You are on page 1of 112

ISABELA COLLEGES, INC.

Cauayan City, Isabela

ESTILO SA PAG-AARAL AT PERFORMANS SA PAGBASA NG AKDANG


PAMPANITIKAN NG MGA MAG-AARAL SA IKAPITONG BAITANG
NG SAN MARIANO NATIONAL HIGH SCHOOL

_________________________________

Isang Pananaliksik na
Inilahad sa Komite ng Pananaliksik
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela

_____________________________________________

Para sa Bahagyang Pagtupad


sa mga kailangan sa
Kursong Batsilyer sa Edukasyong
Pansekundarya
Medyor sa Filipino

____________________________________________

Nina:
CHARY VIE T. BALIGOD
ARIEL D. PAUIG

Disyembre 2021
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
ii

SERTIPIKASYON

Ang pananaliksik na ito na may pamagat na ESTILO SA PAG-AARAL AT

PERFORMANS SA PAGBASA NG AKDANG PAMPANITIKAN NG MGA

MAG-AARAL SA IKAPITONG BAITANG NG SAN MARIANO NATIONAL

HIGH SCHOOL, inihanda nina Chary Vie T. Baligod at Ariel D. Pauig bilang

bahagi ng katuparan sa mga pangangailangan para sa asignaturang Research

and Colloquium ay malaong iniindorso.

THESIS COMMITTEE

LUPO M. LACAMBRA, Ph.D. MARITESS S. VIERNES, Ph.D.


Miyembro Miyembro
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
iii

APPROVAL SHEET

Inaprubahan at pinahintulutan ng PANEL NG PAGSUSULIT at may-akda ay may

markang __________.

MARITESS S. VIERNES, Ph.D.


Dean, College of Education

LUPO M. LACAMBRA, Ph.D.


VP for Academics

Tinanggap at inaprubahan bilang pagtupad sa kailangan sa kursong Bachelor of

Secondary Education.

Ang Comprehensive Examination ay naipasa ng mga may-akda at may marking

_______.

Petsa: ________

MARITESS S. VIERNES, Ph.D.


Dekana
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
iv

PASASALAMAT

Ang tao ay hindi nabubuhay na nag-iisa. Kailangan niya ang tulong ng

kaniyang kapwa upang makapamuhay nang masagana. Ang pag-aaral na ito ay

isang kongkretong halimbawa upang mapatunayang ang tulong mula sa iba ay

nagbibigay-daan upang ang tagumpay ay lubusang makamtan.

Taos-pusong pasasalamat ang amingn ipinaabot sa mga sumusunod na

indibidwal, tanggapan at sa iba pang mga naging bahagi ng aming pag-aaral

para sa walang humpay na suporta, tulong at kontribusyon upang maisagawa at

maging matagumpay ang pag-aaral na ito.

Sa paaralan ng San Mariano National High School para sa paglalaan nila

ng kanilang oras upang maibahagi ang mahahalagang impormasyon at

kaalaman na aming nagamit sa aming buong pananaliksik.

Sa mga respondente na naglaan ng kanilang oras na masigasig na

nakilahok sa pagsagot nang tapat sa kanilang mga kwestyuner at sarbey.

Sa aming mga kapwa mag-aaral na nasa ikaapat na taon para sa

pagtutulungan, pagbibigay inspirasyon at pagsuporta upang matapos ang aming

pananaliksik.

Kay Dr. Maritess S. Viernes, ang aming minamahal na guro at tagapayo

sa aming pananaliksik, ipinaaabot po namin ang aming pasasalamat dahil sa


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
v

iyong walang sawang pagsuporta, pagtulong, paggabay at pag-unawa samin

habang isinasagawa ang aming pananaliksik at lalong lalo na sa pagbabahagi ng

iyong mga kaalaman ukol dito.

Sa aming mga magulang, na tumulong at umintindi samin sa mga

panahong abala kami sa paggawa ng pag-aaral na ito at sa pagbibigay ng moral

at pinansyal na suporta, pagmamahal at inspirasyon sa amin.

Sa Poong Maykapal, sa pagbibigay sa amin ng determinasyon upang

maisagawa at maisakatuparan ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman na

aming ginamit sa aming pananaliksik. Sa pagdinig sa aming mga panalangin

lalong lalo na sa mga panahong kami ay pinanghihinaan ng loob na matapos ito

sa takdang panahon.

Muli, maraming maraming salamat po sa inyong lahat.

C.T.V

A.D.P
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
vi

PAGHAHANDOG

Ang pag-aaral na ito ay hindi maisasakatuparan ng wala ang mga taong

gumabay at tumulong sa aming mga mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay taos

puso naming inihahandog sa Poong Maykapal, sa mga taong tumulong lalo na

sa mga guro ng San Mariano National High School, kay Dr. Maritess S. Viernes

at sa lahat ng mga batang mag-aaral ng San Mariano National High School na

siyang nagsilbing inspirasyon upang matapos ang pag-aaral na ito.

MARAMING SALAMAT PO!

Chary Vie

Ariel
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
vii

MGA NILALAMAN

Pahina

Dahong Pamagat ..........................................................................................i

Sertipikasyon ..........................................................................................ii

Pahintulot ..........................................................................................iii

Pasasalamat ..........................................................................................iv

Paghahandog ...........................................................................................v

Talaan ng Nilalaman ................................................................................vi

Listahan ng mga Talaan ................................................................................vii

Tsapter 1

1. Suliranin at Sandigan Nito

Panimula ............................................................................................1

Balangkas ng Konseptwal na Pananaliksik .......................................7

Paglalahad ng Suliranin .......................................................................10

Kahalagahan ng Pag-aaral .............................................................11

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral ...................................................13

Pagbibigay Kahulugan sa mga Terminolohiya .........................................14


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
viii

TSAPTER 2

2. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Lokal na Literatura ............................................................................27

Banyagang Literatura ............................................................................33

TSAPTER 3

3. Pamamaraan ng Pagsaliksik at Pagkalap sa Datos

Pamaraan ng Pagsasaliksik .................................................................38

Pook na Pinangyarihan ng Pananaliksik

............................................39

Mga Respondente ............................................................................39

Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos .......................................................39

Istatistikal na Tritment sa Datos .......................................................42

TSAPTER 4

4. Paglalahad, Pagsusuri at Pagbibigay Interpretasyon

Para sa Propayl ng mga Respondante ............................................45

TSAPTER 5

5. Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Buod ng Pananaliksik ............................................................................71

Konklusyon .......................................................................................73
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
ix

Rekomendasyon ............................................................................75

Sanggunian ..................................................................................................77

Appendices ..................................................................................................83

a. Liham na humihingi ng Pahintulot .......................................................83

b. Talatanungan sa Talatahanayan .......................................................84

Tala ng may Akda .......................................................................................103


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela

TSAPTER I
SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Panimula

Ang pagkatuto ay patuloy na proseso na nagaganap sa isang tao

upang matupad ang mga layunin at malampasan ang mga pagsubok sa

buhay.

Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang paraan sa pag-aaral ayon sa

kanilang kagustuhan. Mayroon silang iba’t ibang kahandaan at kakayahan

sa paghihinuha, pag- aalala at pag-iisip at natatanging paraan sa pagkuha

ng mga impormasyon, paggamit at paglutas ng mga problema.

Sa pagpasok ng mga bagong kaalaman at konsepto na itinuturo ng

mga guro, pangunahing nasusukat dito ang lawak at bilis ng pag-unawa ng

bawat mag-aaral ngunit ang pangunahing hamon sa sa mga guro ay

maraming mag-aaral ang nahihirapang unawain ang kanilang binabasa sa

panitikan sapagkat karamihan sa kanila ito nakakabagot na gawain. Ang

mababang kasanayan sa pagbabasa ay nakaaapekto sa pagiging matatas

sa pagbabasa, pang-unawa ng mga mag-aaral at performans sa kanilang

pagsusulit. Kailangan ng kagyat na pagtugon sa mga mag-aaral na may

mababang kasanayan sa pagbabasa (Hausheer, Hansen, & Doumas,


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
2

2011)1. Magtatagumpay ang lahat ng kasangkot kung ang kanilang mga

pangangailangan sa pagkatuto ay tutugunan ng mga paaralan at ng mga

guro.

Kaya’t napakalaking gampanin ng guro sa ikatututo at sa

ikapagtatamo ng mataas na performans sa pag-unawa ng mga mag-aaral

sa panitikan na kanilang binabasa. Ayon kay Belvez (2004) 2 ang pagtuturo

ay isang sining sapagkat ito ay maayos na paraan ng pagsasagawa ng

pagkikintal ng kaalaman. Ito ay sangay ng karunungang nauukol sa

paglikha ng maririkit na bagay at magagandang kaganapan. Sa masining

na pananaw at pamamaraan ng isang guro nakasalalay ang mabisang

pagtuturo. Ang pagiging malikhain ay nagbubunga ng mabisang pagtuturo.

Samakatuwid, ang isang masining na paraan ng pagtuturo ay makatutulong

sa mga mag-aaral upang maganyak silang mag-aral. Ang pag- aaral ng

leksiyon ay isang hakbang naman tungo sa ikauunlad o ikalalawak ng pag-

unawa ng mga mag-aaral na tanda ng pagkatuto. Ang pagkatutong ito ay

higit na mabisa kapag may ginawang pag-aangkop sa estilo ng pag-aaral

ng mga mag-aaral. (Andaya et. al. 2007.)3

Ang pag-aaral ay ginagamitan ng iba’t ibang estilo at paraan. May

1
Hausheer, R., Hansen, A., & Doumas, D. (2011). Improving reading fluency and comprehension among
elementary students: Evaluation of a school remedial reading program. Journal of School Counseling, 9(9),
1-20
2
Belvez, Aileen G. et. Al. (2004). Pagbasa at Pagsulat sa iba’t ibang Disiplina (Filipino).
Unang Edisyon, Nobyembre, Rex Book Printing Company, Inc. Sampaloc. Manila
3
Andaya, Olive Joy F. (2007). The Learning Styles of Vocational Students of Northeast Luzon Adventist
School of Technology, Mabini, Alicia, Isabela. Philippine Normal University Rel Journal, 39-50.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
3

iba’t ibang mga proseso sa pag-unawa sa pinag-aaralan. May iba’t ibang

paraan din ng pagtuturo na mas epektibo sa mga mag-aaral.

Ang mga mag-aaral ay gumagamit ng iba’t ibang estilo sa pag-aaral

na akma sa kanilang pangangailangan, kakayahan at kagustuhan.

Prinoproseso ng mga mag-aaral ang kanilang mga natutunan sa iba’t ibang

paraan: tulad ng pagmamasid at pakikinig, pag- aanalisa at pagkilos,

kritikal at malinaw na pangangatwiran, pagsusuri at paglalarawan,

pagbabalanse at akma sa pagsisimula ng pagkatuto. Nararapat din na ang

metodo sa pagtuturo ay magkakaiba. Tulad ng pagtalakay, ang iba ay

ipinapakita o nagbibigay patnubay sa mga mag-aaral tungo sa pagtuklas,

ang ilan ay nakatuon sa mga saligan at ang iba naman ay sa mga gawain,

ang ilan ay binibigyang tuon ang pag-iisip at ang iba ay ang pag-unawa.

Samakatwid, napakahalaga na magkaroon ng kaalaman ang guro sa estilo

ng kanyang pagtuturo bago lapatan ang iba’t ibang estilo sa pag-aaral ng

bawat mag-aaral.

Ang mga nakahandang estilo ang gumagabay sa pagkatuto ng isang

indibidwal. Ang mga estilo sa pag-aaral ay maaring makapagpabago sa

isang tao sa kanyang panloob na nagpapahayag ng karanasan, sa pag-

alala sa mga impormasyon, at maging ang mga salitang ginagamit niya.

Mas pinipili ng mga mag-aaral ang mga estilo sa pag-aaral kung saan sila

natututo. Nararapat na pumili ang guro ng mga kagamitan pampagtuturong


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
4

angkop sa estilo sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Mas natututo ang mga

mag-aaral kapag magkaugnay ang mga gusto nilang estilo ng pagkatuto at

sa mga inihandang estilo sa pagtuturo ng guro. Ibig sabihin, ang mga estilo

sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay nakaaapekto sa pagpili ng kagamitang

pampagtuturo ng mga guro.

Napakaraming dahilan kung bakit napakahalagang magkaroon ng

kaalaman sa estilo ng pag-aaral ng mga mag-aaral sa panig ng guro

maging sa panig ng mga mag-aaral. Una, kinakailangan ng guro na

maunawaan ang estilo ng pag-aaral ng kanyang mga mag- aaral upang

makahalaw ng mga metodo sa pagtuturo na aangkop sa mag-aaral.

Ikalawa, ang mga mag-aaral na nakaaalam sa kanilang estilo sa pagkatuto

ay magiging mahusay na mag-aaral. Ikatlo, ang guro ay nararapat na

maunawaan ang pagkakaiba-iba ng kanyang mag-aaral, at ikaapat, kung

ang estilo sa pagtuturo ay naiiba sa estilo ng pag-aaral ng nakararami sa

kanyang mag-aaral, ang guro’y kinakailangang pag-isipan kung papaano

magiging epektibo ang paggamit sa mga kagamitan sa pagtuturo na

kanyang ihahanda.

Ang mga mag-aaral ay karaniwang mawawalan ng interes, hindi

makikiisa sa talakayan sa klase, mababa ang makukuha sa mga

pagsusulit, mawawalan ng gana sa pagkatuto ng asignatura at sa kanilang

sarili, at maaaring hihinto sa kanilang pag-aaral kung hindi magkaugnay sa


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
5

kanilang estilo sa pag-aaral at estilo sa pagtuturo ng guro. Karaniwang

isinisisi ang sarili o nagbubulay-bulay ang mga guro kung mababa ang mga

nakuha ng mga mag-aaral sa kanilang pagsusulit, hindi pag-unawa sa

talakayan sa klase, at maraming lumiliban o humihinto sa pag-aaral. Para

masolusyunan ang ganitong mga suliranin ang mga guro ay nararapat na

may layunin na maging balanse ang mga metodo sa kagamitang

pampagtuturo at gustong mga paraan ng bawat mag-aaral sa kanilang pag-

aaral sa paraang nakapagpapataas sa kanilang kagustuhang matuto.

Ang pag-aangkop ay kalimitang ginagawa ng guro sa mga mag-

aaral na walang kahandaan sa kanyang pagkatuto at mga bagong mag-

aaral sa sekondarya, ay kalimitang nangyayari ang pag-aangkop sa mga

ganitong sitwasyon. Karamihan sa mga isinagawang pag-aaral ay

nagpapakita ng pagtuklas sa estilo ng pag-aaral ng mag-aaral at pag-

aakma ng guro sa kanyang mga pamamaraan o kagamitang pampagtuturo

sa mga estilo ng mga mag- aaral upang mas epektibo ang pagkatuto nila.

Kung ang guro ay magiging sensitibo sa likas na pagkakaiba-iba ng

mga mag-aaral at siya ay pamilyar sa estilo ng pagkatuto at kagustuhan sa

pag-aaral ng mga mag-aaral, magiging epektibo ang guro sa pag-aangkop

ng PAANO ang pagtuturo sa SINO ang kanyang tuturuan.

Sa usaping pagtuturo ng panitikan ay nararapat na sumalamin at

tumugon sa pangkatauhang pangangailangan ng mga mag-aaral – sosyal,


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
6

moral, at pisikal. Kung gayon, kapag nagtuturo, kailangang isaasalang-

alang ang kalikasan ng mag-aaral sa pagkatuto at alamin ang antas ng

kanilang komprehensyon sa pamamagitan ng pagsusulit sa pag- unawang

pampanitikan. Napatataas ang performans sa pag-unawang pampanitikan

ng mga mag-aaral kung may sapat at angkop na kagamitang panturo at

handa sa estilo ng pagkatuto ng mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga

pamaraan sa pagtuturo nahuhubog ang kakayahan ng mag-aaral sa pag-

aaral ng panitikan. Ang guro ay may mahalagang tungkulin na dapat

gampanan(Ahmad, 2009)4 . Nasa kamay ng guro ang pagpapausbong ng

pagmamahal at interes ng mag-aaral sa panitikan. Ang pagkagiliw sa

asignatura ay likas na mababakas sa metodolohiya at dulog na may

kapangyarihang impluwensiyahan ang hilig at pananaw ng mag-aaral sa

buhay. Sa maikling salita, nakasalalay sa guro ang paghubog at

pagpapatangkilik ng isang positibong kapaligiran at pag-uugali ng mag-

aaral upang maipadama sa kanila na sa pag-aaral ng panitikan ay walang

dapat na ikatakot at ikabahala sa kompleksidad at lawak ng tekstong

kanilang mapipili.

Dahil dito, nagpasiya ang mananaliksik na isagawa ang pag-aaral

upang malaman ang estilo sa pag-aaral at performans sa pag-unawa sa

mga akdang pampanitikan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan nito,

4
Ahmad, Fauziah, et. al. (2009). Students’ Perception of the Teachers’ Teaching of Literature
Communicating and Understanding Through the Eyes of the Audience. European Journal of Social
Sciences, Volume 7, Number 3.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
7

matutulungan ang mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto sa pamamagitan

ng pag-aangkop ng guro sa estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa

kanilang mga pamamaraan sa pagtuturo upang mapataas ang antas ng

kanilang pag-unawa sa akdang pampanitikan na kanilang pinag-aaralan.

Napakalaking tulong ng pag-aaral na ito upang makamit ang dekalidad na

uri ng edukasyon na siyang mithiin ngayon ng maraming paaralan,

pampubliko man o pribado.

Balangkas ng Konseptwal na Pananaliksik

Makikita sa Figure 1 ang balangkas konseptwal ng pananaliksik.

Ang unang kahon ay ang pampasok na tumutukoy sa estilo sa pag-aaral.

Naging batayan ang Perceptual Learning Style Preference Model na mula

kay Reid (1995)5. Ang modelong ito ay nakatuon sa pinakamainam na

pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang paghinuha:

Biswal, awditori, kinesthetic at sosyal na aspeto ng pag-aaral: pangkatan

at isahan.

Ang biswal na mag-aaral ay nais ng “pagbabasa at pagkuha ng

impormasyon gamit ang paningin”. Sa kabilang banda, ang awditori na

mag-aaral ay “komportableng natuto kahit na hindi gumagamit ng biswal


5
Reid, J.M. (1995). Learning Styles in the ESL/EFL classroom, Boston, MA: Heinie & Heinle.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
8

at mas natuto sa pakikinig ng talakayan, diyalogo at pasalitang

pagbibigay ng panuto. Ang mga mag-aaral na kinesthethic ay mas natuto

sa “maraming galaw ng mga kamay at paggawa ng masaya, mas

gustong sila ay kumikilos gamit ang katawan, kamay at tactile sense. Ang

mga mag-aaral na interpersonal ay mas natuto nang pangkatan o kung

may kasama sa pag-aaral. Ang panghuli ay ang mga mag- aaral na

intrapersonal na mas nais na matuto ng siya lang at nagbabasa nang siya

lamang.

Ang ikatlong kahon na siya namang pagbubuhos ay ang

performans sa pag-unawa sa akdang pampanitikan na nakabatay sa

kinalabasan ng isinagawang pagsusulit na gawang guro na naglalaman

ng mga pinag-aralan na akdang pampanitikan sa una at ikalawang

markahan sa taong panuruan 2021-2022.

PAMPASOK PROSESO PAGBUBUHOS


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
9

Propayl ng mga  Paggawa ng Mailarawan at


mag-aaral ayon sa: mga matukoy ang mga
listahan ng estilo sa pag-aaral at
a. Kasarian mga ang kaugnayan nito
katanungan sa performans sa
b. Edad/Gulang
o pag-unawa sa mga
c.Seksyon kwestyoner akdang
pampanitikan ng
mga mag-aaral.
 Pagbibigay
Mga estilo sa pag- ng
aaral: pagsusulit

 biswal
 awditori
 kinesthetic
 tactile
 pangkatan
 isahan

FEEDBACK

Figure 1. Balangkas Konseptwal

Paglalahad ng Suliranin
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
10

Sinikap ng pag-aaral na ito na mailarawan at matukoy ang mga estilo sa

pag-aaral at ang kaugnayan nito sa performans sa pag-unawa sa mga akdang

pampanitikan ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang ng kurikulum na K + 12,

antas sekundarya ng San Mariano National High School, San Mariano, Isabela.

Ang mga sumusunod na tiyak na mga tanong ay sinikap na sagutin sa

pag-aaral na ito:

1. Ang propayl ng mga respondent sa pag-aaral na ito ayon sa mga

sumusunod na baryabol:

a. Kasarian

b. Edad/Gulang

c. Seksyon

2. Ano-ano ang mga estilo sa pag-aaral ng panitikan ng mga mag-aaral na

nasa ikapitong baitang?

3. Ano ang performans ng mga mag-aaral na nasa ikapitong baitang sa

gawang- gurong pagsusulit sa pag-unawa ng akdang pampanitikan? at

4. Mayroon bang kaugnayan ang estilo ng pag-aaral ng panitikan ng mga

mag-aaral sa kanilang performans sa pag-unawa sa binasa?

Kahalagahan ng Pag-aaral
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
11

Ang pag-aaral na ito ay maaring makatutulong sa mga:

 Tagaplano ng kurikulum. Napakahalaga ng kanilang tungkulin sa

ikatatagumpay at pagbibigay ng dekalidad na edukasyon ng mga mag-

aaral. Ang pag-aaral na ito ay maaring maging batayan sa pagrebisa ng

kurikulum kung kinakailangan upang maiangkop sa estilo sa pag-aaral ng

mag-aaral at sa pamamaraan ng pagtuturo ng guro.

 Para sa mga guro. Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay makatutulong

upang malaman, mapahalagahan at maiangkop ang mga estilo sa pag-

aaral ng mga mag-aaral sa pagpili ng pamamaraan/metodo at kagamitan

sa pagtuturo ng mga akdang pampanitikan ng guro. Gayundin, maaring sa

pamamagitan ng pag-aaral na ito matutukoy ang performans sa pag-

unawa ng mga mag-aaral sa mga panitikan na pinag-aaralan upang

masolusyonan at mapatatag ang kanilang pagkatuto.

 Para sa tagapamuno ng paaralan. Magsisilbing patnubay ang pag-aaral

na ito upang makapagplano ng mga seminar, mga pakitang-turo, mga

pagsasanay o programa na may kinalaman sa mga estilo sa pag-aaral at

pag-alam sa performans sa pag-unawa sa mga akdang pampanitikan.

 Para sa mga mag-aaral. Sa tulong ng pag-aangkop ng guro sa kanyang

pagtuturo sa estilo sa pag-aaral mahihikayat ang mga mag-aaral na mag-


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
12

aral nang mabuti at malilinang ang kanilang performans sa pag-unawa ng

akdang pampanitikan.

 Para sa mga magulang. Mahalagang maging aktibong bahagi sila sa

estilo ng pag-aaral ng mga bata sa pamamagitan ng pagpatnubay at

paggabay sa mga mag-aaral kapag sila ay nagbabasa.

 Para sa komunidad. Isa nang pangangailangan sa komunidad ang

pagkakaroon ng mga aklatan o learning centers. Ang mga ito, kapag

pinagyaman ay may malaking maitutulong sa mga kabataan. Bukod sa

nakababahagi ito sa pagkatuto ng bata, nakatutulong pa ito na maiiwas

sila sa mga maling gawain at mga bisyo.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Saklaw ng pag-aaral na ito na alamin kung ano-ano ang mga estilo sa

pag-aaral ng panitikan sa pamamagitan ng 30 aytem na Perceptual Learning

Styles Preference Questionnaire ni Reid (1995) 6. Ito ang napiling instrumento ng

mananaliksik sapagkat ito’y nasuri na ng mga eksperto at pinakagamiting

6
Reid, J. M. (Ed.). (1995). Perceptual learning style preference survey. In J. Reid (Ed.): Understanding
learning styles in the second language classroom. (pp. 162-167). USA Prentice Hall Regents.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
13

instrumento sa pagsusuri sa estilo ng pag- aaral ng mga mag-aaral. Inalam din

kung mayroon bang kaugnayan ang estilo ng pag-aaral ng panitikan ng mga

mag-aaral sa kanilang performans sa pag-unawa sa binasa.

Bukod dito, sakop din ng pag-aaral na matiyak ang performans ng mga

mag-aaral sa pag-unawa sa akdang pampanitikan sa pamamagitan ng

pagsusulit na gawang guro na binubuo ng 50 na aytem. Kalakip ng talahanayan

ng espisipikasyon na batay sa Higher Order Thinking Skills at Lower Order

Thinking Skills. Ibinatay ang ginawang pagsusulit sa mga akdang pampanitikan

na natalakay sa unang markahan ng taong panuruan 2021-2022. Ang pag-alam

sa antas ng pag- unawa sa mga akdang pampanitikan ay napili ng mananaliksik

na maging tuon sa pag-aaral sapagkat ito ay isa sa mga kompetensi sa

asignaturang Filipino sa lahat ng antas sa sekondarya. Ang mga respondent ay

nagmula sa dalawang seksyon ng Grade 7 sa San Mariano National High

School, San Mariano, Isabela. Ito ang Grade 7 Newton na may 34 na mga mag-

aaral at Grade 7 Einstein na may 35 na mga mag-aaral.

Pagbibigay Kahulugan sa mga Terminolohiya


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
14

Upang maunawaan nang lubos at lalo pang mapahalagahan ang pag-

aaral na ito, ang mga sumusunod na termino ay inangkupan ng depinisyong

opereysyunal at panlahat.

Estilo sa pag-aaral ng panitikan. Estratehiya o pamamaraan ng mga mag-aaral

upang matutunan at maunawaan ang mga pinag-aralang akdang pampanitikan.

Mga akdang pampanitikan. Tumutukoy sa mga akdang pampanitikang napag-

aralan ng mga mag-aaral na nasa ikapitong baitang sa unang dalawang

markahan ng taong panunuruan 2021-2022.

Pagsusulit. Ginamit ito bilang kagamitang pantaya sa kakayahan sa

pagkaunawa sa mga natalakay na mga akdang pampanitikan

Pag-unawa. May kinalaman ito sa pagbubuo ng kahulugan habang nagaganap

ang interaksyon sa teksto (Badayos, 1999) 7. Ang pagbasang may pag-unawa ay

nagiging katunayan sa pagtatamo ng kasagutan sa mga katanungan. Ito ay

tumutukoy sa pagkuha ng mahalagang mensahe sa akdang binasa. Nakabatay

ito sa pagkilala ng gamit at kahulugan ng mga salita at ng pagkakaugnay ng mga

ito sa iba pang mga salita sa teksto, kasabay ang pagtukoy at pag-unawa sa

mga pangunahin at kaugnay na detalye. (Belvez, et. al., 2004) 8.

7
Paquito B Badayos, Filipino 2 : pagbasa at pagsulat sa iba't ibang disiplina, Manila : UST Publishing
House, 1999.

8
https://www.academia.edu/22027169/
MODULE_OF_INSTRUCTIONPagbasa_at_Pagsulat_Tungo_sa_Pananaliksik_1_Pagbasa
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
15

Performans sa pag-unawa ng mga akdang pampanitikan. Tumutukoy sa

klasipikasyon ng iskor na nakuha ng mga mag-aaral sa pagsusulit sa

komprehensyon sa mga akdang pampanitikan na napag-aralan ng mga mag-

aaral. Ang klasipikasyon ng iskor ay naayon sa sumusunod na pag-uuri: 90-100;

Nagunguna ang performans 85-89; Higit na kasiya-siya ang performans 80-84;

kasiya-siya ang performans 75-79; medyo kasiya-siya ang performance 74 –

pababa; Hindi nakatugon sa mga inaasahang performans.


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela

TSAPTER II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Upang matamo ang tiyak na tagumpay ng pag-aaral na ito, sumangguni

ang mananaliksik sa mga babasahing may kaugnayan sa paksa at mga

literaturang nagsilbing gabay upang makalikom ng karagdagang kaalaman

tungkol sa pag-aaral.

Pinag-aralan din ng mananaliksik ang ilang literatura at pag-aaral sa loob

at labas ng bansa na may kaugnayan sa pag-aaral.

Literatura

Ang sistema ng edukasyon ng isang bansa ay dapat na maging

tagapanguna ng mga pagbabago. Hindi ito dapat mahuli sa ibang larangan o

disiplina bagkus ay maging tagapanguna sa pagtuklas ng mga makabagong

kaalaman, pag-aaral o pananaliksik na makatutulong sa pag-unlad at pagtaas ng

karunungan na mahalagang salik sa kaunlaran ng bansa.


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
17

Ayon kay D. Nzbihimana (2010) 9, ang dekalidad na paaralan ay ang

paaralan na kung saan, nirerespeto ng mga mag-aaral ang kanilang kapwa,

guro, at ang tagapamahala sa kanilang paaralan. Iginiit din niya na ang mga guro

ay nagtatrabaho ng sama-sama at nagbabahagian ng mga ideya, gumagamit ng

mga estratehiya sa pagtuturo na pansarili at may pagkakaiba-iba upang

matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga mag- aaral.

Ang pagbabasa nang may pang-unawa ay binubuo ng dalawang (2) lebel

ng pagproseso, ang literal at kritikal na lebel ng pagproseso.

Ang kritikal na pagproseso ay nagsasangkot ng prosesong semantiko, na

nangyayari kapag binago natin ang kahulugan ng isang salita at iniuugnay sa iba

pang mga salita.

Ang literal na pagproseso ay kinabibilangan ng pagkilala ng istruktura at

ponolohiya, ang pagproseso ng pangungusap at istruktura ng salita at ang

kanilang mga kaugnay na tunog. Ang teoryang ito ay unang kinilala nina Fergus

I.M. Craik and Robert S. Lockhart, Cain, Kate; Oakhill Jane (2009) 10.

Ang teoryang nabanggit ay maaring hindi masaklaw ng ilang indibidwal na

nagdudulot ng suliranin ng pag-unawa sa binabasa. Ang mga estratehiya na

maaring magamit upang mapaunlad ang pang-unawa sa binabasa ay ang


9
Nzabihimina, Damien (2010). The Nature of Schools and Academic Performance of Pupils in Primary
Schools District, Kigali City.Thesis. International University of Kampala.
10
Cain, K., & Oakhill, J. (2009). Matthew effects in young readers: Reading comprehension and reading
experience aid vocabulary development. Journal of Learning Disabilities, 44 (5), 431-443.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
18

pagbubuo ng mga kasanayang pagsasalita at pakikinig sa kaalaman sa

talasalitaan, pag-unawa sa pakikinig, at matatalinghagang salita.

Ang mga bokabolaryong dati nang alam ay maiuugnay sa bagong teksto

na binabasa. Samakatwid, mapapataas ang pang-unawa ng isang indibiwal kung

ilalapat nito ang dati na nilang alam patungo sa kasalukuyang binabasa.

Sinabi ni Bulter (1989 Tan, et al., 2003) 11 na ang mga estilo sa pag-aaral

ay maaring likas at natutunan. Ang pakikipag-ugnayan ay nakadepende sa

pagkakaiba-iba o kagustuhan sa kung paano natututo ang mga mag-aaral.

Pinaniniwalaan din niya na ang estilo ng pag-aaral ay nakaiimpluwensya sa loob

ng silid-aralan higit lalo sa pangmatagalang pagkatuto sa kabuuan. Ang estilo sa

pag-aaral ay hindi nagpapakita kung gaano katalino ang isang mag-aaral o kung

gaano kahusay ang mga mag-aaral sa pagproseso ng mga natutunan.

Ayon kay Andaya et. al (2007)12, may iba’t ibang uri ng estilo ng pag-aaral.

Ang una ay biswal (Spatial). Mas gusto ng mag-aaral ang paggamit ng mga

larawan, mga imahe na nakatutulong sa kanilang pag-unawa. Ang ikalawa ay

awditori (auditory-musical). Mas gusto ng mag-aaral ang paggamit ng tunog at

musika sa kanilang pagkatuto. Ang estilo ng paggamit ng berbal (linguistic) ay

tumutukoy sa paggamit ng mga salita ayon sa kagustuhan sa pagsasalita at

pagsulat. Ang pisikal (kinesthetic) ay ang kagustuhan sa paggamit ng katawan,

11
Tan, Onn Seng, et al. (2003). Educational Psychology. Seng Lee Press, Singapore.
12
Andaya, Olive Joy F. (2007). The Learning Styles of Vocational Students of Northeast Luzon Adventist
School of Technology, Mabini, Alicia, Isabela. Philippine Normal University Rel Journal, 39-50.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
19

kamay at paggamit ng pakiramdam. Sa kritikal (mathematical), ang mga mag-

aaral ay nais gamitin ang kritikal na pag-iisip. Ang ibang uri ng estilo ng

pagkatuto ay sosyal (interpersonal) ang mag-aaral ay higit na natututo ng

pangkatan. Ang huling uri ng estilo sa pagkatuto ay solitary (intrapersonal). Ang

mag-aaral ay mas natututo kung siya lang mag-isa o inaaral niyang mag-isa ang

paksa.

Mayroon pang ibang uri ng mga estilo sa pag-aaral. Una, ay ang estilo sa

pag-iisip o pandamdamin. Ang mga mag-aaral ay natututo kapag alam nila ang

panloob na kalakasan, may pagkakakilanlan sa sarili at mga pag-uugaling may

kaugnayan sa sosyal at emosyunal na katangian ng isang indibidwal.

Samakatwid, kung ano ang damdamin ng mag-aaral sa kanyang sarili at kung

papaano mahuhubog ang pagmamahal sa sarili ay may kaugnay sa kanilang

pagkatuto. Ang ikalawang uri ng estilo ng pag-aaral ay ang pagproseso na

tumutukoy sa mga pare-parehong paraan upang mapadali ang pagkatuto sa

tulong ng pagganyak ng kanyang kapaligiran. Halimbawa ng estilong ito ay pag-

iisip, pandinig, biswal, pisikal at kagustuhan na nakadepende sa kapaligiran tulad

ng ilaw at ingay. Ang ikatlong uri ng estilo sa pag-aaral ay pangkaisipan na estilo

na nangangahulugang ang mga pare-parehong paraan ng pagtugon at paggamit

ng pagganyak sa kapaligiran, kung papaano nahihinuha at nauunawaan ang

mga bagay, nagiging panatag, kapaki-pakinabang, at kasiyahan sa pagproseso

ng mga impormasyon. (Tan, et al., 2003)13.

13
Tan, Onn Seng, et al. (2003). Educational Psychology. Seng Lee Press, Singapore.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
20

Dagdag pa niya na ang mga inihandang estilo ay gabay sa paraan ng

pag-aaral ng isang indibidwal. Ang mga estilo ng pag-aaral ay nagbabago rin sa

pamamagitan ng kung papaano ipamamalas ang mga karanasan, pag-alala sa

mga impormasyon, at maging sa pagpili ng mga salitang gagamitin. Pinipili ng

mga mag-aaral ang mga estilo ng pagkatuto na nakatutulong sa kanilang

pagtatagumpay, at ang estilo ng pagkatuto ng mga guro ay nakaaapekto sa

pagtuturo ng mga guro. Ibig sabihin, ang estilo ng mga mag-aaral ay dapat

magkaugnay sa paraan ng pagtuturo ng guro.

Bukod dito, ang mga estilo ng pag-aaral ay kapaki-pakinabang sa

pagpapabuti ng pag-aaral ng mga mag-aaral. Nakatutulong din ito sa mga guro

na maging positibo sa pagkakaiba ng mga mag-aaral sa silid-aralan. Nakasalalay

ito sa layunin ng guro na maaring maging gabay sa pagdidinsenyo ng mga

maaring maiangkop o hindi maiakma sa mga estilo ng mag-aaral.

Sa layuning malinawan ang paghahanay ng mga nakalilitong konsepto at

modelo ng mga estilo ng pagkatuto, ang mga mananaliksik (halimbawa si

Cassidy noong 2004)14 ay nagsagawa ng pag-iisa-isa ng konsepto at mga

proseso na may kaugnayan sa salitang 'estilo ng pag-aaral'. Bagaman

masalimuot ang labis na pagpapagaan ng isang komplikadong paksa, ang estilo

ng pag-aaral ay binubuo ng tatlong element. Una, pagproseso ng impormasyon-

mga kinaugalian na paraan ng paghihinuha, pagtatago at pag-aayos ng

14
Cassidy, S. (2004). Learning styles: An overview of theories models and measures.
Educational psychology Volume 24 no 2. Car fax Publishing Taylor and Francis Group.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
21

impormasyon (halimbawa mga larawan o berbal), pangalawa, nais sa pagtuturo-

paraan ng pag-aaral (sa pamamagitan ng kolaboratibo at isahang pagkatuto) o

sa patikular na lugar (kapaligiran o oras) at panghuli, estratehiya sa pag-aaral –

nakakukuha ng tugon sa pag- aaral sa isang parkular na aralin sa partikular na

konteksto

Ang pag-alam sa estilo ng pag-aaral ng mga mag-aaral ay nagsisilbing

gabay sa pagtuturo ng guro. Lalong nagaganyak ang mga mag-aaral kung

nararamdaman nila na may mga gawaing pampagkatutong angkop sa kanilang

estilo. “Kayat dapat na isaalang- alang ang kanilang paraan ng pag-aaral upang

maabot ang indibidwal na gawain na may malaking epekto sa performans ng

mga mag-aaral” Saad ni S. Cassidy (2004)15 sa kanyang Psychology research.

Batay kay Dunn et. al (2009)16 ang estilo ng pagkatuto ay binubuo ng 21

na elemento na na inayos sa anim na kategorya: pangkalikasan, emosyunal,

sosyolohikal sikolohikal, pisiyolohikal, at ang sikolohikal. Ang pangkalikasang

elemento ay ang tunog, liwanag, temperatura, at ang pag-upo. Ang mga

elementong ito ay may epekto sa pagkatuto. Bilang halimbawa, ilan sa mga mag-

aaral ay gusto ang tunog, mas mainit na temperatura at walang pormal na ayos

ng pag-upo o ang pag-upo sa tamang ayos kapag sila’y nagpoproseso ng mga

15
Cassidy, S. (2004). Learning styles: An overview of theories models and measures.
Educational psychology Volume 24 no 2. Car fax Publishing Taylor and Francis Group.
16
Dunn and Dunn Learning Styles cited in Testing Dunn and Dunn’s and Honey and Mumford’s Learning
Style Theories: the Case of the Slovenian Higher Education System (2009) by Penger andTekavcic(from:
https://www.efst.hr/management/Vol14No2-2009/1-Penger_Tekavcic.pdf).
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
22

bagong impormasyon. Samantalang kabilang sa emosyunal na elemento ay ang

motibasyon, reponsibilidad, pagtitiyaga sa mga gawain, at ang istruktura. Ang

sosyolohikal na elemento naman ay nakatuon sa sa maga estudyanteng nais

matuto. Ang isang mag- aaral ay maaaring makapagtrabaho ng mag-isa, may

kapares, o dili naman kaya ay sa isang grupo, katuwang ang isang may-edad o

sa lahat ng paaran. Ang pisiyolohikal na elemento naman ay kinapapalooban ng

pagkakaroon ng matatag na pananaw, paggamit, oras at magaan sa pagkilos/

paggalaw. Samantalang ang sikolohikal na elemento ay sumasaklaw sa pagiging

analitikal, global, mapanimdim, at impulsibo ng mag-aaral. Ito ay tumutukoy din

sa pandinig, biswal, pandama, o kinestetikong pagkatuto.

Ipinakilala naman ni Neil Fleiming (2001) na sinipi ni Pungan (2015) 17, ang

modelong VARK. Ang pagpapakahulugan niya sa estilo ng pag-aaral ay “ang

indibidwal na katangian at nais na paraan sa pangangalap, pag-oorganisa, at

pag-iisip ng mga impormasyon. Ang VARK ay nasa kategorya ng nais sa

pagtuturo dahil nakaapekto ito sa perseptwal na pamamaraan. Ang ibig sabihin

ng VARK ay Visual (V), Aural (A), Read/ Write (R) at kinesthetic (K).

Ayon pa sa kanya, ang mag-aaral na biswal ay mas natuto sa tulong ng

mga tsart, graphs, diagrams, larawan, highlighters at iba’t ibang kulay. Aural na

mag-aaral naman ay mas natuto sa talakayan ng aralin kasama ng kanilang guro

at kamag-aral, pagpapaliwanag sa mga bagong ideya sa iba, at paggamit ng

17
Pungan, Mary Ann R. (2015). Learning Style Preference and its Effect on the Learners Academic
Performance in English, Published Thesis. Isabela State University.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
23

tape recorder. Ang mga mag-aaral naman na mahilig sa pagbabasa at pagsulat

ay mas natututo gamit ang sanaysay/ aklat, pagpapakahulugan, pagbabasa at

pagtatala. Ang mag-aaral na kinesthetic naman ay mas natututo sa

pamamagitan ng field trips, paggawa ng mga bagay na mas nakauunawa sa

kanila, tulad ng pagpunta sa laboratoryo, at mga bagay na kanilang nararanasan.

Ang iba’t ibang gawain na nais ng mga mag-aaral ay itinuturing na higit sa

kanilang kagustuhan sa pag-aaral.

Sa pag-aaral naman ni Smith (2005) 18 binanggit niya na ang biswal na

mag-aaral ay may mahalagang naitutulong sa madaling pangangalap sa

kapaligiran na kaiba sa karaniwang paraan ng pangangalap ng impormasyon

kung saan tayo natututo. Ngunit ang kahinaan ng biswal na mag-aaral ay kung

ang ginagamit lamang nila sa kanilang pagkatuto ay ang pagbabasa ng mga

teksto, at walang kagamitang biswal. Dagdag pa niya ang mga kinestetikong

mag-aaral ay natututo sa pamamagitan ng paggalaw at may paggawa. Sila rin ay

natututo sa interaktibong pag-aaral, pagkatuto sa pamamagitan ng mga praktikal

na hamon at hands-on na karanasan at nakakakuha ng impormasyon mula sa

isang lugar patungo sa iba pang lugar. Samakatwid, ito ay may ambag sa

kanilang pagkatuto sa pagbibigay ng pagsasanay at pagpapatunay: nakararanas

ng hindi kaaya-aya ang mga kinestetikong mag-aaral sa kanilang pagkatuto

kapag walang lugar upang gumalaw para sa makatotohanang karanasan at kung

walang iba na makakasalamuha.


18
Smith, D. (2005). Advantages and disadvantages of different learning styles. Retrieved From
www.questia.com/Journals.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
24

Ayon kay Reid (1995:viii)19, ang estilo sa pag-aaral ay “isahan, likas,

nakagawian, at nais na paraan sa pagkuha, pagproseso at pagpapanatili ng

bagong impormasyon at kasanayan. Ipinakita rin niya na ang lahat ng mga mag-

aaral ay may kanya-kanyang katangian ukol sa pagproseso ng pagkatuto.

Halimbawa, ang ilang mag-aaral ay tumutugon sa mga gawain gamit ang biswal

na representasyon. Samakatwid, ang tao ay natuto sa iba’t ibang paraan at ang

mga pagkakaiba na ito sa pag-aaral ay karamihan ay nakabatay sa kanilang

lokasyon.

Isa sa pinakagamiting paraan upang alamin ang nais na estilo sa pag-

aaral ng mga mag-aaral ay ang Perceptual Learning Style Preference Model na

mula kay Reid (1995). Ito rin ang naging modelo ng pag-aaral na ito na nakatuon

sa pinakamainam na pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang

paghinuha: Biswal, awditori, kinestetiko at sosyal na aspeto ng pag-aaral:

pangkatan at isahan.

Ang biswal na mag-aaral ay nais ng “pagbabasa at pagkuha ng

impormasyon gamit ang paningin”. Ang mga mag-aaral na ito ay nais na matuto

gamit ang larawan, guniguni at malawak na pananaw. Sa kabilang banda, ang

awditori na mag-aaral ay “komportable at mas natuto sa pakikinig ng talakayan,

diyalogo at pasalitang pagbibigay ng panuto. Ang mga mag-aaral na kinesthethic

ay mas natuto sa “maraming galaw ng mga kamay at paggawa ng masaya, mas

gustong sila ay kumikilos gamit ang katawan, kamay at tactile sense. Ang mga
19
Reid, J.M. (1995). Learning Styles in the ESL/EFL classroom, Boston, MA: Heinie & Heinle.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
25

mag-aaral na interpersonal ay mas natuto nang pangkatan o kung may kasama

sa pag-aaral. Ang panghuli ay ang mga mag-aaral na intrapersonal mas nais

matuto at nagbabasa nang mag-isa.

Ayon kay Neighmond (2011)20, ang ilang mag-aaral ay natututo sa tulong

ng paningin o biswal, ang ilan naman ay natuto gamit ang pandinig o awditori o

di naman kaya ay higit na natuto sa mga aralin kung may paggalaw o kilos. Sabi

pa niya, ang mga guro ay hindi kinakailangan na maghanda ng iba’t ibang estilo

sa pagtuturo, na pinaniniwalaan din ng pag-aaral ng Dan Willingham of the

University of Virginia. Samakatwid, kung ang guro ay naniniwala na ang kanyang

mga mag-aaral ay natututo gamit ang biswal na estilo, nararapat na gumamit

siya sa kanyang talakayan gamit ang iba’t ibang konsepto tulad ng larawan, iba’t

ibang mga bagay na alam mong matuto ang mga mag-aaral kaysa sa simpleng

pakikinig sa kanilang talakayan.

Ang mga iba pang salik na nakaaapekto sa pag-unawa sa panitikan ay

ang kakulangan ng kaalaman o hindi pakikibahagi, pagbabasa na may taglay na

pagbubuo ng mga salita, pagtukoy ng mga salita sa teksto, at pagsulat ng mga

salita habang sinisikap nila ang kanilang mga sarili mula sa kabiguan (Jordai,

2011)21.

20
Neighmond, P. (2011). Think you’re an auditory or visual learner? Scientists say it’s unlikely.NPRShots
(online edition). Retrieved from www.npr.org/blogs/health/2011/08/29/139973743.

21
Jordai, H. (2011). Reading rate and comprehension. (Unpublished dissertation). Guilan University, Rasht,
Iran.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
26

Ayon naman kay Andreassen (2010)22, sa mga nagdaang taon, ang

pananaliksik na nagbibigay-diin sa komposisyon at konteksto ng pagganyak ay

isinaalang-alang upang magsilbing gabay na ang mga mag-aaral ay magkakaiba

ng kakayahan sa pagbabasa nang may pang-unawa.

Sa pamamagitan ng pinakamalinaw na estratehiya sa komprehensyon at

sa pansariling regulasyon na panuto, mas mataas ang makukuha ng mag-aaral

at magkakaroon sila ng makabuluhang pagkatuto hinggil sa pang-unawa

(Manset-Williamson & Nelson, 2005)23. Sa mga mag-aaral na mataas ang

kakayahan at tiwala sa pang-unawa, mas mababa ang suporta na nakukuha nila

mula sa kanilang mga guro.

Lokal na Literatura

Sa pananaliksik ni Benwag (2013) 24 ay isang ebalwasyon sa pagbasang

may pag- unawa ng mga mag-aaral sa una, ikalawa at ikatlong baitang ng

mababang paaralan ng Philippine Yuh Chiau School sa Cabatuan, Isabela.

Tinaya niya ang lebel sa kakayahan sa pagbasa na may pag-unawa ng mga bata

sa pagkilala ng mga detalye, talasalitaan, paghula sa kinalabasan, at pagkilala

sa pangunahing kaisipan. Iniugnay niya ang mga ito sa kanilang propayl batay sa

kasarian, edad at pinag-aralan ng ina at ama. Batay sa kinalabasan ng pag-


22
Andreassen, R., & Braten, I. (2010). Examining the prediction of reading comprehension on different
multiple-choice tests. Journal of Research in Reading 33(3): 263-283.
23
Manset-Williamson, G. & Nelson, J. M. (2005) ‘Balanced, strategic reading instruction for upper
elementary and middle school students with reading disabilities: A comparative study of two approaches’,
Learning disability quarterly, 28, pp. 59-74.
24
Benwag, Grace A. (2013). Reading Comprehension of the Grades 1 to 3 Pupils of Philippine YuhChiau
School. Isabela State University, Echague, Isabela.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
27

aaral, ang mga bata ay nasa instructional level o antas na tinuturuan at

ginagabayan sa kanilang pagbasa na may pagkaunawa. Napatunayan din sa

pag-aaral na may mahalagang kaugnayan ang propayl ng mga bata partikular na

sa kasarian at edad sa kanilang lebel ng pagkaunawa.

Sinuri naman nina Elena A. Navas, Ph. D. at Julievic D. Patling (2009) 25,

ang antas ng pagbabasa, pag-unawa at kasiyahan sa akdang pampanitikan ng

mga mag-aaral ng Philippine Normal University ang pag-aaral ay may pamagat

na Reading Interests, Attitudes, Understanding and Enjoyment of Literary

Materials of PNU Students. Ito ay deskriptibong uri ng pananaliksik na ginamitan

ng sarbey, pagsusulit sa komprehensyon at pakikipanayam sa pangangalap ng

datos. Natuklasan na mas gusto ng mga respondent ang tula sinundan naman

ito ng klasikong nobela, maikling kwento at sanaysay. Iba-iba ang mga dahilan

kung bakit binabasa ang ganitong uri ng babasahin. Maaring ito ay batay sa

kanilang kagustuhan o maaring ito ay iniatas lamang ng guro upang basahin.

Gayunman, ang ilang respondents ay hindi nakapagbabasa dahil sa kawalan ng

oras at kawalan ng mga kagamitan sa pagbabasa. Karamihan sa mga mag-aaral

ng PNU ay mabuting mambabasa; ngunit ang aktwal na performans ay

nagpapakita na sila ay gumaganap ng fairly. Napag- alaman na bihira silang

nasiyahan sa pagbabasa. Ang rekomendasyon sa naging resulta ng pag-aaral

na ito ay ang magandang programa sa pagbabasa.

25
Navas, Elena A. and Palting, Julievic D.(2009). Reading Interests, Attitudes, Understanding and
Enjoyment of Literary Materials of PNU Students. Philippine Normal University Rel Journal, 51-63.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
28

Ang pag-aaral ni Del Rosario (2015) 26 ay isinagawa upang malaman ang

Reading Beliefs (Paniniwala sa Pagbasa), Metacognitive Reading Strategies

(Metakognitibong Estratehiya sa Pagbasa) at Text Comprehension (Pag-unawa

sa teksto) ng mga mag-aaral ng Isabela State University. Ito ay ginamitan ng

Descriptive- correlational na pamamaraan na kinabibilangan ng 232 na katugon

mula sa unang antas ng Tersiyarya sa Departamento ng College of Engineering

na kumuha ng asignaturang English 12 sa Ikalawang semester, taong panuruan

2014-2015.

Ipinapakita ng resulta ng pag-aaral na mas marami sa tagatugon ay aktibo

ang pananaw sa Pagbasa at gumagamit ng problem solving strategy. Marami rin

sa kanila ang nakakuha ng average sa pag-unawa sa teksto. Lumabas sa pag-

aaral na ang pagiging aktibo at pasib ng mambabasa ay may kaugnayan sa

metacognitive strategies na ginagamit ng mga mag-aaral.

Ayon sa pag-aaral nina Andaya et. al. 2007 27 na may pamagat na The

Learning Styles of Vocational Students of Northeast Luzon Adventist School of

Technology, Mabini, Alicia, Isabela. Ang kabuuang layunin ng pag-aaral ay

alamin kung ano ang estilo sa pag-aaral ng NELA-ST. Decriptive-survey method

at ang Mamletics Learning Styles Inventory ang ginamit sa pangangalap ng

26
Del Rosario, Allan Isidoro C. (2015). Reading Belief, Metacognitive Reading Strategies and Text
Comprehension of Freshman Students of Isabela State University, Published Thesis. Isabela State
University.
27
Andaya, Olive Joy F. (2007). The Learning Styles of Vocational Students of Northeast Luzon Adventist
School of Technology, Mabini, Alicia, Isabela. Philippine Normal UniversityRel Journal, 39-50.(From:
www4.ncsu.edu/unity/lockers/users/f/felder/public/learning-styles.Html and http:/www.Irng-styles-
online.com.)
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
29

datos ng pag-aaral. Tatlumpu’t anim (36) na respondent ang sumailalim sa pag-

aaral. Total enumeration ang ginawa sa pagpili sa mga respondent.

Ang pinakamabisang estilo ng pag-aaral ng mga respondent ay isahang

pagkatuto o solitary (intrapersonal) habang ang hindi gaanong mabisang estilo

ng pag-aaral ay pisikal (kinesthetic).

Binigyan diin din nila na ang bawat mag-aaral ay may iba’t ibang estilo at

pamamaraan sa pag-aaral. Maaring ang mga estilong ito ay sabay-sabay na

gagamitin. Ang isang mag-aaral ay maaaring kakikitaan ng iba’t ibang estilo

ngunit may isang nangingibabaw na estilo sa kanyang pag-aaral at may mga

estilo rin na hindi madalas gamitin. Maari ding kakikitaan ang mag-aaral ng iba’t

ibang estilo sa iba’t ibang aspeto. Walang tamang kombinasyon sa mga estilo at

lalong walang antas sa pagkakasunod-sunod ang mga ito.

Sa pag-aaral naman na isinagawa ni Santiago, (2015) 28 na may pamagat

na Learning Environment, Learning Style Preference and Academic Performance

in English of Students in Jones, Isabela.

Natuklasan na ang mga mag-aaral sa ikawalong baitang ay sumang-ayon

sa iba’t- ibang estilo ng pag-aaral.

Tinanggap din ang haypotesis na walang makabuluhang ugnayan ang

pang- akademikong performans ng mga respondent sa asignaturang Ingles at sa

28
Santiago, Gerald N. (2015). Learning Environment, Learning Style Preference and Academic Performance
in English of Students in Jones , Isabela, Published Thesis. Isabela State University.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
30

nais na estilo sa pag-aaral. Nangangahulugan itong anuman ang estilo sa pag-

aaral ng mga respondent ay walang kinalaman sa kanilang akademikong

performans sa asignaturang Ingles.

Sa pag-aaral ni Pungan (2015) 29, na may pamagat na Learning Style

Preference and its effect on the Learners’ Academic Performance in English.

Lumabas sa pag-aaral niya na ang nangunguna sa nais na estilo ng pag-aaral ng

mga mag-aaral ay “kinesthethic” at ang hindi naman masyadong gusto ng mga

mag-aaral ay “awditori”.

Sa pag-aaral ni Pataueg, (2015)30 na may pamagat na The Learning

Styles, Language Learning Strategies, and the Academic Achievement of the

Students in Diffun Quirino na naglalayong malaman ang estilo ng pag-aaral at

pagtatagumpay sa larangan ng akademiko ng mga mag-aaral sa Diffun Quirino

gumamit ng descriptive-correlational na binubuo ng tatlumpu’t pitong (37) mag-

aaral ng San Isidro Integrated School sa Diffun Quirino. Gumamit ng

talatanungan sa pangangalap ng datos tungkol sa estilo ng pag-aaral at

estratehiya sa pagkatuto ng wika.

Lumabas sa pag-aaral na nangibabaw ang awditori at biswal na estilo

kaysa sa pandamdamin, pangkatan o isahan pagkatuto. Ang kanilang

29
Pungan, Mary Ann R. (2015). Learning Style Preference and its Effect on the Learners Academic
Performance in English, Published Thesis. Isabela State University.
30
Pataueg, Sheilo Mae A. (2015). The Learning Styles, Language Strategies, and the Academic
Achievement of the Students in Diffun Quirino, Published Thesis. Isabela State University.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
31

estratehiya ng pag-aaral ng wika ay memory, cognitive, compensation,

metacognitive, affective, at social.

Ang resulta ng pag-aaral ay nagpapakita na walang kabuluhang

kaugnayan sa pagitan ng estilo sa pag-aaral at pagtatagumpay sa akademiko ng

mga mag-aaral at wala ring kabuluhang kaugnayan sa pagitan ng mga

estratehiya sa pag-aaral ng wika at pagtatagumpay sa akademiko ng mga mag-

aaral.

Sina Dr. Navas et. al. (2014)31 ay nagsagawa rin ng pag-aaral na may

pamagat na English Language Learning Styles and Ethnicity of IP Students of

Philippine Normal University-North Luzon Campus, ang pananaliksik ay gumamit

ng deskriptibong- korelasyunal na pamamaraan sa pangngalap ng datos. Ang

layunin ng pag-aaral ay tukuyin ang etnisidad at estilo sa pag-aaral ng IP na

mag-aaral ng PNU-North Luzon. Inalam din ng pag-aaral kung mayroon bang

makabuluhang ugnayan ang estilo ng pag-aaral at etnisidad ng mga mag-aaral

na IP ng PNU-NLC. Lumabas sa resulta ng pag-aaral na nangunguna sa lahat

ng estilo sa pag-aaral ay ang kinesthetic. Sinundan ito ng awditori, biswal,

indibidwal, tactile at pangkatan. Ang pangkatan, awditori at kinesthetic na estilo

sa pag-aaral ay may kabuluhang pagkakaiba sa etnisidad ng mga mag-aaral na

IP sa PNU- NLC.

31
Navas, Elena A. et. Al. (2014). English Language Learning Styles and Ethnicity of IP Students of
Philippine Normal University-North Luzon Campus. Philippine Normal University Rel Journal Volume 5,
No.1, 139-156.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
32

Banyagang Literatura

Ayon naman kay Salvin (2000) na sinipi ni R. Vaseghi (2012) 32 kung nais

mong matuto sa pamamagitan ng may nakikita ikaw ay biswal na mag-aaral, sa

kabilang dako naman, kung nais matuto sa pamamagitan ng pagdinig, ikaw ay

isang awditori na mag- aaral. Ito ay umaayon sa pag-aaral na isinagawa ni R.

Mustaffa (2005) na ginamit ni R. Vaseghi (2012) na nagpapahiwatig na ang estilo

ng pag-aaral gaya ng kinesthetic/tactile at pangkatan na estilo ng pag-aaral

kinilala bilang pangunahing ginagamit na estilo ng pag- aaral ng mga mag-aaral

na kumukuha ng mga kursong Batsilyer sa Sining. Ang kanyang pag-aaral ay

nagsiwalat ng karagdagang resulta ukol sa biswal at awditori bilang hindi

masyadong ginagamit na estilo ng pag-aaral. Sa ibang dako naman, ang pag-

aaral na isinagawa ni Riazi at Riashi (2007), lumabas na ang nais na estilo ng

pagkatuto ng mga mag-aaral na gumagamit ng Ingles bilang lingua franca ay

mas gusto nilang makilahok sa mga gawain sa loob ng klasrum. Mas gusto nila

kung sila ay nakikipagtulungan sa kanilang mga kaklase. Ibig sabihin ang nais

nilang estilo ng pag-aaral ay pangkatan. Sa karagdagan pa ni A. Ahmad (2011)

kay Vaseghi (2012) napag-alaman nila na ang nais na estilo ng pag- aaral sa

252 respondent ito ay ang indibidwal na pagkatuto ang nais nilang estilo batay sa

lumabas na resulta.

32
Vaseghi, R. et. Al. (2012). Language learning style preferences: a theoretical and empirical
study. Advances in Social Sciences Vol. 2 No. 2 World Science Publisher.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
33

Sinuri nina Magogwe at Oliver (2007) ang iba't ibang padron ng

estratehiya na ginagamit ng tatlong pangkat ng mga mag-aaral: elementarya,

sekondarya at kolehiyo na mga mag-aaral ng Botswana, South Africa. Iniulat nila

na ang mas maalam na mga mag- aaral ay gumagamit ng mga estratehiya sa

pag-aaral ng wika nang mas madalas kaysa sa wala masyadong kaalaman na

mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral ng elementarya ay nais gamitin ang

estratehiyang sa pamamagitan ng pangkatan, ngunit sa mag-aaral ng

sekondarya at kolehiyo ay parehong gumagamit metakognitibong estratehiya.

Ang mga pag-aaral nina Fuente at Cardelle-Elawar (2009) 33 ay nagbigay

ng reaksyon sa kung papaano haharapin ng mga mag-aaral ang resulta ng

kanilang pagsusulit. Gumawa sila ng konklusyon na ang pagpaplano ng mga

mag-aaral sa kanilang pag-aaral at kanilang mga estilo sa pag-aaral ay ang

pinakamainam na opsyon upang makakuha ng mataas na iskor dahil sa pagiging

epektibo nito. Ayon kay Indreica et al., (2011) 34 ang mga oras na nasasayang

bago ang araw na itinakda sa kanilang pagsusulit ang nagiging suliranin at

dahilan upang bumagsak at hindi handa sa kanilang pag-aaral kaya sila

nakakukuha ng mababang iskor sa kanilang performans sa pagsusulit. Ang

33
Fuente J. and Cardelle-Elawar (2009). Research on action emotion style and study habit: effects of
individual differences on learning and academic performance of undergraduate schools, Learning and
Individual Differences, 19: 567-576.
34
Indreica, E. S. et al (2011). Effects of learning styles and time management on academic achievement.
Procedia-Social and Behavioral Sciences, 30:1416-1424.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
34

solusyon sa ganitong suliranin ay ang angkop na estilo ng pag-aaral ng mga

mag-aaral.

Dagdag pa, sinabi ni Bagongon (2009) 35 na ang oras ng mga mag-aaral

sa kanilang pag-aaral ay dapat na magkaroon man lang ng tatlong oras. Ang

mga mag-aaral ay dapat na magkaroon ng espesyal na lugar upang mag-aral

para gumawa kasama ang kanilang mga kamag-aral. Mas magiging mainam ang

oras ng pagkatuto kung magkakaroon sila ng kaunting minuto na mag-ayos sa

kanilang mga sarili o ang kanilang mga kognitibong aspeto bago magsimula ang

klase.

Bilang konklusyon, maraming mga salik na nakaaapekto sa pang-

akademikong performans ng mga mag-aaral. Ito ay binubuo ng kapaligiran ng

pag-aaral at ang nais na estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Iginiit ng mga

pag-aaral sa mga naunang talata ang kahalagahan ng lugar ng pagkatuto

sapagkat ito ay naglaan ng pangangailangan ng mga mag-aaral o di naman kaya

ay makaantala sa proseso ng pagkatuto. Pinatunayan nila na ang pisikal na

katangian ng isang klasrum o nang isang pagtuturo ay maaaring magbigay ng

motibasyon ng mga mag-aaral pati na rin sa mga guro na nagiging

tagapatnubay. Pangalawa, nalaman ng mga ibang mga pananaliksik na ang nais

na estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral ay isang pangagailangan na dapat

isaalang-alang sa loob ng klasrum. Sa kabilang dako naman, ang pag-aaral na

35
Bangongon, C. and Connie Edpalina (2009). The effects of Study Habits on the Academic Performance of
freshmen education students in Xavier University, Cagayan de Oro City, Unpublished Thesis.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
35

ito ay nakatuon sa relasyon ng lugar ng pagkatuto sa asignaturang Ingles. Nais

na estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral at sa kanilang pang- akademikong

performans. Gayunpaman, hindi ito ang indikasyon na ang mga pasilidad ng

isang institusyon ay kailangan gaya ng sinabi sa mga pag-aaral. Gayunpaman,

ang mga ito ay ang mahahalaga na dapat isaalang-alang sa pakikipag-ugnayan

sa mga mag-aaral.

Sa pag-aaral nina Logan at Johnson (2009) 36, inalam nila kung ang

pagkakaiba-iba ng kasarian ay may kaugnayan sa abilidad sa pagbasa, dalas sa

pagbasa, kaugalian at paniniwala. Binubuo ng 232 na respondent na may edad

na sampu (117 ang lalaki at 115 ang babae). Gumamit ng pagsusulit at

talatanugan upang masuri ang dalas sa Pagbasa, kaugalian sa pagbasa,

kaugalian sa Paaralan, paniniwala sa kakayahan at pagtamo ng suporta sa

pang-akademiko (mula sa ibang tao, at mga guro). Ang mga babae ay may

mataas o maayos na pag-unawa sa pagbabasa, palaging nagbabasa, at may

mataas na positibong kaugalian sa pagbasa at sa paaralan. Gayunman, malaki

ang salik na nakaaapekto sa pagkakaiba ng kasarian lalo na sa kaugalian at

dalas ng pagbabasa kumpara sa abilidad sa pagbasa. Samakatuwid, sa lalaki,

ang abilidad sa pagbasa ay nakaugnay sa kanilang kaugalian sa pagbasa at sa

paaralan.

36
Logan, S. & Johnston, R. (2009). Gender differences in reading ability and attitudes: examining where
these differences lie. Journal of Reseach in Reading, 32 (2), 199- 214.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
36

Ang mga sumusunod na pag-aaral ay naglalarawan ng ilan sa mga

pagsusuring tumukoy sa iba't ibang paraan ng mga mag-aaral na kasama sa

proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Si Klinger (2007) 37 ay gumamit ng action

research upang makuha ang opinyon ng mga mag-aaral para maunawaan nang

mabuti ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Nagsikap siya upang mas

maintindihan kung paano natutunan ng mga nakapagtapos ng counseling ang

mga kakayahan nila sa pagpapayo. Habang nagpatuloy ang pagsusuri, naging

kasangkot na rin ang mga mag-aaral sa pag-aaral sa kung paano nila natutunan

ang mga kakayahan nila sa pagpapayo at upang mas mabatid nila kung paano

sila natuto. Ang pagsusuring ito ay ang pundasyon para sa umuusbong na

teoryang pinamagatang "mutual engagement" na kung saan ang mga mag-aaral

at mga guro ay magkasama sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto (Klinger,

2008b, 2009.

37
Klinger, J., Vaughn, S., & Boardman, A. (2007). Teaching reading comprehension to students with
learning difficulties. New York, NY: Library of Congress.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela

TSAPTER III
PAMAMARAAN NG PAGSASALIKSIK AT PAGKALAP SA DATOS

Inilahad sa bahaging ito ang pamaraang ginamit ng mananaliksik sa pag-

aaral, ang lokasyon, mga respondent, mga instrumentong ginamit sa

pangangalap at pagsusuri sa mga datos na nakalap upang matugunan ang mga

suliranin na inilahad sa pag-aaral na ito.

Pamaraan ng Pagsasaliksik

Sa paglalahad at pagsusuri sa mga nakalap na datos, gumamit ang

mananaliksik ng descriptive-correlational na pag-aaral na gumamit ng

quantitative na pamamaraan ng pagsusuri ng datos. Layunin nito na tiyakin ang

estilo sa pag-aaral ng panitikan at performans ng mga mag-aaral, mga at kung

mayroon bang kaugnayan ang mga estilo ng pag-aaral ng panitikan ng mga

mag-aaral sa kanilang performans sa pag-unawa sa binasa.

Ginamit ng mananaliksik ang instrumento ni Reid upang malaman ang

estilo ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa akdang pampanitikan. Ang

mananaliksik ay gumawa rin ng pagsusulit na gawang-guro o teacher-made-test

na ibinatay sa pinag-aralan sa unang dalawang markahan ng taong panuruan


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
38

2021-2022. Ito ay parehong ibinigay sa mga respondent ng dalawang pangkat.

Total enumeration ang ginamit sa pagpili ng respondent.

Pook na Pinangyarihan ng Pananaliksik

Kinalap ang datos ng pag-aaral na ito sa San Mariano National High

School sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Mga Respondente

Ang naging respondent sa pananaliksik na ito ay ang dalawang pangkat

ng mga mag-aaral sa Grade-7 ng San Mariano National High School, San

Mariano, Isabela ng taong panuruan 2021-2022. Ang dalawang pangkat na ito ay

ang Grade-7 Newton at Grade-7 Einstein.

Ang Grade-7 Einstein na binubuo ng tatlumpu’t limang respondent at ang

Grade-7 Newton na may bilang na tatlumpu’t apat na respondent. Sa kabuuan,

may animnapu’t siyam na respondent ang isinailalim sa pag-aaral na ito.

Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos

Bago sinimulan ang pag-aaral, humingi muna ang mananaliksik ng

pahintulot sa punong-guro ng San Mariano National High School at sa Schools

Division Superintendent ng Isabela.


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
39

Sa pagtukoy sa estilo sa pag-aaral ng panitikan ng mga respondent

naging batayan ng pag-aaral na ito ang 30 aytem na Perceptual Learning Styles

Preference Questionnaire ni Reid (1995) 38. Ang instrumento ay binubuo ng 30 na

aytem na may tiyak na paghahati- hati. Ang biswal (visual) na binubuo ng limang

aytem (1-5), awditori (auditory) na binubuo ng limang aytem (16-20), kinesthetic

na may limang aytem (26-30), tactile, na may lima ring aytem (11-15), pangkatan

(social) na binubuo ng limang aytem (6-10) at isahan na binubuo ng limang

aytem (21-25). Ito ang napili bilang batayan sapagkat ito ay nasuri na ng mga

eksperto mula sa mga larangan ng linggwistika, edukasyon at mga cross-cultural

na displina (Reid, 1995). Ito rin ang pinakagamiting instrumento sa pagsusuri ng

estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral (Navas et al. 2014 at Santiago 2015) na

siyang layunin din ng kasalukuyang pag-aaral.

Ang talatanungan ay isinalin sa Filipino at bahagyang binago upang

maiangkop sa tiyak na layunin ng pag-aaral na ito. Bagama’t bahagya lamang

ang ginawang pagbabago, isasailalim pa rin ito sa pagpapatibay (validation) ng

mga guro sa pagsasalin at pagtuturo ng wika at panitikan.

Sa pagtukoy naman sa performans ng mga respondent sa pag-unawa ng

akdang pampanitikan naghanda ang mananaliksik ng pagsusulit. Ang gawang-

gurong pagsusulit o teacher-made-test na binubuo ng 50 aytem mula sa unang

dalawang markahan ng taong panuruan 2021-2022. Upang matiyak na masukat

ang natutunan ng mga mag-aaral sa bawat aralin sa panitikan naghanda ang


38
Reid, J.M. (1995). Learning Styles in the ESL/EFL classroom, Boston, MA: Heinie & Heinle.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
40

mananaliksik ng talahanayan ng espesipikasyon sa mga araling pampanitikan sa

unang dalawang markahan. Maramihang pagpipili o multiple choice na may apat

na pagpipilian ang pagsusulit na ginamit. Isang puntos ang katumbas ng bawat

tamang sagot. Gayundin na ang pagsusulit ay binubuo ng mga aytem na

sumusukat pareho sa Lower Order Thinking Skills (LOTS) at Higher Order

Thinking Skills (HOTS). Ang mga aytem na nasa LOTS ay binubuo na

sumusukat sa pag-alala sa mga impormasyon, literal na pag-unawa at simpleng

pag-unawa sa akdang pampanitikan. Ang mga aytem na nasa Higher Order

Thinking Skills (HOTS) ay binubuo ng pagsusulit na naghihinuha, aplikasyon,

paghahambing, pagsasaayos sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, pag-

uuri, pagpapaliwanag sa mga padron, pagpapaliwanag sa sanhi at bunga,

pagsusuri sa pagkakaiba ng mga kaisipan na inilalahad, pagbubuo ng ugnayan

ng mga kaisipan, at ebalwasyon.

Istatistikal na Tritment sa Datos

Inayos ang mga datos na nalikom at pagkatapos ay sinuri upang

mabigyan ng angkop na pagpapakahulugan. Ginamit ang Descriptive Statistics

upang masukat ang performans ng mga mag-aaral at mga estilo sa pag-aaral ng

panitikan ng mga mag-aaral. Sa pagtukoy sa pinakagamiting estilo sa pag-aaral

ng panitikan, ginamit ang sumusunod na iskala ng mga kasagutan ng mga

respondent na hinalaw sa instrumento ni Reid (1995).


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
41

Upang higit na maunawaan ang mga nalikom na datos ang mga

sumusunod ay gagamitin: (Frequency) sa bilang ng mga mag-aaral, (respondent)

sa kabuuang bilang ng kasali sa pag-aaral at iminultiplika sa 100 (constant

value).

F
P= X 100
N

Na ang ibig sabihin ay :

P- (Percentage) bahagdan

F- (Frequency) kadalasan, kalimitan

N- (Number of respondent) bilang ng mga nagsitugon

100- (constant value)

Range Interpretasyon

3.26-4.00 Higit na Ginagamit na Estilo

2.51-3.25 Ginagamit na Estilo

1.76-2.50 Hindi Ginagamit na Estilo

1.00 – 1.75 Hindi Kailanman Ginagamit na Estilo


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
42

Para sa paglalarawan sa performans ng pag-unawa sa akdang

pampanitikan ng mga mag-aaral ay ginamit ang mean score, frequency count at

bahagdan. Ginamit din ang sumusunod na transmutasyon at deskripsyon ng

mga iskor.

Para sa Performans ng Pag-unawa sa Akdang Pampanitikan:

Iskor Grado Deskripsyon

40-50 90-100 Nangunguna ang performans

35-39 85-89 Pinakasiya-siya ang performans

30-34 80-84 Kasiya-siya ang performans

20-29 75-79 Medyo kasiya-siya ang performans

1-19 74-pababa Hindi nakakatugon sa mga

inaasahang performans

Ito ay naaayon sa bagong pagtataya at paraan ng pagbibigay ng grado sa

K to 12 kurikulum ng Departamento ng Edukasyon (DepEd). Kaya’t ito na rin ang

ginamit upang mailarawan ang performans sa pag-unawa sa akdang panitikan

ng mga mag-aaral mula sa iskor na nakuha ng mga respondent sa pagsusulit na

gawang-guro na binubuo ng 50 aytem ng unang dalawang markahan kalakip ang

talahanayan ng espesipikasyon sa mga araling pampanitikan ng unang


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
43

dalawang markahan ng taong panuruan 2021-2022 at ginawang transmutasyon

ng guro mula sa nakuhang iskor.

Spearman rho naman sa pag-alam kung mayroon bang kaugnayan ang

estilo sa pag- aaral ng panitikan ng mga mag-aaral sa kanilang performans sa

pag-unawa sa binasa. Sa pagtukoy sa ranggo ng mga ginagamit na estilo sa

pag-aaral ng panitikan ng mga mag- aaral, ginamit din ang natuos na mean sa

bawat estilo.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela

TSAPTER IV
PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGBIBIGAY INTERPRETASYON

Sa kabanatang ito, inilalahad, sinusuri at binibigyan ng kahulugan

ang mga datos na kinalap. Inihahanay sa talahanayan ang mga datos at

gumamit ng mga angkop na kagamitang pang-istadistika.

PARA SA PROPAYL NG MGA RESPONDANTE

Ang teybol 1 ay naglalahad ng kasarian ng mga respondante.

TEYBOL 1

Distribusyon ng mga Respondante Ayon sa Kasarian

KASARIAN DAMI PORSYENTO

BABAE 38 55.07%

LALAKI 31 44.93%

KABUUAN 69 100%

Nakikita sa itaas na may 38 o 55.07% porsyento ng babae at

31 o 44.93% porsyento ang lalaking respondante. Sa pagsusuri ay

makikitang mas maraming babae kaysa sa lalaki ang mag-aaral na nasa


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
45

dalawang seksyon ng Grade 7.

Ang edad ng mga respondante ang inilahad ng teybol 2.

TEYBOL 2

Distribusyon ng mga Respondante Ayon sa Gulang

GULANG DAMI PORSYENTO

12 35 50.72%

13 23 33.33%

14 9 13.04%

15 2 2.90%

KABUUAN 69 100%

Mapapansin sa teybol na ito, 35 o 50.72 porsyento ang nasa

gulang na 12, 23 o 33.33 porsyento ang nasa gulang na 13,

samantalang 9 o 13.04 porsyento ang nasa 14 gulang at dalawa o 2.90

porsyento ang nasa gulang na 19.

Ang pagsusuri sa mga edad/gulang ng mga respondante,

kapansin-pansin na mas marami ang nasa gulang na 12. Ito’y

nangangahulugang hindi pa gaanong matanda ang mga respondante na

nasa ikapitong taon.


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
46

TEYBOL 3

Distribusyon ng mga Respondante Ayon sa Seksyon

SEKSYON DAMI PORSYENTO

NEWTON 34 49.28%

EINSTEIN 35 50.72%

KABUUAN 69 100.00%

Makikita sa itaas na may 34 o 49.28% ang kabilang sa seksyong

Newton samantalang 35 o 50.72% naman sa seksyong

Einstein.Mapapansin na mas marami ang kabilang sa seksyon Newton

kaysa Einstein.

Ang mga Estilo sa Pag-aaral ng Panitikan ng mga Mag-aaral na

nasa Ikapitong Baitang

Ang limang estilo sa pag-aaral ni Reid (1995) ang naging batayan

sa pagtalakay at pag-uuri ng mga nangingibabaw na mga estilo sa pag-

aaral ng panitikan ng mga mag-aaral. Ang limang estilong ito ay

kinabibilangan ng biswal, kinestetiko, awditori, pangkatan, isahan at

taktayl.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
47

Ang mga Biswal na Estilo sa Pag-aaral ng Panitikan ng mga Mag-aaral

Makikita sa Talahanayan 1 ang limang estilo sa pag-aaral ng mga

indikasyon ng mga biswal na estilo ng pag-aaral ng panitikan.

Teybol 4. Mga Biswal na Estilo sa Pag-aaral ng Panitikan ng mga Mag-


aaral.

Aytem sa Biswal na Estilo sa pag-aaral Mean Rank Interpretasyon


1. Mas nauunawaan ko ang binabasang
3.13 2 GNE
akdang pampanitikan kung may binabasa
akong gabay na tanong.
2. Mas natatandaan ko ang binasang akda kung
3.10 3 GNE
may mga gabay na tanong.
3. Mas natututo ako sa akdang binabasa kapag
3.35 1 HE
isinusulat ng guro sa pisara ang mga
mahahalagang detalye.
4. Mas natututo ako kapag binabasa ang akda
3.01 4 GNE
kaysa pinapakinggan.
5. Higit akong natututo sa akda kapag ito’y
binabasa sa aklat kaysa pinapakinggan sa guro. 2.90 5 GNE

Biswal 3.10 GNE

3.26 – 4.00 Higit na ginagamit na estilo (HGE) 2.51 – 3.25 Ginagamit na estilo (GNE)

1.76 – 2.50 Hindi ginagamit na estilo (IGE) 1.00 – 1.75 Hindi kailanman ginagamit na estilo (HIE)
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
48

Mapapansin na maliban sa ikatlong estilo ay ginagamit ng mga mag-

aaral na may kabuuang mean na 3.10.

Ang may pinakamataas na mean na 3.35 ay ang mas natututo ako sa

akdang binabasa kapag isinusulat ng guro sa pisara ang mga mahahalagang

detalye. Ito ay nangangahulugang higit na ginagamit na estilo. Samakatwid,

mas natututo at nauunawaan ng mga respondent ang panitikan na kanilang

pinag-aaralan kung isinusulat ng guro ang mga mahahalagang impormasyon

sa pisara tulad ng elemento ng maikling kwento - tauhan, tagpuan banghay,

tema suliranin, kakalasan at aral na napulot sa akda. Sinundan ito ng mas

nauunawaan ko ang binabasang akdang pampanitikan kung may binabasa

akong gabay na tanong. Sumunod ang mas natatandaan ko ang binasang

akda kung may mga gabay na tanong; mas natututo ako kapag binabasa ang

akda kaysa pinapakinggan; at higit akong natututo sa akda kapag ito’y

binabasa sa aklat kaysa pinapakinggan sa guro ay mayparehong

interpretasyon na ginagamit na estilo. Sa kabilang banda, ang may

pinakamababang mean na may 2.90. Ibig sabihin, hindi masyadong gusto ng

mga respondent ang pagbabasa sa aklat kaya’t kinakailangan na magbigay

ang guro ng mga gawain na kawili-wili sa mga mag-aaral habang sila ay

nagbabasa tulad ng pagsusulat sa kanilang kwaderno ng mga mahahalagang

detalye o impormasyon na nakapaloob sa akdang kanilang binabasa sa

pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang grapiko.Sumasang-ayon sa pag-


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
49

aaral ni Smith (2005)39 binanggit niya na ang biswal na mag- aaral ay may

mahalagang naitutulong sa madaling pangangalap sa kapaligiran na kaiba sa

karaniwang paraan ng pangangalap ng impormasyon kung saan tayo

natututo. Ngunit ang kahinaan ng biswal na mag-aaral ay kung ang ginagamit

lamang nila sa kanilang pagkatuto ay ang pagbabasa ng mga teksto, at

walang kagamitang biswal.

Ang mga Pangkatang Estilo ng Pag-aaral ng Panitikan ng mga Mag-


aaral

Matutunghayan sa Teybol 5 ang pangkatang estilo ng pag-aaral ng


panitikan na binubuo ng limang estilo sa pag-aaral.

Aytem sa Pangkatan na Estilo sa pag-aaral Mean Rank Interpretasyon


1. Mas nauunawaan ko ang akda kapag ito
2.61 5 GNE
ay binabasa ng pangkatan.
2. Sa klase, mas natututo ako kapag may
kasama ako sa pag-unawa sa akda. 2.84 1 GNE

3. Mas nakararamdam ako ng kasiyahan sa


paggawa ng takdang-aralin tungkol sa akda
2.83 2 GNE
kung may kasama akong dalawa o higit pang
kamag- aral.

4. Mas marami akong natatapos na Gawain


tungkol sa akda kung may kasama ako sa 2.78 3.5 GNE
paggawa.

5. Mas gusto kong mag-aral ng panitikan kung


2.78 3.5 GNE
mayroon akong kasama.
Pangkatan 2.77 GNE
3.26 – 4.00 Higit na ginagamit na estilo (HGE) 2.51 – 3.25 Ginagamit na estilo (GNE)

1.76 – 2.50 Hindi ginagamit na estilo (IGE) 1.00 – 1.75 Hindi kailanman ginagamit na estilo (HIE)

39
Smith, D. (2005). Advantages and disadvantages of different learning styles. Retrieved From
www.questia.com/Journals.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
50

Makikita sa Teybol 5 na sa kabuuan ginagamit na estilo ng mga

respondent ang mga aytem ng pangkatan na may mean na 2.77. Ibig

sabihin ginagamit ng mga respondent ang pangkatan bilang kanilang

estilo sa pag-unawa sa mga akdang pampanitikan na kanilang pinapag-

aralan.

Ang aytem na may pinakamataas na mean ay sa klase, mas

natututo ako kapag may kasama ako sa pag-unawa sa akda.

Samakatwid, para sa mga respondent, mas nauunawaan nila ang

kanilang binabasang akda kapag may kasama sila sa pag-unawa kaysa

sa ibang mga pangkatang gawain.

Sa kabilang dako ang pinakamababa ay ang mas nauunawaan ko

ang akda kapag ito ay binabasa ng pangkatan. Kung ihahambing sa iba

pang mga estilo sa pangkatan, mas nakararamdam ng kasiyahan sa

paggawa ng takdang-aralin at mas maraming natatapos na mga gawain

tungkol sa akda kung may kasama at hindi ng buong klase.


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
51

Teybol 6. Mga Taktayl na Estilo sa Pag-aaral ng Panitikan ng mga


Respondent.

Aytem sa Taktayl na Estilo sa pag-aaral Mean Rank Interpretasyon


1. Mas naaalala ko ang mga natutunan ko kung
may mga natapos akong Gawain. 2.87 2 GNE

2. Higit akong natututo ng panitikan kung


nakagagawa ako ng proyektong pangklase. 3.04 1 GNE

3. Mas nasisiyahan ako kung may nagawa akong


proyekto sa panitikan. 2.86 3 GNE

4. Mas matututo ako kapag kapag gumuguhit ako


habang nagbabasa ng akda. 2.42 5 IGE

5. Higit akong natututo kapag nakagagawa ako ng


mga modelo tungkol sa binabasang akda. 2.84 4 GNE

Taktayl 2.81 GNE


3.26 – 4.00 Higit na ginagamit na estilo (HGE) 2.51 – 3.25 Ginagamit na estilo (GNE)

1.76 – 2.50 Hindi ginagamit na estilo (IGE) 1.00 – 1.75 Hindi kailanman ginagamit na estilo (HIE)

Mga Taktayl na Estilo sa Pag-aaral ng Panitikan ng mga Respondent

Ipinapakita sa Teybol 6 na ang interpretasyon ng mga respondent

sa limang estilo na indikasyon ng taktayl na estilo ng pag-aaral ng

panitikan.Inilalahad sa talahanayan ang mga aytem sa taktayl na estilo

sa pag-aaral na may kabuuang mean na 2.81 na nangangahulugang


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
52

ginagamit na estilo ito ng mga respondent.

Ang aytem na may pinakamataas na mean ay higit akong natututo

ng panitikan kung nakagagawa ako ng proyektong pangklase na may

mean na 3.04. Sinundan ng mas naaalala ko ang mga natutunan ko kung

may mga natapos akong gawain na may mean na 2. 87 na halos may

pagkakatulad sa gawain sapagkat mas natututo at naaalala ng mga

respondent ang kanilang mga pinag-aaralan sa panitikan kapag sila’y may

mga nagagawang mga gawain, mas nasisiyahan ako kung may nagawa

akong proyekto sa panitikan na may mean na 2.86, higit akong natututo

kapag nakagagawa ako ng mga modelo tungkol sa binabasang akda na

may mean na 2. 85. Ang may pinakamababang mean ay mas matututo

ako kapag kapag gumuguhit ako habang nagbabasa ng akda na may

mean na 2.42.

Ang mga Awditoring Estilo sa Pag-aaral ng Panitikan

Makikita sa Teybol 7 ang limang estilo sa pag-aaral na mga

indikasyon naman ng awditori na estilo ng pag-aaral ng panitikan.

Mapapansin sa talahanayan na ang mga aytem sa awditori na

estilo sa pag-aaral ay may kabuuang mean na 2.81, nangangahulugang

ito ay pinakagamiting estilo ng mga mag- aaral.

Ang pinakamataas na mean na 3.07 ay higit na nauunawaan ko


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
53

ang akda kapag ipinapaliwanag ng guro na sinundan ng kapag binabasa

ng guro ang mga gabay na tanong tungo sa pag-unawa sa akda, mas

nauunawaan ko ito na may mean na 2.87. Mapapansin na mas

nauunawaan ng mga respondent ang akda kung naririnig mula sa guro

ang pagpapaliwanag at pagbasa ng mga gabay na tanong sa kanilang

binabasang akda. Sinundan ito ng kapag may nagsabi sa akin sa klase,

kung ano ang gagawin, mas nauunawaan ko ang akda na may mean

naman na 2.83; mas natututo ako sa klase kapag ang talakayan namin sa

panitikan ay naririnig ko sa iba na may mean na 2.68. May mean na 2.59

naman ang pinakamababang mean sa aytem 5 na mas natatandaan ko

ang akda kapag pinapakinggan sa klase, kaysa binabasa.


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
54

Teybol 7. Mga Awditoring Estilo sa Pag-aaral ng Panitikan


Aytem sa Awditori na Estilo sa pag-aaral Mean Rank Interpretasyon
16. Kapag binabasa ng guro ang mga gabay na
2.87 2 GNE
tanong tungo sa pagunawa sa akda, mas
nauunawaan ko ito.
17. Higit na nauunawaan ko ang akda kapag
3.07 1 GNE
ipinaliliwanag ng guro.
18. Kapag may nagsabi sa akin sa klase, kung
ano ang gagawin, mas nauunawaan ko ang 2.83 3 GNE
akda.

19. Mas natututo ako sa klase kapag ang


2.68 4 GNE
talakayan namin sa panitikan ay naririnig ko sa
iba.
20. Mas natatandaan ko ang akda kapag
2.59 5 GNE
pinapakinggan sa klase, kaysa binabasa.
Awditori 2.81 GNE
3.26 – 4.00 Higit na ginagamit na estilo (HGE) 2.51 – 3.25 Ginagamit na estilo (GNE)

1.76 – 2.50 Hindi ginagamit na estilo (IGE) 1.00 – 1.75 Hindi kailanman ginagamit na estilo (HIE)
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
55

Teybol 8. Mga Isahang Estilo sa Pag-aaral ng Panitikan.

Aytem sa Isahan na Estilo sa pag-aaral Mean Rank Interpretasyon


21. Mas naaalala ko ang binasa kong akda kapag 2.5 GNE
2.67
ako ay nag-iisa.
22. Mas natututo ako sa aking binabasang akda 1 GNE
2.72
kapag ako lang mag-isa.

23. Mas gusto kong gumawa ng mga gawaing 2.5 GNE


2.67
pampanitikan kung ako lang mag-isa.

24. Sa klase, mas nagagawa ko ang mga gawain 5 GNE


2.55
sa panitikan nang isahan.
25. Mas gusto kong gumawa ng mga proyektong 4 GNE
2.58
pampanitikan, kung ako lang.
Isahan 2.64 GNE
3.26 – 4.00 Higit na ginagamit na estilo (HGE) 2.51 – 3.25 Ginagamit na estilo (GNE)

1.76 – 2.50 Hindi ginagamit na estilo (IGE) 1.00 – 1.75 Hindi kailanman ginagamit na estilo (HIE)

Ang mga Isahang Estilo sa Pag-aaral ng Panitikan

Matutunghayan naman sa Teybol 8 ang isahang estilo ng pag-aaral

ng panitikan na may limang estilo sa pag-aaral.

Batay sa talahanayan, ang mga isahang estilo sa pag-aaral ng

akda ay ginagamit ng mga mag-aaral. Sa kabuuan ng aytem sa isahan na

estilo sa pag-aaral, may mean itong 2.64 na nangangahulugang ginagamit

na estilo. Kung ihahambing sa iba pang mga gawaing isahan hindi


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
56

kinagigiliwan ng mga respondent ang paggawa ng indibidwal na gawaing

pampanitikan.

Teybol 9. Mga Kinestetikong Estilo sa Pag-aaral ng Panitikan.


Aytem sa Kinestetiko na Estilo sa pag-aaral Mean Rank Interpretasyon
26. Mas natututo ako sa klase kapag nakiki-isa ako GNE
sa mga kaugnay na gawaing pampanitikan. 2.84 5

27. Mas nauunawaan ko ang talakayan sa klase, GNE


kapag ako ay nakikiisa sa duladulaan tungkol sa 2.94 3
akdang binasa.
28. Kapag may mga gawaing pampanitikan sa GNE
2.91
klase, mas lalo akong natututo. 4
29. Mas nasisiyahan ako sa pagkatuto sa klase, GNE
kapag ako ay nagsasagawa ng pagsusuri tungkol sa 3.04 1
binasang akda.
30. Mas natututo ako kung nagsasagawa kami ng GNE
mga dula-dulaan tungkol sa pinag-aaralang akdang 2.96 2
pampanitikan.
Kinestetiko 2.94 GNE
3.26 – 4.00 Higit na ginagamit na estilo (HGE) 2.51 – 3.25 Ginagamit na estilo (GNE)

1.76 – 2.50 Hindi ginagamit na estilo (IGE) 1.00 – 1.75 Hiindi kailanman ginagamit na estilo
(HIE)
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
57

Ang mga Kinestetikong Estilo sa Pag-aaral ng Panitikan

Ipinapakita sa Teybol 9 ang interpretasyon ng mga respondent sa

limang estilo na indikasyon ng kinestetikong estilo ng pag-aaral ng

panitikan.

Makikita sa teybol na ginagamit na estilo ang bawat aytem ng

kinestetiko. Ang pinakamataas na mean ay mas nasisiyahan ako sa

pagkatuto sa klase, kapag ako ay nagsasagawa ng pagsusuri tungkol sa

binasang akda na may mean na 3.04, sinundan ng mas natututo ako kung

nagsasagawa kami ng mga dula-dulaan tungkol sa pinag-aaralang akdang

pampanitikan na may mean na 2.96; mas nauunawaan ko ang talakayan

sa klase, kapag ako ay nakikiisa sa duladulaan tungkol sa akdang binasa

na may mean na 2.94; kapag may mga gawaing pampanitikan sa klase,

mas lalo akong natututo na may mean na 2.91 at mas natututo ako sa

klase kapag nakikiisa ako sa mga kaugnay na gawaing pampanitikan na

may pinakamababang mean na 2.84. Sa kabuuan, may 2.94 na mean ang

aytem sa kinestetiko na estilo sa pag-aaral na nangangahulugang

ginagamit ang mga estilong ito. Makikita na gusto ng mga respondent ang

mga gawain na may pagsusuri at pagsasagawa ng dula-dulaan tungkol sa

binasang akda.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
58

Sumasang-ayon sa pag-aaral ni Smith (2005) 40 na ang mga

kinestetikong mag-aaral ay natututo sa pamamagitan ng paggalaw at may

paggawa. Sila rin ay natututo sa interaktibong pag-aaral, pagkatuto sa

pamamagitan ng mga praktikal na hamon at hands- on na karanasan at

nakakakuha ng impormasyon mula sa isang lugar patungo sa iba pang

lugar. Samakatwid, ito ay may ambag sa kanilang pagkatuto sa

pagbibigay ng pagsasanay at pagpapatunay, nakararanas ng hindi kaaya-

aya ang mga kinestetikong mag-aaral sa kanilang pagkatuto kapag

walang lugar upang gumalaw para sa makatotohanang karanasan at kung

walang iba na makakasalamuha.

40
Smith, D. (2005). Advantages and disadvantages of different learning styles. Retrieved From
www.questia.com/Journals.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
59

Teybol 10. Buod ng mga Estilo sa Pag-aaral ng Panitikan ng mga


Respondent.
Estilo sa Pag-unawa ng mga Respondent Mean Rank Remarks
Biswal 3.10 1 GNE
Pangkatan 2.77 5 GNE
Taktayl 2.81 3.5 GNE
Awditori 2.81 3.5 GNE
Isahan 2.64 6 GNE
Kinesthetic 2.94 2 GNE

3.26 – 4.00 Higit na ginagamit na estilo (HGE) 2.51 – 3.25 Ginagamit na estilo (GNE)

1.76 – 2.50 Hindi ginagamit na estilo (IGE) 1.00 – 1.75 Hiindi kailanman ginagamit na estilo (HIE)

Buod ng mga Estilo sa Pag-aaral ng Panitikan ng mga Respondent

Makikita sa Teybol 10 ang detalyadong buod ng anim na estilo sa

pag-aaral ng panitikan ng mga respondent.

Matutunghayan sa talahanayan na lahat ng mga anim na estilo ay

ginagamit ng mga respondent.

Ibig sabihin nito, lahat ng mga ito ay nais na estilo ng mga mag-aaral

sa kanilang pagkatuto at pag-aaral ng akdang pampanitikan.

Sa ranggo, ang nangibabaw na estilo ng mga respondent ay

biswal na may mean na 3.10.

Ang ikalawang may pinakamataas na mean ay ang estilong

kinestetiko na may mean na 2.95. Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
60

sumasang-ayon sa kinalabasan ng pag-aaral ni Pungan (2015)41 na may

pamagat na Learning Style Preference and Its Effect on the Learners’

Academic Performance in English. Ang nangunguna na nais na estilo sa

pag-aaral ng mga mag-aaral ay kinestetiko na sumasalungat naman sa

kinalabasan ng pag- aaral nina Andaya et. al. (2007)42 na may pamagat na

The Learning Styles of Vocational Students of Northeast Luzon Adventist

School of Technology, Mabini, Alicia sapagkat ang hindi gaanong

mabisang estilo ng pag-aaral ng mga respondent ay ang kinestetiko. Sa

kabilang banda, ang may pinakamababang mean na 2.64 ay ang estilong

isahan.

Sumasang-ayon sa pag-aaral ni Neighmond (2011)43 ang ilang

mag-aaral ay natututo sa tulong ng paningin o biswal, ang ilan naman ay

natuto gamit ang pandinig o awditori o di naman kaya ay higit na natututo

sa mga aralin kung may paggalaw o kilos. Sabi pa niya, ang mga guro ay

hindi nangangailang maghanda ng iba’t ibang estilo sa pagtuturo, na

pinaniniwalaan din ng pag-aaral ng Dan Willingham of the University of

Virginia.

41
Pungan, Mary Ann R. (2015). Learning Style Preference and its Effect on the Learners Academic
Performance in English, Published Thesis. Isabela State University.
42
Andaya, Olive Joy F. (2007). The Learning Styles of Vocational Students of Northeast Luzon Adventist
School of Technology, Mabini, Alicia, Isabela. Philippine Normal University Rel Journal, 39-50.

43
Neighmond, P. (2011). Think you’re an auditory or visual learner?: Scientists say it’s unlikely.NPR
Shots(online edition).Retrieved from www.npr.org/blogs/health/2011/08/29/139973743.
ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
61

Samakatwid, kung ang guro ay naniniwala na ang kanyang mga

mag-aaral ay natututo gamit ang biswal na estilo, nararapat na

gumamit siya sa kanyang talakayan gamit ang iba’t ibang konsepto

tulad ng larawan, iba’t ibang mga bagay na alam niyang matututo ang

mga mag-aaral kaysa sa simpleng pakikinig sa kanilang talakayan.

Ang performans sa pag-unawa ng akdang pampanitikan ng mga

respondent ay tinukoy sa pamamagitan ng kanilang mga iskor sa una

at

pangalawang markahang pagsusulit. Ang mga pagsusulit na

isinagawa ay binubuo ng mga aytem na sumusukat sa kanilang pag-

unawa sa mga araling pampanitikan sa una at ikalawang markahan.

Tinuos ang mean at frequency count ng mga iskor upang mailarawan

ang mga ito.


ISABELA COLLEGES, INC.
Cauayan City, Isabela
62

Teybol 11. Performans sa Pag-unawa ng Akdang Pampanitikan ng

mga Respondent.

Katumbas
N Min Max
na Grado Interpretasyon
Mean
Iskor sa unang Hindi

markahang nakakatugo

pagsusulit n sa

69 7 43 19.61 mga inaasahang


performans

Iskor sa pangalawang Medyo kasiya- siya


markahang pagsusulit 69 7 45 20.25 ang performans
63

Performans sa Pag-unawa ng Akdang Pampanitikan ng mga


Respondent

Makikita sa Teybol 11 ang pangkalahatang performans ng mga

respondent sa pag-unawa sa akdang pampanitikan.

Ang natuos na mean score ng mga respondent sa unang markahan

ay 19.61 na nangangahulugang sa pangkalahatan ang mga mag-aaral ay

hindi nakatutugon sa mga inaasahang performans.

Samantala sa pangalawang markahan, ang makuhang mean score ay

20.75 na nangangahulugang medyo kasiya-siya ang performans ng mga

mag-aaral.
64

Teybol 12. Antas ng Performans sa Pag-unawa sa Akdang

Pampanitikan ng mga Mag-aaral.

Interpretasyon sa Performans sa Unang Pangalawang


Pag- unawa sa Akdang
Markahang Markahang Pagsusulit
Pampanitikan
Pagsusulit
F % F %
Nangunguna ang performans (90-100) 1 1.4 1 1.4
Pinakasiya-siya ang performans(85-
0 0.0 3 4.3
89)
Kasiya-siya ang performans (80-85) 3 4.3 3 4.3
Medyo kasiya-siya ang
31 44.9 25 36.2
performans (75-79)
Hindi nakatugon sa
34 49.3 37 53.6
inaasahang performans (74
pababa)
Kabuuan 69 100.0 69 100.0

Antas ng Performans sa Pag-unawa sa Akdang Pampanitikan ng mga


Mag-aaral

Matutunghayan naman sa Teybol 12 ang detalyadong

interpretasyon sa performans ng pag-unawa sa akdang pampanitikan ng

mga respondent.

Makikita sa teybol na sa unang markahan karamihan sa mga

respondent na binubuo ng 34 o 49.3 % ay nakakuha ng iskor na 74

pababa. Nangangahulugan itong ang kanilang nakuhang iskor ay hindi


65

nakatugon sa inaasahang performans. Sinundan naman ng antas na 75-

79 na may interpretasyong medyo kasiya-siya ang performans. Ito ay

performans ng tatlumpu’t isang respondent o 44.9 %. Tatlo sa mga mag-

aaral o 4,3 % ang nakakuha ng iskor na may katumbas na 80-85 o kasiya-

siya ang performans. Isa lamang o 1.4 % sa mga mag-aaral ang may iskor

na 90-100 na nangangahulugang nangunguna ang performans.

Sa pangalawang markahan nakararami sa mga respondent na

binubuo ng 37 o 53.6 % ang nakakuha ng 74 pababa. Nangangahulugang

katulad sa unang markahan, ang kanilang mga iskor ay hindi nakatugon

sa inaasahang performans.

Sinundan ito ng bilang ng mga mag-aaral na 25 o 36.2 % na may

grado na 75-79 o medyo kasiya-siya ang performans. Tatlo o 4.3 % sa

mga mag-aaral ang may katumbas na gradong 80-85 o kasiya-siya, tatlo

rin o 4.3% ang may katumbas na gradong 85-89 o pinakasiya-siya ang

performans at isa o 1.4 % ang nagunguna ang performans.

Ipinapakita ng mga datos sa Talahanayan 9 na karamihan sa mga

mag-aaral ay hindi nakatugon sa inaasahang performans at isa o 1.4%

lamang ang nangunguna ang performans.

Kaugnayan ng Estilo ng Pag-aaral ng Panitikan ng mga Respondent

sa Kanilang Performans sa Pag-unawa sa Pagbasa


66

Ang Teybol 13 ay naglalaman ng kinalabasan ng correlation

analysis gamit ang Spearman rho. Sa pangkalahatan, lumalabas na

walang makabuluhang ugnayan ang estilo sa pag-aaral ng mga mag-aaral

sa panitikan sa kanilang performans sa pagsusulit sa pagbasa.

Ang kinalabasan na ito ng pag-aaral ay sumasang-ayon sa pag-

aaral na isinagawa ni Santiago (2015)44 na may pamagat na Learning

Environment, Learning Style Preference and Academic Performance in

English Students in Jones, Isabela sapagkat wala ring makabuluhang

ugnayan ang pang-akademikong performans ng mga respondent sa

asignaturang Ingles at sa nais na estilo sa kanilang pag-aaral.

Teybol 13. Kaugnayan ng Estilo ng Pag-Aaral ng Panitikan ng mga


Respondent sa Kanilang Performans sa Pag-
unawa sa Pagbasa.

Estilo sa Pag-aaral Unang Markahang Pangalawang Markahang


Pagsusulit Pagsusulit
Value P Decision Value P Decision
Biswal -.065 .597 NS -.056 .650 NS
Pangkatan -.126 .301 NS -.069 .571 NS
Taktayl -.085- .488 NS -.101 .407 NS
Awditori .013 .918 NS .035 .774 NS

44
Santiago, Gerald N. (2015). Learning Environment, Learning Style Preference and Academic Performance
in English of Students in Jones , Isabela, Published Thesis. Isabela State University.
67

Indibidwal -.160 .188 NS -.252 .037 S


Kinesthetic .005 .965 NS -.028 .818 NS
Pangkahalatan -.066 .588 NS -.081 .508 NS
NS- Not Sgnificant. S- Significant

Sa kabilang banda, sumasalungat naman ito sa pag-aaral nina

Abidin, Rezaee, Abdullah at Singh (2011), na ang estilo sa pag-aaral ay

may kaugnayan sa kabuuang performans ng mga mag-aaral.

Ipinapakita ng mga natuos na datos na ang mga estilo sa pag-aaral

ng panitikan na biswal, pangkatan, taktayl, awditori at kinesthetic ay

walang mahalagang kaugnayan sa kanilang performans sa pagsusulit sa

pagbasa. Samakatwid, alinman sa limang estilong ito ang nangingibabaw

na estilo ng mga mag-aaral ay walang mahalagang epekto sa kanilang

magiging performans sa pagsusulit sa pagbasa.

Bukod tanging ang estilong isahan ang may bahagyang negatibong

epekto sa performans sa pag-unawa sa akdang pampanitikan ng mga

respondent. Ibig sabihin, bumababa ang performans sa pag-unawa ng

mga respondent habang ginagamit nila ang estilong ito at hindi nakatulong

ang isahang estilo ng pag-aaral sa kinalabasan o performans ng mga

mag-aaral sa pangalawang markahang pagsusulit. Hindi masyadong nais

ng mga mag-aaral ang estilong isahan sapagkat nakararamdam sila ng

kawalan ng tiwala sa kanilang sarili higit lalo sa mga mag-aaral na hindi


68

nakatutugon sa loob ng klase na nagbubunsod ng hindi pagtatagumpay o

hindi nawiwili sa pagsasagawa ng mga gawain.

Sumasalungat ito sa pag-aaral ni Ahmad (2011)45 kay Vaseghi

(2012)46 na ang nangibabaw na nais na estilo ng kanyang mga respondent

ay ang isahan. Gayundin sa pag- aaral nina Andaya et. al. (2007) 47

sapagkat ang pinakamabisang estilo ng pag-aaral ng mga respondent ay

isahang pagkatuto.

45
Ahmad, Fauziah, et. al. (2009). Students’ Perception of the Teachers’ Teaching of Literature
Communicating and Understanding Through the Eyes of the Audience. European Journal of Social
Sciences, Volume 7, Number 3.
46
Vaseghi, R. et. Al. (2012). Language learning style preferences: a theoretical and empirical
study. Advances in Social Sciences Vol. 2 No. 2 World Science Publisher.

47
Andaya, Olive Joy F. (2007). The Learning Styles of Vocational Students of Northeast Luzon Adventist
School of Technology, Mabini, Alicia, Isabela. Philippine Normal University Rel Journal, 39-50.(From:
www4.ncsu.edu/unity/lockers/users/f/felder/public/learning-styles. Html and http:/www.Irng-styles-
online.com.)
TSAPTER V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito’y naglalaman ng buod ng pananaliksik,

konklusyon at rekomendasyon.

Buod ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa estilo sa pag-aaral at

performans sa pag- unawa ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang ng San

Mariano National High School, San Mariano, Isabela. Sinikap din na

alamin sa pag-aaral na ito kung mayroon bang kaugnayan ang estilo sa

pag-aaral ng panitikan ng mga mag-aaral sa kanilang performans sa pag-

unawa sa binasa.

Sa pag-aaral, gumamit ng 69 na mag-aaral mula sa dalawang

seksyon ng Ikapitong baitang, total enumeration ang ginamit sa pagpili ng

respondent. Gumawa ang mananaliksik ng pagsusulit o teacher-made-test

na ibinatay sa pinag-aralan sa unang dalawang markahan ng taong

panuruan 2021-2022 upang malaman ang performans sa pag- unawa ng

mga mag-aaral. Ginamit din ang instrumento ni Reid na Perceptual

Learning Style Preference Questionnaire upang malaman ang estilo ng

mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa akdang pampanitikan kung

biswal, awditori, taktayl, kinestetiko, isahan o pangkatan. Decriptive-

correlational naman ang ginamit.


70

Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral, ang performans sa pag-unawa

ng mga mag-aaral, lumalabas sa bahaging ito na, parehong mas mataas

ang bilang ng mga respondent na nasa antas na 74 pababa ang hindi

nakatugon sa inaasahang performans, binubuo ng 34 na respondent sa

unang markahang pagsusulit at 37 naman sa ikalawang markahang

pagsusulit. Sinundan naman ng antas na 75-79 na may interpretasyon

na medyo kasiya-siya ang performans na may 31 na respondent sa

unang markahang pagsusulit, 25 naman ang respondent sa ikalawang

markahang pagsusulit.

Parehong 3 naman ang mga respondent na nakakuha ng antas na

80-85 na may interpretasyon na kasiya-siya ang performans. Sa kabilang

banda, 3 din ang respondent na nakakuha ng antas na 85-89 na may

interpretasyon na pinakasiya-siya ang performans sa ikalawang

markahang pagsusulit samantalang walang respondent ang nakakuha ng

parehong antas sa unang markahang pagsusulit. Sa kabuuan ang may

pinakamababang bilang ng respondent sa parehong pagsusulit ay ang

antas na 90-100 na may interpretasyon na nangunguna ang performans

may isa (1) na respondent lamang.

Sa kabilang banda, lumabas din sa pag-aaral ang estilo sa pag-

aaral ng mga mag- aaral. Ang anim estilo na ginamit na batayan sa pag-

aaral na ito ay ginagamit ng mga mag- aaral. Nangunguna ang biswal na


71

sinundan ng kinestetiko, awditori, taktayl, pangkatan at isahan na may

pare-parehong may interpretasyon na Ginagamit na Estilo.

Pare-parehong ginagamit ng mga respondent ang anim na estilo sa

pag-aaral ng panitikan. Gayunpaman, higit na nangingibabaw ang estilong

biswal na sinamahan ng kinestetikong estilo.

Lumabas din sa pag-aaral na ito na sa pangkalahatan, walang

mahalagang kaugnayan ang estilong ginagamit ng mga mag-aaral sa

kanilang performans sa pag-unawa sa pagbasa. Gayunpaman, ang

estilong isahan ay may bahagyang negatibong kaugnayan sa performans

ng mga mag-aaral dahil may natuos itong rho = -.252, p <.05.

Konklusyon

Batay sa mga kinalabasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod na

kongklusyon ay nabuo.

1. Ang nangungunang estilo sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa

Ikapitong Baitang ng San Mariano National High School ay

biswal at kinestetiko.

2. May negatibong kaugnayan sa pagitan ng isahan na estilo ng

pag-aaral sa ikalawang makahang pagsusulit.

3. Mababa ang performans ng mga mag-aaral sa pagsusulit sa

pag-unawa ng akdang pampanitikan. Karamihan sa mga


72

respondent ay hindi nakatugon sa mga inaasahang performans.

4. Bagama’t pare-parehong ginagamit ng mga mag-aaral na Grade

7 ang anim na estilo sa kanilang pag-aaral sa panitikan

lumalabas na walang kaugnayan ang paggamit nila sa mga

estilong ito sa kanilang performans sa pagsusulit sa pag- unawa

sa binasa.

Nangangahulugang anuman ang nangingibabaw na estilong

ginagamit nila sa pag- aaral ng panitikan ay hindi nakapagpapabago sa

kanilang performans sa pag-unawa sa akda. Gayunpaman, ang estilong

isahan ay lumalabas na may bahagyang negatibong kaugnayan sa

performans ng mga respondent sa pag-unawa. Ibig sabihin, kapag

ginagamit nila ang mga estilong isahan na pag-aaral ng panitikan,

bumababa ang resulta ng kanilang performans sa pag-unawa. Masasabi

dito na ang mga isahang estilo ay hindi masyadong nakapagtataguyod ng

paglinang ng kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral ng

Grade 7.
73

Rekomendasyon

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, iminumungkahi ang


mga sumusunod:

1. Kinakailangan na alamin ng mga guro ang nais na estilo sa pag-

aaral ng mga mag- aaral upang maiangkop ang mga estratehiya,

metodo at kagamitan sa pagtuturo ng guro.

2. Lumalabas na ang mga mag-aaral sa ikapitong baitang ay

gumagamit ng lahat ng estilo nararapat na gumamit ang mga guro

ng iba’t ibang estratehiya, metodo at kagamitan sa pagtuturo upang

maibigay, magkaroon ng interes at mapatatag ang pagkatuto at

pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga akdang pampanitikan na

kanilang pinag-aaralan.

3. Ang guro ay dapat pagyamanin ang paggamit ng iba’t ibang

estratehiya at teknik tulad ng larawan, pagbibigay ng panuto sa

pamamagitan ng pagsusulat sa pisara o gamit ng powerpoint

presentation sapagkat ang pinakaginagamit na estilo sa pag- aaral

sa pag-unawa sa akdang pampanitikan ay ang estilong biswal at


74

kinestetiko tulad ng pagsasagawa ng dula-dulaan, pagsasagawa ng

pagusuri sa pinag-aaralan na akdang pampanitikan, pagguhit,

puppet show at iba pang mga gawaing pampanitikan angkop sa.

4. Lumabas na kapag ginagamit ang estilong isahan sa pag-aaral ay

mababa ang performans ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa

pagbasa, iminumungkahing magkaroon ng motibasyon o

modipikasyon sa mga indibidwal na mga gawaing ibinibigay sa mga

mag-aaral. Maaaring gawin ang mga itong maging higit na

interaktibo at kawili-wili.

5. Magbigay ng mga gawain na mahuhubog ang kasanayan sa pag-

unawa sa mga akdang pampanitikan upang mapataas ang antas

ng kanilang performans sa pag- unawa. Tulad ng pagbabalangkas,

pagbubuod, pagsusuri sa nilalaman ng akda at pagbibigay ng

tanong na iuugnay sa realidad o pangyayari sa buhay ng tao.

6. Iminumungkahi na magsagawa ng rebisyon sa ginawang pagsusulit

upang mapataas ang antas ng pag-unawa sa akdang pampanitikan

sapagkat lumabas sa pag-aaral na ang karamihan sa mga

respondent ay nakakuha ng 74-pababa na may deskripsyon na

hindi nakatugon sa inaasahang performans.

7. Iminumungkahing magkaroon ng mga pag-aaral na nakatuon sa mga


sumusunod:

a. Salik na nakakaimpluwensiya sa antas ng komprehensyon ng


75

mga mag-aaral; at

b. Estilo at Estratehiya sa paglinang ng antas ng komprehensyon

sa panitikan ng mga mag-aaral sa sekundarya.

Sanggunian

A. Mga Aklat

Belvez, Aileen G. et. Al. (2004). Pagbasa at Pagsulat sa iba’t ibang Disiplina

(Filipino).

Unang Edisyon, Nobyembre, Rex Book Printing Company, Inc. Sampaloc.

Manila

Cassidy, S. (2004). Learning styles: An overview of theories models and

measures.

Educational psychology Volume 24 no 2. Car fax Publishing Taylor and

Francis Group.

Klinger, J., Vaughn, S., & Boardman, A. (2007). Teaching reading

comprehension to students with learning difficulties. New York, NY: Library of


76

Congress.

Manset-Williamson, G. & Nelson, J. M. (2005) ‘Balanced, strategic reading

instruction for upper elementary and middle school students with reading

disabilities: A comparative study of two approaches’, Learning disability

quarterly, 28, pp. 59-74.

Nzabihimina, Damien (2010). The Nature of Schools and Academic

Performance of Pupils in Primary Schools District, Kigali City.Thesis.

International University of Kampala.

Reid, J.M. (1995). Learning Styles in the ESL/EFL classroom, Boston, MA:

Heinie & Heinle.

Reid, J. M. (Ed.). (1998). Perceptual learning style preference survey. In J.

Reid (Ed.): Understanding learning styles in the second language classroom.

(pp. 162-167). USA Prentice Hall Regents.

Tan, Onn Seng, et al. (2003). Educational Psychology. Seng Lee Press,

Singapore.

B. Mga Di-Nailimbag na Tesis

Bangongon, C. and Connie Edpalina (2009). The effects of Study Habits on


77

the Academic Performance of freshmen education students in Xavier

University, Cagayan de Oro City, Unpublished Thesis.

Benwag, Grace A. (2013). Reading Comprehension of the Grades 1 to 3

Pupils of Philippine YuhChiau School. Isabela State University, Echague,

Isabela.

Jordai, H. (2011). Reading rate and comprehension. (Unpublished

dissertation). Guilan University, Rasht, Iran.

C. Mga Babasahin

Ahmad, Fauziah, et. al. (2009). Students’ Perception of the Teachers’

Teaching of Literature Communicating and Understanding Through the Eyes

of the Audience. European Journal of Social Sciences, Volume 7, Number 3.

Andaya, Olive Joy F. (2007). The Learning Styles of Vocational Students of

Northeast Luzon Adventist School of Technology, Mabini, Alicia, Isabela.

Philippine Normal University Rel Journal, 39-50.


78

Andreassen, R., & Braten, I. (2010). Examining the prediction of reading

comprehension on different multiple-choice tests. Journal of Research in

Reading 33(3): 263-283.

Cain, K., & Oakhill, J. (2011). Matthew effects in young readers: Reading

comprehension and reading experience aid vocabulary development. Journal

of Learning Disabilities, 44 (5), 431-443.

Fuente J. and Cardelle-Elawar (2009). Research on action emotion style and

study habit: effects of individual differences on learning and academic

performance of undergraduate schools, Learning and Individual Differences,

19: 567-576.

Gilakjani, S. and Seyedeh Ahmadi (2011). The effect of visual auditory and

kinesthetic learning styles on language teaching. International Conference on

Social Science and Huminity. Volume 5.

Hausheer, R., Hansen, A., & Doumas, D. (2011). Improving reading fluency

and comprehension among elementary students: Evaluation of a school


79

remedial reading program. Journal of School Counseling, 9(9), 1-20

Indreica, E. S. et al (2011). Effects of learning styles and time management on

academic achievement. Procedia-Social and Behavioral Sciences, 30:1416-

1424.

Logan, S. & Johnston, R. (2009). Gender differences in reading ability and

attitudes: examining where these differences lie. Journal of Reseach in

Reading, 32 (2), 199- 214.

Navas, Elena A. and Palting, Julievic D.(2009). Reading Interests, Attitudes,

Understanding and Enjoyment of Literary Materials of PNU Students.

Philippine Normal University Rel Journal, 51-63.

Navas, Elena A. et. Al. (2014). English Language Learning Styles and

Ethnicity of IP Students of Philippine Normal University-North Luzon Campus.

Philippine Normal University Rel Journal Volume 5, No.1, 139-156.

Vaseghi, R. et. Al. (2012). Language learning style preferences: a theoretical

and empirical study. Advances in Social Sciences Vol. 2 No. 2 World Science
80

Publisher.

D. Mga Sangguniang Elektroniko

Andaya, Olive Joy F. (2007). The Learning Styles of Vocational Students of

Northeast Luzon Adventist School of Technology, Mabini, Alicia, Isabela.

Philippine Normal University Rel Journal, 39-50. (From:

www4.ncsu.edu/unity/lockers/users/f/felder/public/learning-styles. Html and

http:/www.Irng-styles-online.com.)

Dunn and Dunn Learning Styles cited in Testing Dunn and Dunn’s and Honey

and Mumford’s Learning Style Theories: the Case of the Slovenian Higher

Education System (2009) by Penger and Tekavcic

(from:https://www.efst.hr/management/Vol14No2-2009/1

Penger_Tekavcic.pdf).

Neighmond, P. (2011). Think you’re an auditory or visual learner?: Scientists

say it’s unlikely. NPR Shots (online edition).Retrieved from

www.npr.org/blogs/health/2011/08/29/139973743.
81

Smith, D. (2005). Advantages and disadvantages of different learning styles.

Retrieved From www.questia.com/Journals.

APENDIKS B

TALATANUNGAN SARBEY
ISABELA COLLEGES, INC.
DON JOSE AFRICANO ST., CAUAYAN CITY, ISABELA

Mahal naming mga respondent:


82

Kami ay mga mag-aaral ng Isabela Colleges, Inc. na kumukuha ng

kursong pagkaguro Filipino major na kasalukuyang nananaliksik patungkol sa

Estilo sa Pag-Aaral at Performans sa Pagbasa ng Akdang Pampanitikan ng mga

Mag-aaral sa Ikapitong Baitang ng San Mariano National High School.

Kami po ay nakikiusap na kung maaari ay sagutan ng may katapatan ang

mga sumusunod na mga katanungan/aytem. Tinitiyak naming maging

confidential na impormasyon ang iyong mga kasagutan.

Maraming salamat!

MGA MANANALIKSIK

Charie Vie T. Baligod

Ariel D. Pauig

TALATANUNGAN SARBEY

ISABELA COLLEGES, INC.


DON JOSE AFRICANO ST., CAUAYAN CITY, ISABELA

Panuto : Basahin at pag – isipan ang bawat bilang at ibigay ang tamang

impormasyon na hinihingi nito.


83

I. Pansariling Tala

Pangalan : ______________________________ Edad : _____________

Seksyon/Taon : __________________________ Kasarian : __________

Panuto : Lagyan ng tsek ang kahon na kumakatawan ng iyong sagot. Gamiting

basehan ang remarkang nasa ibaba.

Lubos na Sumasang-ayon (SA)

Sumasang-ayon (A)

Neutral (U)

Hindi Sumasang-ayon (D)

Lubos na Hindi Sumasang-ayon (SD)

PERCEPTUAL LEARNING STYLE PREFERENCE QUESTIONNAIRE


84

SA A U D SD
85

1. Mas nauunawaan ko ang binabasang


akdang pampanitikan kung may
binabasa akong gabay na tanong.
2. Mas natatandaan ko ang binasang akda
kung may mga gabay na tanong.
3. Mas natututo ako sa akdang binabasa
kapag isinusulat ng guro sa pisara ang mga
mahahalagang detalye.
4. Mas natututo ako kapag binabasa ang
akda kaysa pinapakinggan.

5. Higit akong natututo sa akda kapag ito’y


binabasa sa aklat kaysa pinapakinggan sa
guro.
6. Mas nauunawaan ko ang akda
kapag ito ay binabasa ng pangkatan.
7. Sa klase, mas natututo ako kapag may
kasama ako sa pag-unawa sa akda.
8. Mas nakararamdam ako ng kasiyahan
sa paggawa ng takdang-aralin tungkol sa
akda kung may kasama akong dalawa o
higit pang kamag- aral.
9. Mas marami akong natatapos na Gawain
tungkol sa akda kung may kasama ako sa
paggawa.
10. Mas gusto kong mag-aral ng panitikan
kung mayroon akong kasama.
11. Mas naaalala ko ang mga natutunan ko
kung may mga natapos akong Gawain.
12. Higit akong natututo ng panitikan kung
nakagagawa ako ng proyektong pangklase.
13. Mas nasisiyahan ako kung may
nagawa akong proyekto sa panitikan.
14. Mas matututo ako kapag kapag
gumuguhit ako habang nagbabasa ng
akda.
86

15. Higit akong natututo kapag


nakagagawa ako ng mga modelo tungkol
sa binabasang akda.
16. Kapag binabasa ng guro ang mga
gabay na tanong tungo sa pagunawa sa
akda, mas nauunawaan ko ito.
17. Higit na nauunawaan ko ang akda
kapag ipinaliliwanag ng guro.
18. Kapag may nagsabi sa akin sa klase,
kung ano ang gagawin, mas
nauunawaan ko ang
akda.
19. Mas natututo ako sa klase kapag ang
talakayan namin sa panitikan ay naririnig ko
sa iba.
20. Mas natatandaan ko ang akda
kapag pinapakinggan sa klase,
kaysa binabasa.
21. Mas naaalala ko ang binasa kong
akda kapag ako ay nag-iisa.
22. Mas natututo ako sa aking
binabasang akda kapag ako lang mag-
isa.
23. Mas gusto kong gumawa ng mga
gawaing pampanitikan kung ako lang
mag-isa.
24. Sa klase, mas nagagawa ko ang mga
gawain sa panitikan nang isahan.
25. Mas gusto kong gumawa ng mga
proyektong pampanitikan, kung ako lang.
26. Mas natututo ako sa klase kapag
nakikiisa ako sa mga kaugnay na gawaing
pampanitikan.

27. Mas nauunawaan ko ang talakayan sa


klase, kapag ako ay nakikiisa sa duladulaan
tungkol sa akdang binasa.
87

28. Kapag may mga gawaing pampanitikan


sa klase, mas lalo akong natututo

29. Mas nasisiyahan ako sa pagkatuto sa


klase, kapag ako ay nagsasagawa ng
pagsusuri tungkol sa binasang akda.

30. Mas natututo ako kung nagsasagawa


kami ng mga dula-dulaan tungkol sa pinag-
aaralang akdang pampanitikan.
88

Department of Education
Division of Isabela
San Mariano National High School

Una at Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino Grade 7

Pangalan:___________________________

Taon at Pangkat:_______________

A. Panuto: Basahin ang talataan at sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Titik lamang ng tamang sagot ang bilugan.

1. Isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga


bagay-bagay sa daigdig ay tinatawag na__________.

a. Maikling Kuwento

b. Alamat

c. Epiko

d. Tula

2. Ang akdang pinamagatang “Ang Galit ni Maria Malindig” ay nagmula sa


pronbinsya ng __________.

a. Maynila

b. Maguindanao

c. Marinduque

d. Palawan
89

3. Isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring


kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon
lamang.

a. Maikling Kuwento

b. Alamat

c. Epiko

d. Tula

4. Sina _______,_________, at ____________ ay ang mga haring mula sa


kahariang Mu na naglakbay upang hanapin si Reyna Malindig sa pag-asang isa
sa kanila ang makaisang-dibdib nito.

a. Haring Yael, Haring Jose, Haring Abad

b. Haring Moises, Haring Laki, Haring Liit

c. Harinhg Laki, Harinhg Mangga, Haring Pangikog

d. Haring Jose, Haring Mangga, Haring Liit

5. Alin sa dalawang Pares ng mga salita ang magkasingkahulugan?

a. mapusuan at makaalitan

b. nagtangka at sumubok

c. nahumaling at inayawan

d. mabunyi at malungkot

6. Alin sa dalawang pares ng mga salita ang magkasalungat?

a. nagtangka at sumubok
90

b. pagsilay at pagtingin

c. nanlumo at nanghina

d. hinagupit at hinaplos

7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa awiting bayan?

a. Dandansoy

b. Arimunding-munding

c. Leron-leron sinta

d. Ang bayan ko

8. Ito ay ang Pinakamataas na antas ng wika.

a. Balbal

b. Lalawiganin

c, Pambansa

d. Pampanitikan

9. Ito ay itinuturing na salitang kalye o salitang kanto.

a. Balbal

b. Lalawiganin

c. Pambansa

d. Pampanitikan

10. ________ matatag ang loob ni Guia kaysa kay Jenefer.

a. Pinaka

b. Mas
91

c. Hamak

d. Magkasing

11. Ang akdang pinamagatang “Ang Paghahanap ni Humadapnon kay


Nagmalitung Yawa” ay nagmula sa pronbinsya ng __________.

a. Panay

b. Marinduque

c. Cebu

d. Gensan

12. Sino-sino ang mga tauhan sa Maikling kuwentong pinamagatang “Ang


Sastre”?

a. Tay Omeng, Andrea at Mikael

b. Tay Omeng, Manding Pacit, Miguel

c. Tay Omeng, Maria Malindig, Miguel

d. Tay Omeng, Pacita, Miguel

13. Dapat magsikap ___________ nabubuhay.

a.Totoo

b.Tunay

c.Samantala

d. Habang
92

14. Ito ay kahulugan ng isang pahayag na makikita sa diksiyonaryo o ang literal


nitong kahulugan.

a. Denotasyon

b. Konotasyon

c. Konstitusyon

d. Populasyon

15. Ang _____________ay kahulugan ng isang pahayag na iba sa literal na


kahulugan na nabuo ng isang pangkat o panahon.

a. Denotasyon

b. Konotasyon

c. Konstitusyon

d.Populasyon

B. Panuto: Ano ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod: Piliin ang titik ng


wastong sagot.

16. Ibig kong magsaka na ang aanihin. Ikabubuhay ko ma’y sa pawis ko galing.

a. Paghingi ng tulong sa ibang tao

b. Pagsisikap sa sariling paraan

c. Gawing mag-isa ang isang Gawain

d. Hindi paghingi ng tulong sa iba


93

17. May isang bagay na malinaw na malinaw kong tinatandaaan tungkol kay
Tata More. Hindi pa siya pumupunta sa amin nang di niya taglay ang ingay at
halakhak.

a. Masayahing tao si Tata More

b. Maraming naiinis kay Tata More

c. Mahirap kalimutan si Tata More

d. Madaldal si Tata More

18. Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan ngunit
matatag na nakatindig sa pinagwagiang larangan.

a.Siya ay natalo sa labanan

b.Patas lang ang naging resulta ng laban

c.Nagtagumpay siya sa laban

d.Hindi niya matanggap ang pagkatalo

19.” Hindi ko kailangan ang kakampi. Darating akong mag-isa! Paalam! “

a. mayabang ang nagsasalita c. duwag ang nagsasalita

b. matapang ang nagsasalita d.may-isang salita ang nagsasalita

20. Ilang linggo lang nagsama si Labaw Donggon at Ginbitinan ay nabalisa na


naman si Labaw dahil nais niyang puntahan ang isang magandang babaing
siyang patnubay ng ilog at bukal. Hindi siya napigil ng asawa sa pagtungo doon
at nakamit niya si Anggoy Doronoon.

a. tapat na asawa si Labaw Donggon

b. Isang palikero si Labaw Donggon

c. Mahilig sa babaing may asawa si Labaw Donggon


94

d. Hindi marunong magmahal si Labaw Donggo

21. Walang maidudulot na tama ang kadamutan.

a. Tama, dahil ito ay maling gawa.

b.Tama , dahil pwedeng patawarin ang madamot

c.Mali, Dahil hindi pwedeng magbago ang madamot

d.Mali, dahil kapag madamot hindi nakapag-iisip ng tama

22. Pinagbilinan ni Lokes a Babay ang kanyang mga gwardya na huwag na


huwag palalapitin ang kanyang asawa sa kanyang magarang tahanan.
Mahihinuhang si Lokes a Babay ay:

a .mapaghiganti c . masungit

b. mapagkumbaba d. mabait

23. Kilala ang islang ito bilang “Lupang pangako o Land of Promise”.

a.Luzon c. Visayas

b.Mindanao d. Palawan

24.“Huwag kang magtatagal anak baka kainin ako ni Busaw”. Anong damdamin
ang nangingibabaw sa pahayag na ito?

a.Pagkagalit c. Pangangamba

b.Pagkatuwa d. Pagkalungkot

25.Sinasalamin ng kwentong bayan ang mga sumusunod maliban sa

a.Kaugalian c. Paniniwala
95

b.Tradisyon d. Tunggalian

26.Iniwan ni kakamwem ang ina sa bahay at nangaso. Ang salitang may


salungguhit ay nangangahulugang _______.

a . nanghuli ng isda

b. nagtanim ng palay

c. nanguha ng panggatong

d. nanghuli ng mga hayop gamit ang sibat.

27.Binubuo ng mga kwento tungkol sa buhay,pakikipagsapalaran, pag-


iibigan,katatakutan at katatawanan na kapupulutan ng magandang-aral.

a.epiko c. maikling kwento

b.alamat d. kwentong bayan

28.Mga pahayag na naglalayong higit na maging malinaw ang isang kaisipang


inihahayag.

a.nagpapatunay c. nangangatuwiran

b.naglalarawan d. nagsasalaysay

29.Alin sa sumusunod na mga kwentong- bayan ang nanggagaling sa


Mindanao?

a.Si Malakas at si Maganda c . Si Kamamwem

b.Mariang Makiling d. Sa Pula Sa Puti

30.”Aray! “Aray!” Makakain na talaga ako nito ni Busaw!” Ano ang damdaming
ipinahahayag ng pangungusap?

a.takot c. galit
96

b.tuwa d. pagkabigla

31.“Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan,” naibulong
ni Lokes a Babay sa sarili nang matuklasang niloko siya ng asawa nang
pagpalitin ni Lokes a Mama ang hayop na nahuli ng kanilang bitag. Anong
paguugali ni Lokes a Babay ang mahihinuha rito?

a.Siya ay mapagbigay. c. Mahaba ang kaniyang pasensya.

b.Mapagmahal na asawa. d. Mapagpatawad sa kaniyang asawa

32. Walang maidudulot na tama ang kadamutan.

a. Tama, dahil ito ay maling gawi.

b. Tama, dahil puedeng patawarin ang madamot.

c. Mali, dahil hindi puwedeng magbago ang madamot.

d. Mali, dahil kapag madamot hindi nakapag-iisip ng tama.

33. Magkaiba man ng katawagan, ngunit nagmula naman sa iisang Maylikha.

a. Tama, dahil tayo ay mga Pilipino na iisang lahi.

b. Tama, dahil iisa ang maylikha ng lahat.

c. Tama, dahil sa bayaning nagbuwis ng kanilang buhay.

d. Tama, dahil tayo ay nasa iisang bansa.

34. Bago pa man dumating ang mga Kastila may sarili ng sibilisasyon ang
Pilipinas.

a. Tama, dahil pinatutunayan ito ng mga sinaunang paraan ng pagsulat at


pamahalaan.
97

b. Tama, dahil may panitikan na nakasulat sa mga aklat.

c. Mali, umasa lang tayo sa tradisyong bitbit ng mga kastila.

d. Mali, dahil sila mismo ang bumuo ng sibilisadong mga Pilipino.

35. “Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin. Alam ko na ang


ginagawa mong panloloko sa akin. Payag na ako sa dati mo pang sinasabing
pakikipaghiwalay sa akin,” pahayag ni Lokes a Babay. Ano ang
mahihinuhang kalagayan ng mga kababaihan sa kanilang lipunan?

a. Makapangyarihan ang mga lalaki sa tahanan.

b. Makapangyarihan ang mga babae sa lipunan.

c. May kapangyarihan ang mga lalaking makipaghiwalay.

d. May kakayahan ang mga babaeng ipagtanggol ang sarili.

B. Maghinuha sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng


kuwentong bayan batay sa mga pangyayari o usapan ng mga tauhan. Bilugan
ang tamang sagot.

36. “Gusto ko makatikim ulit ng matabang usa. Halika, maglagay tayong muli ng
bitag

sa gubat,” sabi ni Lokes a Mama. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na


ito?

a. Madaling makahuli ng usa sa gubat.

b. Sagana ang gubat ng mga hayop na maaaring mahuli.

c. Hindi nauubos ang mga hayop sa kanilang mga kagubatan.

d. Hindi ipinagbabawal ang ang panghuhuli ng mga hayop sa gubat.


98

37. Ang mag-asawa sa binasa ay kapwa nabubuhay sa pangangaso.


Mahihinuha na

ang kanilang lugar ay…

a. magubat at mapuno c. nasa lungsod

b. nasa tabing-dagat d. nasa kapatagang taniman ng palay

38. Pinagbilinan ni Lokes a Babay ang kaniyang mga guwardiya na huwag na


huwag palalapitin ang kaniyang asawa sa kaniyang magarang tahanan.
Mahihinuhang si Lokes a Babay ay…

a. mapaghiganti

b. mapagkumbaba

c. masungit

d. mabait

39. Sa paanong paraan niloko ni Lokes a Mama ang kanyang asawa?

a. Pinagpalit nya ang kanyang huling ibon sa huli ni Lokes Babay na isang
matabang usa.

b. Sa pagtaksil kay Lokes a Babay.

c. Sa pag-iwan kay Lokes a Babay.

d. Sa pakikipag-apid sa ibang babae.

40. Si Lokes a Babay ay bumili ng malawak na lupain at nagpatayo ng isang


torogan o malapalasyong tirahan. Ano ang mahihinuhang kalagayan ni Lokes a
Babay?

a. Umunlad ang kaniyang pamumuhay.

b. Naghirap siya nang umalis siya sa kaniyang asawa.

c. Hindi na siya nanghuhuli ng hayop sa gubat.


99

d. Swerte ang munting ibon na kaniyang nahuli sa gubat.

41. Ang ay anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga


pangyayri sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng kakintalan sa mga
mambabasa.

a.Maikling Kwento c.Tagpuan

b. Tauhan d. Banghay

42. Ano ang pumapasok sa isipan mo kapag narinig ang salitang


dokumentaryo?

a. Dula c. Kwento

b. Tula d. Balita

43 .Ito’y tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng kweto sa


dokyu- film.Dito makikita ang layunin ng kwento.

a. Sinematograpiya c. Tunog at musika

b. Banghay d. Sinema

44. Nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari, ito ay


tinaguriang?

a. sinematorapiya c. dayalogo

b. banghay d. special gift

45 . Ang wastong pagkuha ng anggulo upang maipakita sa mga manonood sa


bias ng ilaw at lente ng kamera.

a. Sinematograpiya c.limelight

b. Script d. kamera
100

46 .Ano ang bahagi ng kwento na naglalaman ng pinakatinding galaw o


pangyayari?

a. Kasukdulan c. tauhan

b. Kakalasan d. tagpuan

47 .Pinapaganda nito ang pelikula upang mahatak ang mga manonood.

a. Sinematograpiya c. banghay

b. Special effects d. dayalogo

48. Ito ay nakatutulong para sa buhay at galaw ng pelikula

a. Tunog at musika c. script

b. Awit d. sinematograpiya

49 . Sila ang nagtatala ng kwento ng tauhan upang maisapelikula at


mapatunayang ito ay totoo.

a. Dokumentarista c. bida

b. Artista d. director

50 .Ang puhunan para gumaan ang buhay sa kabila ng kahirapan.

a.panalangin c. kasipagan

b.pag-iisip d. mangarap

KURIKULUM VITAE
101

Personal na Impormasyon

Pangalan : Chary vie T. Baligod

Palayaw : Charry

Lugar ng Kapanganakan : San Mariano, Isabela

Tirahan : Dicamay, San Mariano, Isabela

Araw ng Kapanganakan : December 01, 2000

Cellphone Number : 09382519519

Pangalan ng Magulang

Ama : Busoy T. Baligod

Ina : Jacquiline T. Baligod

Natamong Edukasyon

Level Paaralan Taon ng Pagtatapos

Elementarya Dicamay Integrated School 2012-2013

San Mariano, Isabela

Sekondarya Dicamay Integrated School 2015-2016

San Mariano, Isabela

Kolehiyo Isabela Colleges, Inc.

Don Jose Africano St., Cauayan City, Isabela

Kurso Batsilyer ng Edukasyong Pangsekondarya

Meyjor sa Filipino
102

KURIKULUM VITAE

Personal na Impormasyon

Pangalan : Ariel D. Pauig

Palayaw : Ar

Lugar ng Kapanganakan : Tappa, San Mariano, Isabela

Tirahan : Purok 3 Tappa, San Mariano, Isabela

Araw ng Kapanganakan : March 05, 1998

Cellphone Number : 09703661491

Pangalan ng Magulang

Ama : Randy S. Pauig

Ina : Alma R. Pauig

Natamong Edukasyon

Level Paaralan Taon ng Pagtatapos

Elementarya Tappa Elementary School 2011-2012

San Mariano, Isabela

Sekondarya Cadsalan Integrated School 2015-2016

San Mariano, Isabela

Kolehiyo Isabela Colleges, Inc.

Don Jose Africano St., Cauayan City, Isabela

Kurso Batsilyer ng Edukasyong Pangsekondarya


103

Meyjor sa Filipino

You might also like