You are on page 1of 2

Epiko ni Gilgamesh

Ang Epiko ni Gilgamesh ay isang panulaang epiko mula sa sinaunang Mesopotamya na madalas
ay itinuturing ang pinakamatandang umiiral na dakilang likha ng panitikan at ikalawang
pinakamatandang teksto sa relihiyon, sumunod sa Mga teksto sa mga tagilo. Ang kasaysayang
pampanitikan ni Gilgamesh ay nagsisimula sa limang tulang Sumeryo tungkol kay Bilgamesh
(Sumeryo para sa "Gilgamesh"), hari ng Uruk, noong Ikatlong Dinastiya ng Ur (c. 2100 BK). Ang
mga ito ay ginamit bilang sangguniang materyal para sa pinagsamang epiko sa Akkadiano. Ang
unang nabubuhay na bersiyon ng pinagsamang epiko na ito, kilala bilang ang "Lumang
Babilonyo" na bersiyon, ay mapepetsahan sa ika-18 siglo BK at pinamagatang Shūtur eli sharrī
("Higit sa Lahat ng Ibang mga Hari") matapos sa incipit nito. Iilan lamang ang mga umiiral na
pragmento nito. Ang kalaunang "pamantayang" bersiyon ay mapepetsahan mula ika-13
hanggang ika-10 siglo BK at pinamagatan ng incipit na Sha naqba īmuru ("Siya na Nakakita sa
Kailaliman", sa modernong kahulugan: "Siya na Nakakakita ng Hindi Alam"). Tinatayang
dalawang-katlo ng mas mahabang 12 tabletang bersiyong ito ay naisalba. Ang ilang mga
pinakamahuhusay na kopya ng Epiko ni Gilgamesh ay natuklasan sa mga gibang aklatan ng ika-
7 siglo BK haring Asiryong si Ashurbanipal.

Itinatalakay sa unang kalahati ng kwento si Gilgamesh, hari ng Uruk, at si Enkidu, isang


mabangis na tao na nilikha ng mga diyos upang pigilan si Gilgamesh mula sa pag-api sa mga
tao sa Uruk. Matapos maging sibilisado si Enkidu sa pamamagitan ng pagsisimula ng sekswal
sa isang patutot, naglakbay siya patungo sa Uruk, kung saan hinamon niya si Gilgamesh sa
isang pagsubok ng lakas. Nanalo si Gilgamesh sa patimpalak; gayunman, naging magkaibigan
ang dalawa. Magkasama silang naglakbay ng anim na araw sa maalamat na Gubat ng Sedro,
kung saan balak nilang paslangin ang Tagapagbantay, si Humbaba ang Nakasisindak, at putulin
Mga sanggunian

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Epiko_ni_Gilgamesh&oldid=1973455"


Last edited 15 day ago by 175.176.33.233

You might also like