You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII-Central Visayas
Schools Division of Cebu Province
Bantayan District 1
Secondary Schools
S.Y.2020-2021
ARALING PANLIPUNAN 8
SUMMATIVE TEST NO. 3
(3rd Quarter)

Pangalan:_________________________________Baitang at Seksiyon:___________ Petsa:________

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI
kung ito ay mali.
_____ 1. Isang pangkat ng mga taong tinatawag na philosophes ang nakilala sa Pransya sa kalagitnaang bahagi
ng ika- 15 siglo.
_____ 2. Walang paggalang ang mga philosophes sa kalikasan (nature) ng isang bagay.
_____ 3. Si Jean Jacques Rousseau ay nagmula sa isang mahirap na pamilya, nakilala siya dahil sa kahusayan
sa pagsulat ng mga nasanaysay na tinatalakay ang kahalagahan ng kalayaang pang-indibidwal
(individual freedom).
______4. Ang ideya ng mga philosophes sa pamamagitan ng pagsulat at pagtipon ng 28-volume na
Encyclopedia na tumatalakay sa iba’t ibang paksa ay pinalaganap ni Denis Diderot (dee DROH).
_____ 5. Si Francois Marie Arouet na mas nakilala sa tawag na Voltaire ay hindi nakatapos sa pagsulat sa 70
aklat na may temang kasaysayan,pilosopiya,politika at maging drama.
_____ 6. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay tinatawag itong Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment).
_____ 7. Si Catherine Macaulay at Mary Wallstonecraft ang nanguna sa laban ng kababaihan upang
magkaroon ng pagkakapantay ang kalalakihan at kababaihan.
_____8. Sa taong 1808 ay nagkaroong ng mga pag-aalsa laban sa pamamahala ng mga Pranses sa Espanya
at Germany.
_____ 9 Ang mga philosophes ay naniniwala na ang katotohanan (truth) ay maaaring malaman gamit ang
katuwiran.
______10. Si Isaac Newton ay ginamit niya ang katuwiran sa Musika na ang reason o katuwiran ay
magagamit sa lahat ng aspeto sa buhay ng tao.
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
UNAHAN NG BILANG.
______11. Sa pagsiklab ng French Revolution, maraming mga monarko sa Europa ang labis na naapektuhan.
Ano ang dalawang bansa ang nagpadala ng mga sundalong tutulong upang talunin ang Rebolusyong
Pranses?
A. Austria at Prussia C.Germany at Switzerland
B. Germany at Italy D.Portugal at Spain
______ 12. Anong taon gumastos ng napakalaking halaga ang British laban sa France upang mapanatili sa
ilalim ng kanilang imperyo ang 13 kolonya.
A.1748 C.1750
B.1749 D.1751

______13. Pinaniniwalaan ng philosophes na ang ____________ay magagamit sa lahat ng aspeto ng buhay.


A. kaalaman C. pagbabago
B. gawain D. rason
______14. Ang lipunan Pranses ay nahahati sa tatlong pangkat na tinatawag na estates. Ang unang estates
ay binubuo ng _____________.
A. Mga magsasaka, guro, doctor, at manggagawa
B. Mga maharlikang Pranses
C. Mga Obispo at Pari
D. Mga Sundalo
______15. Sa anong taon nagpadala ang Great Britain ng tropa ng mga sudalo sa Boston upang
kunin nang puwersahan ang isang tindahan ng pulbura sa bayan ng Concord?
A. 1775 C.1778
B. 1776 D.1779
______16. Kailan nagsimula ang Digmaang Napoleonic?
A. Noong nagpadala ng hukbong sandatahan ang mga pinuno ng Austria at Prussia.
B. Sa panahon ng Rebolusyong Pranses.
C. Sa pamumuno ni Napoleon.
D. Sa pamamahala ni haring Louis XVI.
______17. Ano ang kontribusyon ng sistemang merkantilismo sa Europe?
A. Bumagal ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo.
B. Naging batayan ito ng kapangyarihan ng mga bansa saEurope.
C. Napabilis ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo.
D. Sa tulong ng sistemang ito, natustusan ng mga bansa ang kanilang pangangailangan.
______ 18. Paano mailarawan ang rebolusyon sa pamumuno ng isang abogadong nagngangalang
Georges Danton?
A. Dahil sa kanyang pakikipaglaban
B. Dahil pinatay niya ang hari ng Pransiya
C. Dahil idiniklara niya na isang Republika ang Pransiya
D. Naging malakas at malaki sa pamamagitan ng kanyang pamumuno
______19. Bakit tinatawag na Napoleonic Wars ang digmaan sa France?
A. Dahil isinunod sa pangalan ni Napoleon Bonaparte
B. Dahil si Napoleon Bonaparte ang naging pinuno ng France
C. Dahil nagtangkang ipakilala ang kaniyang ideya ng pamahalaan sa buong Europa
D. Lahat ng nabanggit
______ 20. Bakit hindi agad pinakinggan ang ipinaglaban ng kababaihan ang pagkakaroon ng kalayaan at
pagkakapantay ng kalalakihan at kababaihan?
A. Dahil naniniwala sila noon na limitado lamang ang karapatan ng kababaihan kung ihahambing
sa kalalakihan
B.Dahil ang mga kababaihan ay para mga gawaing bahay lamang
C.Dahil mahina ang kababaihan kay sa kalalakihan
D.Dahil sa diskriminasyon laban sa kababaihan

Prepared by:

ARCELYN C. CARABIO
SST 1

Checked & Reviewed by:

JANET V. VILLACAMPA
Lead Facilitator

Noted by:
CHLOE S. GARRUCHA
District OIC

SUMMATIVE TEST NO. 3


ANSWER KEY:
1. MALI
2. MALI
3. TAMA
4. TAMA
5. MALI
6. TAMA
7. TAMA
8. MALI
9. TAMA
10. MALI
11. A
12. C
13. D
14. C
15. A
16. B
17. B
18. D
19. D
20. A

You might also like