You are on page 1of 16

‍Ang Hiwaga ng Bagong Pangalan--🤗🤗✅More Focus ha....

🙋🙋🙋‍️🙋‍️🔔 🔔
‍ ♂
️‍♀️‍♀️
🔔🔔

💞💞🤗Mga kapatid, alam natin na ang gawain ng Diyos ay may prinsipyo: palaging bago at hindi
kailanman naluluma. Tulad ng sinabi ng Diyos dati: 📖👉 Narito, ako'y gagawa ng bagong bagay; ngayon
yao'y lalabas; hindi baga ninyo malalaman yaon? gagawa rin ako ng daan sa lupang masukal, at mga ilog
sa ilang”. (Isaias 43:19)

Yamang ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman naluluma, ang Kanyang pangalan ba ay
mananatiling Jesus ulit? Alamin natin ito.💞💞

📙Sa Lumang Tipan- OLD TESTAMENT tinawag Siyang - JEHOVAH o ’’-YAHWEH

📙Sa Bagong Tipan- NEW TESTAMENT tinawag Siyang JESUS CHRIST’-MESIYAS- o EMMANUEL

📙Sa Pahayag ngayong huling araw, -Sa Bagong Aklat na binuksan, nalantad din ang hiwaga ng Kanyang
bagong Pangalan.

Ipinahayag na ng Diyos ang mga hiwaga ng Kanyang gawain.

:😊🗣🗣📖Ngayon Huling araw ang Diyos ay nagbalik na muli , Sa palagay ba ninyo ay magkakaroon siya
ng bagong Pangalan??🤔🤔🤔

A. Hindi na siya magkaroon ng bagong pangalan

B. Magkakaroon parin Siya ng bagong pangalan ngayong huling araw.

💞💞🤗Wow dahil iba iba ang inyong mga kasagutan, ngayon patutunayan ko sa inyo sa pamamagitan ng
mga propesiya😃😃✅

📙 ALAMIN NATIN ANG PROPESIYA NG BAGONG PANGALAN NG DIYOS..

😃 📖Ang nagtatagumpay ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Diyos; at hindi na siya lalabas
mula roon. Isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng lungsod ng aking
Diyos, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit ng aking Diyos, at isusulat ko sa kanya ang
Aking sariling bagong pangalan.(Pahayag 3:12)

Pahayag 2:17 "Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya. Ang magtagumpay
ay bibigyan ko ng nakatagong mana, at siya'y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa ibabaw ng bato
ay may nakasulat na isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi ang tumatanggap.

👉Tulad ng pagkakaalam nating lahat, ang Aklat ng Pahayag ay aklat ng mga propesiya, at “ang Aking
bagong pangalan” ay malinaw na tumutukoy sa Panginoon na magkakaroon ng bagong pangalan sa
Kanyang pagbabalik, at yamang Siya ay magkakaroon ng bagong pangalan, Siya ay hindi na maaaring
tawaging “Jesus” ulit , Sinabi ng Diyos na ngayong huling araw may bago ulit siyang Pangalan na
gagamitin batay sa kanyang gawain na pagliligtas ngayong huling araw..
📖At isusulat ko sa kanya ang Aking sariling bagong pangalan.(Pahayag 3:12)

📖At sa ibabaw ng bato ay may nakasulat na isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi ang
tumatanggap.Pahayag 2:17

🤗🤔🤔🤔❓Mula sa Mga Propesiya ng Diyos Malinaw na ba na magkakaroon ng bagong Pangalan ang


Diyos??

A. Oo Malinaw na magkakaroon ng bagong pangalan.

B. Hindi ako kumbinsado na may bagong pangalan.

C. Nalito ako.

🥳🥳Salamat Sa Diyos, ngayon Alamin natin kung Ano ang bagong Pangalan ng Diyos 💟💟😃Ang Diyos ay
nagbalik na, at ibinunyag Niya ang misteryo sa pangalan ng Diyos, basahin po natin ang mga salita ng
Diyos at alamin ang Kanyang bagong pangalan. 🙂😃


‍ ‍♀
️ ️🙋‍🙋
️ 🙋‍Ang
‍♀
️ ️ PANGALAN NG DIYOS ay natatanging pangalan na walang sino mang maaring GUMAMIT
nito, Excited na ba kayo ano ang kanyang bagong pangalan sa pagbabalik ngayon❓🤗🤗😍😍😍

📕 (Pahayag 1:8) Ako ang Alpha at ang Omega,” ang sabi ng Panginoong Diyos, na siyang kasalukuyan,
nakaraan at siyang darating, ang Makapangyarihan sa lahat.

📕(Pahayag 11:17) Wika nila, “Salamat po, Panginoon naming Diyos na Makapangyarihan sa lahat, na
siyang ngayon, at noon, sapagkat tinaglay mo ang iyong dakilang kapangyarihan at nagsimula nang
maghari.

💟Malinaw na Binanggit sa Mga Propesiya ang Makapangyarihan sa lahat ang Kanyang Pangalan na
gagamitin, kaya nga ‘Makapangyarihang Diyos”.

👨‍🏫💗💗👉 **“Kapag ang panghuling kapanahunan—ang kapanahunan ng mga huling araw—ay


dumating, ang Aking pangalan ay magbabagong muli. Hindi na Ako tatawaging Jehova, o Jesus, higit
na hindi Mesias, ngunit tatawaging ang Makapangyarihang Diyos Mismo, at sa ilalim ng pangalang ito,
dadalhin Ko ang buong kapanahunan sa isang katapusan..Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang
Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa lahat ng sangkatauhan, at para sa tao Ako ay ang minsan ng
alay sa kasalanan, subalit sa mga huling araw Ako rin ay magiging mga ningas ng araw na susunog sa
lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng pagkamatuwid na magbubunyag sa lahat ng bagay. Ganoon ang
Aking gawain sa mga huling araw.."**💗💗

💟💟🤗READ CAREFULLY , 👆👆May Katanungan Ako.. Kung Ano na ang Kanyang bagong Pangalan..?
🤗🤗😍

😊😊✍️✍️☺️Mula sa Salita ng Diyos, sino na daw Siya ngayon sa Kanyang pagdating? Tatawagin pa rin
ba siya na Jesus? Ano na ang kanyang bagong Pangalan.??🤔🤔🤔

🧐🕵Hanapin natin mga kapatid at e type.___ go go go 😊😊🥰


🤗🤗Wow Amen may nakapag Answer na po, How about the others mga mahal na kapatid. 🤗🤗

💟💟 Ang Sagot dito ay gagamitin na niya ang pangalan na (“MAKAPANGYARIHANG DIYOS” ) At sa


paggamit niya sa pangalan na ito ay tatapusin niya ang buong kapanahunan...

Sa pagdating ng huling kapanahunan, muling magbabago ang Kanyang pangalan. Di na Siya tatawaging
Jehova, Jesus o Mesias. Kundi *("Makapangyarihang Diyos")** at sa pangalang ito ay tatapusin Niya
ang kapanahunan. Makikita sa mga huling araw na nagbalik na ang Tagapagligtas na Diyos. Ang
Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan.

💟💟 **"Sa mga huling araw, nagbalik ang Diyos sa laman para ipahayag ang Kanyang salita at gawin
ang Kanyang gawain sa mga tao. Dumating Siya sa pagkakataong ito bilang ang Makapangyarihang
Diyos na nagkatawang-tao. Sa Kanyang panlabas na anyo, ang Makapangyarihang Diyos ay tila gaya
ng isang karaniwang tao, praktikal na namumuhay kasama ng mga tao, kapiling nila, at nakikibahagi
sa kanilang buhay. Ipinapahayag Niya ang katotohanan ayon sa mga pangangailangan ng tao at
ginagawa ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos.”* 💟

👨‍🏫👉 Mga kapatid, Ang Makapangyarihang Diyos ay nagbalik, personal na binunyag ang misteryo,
maaari nating tingnan ang Pahayag at alamin na ang pangalan ng nagbalik na Panginoong Jesus ay
Makapangyarihang Diyos! Sa katunayan ang misteryong ito ay naitala sa Pahayag, ngunit wala ni isa ang
nakatuklas nito. Ito ay nalaman lamang nang ang Diyos ay nagbalik at ibinunyag ito.

👨‍🏫👉 Mga kapatid, bakit pinalitan ng Diyos ang kanyang pangalan?

Ito ay isang tanong na marami sa mga ekspositor sa Bibliya, mangangaral, at mga relihiyosong teologo ay
hindi kayang ipaliwanag ng malinaw. Ngunit ang mga misteryo ng usaping ito ay nabunyag ng mga
katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos..

😃 💟 *"Sa bawat panahon na personal na isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, gumagamit Siya
ng pangalan na naaangkop sa panahon upang lagumin ang gawain na Kanyang isinasagawa. Ginagamit
Niya ang tukoy na pangalang ito, ang isang nagtataglay ng kahalagahan sa panahon, upang
kumatawan sa Kanyang disposisyon sa panahong iyon. Ginagamit ng Diyos ang wika ng tao upang
maipahayag ang Kanyang sariling disposisyon."*

"At kaya, Sa bawat pagkakataon na dumarating ang Diyos, Siya ay tinatawag sa iisang pangalan,
kinakatawan Niya ang isang kapanahunan, at Siya ay nagbubukas ng bagong daan; at sa bawat bagong
daan, Siya ay gumagamit ng bagong pangalan, na nagpapakita na ang Diyos ay laging bago at di-
kailanman luma, at ang Kanyang gawain ay patuloy na umuunlad pasulong."* 💟

👨‍🏫👉 Mula sa sipi ng mga salitang ito, makikita natin na ang pangalang ginamit ng Diyos sa bawat
kapanahunan ay pinagpasyahan ayon sa gawain na isinagawa ng Diyos at sa Kanyang disposisyon na
naihayag sa isang tiyak na kapanahunan. Bawat kapanahunan ay nagkakaroon Siya ng isang pangalan na
nagtataglay ng kanyang Disposisyon. Mula sa panahon ng kautusan , sa biyaya at hanggang ngayong
huling kapanahunan.
❓🤔🤔Mula sa mga Salita ng Diyos, mayroon Akong katanungan, 🤗🤗

🤔🤔Bakit nagbabago ang Pangalan ng ating Diyos, eh alam naman natin na iisang Diyos lang Siya bakit
nagbabago ang Kanyang Pangalan.🤔❓❓

A. Dahil nais niya itong baguhin para mamangha ang mga tao

B. Binago ng Diyos ang Kanyang pangalan Dahil ito ang kanyang kalooban.

C. Binago ng Diyos ang Kanyang pangalan, Dahil sa kanyang gawain at nagbabago ang kapanahunan.

Ang tamang Sagot ay letter C Binago ng Diyos ang Kanyang pangalan, Dahil sa kanyang gawain at
nagbabago ang kapanahunan.

📗📗Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Dapat mong malaman na ang Diyos sa simula ay walang
pangalan. Gumamit lang Siya ng isa o dalawa, o maraming pangalan dahil mayroon Siyang gawaing
kailangang isagawa at kailangan Niyang pamahalaan ang sangkatauhan. Anumang pangalan ang
itinatawag sa Kanya, hindi ba’t ito ay Kanyang pinili nang malaya?”Sipi mula sa “Ang Pangitain ng
Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

👉👉Ang Diyos ay orihinal na walang pangalan at nagsimulang gumamit ng pangalan para sa kapakanan
ng Kanyang gawain para iligtas ang sangkatauhan:

📖Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang Kanyang Pangalan ay Jehova, at gumawa siya ng mga batas upang
gabayan ang buhay ng tao sa mundo.

📖Sa Kapanahunan ng Biyaya, dalawang libong taon ang nakalipas, Siya, gumamit ng Pangalang Jesus,
pumarito sa mundo para sa Kanyang gawain ng pagliligtas at tubusin ang buong sangkatauhan sa
pamamagitan ng pagpapapaku sa krus and ipinopropesiya na Siya ay babalik muli sa mga huling araw.

📕Ngayon, Siya ay nagbalik muli sa mundo. Ang Kanyang pangalan ay ang Makapangyarihang Diyos, na
Siyang nagbalik na Jesus.

💟💟Jehova«==»Jesus«==»Makapangyarihang Diyos

👆👆ngunit ang lahat ay iisang Diyos at iisang Espiritu.

Sabi ng Diyos, ""Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, na sumasaklaw ng anim na libong taon,
ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: una, ang Kapanahunan ng Kautusan; ikalawa,
ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at panghuli, ang
Kapanahunan ng Kaharian."*

👨‍🏫👉Kung hindi ninyo makita ang larawan,ayos lang. Maaari nating basahin ang nilalaman dito 😊

Nilalaman ng larawan:💟🥳🥳

✅Ang Kapanahunan ng Kautusan✅


👨‍🏫👉Pangan: Jehovah (Exo 3:15)

👨‍🏫👉Panahon: Kumatawan sa Kapanahunan ng Kautusan

👨‍🏫👉Gawain: Gumawa ng Kautusan(Pamunuan ang Buhay ng tao)

👨‍🏫👉Resulta: Ipabatid sa Tao ang Kanyang mga Kasalanan (Romans 3:20)

👨‍🏫👉Disposisyon: Sumpa Nag-aalab Awa

✅Ang Kapanahunan ng Biyaya✅

👨‍🏫👉Pangalan: Jesus (Jesus) (Matt. 1:21)

👨‍🏫👉Panahon: Kumatawan sa Kapanahunan ng Biyaya

👨‍🏫👉Gawain: Pagpapako sa krus (Tubusin ang kasalanan ng tao)

👨‍🏫👉Resulta: Patawarin ang Kasalanan ng Tao (Mt 26:28)

👨‍🏫👉Disposisyon: Mapagkandiling-pagmamahal, Awa, Pagtitiis,Pagpapatawad

✅Ang Kapanahunan ng Kaharian✅

👨‍🏫👉Pangalan: (Makapangyarihang Diyos)

👨‍🏫👉Panahon: Kumatawan sa Kapanahunan ng Kaharian

👨‍🏫👉Gawain: Paghatol gamit ang bagong salita ng Diyos (Dalisayin ang Tao)

👨‍🏫👉Resulta: Alisin ang mga Kasalanan ng Tao (Rev 19: 8

👨‍🏫👉Disposisyon: Katuwiran,Kabanalan, ,Kamahalan at Poot

👨‍🏫👨‍🏫 EXAMPLE:

Si MAYOR Rodrigo Duterte sa DAVAO"

Bago siya naging Presidente Siya muna ay naging ATTY. Pagkatapos niyang maging ATTY. Naging Mayor
po siya ng DAVAO. Kaya tinatawag Siyang MAYOR.. pagkatapos niyang maging MAYOR siya tumakbo at
naging PRESIDENTE. kaya tinawag na Siyang Presidente ng mga tao..

Kahit na tinawag siyang Attorney- MAYOR at PRESIDENTE= Siya ay iisang Tao parin.

✅Lumang Tipan- 📙 Old Testament-Jehovah Panahon ng kautusan = “Ipinaalam ang pagkakasala


nagbigay ng batas”

✅Bagong Tipan-📙 New Testament-Jesus Panahon ng Biyaya pagtubos.= “Pagpapatawad sa Kasalanan”


✅Bagong Aklat na Bubuksan 📙 -Ikalawang pagdating ni Cristo Ikalawang pagdating ni Cristo.
Makapangyarihang Diyos = “Pagtanggal at pag-alis sa Ugat ng Kasalanan” sa gawaing paghatol gamit
ang bagong Salita.

💟💟👉Sa Kapanahunan ng Kaharian ano ang pangalan ng Diyos? Ito ay Makapangyarihang Diyos. Bakit
tayo kailangang maniwala sa Makapangyarihang Diyos? Dahil ang Makapangyarihang Diyos ang tanging
tunay na Diyos, na Siyang lumikha ng kalangitan at lupa at lahat ng bagay. Siya ang paghahayag ni Cristo
sa mga huling araw. Masasabi natin na Siya ang Lumikha na nasa anyo ng tao na dumating sa mundo ng
tao upang magpahayag ng katotohanan at gawin ang Kanyang gawaing pagliligtas sa sangkatauhan.

"Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan. Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa


lahat." (Psalms 91:1)

💟👉Tanging sa pagtanggap sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, sa pagsunod sa mga hakbang ng


gawain ng Diyos, at pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos, maaaring
maunawaan at makamit ng mga tao ang katotohanan, humiwalay sa kasalanan, mapadalisay, at
matanggap ang pagliligtas ng Diyos.

❓🤔🤔Kapag tinanggap ba natin Ang Makapangyarihang Diyos ibig sabihin ba tinalikuran ba natin si
Panginoong Jesus ??

A. Oo syempre tinalikuran.

B. Hindi kasi iisa lang sila nagbago lang ang pangalan.

C. Hindi ko alam.

💚🤗Yes Amen..... tama po Kasi iisa lang din naman po ang Ating Diyos kaya po ,hindi natin siya
tinalikuran , kundi sumunod tayo sa Kanyang gawain😍😍

👨‍🏫👉 Ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos ay ang natatanging pangalan na maaaring umasa ang
mga tao upang makamit ang kaligtasan, sa pangalang ito nagpapakita ang Diyos sa mga huling araw, at
ito ang pangalang maaaring asahan ng mga tao upang makapasok sa kaharian at ang gabay sa pagpasok
sa kaharian, at sa mga tarangkahan ng kaharian. Lahat ng mga ayaw tumanggap sa pangalan ng
Makapangyarihang Diyos at tumatanggi sa Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw ay walang
kakayahang palayain ang kanilang mga sarili mula sa gapos ng kasalanan, hindi sila kailanman
mapadalisay o maging kwalipikado na makapasok sa kaharian ng Diyos, at lahat ay mamamatay sa
sakuna..💟

Here the link of CROSSTALK for more clarification about God’s name

https://youtu.be/cNHG1tKLA3M

‍‍♂ ️‍♀
♂ ️‍♀ ️️🙋‍️🙋
NEXT POINT✅✅🙋‍
BANSA-----Kung
️ Saan isinilang ang Diyos ngayong huling araw.. ‍♀️ Sino pang
Present at Online ---hands up.
♀️️🖊📕Ikatlong Punto: Alamin ang Bansa kung saan ipinanganak ang Makapangyarihang Diyos.
MORE-FOCUS💞💞

👨‍🏫🗣👉 Mga kapatid, dahil nalaman na natin na ang Makapangyarihang Diyos ay bumalik na sa
mundo, napaisip din ba kayo kung aling bansa isinilang muli ang Diyos sa mga huling araw?💟🙏

👨‍🏫🗣👉Sa panahon ng biyaya nang unang nagkatawang tao ang Diyos bilang ang Panginoong Jesus,
lahat ng tao na naghihintay sa Mesiyas ay inaakala na ipapanganak sa mayaman na pamilya at
ipapanganak sa palasyo. Ngunit hindi nila namalayan na ang Diyos ay ipinanganak lamang sa sabsaban,
at ang mga ito ay lagpas sa expectation ng mga tao.💟🙏

💟💟Tulad ng sinabi sa, Juan 1:46 “Nazareth! Maaari bang magmula doon ang anumang mabuting
bagay? " Naisip nila na ang Mesiyas ay hindi lalaki sa Nazareth.

👨‍🏫🗣👉 Dapat nating malaman na ang Diyos ay Diyos magpakailanman, maaari Siyang pumili ng
anumang lugar upang magkatawang-tao (maging tao) alinsunod sa mga pangangailangan ng Kanyang
gawain. Kahit saan pa man isinilang ang Kanyang katawang-tao, Siya ay nabibilang sa buong mundo,
hindi sa iisang bansa. Kahit saan paman Siya isinilang, Kaya Niyang ipahayag ang katotohanan para
dalisayin tayo. Ang dapat nating gawin ay ang sumunod, maghanap at tumanggap. 😇😊

👨‍🏫🗣👉Sa katunayan, tungkol sa kung aling bansa ang pangalawang pagparito ng Panginoon ay
isinilang, may mga propesiya sa Bibliya.

Tingnan natin ang mga hula sa Bibliya.💟🙏

"Sapagka't mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking
pangalan sa mga Gentil…."(Malachi 1:11)

Mula sa bersikulo, makikita natin na ang Diyos na nagkatawang-tao ay isisilang sa isang gentil na bansa.
Ang Israel ay ang bansa kung saan ang mga piniling tao ng Diyos ay noon, at ngayon ay dadalhin ng Diyos
ang kanyang kaluwalhatian sa bansang gentil , kaya ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi isisilang sa
Israel, kundi panibagong bansa na naman.💟🙏

💟📙Mateo 24; 27 Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa


kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.

👉"Ang"kidlat" ay tumutukoy sa mga salita ng Diyos.

👉"Nanggagaling sa silangan" ay nangangahulugan na ito ay mula sa silangan, at "lumiliwanag maging sa


kanluran" ay tinutukoy na umabot ito sa Kanluran.

💟Mauunawaan natin na ang salita ng Diyos ay gaya ng dakilang kidlat na liliwanag mula sa silangan
hanggang kanluran, ito ay, ang mga salita ng Diyos ay lalaganap mula sa silangan hanggang sa kanluran.
✅🍂Una, Dito makikita natin na ang bansang sinilangan ng nagkatawang-taong Diyos ay matatagpuan sa
silangan ng mundo.

💟📙Magbabahagi po ako ng isa pang talata

Pahayag 12:9 *"At itinapon ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diyablo at
Satanas, ang mandaraya sa buong sanlibutan; siya'y itinapon sa lupa at ang kanyang mga anghel ay
itinapong kasama niya."*

🐲🐉🐉🐉Ang malaking pulang dragon ay si Satanas. At sa huling araw ay muling isinilang ang Diyos sa
bansa ng malaking pulan Dragon upang makipagdigmaan ni SAtanas.

👨‍🏫🗣👉 Ang bansang ito kung saan ang nagkatawang-taong Diyos ay isinilang ay napakadilim, ang
bansang ito ay sumasamba sa mga dragon, at inuusig ang Diyos at ang Kanyang mga mananampalataya
ng napakalupit, hindi nito pinahihintulutan ang pag-iral ng Diyos. Dapat nating malaman na ang
pagsamba sa dragon ay katulad din ng pagsamba kay Satanas. Kaya nang ang Diyos ay nagsagawa doon,
ang panggagambala ni Satanas ay napakalubha. Nakikipaglaban si Satanas sa Diyos.💟🙏

💟Ang Diyos ay muling isinilang sa bansang Hentil,

Ang hentil = Sila ay mga Hindi mananamapalataya’’ Halimbawa noon, kapag labas ka sa Bansang Judea o
Israel, ay tatawagin kang Hentil’’. Ang Pangalang Makapangyarihang Diyos ay magiging Dakila sa
Bansang Gentil ngayong huling araw , sa bansang Silangan na mayroong malaking Dragon.💟🙏

❓Mga Kapatid, alam niyo po ba kung aling bansang hentil ang sumasamba sa malaking pulang dragon
sa silangang bahagi ng mundo?

🤔❓Anong Bansa ang Ginagawang Diyos-diyosan ang Dragon sa bahaging silangan ng Mundo?? ❓

A. PHILIPPINES

B. KOREA

C. CHINA

D. JAPAN

😀💟👉Tama po Letter ( C ), Maraming Propesiya na ang Diyos ay magsisimula sa Bansang China, sa


kanyang gawain ngayong Huling araw. At ngayon ay tinupad na ng Diyos.

👨‍🏫🗣👉 Ang China ay isang ateistang hentil na bansa sa silangan na sumasamba sa Malaking Pulang
Dragon. Ang mga tsino ay tinatawag na mga “inapo ng dragon”. Kaya ang Makapangyarihang Diyos ay
isinilang sa China sa mga huling araw para gawin ang huling yugto ng Kanyang gawain.

👨‍🏫🗣👉 Mga kapatid nais niyo po bang malaman ang dahilan kung bakit pinili ng Diyos na
magkatawang tao sa China bilang lugar ng Kanyang pagsasagawa?
Yamang naniniwala po tayo sa Diyos, kailangan nating hanapin ang kalooban ng Diyos, kahit ano paman
ang gawain na isinasagawa ng Diyos, mayroong kalooban Niya sa loob nito.💟🙏

⚡👉1.Ang Diyos ang Tagapaglikha, kahit alin pa mang bansa Niya pinili na magsagawa, ito ay desisyon
ng Diyos. Hindi tayo maaring maging tagapayo Niya, at ang dapat nating gawin ay ang sumunod at
respetuhin ang desisyon ng Diyos.

⚡👉2.Ayon sa pangangailangan ng Kanyang gawain, pinili ng Diyos ang China, ang pinakatiwaling lugar,
upang magsagawa, at upang perpektuhin ang isang grupo ng mga mananagumpay na magiging modelo
para sa gawaing paghatol ng Diyos.💟🙏

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: *"Ang gawain ni Jehova ay ang paglikha sa mundo, ito ang simula;
ang yugto na ito ng gawain ay ang katapusan ng gawain, at ito ang konklusyon. Sa simula, isinagawa
ang gawain ng Diyos sa mga napiling tao sa Israel, at ito ang simula ng isang bagong panahon sa
pinakabanal sa lahat ng mga lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinasagawa sa mga pinakamarumi
sa lahat ng mga bansa, upang hatulan ang mundo at ihatid ang kapanahunan sa isang katapusan. Sa
unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling
yugto ay isinasagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay mapapaalis, ibibigay
ang liwanag, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao nitong pinakamarumi at
pinakamadilim sa lahat ng mga lugar ay nalupig na, at ang buong populasyon ay kinilalang mayroong
isang Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat isa ay lubusang nakumbinsi, gayon ang
katotohanang ito ay magagamit upang maisagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob.”*

👨‍🏫🗣👉 Dahil karamihan sa mga tsino ay hindi sumasamba sa Diyos, ang gobyerno ng Tsina ay inuusig
ang mga Kristiyano ng napaka seryoso. Kung isang grupo ng mga tao sa pinakamadilim na lugar ay
maaaring malinis at magiging mananagumpay, kung gayon ang mga tao sa ibang mga bansa ay mas
madaling madalisay.💟🙏

👨‍🏫🗣👉 Ang Tsina ay sumasamba sa Marsismo (pagpapahalaga sa materyal). Ang tanging namumuno
sa Tsina ay ang Chinese Communist Party, kilala bilang CCP. Ang ninuno ng CCP ay si Marx na tagasunod
ng satanismo. Ang satanismo ay isang masamang kulto, malinaw na sinasaad sa panggabay na
dokumento ng Manifesto ng Partido Komunista na “Binubuwag ng Komunismo ang walang hanggang
katotohanan, binubuwag ang lahat ng relihiyon, at lahat ng moralidad…”. Ang panrelihiyong patakaran
nito ay tanggalin ang lahat ng relihiyosong paniniwala, tanggalin ang lahat ng relihiyon ng lubusan.💟🙏

💟READ👉: Sabi ng Makapangyarihang Diyos **"Ngayon, ang Diyos ay bumalik sa mundo upang
gawin ang Kanyang gawain. Ang Kanyang unang hinintuan ay ang engrandeng pagtitipon ng mga
diktatoryal na namumuno: Tsina, ang matatag na balwarte ng ateismo. Nagkamit ang Diyos ng isang
grupo ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang karunungan at kapangyarihan. Sa panahong iyon, Siya
ay tinutugis ng namumunong partido ng Tsina sa lahat ng paraan at sumailalim sa matinding
pagdurusa, na walang lugar sa pamamahinga ng Kanyang ulo at hindi makahanap ng sisilungan.”** 💕

👨‍🏫🗣👉 Unang dahilan kung bakit pinili ng Diyos ang Bansang China mga kapatid ay upang tuparin ang
Kanyang mga hula Sa Isaias, at sa Malakias upang ganap na maipaabot ang Kanyang mga salita sa mga
Huling araw sa bansang ito. Dahil sinabi ng Diyos na magiging Dakila ang Kanyang pangalan sa Bansang
Gentil sa Bansa ng Malaking Dragon kaya tunay na natutupad na ang mga ito ngayon.

🗣👉Ikalawa, Dapat nating Alamin Kung Anong klaseng pamumuno ang namumuno sa Tsina, sila ba ay
mananampalataya sa Diyos o hindi. 🗣👉Katunayan mga kapatid, ang Bansang Tsina ay pinamumunuan
ng Atiesmong Gobyerno'' Hindi naniniwala sa Diyos ang Kanilang Gobyerno, kaya ang mga Cristiano sa
Bansang China ay mahigpit na ipinagbabawal ang paniniwala sa Diyos.☹️😐😐

📚🗣🗣 Panoorin kung paano Pinahihirapan ang Christiano ng kanilang gobyerno

Ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit
nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano,

https://www.facebook.com/EasternLightningtl/videos/1283606735105043

🗣🗣👉Mula sa Video na ito makikita natin na ang mga Chinese Christians na nananalig sa Panginoon ay
pinahirapan ng mga kapulisan at kanilang binubugbug 😒😠😠😡ang mga Cristiano sa bansang China ay
pinahihirapan at pinahuhuli ng Kanilang Gobyerno, sinasaktan nila ang mga Cristiano at ikinukulong
hanggang sa mamatay☹️☹️

👨‍🏫🗣👉 Makikita natin na napakaraming Kristiyano ang pinahirapan hanggang mamatay bawat taon.
Pinakitunguhan nila ang mga Kristiyano ng napakalupit na hanggat’t ikaw ay isang Kristiyano, nais ka
nilang patayin ng napakalupit.

👨‍🏫🗣👉Kahit ang Pinuno ng Tsina ay nagsabi, " Ang mga Kristiyano ay kailangang patayin sa china".

Magbabahagi po ako sa inyo ng iilang larawan para makita po ninyo kung paano binuwag at winasak ng
gobyerno ng Tsina ang mga simbahan o sinunog ang mga simbahan, lahat ng krus ay hinila pababa at
sinunog din nila ang mga Bibliya.

😢💔Nais ng mga tao na sumamba sa Diyos sa simbahan, ngunit ang gobyerno ng Tsina, hindi
pinahihintulutan ang mga Kristiyano na sambahin ang Diyos. Kaya, makikita niyo po sa larawan, giniba
nila ang mga simbahan.😢💔 Ngayon, may napakaraming simbahan ang giniba sa China at pinatay ang
maraming Christiano.😢💔😠


‍ ️ 💁‍🗣
️ 👉Gayunpaman may malaking kahalagahan ang pagkakatawang tao ng Diyos sa Bansang China, 😊
alamin natin sa pamamagitan ng Kanyang mga salita💗

💟READ: Sabi ng Makapangyarihang Diyos,

📕 **“Bakit ang gawain sa mga huling araw ay isinasagawa sa Tsina, ang pinakamadilim, ang
pinakaaba sa mga lugar? Ito ay upang ibunyag ang kabanalan at pagiging matuwid ng Diyos. Sa
madaling sabi, habang lalong dumidilim ang isang lugar lalong mas mahusay nitong mapagniningning
ang isang ilaw sa Kanyang kabanalan..”** 💕
📕 *“Umalis Ako sa Judea at ginawa ang Aking mga gawain sa mga Hentil sapagkat hindi lamang Ako
Diyos ng bayang Israel, subalit Diyos ng lahat ng mga nilikha. Nagpakita Ako sa mga Hentil sa panahon
ng mga huling araw dahil hindi lamang Ako si Jehova, ang Diyos ng bayan ng Israel, ngunit, bukod
diyan, dahil sa Ako ang Maylalang ng lahat ng Aking mga pinili sa mga Hentil. Hindi Ko lamang nilikha
ang Israel, Egipto, at Lebanon, subalit nilikha Ko rin ang mga bansang Gentil sa ibayo ng Israel. At dahil
dito, Ako ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha”** 💕

🤔👉 Bakit nagkatawang-tao ang Diyos sa Bansang China muli ngayong hulingg araw sa kanyang
ikalawang pagdating??

A.Upang wasakin lahat ang mga tao doon, at patunayan na siya Ay Diyos.

B. Dahil para iligtas ang mga tao sa madilim na bansa at patunayan na siya ang Diyos ng lahat ng nilalang

C. Dahil ito lang ang Kanyang kagustuhan.

D. Diko alam.

😀💟👉Ang Tamang Sagot ay Letter B. Dahil para iligtas ang mga tao sa madilim na bansa at patunayan
na siya ang Diyos ng lahat ng nilalang

👨‍🏫🗣👉 Mula sa Salita ng Makapangyarihang Diyos makikita natin na ang Diyos ay hindi lamang Diyos
ng mga Israelita kundi Diyos din ng buong sangkatauhan, 💕Gumawa at nagpahayag siya ng mga salita at
ipinakilala niya ang Kanyang sarili sa lahat ng Sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at
ikinalat ang Kanyang Salita sa buong mundo upang lahat ng Kanyang nilalang ay makakarinig sa Kanyang
Tinig.🗣💗💗 nagsalita ang Diyos ng milyon milyong salita mula sa Tsina upang ipakita ng Diyos ang
Kanyang kabanalan at pagiging matuwid na Diyos.

📖Sabi din ng Propesiya: Mateo 24:27 Sapagkat gaya ng kidlat na nanggagaling sa silangan at
nagliliwanag hanggang sa kanluran, gayundin naman ang pagdating ng Anak ng Tao.

📖Kidlat- Ibig sabihin ang Salita ng Makapangyarihang Diyos

📖Nagmula sa SIlangan - Ibig sabihin nagmumula sa Bansang China;

📖Nagliliwanag hanggang Kanluran - Ibig sabihin kumalat ito sa ibat ibang bansa saan mang sulok ng
mundo.

🗣🗣Simula na isinilang ang DIYOS muli sa CHINA sa huling araw, nagsimula din ang GOBYERNO NG
CHINA na Siraan ang Makapangyarihang Diyos.😡😠😠😒

Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umuungal at aali-
aligid na naghahanap ng malalapa. (1 Pedro 5:8)

📕📕Sabi ng Makapangyarihang Diyos, **"Ang Diyos ay gumagawa, ang Diyos ay nagmamalasakit sa


isang tao, tumitingin sa isang tao, at si Satanas ay sumusunod-sunod sa Kanyang bawat hakbang.
Sinuman na pinapaboran ng Diyos, nagbabantay din si Satanas, tumutugaygay sa likod. **
📕😒, Nagbayad ang Gobyerno ng Tsina para masiraan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. 😒...

📖👉 Maari ba nating husgahan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos batay sa mga pinapakalat at
paninira ng Gobyernong CCP sa mga Website at Wikipedia laban sa Makapangyarihang Diyos???

✅️️✍️✍️🗣🗣 Maraming tao ang partikular na tumitingin sa mga puna sa mga website, dahil sa palagay
nila ang mga website na ito ay may kapangyarihan at mapagkakatiwalaan. Ngunit dapat nating malaman
ang katotohanang ito: Ang lahat ng mga website ay pinapatakbo ng lahat ng tao at ang kanilang
nilalaman ay naipon at isinaayos ng mga tao. Samakatuwid, maaari nating sabihin na kahit gaano
kahusay ang tanyag ng mga website na ito o kung gaano kalakas ang kanilang pwersa, lahat ng kanilang
ipinapahayag at ipinakalat ay nagmula sa tiwaling sangkatauhan—ito ay isang hindi maikakaila na
katunayan.✍️✍️🙏🙏

🤔❓❓Dapat ba tayong Maniwala sa mga Panlilinlang at mga Paninira na ikinakalat ng CCP laban sa
Makapangyarihang Diyos ??🤔🤔

A. Oo dapat tayong maniwala para maging Aware tayo.

B. Hindi tayo dapat maniwala sa ikinakalat ng Gobyernong CCP Dahil sila ay kalaban ng Diyos at Anti-
Cristo.

C. Hindi nalang Ako susunod sa Makapangyarihang Diyos , bahala na.

Ang Sagot ay letter B. Hindi tayo dapat maniwala sa ikinakalat ng Gobyernong CCP Dahil sila ay kalaban
ng Diyos at Anti-Cristo.

👉👉👉Ang ikinakalat ng Gobyerno ng China sa Internet ay para lang masiraan ang Makapangyarihang
Diyos, Para lang itong Bulong ni Satanas sa tao.. KAPAG Naniniwala tayo sa mga ikinakalat ng
Demonyong CCP ang gobyerno ng China, para narin tayong nakikinig sa Bulong ni 😈Satanas.. Dapat
tayong Maging malinaw at manindigan lamang na sumunod sa Makapangyarihang Diyos.💗💗💗

🔔⭕⭕ “Huwag makinig sa mga negatibo na ikinakalat ng mga laban sa Diyos na nagkatawang tao na
bumalik ngayon!

Sa oras na dumating ang Panginoong Jesus noon upang gawin ang Kanyang gawain, marami ring
negatibong opinyon sa publiko ang ikinakalat laban sa Kanya, Dapat manindigan at magpatotoo. Sa
anong batayan kinikilala mo ang Makapangyarihang Diyos? Dapat mong basahin ang Kanyang mga salita.
Ang mga salitang ito ang pundasyon. Ang tsismis ay hindi ang pundasyon. Tingnan kung sino ang
nagsasabi ng mga bagay na ito. Ito ba ang mga salita ng Diyos? Kung ang mga ito ay salita ng Diyos, kung
gayon Siya ay Diyos. Dahil Siya ay Diyos, kung gayon ang mga alingawngaw na iyon ay ang negatibong
propaganda ng tao. Huwag makinig sa mga salita ng tao. Ang isipan ng tao ay isang mabaho na gatter,
ang tanging bagay na ipinanganak ng mga maggots. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga bagay na
sinasabi ng tao ay hindi ang katotohanan. Huwag makinig dito. Kapag nakikinig ka sa mga salita ng tao,
malilinlang ka. Ang pakikinig sa mga salita ng Diyos ay tama.

Mga Gawa 5:29 “Kailangang sa Diyos kami sumunod, sa halip na sa mga tao.

💟Sabi ng Makapangyarihang Diyos *"Silang nabibilang kay Satanas ay hindi nakakaintindi ng mga
salita ng Diyos”*

👉👉👉Ang Nakikinig sa Pinapakalat ng CCP o sa mga Tao na hindi kinikilala ang mga Salita ng
Makapangyarihang Diyos ay nabibilang ni Satanas at sila ay wawasakin. 🔥🔥🔥🔥🔥🔥

💟😍READ: Sabi ng Makapangyarihang Diyos, 😀💟

**"Ngayon, yaong may tunay na pag-ibig sa Akin, ang mga taong gaya nito ay mapalad; mapalad
yaong mga nagpapasakop sa Akin, sila ay tiyak na mananatili sa Aking kaharian; mapalad yaong mga
nakakakilala sa Akin, sila ay tiyak na hahawak ng kapangyarihan sa Aking kaharian; mapalad yaong
mga naghahangad sa Akin, tiyak na makaliligtas sila mula sa mga gapos ni Satanas at matatamasa nila
ang pagpapala sa Akin; mapalad yaong mga kayang talikuran ang kanilang mga sarili, tiyak na papasok
sila sa kung anong mayroon Ako, at mamanahin ang gantimpala ng Aking kaharian. Aalalahanin Ko
yaong mga nagsusumikap para sa Aking kapakanan, yayakapin Ko nang may kagalakan yaong mga
gumugugol para sa Aking kapakanan, bibigyan Ko ng mga kasiyahan yaong mga naghahandog sa Akin.
Pagpapalain Ko yaong mga nasisiyahan sa Aking mga salita; tiyak na sila ang magiging haligi na
magtataas ng tukod sa Aking kaharian, tiyak na magkakaroon sila ng walang-kapantay na gantimpala
sa Aking bahay, at walang makakahambing sa kanila”**

💟💟🙏Mula sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos makikita natin na mapalad talaga ang mga tao na
nakatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos dahil sila lamang ang magkakamit ng Kaligtasan at
makalaya sa impluwinsya ni Satanas , kaya mapalad kayong lahat mga kapatid💟💟

❤️🤗🤗Okay mga kapatid, hanggang dito nalang po tayo mga kapatid at makaroon tayo ng Ending
prayer🙏🙏🙏🙏💞🤗🤗


‍ ️ 🙋‍💞
Mula
️ sa ating mga tinalakay malinaw na ba sa Ating Kung nagbalik na ang Diyos o Hindi
pa?

1、❓❓🤔Para po sa atin, Bumalik na ba ang ating Diyos muli sa mga huling araw na ito o Hindi pa ?
🤔🤔

Sagot _________________??✍️✍️

2、❓❓🤔Paano natin mapapatunayan na nakabalik na nga talaga ang Ating Diyos ngayon?

Sagot _________________??✍️✍️
3、❓❓🤔Mayroong dalawang paraan Ang pangalawang pagbabalik Ng Diyos ayon sa ating napag
aralan sa pagtitipon. Alin dito sa mga pagpipilian Ang Tama?

A. Ang Diyos ay magpapakita sa mga puting ulap lamang;

B. Ang Diyos ay ipapanganak lamang bilang Tao;

C. Ang Diyos ay ipapanganak bilang Tao at pagkatapos ay magpapakita sa mga puting ulap.

D. Hindi ko Alam.

4、❓❓🤔 Mga kapatid, ilang beses na ipinopropesiya ng Panginoong Hesus na "Ang anak Ng tao ay
darating," "Ang Anak ng tao ay bababa," na tumutukoy sa Kanyang ikalawang pagbabalik. Ano Ang ibig
sabihin ng "Anak Ng Tao"? Bakit Ang Anak Ng Tao ay nabanggit sa propesiya?

A.Dumarating bilang espiritual na katawan na bumababa sa mga tao.

B. Dumarating at ipinanganak ng isang tao, sa panlabas ay normal at ordinaryo, Diyos na naging


katawang tao.

C. Hindi ko alam ..

5、❓❓🤔🤔 Ano Ang Gawain ng Diyos ngayon na nagbalik sa mga huling araw?

A. Ito ay Gawain Ng pagliligtas at pagpapatawad ng Panginoong Hesus.

B. Ito ay Gawain Ng paghatol, Ang Pagbabalik Ng Diyos ay upang lubusang linisin ang tao gamit Ang
Kanyang mga bagong salita.

C. Ito ay gawain Ng paglalabas o paghahayag ng kautusan

D. Hindi ko alam

6、❓❓🤔🤔Sa Kanyang pagparito sa ikalawang pagkakataon, tayo po ba ay hahatulan Niya sa mga


salitang nasa Bibliya o mga Salita na labas sa Bibliya?🤔

A. Ang mga salita na mula parin sa Bibliya

B. Ang mga salita sa labas ng bibliya mga bagong salita ng Diyos.

7、❓❓🤔Ngayong huling araw dumating ang Diyos muli at nagkatawang tao sa ikalawang
pagkakataon. Kaya, Ano ang Kanyang Bagong Pangalan ngayon na nagbalik Siya.? Naalala ba natin Kung
ano na ang Kanyang bagong Pangalan ngayong huling araw ?

Sagot ___________________??✍️✍️
8、❓❓🤔🤔Ngayon na Dumating na ang Diyos, Anong bansa ang Kanyang pinili sa mga Huling araw na
ito? Anong bansa ang Kumakalaban sa Kanya? saang Bansa Siya nagkatawang tao, at saan sinimulan ang
kanyang gawain ngayong huling araw naalala ba natin🤗❓❓🤔

Sagot ________??✍️✍️

9、❓❓🤔🤔Hi po, nang una kong marinig na ang Panginoong Jesus ay nagbalik, sobra akong natuwa ko
sa magandang balita na ito. Ngunit ang ilang mga tao ay sumunod sa talata ng Biblia na, “Kung
magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong
paniwalaan. Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at
mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng
mga hirang” (Mateo 24:23-24), at sinabing ang sinumang mangangaral ng pagparito ng Panginoon ay
huwad.Mayroon bang nagsabi sa inyo ng mga talatang iyon sa Biblia?

Nang marinig ninyo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik, ano ang inyong naisip? Natatakot ba kayo na
malinlang?Kapag may nagsabi nito sa iyo, o kung naguguluhan ka, paano mo ito sasagutin?

Sagot ________??✍️✍️

Ang sagot ay:🌺🌺😍😍🙏🙏

1. Bumalik na po

2. Ang Diyos ay bumibigkas ng mga bagong salita para sa atin ngayon. Sino ang makapaghahayag ng tinig
ng Diyos, Siya ay dapat na Diyos Mismo.

Ang mga sakunang nangyayari sa mundo ay isang babala o paalala sa atin na dapat natin hanapin ang
katotohanan at sundin ang Kanyang yapak, tanggapin ang Kanyang bagong gawain.

Pero kung wala ang mga bagong salita at gawain ng Panginoon, hindi natin makukumpirma na ang
Panginoon Jesus ay bumalik na.

3. C

4. B

5. B

6. B

7.Makapangyarihang Diyos

8. Tsina

9.Hindi ako matatakot, sapagkat alam ko na ang pagkakaiba sa pagitan ng totoong Kristo at ang huwad
na Kristo.
🗣🗣🗣Ang tunay na Cristo lamang ang maaaring magpahayag ng katotohanan, sapagkat ang Kanyang
diwa ay ang Espiritu ng Diyos. Maaari Niyang ipahayag ang mga katotohanan saan man, kahit kailan. Sa
kabaligtaran, ang kakanyahan ng mga huwad na Cristo ay mga masasamang espiritu, at hindi sila
nagtataglay ng mga katotohanan at hindi kayang magpahayag ng mga katotohanan. 💕.•*¨ ✨

📕: Si Cristo lamang ng mga huling araw ang tunay na Diyos na nagkatawang tao sapagkat nagagawa
niyang ipahayag ang katotohanan na hindi kayang ipahayag ng bulaang Cristo. Ang tunay na Cristo ay
mayroon siyang Sangkap ng Diyos.

📕🖊🖊Take note:

🖊Tunay na Cristo= ay Mapagkumbaba, at Kayang magpahayag ng Katotohanan, kayang dalisayin at


iligtas ang tao dahil ang diwa niya ay Diyos mismo.

🖊Bulaang Cristo= Mayabang, at Walang katotohanan, ngunit nagmumukhang mabuti sa panlabas para
manlinlang" at nagpapakita ng mga himala para dayain ang tao. ang kanilang Diwa ay si Satanas.

Some questions for review

Brother/Sister, maaari ba akong magtanong sa inyo? Nang inyong marinig na ang pangalan ng nagbalik
na Panginoong Jesus ay Makapangyarihang Diyos, nagkaroon ba kayo ng gayong pagkalito? "Hindi ko
kailanman narinig sa simbahan na papalitan ng Panginoong Jesus ang Kanyang pangalan sa Kanyang
pagbabalik.”

“Totoo bang nagbalik na ang Panginoong Jesus? Dapat akong mag-ingat upang hindi ako maligaw ng
landas.”

“Kung ako ay maliligaw sa aking pananampalataya, hindi ba’t nangangahulugan ito ng pagtataksil sa
Panginoong Jesus? Kailangan kong pag-isipan kung ipagpapatuloy ko pa ang pag-aaral.”

“Ang pananampalataya ba sa Makapangyarihang Diyos ay pagtataksil sa Panginoong Jesus?"

You might also like