You are on page 1of 3

Diagnostic Test in FIL 8 (3rd Quarter)

Pangalan:______________________________________ Seksyon:________________________Petsa:____________
Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga sumusunod at isulat ang Tamang sagot sa mga Patlang bago ang bilang.
I. Ibigay ang tamang sagot sa mga sumusunod na Bugtong.
____________________1. Sa isang click lang,, mundong ito’y mapapasok para mag fb at magsaliksik pa!
____________________2. Kahong puno ng makukulay na larawan at usapan, tunay na kinagigiliwan ng mga
Kabataan.
____________________3. Sa isang galaw lamang ng pihitan, Musika’t balita’y mapapakinggan!
____________________4. Pinipilahan ng mga manonood, sa pinilakang tabing ito’y itinatampk!
____________________5. Kuwadradong Elektronikong kagamitan, tampok ay iba’t ibang palabas na kinaaaliwan!

II. Pagpipili: Piliin ang TITIK ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang mga bilang.
______6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dahilan ng isang tao sa pagbabasa ng Diyaryo?
a. Makakalap ng balita c. magbasa ng tsismis
b. Makatakas sa mga kasalanan d. magsagot ng palaisipan
______7. Ang uri ng babasahin kung saan masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex.
a. Magasin b. Komiks c. Broadsheet d. Tabloid
______8. Ang pahayagang nakasulat sa Ingles na ang target readers ay mga kabilang sa class A at B.
a. Magasin b. Komiks c. Broadsheet d. Tabloid
______9. Ito’y babasahing tinatangkilik ng maraming mambabasa na tinaguriang sensationalized Journalism.
a. Magasin b. Komiks c. Broadsheet d. Tabloid
______10. Isang uri ng Print Media na kailanma’y di mamamatay dahil bahagi na ng kulturang Pilipino.
a. Pahayagan b. Encyclopedia c. Internet d. Diksyunaryo
______11. Sa kasalukuyan, tinatayang ang Pilipinas ay may ____ na National daily Tabloid.
a. 20 b. 21 c. 22 d. 23
______12. Sa pagsusurin ni William Rodriguez, ang ating bansa ay may ____ na weekly tabloid na nagsisirculate.
a. 3 b.4 c. 5 d. 6
______13. Mahalaga ang ginampanan nito sa isip ng mga mamamayan dahil kaya nitong magwasak ng indibidwal.
a. Pahayagan b. media c. Brodsheet d. Tabloid
______14. Naglalaman ito ng mga maikling kwento at sunod-sunod na mga nobela.
a. Magasin b. Komiks c. Broadsheet d. Textbook
______15. Ang mga salitang ito ay ginagamit sa paglalarawan ng tao, bagay, hayop o pangyayari.
a. Pang-uri b. pandiwa c. pang-ukol d. panghalip
______16. Nagsipag at Nagtiyaga siya para sa magulang. Alin sa mga sumusunod ang nagamit sa pangungusap?
a. Pandiwa, pang-ukol, panghalip c. pandiwa, pang-uri, panghalip
b. Pang-uri, pang-ukol, panghalip d. panghalip, pandiwa, pang-uri
______17. Anong pagbabago ang isa sa mga nakamit sa panahon ng Kontemporaryong Panitikan?
a.Pag-unlad ng pamumuhay ng Pilipino c. pangangalakal sa ibang bansa
b.Padami ng mga manunulat sa Filipino d. pag-unlad ng Teknolohiya sa buong mundo.
______18. Paano naimpluwensyahan ng panahong Kontemporaryo ang mga kabataan?
a. Pagkahumaling ng kabataan sa internet c. pagkalulong ng kabataan sa maraming bisyo
b. Paglaganap ng droga sa Pilipinas d. pagtangkilik ng mga kabataan sa kulturang Pilipino.
______19. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga grupo ng anyo ng Kontemporaryong Panitikan?
a. Pahayagan b. Diksyunaryo c. Magasin d. Komiks
______20. Dito makikita ang larawan ng mga sikat na artista.
a.. Magasin b. Komiks c. Radyo d. silid-aklatan
______21. Ito’y lumabas sa panahon ng Kontemporaryong Panitikan na naging bahagi ng ating kultura.
a. Pahayagan b. Diksyunaryo c. Magasin d. Komiks
______23. Ang pagsusuring isinagawa ni Willian Rodriguez mula sa kanyang blog ay tungkol sa ______.
a. Internet b. Tabloid c. Facebook d. Broadsheet
______24. Alin sa mga sumusunod ang TAMA sa mga pahayag ni Willian Rodriguez sa kanyang Blog?
a.. Ang Tabloid ay pang class A at B. c. Ang Broadsheet ay pangmasa
b. Mayroong 22 national Daily Tabloid d. ang Broadsheet ay naisulat sa wikang Ingles.
______25. Paano inilarawan ni William Rodriguez ang MEDIA sa kanyang Blog/
a. Kayang sumira at magwasak ng isang indibidwal.
b. isang malawakang komunikasyon.
c. Nagpapadali ng mga trabaho sa loob ng bansa
d. kinahuhumalingan ng mga Pilipino
______26. Naglalaman ito ng maikling kwento at sunod-sunod na mga nobela.
a.. Magasin b. Komiks c. Radyo d. silid-aklatan
______27. Ang mga artikulong nakasulat dito ay tumutulong sa mga ina upang maging mabuting maybahay.
a. FHM b. Cosmopolitan c. Good Housekeeping d. Yes!
______28. Ang magasin tungkol sa Fashion, mga pangyayari at isyu hinggil sa nilalaman ng Metro.
a. Metro b. Candy c. Men’s Health d. T3
______29. Bakit mahalaga ang magasing Cosmopolitan sa mga kababaihan?
a.. Nagsisilbi itong gabay tungkol sa mga pinakamainit na isyu tungkol sa kalusugan.
b. Nagtuturo sa mga kababaihan na maging responsible.
c. Nagbibigay ng mga payo tungkol sa buhay.
d. Nakakatulong sa mabilisang pagkatuto sa mga gawaing bahay.
______30. Bininigyang pansin ng magasing ito ang mga kagustuhan at suliranin ng mga kabataan.
a. Metro b. Candy c. Men’s Health d. T3
______31. Nagiging instrumrnto ito upang mapag-usapan ng mga kalalakihan ang maraming bagay.
a. FHM b. Cosmopolitan c. Good Housekeeping d. Yes!
______32. Alin sa mga pagpipilian ang TAMANG paglalarawan tungkol samagasing Yes!?
a. Tungkol sa mga isyu sa lipunan
b. tungkol sa mga sikat na artista
c. Tumatalakay sa mga isyung pampolitika
d. tumatalakay sa mga suliraning pangkalusugan.
______33. Isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan upang maghatid ng kwento o salaysay.
a. Magasin b. Komiks c. Radyo d. silid-aklatan
______34. World Class ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng Komiks, ito ay ayon sa blog ni __________.
a. Alfredo Alcala b. Pablo s. Gomez c. Fermin Salvador d. Carlo J. Caparas
______35. alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga layunin ng pagsusulat ng Komiks?
a. Magbigay-aliw
b. magturo ng kaalaman
c. magsulong ng kulturang Pilipino
d. magpaunlad
______36. Ang bahagi ng komiks na pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan.
a. Kuwaro b. kahon ng salaysay c. Lobo ng usapan d. larawang guhit
______37. Naglalaman ng isang tagpo sa kwento.
a. Kuwadro b. kahon ng salaysay c. Lobo ng usapan d. larawang guhit
______38. Halakhak Komiks: 1946, Silangan Komiks:_______.
a. 1946 b. 1950 c. 1949 d. 1920
______39. Siya ang nagtangkang buhayin ang Komiks sa industriya ng bansa.
a. Alfredo Alcala b. Pablo s. Gomez c. Fermin Salvador d. Carlo J. Caparas
______40. Alin sa mga sumusunod ang pahayag ni Joey Baquiran ng UP?
a. Ang Komiks ay page filler sa entertainment section noong 1920.
b. Isang makulay at popular na babasahin.
c. Nagpapalawak ng imahinasyon.
d. Hndi mamamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito.
______41. Ang pagbabalik ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang hanggang sa simula ng ______.
a. 1990 b. 2007 c. 1950 c. 1920
______42. Siya ay hindi kasama sa mga komikerong kilala sa labas ng Pilipinas.
a. Philip Tan b. Alfredo Alcantara c. Gerry Allangilan d. Nerissa Nabral.
______43. Tukuyin kung alin sa mga salita ang nabibilang Pormal na antas ng wika.
a. Kumander b. Panitikan c. Jowa d. parak
______44. Isa ito sa mga dapat tandaan sa paghahanda para sa panayam.
a. Maging magalang c. kilalanin ang gustong kakapanayamin
b. Magpasalamat d. magtanong ng maayos.
______45. Paano dapat tapusin ang isang panayam?
a. Iulat ng maayoas ang nakuhang impormasyon sa panayam
b. Uliting magtanong kung hindi nakuntento sa kanilang mga sagot.
c. Magpaalam kung hindi nasasagot ang mga tanong.
d. Ipa-unawa ang kahalagahan ng panayam.
______46. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang walang kaugnayan sa Radyo?
a.. Naghahatid ng balita c. nagpapakilala ng isang produkto.
b.. Nagpapalabas ng pelikula d. nagbibigay opinion
______47. Bakit mahalaga ang komentaryong panradyo sa kamalayang Panlipunan?
a.. Dito natatalakay ang isang napapanahong isyu na may iba’t ibang opinion.
b. Nasasalamin dito ang nangyayari sa lipunan.
c. Natututo ang mga tagapakinig sa pakikinig sa Radyo.
d. Lahat ng tao ay nakakaunawa sa komentaryong Panradyo.
______48. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasingkahulugan ng antas ng wika na Pormal?
a. Personal b. Obhetibo c. eksakto d. Tiyak
______49. Tukuyin sa mga sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa antas ng wika na Di-Pormal.
a. Gumagamit ng mga komplikadong bokabularyo.
b. Gumagamit ng mga pangungusap na binubuo ayon sa panuntunang gramatikal.
c. Ginagamit sa Panulat akademiko
d. Simple lang ang bokabularyo at ang mga pangungusap ay maiigsi.
______50. Tinatanggap sa antas Di –pormal ang tonong komberseysyonal at paggamit ng panghalip na ____.
a. Ka at han b. ako at mo c. an at han d. han at mo

You might also like