Esp1 Q2 Week3 Glak

You might also like

You are on page 1of 18

1

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagiging Magalang
Ikalawang Markahan – Ikatlong Linggo

1|P ahi na
Edukasyon sa Pagpapakato –-Unang Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagiging Magalang
Ikalawang Markahan – Ikatlong Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang
anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Ellynzel M. Morado


Editor / Tagasuri: Marcelinda M. Marpa
Tagaguhit / Tagalapat: Margie E. Fuertes
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Lani A. Miraflor EdD
Ronald Ryan L. Sison
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pagiging Magalang

Panimula
Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang paghalik
sa kamay o pisngi at pagmamano sa matatanda. Isang paraan ito ng
paggalang. Karaniwang ginagawa ito ng mga bata matapos magdasal,
pagkagaling sa simbahan, bago umalis ng bahay, kapag may
dumadating o bumibisitang kamag-anak o matanda, at kapag nakita at
nasalubong nila ang kanilang ninong at ninang. Ipinakikita rin ang
paggalang ng mga batang Pilipino tuwing nakikipag-usap sila sa
matatanda. Gumagamit sila ng “po” at “opo” at magalang na
pananalita at pagbati gaya ng “salamat po”, “magandang hapon po”,
“patawad po”, at “makikiraan po” iyan ang mga kaugalian na
kinagigiliwan sa ating mga Pilipino.

Kasanayang Pampagkatuto
Nakapagpapakita ng paggalang sa pamilya at sa kapwa sa
pamamagitan ng: pagmamano/paghalik sa nakatatanda, bilang
pagbati, pakikinig habang may nagsasalita, pagsagot ng “po” at “opo”,
paggamit ng salitang “pakiusap” at “salamat” (EsPIP-lle-f-4).

1|P ahi na
Mga Layunin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


1. makatutukoy ng mga pamamaraan ng pagpapakita ng paggalang
sa pamilya at kapuwa.
2. makagagamit ng mga salitang nagpapakita ng paggalang tulad ng
po at opo at iba pa.
3. makikipag-usap ng magalang sa mga miyembro ng pamilya at sa
kapuwa sa lahat ng pagkakataon.

Balik Aral
Panuto: Isulat sa loob ng lobo ang mga pamamaraan na nagpapakita
ng pagmamahal mo sa iyong pamilya o kapuwa.

2|P ahina
Pagtalakay sa Paksa

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon.

Araw ng Sabado, magkasamang nanood ng telebisyon ang


magkapatid na Mary at Faye. Marami silang napanood. Ano – ano
kaya ang mga ito?

3|P ahi na
bata na bumabati
sa kapwa bata

bata na nagmamano
sa Lola

bata na nakikinig
habang may nagsasalita.

Bata na nagsasabi ng
“po at opo”

4|P ahina
Bata na nagpapasalamat
sa kanyang guro.

Isulat ang sagot sa sumusunod na mga tanong:

1. Tungkol saan ang napanood ng magkapatid?


2. Kung ikaw ang tauhan sa mga palabas sa telebisyon, gagawin mo
rin ba ang ginawa ng mga bata? Bakit?
3. Ano kaya ang mararamdaman mo kung ikaw ang nanonood ng
mga ganoong palabas sa telebisyon?
4. Ano ang magagandang ugali na ipinakita ng mga palabas sa
telebisyon?
5. Sa paanong paraan pa natin maipakikita ang paggalang sa iba?

Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:


Iguhit ang sa patlang kung ito ay nagpapakita ng paggalang
sa mga taong nasa iyong paligid.

____________ 1. Magmano sa magulang at sa matatanda.

5|P ahi na
____________ 2. Itulak ang mga mag-aaral kapag sila ay nasa aking
daraanan.

____________ 3. Gumamit ng magagalang na salita gaya ng po at opo.

____________ 4. Huwag sumunod sa mga tuntuning ibinigay sa akin


ng matatanda.

____________ 5. Makinig sa mga guro kapag sila ay nagpapaliwanag


ng aralin.

Pinatnubayang Pagsasanay 2

Panuto: Isulat sa patlang kung paano mo maipapakita ang paggalang


sa mga tao na nasa larawan.

1. Igagalang ko ang mga matatanda sa


pamamagitan ng
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_________________________________.

2. Igagalang ko ang kapuwa ko mag – aaral sa


pamamagitan ng
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_________________________________.
6|P ahina
3. Igagalang ko ang aking mga magulang sa
pamamagitan ng
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
________________________________.

4. Igagalang ko ang aking guro sa pamamagitan


ng
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
________________________________.

5. Igagalang ko ang nagsasalita sa harapan sa


pamamagitan ng
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
________________________________.

7|P ahi na
Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Gawin ang mga sumusunod na pagsasanay:
Isulat sa speech balloons ang mga magagalang na salita na
ginamit sa aralin.

1.

2.

3.

8|P ahina
4.

5.

Pagsusulit

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Ano ang magalang


na pananalitang angkop gamitin sa bawat sitwasyon. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.

1. Papasok ka sa paaralan. Binigyan ka ng baon ng nanay at tatay mo.


Ano ang sasabihin mo sa kanila?
a. Maraming salamat po.
b. Aalis na ako.
c. Padagdag ng baon ko.

9|P ahi na
2. Nag-uusap sa may pintuan ang iyong guro at punong guro. Gusto
mong pumasok sa loob ng inyong silid-aralan. Ano ang sasabihin mo?
a. Makikiraan po.
b. Dadaan ako.
c. Istorbo! naman, sa daan pa nag-uusap.

3. Nagmamadali ka sa pagtakbo papuntang silid-aklatan. Hindi mo


sinasadyang nabunggo ang iyong kamag-aral. Ano ang gagawin mo?
a. Ngingitian ko lng siya.
b. Titingnan ko kung magagalit siya.
c. Sasabihin ko na patawad at hindi ko sinasadya.

4. Nang dumating ka ng bahay, may kausap ang iyong nanay. May


mahalaga kang sasabihin sa kaniya. Ano ang gagawin mo?
a. Aalis na lang ako.
b. Sisingit na lamang sa kanilang pag-uusap.
c. Hihintayin na matapos ang kanilang pag-uusap.

5. Naglalakad ka patungo sa kantina ng paaralan. Nakasalubong mo


ang punong guro. Ano ang gagawin mo?
a. Patuloy lang ako sa paglalakad.
b. Ngingitian ko lang ang aming punong guro.
c. Bahagyang yuyuko at sasabihing “Magandang araw po.”

10 | P a h i n a
Pangwakas

Panuto: Hanapin ang nawawalang salita sa loob ng kahon sa ibaba


upang mabuo ang pangako, Isulat ang sagot sa patlang.

Pangako

Simula ngayon ako ay magiging ___________________ na bata.


Igagalang ko ang aking kapuwa sa lahat ng oras. Sa tuwing ako’y
sasagot, hindi ko kalilimutan ang salitang “___________________” at
“ ______________________”.

Sasabihin ko rin ang salitang “__________________” kapag ako’y


nakagawa ng kasalanan sa aking kapuwa.

Magsasabi rin ako ng “________________” kapag nakakatanggap


ako ng biyaya o regalo.

magalang po opo

patawad salamat

11 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral


Tagalog, Pasig City, Philippines; Department of Education, 2017

Edukasyon sa Pagpapakatao Tungo sa Magandang Kinabukasan,


Sampaloc City, Philippines, St. Augustine Publication, Inc.,2018

Pagpapahalaga sa Pang-araw-araw na Pamumuhay 1, Makati City


Philippines, Don Bosco Press, Inc.,2014

12 | P a h i n a
13 | P a h i n a
Balik-aral: ( halimbawa ng maaring isagot Pang-isahang Pagsasanay:
ng bata )
Tumutulong sa gawaing bahay Pagsasabi ng “po” at “opo”
Nag-aaral ng mabuti Pagmamano o paghalik sa kamay
Nag-aalaga ng nakababatang kapatid Pagsasabi ng “Salamat po”
Sumusunod sa utos ng magulang at iba pa Pagsasabi ng “Magandang araw po”
Pakikinig kapag may nagsasalita
Pagtalakay:
1. paggalang sa matatanda o kapwa
Pagsusulit:
2. Oo! upang maging mabuting bata
1. a
3. masaya
2. a
4.pagmamano,pagbati,pagsasabi ng po at
3. c
opo,pakikinig kapag may nagsasalita
4. a
5. pagsasabi ng po at opo at iba pa
5. c
Pagsasanay 1: ( halimbawa ng maaring
isagot ng bata )
Pangwakas:
1. pagmamano/ paghalik sa kamay
magalang
2. pakikinig / pagbati
po at opo
3. pakikinig at pagsunod sa magulang
patawad
4. pakikinig at pagsunod sa magulang
salamat
5. pakikinig at pagsunod sa magulang
Pagsasanay 2:
1.
2.
3.
4.
5.
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat

Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng


Zambales ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na
nakapag-ambag ng tagumpay para sa paghahanda, pag-unlad,
pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng Ikalawang
Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay
sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa
mga pagsasanay na nakabatay sa mga pamantayan ng
pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:

Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng


mga manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at
kakayahan upang makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang
pampagkatuto.

Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring


pangwika, at mga tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at
bumuo sa lahat ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang
Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at katugunan sa mga
pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;

Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang


patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang
gugugulin

sa paglilimbag ng mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng


mga magulang at mag-aaral sa tahanan.

14 | P a h i n a
Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat
asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga
punongguro, sa kanilang lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng
mga Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa
kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad ng mag-aaral sa lahat
ng paraan; at

Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang


tagapagdaloy sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang
patnubay at gabay upang maisagawa ang mga gawain at upang
patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral na maging
responsableng indibiduwal sa hinaharap.

Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa


mapanghamong panahon ay lubos na makamit ang sama-samang
pagpupunyagi at matibay na malasakit na pagsilbihan ang ating mag-
aaral na Zambaleño.

Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like