang pagkaubos ng
mga ito.
3. Lumaganap ang African
Swine Flu (ASF) sa rehiyon ng
Davao.
Suriin

Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan

Ang pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa ating bansa


hindi lamang sa usaping pulitikal, kundi maging sa usaping
pangkabuhayan. Ayon sa Artikulo II Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon
ng Pilipinas, ang pamahalaan ay may pangunahing tungkulin na
pangalagaan at paglingkuran ang sambayanan.
May tungkulin ang pamahalaan sa usaping pangkabuhayan sa
pamamagitan ng pakikialam sa pagtatakda ng presyo sa pamilihan.
Maaaring magpatupad ng iba’t ibang hakbang ang pamahalaan upang
magkaroon ng matatag na presyo sa pamilihan. Ang mga hakbang na
ito ang magbibigay ng proteksyon sa mga mamimili at siyang
magbabantay sa presyo na maaaring ipatupad ng prodyuser sa
pamilihan.
7
Ang graph sa ibaba ay nagpapakita ng halimbawa ng price ceiling at
price floor.
Ayon sa graph, Php20 ang
ekwilibriyong presyo. Ngunit,
ang presyong ito ay maaaring
mataas sa tingin ng mga
konsyumer. Dahil dito, ang
pamahalaan ay makikialam sa
pamamagitan ng pagpapataw
ng Php15 bilang price ceiling
ng mga prodyuser. Dahil ang
presyong Php15 ay higit na
mas mababa kaysa sa
ekwilibriyong presyo na Php20,
inaasahang magdudulot ito ng
pagtaas ng quantity demanded
na umabot sa 90 na dami. Mas
mahihikayat ang mamimimili na
bumili ng mga produkto at
serbisyo kung mababa ang
Batay sa graph, ang umiiral na presyo sa pamilihan
ekwilibriyong presyo na Php25 kumpara sa ekwilibriyong
ay mas mababa sa itinalagang presyo na Php20 sa 60 lamang
price floor na Php50. na kabuuang dami.
Magdudulot ito ng pagtaas ng
quantity supplied at
magbubunga ng kalabisan
(surplus) sa pamilihan. Higit na
mas marami ang supply sa
isandaan (100) kung ihahambing
sa dami na dalawampu (20) na
quantity demanded. Kapag may
kalabisan, maaaring bumaba
ang presyo at dami ng supply
patungo sa ekwilibriyong presyo.
Subalit dahil may pinaiiral na
price floor, hindi maaaring ibaba
ang presyo dahil ito ang itinakda
ng batas. Dahil dito, malinaw na
ang price floor ay nagdudulot ng
kalabisan (surplus) sa pamilihan
8

Pagyamanin

Sitwasyon Mo, Solusyon Ko!


Pag-aralan ang mga sumusunod na sitwasyon. Batay sa iyong napag-
aralan sa araling ito, magbigay ng solusyon sa mga suliranin o isyung
ipinahahayag sa bawat aytem. Isulat ito sa activity notebook.

1. Hindi lahat ng mamamayan sa bansa ay may opportunidad na makapasok


sa mga pribadong kolehiyo at unibersidad para sa magandang kalidad na
edukasyon. Ano ang solusyong maaaring gawin ng pamahalaan upang
tugunan ang suliraning ito?

2. Napag-aralan ng PAGASA na may malakas na bagyo na napipintong


tatama sa bansa sa loob ng dalawang linggo. Ano ang maaaring gawin ng
DTI upang matugunan sa suliraning ito?

3. Habang nasa grocery, napansin ni Leo na malaki ang agwat ng


pagkakaiba ng mga presyo ng iba’t ibang brand ng isang sachet na
powdered orange juice. Ang isa ay may presyong PhP25, ang isa ay
nagkakahalaga ng PhP40, samantalang ang isa ay Php11 lamang.
Ipinagbibigay alam ni Leo sa DTI ang isyung ito. Ano ang maaaring gawin
ng ahensiya upang matugunan ang suliranin sa pagpepresyo ng produkto?

4. Nalulugi ang mga magsasaka sa presyo ng ipinagbibili nilang palay. Kapag


ito ay nagpatuloy hindi na sila magtatanim. Ano ang maaaring gawin ng
pamahalaan upang matugunan ang suliraning ito?

5. Patuloy ang pagpasok ng mga imported na karneng baka sa pamilihan na


nakikipagkompetensya sa lokal na mga negosyante. Ano ang solusyon na
maaaring gawin ng pamahalaan upang matugunan ang problemang ito?
9

Isaisip

Graph Ko, Suriin Mo!

Pag-aralan ang graph na nagpapakita ng ceiling price at price floor.


Sagutin ang mga tanong sa ibaba ng graph.

1. Ano ang ekwilibriyong presyo ng bigas? ___________________


2. Ano ang ekwilibriyong dami ng bigas? ___________________
3. Ano ang itinakda ng pamahalaan bilang ceiling price sa bigas?
___________________

1. Ano ang ekwilibriyong presyo ng alcohol? _______________________


2. Ano ang ekwilibriyong dami ng alcohol? ________________________
3. Ano ang itinakda ng pamahalaan bilang floor price sa alcohol? ______
10
Isagawa

Islogan – Gawa!

Gumawa ng SLOGAN na may pito (7) hanggang sampung (10) salita


na nagpapahayag ng kahalagahan ng papel na ginagampanan ng
pamahalaan sa pamilihan lalo na sa pagtatakda ng presyo. Gawing batayan
ang kraytirya sa ibaba sa gagawing slogan. Ilagay ito sa short bond paper o
activity notebook.

KRAYTIRYA PARA SA PAGGAWA NG ISLOGAN


1. Kaangkupan sa Paksa …………………………….. 40%
 Ang islogan na ginawa ay naaayon sa paksa.
2. Orihinalidad …………………………………………. 40%
 Ang islogan ay nagpapakita ng abilidad na maging iba at malikhain
3. Kalinisan at Kaayusan ng Islogan ………………… 20%
 Ang presentasyon ng islogan sa kabuuan ay malinis at maayos
Kabuuan …………………………………………… 100%
11
Buod

Natalakay sa modyul na ito ang konsepto ng ugnayan ng pamilihan at


pamahalaan. Batay sa mga inihandang gawain at pagsusuri, nabigyang linaw
ang mga sumusunod:

 Ang pamahalaan ay mahalagang institusyon sa pagsasaayos ng


pamilihan at kabuuan ng ekonomiya.
 Ang pribadong sector o ang mga prodyuser ay may
partisipasyon sa pagpapatakbo ng ekonomiya.
 Sa panahon ng krisis pang-ekonomiya, tulad ng pagtaas ng
pagkalahatang presyo ng mga pangunahing pangangailangan,
maaaring makialam o manghimasok ang pamahalaan upang
maisaayos ang pamilihan at kabuuang ekonomiya.
 Price Ceiling ay kilala rin sa katawagan bilang maximum price
policy.
 Price Floor ay kilala rin bilang price support at minimum price
policy.
 Tatlong pamaraan ng panghihimasok ng pamahalaan sa
pamilihan: pagtatakda ng buwis; pagkontrol ng presyo ng mga
produkto at serbisyo; at pagbibigay ng subsidy.
12

Tayahin

Basahing mabuti ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa lugar kung saan nagtatagpo ang mga nagbibili at
mamimili at nagkakaroon ng palitan ng produkto sa pamamagitan ng
itinakdang presyo?
A. Granex B. Pilmico C. One Republic D. Pamilihan

2. Aling ahensya ng pamahalaan ang may tungkuling palawigin ang sistema


ng kalakalan at industriya ng bansa?
A. BFAD B. BIR C. DTI D. DOLE

3. Ang aklat na “Principles of Economics” na nagsasaad na bagamat ang


pamilihan ay isang organisadong sistemang pang-ekonomiya mayroong
mga panahon na nahaharap ito sa pagkabigo o market failure. Sino ang
may akda nito?
A. Adam Smith B. Gunnar Myrdal
C. Karl Marx D. Nicholas Gregory Mankiw

4. Ang pamahalaan ay nanghihimasok sa mga mapang-abusong gawain ng


mga negosyante sa pamamagitan ng pagtatakda ng pinakamataas na
presyo ng mga produkto at serbisyo. Ano ang tawag sa patakarang ito?
A. Price Clearing B. Price Ceiling
C. Price Support D. Price Floor

5. Alin sa mga sumusunod na patakaran ng pamahalaan ang nagtatakda ng


mababang presyo ng mga produkto at serbiyo?
A. Equilibrium price B. Price floor
C. Surplus D. Price Ceiling

6. Alin sa sumusunod ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan?


A. Pagtaas sa sahod ng mga manggagawa
B. Paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan
C. Pag-imbita ng mga banyaga ng mangangalakal sa bansa
D. Paggawa ng mga industriya na magbibigay hanapbuhay sa mga tao

7. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng


presyo sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag nito?
A. Pagtatakda ng price ceiling at price floor upang magkaroon ng
gabay sa presyo ng bilihin.
B. Paghuli sa mga illegal vendors na nagkalat sa paligid
13
C. Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga ng karapatan ng mga
konsyumer
D. Paghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang
Negosyo

8. Ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang pamahalaan ay may


pangunahing tungkulin na pangalagaan at paglingkuran ang sambayan.
Ang pagsasaad na ito ay masisilayan at pinapabulaan ng:
A. Artikulo V Seksyon 8 B. RA 3565
C. Artikulo II Seksyon 4 D. PD 1872

9. Paano nanghihimasok ang pamahalaan sa kita ng mga negosyante?


A. Pagkontrol ng presyo B. Pagbibigay ng subsidy
C. Pagtatakda ng buwis D. Pagbibigay ng mataas na sweldo

10. Bakit kailangan ng ating pamahalaan na tulungan ang mga maliliit na


negosyante?
A. Upang magbigay ng subsidy
B. Upang kontrolin ang presyo ng mga produkto at serbisyo
C. Upang magtakda ng buwis
D. Upang magpatupad ng price ceiling at price floor

14
Susi sa Pagwawasto

Subukin/Tayahin

1. D
2. C
3. D
4. B
5. B
6. B
7. A
8. C
9. C
10. A

15
Mga Sanggunian:

Kagawan ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas. Ekonomiks, Araling


Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, Pasig City:
Vibal Group, Inc.,2015.

Jesus B. Remiter Jr. et al., Global Times Living Histroy, Ekonomiks, Quezon
City: Sibs Publishing House, Inc., 2017.

Website
https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-13-pamilihan-at-
pamahalaan
May 26, 2020

https://brainly.ph/question/502323
May 26, 2020

https://brainly.ph/question/2357353
May 26, 2020

16
For inquiries and feedback, please write or call:

DepEd Division of Iligan City


Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

You might also like