You are on page 1of 2

LESSON PLAN IN FILIPINO 4

I. OBJECTIVES
a. nakapagbibigay ng kahulugan ng isang salita ayon sa kasingkahulugan
b. nakatatala ng mga salitang magkasingkahulugan
II. SUBJECT MATTER
Subject Matter: Magkasingkahulugan na salita
III. LEARNING PROCEDURE
 Motivation
“Kilos ko galaw mo”. Ipagpares-pares ang mga mag-aaral. Gagawin ng isang mag-aaral anuman ang kilos na
gagawin ng kanyang kapares. Kapag ito ay papalakpak ay dapat tugma ang kanilang kilos.
 Activity
Magkakaron ng maikling sayaw ang bawat pares na nabuo. Sabay silang gagalaw na may tamang kilos at
tyempo. Ang pinakamalinis na kilos at sayaw ang siyang mananalo.
 Analysis
1. Sa inyong ginawang laro, paano ninyo ginawa ng mga kilos? (Ginawa ang mga kilos ng may parehong
galaw)
 Abstraction
Kasingkahulugan - Ito ay isang paraan ng pagkilala ng salita sa pamamagitan ng kasingkahulugan o
kaparehong kahulugan ng isang salita na matatagpuan sa pangungusap. Halimbawa: maganda-marikit
 Application
Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B. Isulat lamang ang titik ng tamang
sagot.

Hanay A Hanay B
1. maganda a. malapad
2. tahimik b. tapat
3. matayog c. mataas
4. sinsero d. payapa
5. malawak e. marikit
IV. EVALUATION
Basahing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Hanapin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit.
Bilugan lamang ang iyong sagot.

1. May isang matandang babae ang nais tumawid sa kalsada. Nakita ito nina Marcus at Miguel at kanila itong
tinulungan.
a. may edad b. bata c. palaboy d. sakitin
2. Si Aquila at Yohan ay nagpapaligsahan ng kanilang mga saranggola. Ang saranggola ni Aquila ay mas matayog
ang lipad kaysa kay Yohan.
a. mababa b. mabilis c. mataas d. mahina
3. Ang lupain ni Jian ay malawak. Marami itong tanim na gulay at mga prutas.
a. makitid b. malapad c. masagana d. maganda
4. Ang magkaibigang Xian at Ivo ay tapat sa isa’t isa. Palagi silang magkaramay sa anumang problema.
a. traydor b. masama c. mabait d. sinsero
5. Palaging mataas ang nakukuhang marka ni Summer sa tuwing may pagsusulit. Patunay ito na siya ay hindi batugan
mag-aral.
a. tamad b. masipag c. mabait d. pabaya

V. ASSIGNMENT
Gamitin sa pangungusap ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita.
1. tamad
2. mabango
3. tuwid
4. mahalaga
5. wasto

You might also like