You are on page 1of 16

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 8:
CBDRRM – Disaster Rehabilitation
and Recovery

1
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 8: CBDRRM – Disaster Rehabilitation and Recovery
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: MaryAnn B. Silay


Emy A. Tingson
Maria Czarina Mae Y. Cabajon
Editor: Leslie A. Terio
Tagasuri: Divina May S. Medez
Tagaguhit: Mark Dave M. Vendiola
Tagalapat: Aileen Rose N. Cruz
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Alamin

Most Essential Learning Competency (MELC)


Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan

Mga Layunin:

K: Natatalakay ang Disaster Rehabilitation and Recovery bilang ikaapat na yugto


ng DRRM plan.
S: Nasusuri ang layunin ng Disaster Rehabilitation and Recovery upang madaling
makabangon mula sa isang kalamidad.
A: Napapahalagahan ang mga mahalagang bagay na natutunan sa DRRM Plan
na itinuro ng ating paaralan.

Madalas tayong nakakapanood ng mga patalastas sa


mga telebisyon tungkol sa mga dapat gawin sa panahon ng
sakuna. Mayroon ding mga anunsyo sa radyo o sa mga
pahayagan at maging ng ating pamayanan tungkol sa mga
gagawin natin kung sakaling tayo ay nakaranas ng ibat ibang
kalamidad. Ito ay mga gawaing nakapaloob sa ikalawang
yugto ang Disaster Preparedness.

https://www.pngitem.com/middle/hwwmmim_bamboo-clipart-nature-border-design-old-paper-design/

1
Subukin
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno

1. Ito ang yugto na nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga
naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na
daloy ng pamumuhay ang isang nasalantang komunidad.
A. Disaster Preparedness
B. Disaster Response
C. Disaster Rehabilitation and Recovery
D. Disaster Prevention and Mitigation

2. Ano ang ikaapat na yugto ng DRRM Plan?


A. Disaster Rehabilitation and Recovery
B. Disaster Prevention and Recovery
C. Disaster Preparedness
D. Disaster Response

3. Anong lugar sa bansa ang nagdeklara ng zero casualty sa kabila ng pagtama ng malakas
ng bagyong Glenda noong July 2014?
A. Albay B. Surigao C. Palawan D. Cebu

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga tinatawag na tatlong Cluster Leads
na iminungkahi ng NDCC?
A. Nasyunal B. Rehiyunal C. Barangay D. Probinsiyal

5. Dito nakasalalay sa kung paano binuo ng isang komunidad ang kanilang Disaster
Management plan na bahagi ng yugto ng Preparation.
A. Recovery B. Rehabilitation C. Preparedness D. Response

6. Anong batas ng Disaster Risk Reduction Resource Manual na ginagamit sa kasalukuyang


pagtuturo ng mga Grade 10 sa mga pampublikong paaralan?
A. DepEd order no. 55 C. DepEd order no. 50
B. DepEd order No. 45 D. DepEd order no. 40

7. Anong batas ang nabuo ng Ayuda Albay Coordinating Task Force na namuno sa
pagtugon at rehabilitasyon ng lalawigan matapos ang bagyong Reming?
A. Executive order no. 01-2007
B. Executive order no. 02-2007
C. Executive order no. 03-2007
D. Executive order no. 04-2007

2
8. Anong taon ipinalabas ang NDCC circular no. 52007 na naging direktibo na nagpapatatag
sa Cluster Approach?
A. May 10, 2008 C. May 10, 2007
B. May 11, 2008 D. May 11, 2007

9. Ito ay binubuo ng iba’t ibang NGO, Red Cross at Crescent Movement, IOM, World Bank
at mga ahensiya ng United Nation.
A. Inter-Agency Standing Committee
B. Inter-Agency Task Force
C. Inter-Agency Mobilization Committee
D. Inter Agency Labor force

10. Ano ang tawag sa malakas na bagyo na tumama sa Albay noong July 2014?
A. Pablo B. Reming C. Glenda D. Yolanda

Balikan
Panuto: Isulat ang mga sagot sa kwaderno.
1. Ano-ano ang tawag sa una, ikalawa at ikatlong yugto ng CBDRRM Plan?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Tuklasin
Ang ikaapat na yugto ng DRRM Plan ay tinatawag na Disaster Rehabilitation and
Recovery. Sa yugtong ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga
nasirang pasilidad at istruktura at naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa
dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad.
Halimbawa nito ay ang pagpanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon,
suplay ng pagkain, damit at gamot, kabilang na dito ang presyo ng mga pangunahing bilihin
at nagkaloob din ng psychosocial services upang madaling malampasan ng mga biktima ang
kanilang dinanas na trahedya.
Noong 2006, ang Inter- Agency Standing Committee ay binubuo ng iba’t ibang NGO,
Red Cross at Red Crescent, International Organization Migration (IOM), World Bank at mga
ahensiya ng United Nations ay nagpalabas ng Preliminary Guidance Note. Ito ay tungkol sa
pagpapakilala ng Cluster Approach na naglalayong mapatatag ang ugnayan ng iba’t ibang
sector ng lipunan.

3
Ginamit na batayan ng National Disaster Coordinating Council ang Cluster
Approach sa pagbuo ng sistema para sa pagharap sa mga sakuna, kalamidad at hazard sa
Pilipinas.
Noong May 10, 2007, ipinalabas ang NDCC Circular no.5 2007 ito ay isang direktibo
na nagpapatatag sa Cluster Approach sa pagbuo ng mga Disaster Management System sa
Pilipinas. Iminungkahi ang pagbuo ng Cluster Leads para sa tatlong Antas, Nasyunal,
Rehiyunal at Probinsyal. Sa taong ito nabuo ang Executive Order no. 01-2007 bilang
Ayuda Albay Coordinating Task Force na siyang namuno sa pagtugon at rehabilitasyon ng
lalawigan matapos ang bagyong Reming.
Noong July 2007 sa bisa ng E.O no. 02-2007 ay binuo ang Albay Mabuhay Task Force
na may layuning ipinatupad ang mas komprehensibong programa ng kalamidad. Nakita ang
pagiging epektibo ng nasabing programa kaya idineklara ng Albay ang Zero Casualty sa
kabila ng pagtama ng malakas na bagyong Glenda noong July 2014.
Samakatuwid, ang Yugto ng Recovery ay nakasalalay sa kung paano binuo ng isang
komunidad ang kanilang Disaster Management Plan na bahagi ng yugto ng Preparation. Isa
sa pamamamaraang ginawa ng pamahalaan upang maipaalam sa mga mamamayan ang
konsepto ng DRRM Plan ay ang pagtuturo nito sa mga paaralan. Sa bisa ng DepEd Order
no. 55 ng taong 2008 binuo ang Disaster Risk Reduction Resource Manual upang magamit
sa mga konsepto na may kaugnayan sa disaster Risk Reduction Management sa mga
pampublikong paaralan.

4
Suriin
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBUO NG DISASTER RECOVERY PLAN

https://www.supraits.com/wp-content/uploads/2019/02/disaster-recovery-plan.jpg

5
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG CBDRRM PLAN

https://images.app.goo.gl/Q27WqMyP4vdXbE6d6

6
Pagyamanin

Gawain A.

Panuto: Gumawa ng listahan ng mga bagay na kailangan mo sa pagkumpuni sa


nasirang bahay dulot ng bagyo. Isulat sa kuaderno ang sagot.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga bagay na dapat unahin para sa pagkumpuni sa nasirang bahay dulot
ng bagyo? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Kailangan bang isaayos mo ang nasirang bahay? O maghintay ng ayuda galing sa
pamahalaan? Paano ka tutugon dito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain B

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa kwaderno ang
TAMA kung ito ay totoo at MALI naman kung hindi.
__________1. Binuo ang Disaster Risk Reduction Resource Manual upang magamit sa
pribadong paaralan.
__________2. Ang Nasyunal, Rehiyunal, at Probinsyal ay binuo bilang Cluster Leads sa
bansa.
__________3. Ang Recovery ay binuo bilang bahagi ng yugto ng Response.
__________4. Ang Cluster Approach ay ginamit sa pagbuo ng sistema para sa pagharap ng
kalamidad at sakuna.
__________5. Ang National Disaster Coordinating Council ay nagpatatag ng Cluster
Approach sa pagbuo ng Disaster Management System sa Pilipinas.

7
Isaisip

Bilang mamamayan ng bansang Pilipinas dapat isaisip natin na maging mapanuri,


mapagmasid sa lahat ng pangyayaring ating naranasan gaya sa isang pandemic na kusang
dumating at nagbigay takot, panganib, pangamba, pagkabalisa at walang kasiguruhan ang
ating kaligtasan.
Tayong lahat ay susunod sa utos ng ating mahal na pangulo upang maging ligtas sa
kapahamakan. Sa ating pagkakaisa at pagtutulungan, tayo ay babangon at gagawa ng
paraan upang makapagsimula at mapaunlad natin ang ating buhay at ang ating kabuhayan
nang sa gayon uunlad at sisigla ang ating ekonomiya na walang banta nang kalamidad at
hazard.

Isagawa

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na mga katanungan at isulat sa


kuwaderno ang mga sagot.

1. Saan nakatuon ang Disaster Rehabilitation and Recovery sa disaster management plan?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

8
Tayahin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno.


1. Ano ang tawag sa malakas na bagyo na tumama sa Albay noong July 2014?
A. Pablo B. Glenda C. Reming D. Yolanda
2. Anong Approach ang ginamit ng NDCC para sa pagharap sa mga sakuna, kalamidad at
hazard sa Pilipinas?
A. Cluster Approach C. Bottom Approach
B. Mobile Approach D. Social Approach
3. Ito ay binubuo ng iba’t ibang NGO, Red Cross at Red Crescent Movement, IOM, World
Bank at mga ahensiya ng United Nations
A. Inter- Agency Standing Committee
B. Inter- Agency Task Force
C. Inter- Agency Mobilization Committee
D. Inter- Agency Labor Force
4. Anong taon ipinalabas ang NDCC Circular no. 5-2007 na naging direktibo na nagpapatatag
sa Cluster Approach?
A. May 10, 2008 B. May 11, 2007 C. May 10, 2007 D. May 11, 2008
5. Anong batas ang nabuo ng Albay Coordinating Task Force na namuno sa pagtugon at
rehabilitasyon ng lalawigan natapos ang bagyong Reming?
A. Executive Order no. 01-2007 C. Executive Order no 03-2007
B. Executive Order no. 02-2007 D. Executive Order no. 04-2007
6. Anong batas ng disaster Risk Reduction Resource Manual ang ginamit sa kasalukuyang
pagtuturo ng mga grade 10 sa pampublikong paaralan ?
A. DepEd Order no. 55 C. DepEd Order no. 45
B. DepEd Order no. 50 D. DepEd Order no. 40
7. Dito nakasalalay sa kung paano binuo ng isang komunidad ang kanilang Disaster
Management plan na bahagi ng yugto ng Preparation
A. Recovery B. Rehabilitation C. Preparedness D. Response
8. Ito ang yugto na nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga
naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na
daloy ng pamumuhay ng isang nasalantang komunidad
A. Disaster Preparedness C. Disaster Rehabilitation and Recovery
B. Disaster Response D. Disaster Prevention and Mitigation
9. Ano ang ikaapat na yugto ng DRRM plan?
A. Disaster Prevention and Mitigation
B. Disaster Response
C. Disaster Preparedness
D. Disaster Rehabilitation and Recovery
10. Anong lugar sa bansa ang nagdeklara ng Zero casualty sa kabila ng pagtama ng
malakas ng bagyong Glenda noong July 2014?
A. Albay B. Surigao C. Palawan D. Cebu

9
Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

1. Dapat bang iasa ang mga gawaing pang-rehabilitasyon sa pamahalaan? Bakit?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Bilang mag-aaral ano ang maging kontribusyon mo sa suliraning kinakaharap ng ating
bansa ukol sa sakit na covid 19 ?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Paano ka tutugon sa sitwasyong New Normal?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

10
11
Pretest Post-test Gawain A
1. c 1. b Base sa sagot ng mag- aaral
2. a 2. a
3. a 3. a
4. c 4. c Gawain B
5. a 5. a
6. a 6. a 1. recovery
7. a 7. a 2. rehabilitation
8. c 8. a 3. rehabilitation
9. a 9. d 4. rehabilitation
10. C 10. a 5. recovery
Susi sa Pagwawasto
Glosaryo

• Disaster Rehabilitation and Recovery -ikaapat na yugto na nakatuon sa gawain at


pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at naantalang pangunahing
serbisyo upang mapanumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ng isang
nasalantang komunidad.
• Inter-Agency Standing Committee- ay binubuo ng iba’t ibang NGO, Red CROSS AT
Red Crescent, International Organization Migration (IOM), World Bank at mga
ahensiya ng United Nations ay nagpalabas ng Preliminary Guidance Note.
• National Disaster Coordinating Council- ito bumubuo ng mga cluster approach para sa
pagharap sa mga kalamidad, sakuna at hazard sa Pilipinas.
• Yugto ng Recovery- dito nakasalalay kung paano binuo ng isang komunidad ang
kanilang Disaster Management Plan na bahagi ng Preparation
• DepEd Order no. 55- ang batas na binuo ang Disaster Risk Reduction Manual upang
magamit ang konsepto sa pagtuturo ng may kaugnayan sa disaster risk reduction
management sa pampublikong paaralan
• Glenda – ang tawag sa malakas na bagyong tumama sa Albay noong July 2014

12
Sanggunian

Aklat:
MELC
Curriculum guide
Araling panlipunan 10 Isyu at Hamong Panlipunan( Gabay ng Guro)
Araing Panlipunan 10 Isyu at Hamong Panlipunan(modyul para sa mag-aaral)
Internet Sources:
https://images.app.goo.gl/LLm5m4nu6wVUWwih8
https://images.app.goo.gl/S8oogJ4w49hQvnLJ9
https://images.app.goo.gl/We2RwepUh5Wu5cUq9
https://images.app.goo.gl/YLWWASd33XMEPWWe9
https://images.app.goo.gl/V2gBBzWY5kVh4mtf7
https://images.app.goo.gl/Q27WqMyP4vdXbE6d6

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like