You are on page 1of 24

lOMoARcPSD|17667226

4th Quarter Asya- Araling Panlipunan

Bachelor of Elementary Education (Polytechnic University of the Philippines)

StuDocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)
lOMoARcPSD|17667226

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 7 Araling Panlipunan


Araling Asyano
Ikaapat na Markahan
Gawain bilang 1
Paksa: Mga Tugon ng mga Asyano sa mga Hamon ng Pagbabago
Pamantayan sa Pagkatuto: Napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng
pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa
Transisyonal at Makabagong Panahon ika- 16 hanggang ika-20 siglo. (AP7KIS-IVa-j-1)
Layunin: Nasusuri ang naging tugon ng mga Pilipino samga dayuhang mananakop.
References:
1. EASE II Module 17
2. * Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan II. 2008. pahina268-332
3. *Kasaysayan ng Daigdig III.
4. Panahon, Kasaysayan, at Lipunan II pp.140-141

Iba-iba ang ginawang pagtugon ng mga bansang Asyano sa pananakop ng mga kolonyalista
at imperyalista. Ginawa nila ang halos lahat na uri ng pagtugon.

 May nagtataguyod ng lubos na pagtanggap at panggagaya sa lahat ng bagay na Kanluranin.


 May nagharap ng mga panukala tungo sa pagpapaunlad o modernisasyon.
 Mayroonng lubusang tumanggi sa anumang bagay mula sa mga Kanluranin at sumandig sa
kung ano ang katutubo.
 May humiling at nakipaglaban para sa reporma habang sumasandig sa sariling kaangkinan.
 May mga lumaban at naglunsad ng pag-aalsa laban sa mga kolonyalista.
 Niyakap ng iba ang mga ideyang Kanluranin sa pagtataguyod ng kanilang kapakanan,
kalayaan, at kaunlaran- ang mga ideya ng nasyonalismo, demokrasya, kapitalismo, at
sosyalismo.( Panahon, Kasaysayan, at Lipunan II )

PAGSASANAY:

1. Anu-ano ang naging tugon ng mga Asyano sa mga dayuhang mananakop?


2. May pagkakatulad ba ang mga naging tugon ng mga bansa sa Silangan at Timog-silangang
Asya laban sa mga dayuhang mananakop?Bakit?Ipaliwanag sa tatlong pangungusap lamang.
3. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Timog-silangang Asya, paano ipinakita ng mga Pilipino
ang pagkakaisa upang matugunan ang mga hamon ng pagbabago? Ipaliwanag sa tatlong
pangungusap lamang.

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 7 Araling Asyano


Ikaapat na Markahan
Gawain Blg. 2

Paksa: Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at


Timog -Silangang Asya
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng pagpasok ng mga
Kanluraning bansa hanggang sa pagtatag ng kanilang mga kolonya sa Silangan at Timog-
Silangang Asya. (AP7KIS-IVa- 1.1)
Layunin: Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng pagpasok ng mga Kanluraning bansa
hanggang sa pagtatag ng kanilang mga kolonya sa Silangan at Timog- Silangang Asya.
References:
1. EASE II Module 17
2. * Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan II. 2008. Pp.290-298
3. * Asya: Noon, Ngayon at sa Hinaharap II. 2000. Pp.136-153

Mga Dahilan:
 mataas na paghahangad na makontrol ang kalakalan ng mga pampalasa at pagkuha ng ginto
 paghahangad ng angkop ng daungan para sa mga barkong pangkalakalan
 pagpapalawak ng impluwesya at kapangyarihan

Mga Paraan:
 pakikipagsanduguan sa mga lokal na pinuno at paggamit ng dahas.
 pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo.
 paggamit ng mga Dutch sa patakarang Divide and Rule Policy sa pananakop
 paggamit ng Portugal ng malalakas na kanyon at barkong pandigma.

Mga Epekto
 paghirap ng mga dating kolonya at pagyaman ng mga kolonyalista
 limitadong pag-unlad at modernisasyon ng mga dating kolonya
 paglitaw ng mga bansa

Pagsasanay:
1. Mataas ang paghahangad ng mga Europeo na makontrol ang kalakalan ng pampalasa at
makakuha ng maraming ginto. Ano-ano kaya ang mga dahilan nito? Magbigay ng dalawang
dahilan.
2. Isa sa mga paraan na ginamit ng mga Kanluranin sa pananakop ay pagpalaganap ng
relihiyong
Kristiyanismo.Bakit naging epektibo ang estratihiyang ito? Ipaliwanag sa tatlong
pangungusap lamang.
3. Isa sa mga naging epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ay naghirap ang mga dating
kolonya at yumaman ang mga kolonyalista,anu-ano ang mga patunay nito?Magbigay ng
tatlong halimbawa.

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 7 Araling Panlipunan


Araling Asyano
Ikaapat na Markahan
Gawain Blg. 3
Paksa: Transpormasyon ng mga Pamayanan at Estado sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang transpormasyon ng mga pamayanan at estado sa Silangan at
Timog-SilangangAsya sa pagpasok ng mga isipan at impluwensiyang kanluranin sa larangan ng
pamamahala,kabuhayan, teknolohiya, lipunan, paniniwala, pagpapahalaga, at sining at kultura.
(AP7KIS-Iva-1.2)
Layunin: Nasusuri ang transpormasyon ng mga pamayanan at estado sa Silangan at Timog-Silangang
Asya sa pagpasok ng mga isipan at impluwensiyang kanluranin sa larangan ng pamamahala,
kabuhayan, teknolohiya, lipunan, paniniwala, pagpapahalaga, at sining at kultura.
References:
1. EASE II Module 17
2. * Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan II. 2008. Pp.268-332
3. * Asya: Noon, Ngayon at sa Hinaharap II. 2000. Pp.136-153
4. https://prezi.com/rruhwlr1dsfl/ang-transpormasyon-ng-mga-pamyanan-at-estado-sa- pagpasok-ng/

Ang kolonisasyon sa Silangangan at Timog-Silangang Asya ay nagbigay ng panibagong bihis at katayuan sa


mga bansang nasakop. Ang kaisipang Pasanin ng mga Puti o White man’s Burden, superior at mas sibilisado ang
mga kanluranin kasya sa mga taga Asya.
Pamahalaan:
Dutch
 desentralisadong pamamahala
France
 impluwensiya ng mga tao sa politika kaysa sa kakayahang mamuno ng mga itinalaga
 nagpatupad ng asimilasyon
China
 nababaliwala ang serbisyo sibil
British
 mala-pyudal na pamamahala
Pilipinas
 sentralisadong pamahalaang kolon
Kabuhayan:
 nagkaroon ng displacementdahil sa pag-aagawan ng base sa daungan ng Dutch at Portuges
 Sa Java ipinatupad ng mga Dutch ang culture system
 nabaliwala ang subsistence farming
 kumalat ang eksploytasyon dahil sa patakarang ipinatupad ng mga Dutch sa Burma,
Hongkong at Malaya;ng mga Espanyol sa Pilipinas at ng French sa mga planstasyon ng goma
sa Vietnam, Laos at Cambodia
 riles,kalsada at makabagong minahan
Lipunan:
 ipinatupad ang akulturasyon
 nagkaroon ng mga Mestizo
 reduccion sa Pilipinas
Teknolohiya:
 irigasyon ,pagkontrol sa baha,Makabagong ospital,paaralan na may sistemang kanluranin
 Makabagong transportasyon at komunikasyon
Relihiyon:
 sapilitang pagyakap sa Kristiyanismo
Sining at Kultura:
 produktong kanluranin
 wikang banyaga
Pagsasanay:

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

Sang-ayon ka ba sa kaisipang superior at mas sibilisado ang mga Kanluranin kasya sa mga taga Asya.
Bakit?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 7 Araling Panlipunan


Araling Asyano
Ikaapat na Markahan

Gawain Blg. 4
Paksa: Ang Mga Nagbago at Nanatili sa Ilalim ng Kolonyalismo
Pamantayan sa Pagkatuto: Naipapaliwanag ang mga nagbago at nanatili sa ilalim ng kolonyalismo.
(AP7KIS-IVa-1.3)
Layunin: Naipapaliwanag ang mga nagbago at nanatili sa ilalim ng kolonyalismo
Sanggunian:
1. EASE II Module 7
2. * Asya: Pag-usbong ngKabihasnan II. 2008. Pp.290-299
3. * Asya: Noon, Ngayon at sa Hinaharap II. 2000. Pp.141-153

Ang mga rehiyon ng Silangan at Timog-silangang Asya ay nahati sa mga Kanluranin maliban sa
Siam o Thailand na nanatiling malaya bagamat kinakailangan din niyang palagiang makibagay sa England at
France na nasa hangganan niya. Dahil sa imperyalismo at kolonyalismo nabago ang mga sumusunod:
 Anyo ng rehiyon
Nagkaroon na ng mga permamenteng hangganan ang bawat bansaupang maliwanag sa mga
kanluranin kung hanggang saaan ang sakop ng bawat isa.
 Umusbong ang kolonyal na lungsod
Natali ang mga lokal na ekonomiya ng Timog-silangang Asya sa pandaigdigang kalakalan.
 Nagkaroon ng makabagong komunikasyon at transportasyon
 Nabago ang komposisyong etniko
Nagkaroon ng lahing mestizo
 Dumagsa ang mga mangangalakal
Permanenteng naninirahan ang mga Indian at Tsinong mangangalakal

PICTURE ANALYSIS:

Masdan ang larawan:

Pagsasanay:
1. Ipaliwanag ang mga pagbabagong naidudulot ng mga Kanluranin sa kanilang mga bansang nasakop?

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 7 Araling Panlipunan


Araling Asyano
Ikaapat na Markahan

Gawain bilang 5
Paksa: Mga Epekto ng Kolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Pamantayan sa Pagkatuto: Natataya ang mga epekto ng kolonyalismo sa Silangan at Timo-
Silangang Asya (AP7KIS-IVb-1.4)
Layunin: 1. Natataya ang mga epekto ng kolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
2. Napatutunayan ang mga mahahalagang pamana ng mga kolonyalista sa lipunan
Sanggunian:
1. EASE II Module 7
2. https://www.youtube.com/watch?v=MMea9-ikwY0
Code: AP7KIS-IVb- 1.4

Konsepto:

Epekto ng kolonyalismo sa Silangan at Timog-silangang Asya


 Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sariling bansa gamit ang sariling sistema
 Nagtatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan
 Pag-unlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon
 Nagtayo ng mga irigasyon, ospital, paaralan at simbahan
 Sumulpot ang mga kolonyal na lungsod
 Nagkaroon ng fixed border o takdang hangganan ang teritoryo ng mga bansa
 Pagpapairal ng wikang kanluranin bilang wikang gagamitin sa mga paaralan
 Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo
 Ang kaugalian ay nahaluan
 Nabuo ang kilusang nasyonalismo

Pagsasanay:
1. Isa-isahin ang mga negatibo at positibong epekto ng kolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
2. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang pamana (legacy)ng mga kolonyalista sa ating lipunan
na makikita pahanggang ngayon?Patunayan.

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 7 Araling Panlipunan


Araling Asyano
Ikaapat na Markahan
Gawain bilang 6
Paksa: Ang mga Karanasan sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa Ilalim ng Kolonyalismo
at Imperyalismong Kanluranin
Pamantayan sa Pagkatuto: Naihahambing ang mga karanasan sa Silangan at Timog-Silangang
Asya sailalim ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin (AP7KIS-IVb-1.5)
Layunin: 1. Naihahambing ang mga karanasan sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa ilalim ng
kolonyalismo at imperyalismong kanluranin
2. Nasusuri ang mga naging karanasanng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang
Asyasa ilalim ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin
Sanggunian:
1. EASE II Module 7
2. * Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan II. 2008. Pp.290-299

Konsepto:
Dumanas ng malubhang paghihirap, pagkagutom, pang-aabuso, at pagkawala ng karapatan
at kalayaan ang mga Asyano dulot ng mga patakaran ng mga Kanluraning nakasakop sa kanilang
lupain.Ang mga karanasan ng mga Asyano mula sa pananakop ng mga kanluranin ay nagbigay-daan
sa pag-unlad ng kanilang damdaming nasyonalismo.

Pagsasanay:

PICTURE ANALYSIS:

1. Ano ang ipinahiwatig sa larawan?


2. Ganito rin ba ang kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol?Bakit?

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

3. May pagkakatulad ba ang mga karanasan ng taga-Silangang Asya sa naranasan ng


ating bansa sa ilalim ng mga Espanyol? Bakit?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 7 Araling Panlipunan


Araling Asyano
Ikaapat na Markahan

Gawain bilang 7
Paksa: Mga Salik at Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong at Pag-unlad ng
Nasyonalismosa Silangan at Timog-Silangang Asya
Pamantayan sa Pagkatuto:. Nasusuri ang mga salik at pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong at
pag-unlad ng Nasyonalismo sa Silangang Asya at sa Timog-Silangang Asya (AP7KIS-IVc-1.7)
Layunin: 1. Nasusuri ang mga salik at pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong at
pag-unlad ng Nasyonalismo sa Silangang Asya at sa Timog-Silangang Asya;
2. Naipakikita ang pagpapahalaga sa nasyonalismo.
Sanggunian: K 12 Learning Modules -Quarter 4,
Konsepto:
Nasyonalismo - ang pagkakaroon ng kamalayan ng isang lahi na may kasaysayan,wika, at
pagpapahalaga.

CHINA
 Simula ng pagkawala ng control ng China sa kaniyang bansa nang matalo ng Great Britain sa Unang
Digmaan Opyo at sa Great Britain at France sa Ikalawang Digmaang Opyo at nilagdaan ang
Kasunduang Nanking at Kasunduang Tientsin.
 Nagkaroon ng dalawang rebelyon ang mga Tsino,Rebelyong Taipeng at Rebelyong Boxer.
 Lumaganap ang ideolohiyang demokrasya at komunismo.
 Naging sarado ang China at sapilitang pagpasok ng mga Kanluranin.
JAPAN
 Ipinatupad ang Open Door Policy
 Umusbong ang Nasyonalismo na pinasimulan ni Emperador Mutsuhito na kilala bilang Meiji
Restoration
INDONESIA
 Naitatag ang makabayang samahangBudi Utomo, Sarekat Islam, Indonesia Communist Party
at Indonesian Nationalist Party dulot ng di makatarungang pananakop ng Ducth.
BURMA
 Sa pagkatalo nawala ang kalayaan at paglagda sa Kasunduang Yandabo sa pagkontrol ng Great
Britain sa Burma bilang teritoryo at naghahangad ng kalayaan sa pamamagitan ng mga rebelyon.
PILIPINAS
 Naghirap at pinagmalupitan ng mga Espanyol
 Naitatag ng mga ilustrado ang Kilusang Propaganda at Katipunan ng mga Katipunero.
Indochina
 Hindi nakamit ang pagkakaisa na labanan ang mga kanluraning mananakop dahil sa magkaiba ang
lahi at kultura
VIETNAM
 Ipinakita ang damdaming makabansa sa pakikidigma.

Pagsasanay:
1. Ano ang iyong sariling pagkakahulugan sa salitang Nasyonalismo?
2. Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang damdaming Nasyonalismo?

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 7 Araling Panlipunan


Araling Asyano
Ikaapat na Markahan

Gawain bilang 8
Paksa: Iba’t ibang Manipestasyon ng Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Pamantayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang iba’t ibang manipestasyon ng Nasyonalismo sa Silangan at
Timog-Silangang Asya (AP7KIS-IVc-1.8)
Layunin:1. Naipapaliwanag ang iba’t ibang manipestasyon ng Nasyonalismo sa Silangang at
Timog-Silangang Asya;
2. Nakatutukoy ng isang manipestasyon ng nasyonalismo na naganap sa sariling buhay
Sangguniang Aklat: Asya Pag-usbong ng Kabihasnan pahina 308-320

Konsepto:
Iba-iba ang naging manipestasyon ng nasyonalismo sa iba’t ibang bansa dahil sa magkakaiba ang
dahilan nito.

Mga Manipestasyon ng Nasyonalismo


 Nabuo ang mga rebelyon laban sa mga manlulupig na dayuhan
 Nabuo ang dalawang magkasalungat na ideolohiya, demokrasya at komunismo
 Niyakap ng Japan ang impluwensyang Kanluranin at sumailalim ito sa modernisasyon
 Nag-alsa ang mga Pilipino at mga Vietnamese para sa kalayaan
 Nailunsad ang mga kilusang reporma o propaganda ng mga ilustrado at mga samahang makabayan

Pagsasanay:
A. Sa limang manipestasyong nakalahad, pumili ng isang pinakagusto mo. Isulat sa unang kahon at
ang katwiran sa ikalawang kahon sa ibaba.

1. Manipestasyon

2. Katuwiran

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

B. Magtukoy ng isang pangyayaring nagawa sa buhay mo na nagpapakita ng pagmamahal sa sariling


bayan. Iguhit ito.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 7 Araling Panlipunan


Araling Asyano
Ikaapat na Markahan
Gawain bilang 9
Paksa: Paglaya ng mga Bansa sa Silangang Asya at Timog- Silangang Asya
Pamantayan sa Pagkatuto: Nabibigyang-halaga ang pael na ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa
Silangan at Timog- Silangang Asya tungo sa paglaya ng mga bansa mula sa imperyalismo.
AP7KIS-IVd-1.9
Layunin: Nabibigyang-halaga ang papel ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa
Silangan at Timog-Silangang Asya tungo sa paglaya ng mga bansa mula sa Imperyalismo.
Sanggunian: K 12 Learning Modules -Quarter 4 pahina 439-443

Konsepto:
Ang pananakop at paniniil sa mga bansa sa Silangang at Timog- Silangang Asya na naging dahilan
sa paglunsad at pag-usbong ng diwang makabansa bilang tugon sa pang-aabuso at pagyurak sa karapatan.
Dahil nito, ang mga bansa ay may tanging mithiin na magkaroon ng kalayaan.

Tsina
Tatlong uri ng Nasyonalismo ang umusbong
 Tradisyunal na ang layunin ay paalisin ang mga Kanluranin
 Nasyonalismong may impluwensiya ngkanluran na ang layunin ay maging republika ang China
yakap ang ideolohiyang demokratiko na pinangunahan ni Dr Sun Yat Sen at Chiang Kai Shek
 Nasyonalismong may impluwensiya ng Komunismona pinangunahan ni Mao Zedong.

Korea
Dalawang Ideolohiyana pinamagitan ng 38TH parallel:
 Komunismo-Hilagang Korea sinuportahan ng Unyong Sobyet sa pamumuno ni Kim II Sung
 Demokrasya-Timog Korea sinuportahan ng Amerika sa pamumuno ni Syngman Rhee

INDONESIA
 Nakamit ang kalayaan noong Agosto 17,1945sa pamumuno ni Achmed Sukarno laban sa mga
Olandes.

VIETNAM
 Nagkaroon ng tatlong paglaya at napag-isa sa pamumuno ni Nguyen Ai-Qouc o Ho Chih Minh mula
sa kilusang Viet Minhbilang isang Sosyalistang Republika.

BURMA
 Lumaya noong Enero 04,1948 sa pamumuno ni U Nu punong ministro ng Republika at nailipat kay
Heneral Ne Wim isang diktador-military at pinairal ang ideolohiyang Myanmar way to Socialism

PILIPINAS
 Nakamit ang kalayaan noong Hunyo 12,1898 sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo

Pagsasanay:
1. Bilang mag-aaral, ano-ano ang inyong tungkulin sa bansa?

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

2. Magtala limang karapatan na inyong tinatamasa bilang malayang mamamayan.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 7 Araling Panlipunan


Araling Asyano
Ikaapat na Markahan
Gawain bilang 10
Paksa: Mga Epekto ng Nasyonalismo sa Sigalot Etniko sa Asya
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga epekto ng nasyolismo sa sigalot etniko sa Asya. AP7KIS-IVd-1.10
Layunin: 1. Nasusuri ang mga epekto ng nasyonalismo sa sigalot etniko sa Asya.
2. Nakapagbibigay ng panata ng pagmamalas ng damdaming nasyonalismo.
Sanggunia: K12 Learning Modules 4 Quarter, pahina 348-376

Konsepto:
Marami ang mga pangkat etiko sa Asya at magkaiba rin ang mga epekto ng nasyonalismo sa sigalot
etniko nito.
CHINA
Dalawang magkatunggaling Ideolohiya:
*Demokrasya - isinulong ni Sun Yat-Sen “Ama ng Republikang Tsino” ang pagkakaisa gamit ang tatlong
prinsipyo: san min chu-io nasyonalismo, min-tsu-chu-io demo-krasya, at min-sheng-chu-i o
kabuhayang pantao.
*Komunismo -isinulong ni Mao Zedong na naniniwla na ang pananaig ng mga manggagawa at maitatag
ang lipunang sosyalista.
JAPAN
Open Door Policy - umusbong ang damdaming nasyonalismo na pinasimulan ni Emperador Mutsuhito
na kilala bilang Meiji Restoration.
INDONESIA
Patuloy ang pakikibaka ng mga Indones dahil sa mga negatibong epekto sa kabuhayan nito at kinailangang
makipaglaban upang makamit ang kalayaan at pinalabas ni Sukarno ang deskreto noong Agosto 17,1945
na nagdeklara ng kasarinlan.
BURMA
Hindi matanggap ng mga Burmese ang pagkontrol at gawing lalawigan lamang ng India ang Burma
at nagpahayag ng damdaming nasyonalismo sa pamamagitan ng rebelyon at pagtatag ng mga
makabayang samahan.
INDOCHINA
Nagpakita ng damdaming nasyonalismo sa pamamagitan ng pakikidigma sa mga Kanluranin.
VIETNAM
Nagkaroon ng tunggalian ng ideolohiya na naghati sa 17th parallel, HilagangVietnam – Komunismo,
at Timog Vietnam - Demokrasya.
PILIPINAS
Maraming naghirap sa pagmamalupit ng mga Espanyol at laganap ang racial discrimination.Nagpamalas
ng nasyonalismong Pilipino na sinimulan ng mga ilustrado na nagtatag ng Kilusang Propaganda.

Pagsasanay:
1. Bilang isang mag-aaral, sumulat ng isang panata kung paano maipamamalas ang nasyonalismo upang maisulong
ang kaunlaran at maprotektahan ang kalayaan ng Pilipinas.
Ang Aking Panata
Ako si ________________________________ ay ____________________________________________
____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

Lagda

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 7 Araling Panlipunan


Araling Asyano
Ikaapat na Markahan
Gawain Blg. 11
Paksa: Mga Pamamaraang Ginamit sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa Pagtamo ng
Kalayaan Mula sa Kolonyalismo.
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga pamamaraang ginamit sa Silangan at Timog- Silangang Asya
sa pagtatamo ng kalalyaan mula sa kolonyalismo. AP7KIS-IV-1.11
Layunin:1. Nasusuri ang mga pamamaraang ginamit sa Silangan at Timog-Silangang Asya
sa pagtatamo ng kalayaan mula sa kolonyalismo;
2. Nakakapagbigay ng mga reaksiyon tungkol sa mga pananakop na naganap sa Pilipinas.
Sanggunian: Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan pahina 308-311 at 315-317

Konsepto:
Mga pamamaraang ginamit sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa pagtamo ng kalayaan mula sa
kolonyalismo.

 China
Nagkaroon ng dalawang rebelyon: Rebelyong Taipingna naghimagsik na pabagsakin ang Manchu at
Rebelyong Boxer nabumatikos sa mga Kanluranin na may mga layuning palayasin ang mapanghimasok at
mapagsamantalang Kanluranin. Nagkaroon ng United Front ang mga Komunista at Nasyonalista nang salakayin
ng mga Hapones ang China. Nagkasundo na magsanib ng pwersa at labanan ang mga Hapones upang mapalayas.

 Japan
Hindi sumang-ayon ang Shogunato ang pagpasok ng Kristiyanismo at nagbigay ng edict o kautusan na patayin
ang Kristyanong misyonero. Nag-utos ang Tokugawa na isara ang Japan sa mga Kanluranin tawag ay sakoku o
pagsasara ng daungan

 Pilipinas
Dalawang anyo ng nasyonalismo ang ipinamalas ng Pilipinas,ang marahas at tahasang naghanap ng
kalayaan
at diplomatiko at banayad. Kilusang Reporma o Propaganda layunin na humiling ng mga pagbabago para sa
ikabubuti ng lipunang Pilipino. Katipunan na naglalayon ng kalayaan para sa Pilipinas.

 Thailand
Nakaligtas sa kolonisasyon dahil sa kahusayan ng monarkiya na gamitin ang pamamaraan ng diplomasyon
upang mapaamo ang mga kolonyalistang bansa.

 Malaysia at Burma
Nakamit ang kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang paraan.

 Indonesia
Bumuo ng isang samahang makabayan, ang Budi Otomo.

 Vietnam
Isang matagalang digmaan ang ginawa ng mga Vietnamese.

Pagsasanay:
1. Iba-iba ang anyo ng nasyonalismo na nabuo sa Silangan at Timog Silangang Asya?Magbigay ng

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

tatlongmga halimbawa.
2. Hindi ba maganda ang reaksiyon ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Espanol sa
Pilipinas? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 7 Araling Panlipunan


Araling Asyano
Ikaapat na Markahan
Gawain bilang 12
Paksa: Ang mga Matinding Epekto ng mga Digmaang Pandaigdig sa Pag-angat ng mga
Malawakang Kilusang Nasyonalista
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga matinding epekto ng digmaang pandaigdig sa pag-angat ng
malawakang kilusang nasyonalista.APKIS-IVe-1.12
Layunin: 1. Nasusuri ang mga matinding epekto ng mga digmaang pandaigdig sa pag-angat
ng mga malawakang kilusang nasyonalista.
2. Nakakapaghinuha ng mga pangyayari sa kasalukuyan na nararamdaman ang Neokolonyalismo
sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas.
Sanggunian: K 12 Learning Modules -Quarter 4 pahina 476

Konsepto
Sa pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagkaroon ng bagong paraan ng pananakop na
tinatawag na Neokolonyalismo. Ito ay ang di-tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang
makapangyarihang bansa.

 Japan nakaranas ng neokolonyalismo mula sa United Digmaang Pandaigdig mula sa United States
of America.

 Vietnam at Pilipinas napagkalooban ng tulong pinansyal at militar, kalimitang mga dating kolonya
ay nasa Asya at Aprika.

 Nagkakaroon ng mga kasunduang legal sa magkabilang bansa upang maging posible ang pagbibigay
at pagtanggap ng mga tulong na ito.

 Labis din ang kapakinabangang tinatamasa ng mga kapitalistang bansa, katulad ng pagtataguyod
at pamumuhunan sa mga bansang kanilang tinutulungan.

 Masasalamin pa rin ang impluwensiyang pulitikal, kultural at sosyal.

 Naging instrumento rin nila sa kanilang neokoloyalismo ang mga institusyon katulad ng
International Monetary Fund (IMF), World Bank (WB) at maging United Nations (UN) . Bunga
nito, ang kulturang kanluranin ay bahagi ng halos lahat ng bansa sa Silangan at Timog Silangang
Asya, isang matibay na patunay na niyakap ng mga Asyano ang kanilang kalinangan.

 Ang pananatili ng kontrol o kung di man ay ang impluwesiya ng mga dating mananakop na bansa.

Pagsasanay:

1. Ano ang Neokolonyalismo?


2. Nagaganap pa ba ang Neokolonyalismo sa kasalukuyan? Magbigay ng isang halimbawa na
nagaganap pa ito sa ating lugar?

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 7 Araling Panlipunan


Araling Asyano
Ikaapat na Markahan
Gawain bilang 13
PAKSA: Bahaging Ginagampanan ng Nasyonalismo sa Pagbibigay Wakas sa Imperyalismo
LAYUNIN: 1. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa bahaging ginagampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas
sa imperyalismo AP7 KIS-IVf- 1.15
2. Nakatutukoy ng sariling pagpapahalaga sa bahaging ginagampanan ng nasyonalismo
Sangguniang Aklat: Asya Pag-usbong ng Kabihasnan Pp. 308-319

KONSEPTO:
Nasyonalismo ang naging pangunahing reaksyon ng mga Asyano sa imperyalismo at kolonyalismong Kanluranin.

Narito ang mga bahaging ginagampanan ng nasyonalismo:


 Nakatulong sa malaking pagbabago ng modernisasyon at ng pamahalaan
 Nailunsad ang dalawang magkasalungat na ideolohiya: demokrasya at komunismo
 Nakamulat sa mga Asyano sa damdaming makabansa,makakalikasan,maka-Diyos, at makatao
 Nakalinang sa saloobing pagkakaisa,pakikibaka, at pagkabukas

PAGSASANAY: Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng damdaming nasyonalismo?


Lagyan ng tsek (√). Ipaliwanag at isulat sa kahon sa ibaba.

------- 1. Paggalang sa awtoridad


------- 2. Pagsunod sa batas
------- 3. Pakikisama sa mga NPA at kauri nito
------- 4. Pakikipaglaban para sa karapatan
------- 5. Paggalang sa mga simbolo ng bansa tulad ng watawat
------- 6. Pagbili ng mga ng mga produkto sa Subic
------- 7. Pagtulong sa paglinis sa kapaligiran
------- 8. Pagtatrabaho sa ibang bansa
------- 9. Paggamit ng produktong lokal
------- 10.Paggamit ng wikang Filipino sa edukasyon

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 7 Araling Panlipunan


Araling Asyano
Ikaapat na Markahan

Gawain Blg. 14
Paksa : Mga Pagbabago sa Sistemang Pulitikal ng mga Bansa sa Silangan at
Timog-Silangang Asya.
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang kaugnayan sa iba’t-ibang ideolohiya (ideolohiya ng
malayang demokrasya ,sosyalismo at komunismo) sa mga malawakang kilusang nasyonalista.
AP7KIS-IVe-1.13
Layunin: Nasusuri ang mga pagbabago sa sistemang pulitikal ng mga bansa sa Silangan at
Timog –Silangang Asya.
Sanggunian: K 12 Learning Modules-Quarter 4 pahina377-381

Konsepto:

“ Ang Republika”-Nabuo ang People’s Republic of China mula 1911.Maraming mga Partido
and nabuo sa pamumuno ng mga dakilang lider tulad ni Sun-Sat-Yen,Chiang Kai-shek, at Mao
Zedong.Umiral ang komunismo,Sosyalismo at demokrasya sa iibanng piling bansang Asyano.
(Sa tulong nga manwal may mga karagdagang kaalaman ang mabasa pp.382-389).

Mahalagang pagbabagong naganap sa sistemang pulitikal sa iilang piling bansa sa Silangan


at Timog Silangang Asya sa pagdaan ng panahon mula 1911 hanggang 1993.

Pagsasanay: “SAMA-SAMA TUNGO SA TAGUMPAY”


Panuto: Bawat pangkat ay magpapakita ng pagsasatao sa mga pinuno ng bawat bansang
kinakatawan at ilahad ang timeline ng mga pangyayari.
a. Pangkat 1- China
b. Pangkat 2- Myanmar
c. Pangkat 3- Thailand
d. Pangkat 4- Malaysia

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 7 Araling Panlipunan


Araling Asyano
Ikaapat na Markahan
Gawain bilang 15
PAKSA: Mga Pagbabago sa mga Bansang Bumubuo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
PAMANTAYANG NG PAGKATUTO: Naiuugnay ang mga kasalukuyang pagbabagong pang-ekonomiya na
naganap/nagaganap sa kalagayan ng mga bnasa sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
AP7 KIS-IV-1.16; AP7KIS-IVh-1.22
Layunin: 1. Naihahambing ang mga pagbabago sa mga bansang bumubuo sa Silangan at
Timog-Silangang Asya
2. Naiuugnay ang mga kasalukuyang pagbagong pang-ekonomiya na naganap/nagaganap sa kalagayan ng
mga bansa sa Silangang at Timog-Silangang Asya
3. Natutukoy ang mga pagbabago sa bansang Pilipinas
Sangguniang Aklat: Asya Pag-usbong ng Kabihasnan Pp. 386-396
KONSEPTO:
Ang pagbabagong pang-ekonomiya na naganap at nagaganap sa rehiyon ay may kaugnayan sa kalagayan ng mga bansa
rito.
Mga Pagbabagong Pang-ekonomiya

Silangang Asya Mga Pagbabago


1.China -pagbukas ng kapitalismo
2.South Korea -bukas na kalakalan
3.Japan -industriyalisasyon
4.Taiwan -malayang pamilihan

Timog-Silangang Asya Mga Pagbabago


1.Vietnam -pandaigdigang kalakalan
2.India -kalakalang panlabas
3.Pilipinas -pagsasapribado ng mga negosyo
4.Singapore -pag-unlad ng komersyo

PAGSASANAY:
1. Ang bansang Japan at Singapore ay pawang mga bansang maunlad sa larangan ng ekonomiya. Sa
anong pagbabagong pang-ekonomiya sila nagkaiba? Ilarawan ito ayon sa sariling mong pagkaunawa.
____________________________________________________________________________________
_
____________________________________________________________________________________
_
____________________________________________________________________________________
_

2. Sa kasalukuyang kalakaran ng bansang Pilipinas, ano ang napapansin mong pagbabago batay sa
PAMUMUHAY sa Luzon at Mindanao. Isulat sa patlang ang sagot.

PAGKAKAIBA:

1. LUZON MINDANAO
--------------------------- ---------------------------

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

---------------------------
----------------------------
--------------------------- -------------------------
--------------------------- ---------------------------
PAGKAKATULAD:
2. LUZON/MINDANAO
____________________________________
____________________________________
____________________________________

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 7 Araling Panlipunan


Araling Asyano
Ikaapat na Markahan
Gawain bilang 16
PAKSA: Balangkas ng Pamahalaan ng mga Bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Pamantayan ng Pagkatuto: Nasusuri at naihahambing ang balangkas ng pamahalaan nng mga bansa sa
Silangan at Timog-Silangang Asya. AP7KIS-IVg-1.17
Layunin: Nasusuri at naihahambing ang balangkas ng pamahalaan ng mga bansa sa Silangan at
Timog-Silangang Asya
Sanggunian: Asya Pag-usbong ng Kabihasnan pahina 347-358

KONSEPTO:

Mga Uri ng Pamahalaan sa Asya:

 Monarkiya- sistema ng pamamahala kung saan ang isang tao ay nagtataglay ng minanang karapatan
upang pamunuan ang isang particular na estado habang siya ay nabubuhay pa.
2 uri ng monarkiya:
 monarkiyang absolute o walang takda - taglay nito ang panlahatang kapangyayarihang hinubog
ng tradisyon at may pagkilala sa pinuno bilang luklukan ng tinatawag na divine right o ang
karapatang mamuno na nagmula sa diyos.
 monarkiyang constitutional – ang kapangyarihan ng pinuno ay may takda. Ito ay nakasalig sa
isang konstitusyon. Kinikilala ang pinuno ng estado o head of state ng monarka ay batay sa
proseso ng pagpili o namamana. Maaaring simbolikong pinuno o pinuno ng estado ang isang
monarka.

 Aristokrasya, Oligarkiya, One-Party System, at Pamahalaang Militar


 Aristokrasya – pinamumunuan ng mga elite o isang grupo na kinikilala dahil sa pagkakaroon
ng mataas na katayuan sa lipunan, yaman, at kapangyarihang pulitikal.
 Oligarkiya – kung ang iilang namumunong ito ay hindi kabilang sa mataas na antas ng lipunan
o pinamumunuan ng isang partido.
 One-Party Government – kung saan ang nag-iisang partido pulitikal ay nagtataglay ng isang
kapangyarihan na bumabalangkas ng pamahalaan at nagbabawal sa ibang partido pulitikal na
makilahok para sa eleksyon.
 Pamahalaang-militar – ang kapangyarihang pulitikal ay hawak ng mga militar.
Ang mga pamahalaang ito ay authoritarian o diktaturyal kung saan walang demokrasya o
kalayaan.

 Demokrasya – ang kapangyarihan ay nagmumula sa sambayanan.

PAGSASANAY: Tukuyin ang uri ng pamahalaan batay sa mga sumusunod na pahayag.

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

Isulat ang titik lamang.

a. Monarkiya b. Aristokrasya C. demokrasya

_____1. Mataas na antas ng kamulatan ng mamamayan.


_____2. Ang aktwal na kapangyarihan ay nasa kamay ng may mataas na katayuan sa lipunan.
_____3. Ang kapangyarihan ay nakasalig sa konstitusyon at nabatay sa namamana.
_____4. Malayang pamamahayag at pag-oorganisa.
_____5. May pagkilala sa pinuno bilang luklukan ng tinatawag na divine right.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 7 Araling Panlipunan


Araling Asyano
Ikaapat na Markahan
Gawain Blg. 17
PAKSA: Ang Balangkas ng Pamahalaan ng mga Bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
PAMANTAYAN NG PAGKATUTO: Nasusuri at naihahambing ang balangkas ng pamahalaan nng mga bansa
sa Silangan at Timog-Silangang Asya. AP7KIS-IVg-1.17
Layunin: Nasusuri at naihahambing ang balangkas ng pamahalaan ng mga bansa sa Silangan at
Timog-Silangang Asya
Sangguniang Aklat: Asya Pag-usbong ng Kabihasnan pahina347-358

KONSEPTO:
Balangkas ng mga Pamahalaan sa Silangan at Timog-Silangang Asya
 People’s Republic of China
National People’s Congress (NPC)-pinakamataas na kapulungan ng pamahalaan
-nagpapatibay sa mga iminumungkahi ng State Council
-nangangasiwa sa mga gawaing pambansa
-paggawa ng mga batas, paglinang at pagsulong sa mga batas
o State Military Commission(SMC)
-pinakamalakas na kagawarang nagsasagawa ng mga patakaran ng People’s
Liberation Army, ang sandatahang lakas ng China
o Supreme People’s Court(SPC)
-pinakamataas na kagawarang panghukuman-nagpapatakbo sa sistemang
hudisyal. Diktadurang militar ang pamahalaang China.
 Union of Myanmar (Burma)
State Peace and Development Council (SPDC)
-Binubuo ng military, pangulo, pangalawang pangulo, kalihim, 18 iba pang kasapi
-30 ministro lahat na nangangasiwa sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan
-Ahensyang panghukuman ay kontrolado ng pamahalaan
-Pamahalaang militar
 Kingdom of Thailand (Siam)
-Hari ang pinuno ng estado, habang Lehislatura ang kinatawan ng National Assembly
-Punong Ministro ang nangangasiwa sa pamahalaan
-May Gabinete na pinapatakbo ng Council of Ministers
-Ang National Assembly (Rathasapa), pambansang kapulungan binubuo ng Senate (Wuthisapa)
at House of Representatives(Sapha PhutaenRatsadon)
-Sistemang Panghukuman: Supreme Court (San Dika),pinakamataas na ahensyang pangkatarungan
-Matatag at may kaayusan ang sistemang pulitikal kung ihambing sa Myanmar
-May pamahalaang Konstitusyonal na Monarkiya
-May kaluwagan ang partido pulitikal ng Thailand kung ihahambing sa China at Myanmar
 Federation of Malaysia
-Monarkiyang Konstitusyonal ang pamahalaan
-Tatlong Sangay ng Pamahalaan: ehekutibo, lehislatibo, at hudisyal
-Simbolikong pinuno: Kataastaasang Pinuno ng Pederasyon
-Punong Ministro ang hawak ng tunay na kapangyarihan
-Lehislatura ang bumabalangkas ng mga batas (Dewan Rakyat) House of Representatives

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

at (Dewan Nagara) Senate


-Federal Court ang sangay hudisyal
PAGSASANAY:1. Gamit ang istraktura ng pamahalaan ng Pilipinas, ipakita ang balangkas ng
Kanilang pamahalaan sa alinmang bansa sa Asya na pinag-aralan at pagkatapos ihambing ito sa Pilipinas.
Halimbawa : Kingdom of Thailand at Pilipinas o kaya Federation of Malaysia at Pilipinas.

Pamahalaan ng Pilipinas

Lehislatibo Ehekutibo Hudisyal

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 7 Araling Panlipunan


Araling Asyano
Ikaapat na Markahan
Gawain Blg. 18
Paksa: Sistemang Pulitikal sa Silangan at Timog-Silangang Asya
PAMANTAYAN NG PAGKATUTO: Nasusuri at naihahambing ang balangkas ng pamahalaan nng mga bansa sa Silangan
at Timog-Silangang Asya. AP7KIS-IVg-1.17
Layunin: Nasusuri at naihahambing ang balangkas ng pamahalaan ng mga bansa sa Silangan at
Timog-Silangang Asya.
Sanggunian: K 12 Learning Modules -Quarter 4 pahina 377-381

Konsepto:
Isa sa mga aspeto ng kultura ng isang bansa ay ang sistemang politikal na umiiral dito. Ang
sistemang politikal ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya ay nabuo batay sa mga
pangyayaring naganap dito sa mahabang panahon na bahagi na ng tinatawag na kasaysayan.

SISTEMANG PULITIKAL SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA

ANYO NG PAMAHALAAN DESKRIPSYON BANSA

Pamumuno ng isang tao ,Minana ang karapatan sa Brunei


1. MONARKIYA pamumuno,Nagtataglay ng panlahatang Cambodia
1.1Walang Takda kapangyarihan Japan
(Absolute) ,May pagkilala sa pinuno na nagtataglay ng divine
Malaysia
right o mula sa pamumuno na mula sa Diyos,
Thailand
May takda ang kapangyarihan ng pinuno na nakabatay
sa isang Saligang Batas,
1.2Konstitusyunal
Figure Head o simbolikong pinuno
 Nag-iisang partidong pulitikal ang may China
kapangyarihan na bubuo sa pamahalaan Laos
1. One Party  Pumapailalim sa isang nangungunang partido North Korea
Government ang ibang partido kung sakaling ito ay
Vietnam
papahintulutan ng una.
 Ipinagbabawal angoposisyon,diktatoryal
Pinangangasiwaan ng isang junta ang hukbong
sandatahan,Pinaiiral bilang tugon sa kaguluhang Myanmar
putikal sa bansa,Walang pinapanigan at di-kaanib sa
3. Militar anumang partidong pulitikal

4.Demokrasya Taglay ng sambayanan ang kapangyarihan East Timor


,Mayrepresentasyon ang iba’t ibang sektor Indonesia
ng lipunan sa pamahalaan,May kalayaan sa Pilipinas
pagpapahayag at pagbuo ng mga samahan
South Korea

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

,Nagtataglay at kinikilala ang karapatang Taiwan


pantao at katarungang panlipunan,May mga
legal na partido ng oposisyon,Kinikilala ang
proseso ng pamamaraan sa pagpapairal ng
hustisya.
Pagsasanay: Sagutan ang mga tanong 5 points each.

1. Ano-ano ang sistemang pulitikal na umiiral sa Silangan at Timog Silangang Asya?

2. Anong uri ng pamahalaan ang para sa iyo ang pinakamainam? Bakit?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 7 Araling Panlipunan
Araling Asyano
Ikaapat na Markahan
Gawain bilang 19
PAKSA: Mga Palatuntunang Nagtataguyod sa Karapatan ng mga Mamamayan sa Pangkalahatan
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri at naihahambing ang mga palatuntunang nagtataguyod sa
karapatan ng mamamayan sa pangkalahatan, at ng mga kababaihan, mga grupong katutubo,
mga kasapi ng caste sa India at iba pang sector ng lipunan. AP7KIS-IVg-1.18
Layunin: Nasusuri at naihahambing ang mga palatuntunang nagtataguyod sa karapatan ng
mamamayan sa pangkalahatan at ng mga kababaihan, mga grupong katutubo,mga kasapi
ng caste sa India at iba pang sektor ng lipunan.
Sangguniang Aklat: Asya Pag-usbong ng Kabihasnan pahina 362-266

Mga Palatuntunang Nagtataguyod sa Karapatan ng mga Bata at Kababaihan

 Convention on the Rights of the Child


Naglalahad ng mga karapatan ng mga kabataan na mabuhay, mabigyan ng sapat na
pagkain at malinis na tubig, magpahayag ng sarili, hindi dapat mapasailalim sa
pagpapahirap at sa hindi makataong mga parusa at capital punishment.

 International Women’s Year

 United Nations Decade for Women: Equality, Development and Peace


Naglahad ng ilang karapatan ng kababaihan: pagkakapantay-pantay ng kababaihan
at kalalakihan, karapatang bumoto at mailuklok sa isang posisyong pulitikal, makatamasa
ng edukasyon, makapaghanapbuhay, at karapatang pangkalusugan

Sa Sistemang Caste ng India, nanguna si Mohandas Gandhi sa paglaban sa pamahalaan


upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang lahat ng tao sa lipunang Indian. Naganap ito
nang sumulat ngbagong Saligang Batasang India na itinatadhana na ang lahat ng tao ay may
pantay-pantay na karapatan.

PAGSASANAY:
1. Sa dalawang palatuntunang nagtataguyod sa karapatan ng mga bata at kababaihan, sa
anong larangan sila magkatulad? Isulat sa tsart ang magkatulad na karapatan.

A. Convention on the Rights of the B. United Nations Decade for Women:

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

Child Equality, Development and Peace

2. Sa Sistemang Caste ng lipunang Indian, makatarungan bang ipinaglaban ni Gandhi ang


karapatang pagkapantay-pantay? Pangatwiran.
3. Sa kasalukuyan, ano sa iyong palagay ang karapatan na dapat pagtuonan ng pansin ng
pamahalaan? Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot sa klase.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 7 Araling Panlipunan
Araling Asyano
Ikaapt na Markahan
Gawain bilang 20
PAKSA: Ang Kalagayan at Papel ng Kababaihan sa Iba’t ibang bahagi ng Timog at Kanlurang Asya
at ang kanilang Ambag sa Bansa at Rehiyon
Pamantayan sa Pagkatuto: Naihahambing ang kalagayan at papel ng kababaihan sa iba’t ibang bahagi ng Timog at
Kanlurang Asya at ang kanilang ambag sa bansa at rehiyon.
AP7KIS-IVg-1.19
Layunin: Naihahambing ang kalagayan at papel ng kababaihan sa iba’t ibang bahagi ng Timog at
Kanlurang Asya at ang kanilang ambag sa bansa at rehiyon.
Sangguniang Aklat: Asya Pag-usbong ng Kabihasnan pahina332-342, 362-366

Ang ika-16 hanggang 20 siglo ay nagsilbing oportunidad sa mga kababaihan para mapalawak ang kanilang
papel sa lipunan at maitaguyod ng may mataas na paggalang at pagkilala.
Mapupuna na maraming kababaihan ang tumanyag sa iba’t ibang larangan. Isa itong malaking tagumpay ng
mga babae sa rehiyon na minsan sa kasaysayan ay itinuring na di gaanong mahalaga.Ipinaloob na din ng iba’tibang
bansa sa kanilang saligang batas ang mga karapatan ng babae na layuning maitaguyod ito para sa kanilang
kapakanan.Hindi rin matatawaran ang malaking partisipasyon ng mga babae sa pag-akyat ng ekonomiya ng kanilang
bansa. Sa Pilipinas ang grupong Gabriela ay kilala sa pakikipaglaban sa karapatan ng mg babae. Isa ito sa party list
ng Kongreso ng Pilipinas.
 Kalagayan ng Kababaihan sa Iba’t Ibang Bahagi ng Asya
o Sa China at India ang babae ang nagbibigay ng dote kapag ikinakasal
o Mahalaga para sa babae ng Asya na magpakita siya na may kakayahang magkaroon ng
anak
o Madalas batayan ng pag-aasawa ang kakayahang maging isang ina
o Sa China ang pagiging baog ng isang babae dahilan ng diborsyo
o Sa India naging kaugalian noon ang pagsama ng babaing asawa sa funeral pyre
o Nasa ilalim ng kapangyarihan ng kalalakihan ang mga babae sa China, India, at Japan
o Sa Kanlurang Asya , ang babae ay itinatago sa mata ng publiko sa pamamagitan ng
damit pangtakip sa buong katawan ng babae
o Sa Pilipinas, pantay ang tingin sa babae at lalaki
 Ambag ng Kababaihang Asyano sa Buhay
Pulitika: pinamumunuan ng babae ang ilang mga bansa at mga samahan sa Asya
 Panlipunan: pumapasok sa daigdig ng paggawa
nakapaghahanap buhay
 Kultura: kilala sa larangan ng sining at panitikan
PAGSASANAY:
1. Anong mga bansa ang tinutukoy sa dayagram?

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

Mga bansa sa Asya na mababa ang


posisyon ng babae sa lipunan

2. Tukuyin sa konsepto ang


a. kalagayan ng kababaihan ng Asya ang gusto mong tutulan. Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
b. ambag ng kababaihang Asyano na ang sa tingin mo ay dapat linangin. Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
3. Maglahad ng ilang ambag ng kababaihang Filipina sa sariling bansa. Isulat sa ibaba.
_____________________________________________________________________________

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 7 Araling Panlipunan
Araling Asyano
Ikaapat na Markahan
Gawain Blg. 21
Paksa: Ang Kalagayan at Papel ng mga Kababaihan sa Timog at Kanlurang Asya
Pamantayan sa Pagkatuto: Naihahambing ang kalagayan at papel ng kababaihan sa iba’t ibang
bahagi ng Timog at Kanlurang Asya at kanilang ambag sa bansa at rehiyon.
AP7KIS-IVg-1.19
Layunin: Naihahambing ang kalagayan at papel ng kababaihan sa iba’t ibang bahagi ng Timog at
Kanlurang Asya at kanilang ambag sa bansa at rehiyon.
Sanggunian: K 12 Learning Module Quarter 4

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

Pangalan Bansa Mahalagang Nagawa


Mitsu Tanaka

Nagtatag ng Grupo Tatakan Onuatachi


Japan (Fighting Women Group) at layong
tutulan ang abortion at itaguyod ang
mga karapatan ng babae.

Corazon Aquino

Unang babaeng pangulo ng bansa at


kinikilala bilang ‘Ina ng Demokrasya’.
Philippines

Aung San Suu Kyi


Pinuno ng National League for
Burma Democracy at Nobel Peace Laureate

Megawati Sukarnoputri

Indonesia Unang babaeng pangulo ng Indonesia

Pagsasanay:
1. Sa mga personalidad na nasa itaas, sino ang hinahangaan mo?
2. Bakit maituturing na kahanga-hanga ang mga nagawa ng mga kababaihan na nabanggit sa tsart?
3. Sino sa mga kababaihan sa kasalukuyang panahon sa Silangan at Timog Silangang Asya ang labis
mong hinahangaan? Bakit?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 7 Araling Panlipunan
Araling Asyano
Ikaapat na Markahan
Gawain bilang 22
Paksa: Mga Kontribusyong ng Silangan at Timog-Silaangang Asyasa Larangan ng Sining,
Humanidades, at Palakasan
Pamantayan sa Pagkatuto:
1. Napapahalagahan ang kontribusyon ng Silangan at Timog- Silangang Asya sa larangan ng
sining, humanidades, at palakasan (AP7KIS-IVj-1.26);
2. Nahihinuha ang pagkakilanlan ng kulturang Asyano batay sa kontribusyon nito
(AP7KIS-IVj-1.27);
Layunin: 1. Napapahalagahan ang kontribusyon ng Silangan at Timog- Silangang Asya sa larangan

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)


lOMoARcPSD|17667226

ng sining, humanidades, at palakasan;


2. Nahihinuha ang pagkakilanlan ng kulturang Asyano batay sa kontribusyon nito; at
3. Nakikilala ang mga tanyag na personalidad ngating bansa.
Sanggunian:
1. EASE II Modyul 16
2. * Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan II. 2008. Pp.406-413
3. * Asya: Noon, Ngayon at sa Hinaharap II. 2000 pahina 253-267
https://www.youtube.com/watch?v=M6_OBBaIUvo
https://www.youtube.com/watch?v=mQhYLOOZolY
https://www.youtube.com/watch?v=67-bgSFJiKc&t=11s

KONSEPTO:
Ang Silangan at Timog-Silangang Asya ay binigyan ng mga mahuhusay na mamamayang nakilala sa
iba’t ibang dako ng daigdig. Hinahangaan ang kanilang husay at galing sa larangan ng palakasan at
panitikan. Ang ilan sa kanila ay makikita sa talahanayan.

Kontribusyon Bansa Larangan


Athletics
Lydia De Vega –Mercado Philippines

Bowling
Paeng Nepomuceno Philippines

Billiards
Efren “Bata” Reyes Philippines

Boxing
Manny Pacquiao Philippines

Basketball
Yao Ming China

Boxing
Jung Koo Chang Korea

Panitikan
Murashaki Shikibu Japan

Gao Xingjian China Panitikan


Pamana rin ng Silangan at Timog Silangang Asya ang orkestrang Gamelan sa Indonesia, ang dulang Noh
at Kabuki ng Japan. Ang mga ito ay lalong nagpatanyag sa rehiyon ng Asya sa daigdig.
Pagsasanay:
1. Sa mga pangalan na nakasulat sa itaas, sino ang kilala mo? Kaninong yapak ang gusto mong sundan?
2. Sa pamamagitan ng pagpapangkat-pangkat, gumawa ng isang talkshow na kung saan ang mga panauhin
ay
ang mga personalidad ay ang mga nasa itaas at nakatuon sa kanilang mga kontribusyon
3. Paano nakakatulong ang mga kontribusyon ng mga Asyano para sa ating pagkakakilanlan? Ipakita ito sa
pamamagitan ng isang sayaw.

Downloaded by Hanna Mikangcrz (hannamikangcrz@gmail.com)

You might also like