You are on page 1of 4

Republic of Philippines

Department Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu Province
District of Boljoon

Summative Test #1 in Filipino 5


Quarter 2

Name : _____________________________________________Section: ____ Date: ___________


Part I: Written Test

A. Panuto: Salungguhitan ang salitang hiram sa bawat pangungusap.


1. Ang drayber ng jeep ay aming kapitbahay.
2.Napagalitan si Mang Pedro dahil matagal siyang nakapasok sa trabaho dahil sa trapik.
3. Isa si Jet sa mga suspek sa pagnanakaw sa isang bangko.
4. Pinatupad ng kapitan sa aming barangay ang social distancing sa mga tindahan.
5. Humingi si Tim sa kanyang kapatid ng tuwalya sapagkat nabasa siya ng ulan.

I.Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.
6. Hindi namomroblema si Aling Marsya sa mga bayarin sapagkat marami siyang pera. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
a. limpak b. armas c. kalakal d. salapi
7. Ano ang tawag sa salitang kinuha sa wikang dayuhan?
a. salitang hirap b. salitang hiram c. salitang hango d.salitang dayo
8. May dalawang selpon ang aking Ate. Paano binabaybay sa ingles ang salitang
hiram na selpon?
a.sellfon b. celphone c. cellphone d. cellfone
9. Alin sa sumusunod na pangungusap ang may salitang hiram?
a. Kumakain kami ng pananghalian. c. Marami akong biniling bolpen.
b. Masarap ang pagkain na luto ko. d. Inaantok siya habang naglalakad.
10. Alin sa sumusunod ang may tamang baybay?
a. kompyuter b. kumpyoter c. compyuter d. cumpyoter

II.Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.
11. Ito ay anyo ng sining o panitikan na nagpapahayag ng damdamin sa malayang pagsulat.
a. kwento b. balita c. tula d. pasulit
12. Kailan masasabing epiktibo ang pagbabasa ng tula?
a. kung mabilis ang pagbabasa rito
b. kung mahina ang pagbabasa rito
c. kung nararamdaman ng mga nakikinig ang damdamin ng tula
d. kung napupuna ng mga nanonood ang mga mali ng nagbabasa
13. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga tatandaan sa pagbabasa ng tula?
a. tikas b. himig c. awit d. pagbigkas
14. Naaayon ito sa diwa ng tula. Maaaring hinaan o lakasan.
a. tingin b. tinig c. himig d. tikas
15. Bakit kailangang wasto ang pagbigkas ng tula?
a. Upang makatulog ng maayos ang mga nakikinig.
b. Upang mapuri ng mga guro at kaklase.
c. Upang mapahiwatig ang damdamin ng tula.
d. Upang marinig ng mga nakikinig ang ganda ng boses.
B. Pagtambalin ang mga salitang nasa hanay A ayon sa kahulugan nito na nasa hanay B.

_______16. Lider a. paninda


_______17. Talumpati b. maraming-marami
_______18. Lahi c. uri ng sasakyan; gamit sa transportasyon
_______19. Limpak d. pera
_______ 20. Boykoteo e. mamahalin; mahalaga
_______21. Kalakal f. pinuno o pasimuno sa isang grupo
_______22. Automobil g.diskurso o pagsasalita sa harap ng maraming tao
_______23. Hiyas h. may iisang ninuno
_______24. Salapi i. pagtanggi ng isang pangkat na panglipunan na
. makipagsundo sa isang indibiduwal

Part II: Performance Task


Gumupit o gumuhit ng 4 na larawan na naaayon sa mga salitang hiram. Gamitin ang bawat
salita sa pangungusap.
RUBRICS:

SKILL 8 6 4 2
•Naipakita ang Kulang ng 1 sa 4 ay Kulang ng 2 sa 4 ay Kulang ng 3 sa 4 ay
Nagagamit sa larawan. may 6 na puntos may 4 na puntos may 2 puntos.
pangungusap ang •Naisulat sa
salitang hiram. kompletong
pangungusap.
• May tamang
baybay at malinis
ang pagkasulat.
• Gumamit ng
wastong bantas at
gumamit ng
malaking titik kung
kinakailangan.

You might also like