You are on page 1of 3

ASSH2003

Pangalan: Seksyon:
Petsa: Puntos:

Basahin at unawain ang kuwento sa ibaba. Sagutin ang mga sumunod na katanungan. Sagutan ang mga
hinihingi sa mga patlang upang malaman ang bilis sa pagbasa at antas ng pag-unawa.

Oras ng simula ng pagbabasa: ____________

“Ang Mahiwagang Singsing ni Reyna Marikit”

Matagal ng patay ang hari ng Calvar na si Haring Damian. Ang kanyang kaharian ay makikita sa pinaka-dakong
silangan ng mundo. Naiwan ito sa kanyang kabiyak na si Reyna Marikit.

May apat na anak na lalake ang hari at reyna. Sila ay sina Prinsipe Diego, Prinsipe Faustino, Prinsipe Tales, at
ang bunso, si Prinsipe Marfino. Marami ang nagtataka kung sino sa apat na prinsipe ang magiging
tagapagmana ng kaharian.

Isa lang ang pwedeng magmana ng kaharian. Subalit, lingid sa alam ng marami, hindi ang kaharian ang nais
manahin ng apat na prinsipe kung hindi ay ang mahiwagang singsing ng kanilang ina.

Tanging ang Haring Damian at ang kanilang mga anak ang nakakaalam na ang singsing ni Reyna Marikit ang
dahilan kung bakit hindi maubos-ubos ang kayamanan ng kanilang kaharian.

Isang araw, naramdaman ng reyna na talagang humihina na siya at kailangan na niyang makapagpasya kung
kanino ibibigay ang singsing. Tanggap na niya na anumang oras ay pwede siyang mawala.

Upang malaman ng reyna kung kanino niya dapat ibigay ang singsing, tinawag niya ang apat na anak na lalake
at binigyan sila ng maraming ginto.

“Pumunta kayo sa kabilang kaharian. Sa kaharian ng Tipora. Bawat isa sa inyo ay magdala ng tig-dalawang
sako ng ginto. Nasa sa inyo kung anong gagawin ninyo sa gintong dala ninyo doon,” sabi ng reyna sa apat
niyang anak.

Dali-daling kumuha ng tig-dadalawang sako ng ginto ang magkakapatid. Sumakay sila sa kanilang mga kabayo
at umalis na patungong kaharian ng Tipora. Pagdating nila doon, nakita ni Prinsipe Diego ang prinsesa ng
Tipora.

“O magandang prinsesa, ipagpaumanhin mo po pero naririto kami ng aking mga kapatid upang tignan kung
maayos lang ba ang kalagayan ninyo dito?” sambit ng prinsipe na siya namang ikinagulat ng kanyang mga
kapatid.

Lumakad na ang tatlong prinsipe at naiwan si Prinsipe Diego na sadyang gandang-ganda sa prinsesa. Buong
maghapon silang nag-usap ngunit halatang ayaw ng prinsesa sa kanya hanggang sa nakarinig ito ng
masasarap na salita.

“May dala akong dalawang sako ng ginto. Nais ko sanang ibigay ito sa kaharian ninyo bilang regalo,” sabi ni
Prinsipe Diego na siyang nagpa-iba ng pakikitungo ng prinsesa sa kanya. Dahil dito, nakuha niya ang loob ng
prinsesa.

Habang naglalakbay sa Tipora, biglang huminto si Prinsipe Faustino sa isang lugar kung saan maraming
nagbebenta ng magagandang kasuotan at alahas. Nagpaiwan siya doon at doon niya ginamit ang dala niyang
mga ginto.

01 Worksheet 2 *Property of STI


Page 1 of 3
ASSH2003

“Bagay ang mga ito sa akin, sa susunod na hari ng Calvar,” sabi ng prinsipe habang namimili ng mga kasuotan
na bibilhin.

Habang naglalakbay sina Prinsipe Tales at Prinsipe Marfino, nakarating sila sa isang parte ng kaharian na
maraming magsasaka, alipin, at pulubi na nakatira. Doon, ipinamigay ni Prinsipe Tales ang isang sako ng ginto
na dala niya.

“Mukhang hindi yata mabuti ang pakiramdam nitong kapatid ko. Ipinamigay lang niya ang isang sako ng ginto,”
sabi ni Prinsipe Marfino sa sarili habang ipinapanood ang ginagawa ni Prinsipe Tales.

Bago dumilim, naglakbay na pabalik ng Calvar ang magkakapatid. Wala nang ginto na dala sina Prinsipe Diego
at Prinsipe Faustino. Isang sako ng ginto naman ang dala ni Prinsipe Tales pabalik at si Prinsipe Marfino naman
ay dalawang sako pa rin.

Pagdating nila sa Calvar, agad na nagpahinga ang tatlong prinsipe samantalang si Prinsipe Tales ay tumungo
ng Eukagereya, ang lugar sa kanilang kaharian kung saan nakatira ang mga ordinaryong manggagawa.

Doon, pumasok ang prinsipe sa mga bahay-bahay at ipinamigay ang mga ginto na dala niya. Labis naman itong
ikinagalak ng mga tao.

Kinabukasan, ipinatawag ni Reyna Marikit ang apat na prinsipe. Doon niya sinabi sa kanyang mga anak ang
pasya niya tungkol sa kaharian at sa mahiwagang singsing.

“Mga mahal kong prinsipe, nakapagpasya na ako kung kanino mapupunta ang pamamahala sa kaharian at ang
mahiwagang singsing. Masakit man sa akin ang mamili sa inyo pero kailangan kong gawin ito at sana’y
maintindihan ninyo.

Prinsipe Diego, hindi ko maaaring ibigay sa iyo ang singsing sapagkat hindi ito pwedeng gamitin sa pansariling
mga intensyon. Ito ay hindi mo pag-aari tulad ng ginto na ibinigay mo sa prinsesa upang makuha siya. Kaharian
ang may-ari nito.

Prinsipe Faustino, hindi sa damit nasusukat ang pagiging hari o reyna. Ito ay nasusukat kung paano mo
pangalagaan ang iyong kaharian kabilang na ang yaman nito.

Prinsipe Marfino, tanging ikaw ang hindi gumamit ng ginto na dala mo sa Tipora. Maging sa pag-uwi mo dito ay
walang bawas iyon. Subalit, sana’y maintindihan mo na ang yaman na tinatago ay hindi naglalago. Maraming
tao ang nangangailangan nito.

Kaya, ako’y nakapagpasya na ang susunod na magiging hari ng Calvar ay si Prinsipe Tales. Sa kanya rin
mapupunta ang mahiwagang singsing. Katulad siya ng ama ninyo na nais tumulong sa mga pinakamaliliit na
tao sa kaharian.

Hindi rin nagdalawang-isip si Prinsipe Tales na tumulong sa mga dukha sa kabilang kaharian. Alam ninyo na
hindi kailanman mauubos ang yaman na ibinibigay ng mahiwagang singsing kung kaya’t tutulongan ang dapat
tulungan,” sabi ng reyna.

Lubos na naintindihan ng magkakapatid ang pasya ni Reyna Marikit. Labis rin nilang isina-isip ang mga sinabi
niya. Ang apat na prinsipe ay nagkasundo na magsumikap sa pagpapatakbo ng kaharian at pagtulong sa mga
nangangailangan.

Pinagkuhanan: https://philnews.ph/2018/12/10/maikling-kwento-mahiwagang-singsing-reyna-marikit/

Tanong:

1. Sino ang pumanaw na hari ng Calvar?

01 Worksheet 2 *Property of STI


Page 2 of 3
ASSH2003

A. Faustino
B. Malvar
C. Damian
D. Tales
2. Saang kaharian pinapunta ng reyna ang mga prinsipe?
A. Calvar
B. Tipora
C. Eukagereya
D. Engkantasya
3. Sino sa mga prinsipe ang huminto sa bilihan ng mga magagandang kasuotan at alahas?
A. Prinsipe Diego
B. Prinsipe Faustino
C. Prinsipe Tales
D. Prinsipe Marfino
4. Sino sa mga prinsipe ang napiling maging hari ni Reyna Marikit na mamahalala ng kaharian?
A. Prinsipe Diego
B. Prinsipe Faustino
C. Prinsipe Tales
D. Prinsipe Marfino
5. Kung ikaw ay isa sa mga prinsipe na may dalawang sako ng ginto, ano ang iyong gagawin dito?
Sumulat ng isang pangungusap lamang.

_________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

6. Ano kaya ang nais iparating ng manunulat ng kuwentong ito? Magbigay ng hindi bababa sa dalawa (2).

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

Oras na matapos ang pagbasa at pagsagot ng mga katanungan: ______________________

Kabuuang oras/minuto na iginugol sa pagbasa at pagsasagot ng kuwento: _______________

01 Worksheet 2 *Property of STI


Page 3 of 3

You might also like