You are on page 1of 14

REVIEWER SEMINAR 3 WEEK 9

Guro A: Ano ang aral ng nabasa nating kuwento? Mula sa pahayag, mahihinuhang nakabatay ito
sa pagtingin na ang panitikan ay _____.

...salamin ng buhay.

...buhay na salamin

...bumubuhay ng salamin

...pagbasag sa salamin

Guro B: Ano ang maibibigay ninyong interpretasyon sa tula? Ibatay iyon sa inyong pagdanas at
ihiwalay ang nais sabhin ng makata. Nakasandig ang pagtanaw ng guro na ang pagbasa ng
panitikan ay pagturing na _____.

...patay ang awtor.

...buhay ang awtor.

...may gampanin ang panaginip

...hiwalay ang likha sa likhaan, nilikha...

Natuklasan ng mga mag-aaral na ang motibasyon ng pangunahing tauhan sa binasang maikling


kuwento na huwag bumalik sa sariling bayan ay bunga ng karanasan sa pagkabata. Nauugat din
dito ang karanasan ng manunulat. Sa tradisyong siko-analitiko, ang mga iyon ay bahagi ng
_____ ng tao.

pakikipagsapalaran

buhay

hindi malay na kaisipan

malay na kaisipan

Ekaaaaaaaaa cute :>


Sa simula ng klase, tinanong ng guro ang karanasan ng mga mag-aaral hinggil sa pagtatalong
patula bago talakayin ang nasabing paksa. Nasa yugto ang pagkatuto ng mga mag-aaral na
_____.

pagtuklas

paglilipat

pagnilayan at unawain

pagyamanin

Guro C: Nais ko na itanghal ninyo ang sariling likhang interpretasyong iskrip sa mahahalagang
yugto ng pakikipagsapalaran ni Don Juan bilang awtput ng ating paksa na pagsulat ng iskrip.
Ano ang yugto ng pagkatuto ng mga mag-aaral?

pagnilayan at unawain

pagtuklas

pagyamanin

paglilipat

Sa pagtatapos ng aralin hinggil sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, inaasahan ni Guro A na


taglayin ng mga mag-aaral ang katatagan lalo sa panahon ng pandemya. Sa pabalik na modelo
nina Wiggins at McTighe, ang yugtong ito ay nasa pagsasaalang-alang ng _____.

proseso ng pagkatuto

proseso ng pagtuturo

pagtukoy ng big ideas/ mahahalagang pag-unawa

pagtataya

Matapos ang pagtukoy ng mga mahahalagang ideya/ pag-unawa na makakamit ng mga mag-
aaral, tiniyak ni Guro A ang paraan ng pagsukat upang matamo ang mga iyon. Napagpasyahan
niyang magpatanghal ng online readers theater upang makuha ang patunay ng pagkatuto. Ano
ang yugtong ito sa disenyong pabalik?

Ekaaaaaaaaa cute :>


proseso ng pagtuturo

proseso ng pagkatuto

pagtukoy ng essential understanding

pagtataya

Sa pagtalakay ng korido, sinimulan ni Guro A at mga mag-aaral ang pagpapaliwanag sa mga


katangian at elemento nito, mga halimbawa bago tukuyin ang pagtukoy sa pagtawag at paglagom
ng konsepto nito. Ano ang metodong ito?

deductive/ pasaklaw

appreciation lesson/ araling pagpapahalaga

project method/ pamaraang pabalak

inductive/ pabuod

Ang paksa ni Guro B ay tulang liriko. Angkop niyang gawin sa simula ay basahin ang tula nang
ayon sa damdamin. Ano ang pamaraang ito?

appreciation lesson/ araling pagpapahalaga

project method/ pamaraang pabalak

deductive/ pasaklaw

inductive/ pabuod

Tinuran ni Guro C ang pagpapakilala sa tawag na tulang pasalaysay bago hinayaan ang mga
mag-aaral na magbigay ng mga halimbawa at mga katangian nito. Inilahad na halimbawa ang
epiko, awit at korido. Ang pamaraang ginamit ng guro ay _____.

project method/ pamaraang pabalak

inductive/ pabuod

appreciation lesson/ araling pagpapahalaga

deductive/ pasaklaw

Ekaaaaaaaaa cute :>


Nais ni Guro B na ituro ang kaligirang pangkasaysayan ng ambahan sa Pilipinas. Sa content-
centered na dulog, ano ang estratehiya niya rito?

problem-based

game-based

sama-samang saliksik ng mga mag-aaral

lektura

Bago simulan ang pagtalakay sa mga unang kabanata ng Noli Me Tangere, tinalakay muna ang
kasaysayan ng pagkasulat ng nobela. Ang dulog ay _____.

historikal

arketipal

siko-analitiko

sosyolohikal

Tinalakay ni Guro B ang pisikal na pagkabuo ng korido. Sa dulog- formalism, nakatuon siya sa
_____ ng teksto.

interpretasyon ng sagisag

emosyon

close reading

literariness

Ipinatuklas ni Guro C ang mga mahahalagang literary device sa halimbawang elehiya. Sa


pagbasang batay sa New Criticism, angkop na ipagawa sa mga mag-aaral ang _____ ng teksto.

close reading

literariness

open reading

Ekaaaaaaaaa cute :>


interpretasyon ng sagisag

Sa kabanatang tumatalakay sa El Filibusterismo sa salusalo ng mga kabataang-lider (na


nagsusulong ng Akademya ng Wikang Kastila) sa panciteria, nais na ipatuklas ng guro sa mga
mag-aaral ang mahahalagang pahayag hinggil sa paghahambing sa mga haing pagkain. Sa dulog-
estrukturalismo, may mahalagang ambag ang karanasan sa paligid upang maibigay ang _____.

close reading

buhay ng sumulat

interpretasyon ng sagisag

literariness

Hinikayat ng guro na basahin ng mga mag-aaral ang tulang liriko nang batay sa katangian at
elemento nito. Nakatuon ang karanasang pampanitikan sa pagbasa ng _____.

tula bilang sanaysay

tula bilang representasyon ng awtor

tula bilang likha

tula bilang tula

Napakahalaga kay Titser A ang pagpuri sa mga mag-aaral sa lahat ng angkop na tugon sa
gawaing pagbasa ng tulang pandamdamin. Ang guro ay nakasalig sa pananaw ng mga _____.

behaviorist

essentialist

theorist

constructivist

Nais ni Titser N na ipatuklas sa mga mag-aaral ang kaanyuan ng tekstong tulang pasalaysay.
Naniniwala ang guro sa mga _____.

Ekaaaaaaaaa cute :>


peminista

pormalista

kritiko

estrukturalista

Iginiya ni Titser O ang kanyang mag-aaral sa pagkakahawig ng tauhan ni Rizal sa isa sa kanyang
nobela sa isa sa maikling kuwento ni Rogelio Sikat. Nakabatay ito sa pagsusuri ng _____.

arketipo

tauhan

konteksto

banghay

Sa araling pagpapahalaga/ appreciation lesson ng tulang pandamdamin, sino ang unang


magbabasa ng tula?

mag-aaral

guro

magpanood ng video ng pagtula

mag-anyaya ng bisita

Maaari bang estratehiya sa paghawan ng sagabal ang pagpapakilala sa ilang mahalagang bahagi
ng buhay ng awtor?

Oo, kung may oras pa.

Hindi, sayang lamang ang oras.

Hindi, sa talasalitaan lamang ito.

Oo, lalo kaugnay ng nilalaman ng teksto.

Ekaaaaaaaaa cute :>


Ang pagbibigay ni Titser H ng mga pamukaw na mga tanong bago ang pagpapabasa ng kuwento
at nakatakdang hanapin habang binabasa at matugunan matapos bumasa ay nakabatay sa _____.

constructivism

content-based instruction

scaffolding

metacognition

Sa mithiing matamo ang inklusyon sa pamamagitan ng layunin ng pampanitkang klase, alin ang
angkop na ituon sa pagsusuri?

mga kilalang awtor na babae

mga gender-fair language sa akda

simbolong kakatawan sa babae

pangalan ng mga lalaki sa akda

Guro D: Hinihiling ko na ituon ninyo ang pagtangkilik ng panitikan sa pagpapasya ng tauhan at


sa pagtatampok niya ng mga kabutihang ginawa niya sa kuwento. Nais ng guro na bigyang-diin
ng mga mag-aaral ang pagsusuring- _____.

impressionistic/ affective

intrinsic/ technical

intentional

judicial

Guro E: Pansinin ang pagtatahi ng bawat taludtod at pagkabuo ng saknungan. Nais ng guro na
ipatuon ang pagbasa ng tula ng mag-aaral sa pagsusuring- _____.

judicial

impressionistic/ affective

intrinsic/ technical

Ekaaaaaaaaa cute :>


intentional

Guro F: Bukas sa pagsisimula nating talakayin ang buhay at danas ni Florante, nais kong
magsaliksik muna ang lahat ng tungkol sa buhay ng sumulat. Sa nabanggit na kasunduan, nais
ng guro na igiya ang mga mag-aaral sa pagsusuring- _____.

intrinsic/ technical

impressionistic/ affective

judicial

intentional

Guro G: Sa himagsik ng panulat ni FB sa awit tungkol sa Florante at Laura, maaari ninyong


sipatin ang himagsik ng kasalaukuyang bayan sa mga kasawian nito. Sa ganitong pahayag, nais
ituon ng guro ang pagsusuri sa _____.

mambabasa

akda

may-akda

lipunan

Guro H: Ano ang iyong damdamin sa planong himagsik ng sentral na tauhan sa nobela?
Makatwiran bang hindi niya ito napagtagumpayan? Ipaliwanag ang kasagutan. Sa academic
prompt na ito, nais pagtuonan ng pagsusuri ang _____.

akda

may-akda

mambabasa

lipunan

Ekaaaaaaaaa cute :>


Kung nais ng guro na igiya ang pagbasa ng nobelang panlipunan sa maaaring kontribusyon nito
sa mithiin at tunguhing pag-unlad ng kasalukuyang pamahalaan, aling tradisyon/ dulog
pampanitikan ang maaaring MINIMAL na tutukan sa pagtalakay?

Pormalismo

Naturalismo

Historikal

Sosyolohikal

Sa pagtalakay ng isa sa kabanata ng Noli Me Tangere, nais ng guro na bigyang tuon ng mga
mag-aaral ang kaibahan ng tsokolate eh at tsokolate ah batay sa pagkakahati ng antas ng tao sa
lipunan. Intrinsic ang atake ng talakay na nakasandig sa _____.

new criticism

structuralism

existentialism

formalism

Nais ng guro na suriin ng mga mag-aaral ang mga pahayag na madamdamin sa akda. Ang
pagbasa ng panitikan ay nakatuon sa _____.

lipunan

may-akda

akda

mambabasa

Sa mga komersyal na bersyon ng isinakomiks na korido tungkol sa Ibong Adarna, malimit na


itawag na kabanata ang pagkahati ng mga episodyo. Maaari kung ito ay itinatanghal nga sa
ibang midyum. Maaari itong taliwas sa mantra ng pormalismo na literariness na _____.

pagbasa ng tula bilang nobela

pagbasa ng tula bilang tula

Ekaaaaaaaaa cute :>


pagbasa ng tula bilang buhay

pagbasa ng tulang pasalaysay

(Walang points talaga dito)

Matapos na ipabasa ang mga unang saknong ng pag-aalay ng makata kay eme-a-ere sa awit, ano
ang maaaring angkop na estratehiya upang higit na matamo ang dulog-interaktibo?

magtanong sa mga mag-aaral

humanap ng tanong sa aklat

pasagutan ang tanong mula sa aklat

pabuoin ng tanong ang mga mag-aaral

Matapos na talakayin ang tulang pasalaysay na pasyon, naplano ng guro na ipatanghal ang piling
bahagi nito bilang pagpapahalaga sa akda. Alin ang maaaring huli sa opsyon ng guro na
estratehiya kung ang dulog ng pagtuturo ay learner-centered?

patutumbas ng modernong pagsasawika ng pasyon

pagpapaawit sa ilang bahagi gamit ang modernong musika

lektura tungkol sa kasaysayan ng pasyon

pagtatanghal ng piling bahagi bilang senakulo

Sa mga opsyon, alin ang huling gagawin ng mananalumpati upang mailahad ang wakas na
makahahatak ng atensyon ng tagatangkilik (tagatangkilik at manonood)?

maghayag ng biro

magsabi ng siping pahayag

maglagom ng tinalakay

maglahad ng tanong bilang hamon

Ekaaaaaaaaa cute :>


Bilang pagpapahalaga sa pinabasang sanaysay ng kilalang pangulo ng ibang bayan, ano ang
pinakangkop na estratehiya kung ang dulog ng pagtuturo ay learner-centered?

ipatalumpati ang akda

imbitahan sa virtual na pag-uusap ang may-akda

magtanong ng tungkol sa akda

ipapanood ang documentary tungkol sa may-akda

Sa klase ng panitikan, alin dito ang nasa higit na mataas na antas ng kasanayan sa kognitibong
domeyn?

Naiisa-isa ang tauhan sa akda

Nailalahad ang kahulugan ng mga talinghaga

Nailalahad ang mga makasaysayang sagisag sa nobela

Natutuklasan ang magkakasingkahulugan sa talata

Sa klase ng panitikan, alin ang kasanayang HINDI nakatutugon sa dulog-komunikatibo?

Nakabibigkas nang madamdamin

Nakasusulat ng repleksyon

Natutuklasan sa pinanood ang mahahalagang pananda

Nakikipagkapuwa nang tapat

Sa kabanata sa El Filibusterismo na nagsasalaysay ng panganib ng regalo ni Simoun kina Paulita


Gomez at Juanito Pelaez, anong estratehiya ang maaaring tumugon sa dulog-integratibo?

paliwanag sa balak ni Simoun

paliwanag sa poot na lumikha sa lampara

paliwanag ng agham sa gamit at panganib ng nitro-gliserina

paliwanag sa pagliligtas ni Isagani

Ekaaaaaaaaa cute :>


Sa simula ng Noli Me Tangere, ano ang maaaring HULING pagtutuonan ng talakay kung ang
dulog ay integratibo?

ang ngalan ng mga dumalo sa salusalo sa tahanan ni Kapitan Tiyago

ang split-half na pananampalataya sa nilalaman ng tahanan ni Kapitan Tiyago

ang paganismo sa mga nakasabit sa tahanan ni Kapitan Tiyago

ang arkitektura ng pagkalikha ng tahanan ni Kapitan Tiyago

Alin ang angkop na instrumento ng pagtataya sa itinanghal na talumpati ng mga mag-aaral?

rubric

pananaliksik

pagsusulit na papapel

pagmamasid

Sa pagpapasulat ng piyesa para sa isang talumpati, alin ang HINDI angkop na tayahin?

kaugnayan/ coherence

kapamigatan/ emphasis

kaisahan/ unity

paglalahad sa madla/ public delivery

Sa pagpapabigkas ng piyesa ng talumpati, alin ang HINDI angkop na tayahin?

paglalahad ng paksa

paglalahad sa madla

tinig

tindig

Ekaaaaaaaaa cute :>


Alin ang HULING opsyon ng guro sa mga estratehiyang maaaring isakatuparan sa
pagpapahalaga sa mga nobela ni Rizal?

Forum- pagsasatao at talakayan

Pageant-karakterisasyon sa mga tauhan

Tableaux- mahahalagang tagpo

Interview- pagtanggap ng mga kapuwa mag-aaral

Alin ang angkop na learner-centered na estratehiya upang mataya ng guro ang damdamin ng mga
mag-aaral sa mga tauhan sa maikling kuwento?

virtual na iskit

talakayan

pag-type in sa chatbox ng emoticons

maikling pagsusulit

Upang maisakatuparan ang ugnayan ng pagkatuto ng wika, panitikan at buhay, alin sa mga
sumusunod ang estratehiyang angkop na ipagawa ng guro?

lektura

iskit

demonstrasyon ng guro

hands-on, minds-on

Aling estratehiya ang HINDI angkop sa pagtangkilik at karanasang pampanitikan ng mag-aaral?

pagpapanood ng bersyong pelikula ng nobela

pagpapalaro hinggil sa mga sino at ano sa akda

pagpapabasa ng mga bersyong nobela ng mga pelikula

pagpapakinig ng awit buhat sa popular na tula ng bayani

Ekaaaaaaaaa cute :>


Alin ang huling isasaalang-alang ng guro sa pagtatayang pampanitikan?

pagbuo ng 100 aytem ng multiple choice

pagtatanghal ng akda ng bersyong elektroniko

pananaliksik ng mga mag-aaral

pagsasatao ng mga mag-aaral

Bilang pantulong sa lalong pag-unawa ng mga nobela ni Jose Rizal, alin sa mga sumusunod ang
huling opsyon ng guro?

magpabasa ng bersyong komiks

magbigay ng pagsusulit na multiple choice

magbigay ng pagsusulit na pasanaysay

magpanood ng bersyong pelikula

Nang maigiya ng guro ang mga mag-aaral sa pagbasang nakatuon sa panloob ng teksto, ano ang
angkop na panuto?

Ibigay ang kasingkahulugan ng may salungguhit na bahagi ng teksto.

Isalaysay sa klase ang mga kaugnay na pangyayari sa kasaysayan ng may guhit na bahagi ng
teksto.

Ilahad sa klase ang panlipunang kaugnayan ng may guhit na bahagi ng teksto.

Sumulat ng iyong sariling interpretasyon sa bahaging may guhit sa teksto.

Ekaaaaaaaaa cute :>

You might also like